"KAYE, kumusta ang costumer mo? Masarap ba ang first time?" Napatawa ang karamihan sa narinig mula kay Rose. Napahinto siya't pinukol ito ng masamang tingin. "Ops, sorry!"Hindi niya natiis ang galit na umusbong sa kanyang dibdib, sinugod niya si Rose, "Hindi ka nakakatuwa. Hindi ka nakakatulong. Kung okay sa inyo dahil kumikita kayo ng malaking pera, ako hindi!" Inawat siya ng mga kasama ngunit bago siya tuloyang naawat, nakalmot niya ang braso ni Rose."Aray! Buwisit ka! Sinira mo ang katawan ko." Akmang ito naman ang susugod. "Tama na. Tama na iyan!" Pumagitna si Olga. "Hindi ito ang tamang panahon para mag-away-away tayo. Ikaw, Rose, n'ong una ka ba rito, may nagtanong ba sa iyo ng marasap ba ang first time mo? Hindi ba't wala?" Sa halip na lumambot si Rose ay nagalit pa ito. Lalo na't siya ang kinampihan nang ilan, idagdag pa ang tama ng kuko sa braso nito. Lalong nadagdagan ang ga
Read more