Si Brian Fuentes ay isang gwapo, matipuno subalit Aroganteng Bilyonaryo. Magandang posisyon, kayamanang hinahangad ng karamihan, maganda at mabait na kasintahan.. Lahat na yata ay mayroon s'ya na talagang kaiinggitan ng sino man. Subalit paano kung isang araw ay may magtangka sa kanyang buhay at maging dahilan ito ng pagkalimot n'ya sa kanyang alaala at mapunta s'ya sa lugar kung saan ay mayroon siyang bagong pag-ibig na makikilala? Tuluyan ba n'yang yayakapin ang bagong pag-ibig na umusbong sa puso n'ya o babalik s'ya sa buhay at pag-ibig na naranasan n'ya noong una?
View More***ATHENA'S POV"Now I believed you Mommy, it's really hot in Philippines. I thought I can still wear my favorite jacket but I guess I can't wear it anymore here."Bigla naman akong napatawa sa sinabi ng aking madaldal na si Brianna. Nasanay na kase talaga sya sa weather sa New York kaya talagang maninibago sya. Kakalabas palang kase namin sa Arrival Area ng Airport at ramdam na agad ang init ng panahon. Malapit na rin kase ang Summer kaya naman talagang nakakapasong init ang aming sasalubungin. Aaminin ko, namiss ko talaga ang init sa Pilipinas pati na ang mga lugar dito. Lalo na sina Lolo at Lola na matagal ko nang di nakikita. One of these days ay bibisita ako sa Probinsya kapag naasikaso ko na ang pagsisimula ko ng negosyo dito."What's wrong with the weather baby? I like the weather here."Singit naman ng aking kapatid na si Luke habang naglalakad at feel na feel ang init ng sikat ng araw."You will use to it baby. One of these days, you will also love the weather here."Sambit
***(BRIAN'S POV)*TOK! TOK! TOK!*Malakas na katok ang gumising sa akin. Napamura pa ako sa aking sarili nang mapag-alamang sa loob ng kotse ako nakatulog at nakapagpalipas ng gabi."Talagang dyan kapa natulog ha?! Sa sobrang kalasingan mo siguro kaya 'di kana nakalabas ng kotse mo!"As usual, sigaw na naman ni Allison ang naririnig ko. Nakakarindi, umagang-umaga!Hawak ang sumasakit kong ulo at balakang dahil sa pagtulog sa kotse ay tuloy-tuloy akong lumabas ng aking sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nang 'di pinapansin ang aking nagbubungangang asawa."Talagang tinatalikuran mo na naman ako Brian! Sumagot ka nga! Saan ka na naman ba galing kagabi at ganyan itsura mo?"Sa sinabi ni Allison ay napansin ko ang suot ko. Half Naked nga ako dahil nakabukas lahat ng button ng aking Polo. Wala akong maalala at ayoko rin munang mag-isip dahil mas sumasakit ang ulo ko. Dumiretso ako sa Refrigerator at kumuha ng malamig na tubig doon.Aakyat na sana ako sa kwarto subalit hinarangan ako sa
***"Nai-transfer ko na ang 5 million na kailangan mo. Please don't disturb me again!"Mahina subalit may diing wika ni Alisson sa kanyang kausap sa cellphone.Tumawa naman ang taong kausap nito sa kabilang linya."Good job baby! Maaasahan ka talaga."Sambit ng lalaking nasa kabilang linya."Don't call me baby and don't you dare call me again, please lang!"Sambit pa ni Alisson.Kunwari'y nag-isip naman ang lalaking nasa kabilang linya saka nagsalita,"Hhmmm pag-iisipan ko pa babyy…""Who's that?"Isang baritonong boses ang gumimbal kay Alisson mula sa kanyang likuran. It was Brian.Agad naman nitong pinatay ang tawag at inilagay sa ilalim ng unan ang kanyang cellphone.Tumayo ito at sinalubong ang kakauwing Asawa mula sa trabaho."Uhh, si Chinny.. yung friend ko sa agency. She ask me kung pwede parin akong bumalik sa modeling." Agad naman itong nakakuha ng palusot.May pagtataka namang muling nagsalita si Brian,"Then why suddenly end the call?""Ahh k-kasee I rejected her. You know
***It's been 4 years since I left the Philippines and go here in New York with my mom. It's a big and hard decision but I decided to grab it. Iniwan ko lahat ng masasakit na karanasan ko sa Pilipinas. Mahirap pero kinaya ko lalo na at kasama ko naman si Mama at Papa dito sa New York.Yes, you read it right. Kasama na rin namin ang Papa ko dito sa New York. Makalipas kase ang isang taong pamamalagi ko dito sa New York ay muling nagkaroon ng communication si Mama sa aking Ama. Humingi ito ng patawad kay Mama sa kabila ng pag-iwan nya sa amin noon. Nagkaroon pala si Papa ng Financial Problem noon kaya hindi na siya muling nakabalik pa sa Pilipinas at nawalan na ng komunikasyon sa amin. Makalipas nga ang ilang buwan na panunuyo nito kay Mama ay muli silang nagkabalikan at ngayon ay magkakasama na kami dito sa New York. Nalaman din naming may anak pala si Papa sa una, si Kuya Luke na matanda lang sakin ng anim na taon. Successful Businessman din ito kagaya ng aking Ama. Ang totoo ay isa
***"Hi, I'm Athena Zamora. 'Yung nagpa-appointment kanina para makausap ang CEO–"Sambit ko sa magandang babaeng nasa lamesa malapit sa entrance ng building. Iba na kase ang naka-toka dito ngayon, siguro ay nag-break time yung nakausap ko kanina.Tumingin lang ito sa akin at tuloy tiningnan ang notebook na nasa kanyang lamesa."Oh, yes Miss Zamora. Nasa 13th floor ang office ng CEO. You can go there now."Tila masungit na saad nito sa akin."S-salamat Miss…" sambit ko nalang at ngumiti dito ng pilit.Matapos ng tagpo namin ng masungit na babae ay agad na akong sumakay sa elevator upang magtungo sa 13th floor ng malaking building na iyon. May ilang empleyado akong nakasama sa elevator at lahat sila ay napatingin sa akin. Wari naman ay nahiya ako sa kanilang mga titig kaya inayos ko ang aking suot na dress at tumalikod na lamang sa kanila.Mas binalot pa ng kaba ang aking dibdib nang tuluyan nang umakyat pataas ang elevator na aking kinalululanan. Para akong kinakapos ng hininga at par
***"Is that your final decision Athena? May balak kapa talagang habulin 'yang nakabuntis sa'yo? He left you already. I'm just worried about you and your feelings anak."Sambit ni Cynthia, ang ina ni Athena na sa kasalukuyan ay nasa New York. Nakipag video call kase ito kay Athena habang naghihintay ang dalaga na tawagan ng kompanya ni Brian."I'm sorry ma, pero buo na po ang desisyon ko sa gagawin ko. Patawad po."Nahihiyang sagot ni Athena sa kanyang ina habang nakayuko. Napabuntong hininga naman ng malalim si Cynthia dahil sa sagot ng kanyang anak."Malaki kana anak. Alam kong alam mo na ang dapat at tama mong gawin. Kung talagang mahal mo siya, sige ipaglaban mo. Pero kung may ibang tao ka namang masasaktan sa gagawin mo, hindi naman siguro masama ang sumuko at ipagpasa-Diyos na lang ang lahat. Anu't anuman ang mangyari, nandito lang ako. If you want nga, you can live here in New York kagaya ng matagal ko nang sinasabi sa'yo. Ikaw lang itong aayaw."Mahabang saad ni Cynthia."Than
***"What are you doing here?"Inis na bungad ni Brian sa kanyang panauhin pagkabukas ng pintuan ng kanyang condo unit. "Why? Don't you want me here? I'm your Fiancée kaya nandito ako ngayon."Sagot naman ni Allison habang hila-hila ang kanyang travelling bag na pagkalaki-laki at dire-diretsong pumasok sa unit ng binata. "What is that? Bakit dala mo ang mga `yan dito!?" Inis pang tanong ni Brian. "Starting today, dito na ako titira sa unit mo." Prenteng sagot naman ni Allison at agad pang umupo sa sofa na naroon. "What?! No! Hindi pwede!" Sigaw pa ni Brian at agad binuhat ang travelling bag ni Allison at inilagay sa labas. "Why Brian? We're getting married very soon! Anong masama kung dito na ako titira sa`yo?""Basta hindi pwede. I don't want you here. You can go now!" Utos pa ni Brian. "I will stay here whether you like it or not, o baka naman you want me to call Tito Romeo? You choose." Pagbabanta pa ni Allison. Sa sinabi ng dalaga ay napamura si Brian at pasalampak na umupo
***Habang nakaupo sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ay tahimik na nakatanaw si Athena sa malawak na kabundukan. Dito siya dinala ng kanyang mga paa, sa lugar kung saan ay naging saksi sa pagmamahalan nila ni Angelo. Ang kanilang paboritong tambayan, ang tree house. Subalit nagmahalan nga ba sila o tanging siya lamang ang nagmahal sa kanilang dalawa? ATHENA'S POV`Sobrang hirap at sakit palang maiwan at paniwalain na mahal ka ng isang tao. Umasa ako pero nabigo, sumugal ako sa pag-ibig ko sa kanya subalit bandang huli, ako parin ang talunan. Totoo ngang sa kabila ng kasiyahan ay mayroong kalungkutan. At `yun ang nararanasan ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Paano ko haharapin ang bawat araw na wala siya? Nasanay ako na nasa tabi ko siya at araw-araw nakikita. Alam ko namang mali din ako dahil alam ko una palang na pwedeng mangyari ito dahil nga may amnesia siya, subalit nahulog na ako sa kanya at `di ko napigilan ang sarili ko. Umasa akong sa kabila ng pagkal
***"Shet bro.. Totoong buntis si Allison?"Hindi makapaniwalang tanong ni Ezekiel kay Brian habang umiinom sila sa VIP Room ng Bar na kanyang pagmamay-ari. As usual ay doon na naman ang tinahak ng mga paa ni Brian kahit na nangako na siyang hindi na siya muling iinom. Pero dahil sa ibinunyag ni Allison ay mukhang alak na naman ang kanyang masasandalan sa mga oras na iyon."She showed me the ultrasound. It's just a week ago noong may nangyari sa amin. I didn't expected na mabubuntis s'ya kaagad dahil lang sa isang gabing may nangyari sa amin." Sagot naman ni Brian at ginulo pa ang kanyang buhok dahil sa stress."Really? Malalaman na pala agad ang result kahit one or two weeks palang na may nangyari sa inyo?" Litong tanong pa ni Ezekiel."Iyon ang sabi ng Doktor na napagtanungan ko. There's still a BIG possibility. I don't know– ayoko namang pagdudahan si Allison, baka makasama pa sa kalagayan n'ya. Saka kilala ko naman s'ya, never s'yang nagsinungaling sa akin." Saad ni Brian."What
Brian's POV"Sir, may meeting po kayo with Henderson's Corporation at 10:00 am and with Mr…..""Cancel all my appointments today Miss Santiago." Putol ko sa aking Sekretarya habang abala akong nakaharap sa aking laptop."But sir…""Hindi mo ba narinig ang sinabi ko o kailangan ko pang ulitin sayo?!" Pagalit ko nang bulyaw sa aking Sekretaryang nagulat sa aking pagsigaw."Okay po sir, I'm sorry." Nakayukong sambit ng aking Sekretarya."You can leave now." Malamig ko pang turan habang nakatitig sa aking laptop.Dali-dali namang lumabas ang aking Sekretarya. Napahawak ako sa aking sintidong biglang kumirot dahil na rin sa matinding pagod at puyat ko nang nagdaang gabi. May kailangan kase akong habuling trabaho dahil next week ay meron akong business trip."Nagpapaka-pagod kana naman babe.."Pagkarinig ko sa malambing na tinig na iyon ay agad akong napataas ng mukha at sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi."I just need to finish everything babe before sana ako pumunta sa busines...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments