BALISA si Kaye, paroo't parito siya sa silid. Nasa isipan pa rin niya si Hilda. Unti-unti na niyang natatanggap ang kanyang kapalaran pero nang dumating ang dalagita ngayon ay nag-aalinlangan na naman siya. Tatlo silang walang costumer, kabilang si Pinky. Tulad niya ay balisa rin ito.
"Hayst! Nanggigil ako!" Tumayo ang isa pang naiwan. "Pero, alam niyo may mali rin si Hilda. Hindi niya sinabi ang tunay niyang edad."
"Nandoon na tayo, pero ang mas may malaking kamalian dito ay ang lint*k na napasukan nating ito! Tayo ba na nasa tamang edad na ay alam na ganito ang ating babagsakan?"
Natahimik ito sa narinig mula kay Pinky. Siya nama'y napa-upo sa gilid ng kama. Mataman siyang nag-iisip. Paano na lang ang kinabukasan ni Hilda? Saglit pa ay napabaling ang tingin niya kay Pinky.
"Kakausapin ko ang may-ari nito. Sasabihin ko sa kanya ang tunay na kalagayan ni Hilda."
Muli siyang napatayo, "Sasama ako."
"Pero, paano kung hindi tayo pakinggan?"
"Ang nega mo naman, Sandra!" tukoy ni Pinky sa isa pa nilang kasama. "Hindi natin hahayaan na tuloyang masira ang kinabukasan ni Hilda, kaya gagawa tayo ng paraan."
Binuksan ni Pinky ang pinto, laking pasalamat nila dahil hindi naka-lock iyon. Bagama't buo ang loob niya'y hindi pa rin maiaalis ang kabahan siya. Sunod-sunod sila sa paglalakad patungo sa isa pang pinto. Ilang pinto pa ang kanilang nalampasan bago nila natunton ang pinakang-opisina. Gulat ang nakita nila sa taong naroroon.
"Anong ginagawa ninyo rito? Paano kayo nakalabas?" Napatayo ang lalaking in-charge sa room na kung saan ay tinatanggap ang mga costumer.
"Nasaan ang may-ari nito? Ilabas mo siya kundi mag-eeskandalo kami."
Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid na iyon ang malakas na tawa ng lalaki, na naging dahilan upang lumabas ang may-ari. Hindi makalilimutan ni Kaye ang pagmumukha ng lalaking iyon. Ang lalaking ganid sa salapi. Ang lalaking walang-pakundangang ibinenta ang katawan nila.
"Anong kaguluhan ito, Rico?"
"Sir, ang mga babaing ho ito e mag-eeskandalo raw. Mukhang nagagalit sila dahil wala sa kanilang magpapaligaya nga--" Hindi nito natapos ang iba pang sasabihin dahil nakatikim ito ng mag-asawang sampal mula kay Pinky.
"Ang kapal ng mukha mo para gawin sa akin iyon!" Nagbaga ng mata nito.
"Ang kapal din ng pagmumukha mo para sabihin ang bagay na iyan. Alam mong walang katotohanan ang sinasabi mo. Hindi prostitute ang pinasok namin dito, kaya huwag kang umasta na para bang gustong-gusto namin ang ginagaw namin!" galit na tugon ni Pinky.
Pinapanuod lang niya ang mga ito, pero hindi ibig sabihin n'on ay okay lang sa kanya. Galit din siya, lalo na sa sinabi ng nagngangalang Rico. Mga hay*p! Nanginig ang kalamnan niya sa galit. Napasinghap siya nang sumigaw ang may-ari na si Gener.
"Enough! Kapag hindi kayo tumigil, lalo ka na, Rico, makakatikim ka sa akin," banta nito.
Napatikom naman ang bibig ni Rico. Bago ito tumalikod ay sinamaan pa nito ng tingin si Pinky, hindi naman ito nagpatinag at nilabanan ang tinging ipinukol nito.
"Kayong tatlo, ano naman ang ginagawa niyo rito? Paano kayo nakalabas ng room niyo?"
"Malamang naglakad kami palabas," pilosopong tugon ni Pinky na sinamaan naman ng tingin ni Gener.
Sa pagkakataong iyon ay sumali na siya sa usapan. Hindi na siya nakapagpigil pa. "Palabasin niyo si Hilda!"
"Sinong Hilda?" kunot-noong tanong nito.
"Siya ang bagong pasok," aniya.
Napatitig ang may-ari sa kanila, "At bakit naman namin siya palalabasin?"
"Hindi siya nararapat sa ganitong uri ng trabaho!" nagngangalit na sagot niya.
"Gusto niyang magtrabaho kaya pinagbigyan namin siya."
"Menor de edad si Hilda," tugon ni Pinky.
Nagulat si Gener at maging si Rico na nasa likuran nito. Ngunit sa isang iglap ay nawala ang pagkagulat sa mukha ng manager. Napabungisngis ito ng tawa.
"So what? Hindi ko na kasalanan kung bakit siya narito. Nangangailangan siya ng work, ibinigay namin. Kaya wala kaming kasalanan." Napangisi si Gener.
Nanggalaiti sa galit si Pinky. Mabilis nitong sinugod ang ginoo. "Hayop ka! Napakahayop ninyo! Hindi pa ba sapat ang ginawa ninyo sa amin? Ang ginawa kaming bayarang babae? Kasambahay ang pinasok namin dito pero prostitute pala ang aming babagsakan!" Pinagsasampal nito ang may-ari ngunit sa isang iglap ay malakas na bumagsak ito sa sahig. Itinulak ito ni Gener.
"Pinky..." sabay itong sinaklolohan ni Kaye at Sandra.
Lumatay sa mukha ng may-ari ang palad ni Pinky at galit na galit ito sa ginawang iyon ng huli. "Wala akong paki-alam sa inyo!" Dinuro sila nito. "Gusto rin naman ninyo, hindi ba? Sa gabi-gabing nagkakaroon kayo ng costumer, hindi ba kayo naliligayahan? Hindi ba kayo nasasarapan? Dapat nga magpasalamat pa kayo sa akin, kasi kahit papaano ay naliligayahan kayo. Doble ang kita ninyo sa akin."
"Hayop ka! Demonyo ka!" Mabilis niya itong sinugod ngunit maagap na humarang si Rico. "Pagbabayaran mo ang ginawa ninyong kahayupan sa amin! May karma ang lahat, Mr. Gener! Darating ang araw na magmamakaawa ka rin at sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulongan, sampo ng mga alipores mo!" sigaw niya.
Nagsidatingan ang iba pang mga lalaki at karamihan sa mga iyon ay mga armado. Wala silang nagawa nang kaladkarin sila ng mga iyon pabalik sa silid. Pabalibag silang ipinasok ng mga ito.
Galit ang mababanaag sa mga mata nila at kapwa na lamang napahagulgol. Nagyakap silang tatlo at sabay na napapitlag nang magbukas ang pinto. Iniluwa niyon si Hilda. Luhaan ito ngunit walang anumang salita ang lumalabas sa bibig.
"Diyos ko po, Hilda!" Agad na lumapit si Kaye. Inayos niya ang damit nito at ibinutones ang pantalon. Maging ang buhok ay sinuklay din niya gamit ang sariling daliri. "Hilda..." naluha siya at niyakap na lamang ito.
Inakay niya ito sa kama at doon pinatulog. Hanggang sa isa-isang dumating ang iba pa niyang kasamahan. Agad na lumapit si Olga sa kanila. Maging ito ay awang-awa rin sa sinapit ni Hilda.
"Mga hayop!" nagngalit ang mga ngipin nito habang nakamasid sa dalagitang natutulog.
Isang desisyon ang pumasok sa isipan ni Kaye, "Hihingi tayo ng tulong," aniya.
"Kanino?"
"Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon," singit ni Rose na kasalukuyang nagbibilang ng tip nito. "Tanggapin niyo na lamang ang ating kapalaran. Sa ganitong uri ng trabaho, madali lang ang pera, hindi ba? Ligo lang ang katapat ng isang gabi. Yes! May datung na naman ako." Napangisi pa ito hawak ang lilibuhing pera.
"Anak ng...wala ka na bang ibang bukambibig kundi pera?"
"At ano naman ang gusto mong lumabas sa bibig ko, Olga? Kung paano makaalis sa mundong ito? Hindi na oy! Hindi na tayo makaaalis sa impiyernong ito."
Hindi na niya pinansin ang nagtatalo sa paligid niya. Ibinaling na niya ang atensiyon kay Hilda na ngayon ay mulat na ang mata. Hihingi pa rin siya ng tulong, sa away at sa gusto ni Rose. Iisang tao lamang ang pumasok sa isipan niya. Alam niya na mapagbibigyan siya nito.
HINDI mapakali si Kaye. Maka-ilang beses na rin siyang napabuga ng hangin. Hinihintay niya ang pagpasok ng costumer at tulad nang mga nakaraang gabi, may kadiliman pa rin sa silid na kinaroroonan niya. Bahagya siyang napapitlag siya nang magbukas ang pinto. Naaninag niya ang pagpasok ng lalaking matangkad. Hindi man niya nakikita ang hitsura nito, nakatitiyak pa rin siyang ito ang costumer niya.
"Hi! How's your day?"
"Hindi mabuti," agad niyang sabi rito.
"Why? What happen? May nangyari bang muli sa family mo?" Lumapit ito sa kanya.
"Hindi. Hindi iyon ang tukoy ko." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, sinabi na niya ang tungkol kay Hilda. "Please, tulongan mo siya! Hindi siya dapat narito." Nangilid ang luha niya matapos ang mga sinabi.
"Are you sure?"
May pag-aalinlangan man ay um-oo siya. Hindi niya mawari kung bakit ngayon ay nagdadalawang-isip siya. Dati'y gustong-gusto niyang makalabas sa impiyernong kinasadlakan. Natitiyak niya na kapag tinulongan ng costumer niya si Hilda ay madadamay siya, hindi lang siya kundi silang lahat.
"Okay, I'll help her at ikaw din. P-para makaalis ka na rin dito."
Napatitig siya rito. Maya-maya pa ay napatango rin siya. Hindi niya malaman kung bakit tila mabigat sa kanyang kalooban ang sagot niya.
"P-pero, Sir, paano ang ama ko?"
"Don't worry, nagpadala na ako sa kanila. Safe na iyong ama."
"Talaga ho? Naku, Sir, maraming-maraming salamat po. Tatanawin ko ho itong isang malaking utang na loob ko sa inyo." Gumaralgal ang tinig niya.
Agad namang lumapit sa kanya ang lalaki. "It's okay. Kulang pa iyan kumpara sa nagawa ko sa iyo. And, I'm sorry sa...alam mo na." Hindi nito masabi ang nais tukoying salita pero alam na niya iyon. Alam niya sa sarili niyang wala siyang pagsisisi sa nangyari sa pagitan nilang dalawa, alam niyang mabuti itong tao.
At dahil sa kaalamang ligtas na ang kanyang ama ay nakahinga siya ng maluwag. Kulang na lamang ay lumundag siya sa labis na kasiyahan. Ilang sandali pa ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Narinig niya ang malalim na paghugot ng hininga ng katabi. Napasulyap siya rito. Tulad niya ay tikom na rin ang bibig nito. Hinintay niya kung magsasalita ito.
Hindi na rin siya nakatiis. Siya ang unang nagsalita, "Sir, ano na ho ang mangyayari ngayon?"
Napasulyap ito sa kanya, "I-ikaw? A-ano bang gusto mong mangyari? Ngayon ko na ba isasagawa ang sinabi mo?"
"I-ikaw, Sir. K-kung iyan gusto mo at iyon naman talaga ang dapat," tugon niya.
"Okay." Mula sa bulsa nito'y kinuha ang cellphone.
Napatitig siya sa bagay na iyon at napa-isip, "Sandali lang!" awat niya.
"Why?"
"Sir, paano kung mapahamak ka. Nandito ka at tiyak na madadamay ka kung maabutan ka ng mga pulis."
Natigilan ang lalaki. Alam niyang nag-iisip ito ng maaaring gawin. Sinabi na lang nito na pagkaalis ay magsusuplong na ito sa pulis.
"I'll go ahead. B-bye," mahinang sabi nito kasabay ang mabagal na pagtayo.
Hindi mawari ni Kaye kung bakit may panghihinayang sa loob niya. Sumang-ayon siya sa plano nito. Papaalis na sana ang lalaki nang muli itong bumalik sa kinaroroonan niya.
"Take care of yourself, bye." Humalik ito sa pisngi niya bago ito tuloyang lumabas ng silid.
NAIWAN siyang nakanganga at nasapo ang pisnging hinagkan nito. Unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa labi niya at kulang na lamang ay mapatili sa hindi niya malamang dahilan. Ilang sandali pa ang kanyang pinalampas bago napagpasiyahang bumalik na sa kuwarto."Ang bilis mo naman yatang bumalik, Kaye," pukaw ni Olga na sa pagkakataong iyon ay wala itong costumer."Nagmamadali ang costumer ko e," aniya. Ipinasya niyang hindi niya ipaaalam sa mga kasama ang balak. Napasulyap siya sa katabing si Hilda. Wala itong costumer nang gabing iyon. "Tsk. Arte-arte, bibigay din pala." Binalingan niya si Rose, wala rin itong costumer nang gabing iyon. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Nilapitan na lamang niya si Hilda na magpasahanggang ngayon ay nakahiga pa rin.Isa-isa nang nagsisibalikan ang mga kasama niya. At nasa kalahating oras pa ang hinintay niya nang walang anu-ano'y may nagsigawan. Biglang kumabog ang dibdib niya. Marahas na bumukas ang pinto. Pumasok ang mga pulis na nakatutok ang mga bar
"G-GOOD m-morning po, Sir," nauutal ngunit nakangiting bati ni Kaye sa binatang amo. Kagigising lang nito, siya naman ay isang oras nang mulat ang mata at hindi rin siya halos nakatulog sa magdamag. Naninibago pa siya kaya siguro ganoon siya. Nasa loob na siya ng condo ng boss niya upang doon ay magtrabaho."Good morning, too!" tipid itong ngumiti sa kanya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"Payak din siyang ngumiti rito kahit hindi naman. Pagkatapos niyo'y nag-apuhap na siya ng sasabihin ngunit sadya yatang ayaw makisama ng utak niya nang sandaling iyon. Natameme na siya. Hindi pa niya alam kung ano ang mga dapat niyang gawin kaya hinintay na lang niya sa sala ang amo at ngayon nga ay magkaharap sila at kapwa nakaupo sa couch."Be prepared, Kaye."Kinabahan siya. Segundo siyang natigilan. "B-bakit po?""We will go outside," kampante nitong tugon habang nakatutok ang mata sa hawak na cellphone. Inisa-isa niya sa utak kung tama ba ang pagkakaunawa sa sinabi ng kaharap. "L-lalabas po tayo, S
HINDI mapakali si Kaye sa kinauupoan. Magkaharap sila ni Earl na kumakain ng hapunan. Nag-order na lang ito ng pagkain na kanilang pinagsasaluhan kahit pa nga marami nang stock na pagkain. Ayon dito ay next time na lang siya magluto. Gusto sana niyang magluto e kaso tumanggi ito. Habang kumakain ay panay ang lihim niyang pagsulyap dito. "Hindi man lang nagdamit ang lalaking ito! Inilalantad talaga ang abs niya, akala yata'y mahuhumaling ako, tss. May pabukol pa ng muscle, duh!" Ngumiwi siya sa salitang lumabas sa isipan. "Something wrong?" Napamulagat siya, "P-po? W-wala po ah!" naiiling niyang tugon at malaki ang ginawang kagat sa hawak na pizza. Ngayon lang siya nakakain ng pizza, sa probinsiya kasi nila ay hanggang fried chicken lang ang kinakain nila. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi. Hindi ako magdadalawang-isip na ibigay sa iyo kung anuman iyon," litanya lang nito.Namula ang magkabilang pisngi niya sa narinig, idagdag pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa
TITIG na titig si Kaye sa kaharap. Ganadong kumakain ito ng almusal na inihanda niya. Matapos siyang sermunan nito'y mabilis na umupo sa harap ng mesa at sinimulan ang pagkain. "Senirmunan ako tapos kakain din pala. Tsk! May sayad yata ang taong ito," naghuhumiyaw na sabi ng isipan niya. "I'm full," sabi nito habang nagpupunas sa bibig. "Maliligo na ako, maaga pa ang meeting ko." Tumayo na ito't nagtungo sa silid. Habol-tingin siyang nakanganga. "May menstruation siguro iyon. Pabago-bago ng ugali. Tsk."Naghuhugas na siya nang lumabas sa silid si Earl. Bago ito tuloyang lumabas ng condo ay nagpaalam muna sa kanya. Binilinan din siya nito, "In case na may mangyari, tumawag ka lang sa akin at huwag ka munang lalabasTumango na lang siya. Pagkalabas ni Earl ay ipinagpatuloy na niya ang paghuhugas. "Teka, nakalimutan kong itanong kung lilinisin ko ang kuwarto niya!" naibulalas niya. Pumunta siya sa harap ng pinto. "Kapag naka-lock, hindi ko lilinisin." Huminga siya ng malalim at pinihi
Warning; SPG alert. NAKATULONG kay Earl ang masaheng ginawa ni Kaye. Nang oras na iyon ay maayos na ang pakiramdam niya ngunit hindi pa rin siya mapakali sa higaan. Bilin sa kanya ay huwag munang maliligo pero iyon ang isang paraan upang maibsan ang init na nararamdaman. "Hayst!" Bumangon siya't nagtungo sa pinto. Sumilip lang siya sa labas at muling lumapit sa higaan. "What I'm gonna do?" Padapa siyang nahiga. Makaraan ang ilang minuto ay tumihaya na siya. Itinutok ang mata sa kesame. Nanumbalik ang sandali nang una niyang nakilala si Kaye. Nakita niya ang picture nito na ipinakita ng lalaking nakausap niya sa bahay-aliwan, doon pa lang ay tila tinamaan na siya rito. Kahit may tama siya ng alak nang gabing iyon ay alam niya, ramdam niya na humanga na siya rito. Kahit labag sa kalooban, pilit niya itong inangkin at ginawa ang lahat para siya lamang ang tanging lalaking gumalaw dito. Binayaran niya ng malaking halaga ang may-ari ng bahay-aliwan para rito, na tanging siya lamang ang
PATIHAYA, naka-upo, nakatagilid at kung minsa'y tutuwad, iba't iba ang posisyon ni Kaye habang kausap si Earl sa telepono. Nasa kabilang silid lang ito pero tumawag pa at habang kausap niya ito'y kilig na kilig siya sa mga pa-sweet nitong salita. Sweet message pa lang nito'y parang mamatay na siya sa sobrang kilig. Sa silid nito siya pinapatulog ngunit tumanggi siya, bagama't pumayag ito'y ramdam niya ang labis na pagkadismaya nito. Gusto niya itong makasama't makapiling, sa bawat oras, minuto na dumaraan ngunit may bahagi ng kaniyang pagkatao ang pumipigil. Hindi niya alam kung bakit at ang kung ano ang dahilan. "Sweetheart," paulit-ulit ang salitang iyon sa isipan ni Kaye. Katatapos lang nilang mag-usap, ang cellphone niya'y nasa kaniyang dibdib at ang mata niya'y nakatutok sa puting kesame. Nakapaskil din ang matamis na ngiti sa labi niya. Sweetheart, iyon ang tawag sa kanya ni Earl, ang katagang halos magpa-ihi sa kaniya dala ng kilig na nararamdaman. Nanunuot iyon sa kaibuturan
NAGING masaya ang relasyon ng dalawa at wala nang mahihiling pa si Kaye, binigyan siya ng guwapo, mabait, mapagmahal at bunos na ang pagiging mayaman ng boyfriend niya. Hindi siya nito nakaliligtaang bigyan ng bulaklak at kung minsan ay pinapadeliver pa nito. Araw-araw din siyang kinikilig dito. Paminsan-minsan ay lumalabas din sila. Nakilala na rin nito si Pinky, na tulad niya ay kinikilig din kay Earl.Mag-isa ngayon siya sa condo, maagang pumasok si Earl at kapag mag-isa siya'y inaabala niya ang sarili sa paglilinis at kung anong gawain ang inaatupag niya. Kahit nalinisan na niya ang bawat sulok ng unit ay inuulit niya para lamang hindi mapansin at mapadali ang takbo ng oras. May sabik sa kanyang puso ang muling pagbalik ni Earl. "Hmm, ano kaya ang masarap para sa hapunan?" tanong niya habang pinagmamasdan ang loob ng freezer. Nang maisip na kung ano ang lulutoin ay agad niyang inilabas ang karne, inihanda ang mga sangkap kahit alas-tres pa lang ng hapon. Habang naggagayat ng mga
"PARAUSAN mo lang ba ako, Earl?""Of course not, sweetheart. Mahal kita. Mahal na mahal--""Sinungaling!" putol niya agad. "Kunsabagay, isa nga lang pala akong parausang babae, hindi ba? Binayaran mo nga ako sa bahay-aliwan, 'di ba? Ang tanga ko naman kasi napaniwala mo ako. Sino ba namang lalaki ang iibig sa akin, e ang dumi-dumi ko." Tila kutsilyong tumarak sa dibdib niya ang mga katagang binitiwan niya. Nakagat pa niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paglakas ng iyak. "No, sweetheart. Mali ka ng iniisip mo. Kailanman ay hindi ko inisip ang dati mong trabaho. Para sa akin, malinis ka. Hindi mo kasalanan kung--""Sinungaling!" muling sigaw niya. Ayaw niyang paniwalaan ang sasabihin nito. Ayaw niyang pakinggan ang dinidikta ng kaniyang puso, mas nanaig ang galit na isinisigaw ng isipan niya. Tumakbo siya patungo sa silid at doon ay nagkulong. Nasasaktan siya nang sobra dahil mahal na mahal niya ito. Inialay niya ang buong pagkatao rito, pati na rin ang kaniyang kaluluwa, nilo
NAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro
NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito
"ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si
"PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p
NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi
MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is
ILANG araw ang inilagi ni Earl sa hospital at sa bawat araw na naroon siya ay hindi nakaliligtaang dumalaw ni Kaye. Labis ang kaligayahan niya sa tuwing dumadalaw ito. Sabik na sabik na rin siyang masilayan ang sanggol na bunga ng kanilang pagmamahalan. Maya't maya niya iyong kinakausap. Hindi rin umalis sa tabi niya si Jacob. Pero nang araw na ma-discharge siya ay parang ayaw na niyang pumayag. Mas gusto na niyang mamalagi sa pagamutan, dahil tiyak na ibabalik siya ni Jacob sa Manila at matatagalan pa ang pagkikita nila ni Kaye. Muntik na siyang batukan ng kaibigan nang sabihin niya iyon dito. "May sayad ka na nga talaga!" naiiling na lang nitong turan. "Sige na, sweetheart. Magkikita pa naman tayo at hindi ba, usapan natin na aayusin mo ang problema mo sa Manila." "Isang araw na lang, please!""Naku, pare, hindi na raw puwede sabi ng doktor. Marami pa ang nakapilang pasyente.""Sabihin mong uukopahin ko ang silid na ito. Kahit magbayad ako ng isang milyon.""Huwag ka nang tumawa
NGITNGIT na ngitngit sa galit si Rose. Ang plano sanang pahiyain si Kaye ay nabaligtad. Siya ang napahiya at ang masaklap, naroon pa ang lalaking minamahal niya--si Juancho. Magkaibigang matalik sila nito. Mula elementary hanggang sa high school ay sila ang palaging magkasama. Masaya itong kasama at siya lamang ang tanging babae sa buhay nito. Nag-iba nga lang nang makilala nito si Kaye. Ang huli na ang palaging bukang-bibig nito. Unti-unting nagkaroon ng pader sa pagitan nila lalo nang makatapos sila sa pag-aaral sa sekondarya.Hindi na ito madalas pumunta sa bahay nila at nabalitaan pa niya mula sa isa ring classmate nila na nililigawan nito si Kaye. Namuo ang galit sa dibdib niya dahil doon. At nang magkasama sila sa isang trabaho ay lalo siyang nakadama ng galit nang ito pa ang kampihan ng lahat. Sa tingin niya'y palagi na lamang ito ang pinapaburan ng lahat na dati nama'y siya. Pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya. Nadagdagan pa ang galit sa dibdib niya nang mapagtantong si Kaye
NAKAHINGA nang maluwag si Kaye matapos ibalita ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Earl. Kasalukuyan na itong nagpapahinga sa pribadong silid pero hindi pa nagkakamalay. "Kaye..."Nilingon niya ang ama na nakatayo sa may pinto. Lumapit siya rito nang sumenyas ito. "Anak, alam ko na mahal mo ang taong iyan pero alam mo na mali, hindi ba?"Kagat-labing nagyuko siya ng ulo. Alam naman niya iyon. At hindi man niya aminin, umaasa siyang mapa-aannul ang kasal ng dalawa."Hindi ako tututol sa inyong pag-iibigan kung wala siyang sabit o tulad nang sinabi niya, mapawalang bisa ang kasal nila lalo na't siya ang ama ng apo ko. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, 'nak, hintayin mong itama niya ang gusot na napasukan niya." "Opo, itay." Napayakap siya rito.Hindi kala-una'y nagpaalam na ang matanda. Si Menchi nama'y pumasok na may bitbit na pagkain. "Kumain ka muna, Kaye." Ini-abot nito ang piraso ng sandwich. "Umiling siya, "Salamat, wala pa akong gana.""Makakasama sa baby ang magpalipas