If It's Wrong To Love You

If It's Wrong To Love You

last updateLast Updated : 2024-07-23
By:  Writer Zai  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
31Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

To provide for her sick father's medicine and daily needs, Kaye decided to try her luck in Manila. But it was a big mistake, she turned out to be a prostitute instead of a housemaid. A man got her virginity and it was her only costumer until she helped her to escaped from the dark place in which she was trapped. He took her and brought her into his condo and even offered a good-paying job. Living under the same roof, they couldn't help but fall in love with each other. But all of that was wrong, because the man she really loves has already owned by someone else. Should she fight for him or move on?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

BAON ni Kaye ang pangaral ng magulang patungong Manila. Kahit masakit na iwanan ang magulang ay ginawa niya lalo na't may sakit ang kaniyang ama. Kailangan niyang kumayod para tustusan ang gamot nito. May trabaho naman siya sa lugar na kinalakihan ngunit hindi sapat para sa kanila. Yakap ang isang lumang packbag, taimtim siyang nanalangin para sa kaniyang kaligtasan sa lugar na pupuntahan. Ito ang unang beses na tatapak siya sa lungsod , kaya ganoon na lamang ang takot sa kaniyang dibdib. Bagama't kakilala ng ina niya ang kumuha sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano, lalo na't marami siyang napapanuod sa telebisyon na patayan doon. Ilang oras ding nagbiyahe ang bus bago narating ang Manila. Sa terminal ng bus ay susunduin siya ni Ate Menchi, ang taong nag-alok sa kanya ng trabaho na kakilala ng kaniyang ina. Pagkababa niya ay agad siyang sinalubong nito. "Kumusta ang biyahe?" Nakangiti itong lumapit sa kaniya. Kanina pa pal

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
31 Chapters

Chapter 1

BAON ni Kaye ang pangaral ng magulang patungong Manila. Kahit masakit na iwanan ang magulang ay ginawa niya lalo na't may sakit ang kaniyang ama. Kailangan niyang kumayod para tustusan ang gamot nito. May trabaho naman siya sa lugar na kinalakihan ngunit hindi sapat para sa kanila. Yakap ang isang lumang packbag, taimtim siyang nanalangin para sa kaniyang kaligtasan sa lugar na pupuntahan. Ito ang unang beses na tatapak siya sa lungsod , kaya ganoon na lamang ang takot sa kaniyang dibdib. Bagama't kakilala ng ina niya ang kumuha sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano, lalo na't marami siyang napapanuod sa telebisyon na patayan doon.  Ilang oras ding nagbiyahe ang bus bago narating ang Manila. Sa terminal ng bus ay susunduin siya ni Ate Menchi, ang taong nag-alok sa kanya ng trabaho na kakilala ng kaniyang ina. Pagkababa niya ay agad siyang sinalubong nito. "Kumusta ang biyahe?" Nakangiti itong lumapit sa kaniya. Kanina pa pal
Read more

Chapter 2

UMIYAK nang umiyak si Kaye. Ang tanging hangad lang naman niya ay matustusan ang amang maysakit, ngunit dusa pala ang kababagsakan niya. Nang dahil sa pagtitiwala, ngayo'y nasa panganib siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari. Kung sino pa ang taong pinagkakatiwalaan mo ay siya pa palang maglulubog sa iyo.Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, high school graduate lang siya, kaya wala siyang maayos na trabaho. Kasambahay na nga lang ang papasukin niya para hindi na siya mahirapan pang mag-ayos ng mga requirements kung sakali, delubyo pa ang kahahantungan niya."Wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin ang kapalaran dito sa Manila." Lumapit sa kanya si Rose. Naging malapit sila ni Rose noong nag-aaral pa sila. Ngunit sa huli ay lumayo ito sa kaniya na hindi niya alam ang dahilan kung bakit. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung bakit. "Hindi!" mariing tanggi niya. "Hindi ako papayag. Katulong ang pinasukan ko at hindi prost
Read more

Chapter 3

HINDI halos dalawin ng antok si Kaye. Maaaring nakaligtas siya sa gabing iyon, ngunit paano ang susunod na mga gabi? Magiging isang basahan na rin siya. Isang babaing bayaran tulad ng iba niyang kasama. Kahit yata manalangin siya sa lahat ng Santo ay walang mangyayari. Ang tanging paraan upang maligtas siya ay ang makatakas. Ngunit paano? Paano siya makakatakas? Papaano niya matatakasan ang putik na kinasadlakan? "Inay, Itay..." sambit niya. "Matulog ka na, Kaye. Walang makakarinig sa iyo rito kahit pa ang Diyos." Mababakas sa tinig ni Rose ang galit. Nadama niya ang hirap na tiniis nito mabigyan lamang ng sapat na salapi ang pamilya. Tulad niya, si Rose lamang ang inaasahan ng pamilya nito. May dalawa itong kapatid ngunit mga bata pa. Ang ama ay baldado na dahil sa naganap na trahedya tatlong taon na ang lumipas. Ang ina nito'y nagtitinda lamang ng kakanin. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayang napapikit na rin siya ng mga mata kahit a
Read more

Chapter 4

"KAYE, kumusta ang costumer mo? Masarap ba ang first time?" Napatawa ang karamihan sa narinig mula kay Rose. Napahinto siya't pinukol ito ng masamang tingin. "Ops, sorry!"Hindi niya natiis ang galit na umusbong sa kanyang dibdib, sinugod niya si Rose, "Hindi ka nakakatuwa.  Hindi ka nakakatulong. Kung okay sa inyo dahil kumikita kayo ng malaking pera, ako hindi!" Inawat siya ng mga kasama ngunit bago siya tuloyang naawat, nakalmot niya ang braso ni Rose."Aray! Buwisit ka! Sinira mo ang katawan ko." Akmang ito naman ang susugod. "Tama na. Tama na iyan!" Pumagitna si Olga. "Hindi ito ang tamang panahon para mag-away-away tayo. Ikaw, Rose, n'ong una ka ba rito, may nagtanong ba sa iyo ng marasap ba ang first time mo? Hindi ba't wala?" Sa halip na lumambot si Rose ay nagalit pa ito. Lalo na't siya ang kinampihan nang ilan, idagdag pa ang tama ng kuko sa braso nito. Lalong nadagdagan ang ga
Read more

Chapter 5

WALANG patid ang pag-agos ng luha ni Kaye. Daig pa niya ang basang sisiw na nakayupyop sa tabi. Hindi agad siya naniwala nang sabihin ng may-ari na nasa hospital ang kanyang ama ngunit tinawagan nito si Menchi upang ipakausap sa kanya. Pinagmumura niya ito sa una ngunit natahimik siya nang sabihin nito na nasa hospital nga ang kanyang ama. Nakausap din niya ang pinsang si Delia, ayon dito ay kararating lang nito sa hospital. Dinamayan siya nang ilan sa mga kasama niya kabilang na si Olga. Pinagaan nito ang kalooban niya. "Ganiyan talaga ang buhay, Kaye. Susubukin tayo ng panahon kung hanggang saan ang kaya natin. Pasasaan ba't makakaraos din tayo. Makakaligtas ang iyong ama, manalig ka lang sa Maykapal." Inalalayan siya nito patungo sa kanyang higaan. Hindi ito umalis sa tabi hanggang sa makaidlip siya. "Arte," bulong ni Rose. Matalim din ang pagkakatitig nito kay Kaye. "Nang dahil sa iyo, hindi satisfied ang costumer ko kanina. Limang daan lang ang tip sa akin. Buwisit ka!" Hindi
Read more

Chapter 6

Warning; SPG alert. PROBLEMADO si Kaye, katatapos lamang niyang makausap ang pinsan na nagbabantay sa amang nasa hospital. Kailangan daw na maisalalim sa operasyon ang ama niya at nasa isang daang libong peso ang kakailanganin niya bukod pa ang mga gamot nito. Hindi pa man sapat ang perang nalilikom ay naipadala na niya iyon. Ibinigay niya kay Salvacion ang pera para maipadala sa probinsiya, ito rin ang inuutusan ng kanyang mga kasama na magpadala ng pera para sa kani-kanilang pamilya. Mabuti na lamang at mapagkakatiwalaan ang ginang.Labag man sa kalooban niya'y naihiling niya na sana ay gabi-gabi siyang may costumer. Iyon na lamang ang tanging paraan na naiisip niya nang sandaling iyon. Hindi man dapat pero kailangan. Para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na ama. Talagang sinusubok siya ng Maykapal."Makakaraos ka rin," lumapit sa kanya si Olga. Tipid siyang ngumiti, "Salamat."Kung noong unang dating ay halos pigilan niya ang oras, ngayon ay halos hilahin na ang bawat minut
Read more

Chapter 7

NAKA-UKIT sa labi ni Kaye ang ngiti habang naglalakad pabalik sa silid. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa hindi pa kilalang costumer dahil bago sila maghiwalay ay hiningi nito ang contact number ng pamilya niya, sabi nito ay magbibigay ito ng tulong sa kanyang ama. Ngunit nasisigurado niya na hindi lang dahil sa tulong nito kung bakit siya masaya ngayon. Kinapa niya ang sarili. Nagkakaroon na ba ng espesyal na damdamin ang lalaking iyon sa puso niya? "Hindi!" mariin niyang tanggi. "Hindi pa kami lubusang magkakilala, pangalan pa niya'y hindi ko pa alam. Iilang gabi pa lamang, Kaye, huwag kang masyadong marupok. Pinagsasawaan lamang niya ang katawan mo," angil niya sa sarili. "Pero--" Naputol ang mahinang pagsasalita niya nang mapatapat sa pinto ng tinutuloyan. Dinig na dinig niya ang boses ng mga nasa loob. Napailing na lamang siya at marahang binuksan ang pinto.Sinalubong siya ng matatalim na salita't nakakamatay na titig ni Rose.
Read more

Chapter 8

BALISA si Kaye, paroo't parito siya sa silid. Nasa isipan pa rin niya si Hilda. Unti-unti na niyang natatanggap ang kanyang kapalaran pero nang dumating ang dalagita ngayon ay nag-aalinlangan na naman siya. Tatlo silang walang costumer, kabilang si Pinky. Tulad niya ay balisa rin ito. "Hayst! Nanggigil ako!" Tumayo ang isa pang naiwan. "Pero, alam niyo may mali rin si Hilda. Hindi niya sinabi ang tunay niyang edad." "Nandoon na tayo, pero ang mas may malaking kamalian dito ay ang lint*k na napasukan nating ito! Tayo ba na nasa tamang edad na ay alam na ganito ang ating babagsakan?" Natahimik ito sa narinig mula kay Pinky. Siya nama'y napa-upo sa gilid ng kama. Mataman siyang nag-iisip. Paano na lang ang kinabukasan ni Hilda? Saglit pa ay napabaling ang tingin niya kay Pinky."Kakausapin ko ang may-ari nito. Sasabihin ko sa kanya ang tunay na kalagayan ni Hilda."Muli siyang napatayo, "Sasama ako.""Pero, paano kung hindi tayo pakinggan?""Ang nega mo naman, Sandra!" tukoy ni Pinky
Read more

Chapter 8-Continuation

NAIWAN siyang nakanganga at nasapo ang pisnging hinagkan nito. Unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa labi niya at kulang na lamang ay mapatili sa hindi niya malamang dahilan. Ilang sandali pa ang kanyang pinalampas bago napagpasiyahang bumalik na sa kuwarto."Ang bilis mo naman yatang bumalik, Kaye," pukaw ni Olga na sa pagkakataong iyon ay wala itong costumer."Nagmamadali ang costumer ko e," aniya. Ipinasya niyang hindi niya ipaaalam sa mga kasama ang balak. Napasulyap siya sa katabing si Hilda. Wala itong costumer nang gabing iyon. "Tsk. Arte-arte, bibigay din pala." Binalingan niya si Rose, wala rin itong costumer nang gabing iyon. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Nilapitan na lamang niya si Hilda na magpasahanggang ngayon ay nakahiga pa rin.Isa-isa nang nagsisibalikan ang mga kasama niya. At nasa kalahating oras pa ang hinintay niya nang walang anu-ano'y may nagsigawan. Biglang kumabog ang dibdib niya. Marahas na bumukas ang pinto. Pumasok ang mga pulis na nakatutok ang mga bar
Read more

Chapter 9

"G-GOOD m-morning po, Sir," nauutal ngunit nakangiting bati ni Kaye sa binatang amo. Kagigising lang nito, siya naman ay isang oras nang mulat ang mata at hindi rin siya halos nakatulog sa magdamag. Naninibago pa siya kaya siguro ganoon siya. Nasa loob na siya ng condo ng boss niya upang doon ay magtrabaho."Good morning, too!" tipid itong ngumiti sa kanya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"Payak din siyang ngumiti rito kahit hindi naman. Pagkatapos niyo'y nag-apuhap na siya ng sasabihin ngunit sadya yatang ayaw makisama ng utak niya nang sandaling iyon. Natameme na siya. Hindi pa niya alam kung ano ang mga dapat niyang gawin kaya hinintay na lang niya sa sala ang amo at ngayon nga ay magkaharap sila at kapwa nakaupo sa couch."Be prepared, Kaye."Kinabahan siya. Segundo siyang natigilan. "B-bakit po?""We will go outside," kampante nitong tugon habang nakatutok ang mata sa hawak na cellphone. Inisa-isa niya sa utak kung tama ba ang pagkakaunawa sa sinabi ng kaharap. "L-lalabas po tayo, S
Read more
DMCA.com Protection Status