“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Pinunasan ni Rana ang mga butil ng pawis sa kanyang noo habang inilalapag sa lamesa ang huling putaheng inihanda niya. Bumukas ang pintuan at pumasok si Bryson kaya mabilis niya muling inayos ang sarili.“Buti nalang naka-downy ako. Hindi ako amoy ulam!” ngisi niya sa kanyang utak.Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya nang sa likuran ng asawa ay ang nakangising mukha ni Pey ang tumambad sa kanya.Tatlong taon na silang kasal ni Bryson, pero tatlong taon din siyang binabalewala nito.Sa bawat gabing hindi ito umuuwi sa bahay nila, palaging nagpapadala si Pey ng mapanuksong mensahe, mga larawan nilang dalawa ng lalaki na magkasama.Lantarang pinapamukha nito, kung ano sila ng asawa niya.Paalala kung gaano siya kahirap sa isang pilit na pagsasamang walang kaligayahan.Mahinhin na hinawakan ni Pey ang braso ni Bryson at hinamas-himas ito."Pasensya na kung biglaan ang pagdating ko, Rana." ngumisi ito. "Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito? Ang galing mo talaga! Hindi tulad ko, mahina
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Pey. Ngumisi siya ng nakakaloko bago pumasok sa kwarto ni Rana."Kung ako ikaw, matagal ko nang hiniwalayan si Bry. Wala siyang kahit anong pagmamahal para sa'yo." nanunuya nitong patuloy.Kumunot ang noo ni Rana."Mahalaga ba iyon? Hangga’t hindi pa ako nakikipaghiwalay, ako pa rin ang Mrs. Deogracia." asik niya rito. "Hanggang dyan ka nalang, Pey. Mananatili kang mababang uri ng babae dahil mananatili kang kabit!" Umasim ang mukha ng babae ngunit agad ring napalitan ng nakakaloko na namang ngisi. Umikot ang paningin ni Pey sa buong kwarto."’Wag kang masyadong mayabang. Paano kung masaktan ako sa kwarto mong ito?" pinasadahan ng daliri nito ang lamesang nasa tabi niya. "Ano sa tingin mo ang gagawin ni Bryson at ng buong pamilya niya sa'yo?"She was taken aback. Alam na alam ni Rana na hindi siya paniniwalaan ni Bryson. Alam niyang lugi siya."Lumabas ka.""Tatlong taon... napakatagal na. Narito ako ngayon para sabihin sa'yo na hindi na ako maghihin
Nanlamig ang puso ni Rana. Maging siya ay hindi makapaniwalang masasabi niya ito."Mula ngayon, wala na tayong kinalaman sa isa’t isa. Pakasalan mo si Pey o kahit sino pa. Wala na akong pakialam!"Tinapon niya ang singsing kay Bryson. Rumehistro sa mukha nito ang disgusto sa ginawa niya.Pinulot nito ang singsing. "Gusto mong makipaghiwalay? Ibibigay ko ang gusto mo. Pero bago iyon, kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo."Matatag ang tingin ni Rana. "Noon, tiniis kita dahil mahal kita. Pero ngayon, napagtanto ko kung gaano ako naging bulag para mahalin ka! Gusto mong kunin ang bato ko? Ito oh! Dalawa pa." she raised her two middle fingers at him.Lalong nagalit ang lalaki."Bakit hindi bato mo ang ibigay mo? Tutal mahal na mahal mo naman siya diba?"Itinulak niya ang doktor at tumakbo papasok ng kwarto ni Pey. Sinubukan siyang pigilan ngunit mabilis siyang nakapasok sa loob.Nakahiga si Pey sa kama at nakikipag-usap sa nurse."You want my life? Hindi ko inakalang may mas ibababa
Pigil na pigil ang galit ni Ruan habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kapatid.Maagang binawian ng buhay ang kanilang mga magulang, kaya't siya ang nag-alaga kay Rana mula pagkabata.Hindi niya kailanman hinayaang magdusa ang kapatid.Kung hindi lang dahil sa pangako niyang hindi ibubunyag ang tunay na pagkatao ni Rana ay hindi niya palalampasin ang Deogracia na iyon nang ganoon na lang.Pagod na sa kakaiyak, mahina at paos na nagsalita si Rana.“Kuya, gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya.”Napagtanto na itong lahat ni Ruan pagkatapak na pagkatapak palang ng kapatid sa kanilang pintuan.Para sa tinatawag na ‘pag-ibig’, ibinaba ni Rana ang sarili.Tiniis ang lahat, at pinutol ang ugnayan sa kanyang pamilya at mga kaibigan.Ginawa na niya ang lahat para sa batang Deogracia na iyon.Kumuyom ang kamao ni Ruan at nagtagis ang panga. Umuusbong ang galit para kay Bryson.Lumapit siya sa kapatid at hinaplos ang buhok nito nang may lambing. “Sige.”“Katulad ng napag-usapan, ako ang
Natameme nalang si Bryenne sa kanyang kuya. Dahil habang binabasa ang mga dokumento, lalong lumala ang ekspresyon sa mukha ni Bryson."Kuya?" maingat na tanong ni Bryenne. "Gusto ba niyang humingi ng pera?"Pinipigil ni Bryson ang kanyang emosyon habang binabasa ang malinaw at diretso nitong mga termino.Isang kasunduan na walang anumang hinihinging kapalit.Nakita ni Bryenne ang hindi magandang ekspresyon ng kanyang kapatid at mas lalo siyang naniwala sa kanyang hinala.Pumitik ang babae sa hangin."Sabi ko na nga ba! 'Yang ganyang klaseng babae ay nagpakasal lang sa'yo para sa pera. Ngayon na nakikita niyang seryoso ka kay Feia, alam niyang wala na siyang pag-asa kaya gusto niyang makuha ang lahat sa isang bagsakan. Hindi mo dapat tanggapin ang kasunduang ito!"Sa isip ni Rana, ang mga kondisyong inilagay niya ay napaka-basic na kaya wala na dapat dahilan para tanggihan ito ni Bryson.Kumunot ang noo ni Bryson sa kapatid. Kinuha niya ang telepono at may tinawagan."Makaka-alis ka na
Nakahilig si Rana sa front desk habang madilim ang ekspresyon na nakatingin sa pagbukas ng private elevator.Samantala, ang dalawang babaeng nakatao sa front desk ay walang pakundangang nag-tsi-tsismisan.“Hay, ang mga babae ngayon, kahit ibenta na ang sarili, makaangat lang sa lusak. Hindi man lang nila tinitingnan ang sarili nila kung kagusto-gutso ba sila.”“Kaya nga! Araw-araw, may mga naghahanap kay President Vern mula sa elevator hanggang sa pintuan ng kumpanya. Nakakainis na!”“May iba namang nag-aakalang espesyal sila, pero pare-pareho lang naman! Ang aasim! Makakita lang ng gwapo at mayamang lalaki, hahabulin hanggang opisina. Wala na bang kahihiyan?”Kinagat ni Rana ang kanyang labi sa inis."Tapos ihahanay niyo ko dyan." irap niya sa hangin.Biglang bumukas ang elevator at lumabas ang isang lalaking nakasuot ng three piece suit at sa likod niya ang ilang empleyadong may hawak na mga dokumento at laptop.“President Vern, hindi pa tapos ang meeting, pero paki-check na po ang
Karamihan sa silid na iyon ay mga lalaking nasa late 40's ang edad. Natitigilan at tila bagong discover na species siya na ine-examine ng mga ito."Langyang Vern na ito, malay ko ba naman kasing ipababalandra na ako agad sa lahat." kagat labing niyang sabi sa isip."Ito mga matandang ito naman, kala mo naman nasa bumbunan ko si Angeli Khang kung makatingin. Nakakailang na, ha."Pinisil niya ang daliri sa ilalim ng lamesa ngunit pinanatili niya ang malamig na tingin sa mga ito."Buti nalang pasok pa rin sa banga ang make-up ko. Kahit mukhang basahan ang suot ko, slay pa rin."Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay may isang lalaking nagtaas ng kamay.“President, I am sorry to ask, pero.. hindi ba masyadong biglaan ang desisyong ito?”At sa isang tanong na iyon ay umingay ang paligid.Kanya-kanyang bulungan na ang mga naroon. Tila gatilyo iyon ng matagal nilang pakikiramdam.“Mr. President, alam niyong ang paghawak ng kumpanya ay hindi biro. Hindi ba dapat muna itong pag-usapan na
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu
Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma
Paglabas nila ng ospital, si Rana at Vern ay dumiretso sa RR Group.Halatang hindi maayos ang estado ni Vern.Nakatitig lang siya sa hawak niyang kwintas at matagal na hindi nagsalita.Alam ni Rana na iniisip niya ang kanyang ina.Maaaring nasabi niya ang lahat ng masasakit na salita sa mag-ina, ngunit hindi sapat iyon.Sigurado siyang tumagos rin sa puso ni Vern lahat ng sinabi ni Eliza patungkol sa kanyang ina.Kaya hinayaan niya itong lumubog muna sa sarili nitong emosyon.Dahil alam niyang sa kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din nito ang lahat.Nang medyo bumuti ang kalagayan ni Vern ay saka lamang siya nagsalita."Sa susunod na araw, may banquet ang Lopez family. Kailangan kong maghanda. Puwede ba kitang imbitahan na maging kasama ko?"Nagulat si Vern.Tinitigan niya si Rana na para bang puzzle pieces.Pero hindi na hinintay ng babae ang sagot niya.Kahit tumanggi pa siya ay kailangan pa ring sumama siya.Kaya mataray na niyang pinindot ang elevator papunta sa design depa
Muli pa sanang ipapatak ni Pey ang kanyang luha.Ngunit nang mag-angat siya ng tingin kay Bryson ay natigilan siya.Hindi niya inasahang matalim ang tingin nito sa kanya.Hindi niya maiwasang matakot.Lalong bumagsak ang damdamin ni Pey.Parang nauuyam pa ito sa kanya.Hindi pa niya kailanman nakita ang ganitong tingin mula kay Bryson.Malamig, walang emosyon at parang nakatingin sa isang bangkay.Siguradong iniisip ni Bryson na niloko sila nina Pey at ng kanyang ina.Sa kanilang mga kwento noon sila ay laging biktima ng pang-aabuso ni Vern.Hindi kailanman sila nakatikim ng awa sa lalaki.Ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina dahil sa galit ay malayong-malayo sa mga kasinungalingang sinabi nila noon. Pati ang problema sa kanilang pamilya ay nalaman na nito.Tila nahubaran sila sa harap ni Bryson.Siniwalat ang kanilang baho kung kailan hindi nila iyon napaghandaan.Kaya naman alam na ni Bryson ang kanilang tunay na pagkatao.At ngayon ay nais na silang talikuran.Ayaw na niyang
Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk
“Wala kang karapatang magsalita dito, Rana. Pwedeng tumahimik ka na lang?! Mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon.”Natatakot si Pey na magsabi pa ng hindi kontroladong bagay si Rana, kaya agad niya itong pinigilan.Tumawa si Rana ng may pang-iinsulto.Halos itulak niya si Vern na sa kanyang harapan para lang mas maharap ang mag-ina.“Ginagawa niyo na tapos hindi niyo kayang aminin? Parang ngayon lang. Klarong klaro na ang nanay mo ang unang naghanap ng gulo sa akin. Siya ang pumunta sa lugar ko. Sumubok pang pwersahang pumasok mismo sa bahay ko. Tapos ako pa ang pinapalabas na may kasalanan?”Napayuko si Bryson.Inilagay niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang bulsa.Nagtatagis ang kanyang panga dahil sa mga naririnig.At sa nagiging tahimik na response ng ginang.If they are innocent they would react.“Ang mga kasinungalingan niyong mag-ina ay talagang nakakabilib! I-KMJS na ‘yan!”Sinubukan pa ni Rana na magbiro habang nagtatagis ang panga sa galit para sa mag-ina.They never learn