Home / Romance / Wife For Sale / Tyronia meet Grey

Share

Tyronia meet Grey

Author: Blazingfire
last update Last Updated: 2023-02-25 12:16:48

Tyronia's POV:

"Ano?" gulat na tanong ni Beth sa akin nang sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin kanina ni Madam Charito. "At pumayag ka naman?"

Napabutong hininga ako, at malungkot na ngumiti sa kanya. "Wala naman akong choice, 'di ba? Sila ang rason kaya ako nabubuhay ngayon kaya dapat lang na pagbayaran ko ang mga sakripisyo nila para sa akin."

Umikot ang mga mata niya, at napa-cross arm. "Sakripisyo my ass! Eh, lahat naman ng mga binigay nila sa 'yo ay pinaghirapan mo din. Hindi ka naman naging buhay prinsesa sa kanila, ah." Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo, at hinawakan ang kamay ko. "Tyronia naman. Bakit ka pumayag? Pwede naman kasing hindi."

"Tapos ano, Beth? Ano ang sunod na mangyayari? Palalayasin ako ni Madam Charito tapos saan ako pupunta?" Napabutong hininga ulit ako. "Alam mo naman na wala akong ibang mapuntahan, eh. Sila lang ang pamilya ko."

"Talaga, Tyronia? Sila lang ang pamilya mo? Pamilya mo nga silang ituring pero katulong ka naman nilang ituring." Siya naman ang napabungtong hininga. "Paano na ako ngayon na aalis ka? Wala na akong kasama lalo na sa kwarto."

Magkasama kasi kami ni Beth sa iisang kwarto. Pinisil ko ang kamay niya, at bahagyang ngumiti. "Huwag kang mag-alala, kapag naging maayos kami ng mapapangasawa ko ay pakikiusapan ko siya na kunin ka para magkasama pa din tayo."

Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya, alam kong ano mang oras ay iiyak na siya lalo pa't iyakin si Beth. "Talaga? Pangako mo 'yan, ah?" Tumango naman ako bilang sagot. "Aasahan ko 'yan, Tyronia."

"Asahan mo, Beth." Niyakap ko siya, at hindi nga nagtagal ay napaiyak na siya.

KINABUKASAN ay may isang magarang kotse ang sumundo sa akin mula sa bahay.

"Good morning, Miss Tyronia. Ako nga pala si Hugo, ang butler ni Mr. Del Rosario," pakilala sa akin ng isang lalaki at saka inilahad sa akin ang isa niyang kamay para makipag-shake hands. Medyo may edad na ito, sa tingin niya ay nasa sixties na ito, pero nakikita niya pa din ang maawtoridad nitong awra.

"Good morning din po. Ako naman po si Tyronia." Nakipagkamay ako sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Nice meeting you, Miss Tyronia." Napatingin siya sa bag na hawak ko. "Ito na po ba ang lahat ng gamit niyo?"

"Opo." Tumango naman ito at may tinawag. May isang lalaki na lumapit sa amin, at kinuha ang hawak kong bag. "A-Ako na po ang magdadala," nahihiya kong sabi.

Hindi kasi ako sanay na may ibang humahawak ng mga gamit ko lalo pa't kaya ko naman. Isang bag lang din naman ang dala ko dahil wala naman ako gaanong gamit.

"Hayaan mo na sila Miss Tyronia. Trabaho nila na pagsilbihan ka, at dapat ka ng masanay doon," nakangiti nitong sabi.

Kahit ayaw ko ay wala na din akong nagawa. Nakakahiya na din kasi na humindi sa kanya lalo na't nakikita ko naman na mabait siya.

"S-Sige po, maraming salamat." Ibinigay ko na ang bag ko sa lalaki.

"Good morning, Mr. Hugo." Napalingon ako, at nakita ko si Madam Charito, Sandy, at si papa na pababa ng hagdan. "Mukhang ang aga niyo ata ngayon. Gusto mo bang magmeryenda muna?" tanong ni Madam Charito kay Mr. Hugo.

Ngumiti ito sa kanya. "Hindi na po, Misis Gonzales. Nandito lang talaga ako para sunduin si Miss Tyronia, at para ibigay ito sa inyo." Inilahad nito kay Madam Charito ang isang cheque na naglalaman ng fifty million pesos.

Huminga ako nang malalim, at napaiwas na lang. Fifty million pesos, iyon ang halaga ko sa pamilyang ito.

Agad itong kinuha ni Madam Charito, at hindi naitago ang ngiti sa labi. "Naku! Maraming salamat, Mr. Hugo, at pakisabi na din kay Mr. Del Rosario na maraming salamat, at ingatan niya itong anak ko."

Parang tumaas ang mga balahibo ko sa tinawag niya sa akin, at nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat. Naramdaman ko na medyo inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya.

"Maging mabait kang asawa kay Mr. Del Rosario, Tyronia, kung ayaw mong pulutin ka sa kalsada. Ito ang tatandaan mo kapag tinapon ka ni Grey dahil hindi ka naging mabuting asawa ay huwag mo nang aasahan na makakabalik ka pa dito, okay? Dahil ibinenta na kita sa kanya." Lihim akong tumango dahil nakatitig sa amin si Mr. Hugo. "Good. Oh... Mami-miss kita, Anak ko."

Pilit akong tumawa nang yakapin niya ako. Agad din siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin, at nakikita ko sa mga mata niya ang pagkadisgusto.

"Mag-iingat ka, okay?" Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Kahit na nakangiti siya sa akin ay alam ko naman na isa 'yong pekeng ngiti.

"Kailangan na nating umalis Miss Tyronia, naghihintay na din kasi sa atin ni Mr. Del Rosario," sabi ni Mr. Hugo.

Tumango naman ako sa kanya, at sumunod papalabas ng bahay. Bago pa ako tuluyang makalabas ay lumingon muna ako. Tumingin ako sa kanilang tatlo lalo na sa ama ko pero nasaktan lang ako dahil ni pag-alala o konsensya ay wala akong nakita sa mukha niya.

Gusto ko na lang matawa. Ni ang paggahasa nga niya sa nanay ko ay wala siyang konsesnya na nararamdaman, eh, ano pa sa akin na anak niya lang naman sa kasalanan niya na ngayon ay ibinenta niya.

Huminga ako nang malalim. Siguro nga ay tama ang sinabi ni Madam Charito na kailangan kong magpakabait, at pagsilbihan si Grey. Maliban sa magiging asawa ko ito ay ito na lang ang magiging pamilya ko dahil gaya ng sinabi ni Madam Charito ay wala na akong ibang mapupuntahan pa.

Pinagbuksan ako ni Mr. Hugo ng pinto. Nagpasalamat ako sa kanya, at saka pumasok. Ramdam na ramdam ko ang air con ng sasakyan sa pagpasok ko pa lang. Halatang mayaman nga si Grey. Nabili nga ako sa halagang fifty million pesos, eh.

Nagsimula na kaming maglakbay patungo sa bahay ni Grey, at hindi nga nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking bahay. Mas malaki pa ito sa bahay kung saan ako lumaki. Hindi ko maiwasan na mapanganga dahil sa ganda, at laki nito.

Huminto ang kotse sa harap ng bahay, at gaya na lang kanina ay pinagbukasan ulit ako ni Mr. Hugo.

"Welcome home, Miss Tyronia," sabi ni Mr. Hugo nang makababa ako.

Nawala ang atensyon ko sa kanya, at sa malaking bahay nang mapatitig ako sa isang lalaking nakatayo, at tila ba inaabangan ang pagdating namin.

"Miss Tyronia, siya si Mr. Grey Del Rosario, ang mapapangasawa mo."

Kumabog nang mabilis ang puso ko. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Ito kasi ang unang beses na nagkita kami, at nagkakilala. Sa kulay asul niyang mga mata agad napako ang tingin ko. Mas maganda pala ito sa personal kaysa sa picture.

Lumapit ako sa kanya, at yumuko. "Good morning, Mr. Del Rosario. Ako nga po pala si Tyronia Gonzales." Napatingin ako sa kanya nang hindi siya sumagot.

Nagalit kaya siya? May nagawa ba akong mali kaya hindi siya sumasagot?

"You don't need to be polite with me, Wife." Nagulat ako sa tinawag niya sa akin. Hindi lang 'yon, tila may kakaiba sa boses nito. Para bang malambing, at nagsusumamo ang boses nito dahilan para mawala kaagad ang kaba na nararamdaman ko. "Sa susunod na araw din naman ay magiging mag-asawa na tayo."

"P-Pasensya na. Medyo naninibago lang ako."

Nagulat ako nang hawakan niya ang buhok ko, at inipit sa gitna ng tenga ko. "Masasanay ka din."

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba pero sa tingin ko ay nakangiti siya habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Hindi lang ako sigurado dahil natatakpan ito ng kulay itim niyang maskara.

Gano'n ba talaga kapangit ang mukha nito para buong mukha talaga ang lagyan nito ng maskara? Pero kahit pa sabihin ng ibang tao na pangit si Grey ay hindi maipagkakaila na may maganda siyang katawan. Iyong tipo ng katawan na pwede nang pang-model. Kung siguro hindi lang nasira ang mukha niya dahil sa sunog ay sigurado akong maraming maghahabol sa kanya, at hindi niya kailangan bumili ng asawa na katulad ko para lang may makasama sa buhay.

Ngumiti ako sa kanya. "Masasanay din ako." Ilang minuto itong hindi umimik dahilan para magtaka ako. "Grey?" Para naman siyang nabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba?"

"Yes, I'm fine." Napatingin ako sa kamay niya nang ilahad niya ito sa akin. "Let's go. Sasamahan kita papunta sa kwarto natin."

"Natin?"

Grey tilted his head. "Bakit? May problema ba kung nasa iisang kwarto, at kama tayo?" He chuckled. "Normal naman na magsama tayo sa iisang kwarto lalo na't magiging mag-asawa na tayo, Tyronia. Except kung ayaw mong makasama ang isang pangit na katulad ko."

"Hindi!" Dahil sa biglang pagkataranta ko ay hindi ko na napansin na nakahawak na pala ako sa dibdib niya. Tila nagulat siya sa ginawa ko. "Wala akong sinabing gano'n, Grey. Hindi naman kasi basihan ang mukha para maging isang mabuting tao. Mas importante pa din ang puso, ang pagiging mabait."

"Hindi ko alam na may mga tao pa pala na 'yan ang basehan. Akala ko kasi ay ganda, at yaman ang gusto ng mga tao ngayon."

Umiling-iling ako dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. "Syempre hindi lahat ng tao, lalo na ako."

Hinawakan niya ang kamay ko na ngayon ko lang napansin ang kapangahasan nito. "Don't worry, I trust what you say. You are my wife after all." Hindi ko mapigilan na pamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak na masama sa 'yo. Hindi kita pipilitin sa mga hindi mo gusto, okay?" Wala sa sariling napatango ako. "Let's go?" Muli akong tumango sa pag-aya niya.

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
mabait Naman pala Si Grey
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
feel ko gwapo c grey at mbait feel ko lng...
goodnovel comment avatar
Vickai Usares
kinikilig ako ,, ayie basta felling gwapooo sya ayie ,,,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Wife For Sale   Meeting Grey's Parents

    Tyronia's POV:Itinuro sa akin ni Grey ang magiging kwarto namin. Hindi ko maiwasan na mapamangha dahil sa laki nito. Sa tingin ko nga ay mas malaki pa ang banyo ng kwarto niya sa kwarto ko noon sa mansyon.Pinasyal din niya ako sa buong bahay, at pinakita ang ilang guest rooms, office room nito, library, at ang maganda nitong garden. Mukhang may pagkakaabalahan siya kapag wala siyang magawa lalo na't hilig pa naman niya ang mga bulaklak. Hindi ko maiwasan na mapangha dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalaking bahay. Buong buhay ko kasi ay nasa mansyon lang ako, nakakalabas lang ako kapag namamalengke, 'yon lang."Kumain na tayo? I'm sure gutom ka na." Napatingin ito sa relong pambisig nito. "It's also lunch time." Kumabog na naman ng mabilis ang dibdib ko dahil hinawakan niya ang kamay ko, at dinala ako sa dining table.Napakurap-kurap ako nang makita na marami ang pagkain sa mesa. "May iba ka bang bisita?""Wala naman. It's just the two of us." Pinaghila

    Last Updated : 2023-02-25
  • Wife For Sale   THE WEDDING

    TYRONIA:Gaya nang sinabi ni Grey sa akin ay isang civil wedding lang ang ang naganap sa pag-iisang dibdib namin. Magkahawak kamay kami ni Grey habang nakaharap sa Judge na siyang magkakasal sa amin. "Do you, Grey Del Rosario, take, Tyronia Gonzales, as your lawfully wedded wife?" tanong ng Judge habang nakaharap kay Grey."I do."Sa akin naman sunod na humarap ang Judge. "Do you, Tyronia Gonzales, take, Grey Del Rosario, as your lawfully wedded husband?"Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa kamay ko ni Grey. Mukhang kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Mahina ko itong pinisil dahilan para mapatingin siya sa akin.Ngumiti ako sa kanya para pawiin ang kaba niya. "I do, Judge. I do," sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.Hindi ko man nakikita ang labi niya ngayon ay alam kong nakangiti siya dahil sa mga mata niya."And now, I pronounce you as husband and wife. Congratulation, Mr. and Mrs. Delo Rosario."Nagpasalamat naman kami sa kanya at nakipagkamay. "Thank you,

    Last Updated : 2023-03-04
  • Wife For Sale   HONEYMOON

    Kinabukasan ay lumipad kami ni Grey papuntang Paris. Iyon ang honeymoon gift sa amin ng mga magulang ni Grey. Kanina habang nasa eroplano kami ay nakahawak ang kamay ni Grey sa kamay ko dahil nanginginig ako sa kaba nang lumipad na ang sinasakyan namin.First time ko kasing sumakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ang sinasakyan naming eroplano gaya na lang ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Mabuti na lang at kasama ko si Grey at pinapakalma ako. Maayos naman kaming nakarating sa hotel na tutuluyan namin dahilan para makahinga na ako ng maluwag.Bukas na kami gagala dahil magpapahinga na muna kami dahil ilang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating. Kahit kasi nakaupo lang kami buong oras ay nakakapagod din.Nang sumapit ang gabi ay sa baba ng hotel ay may restaurant at doon kami kumain. Nang matapos ay bumalik na din kami sa kwarto at nagpahinga.Kinabukasan habang kumakain kami ng almusal ay napag-uusapan namin kung saan kami mamamasy

    Last Updated : 2023-03-04
  • Wife For Sale   HONEYMOON 2

    Tyronia's POV:Hinaplos ni Grey ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. "I love you, Wife."Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya na nasa mukha ko. "Mahal na mahal din kita, Grey. Ito ang tatandaan mo, mabilis man ang nangyari sa atin ay totoong mahal kita. Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo.""Can I turn off the light?"Tumango ako. Hindi naman ako pwedeng humindi lalo na't naiisip ko na baka natatakot lang siya na makita ko ang mukha niya.Tumayo si Grey at pinatay ang ilaw. Hindi naman totally na madilim dahil may kaunting ilaw na nanggagaling sa lamp. Tinanggal ni Grey ang maskara niya at nilagay sa bed side table. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ni Grey pero nararamdaman kong gwapo siya.Tumabi na siya ng upo sa akin sa kama. "Kahit gaano ka kapangit, Grey, gaya ng sabi ng iba ay mamahalin pa din kita. Lagi mong tatandaan na hindi mahalaga sa akin ang itsura mo." Hinaplos ko ang mukha niya.Nagtataka ako dahil wala naman akong maramdaman na sunog sa mukha niya, 'y

    Last Updated : 2023-04-13
  • Wife For Sale   WIFE FOR SALE

    Tyronia's POV:"Ano? Paano ito nangyari, Romel?" narinig kong tanong ni Madam Charito sa kanyang asawa. "Sagutin mo ako, papaano?" muli nitong sigaw.Naglilinis ako sa second floor nang bigla akong mapadaan sa sa library kung saan nasa loob ang magpamilya. Medyo nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko sila mula dito sa labas."Natalo ako sa sugal, eh," sagot ni Romel dahilan para mapasapo sa noo si Charito."Ano bang pumasok diyan sa kukute mo at isinugal mo lahat, Romel? Ano ng gagawin natin ngayon?" sigaw nito sa asawa. "Hindi pwede na wala tayong gawin!""Mom, just relax, okay?" sabi ni Sandy, ang nag-iisang anak ng mga ito. "Sigurado naman ako na may magiging sulosyon din tayo sa problemang ito.""Like what, Sandy?" Mula dito sa labas ay kitang-kita ko na namomoblema ang mukha ni Madam Charito. Napabuga ito nang malakas na hangin. "Kung hindi lang kasi nagpakalasing sa sugal itong daddy mo ay hindi ito mangyayari sa atin!" Napatakip ito sa labi habang pabalik-balik sa nilalakar

    Last Updated : 2023-02-25

Latest chapter

  • Wife For Sale   Tyronia meet Grey

    Tyronia's POV:"Ano?" gulat na tanong ni Beth sa akin nang sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin kanina ni Madam Charito. "At pumayag ka naman?"Napabutong hininga ako, at malungkot na ngumiti sa kanya. "Wala naman akong choice, 'di ba? Sila ang rason kaya ako nabubuhay ngayon kaya dapat lang na pagbayaran ko ang mga sakripisyo nila para sa akin."Umikot ang mga mata niya, at napa-cross arm. "Sakripisyo my ass! Eh, lahat naman ng mga binigay nila sa 'yo ay pinaghirapan mo din. Hindi ka naman naging buhay prinsesa sa kanila, ah." Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo, at hinawakan ang kamay ko. "Tyronia naman. Bakit ka pumayag? Pwede naman kasing hindi.""Tapos ano, Beth? Ano ang sunod na mangyayari? Palalayasin ako ni Madam Charito tapos saan ako pupunta?" Napabutong hininga ulit ako. "Alam mo naman na wala akong ibang mapuntahan, eh. Sila lang ang pamilya ko.""Talaga, Tyronia? Sila lang ang pamilya mo? Pamilya mo nga silang ituring pero katulong ka naman nilang ituring." Siya naman

  • Wife For Sale   WIFE FOR SALE

    Tyronia's POV:"Ano? Paano ito nangyari, Romel?" narinig kong tanong ni Madam Charito sa kanyang asawa. "Sagutin mo ako, papaano?" muli nitong sigaw.Naglilinis ako sa second floor nang bigla akong mapadaan sa sa library kung saan nasa loob ang magpamilya. Medyo nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko sila mula dito sa labas."Natalo ako sa sugal, eh," sagot ni Romel dahilan para mapasapo sa noo si Charito."Ano bang pumasok diyan sa kukute mo at isinugal mo lahat, Romel? Ano ng gagawin natin ngayon?" sigaw nito sa asawa. "Hindi pwede na wala tayong gawin!""Mom, just relax, okay?" sabi ni Sandy, ang nag-iisang anak ng mga ito. "Sigurado naman ako na may magiging sulosyon din tayo sa problemang ito.""Like what, Sandy?" Mula dito sa labas ay kitang-kita ko na namomoblema ang mukha ni Madam Charito. Napabuga ito nang malakas na hangin. "Kung hindi lang kasi nagpakalasing sa sugal itong daddy mo ay hindi ito mangyayari sa atin!" Napatakip ito sa labi habang pabalik-balik sa nilalakar

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status