Share

Chapter 9

Author: Writer Zai
last update Huling Na-update: 2022-08-09 22:02:17

"G-GOOD m-morning po, Sir," nauutal ngunit nakangiting bati ni Kaye sa binatang amo. Kagigising lang nito, siya naman ay isang oras nang mulat ang mata at hindi rin siya halos nakatulog sa magdamag. Naninibago pa siya kaya siguro ganoon siya. Nasa loob na siya ng condo ng boss niya upang doon ay magtrabaho.

"Good morning, too!" tipid itong ngumiti sa kanya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

Payak din siyang ngumiti rito kahit hindi naman. Pagkatapos niyo'y nag-apuhap na siya ng sasabihin ngunit sadya yatang ayaw makisama ng utak niya nang sandaling iyon. Natameme na siya. Hindi pa niya alam kung ano ang mga dapat niyang gawin kaya hinintay na lang niya sa sala ang amo at ngayon nga ay magkaharap sila at kapwa nakaupo sa couch.

"Be prepared, Kaye."

Kinabahan siya. Segundo siyang natigilan. "B-bakit po?"

"We will go outside," kampante nitong tugon habang nakatutok ang mata sa hawak na cellphone. 

Inisa-isa niya sa utak kung tama ba ang pagkakaunawa sa sinabi ng kaharap. "L-lalabas po tayo, Sir?"

"Yes," tumango ito. "Ibibili kita ng mga gamit mo rito at sa labas na rin tayo mag-lunch. Wala pa akong stock na pagkain kaya sa labas na lang muna. Mamimili na rin tayo ng mga gamit dito." Ngumiti ito at tumalikod na. 

Agaran naman siyang nagtungo sa banyo na nasa loob din ng silid niya. Sakto lang ang laki ng silid niya. Hindi masasabi na silid iyon ng isang kasambahay dahil kumpleto sa gamit. May mini ref doon ngunit wala pang laman. May kabinet din, nandoon na ang kanyang mga gamit, buti't nakuha nila ang kanilang mga gamit sa casa na pinagkulongan sa kanila. Oo, kulongan ang tawag niya roon. Ngayo'y malaya na siya, sila ng mga kasama niya. 

"Kumusta na kaya sila? Si Ate Olga, si Pinky at si Hilda?" Nangako naman siya na pupuntahan ang mga ito kapag nagkaroon siya ng time. Matapos nilang maghiwa-hiwalay ang ibinigay nila ang kanilang address. Si Hilda ang malayo ang lugar, tatawid ka pa ng dagat bago marating ang tahanan nito.

Bitbit ang may kalumaang towel ay pumasok siya sa banyo at mabilis na naligo at nagbihis. Habang nagsusuklay ay hindi niya mapigilan na titigan ang kanyang mukha sa salamin. Gumuhit ang pinong ngiti sa labi niya. Hindi niya mawari kung bakit at kung para saan. Ang alam lang niya'y masaya siya. Sobrang saya. Nakalaya na siya sa putik na kinalugmukan. Hindi man siya tumulad sa mga naging kasama na kung sinu-sinong lalaki ang nakapiling sa mga gabing naroon sila, hindi pa rin maiikaila na nanggaling din siya roon. Kabilang siya sa mga babaing bayaran. At ngayon ay masaya rin siya dahil makakapagbagong buhay na siya. Ligtas na rin sa kapahamakan ang ama niya. Nang nagdaang gabi nga ay pinatawag siya ng boss sa kanyang magulang. Nakausap na niya ang ama. Ang malamang ligtas na ito ay sapat na sa kanya. Sobra niyang mahal ang kanyang magulang, salat man sila sa karangyaan, mayaman naman siya sa pagmamahal sa kanyang ama't ina. Napapitlag siya nang maulinigan ang pagkatok sa pinto. Lumapit siya't binuksan iyon. 

"Are you...ready ka na pala!"

Pinong ngiti ang itinugon niya rito. Sinuri ng mata niya ang amo. Ang guwapo nito. Simple lang ang suot nito pero hindi nabawasan ang kapogiang taglay nito. Black t-shirt na medyo hapit sa katawan kaya naman ay namumutok ang muscle nito.

"Ahm, heto nga pala ang cellphone mo. Para kung sakali ay may magamit ka. Isinave ko na rin ang number ko riyan." Ini-abot nito ang isang box. 

Napamulagat siya. Ngayon lang siya makahahawak ng ganoong uri ng cellphone. Alam niyang mamahalin iyon. Sa kanila ay de-keypod lang ang cellphone niya. Humanga ang isipan niya ngunit naroon din ang katanungan. "B-bigay mo po sa akin, Sir?"

"Yes and don't worry, hindi ko ito ikakaltas sa suweldo mo. Bigay ko ito sa iyo. Just in case na may importante akong sasabihin kapag nasa office ako ay mako-kontak agad kita," paliwanag nito. 

"Wow! T-thank you po, Sir." Kita sa mukha niya ang labis na pagkamangha. Iingatan niya iyon.

Lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito nang sumilay ang ngiti sa labi nito. Lalo itong gumwapo. Idagdag pa ang paglabas ng maliit na biloy sa magkabilang pisngi nito.

"Ang pogi naman ni Sir. Lumuluwag tuloy ang panty ko." Agad niyang sinaway ang isipan sa isiping iyon. Hindi dapat siya makaramdam ng kung ano rito. Isang hamak na taga-silbi lang siya nito.

"Let's go," yaya nito. 

Tumango siya, "Sige po." 

Pinagbukas siya ng pintuan ng sasakyan nito. "Naks! Gentleman si Sir, ha!" 

Ilang sandali pa ay lulan na sila ng sasakyan at dahil wala pa siyang alam, nangangapa pa siya. Hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan ng boss niya. Nahihiya naman siyang magtanong dito. Malamang siya'y alam na nito ang kanyang pangalan at natandaan din niya na tinawag siya nito sa pangalan niya nang dumating sila sa condo nang nagdaang araw. 

Palihim niya itong tinitingnan na abala sa pagdotdot sa cellphone. Wala siyang pinalampas maging ang hibla ng buhok nito'y halos isa-isahin niya ng tingin. Alam niya na lumunok ito ng laway dahil umalon ang ang parteng leeg nito. Napakagat-labi siya. Guwapo talaga! Bigla niyang binawi ang tingin nang kumibo ang ulo nito. Nakadama siya ng hiya. 

Akala niya'y sa maliit na tindahan lang sila pupunta, sa mall pala huminto ang kanilang sinasakyan. Dumiretso agad sila sa department store. Nag-aalangan pa siya nang papiliin ng mga damit nito. Tiyak niya mahal ang mga damit lalo na't branded ang mga iyon. Isang pirasong damit at jeans ang kanyang napili. 

"Okay na po ito, Sir."

"Iyan lang?" 

Pumunta ito sa mga nakahanay na damit, kumuha ng sampung piraso. Ganoon din jeans. Maging ang pangbahay na susuotin niya. 

"Yung underwear, ikaw na ang pumili. Hindi ko alam kung alin ang gusto mo." Itinuro nito kung nasaan nakahanay ang bra't panty. 

Medyo pinamulahan pa siya ng mukha dahil maging pati pala iyon ay bibilihin nito para sa kanya. Hagya siyang lumakad patungo roon. 

"I think, bagay ito sa iyo." Iniharap nito ang isang light blue velvet dress.  

Napaawang ang bibig niya habang pinagmamasdan iyon. Hindi kailanman pa siya nakakapagsuot ng ganoong klase ng damit lalo na't mamahalin iyon. Hindi niya maiwasang humanga. 

"Ang ganda nito," buong paghangang sambit niya. 

"Do you like it?" 

Napatingin siya rito. Nag-alangan siyang sumagot. Lalo na siyang hindi nakasagot nang isama na nito sa mga kinuhang damit at inihilera sa casher. Pagkatapos nila roon ay ang sapatos naman ang sunod nilang tiningan. Kumuha rin ito ng pangbahay niyang pampaa. Kukuha rin sana ito ng heels ngunit tumanggi siya, hindi siya marunong magsuot ng ganoong uri ng pampaa. Matapos doon ay kumain din sila sa mamahaling restaurant. Sumunod nilang pinuntahan ang supermarket. Hindi lang gamit sa kusina ang kanilang pinamili kundi gamit na rin niya sa katawan. 

"Mang David, ikaw na ho muna ang bahala kay Kaye, may pupuntahan lang ako. Sa kotae niyo na lang ho ako hintayin," paalam nito sa driver. 

Tumango lang ang maneho, tinulongan siya nito sa pagbitbit ng kanilang mga pinamili, ito ang nagtulak sa cart. Habang naglalakad patungo sa nakaparadang sasakyan ay nais sana niyang magtanong sa matanda tungkol sa boss nila ngunit tila nakapagkit ang labi niya. 

"Salamat po," aniya nang pagbuksan siya nito ng pinto. 

"Walang anuman, trabaho ko ito."

"Mang David, n-napakabait po ni si Sir," wala sa sariling nasabi niya. 

"Oo naman. Hindi ako magtatagal kung hindi iyan mabait. Limang taon na akong driver niya at hindi ko pa iyan nakita o narinig na magsalita ng masama sa kapwa lalo na sa akin. May kawang-gawa rin iyan."

"Ano hong ibig niyong sabihin?"

"May tinutulongan siya. Mga cancer patient at mga batang nasa bahay-ampunan."

Lalong humanga si Kaye sa lalaking amo. "Mang David, ano ho ang pangalan niya?"

Muntik nang masamid si Mang David, "Hindi mo pa alam ang pangalan niya?"

Umiling lang siya rito. Nakakahiya man pero hindi pa niya alam ang pangalan nito.

"Jhon Earl Herrera ang pangalan niya. Siya ang CEO ng AHB."

"Ano pong AHB?"

"Asia's Home Builders, sila iyong kumukuha ng contractual sa mga building, o kung anuman ang maipagawa sa kanila. Tulad niyan," itinuro nito ang building na katapat ng mall na pinuntahan nila. "Sila ang gumawa niyan."

"Kay Sir po iyan?" manghang tanong niya.

Mahinang tumawa naman ang maneho. "Hindi. Ang ibig kong sabihin, sa kanila ipinagawa."

"Ah, okay po. Gets ko na." Tumango-tango siya, "Ahm, may pamilya na ho ba siya?"

Hindi na iyon nasagot ng maneho dahil sa pagdating ni Earl. May bitbit itong paper bag at ini-abot sa kanya. 

"P-para sa akin po, Sir?"

"Yes, sa condo mo na buksan," anito. "Let's go, Mang David. May meeting pa ako mamaya," baling nito sa matanda. 

Wala silang imikan habang tumatakbo ang sasakyan. Pagdating sa condo ay muling umalis si Earl pagkatapos maipasok sa unit ang kanilang mga pinamili. Binilinan siya nito na ayusin muna ang mga pinamili bago siya magpahinga. 

Matapos niyang ilagay ang mga pinamili ay nagtungo siya sa silid. Inayos naman niya ang kanyang mga gamit. At dahil napagod sa labas ay hindi niya maiwasang maidlip. Napabalikwas siya ng bangon nang magmulat ang mata. Hindi niya alam kung matagal ba siyang nakatulog pero iisa lang ang masisigurado niya, madilim na sa labas. Lumapit siya sa pinto't dahan-dahan na pinihit ang seradora. Nakarinig siya ng mahihinang kaluskos na nagmumula sa sala. Bigla siyang kinabahan. Maingat na inihakbang niya ang patungo roon. Halos manlaki ang mata niya sa nakita. Natulala siya't hindi rin nakakibo. 

Nakatayo sa gitna ng sala si Earl. Abala ito sa pagbabasa at tanging manipis na boxing short lamang ang suot. Nalunok niya ang laway. Nagsimula na rin siyang pagpawisan. Sino ba naman ang hindi?! Napakaganda ng hubog ng katawan ng boss niya. Mukhang alaga sa exercise. Anim na umbok lang naman ang nakahilera sa tiyan nito at ang muscles sa braso, tila kaysarap gawing unan. 

"Hanep sa katawan si Sir," nakagat niya ang pang-ibabang labi. 

"Yes. You want anything?" tanong na nagpapitlag sa kanya. 

Kaugnay na kabanata

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 10

    HINDI mapakali si Kaye sa kinauupoan. Magkaharap sila ni Earl na kumakain ng hapunan. Nag-order na lang ito ng pagkain na kanilang pinagsasaluhan kahit pa nga marami nang stock na pagkain. Ayon dito ay next time na lang siya magluto. Gusto sana niyang magluto e kaso tumanggi ito. Habang kumakain ay panay ang lihim niyang pagsulyap dito. "Hindi man lang nagdamit ang lalaking ito! Inilalantad talaga ang abs niya, akala yata'y mahuhumaling ako, tss. May pabukol pa ng muscle, duh!" Ngumiwi siya sa salitang lumabas sa isipan. "Something wrong?" Napamulagat siya, "P-po? W-wala po ah!" naiiling niyang tugon at malaki ang ginawang kagat sa hawak na pizza. Ngayon lang siya nakakain ng pizza, sa probinsiya kasi nila ay hanggang fried chicken lang ang kinakain nila. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi. Hindi ako magdadalawang-isip na ibigay sa iyo kung anuman iyon," litanya lang nito.Namula ang magkabilang pisngi niya sa narinig, idagdag pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • If It's Wrong To Love You   Chapter 11

    TITIG na titig si Kaye sa kaharap. Ganadong kumakain ito ng almusal na inihanda niya. Matapos siyang sermunan nito'y mabilis na umupo sa harap ng mesa at sinimulan ang pagkain. "Senirmunan ako tapos kakain din pala. Tsk! May sayad yata ang taong ito," naghuhumiyaw na sabi ng isipan niya. "I'm full," sabi nito habang nagpupunas sa bibig. "Maliligo na ako, maaga pa ang meeting ko." Tumayo na ito't nagtungo sa silid. Habol-tingin siyang nakanganga. "May menstruation siguro iyon. Pabago-bago ng ugali. Tsk."Naghuhugas na siya nang lumabas sa silid si Earl. Bago ito tuloyang lumabas ng condo ay nagpaalam muna sa kanya. Binilinan din siya nito, "In case na may mangyari, tumawag ka lang sa akin at huwag ka munang lalabasTumango na lang siya. Pagkalabas ni Earl ay ipinagpatuloy na niya ang paghuhugas. "Teka, nakalimutan kong itanong kung lilinisin ko ang kuwarto niya!" naibulalas niya. Pumunta siya sa harap ng pinto. "Kapag naka-lock, hindi ko lilinisin." Huminga siya ng malalim at pinihi

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • If It's Wrong To Love You   Chapter 12

    Warning; SPG alert. NAKATULONG kay Earl ang masaheng ginawa ni Kaye. Nang oras na iyon ay maayos na ang pakiramdam niya ngunit hindi pa rin siya mapakali sa higaan. Bilin sa kanya ay huwag munang maliligo pero iyon ang isang paraan upang maibsan ang init na nararamdaman. "Hayst!" Bumangon siya't nagtungo sa pinto. Sumilip lang siya sa labas at muling lumapit sa higaan. "What I'm gonna do?" Padapa siyang nahiga. Makaraan ang ilang minuto ay tumihaya na siya. Itinutok ang mata sa kesame. Nanumbalik ang sandali nang una niyang nakilala si Kaye. Nakita niya ang picture nito na ipinakita ng lalaking nakausap niya sa bahay-aliwan, doon pa lang ay tila tinamaan na siya rito. Kahit may tama siya ng alak nang gabing iyon ay alam niya, ramdam niya na humanga na siya rito. Kahit labag sa kalooban, pilit niya itong inangkin at ginawa ang lahat para siya lamang ang tanging lalaking gumalaw dito. Binayaran niya ng malaking halaga ang may-ari ng bahay-aliwan para rito, na tanging siya lamang ang

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • If It's Wrong To Love You   Chapter 13

    PATIHAYA, naka-upo, nakatagilid at kung minsa'y tutuwad, iba't iba ang posisyon ni Kaye habang kausap si Earl sa telepono. Nasa kabilang silid lang ito pero tumawag pa at habang kausap niya ito'y kilig na kilig siya sa mga pa-sweet nitong salita. Sweet message pa lang nito'y parang mamatay na siya sa sobrang kilig. Sa silid nito siya pinapatulog ngunit tumanggi siya, bagama't pumayag ito'y ramdam niya ang labis na pagkadismaya nito. Gusto niya itong makasama't makapiling, sa bawat oras, minuto na dumaraan ngunit may bahagi ng kaniyang pagkatao ang pumipigil. Hindi niya alam kung bakit at ang kung ano ang dahilan. "Sweetheart," paulit-ulit ang salitang iyon sa isipan ni Kaye. Katatapos lang nilang mag-usap, ang cellphone niya'y nasa kaniyang dibdib at ang mata niya'y nakatutok sa puting kesame. Nakapaskil din ang matamis na ngiti sa labi niya. Sweetheart, iyon ang tawag sa kanya ni Earl, ang katagang halos magpa-ihi sa kaniya dala ng kilig na nararamdaman. Nanunuot iyon sa kaibuturan

    Huling Na-update : 2022-08-19
  • If It's Wrong To Love You   Chapter 14

    NAGING masaya ang relasyon ng dalawa at wala nang mahihiling pa si Kaye, binigyan siya ng guwapo, mabait, mapagmahal at bunos na ang pagiging mayaman ng boyfriend niya. Hindi siya nito nakaliligtaang bigyan ng bulaklak at kung minsan ay pinapadeliver pa nito. Araw-araw din siyang kinikilig dito. Paminsan-minsan ay lumalabas din sila. Nakilala na rin nito si Pinky, na tulad niya ay kinikilig din kay Earl.Mag-isa ngayon siya sa condo, maagang pumasok si Earl at kapag mag-isa siya'y inaabala niya ang sarili sa paglilinis at kung anong gawain ang inaatupag niya. Kahit nalinisan na niya ang bawat sulok ng unit ay inuulit niya para lamang hindi mapansin at mapadali ang takbo ng oras. May sabik sa kanyang puso ang muling pagbalik ni Earl. "Hmm, ano kaya ang masarap para sa hapunan?" tanong niya habang pinagmamasdan ang loob ng freezer. Nang maisip na kung ano ang lulutoin ay agad niyang inilabas ang karne, inihanda ang mga sangkap kahit alas-tres pa lang ng hapon. Habang naggagayat ng mga

    Huling Na-update : 2022-08-25
  • If It's Wrong To Love You   Chapter 15

    "PARAUSAN mo lang ba ako, Earl?""Of course not, sweetheart. Mahal kita. Mahal na mahal--""Sinungaling!" putol niya agad. "Kunsabagay, isa nga lang pala akong parausang babae, hindi ba? Binayaran mo nga ako sa bahay-aliwan, 'di ba? Ang tanga ko naman kasi napaniwala mo ako. Sino ba namang lalaki ang iibig sa akin, e ang dumi-dumi ko." Tila kutsilyong tumarak sa dibdib niya ang mga katagang binitiwan niya. Nakagat pa niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paglakas ng iyak. "No, sweetheart. Mali ka ng iniisip mo. Kailanman ay hindi ko inisip ang dati mong trabaho. Para sa akin, malinis ka. Hindi mo kasalanan kung--""Sinungaling!" muling sigaw niya. Ayaw niyang paniwalaan ang sasabihin nito. Ayaw niyang pakinggan ang dinidikta ng kaniyang puso, mas nanaig ang galit na isinisigaw ng isipan niya. Tumakbo siya patungo sa silid at doon ay nagkulong. Nasasaktan siya nang sobra dahil mahal na mahal niya ito. Inialay niya ang buong pagkatao rito, pati na rin ang kaniyang kaluluwa, nilo

    Huling Na-update : 2022-08-26
  • If It's Wrong To Love You   Chapter 16

    NAKA-UKIT sa labi ni Kaye ang ngiti paggising niya kinabukasan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang katabi. Sa silid na niya ito natulog matapos ang mahabang aminang naganap nang nagdaang gabi. At, kahit hindi maganda ang nagdaang nangyari, mas napabuti pa iyon para sa kanya. Nalaman niya kung gaano siya kamahal ni Earl. Umupo siya sandali sa gilid ng kama upang mapagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi niya hangad ang kayamanan nito, sanay siya sa hirap at kahit sino pa ito ay mamahalin niya ng buong puso. Maghihintay siya sa pangako nito. Ayon dito ay payag si Sandra na ipa-annul ang kasal ng dalawa. Kakapit siya sa binitiwang salita nito dahil iyon ang nararamdaman niya, dahil iyon ang isinisigaw ng puso niya."Mamaya ka na bumangon," paungol na sabi ni Earl. Gising na pala ito."Sweetheart, magluluto pa ako ng almusal natin. Papasok ka, 'di ba?" "Mamaya na, hindi pa ako gutom.""Sweetheart--ay ano ba?!" tili niya nang sapilitan siya hilahin ngunit gusto rin niya. Bum

    Huling Na-update : 2022-08-31
  • If It's Wrong To Love You   Chapter 17

    NAPATIIM-BAGANG si Earl matapos nilang mag-usap ni Sandra at simula nang umalis ang huli'y hindi na mawala-wala ang galit sa mukha niya. Naging aborido at mainitin ang ulo. Kaunting pagkakamali lang ng isang empleyado ay naninigaw na siya. Hindi niya matanggap ang sinabi ng asawa niya. Pahihirapan pa pala siya nito. "Shit!" mura ng isipan niya. "Why, Sandra? Why? Hindi ba't ikaw ang unang nag-suggest ng annulment, bakit ngayo'y biglang nagbago ang isip mo? Shit you!" angil niya na tila ba'y nasa harap niya ito. Naiisip niya si Kaye, paano na ito? Tiyak na magagalit ito sa kaniya. Well, magagawan naman niya ng paraan kung sakali, pero mukhang matatagalan. Gusto na niyang ibigay kay Kaye ang apelyido niya at para matapos na ang alalahanin nito. Alam niya at ramdam niya na iniisip nito ang tungkol sa asawa niya. He took a deep breath. Saglit pa ay pumasok si Jacob, ito ang Head of Finance sa company niya kaya madalas ito sa office niya. Madalas din siya nitong asarin lalo na kapag main

    Huling Na-update : 2022-09-07

Pinakabagong kabanata

  • If It's Wrong To Love You   Finale

    NAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 29

    NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 28

    "ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 27

    "PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 26

    NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 25

    MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 24

    ILANG araw ang inilagi ni Earl sa hospital at sa bawat araw na naroon siya ay hindi nakaliligtaang dumalaw ni Kaye. Labis ang kaligayahan niya sa tuwing dumadalaw ito. Sabik na sabik na rin siyang masilayan ang sanggol na bunga ng kanilang pagmamahalan. Maya't maya niya iyong kinakausap. Hindi rin umalis sa tabi niya si Jacob. Pero nang araw na ma-discharge siya ay parang ayaw na niyang pumayag. Mas gusto na niyang mamalagi sa pagamutan, dahil tiyak na ibabalik siya ni Jacob sa Manila at matatagalan pa ang pagkikita nila ni Kaye. Muntik na siyang batukan ng kaibigan nang sabihin niya iyon dito. "May sayad ka na nga talaga!" naiiling na lang nitong turan. "Sige na, sweetheart. Magkikita pa naman tayo at hindi ba, usapan natin na aayusin mo ang problema mo sa Manila." "Isang araw na lang, please!""Naku, pare, hindi na raw puwede sabi ng doktor. Marami pa ang nakapilang pasyente.""Sabihin mong uukopahin ko ang silid na ito. Kahit magbayad ako ng isang milyon.""Huwag ka nang tumawa

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 23

    NGITNGIT na ngitngit sa galit si Rose. Ang plano sanang pahiyain si Kaye ay nabaligtad. Siya ang napahiya at ang masaklap, naroon pa ang lalaking minamahal niya--si Juancho. Magkaibigang matalik sila nito. Mula elementary hanggang sa high school ay sila ang palaging magkasama. Masaya itong kasama at siya lamang ang tanging babae sa buhay nito. Nag-iba nga lang nang makilala nito si Kaye. Ang huli na ang palaging bukang-bibig nito. Unti-unting nagkaroon ng pader sa pagitan nila lalo nang makatapos sila sa pag-aaral sa sekondarya.Hindi na ito madalas pumunta sa bahay nila at nabalitaan pa niya mula sa isa ring classmate nila na nililigawan nito si Kaye. Namuo ang galit sa dibdib niya dahil doon. At nang magkasama sila sa isang trabaho ay lalo siyang nakadama ng galit nang ito pa ang kampihan ng lahat. Sa tingin niya'y palagi na lamang ito ang pinapaburan ng lahat na dati nama'y siya. Pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya. Nadagdagan pa ang galit sa dibdib niya nang mapagtantong si Kaye

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 22

    NAKAHINGA nang maluwag si Kaye matapos ibalita ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Earl. Kasalukuyan na itong nagpapahinga sa pribadong silid pero hindi pa nagkakamalay. "Kaye..."Nilingon niya ang ama na nakatayo sa may pinto. Lumapit siya rito nang sumenyas ito. "Anak, alam ko na mahal mo ang taong iyan pero alam mo na mali, hindi ba?"Kagat-labing nagyuko siya ng ulo. Alam naman niya iyon. At hindi man niya aminin, umaasa siyang mapa-aannul ang kasal ng dalawa."Hindi ako tututol sa inyong pag-iibigan kung wala siyang sabit o tulad nang sinabi niya, mapawalang bisa ang kasal nila lalo na't siya ang ama ng apo ko. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, 'nak, hintayin mong itama niya ang gusot na napasukan niya." "Opo, itay." Napayakap siya rito.Hindi kala-una'y nagpaalam na ang matanda. Si Menchi nama'y pumasok na may bitbit na pagkain. "Kumain ka muna, Kaye." Ini-abot nito ang piraso ng sandwich. "Umiling siya, "Salamat, wala pa akong gana.""Makakasama sa baby ang magpalipas

DMCA.com Protection Status