Si Tyronia Gonzales ay anak sa labas ng kanyang ama. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya kaya naman sa bahay ng ama niya siya nakatira, at lumaki. Kahit pa mayaman ang ama niya ay kahit kailan ay hindi siya naging buhay prinsesa dahil galit sa kanya ang asawa ng ama niya. Walang araw na sinasabi nito na anak lang siya sa labas, at malandi ang ina niya kahit hindi naman totoo. Isang araw dahil nalulugi na ang kompanya ng ama niya ay nakaisip ng paraan ang asawa nito. Nabalitaan nito na naghahanap ng mapapangasawa si Grey Del Rosario. Bibili ito ng mapapangasawa dahil walang gustong magpakasal dito dahil sa sunog nitong itsura. Binenta si Tyronia ng asawa ng ama niya, at wala siyang nagawa. Naging madali din naman kay Tyronia na mahalin ang binata lalo na't mabait ito sa kanya, at binibigay ang lahat ng gusto niya. Pero natatakot siya na baka magbago ang pakikitungo ng binata sa kanya kapag nalaman nitong isa lang siyang bastardo. Pero ang mas malaking tanong ay handa ba siyang makita ang mukha ng asawa na nakatago sa maskara? Handa kaya niya itong tanggapin kapag nalaman niya ang malaki nitong lihim sa kanya?
view moreTyronia's POV:Hinaplos ni Grey ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. "I love you, Wife."Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya na nasa mukha ko. "Mahal na mahal din kita, Grey. Ito ang tatandaan mo, mabilis man ang nangyari sa atin ay totoong mahal kita. Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo.""Can I turn off the light?"Tumango ako. Hindi naman ako pwedeng humindi lalo na't naiisip ko na baka natatakot lang siya na makita ko ang mukha niya.Tumayo si Grey at pinatay ang ilaw. Hindi naman totally na madilim dahil may kaunting ilaw na nanggagaling sa lamp. Tinanggal ni Grey ang maskara niya at nilagay sa bed side table. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ni Grey pero nararamdaman kong gwapo siya.Tumabi na siya ng upo sa akin sa kama. "Kahit gaano ka kapangit, Grey, gaya ng sabi ng iba ay mamahalin pa din kita. Lagi mong tatandaan na hindi mahalaga sa akin ang itsura mo." Hinaplos ko ang mukha niya.Nagtataka ako dahil wala naman akong maramdaman na sunog sa mukha niya, 'y
Kinabukasan ay lumipad kami ni Grey papuntang Paris. Iyon ang honeymoon gift sa amin ng mga magulang ni Grey. Kanina habang nasa eroplano kami ay nakahawak ang kamay ni Grey sa kamay ko dahil nanginginig ako sa kaba nang lumipad na ang sinasakyan namin.First time ko kasing sumakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ang sinasakyan naming eroplano gaya na lang ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Mabuti na lang at kasama ko si Grey at pinapakalma ako. Maayos naman kaming nakarating sa hotel na tutuluyan namin dahilan para makahinga na ako ng maluwag.Bukas na kami gagala dahil magpapahinga na muna kami dahil ilang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating. Kahit kasi nakaupo lang kami buong oras ay nakakapagod din.Nang sumapit ang gabi ay sa baba ng hotel ay may restaurant at doon kami kumain. Nang matapos ay bumalik na din kami sa kwarto at nagpahinga.Kinabukasan habang kumakain kami ng almusal ay napag-uusapan namin kung saan kami mamamasy
TYRONIA:Gaya nang sinabi ni Grey sa akin ay isang civil wedding lang ang ang naganap sa pag-iisang dibdib namin. Magkahawak kamay kami ni Grey habang nakaharap sa Judge na siyang magkakasal sa amin. "Do you, Grey Del Rosario, take, Tyronia Gonzales, as your lawfully wedded wife?" tanong ng Judge habang nakaharap kay Grey."I do."Sa akin naman sunod na humarap ang Judge. "Do you, Tyronia Gonzales, take, Grey Del Rosario, as your lawfully wedded husband?"Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa kamay ko ni Grey. Mukhang kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Mahina ko itong pinisil dahilan para mapatingin siya sa akin.Ngumiti ako sa kanya para pawiin ang kaba niya. "I do, Judge. I do," sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.Hindi ko man nakikita ang labi niya ngayon ay alam kong nakangiti siya dahil sa mga mata niya."And now, I pronounce you as husband and wife. Congratulation, Mr. and Mrs. Delo Rosario."Nagpasalamat naman kami sa kanya at nakipagkamay. "Thank you,
Tyronia's POV:Itinuro sa akin ni Grey ang magiging kwarto namin. Hindi ko maiwasan na mapamangha dahil sa laki nito. Sa tingin ko nga ay mas malaki pa ang banyo ng kwarto niya sa kwarto ko noon sa mansyon.Pinasyal din niya ako sa buong bahay, at pinakita ang ilang guest rooms, office room nito, library, at ang maganda nitong garden. Mukhang may pagkakaabalahan siya kapag wala siyang magawa lalo na't hilig pa naman niya ang mga bulaklak. Hindi ko maiwasan na mapangha dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalaking bahay. Buong buhay ko kasi ay nasa mansyon lang ako, nakakalabas lang ako kapag namamalengke, 'yon lang."Kumain na tayo? I'm sure gutom ka na." Napatingin ito sa relong pambisig nito. "It's also lunch time." Kumabog na naman ng mabilis ang dibdib ko dahil hinawakan niya ang kamay ko, at dinala ako sa dining table.Napakurap-kurap ako nang makita na marami ang pagkain sa mesa. "May iba ka bang bisita?""Wala naman. It's just the two of us." Pinaghila
Tyronia's POV:"Ano?" gulat na tanong ni Beth sa akin nang sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin kanina ni Madam Charito. "At pumayag ka naman?"Napabutong hininga ako, at malungkot na ngumiti sa kanya. "Wala naman akong choice, 'di ba? Sila ang rason kaya ako nabubuhay ngayon kaya dapat lang na pagbayaran ko ang mga sakripisyo nila para sa akin."Umikot ang mga mata niya, at napa-cross arm. "Sakripisyo my ass! Eh, lahat naman ng mga binigay nila sa 'yo ay pinaghirapan mo din. Hindi ka naman naging buhay prinsesa sa kanila, ah." Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo, at hinawakan ang kamay ko. "Tyronia naman. Bakit ka pumayag? Pwede naman kasing hindi.""Tapos ano, Beth? Ano ang sunod na mangyayari? Palalayasin ako ni Madam Charito tapos saan ako pupunta?" Napabutong hininga ulit ako. "Alam mo naman na wala akong ibang mapuntahan, eh. Sila lang ang pamilya ko.""Talaga, Tyronia? Sila lang ang pamilya mo? Pamilya mo nga silang ituring pero katulong ka naman nilang ituring." Siya naman
Tyronia's POV:"Ano? Paano ito nangyari, Romel?" narinig kong tanong ni Madam Charito sa kanyang asawa. "Sagutin mo ako, papaano?" muli nitong sigaw.Naglilinis ako sa second floor nang bigla akong mapadaan sa sa library kung saan nasa loob ang magpamilya. Medyo nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko sila mula dito sa labas."Natalo ako sa sugal, eh," sagot ni Romel dahilan para mapasapo sa noo si Charito."Ano bang pumasok diyan sa kukute mo at isinugal mo lahat, Romel? Ano ng gagawin natin ngayon?" sigaw nito sa asawa. "Hindi pwede na wala tayong gawin!""Mom, just relax, okay?" sabi ni Sandy, ang nag-iisang anak ng mga ito. "Sigurado naman ako na may magiging sulosyon din tayo sa problemang ito.""Like what, Sandy?" Mula dito sa labas ay kitang-kita ko na namomoblema ang mukha ni Madam Charito. Napabuga ito nang malakas na hangin. "Kung hindi lang kasi nagpakalasing sa sugal itong daddy mo ay hindi ito mangyayari sa atin!" Napatakip ito sa labi habang pabalik-balik sa nilalakar
Tyronia's POV:"Ano? Paano ito nangyari, Romel?" narinig kong tanong ni Madam Charito sa kanyang asawa. "Sagutin mo ako, papaano?" muli nitong sigaw.Naglilinis ako sa second floor nang bigla akong mapadaan sa sa library kung saan nasa loob ang magpamilya. Medyo nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko sila mula dito sa labas."Natalo ako sa sugal, eh," sagot ni Romel dahilan para mapasapo sa noo si Charito."Ano bang pumasok diyan sa kukute mo at isinugal mo lahat, Romel? Ano ng gagawin natin ngayon?" sigaw nito sa asawa. "Hindi pwede na wala tayong gawin!""Mom, just relax, okay?" sabi ni Sandy, ang nag-iisang anak ng mga ito. "Sigurado naman ako na may magiging sulosyon din tayo sa problemang ito.""Like what, Sandy?" Mula dito sa labas ay kitang-kita ko na namomoblema ang mukha ni Madam Charito. Napabuga ito nang malakas na hangin. "Kung hindi lang kasi nagpakalasing sa sugal itong daddy mo ay hindi ito mangyayari sa atin!" Napatakip ito sa labi habang pabalik-balik sa nilalakar...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments