BAON ni Kaye ang pangaral ng magulang patungong Manila. Kahit masakit na iwanan ang magulang ay ginawa niya lalo na't may sakit ang kaniyang ama. Kailangan niyang kumayod para tustusan ang gamot nito. May trabaho naman siya sa lugar na kinalakihan ngunit hindi sapat para sa kanila.
Yakap ang isang lumang packbag, taimtim siyang nanalangin para sa kaniyang kaligtasan sa lugar na pupuntahan. Ito ang unang beses na tatapak siya sa lungsod , kaya ganoon na lamang ang takot sa kaniyang dibdib. Bagama't kakilala ng ina niya ang kumuha sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano, lalo na't marami siyang napapanuod sa telebisyon na patayan doon.
Ilang oras ding nagbiyahe ang bus bago narating ang Manila. Sa terminal ng bus ay susunduin siya ni Ate Menchi, ang taong nag-alok sa kanya ng trabaho na kakilala ng kaniyang ina. Pagkababa niya ay agad siyang sinalubong nito.
"Kumusta ang biyahe?" Nakangiti itong lumapit sa kaniya. Kanina pa pala ito naghihintay sa kanyang pagdating.
"Maayos naman po," kiming tugon niya.
"Huwag mo nang samahan ng po, umeedad ako ng kuwarenta, e.” Muli ay napangiti ito.
Napangiti na rin si Kaye. Beinte anyos na siya at pitong taon ang agwat nila kaya ganoon na lamang niya ito igalang. Nag-aya muna itong kumain bago raw siya dalhin sa kaniyang papasukang trabaho. Pagkatapos ay sumakay sila ng dyip patungo sa lugar ng agency.
Isa palang recruiter si Ate Menchi at ayon dito ay malaki-laki ang kinikita nito sa pagre-recruit ng mga nais pumasok. Ayon pa rito ay marami-rami na itong naipasok at nabigyan ng trabaho na mga kasambahay at sampung libo ang pinakamaliit na sahod, kaya naman labis-labis ang tuwa niya. Sa kanyang isipan ay kinuwenta agad niya kung magkano ang kalalabasan ng sweldo niya at magkano ang maipadadala sa magulang.
"Dito na tayo." Itinuro ni Menchi ang isang building.
Napatingin si Kaye sa may kataasang gusali nang huminto ang kanilang sinasakyan. Bumaba na sila at naglakad patungo roon. Abot-abot pa rin ang kanyang paghinga habang naglalakad. Hindi talaga niya maiwasang kabahan.
Nang makapasok, agad silang sumakay sa elevator patungo sa third floor na kung saan ay naroon ang pinaka-opisina ng agency ni Ate Menchi.
"Hello!" nakangiting bati nito sa mga nasa loob nang buksan nito ang pinto. "Pasok ka," anyaya nito sa kanya.
"Wow! May bago ka namang dala, Menchi ah!" sabi ng isa sa lalaki naroon.
Limang tao ang nakita niya na ang iba ay may mga hawak na papel. Sa hinuha niya ay iyon ang kasulatan ng mga taong pumapasok.
"Kailangang kumayod," tugon ni Menchi kasabay ang pag-upo sa bangkong nasa harapan ng mesa ng lalaking kinakausap nito. "Ahm, si Sir, nandiyan ba?"
"Nasa loob may kinakausap pa."
Nakita niyang panay ang sulyap ng lalaking kausap ni Menchi sa kanya. Mayamaya pa ay hindi na ito nakatiis.
"Maganda ang kasama mo, Menchi, ha!
"Magaganda talaga kaming mga taga-probinsiya." Humagikgik ito ng tawa atsaka siya nito binalingan. "Halika rito, Kaye."
Sumunod naman agad siya at naupo sa katapat na bangko ng inuupuan ni Ate Menchi. In-interview siya ng lalaking kaharap. Magmula sa edad, tirahan, height, weight at kung ano-ano at ang pinaka-huli na labis niyang ikinakunot ng noo ay ang sukat ng katawan.
"Kasama po ba talaga iyon?"
Si Ate Menchi na ang nagpaliwanag, "Oo naman, Kaye. Usually sa mga ganitong agency ay mayayaman ang kumukuha at sa isang subdibisyon ka titira kaya naka-unifom ka. Sila ang magbibigay sa iyo noon kaya kinukuha na namin ang sukat ng inyong mga katawan para alam na nila kung malaki ba o maliit ang uniform na susuotin mo,” paliwanag nito.
Kahit hindi masyadong kumbinsido ay napatango na rin siya, "Hindi ko po alam ang sukat ng katawan ko."
"Madali lang 'yan," tumayo ang lalaking kaharap. "Eva," tawag nito sa babaeng nasa pinakasulok.
Lumapit ito at sumenyas sa kanya. Alumpihit siyang lumapit dito. Inilabas nito mula sa isang bulsa ng suot ang medida.
"34-24-36."
"Whoah, sexy!" anas ng lalaking nasa harapan ni Menchi.
Bigla na naman siyang kinabahan. Nagtatalo na ang kanyang isipan, kung itutuloy pa ba o babalik na lamang sa lugar na pinagmulan. Pero, paano ang gamot ni Itay? Katanungang nasa isipan niya.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae na sa tingin niya ay edad treinta. Kasunod nito ang isang lalaki.
"Siya si Sir Gener, ang may-ari nitong agency,” pabulong na imporma sa kaniya ni Ate Menchie.
Tumango-tango lang naman siya habang nakatutok ang paningin sa lalaking pumasok. Sa tingin niya'y nasa singkuwenta na ito, may puti na rin ang buhok ngunit hindi maikakaila ang taglay nitong kakisigan at kaguwapuhan. Napasulyap din ito sa kanya at agad din naman siyang nagbaba ng tingin
"Jhon, isama mo na ito."
Agad na tumalima ang inutusan nito. Pagkaalis ng dalawa ay lumapit naman ito sa kanya.
"Kasama mo ba siya, Menchi?"
"Yes, Sir. Galing pong probinsiya."
Tumango-tango ang lalaki. Pinatayo siya nito at sinuyod ang kabuuan. Mula ulo hanggang talampakan. Nagsimula na namang umahon ang kaba sa kanyang dibdib. Ganito ba talaga ang mga namamasukang kasambahay? Kulang na lamang ay hubaran ng tingin.
"Na-interview mo na ba siya, Rico?"
"Yes, Sir," tugon ng lalaki na sinamahan pa ng tango.
"Okay, hindi ko na iyan kakausapin dahil may tiwala naman ako sa mga dinadala ni Menchi. Bukod sa magaganda na, masipag pa."
Ewan ba niya kung bakit labis-labis ang takot na naramdaman niya sa huling salitang narinig. Nanginig bigla ang kanyang tuhod, parang mawawalan siya ng lakas. Hindi tuloy niya maiwasang mangilid ang luha. Gusto na niyang magback-out. Ngunit nang maisip ang kalagayan ng ama ay biglang nagkaroon siya ng lakas. Lihim niyang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilin ang pamumuo ng luha. Hindi dapat siya matakot at wala dapat siyang ikatakot lalo na't kilala niya si Ate Menchie. Pinapirma muna siya ng kontrata. Anim na buwan dapat ang kanyang itatagal doon. Sampung libo pataas ang magiging sahod niya tulad ng sinabi sa kaniya. Maliban doon ay wala na siyang nabasa pa.
Hindi nagtagal ay umalis na rin siya sa agency. Hindi pala roon ang tutuluyan nila incase na hindi pa sila kukuhain o wala pang magiging amo. Si Ate Menchi na rin ang nagsama sa kanya patungo sa kanyang pansamantalang tirahan. Sa isang puting tila apartment sila huminto. Bago siya pinapasok ay kinausap muna siya nang masinsinan ni Ate Menchi.
"Isipin mo ang magulang mo. Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Basta't mag-enjoy ka lang sa gagawin mo."
Tumango lang siya. Matapos nilang magpaalaman ay umalis na rin ito. Isang babae ang sumalubong sa kanya at ito ang nagdala sa kanya sa loob. Gustuhin man niyang magtanong ngunit ayaw makisama ng bibig niya. Tanging ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag sa bawat kanilang mararaanan. Muli ay nakadama na naman siyang takot. Huminto sila sa tapat ng nakasaradong pinto. Nakita niyang inilabas ng babae ang susi sa bulsa ng suot nito.
"Pasok!" maawtoridad na utos nito.
Napalunok siya ng laway at aligagang pumasok. Bumungad sa mata niya ang dalawampung mga babae. May umiiyak. Mayroong bra't panty lamang ang saplot. At may humihithit pa ng sigarilyo.
"May isa na naman silang napaikot."
Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang salitang iyon kahit mahina. Nilingon niya ang babaeng nagsalita ngunit bago pa siya makahuma ay agad nang ini-lock nito ang pinto.
Habol niya ang kanyang paghinga lalo na ng mapagmasdan ang mga babaeng naroon.
"R-Rose?" puno siya ng pagtataka. Kahit nanginginig pa ang tuhod ay minabuti niyang lumapit sa babaeng nakaupo. "N-nandito ka p-pa p-pala!"
Pilit itong ngumiti. Tumayo't lumapit din sa kanya. "Hindi na ako makakaalis dito, Kaye, at ikaw din."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Magiging katulad ka rin namin," tugon ng isa pang babae na humihithit ng sigarilyo.
Napakunot ang noo niya. Muli niyang sinulyapan ang mga babaeng naroon, maging si Rose. Iisang lugar lang sila sa probinsiya at si Ate Menchi rin ang nagpasok dito. Ang alam sa kanilang lugar ay mabait at mayaman ang amo nito kaya nakakapagpadala ito ng libu-libong pera sa magulang.
"Si Ate Menchi rin ang nagpasok sa iyo?” Tumango lang siya sa tanong ng kababayan. Nakita niya ang pag-iling nito at ang pagkuyom ng kamao. "Hayop ang babaeng 'yon, Kaye! Demonyo sila!"
Umarko ang dalawang kilay niya, "A-ano bang sinasabi mo? M-mabait naman si Ate Menchie, ah,” pagtatanggol niya kahit pa nga ay nahihinuha na niya ang ibig ipahiwatig nito.
Napangisi si Rose at narinig pa niya ang mapaklang pagtawa ng ilan sa mga babaeng naroon. "Alam mo ba kung ano ang trabaho namin dito?" Nag-iba ang timplada ng boses ni Rose. Galit din ang nababanaag niya rito. "Isa kaming bayarang babae at magiging katulad ka rin namin, Kaye!"
Tila bombang sumabog iyon sa pandinig ni Kaye. Nangilid ang luha sa mata niya. "Hindi. Hindi iyan totoo! Kasambahay ang papasukan ko—"
"Iyon din ang akala naming papasukan namin," awat agad ng isa pang babae. "Pero ikinulong kami rito na dinaig pa ang isang preso."
"Nakikita mo ba iyon?" Itinuro ni Rose ang babaeng umiiyak sa sulok. "Bagong salta rin siya rito at may naging costumer agad. Pinagparausan lang naman siya ng isang lalaking hayok sa laman."
Tuloyan nang umalpas ang luhang pinipigil ni Kaye. Ngayon ay napagtanto na niya ang nangyari magmula sa agency hanggang sa huling binitiwan salita ng mga taong nakausap niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon sa kanya ni Ate Menchi.
UMIYAK nang umiyak si Kaye. Ang tanging hangad lang naman niya ay matustusan ang amang maysakit, ngunit dusa pala ang kababagsakan niya. Nang dahil sa pagtitiwala, ngayo'y nasa panganib siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari. Kung sino pa ang taong pinagkakatiwalaan mo ay siya pa palang maglulubog sa iyo.Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, high school graduate lang siya, kaya wala siyang maayos na trabaho. Kasambahay na nga lang ang papasukin niya para hindi na siya mahirapan pang mag-ayos ng mga requirements kung sakali, delubyo pa ang kahahantungan niya."Wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin ang kapalaran dito sa Manila." Lumapit sa kanya si Rose. Naging malapit sila ni Rose noong nag-aaral pa sila. Ngunit sa huli ay lumayo ito sa kaniya na hindi niya alam ang dahilan kung bakit. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung bakit."Hindi!" mariing tanggi niya. "Hindi ako papayag. Katulong ang pinasukan ko at hindi prost
HINDI halos dalawin ng antok si Kaye. Maaaring nakaligtas siya sa gabing iyon, ngunit paano ang susunod na mga gabi? Magiging isang basahan na rin siya. Isang babaing bayaran tulad ng iba niyang kasama. Kahit yata manalangin siya sa lahat ng Santo ay walang mangyayari. Ang tanging paraan upang maligtas siya ay ang makatakas. Ngunit paano? Paano siya makakatakas? Papaano niya matatakasan ang putik na kinasadlakan?"Inay, Itay..." sambit niya."Matulog ka na, Kaye. Walang makakarinig sa iyo rito kahit pa ang Diyos." Mababakas sa tinig ni Rose ang galit. Nadama niya ang hirap na tiniis nito mabigyan lamang ng sapat na salapi ang pamilya.Tulad niya, si Rose lamang ang inaasahan ng pamilya nito. May dalawa itong kapatid ngunit mga bata pa. Ang ama ay baldado na dahil sa naganap na trahedya tatlong taon na ang lumipas. Ang ina nito'y nagtitinda lamang ng kakanin. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayang napapikit na rin siya ng mga mata kahit a
"KAYE, kumusta ang costumer mo? Masarap ba ang first time?"Napatawa ang karamihan sa narinig mula kay Rose. Napahinto siya't pinukol ito ng masamang tingin."Ops, sorry!"Hindi niya natiis ang galit na umusbong sa kanyang dibdib, sinugod niya si Rose, "Hindi ka nakakatuwa. Hindi ka nakakatulong. Kung okay sa inyo dahil kumikita kayo ng malaking pera, ako hindi!"Inawat siya ng mga kasama ngunit bago siya tuloyang naawat, nakalmot niya ang braso ni Rose."Aray! Buwisit ka! Sinira mo ang katawan ko." Akmang ito naman ang susugod."Tama na. Tama na iyan!" Pumagitna si Olga. "Hindi ito ang tamang panahon para mag-away-away tayo. Ikaw, Rose, n'ong una ka ba rito, may nagtanong ba sa iyo ng marasap ba ang first time mo? Hindi ba't wala?"Sa halip na lumambot si Rose ay nagalit pa ito. Lalo na't siya ang kinampihan nang ilan, idagdag pa ang tama ng kuko sa braso nito.Lalong nadagdagan ang ga
WALANG patid ang pag-agos ng luha ni Kaye. Daig pa niya ang basang sisiw na nakayupyop sa tabi. Hindi agad siya naniwala nang sabihin ng may-ari na nasa hospital ang kanyang ama ngunit tinawagan nito si Menchi upang ipakausap sa kanya. Pinagmumura niya ito sa una ngunit natahimik siya nang sabihin nito na nasa hospital nga ang kanyang ama. Nakausap din niya ang pinsang si Delia, ayon dito ay kararating lang nito sa hospital. Dinamayan siya nang ilan sa mga kasama niya kabilang na si Olga. Pinagaan nito ang kalooban niya. "Ganiyan talaga ang buhay, Kaye. Susubukin tayo ng panahon kung hanggang saan ang kaya natin. Pasasaan ba't makakaraos din tayo. Makakaligtas ang iyong ama, manalig ka lang sa Maykapal." Inalalayan siya nito patungo sa kanyang higaan. Hindi ito umalis sa tabi hanggang sa makaidlip siya. "Arte," bulong ni Rose. Matalim din ang pagkakatitig nito kay Kaye. "Nang dahil sa iyo, hindi satisfied ang costumer ko kanina. Limang daan lang ang tip sa akin. Buwisit ka!" Hindi
Warning; SPG alert. PROBLEMADO si Kaye, katatapos lamang niyang makausap ang pinsan na nagbabantay sa amang nasa hospital. Kailangan daw na maisalalim sa operasyon ang ama niya at nasa isang daang libong peso ang kakailanganin niya bukod pa ang mga gamot nito. Hindi pa man sapat ang perang nalilikom ay naipadala na niya iyon. Ibinigay niya kay Salvacion ang pera para maipadala sa probinsiya, ito rin ang inuutusan ng kanyang mga kasama na magpadala ng pera para sa kani-kanilang pamilya. Mabuti na lamang at mapagkakatiwalaan ang ginang.Labag man sa kalooban niya'y naihiling niya na sana ay gabi-gabi siyang may costumer. Iyon na lamang ang tanging paraan na naiisip niya nang sandaling iyon. Hindi man dapat pero kailangan. Para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na ama. Talagang sinusubok siya ng Maykapal."Makakaraos ka rin," lumapit sa kanya si Olga. Tipid siyang ngumiti, "Salamat."Kung noong unang dating ay halos pigilan niya ang oras, ngayon ay halos hilahin na ang bawat minut
NAKA-UKIT sa labi ni Kaye ang ngiti habang naglalakad pabalik sa silid. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa hindi pa kilalang costumer dahil bago sila maghiwalay ay hiningi nito ang contact number ng pamilya niya, sabi nito ay magbibigay ito ng tulong sa kanyang ama. Ngunit nasisigurado niya na hindi lang dahil sa tulong nito kung bakit siya masaya ngayon. Kinapa niya ang sarili. Nagkakaroon na ba ng espesyal na damdamin ang lalaking iyon sa puso niya? "Hindi!" mariin niyang tanggi. "Hindi pa kami lubusang magkakilala, pangalan pa niya'y hindi ko pa alam. Iilang gabi pa lamang, Kaye, huwag kang masyadong marupok. Pinagsasawaan lamang niya ang katawan mo," angil niya sa sarili. "Pero--" Naputol ang mahinang pagsasalita niya nang mapatapat sa pinto ng tinutuloyan. Dinig na dinig niya ang boses ng mga nasa loob. Napailing na lamang siya at marahang binuksan ang pinto.Sinalubong siya ng matatalim na salita't nakakamatay na titig ni Rose.
BALISA si Kaye, paroo't parito siya sa silid. Nasa isipan pa rin niya si Hilda. Unti-unti na niyang natatanggap ang kanyang kapalaran pero nang dumating ang dalagita ngayon ay nag-aalinlangan na naman siya. Tatlo silang walang costumer, kabilang si Pinky. Tulad niya ay balisa rin ito. "Hayst! Nanggigil ako!" Tumayo ang isa pang naiwan. "Pero, alam niyo may mali rin si Hilda. Hindi niya sinabi ang tunay niyang edad." "Nandoon na tayo, pero ang mas may malaking kamalian dito ay ang lint*k na napasukan nating ito! Tayo ba na nasa tamang edad na ay alam na ganito ang ating babagsakan?" Natahimik ito sa narinig mula kay Pinky. Siya nama'y napa-upo sa gilid ng kama. Mataman siyang nag-iisip. Paano na lang ang kinabukasan ni Hilda? Saglit pa ay napabaling ang tingin niya kay Pinky."Kakausapin ko ang may-ari nito. Sasabihin ko sa kanya ang tunay na kalagayan ni Hilda."Muli siyang napatayo, "Sasama ako.""Pero, paano kung hindi tayo pakinggan?""Ang nega mo naman, Sandra!" tukoy ni Pinky
NAIWAN siyang nakanganga at nasapo ang pisnging hinagkan nito. Unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa labi niya at kulang na lamang ay mapatili sa hindi niya malamang dahilan. Ilang sandali pa ang kanyang pinalampas bago napagpasiyahang bumalik na sa kuwarto."Ang bilis mo naman yatang bumalik, Kaye," pukaw ni Olga na sa pagkakataong iyon ay wala itong costumer."Nagmamadali ang costumer ko e," aniya. Ipinasya niyang hindi niya ipaaalam sa mga kasama ang balak. Napasulyap siya sa katabing si Hilda. Wala itong costumer nang gabing iyon. "Tsk. Arte-arte, bibigay din pala." Binalingan niya si Rose, wala rin itong costumer nang gabing iyon. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Nilapitan na lamang niya si Hilda na magpasahanggang ngayon ay nakahiga pa rin.Isa-isa nang nagsisibalikan ang mga kasama niya. At nasa kalahating oras pa ang hinintay niya nang walang anu-ano'y may nagsigawan. Biglang kumabog ang dibdib niya. Marahas na bumukas ang pinto. Pumasok ang mga pulis na nakatutok ang mga bar
NAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro
NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito
"ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si
"PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p
NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi
MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is
ILANG araw ang inilagi ni Earl sa hospital at sa bawat araw na naroon siya ay hindi nakaliligtaang dumalaw ni Kaye. Labis ang kaligayahan niya sa tuwing dumadalaw ito. Sabik na sabik na rin siyang masilayan ang sanggol na bunga ng kanilang pagmamahalan. Maya't maya niya iyong kinakausap. Hindi rin umalis sa tabi niya si Jacob. Pero nang araw na ma-discharge siya ay parang ayaw na niyang pumayag. Mas gusto na niyang mamalagi sa pagamutan, dahil tiyak na ibabalik siya ni Jacob sa Manila at matatagalan pa ang pagkikita nila ni Kaye. Muntik na siyang batukan ng kaibigan nang sabihin niya iyon dito. "May sayad ka na nga talaga!" naiiling na lang nitong turan. "Sige na, sweetheart. Magkikita pa naman tayo at hindi ba, usapan natin na aayusin mo ang problema mo sa Manila." "Isang araw na lang, please!""Naku, pare, hindi na raw puwede sabi ng doktor. Marami pa ang nakapilang pasyente.""Sabihin mong uukopahin ko ang silid na ito. Kahit magbayad ako ng isang milyon.""Huwag ka nang tumawa
NGITNGIT na ngitngit sa galit si Rose. Ang plano sanang pahiyain si Kaye ay nabaligtad. Siya ang napahiya at ang masaklap, naroon pa ang lalaking minamahal niya--si Juancho. Magkaibigang matalik sila nito. Mula elementary hanggang sa high school ay sila ang palaging magkasama. Masaya itong kasama at siya lamang ang tanging babae sa buhay nito. Nag-iba nga lang nang makilala nito si Kaye. Ang huli na ang palaging bukang-bibig nito. Unti-unting nagkaroon ng pader sa pagitan nila lalo nang makatapos sila sa pag-aaral sa sekondarya.Hindi na ito madalas pumunta sa bahay nila at nabalitaan pa niya mula sa isa ring classmate nila na nililigawan nito si Kaye. Namuo ang galit sa dibdib niya dahil doon. At nang magkasama sila sa isang trabaho ay lalo siyang nakadama ng galit nang ito pa ang kampihan ng lahat. Sa tingin niya'y palagi na lamang ito ang pinapaburan ng lahat na dati nama'y siya. Pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya. Nadagdagan pa ang galit sa dibdib niya nang mapagtantong si Kaye
NAKAHINGA nang maluwag si Kaye matapos ibalita ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Earl. Kasalukuyan na itong nagpapahinga sa pribadong silid pero hindi pa nagkakamalay. "Kaye..."Nilingon niya ang ama na nakatayo sa may pinto. Lumapit siya rito nang sumenyas ito. "Anak, alam ko na mahal mo ang taong iyan pero alam mo na mali, hindi ba?"Kagat-labing nagyuko siya ng ulo. Alam naman niya iyon. At hindi man niya aminin, umaasa siyang mapa-aannul ang kasal ng dalawa."Hindi ako tututol sa inyong pag-iibigan kung wala siyang sabit o tulad nang sinabi niya, mapawalang bisa ang kasal nila lalo na't siya ang ama ng apo ko. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, 'nak, hintayin mong itama niya ang gusot na napasukan niya." "Opo, itay." Napayakap siya rito.Hindi kala-una'y nagpaalam na ang matanda. Si Menchi nama'y pumasok na may bitbit na pagkain. "Kumain ka muna, Kaye." Ini-abot nito ang piraso ng sandwich. "Umiling siya, "Salamat, wala pa akong gana.""Makakasama sa baby ang magpalipas