Beranda / Romance / Wife For Sale / WIFE FOR SALE

Share

Wife For Sale
Wife For Sale
Penulis: Blazingfire

WIFE FOR SALE

Penulis: Blazingfire
last update Terakhir Diperbarui: 2023-02-25 12:15:07

Tyronia's POV:

"Ano? Paano ito nangyari, Romel?" narinig kong tanong ni Madam Charito sa kanyang asawa. "Sagutin mo ako, papaano?" muli nitong sigaw.

Naglilinis ako sa second floor nang bigla akong mapadaan sa sa library kung saan nasa loob ang magpamilya. Medyo nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko sila mula dito sa labas.

"Natalo ako sa sugal, eh," sagot ni Romel dahilan para mapasapo sa noo si Charito.

"Ano bang pumasok diyan sa kukute mo at isinugal mo lahat, Romel? Ano ng gagawin natin ngayon?" sigaw nito sa asawa. "Hindi pwede na wala tayong gawin!"

"Mom, just relax, okay?" sabi ni Sandy, ang nag-iisang anak ng mga ito. "Sigurado naman ako na may magiging sulosyon din tayo sa problemang ito."

"Like what, Sandy?" Mula dito sa labas ay kitang-kita ko na namomoblema ang mukha ni Madam Charito. Napabuga ito nang malakas na hangin. "Kung hindi lang kasi nagpakalasing sa sugal itong daddy mo ay hindi ito mangyayari sa atin!" Napatakip ito sa labi habang pabalik-balik sa nilalakaran. "Kailangan kong mag-isip ng solusyon para sa problema natin."

Napailing na lang ako at napagdesisyonan na umalis. Wala din naman akong pakialam kung ano ang problema ng pamilya nila dahil sa simula pa lang ay hindi na ako naging bahagi ng pamilya nila.

Ako si Tyronia Gonzales, anak ni Romel Gonzales sa ibang babae. Actually, sa dati nilang katulong na ginahasa ng ama ko hanggang sa nagbunga, at namatay ang ina ko sa panganganak sa akin. Kahit na anak niya ako ay hindi naman ako naging bahagi ng pamilya nila dahil ayaw ni Madam Charito, ang asawa ng ama ko.

Kahit mayaman ang ama ko ay hindi ako naging buhay prinsesa sa mansyon na ito. Buong buhay ko ay wala akong ibang ginawa kung hindi pagsilbihan ang pamilya ng ama ko.

Nilalagyan ko ng juice ang mga baso nila habang kumakain sila. Tahimik lang sila habang kumakain hanggang sa magsalita si Madam Charito.

"Pumunta ka mamaya sa library, Tyronia." Napatingin ako sa kanya nang nagtatanong. "May importante akong sasabihin sa 'yo." Hindi na ako sumagot, at tumango na lang.

Bumalik na ako sa kusina. "Ano naman kaya ang balak ni Madam Charito sa 'yo, Tyronia? Baka mamaya ay ikaw na naman ang pagbuntungan niya ng galit," nag-aalalang sabi ni Beth sa akin. Ang kasama kong katulong sa bahay. Halos magkasing edad lang kami kaya close kaming dalawa.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko din alam, eh."

Actually, may hinala na ako. Siguro tungkol ito sa pinagtatalunan nila noong isang araw. Pero nagtataka ako kung bakit kasali ako? Napailing na lang ako. Hinala ko pa lang naman 'yon, at hindi pa ako sigurado kung 'yon ba talaga 'yon.

Nang matapos sila sa hapunan ay naghugas na kami ni Beth ng mga pinggan. Nasa kalagitnaan na kami nang paghuhugas nang tawagin ako ni Manang These kaya napalingon ako sa kanya.

"Pinapatawag ka ni Madam Charito, Tyronia."

Nagkatinginan naman kami ni Beth. Nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Ngumiti ako sa kanya para kahit papaano ay hindi siya mag-alala sa akin.

"Pupunta muna ako doon, Beth. Ikaw na muna ang bahala dito," sabi ko habang nagpupunas ng kamay sa apron na suot ko.

"Naku! Baka mamaya ay lumabas ka na naman sa library na namumula ang pisngi mo." Natigilan ako sa sinabi niya.

Kahit kasi hindi kami magkadugo ni Beth ay halos magkapatid na ang turingan namin. Sa tuwing pinapatawag kasi ako ni Madam Charito ay hindi ako lumalabas sa library o sa kwarto nito na walang sampal o pananakit. Galit ito sa akin dahil sa tuwing nakikita ako nito ay naaalala nito ang kasalanan na ginawa ng asawa niya sa ina ko.

Hindi ko din naman ginusto na ipanganak ako dito sa mundo. Isa pa, kung meron mang dapat sisihin dito ay 'yon ay ang ama ko, ang asawa niya. Dahil kung hindi nito ginahasa ang ina ko ay hindi naman ako mabubuo, at mabubuhay sa mundong ito.

Maganda ang ina ko, at mabait dahilan para pagnasaan siya ng asawa ni Madam Charito. Ang palaging sinasabi sa akin ni Madam Charito ay inakit daw ng ina ko ang asawa niya pero iba naman ang sinasabi ng mga katulong na nakakakilala sa ina ko. Ni katiting ay walang gusto ang ina ko sa asawa niya.

"Magiging okay lang ako, Beth." Ngumiti ako sa kanya. "Huwag kang mag-alala. Kaya ko ito, okay?" Napabuntong hininga na lang siya, at tumango.

Kahit ang mga matagal ng katulong sa mansyon ay naaawa sa sitwasyon ko. Palagi kasi akong pinagmamalupitan ni Madam Charito kahit wala naman akong kasalanan. Hindi din naman ako pwedeng umalis sa mansyon dahil wala na akong ibang mapupuntahan. Hindi din naman ako nakapag-aral dahil hindi siya pumayag.

Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa pinto. "Si Tyronia po ito."

"Pumasok ka," narinig kong sagot ni Madam Charito mula sa loob.

Muli akong nagpakawala ng isang malakas na hininga bago binuksan ang pinto, at pumasok. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa isa na namang sampal kung saka-sakali. "Pinapatawag niyo daw po ako?"

"Yes. Maupo ka, Tyronia." Tinuro nito ang visiting chair. Hindi ko maiwasan na mas kabahan dahil may kakaiba sa kanya ngayon. Naupo ako gaya ng gusto niya. "I want you to do something for me, Tyronia, at hindi ka pwedeng umayaw." Mas lalong kumabog ang dibdib ko. "I believe na may utang na loob ka sa akin dahil binuhay pa kita sa mundong ito kahit pa pwede naman kitang itapon." Napalunok ako. "Ngayon ito na ang oras para pagbayaran mo ang lahat-lahat ng ginastos ko sa 'yo."

Pinagsiklop ko ang mga kamay ko dahil medyo nanginginig na ako sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang fabor na gusto niyang ipagawa sa akin pero kahit gusto kong umayaw ay mukhang wala naman akong magagawa.

"A-Ano po 'yon, Madam Charito?"

Ngumiti siya sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. "Gusto kong ipaalam sa 'yo na medyo nalulugi na ang kompanya ng magaling mong ama dahil sa pagsusugal niya. Ngayon, nakaisip na ako ng paraan kung papaano mababayaran ang mga utang niya, at masalba ang pamilya natin." Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong ituro. "Don't you dare tell to anybody about this. Ayaw kong malaman nila na namumulubi na ako."

Tumango naman ako. "Ano po bang naisip niyong paraan."

"Well," may kinuha itong brown envelope mula sa drawer nito at nilagay sa mesa. "Open it." Kinuha ko ito, at binuksan.

Nakita ko ang isang litrato ng isang lalaki na may maskara sa mukha. Hindi ang suot nitong maskrang itim ang nakaagaw ng atensyon ko kung hindi ang kulay asul niyang mga mata na para bang malalim na dagat.

"Ano po ito?"

"Siya si Grey Del Rosario, ang mapapangasawa mo."

Para akong nabilaukan sa sinabi niya, at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. "M-Magiging Asawa?"

"Yes, Tyronia. Naghahanap si Grey ng mapapangasawa niya kapalit ng malaking halaga. Isang mayaman na tao si Grey kaya siya ang solusyon sa problema natin."

"P-Pero bakit po ako kung pwede naman po si Sandy?" Tumaas ang kilay ni Sandy sa sinabi ko. "Mayaman naman po siya. Mas magiging mabuti kung si Sandy ang magpapakasal sa kanya."

Sa katunayan ay sa edad kong bente kuwatro ay hindi pa ako handa makipag-asawa lalo na sa lalaking hindi ko naman kilala. Na kahit mukha nito sa picture ay nakatakip pa.

"Sa tingin mo ba ay ipapakasal ko si Sandy sa kanya?" Tumaas ang kilay niya. "Mayaman nga si Grey, mabibigay niya ang mga luho ni Sandy, pero ayaw ko siyang ipakasal sa isang pangit. Ayaw kong magkaroon ng isang manugang na pangit kahit pa mayaman siya."

"Pangit? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Nasunog ang mukha ni Grey noong bata pa siya at hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung ano talaga ang itsura niya dahil palagi siyang nagsusuot ng maskarang 'yan." Napatingin ako sa picture niya. Kulay black ang maskara niya dahilan para mas lalong pumuti ang leeg nito.

"Pero bakit po ako?"

Natawa ito na para bang nagsabi ako ng isang joke. "Malamang para mapakinabangan din naman kita, no. Ang laki-laki na ng ginastos ko sa 'yo tapos hindi kita papakinabangan? Ano ka? Sinuswerte?"

Napayuko na lang ako. "Kahit na ipakasal niyo ako sa Grey na ito ay hindi naman natin alam kung papayag ba siya o hindi. Lalo na sa isang katulong na katulad ko."

Umikot ang mga mata nito. "Kahit kailan ang bobo ka talaga." Napapikit na lang ako ng mga mata sa insulto niya. "Malamang hindi ko sinabi na isa kang bastardo. Isa pa, hindi mo na poproblemahin 'yon dahil ayos na ang lahat."

Bigla akong napatingin sa kanya. "Anong ibig niyo pong sabihin?"

Ngumiti ito sa akin. "Pumayag na ang mga Del Rosario na ikaw ang ipapakasal sa pangit nilang anak. Choosy pa ba sila? Wala naman kasi sinong babae ang magpapakasal sa isang pangit na lalaki." Ngumisi ito. "Mabuti na nga lang at maganda ka, nagmana ka sa nanay mong malandi. Landiin mo din siya, Tyronia, para naman mas mabigyan ka pa niya ng pera, at maipadala mo sa amin."

Gusto kong magalit dahil sa masasamang salita na sinasabi niya tungkol sa ina ko pero hindi ko magawa dahil kahit na magalit ako ay ako pa din ang talo. Sasaktan lang ako ni Madam Charito.

"Tapos na tayo sa pag-uusap. Bumalik ka na sa kwarto mo, at mag-impake dahil bukas na bukas din ay pupunta ka na sa bahay ni Grey."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Bukas po kaagad?"

Tumaas ang kilay nito. "Bakit? May angal ka?" Napailing na lang ako dahil wala din naman akong magagawa sa gusto niya. "Sige na, umalis ka na dahil nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita kita!"

Tumango ako at dinala ang brown na envelope dahil gusto ni Madam Charito na basahin ko ang profile tungkol kay Grey. Gusto niyang pag-aralan ko ang mga gusto, at hindi nito gusto.

"Ang galing mo talaga, Mommy. Nakaisip ka kaagad ng paraan," narinig kong sabi ni Sandy.

"Oo naman. Mabuti na lang at nagmana ang mukha ng batang 'yan sa ina niya. Mapapakinabangan natin siya."

Tuluyan na akong lumabas sa library. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang. Ang malas ko talaga sa buhay.

Kahit na katulong lang ako sa bahay na ito ay pinangarap ko kasi na balang araw ay makakakilala din ako ng isang lalaki na magmamahalan sa akin, kukunin ako sa empyernong bahay na ito, bubuo kami ng sarili naming pamilya, at magiging masaya. Sasabay na tatanda.

Napatingin ako ulit sa picture ni Grey. Pero mukhang hindi na mangyayari ang pangarap ko na 'yon dahil ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal, at mas lalong hindi ko kilala. Sadyang napakadamot sa akin ng tadhana. Ayaw akong sumaya.

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you parang exiting ito
goodnovel comment avatar
Vickai Usares
exciting naman to aabangan ko to
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Wife For Sale   Tyronia meet Grey

    Tyronia's POV:"Ano?" gulat na tanong ni Beth sa akin nang sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin kanina ni Madam Charito. "At pumayag ka naman?"Napabutong hininga ako, at malungkot na ngumiti sa kanya. "Wala naman akong choice, 'di ba? Sila ang rason kaya ako nabubuhay ngayon kaya dapat lang na pagbayaran ko ang mga sakripisyo nila para sa akin."Umikot ang mga mata niya, at napa-cross arm. "Sakripisyo my ass! Eh, lahat naman ng mga binigay nila sa 'yo ay pinaghirapan mo din. Hindi ka naman naging buhay prinsesa sa kanila, ah." Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo, at hinawakan ang kamay ko. "Tyronia naman. Bakit ka pumayag? Pwede naman kasing hindi.""Tapos ano, Beth? Ano ang sunod na mangyayari? Palalayasin ako ni Madam Charito tapos saan ako pupunta?" Napabutong hininga ulit ako. "Alam mo naman na wala akong ibang mapuntahan, eh. Sila lang ang pamilya ko.""Talaga, Tyronia? Sila lang ang pamilya mo? Pamilya mo nga silang ituring pero katulong ka naman nilang ituring." Siya naman

    Terakhir Diperbarui : 2023-02-25
  • Wife For Sale   Meeting Grey's Parents

    Tyronia's POV:Itinuro sa akin ni Grey ang magiging kwarto namin. Hindi ko maiwasan na mapamangha dahil sa laki nito. Sa tingin ko nga ay mas malaki pa ang banyo ng kwarto niya sa kwarto ko noon sa mansyon.Pinasyal din niya ako sa buong bahay, at pinakita ang ilang guest rooms, office room nito, library, at ang maganda nitong garden. Mukhang may pagkakaabalahan siya kapag wala siyang magawa lalo na't hilig pa naman niya ang mga bulaklak. Hindi ko maiwasan na mapangha dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalaking bahay. Buong buhay ko kasi ay nasa mansyon lang ako, nakakalabas lang ako kapag namamalengke, 'yon lang."Kumain na tayo? I'm sure gutom ka na." Napatingin ito sa relong pambisig nito. "It's also lunch time." Kumabog na naman ng mabilis ang dibdib ko dahil hinawakan niya ang kamay ko, at dinala ako sa dining table.Napakurap-kurap ako nang makita na marami ang pagkain sa mesa. "May iba ka bang bisita?""Wala naman. It's just the two of us." Pinaghila

    Terakhir Diperbarui : 2023-02-25
  • Wife For Sale   THE WEDDING

    TYRONIA:Gaya nang sinabi ni Grey sa akin ay isang civil wedding lang ang ang naganap sa pag-iisang dibdib namin. Magkahawak kamay kami ni Grey habang nakaharap sa Judge na siyang magkakasal sa amin. "Do you, Grey Del Rosario, take, Tyronia Gonzales, as your lawfully wedded wife?" tanong ng Judge habang nakaharap kay Grey."I do."Sa akin naman sunod na humarap ang Judge. "Do you, Tyronia Gonzales, take, Grey Del Rosario, as your lawfully wedded husband?"Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa kamay ko ni Grey. Mukhang kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Mahina ko itong pinisil dahilan para mapatingin siya sa akin.Ngumiti ako sa kanya para pawiin ang kaba niya. "I do, Judge. I do," sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.Hindi ko man nakikita ang labi niya ngayon ay alam kong nakangiti siya dahil sa mga mata niya."And now, I pronounce you as husband and wife. Congratulation, Mr. and Mrs. Delo Rosario."Nagpasalamat naman kami sa kanya at nakipagkamay. "Thank you,

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-04
  • Wife For Sale   HONEYMOON

    Kinabukasan ay lumipad kami ni Grey papuntang Paris. Iyon ang honeymoon gift sa amin ng mga magulang ni Grey. Kanina habang nasa eroplano kami ay nakahawak ang kamay ni Grey sa kamay ko dahil nanginginig ako sa kaba nang lumipad na ang sinasakyan namin.First time ko kasing sumakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ang sinasakyan naming eroplano gaya na lang ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Mabuti na lang at kasama ko si Grey at pinapakalma ako. Maayos naman kaming nakarating sa hotel na tutuluyan namin dahilan para makahinga na ako ng maluwag.Bukas na kami gagala dahil magpapahinga na muna kami dahil ilang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating. Kahit kasi nakaupo lang kami buong oras ay nakakapagod din.Nang sumapit ang gabi ay sa baba ng hotel ay may restaurant at doon kami kumain. Nang matapos ay bumalik na din kami sa kwarto at nagpahinga.Kinabukasan habang kumakain kami ng almusal ay napag-uusapan namin kung saan kami mamamasy

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-04
  • Wife For Sale   HONEYMOON 2

    Tyronia's POV:Hinaplos ni Grey ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. "I love you, Wife."Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya na nasa mukha ko. "Mahal na mahal din kita, Grey. Ito ang tatandaan mo, mabilis man ang nangyari sa atin ay totoong mahal kita. Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo.""Can I turn off the light?"Tumango ako. Hindi naman ako pwedeng humindi lalo na't naiisip ko na baka natatakot lang siya na makita ko ang mukha niya.Tumayo si Grey at pinatay ang ilaw. Hindi naman totally na madilim dahil may kaunting ilaw na nanggagaling sa lamp. Tinanggal ni Grey ang maskara niya at nilagay sa bed side table. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ni Grey pero nararamdaman kong gwapo siya.Tumabi na siya ng upo sa akin sa kama. "Kahit gaano ka kapangit, Grey, gaya ng sabi ng iba ay mamahalin pa din kita. Lagi mong tatandaan na hindi mahalaga sa akin ang itsura mo." Hinaplos ko ang mukha niya.Nagtataka ako dahil wala naman akong maramdaman na sunog sa mukha niya, 'y

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-13

Bab terbaru

  • Wife For Sale   WIFE FOR SALE

    Tyronia's POV:"Ano? Paano ito nangyari, Romel?" narinig kong tanong ni Madam Charito sa kanyang asawa. "Sagutin mo ako, papaano?" muli nitong sigaw.Naglilinis ako sa second floor nang bigla akong mapadaan sa sa library kung saan nasa loob ang magpamilya. Medyo nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko sila mula dito sa labas."Natalo ako sa sugal, eh," sagot ni Romel dahilan para mapasapo sa noo si Charito."Ano bang pumasok diyan sa kukute mo at isinugal mo lahat, Romel? Ano ng gagawin natin ngayon?" sigaw nito sa asawa. "Hindi pwede na wala tayong gawin!""Mom, just relax, okay?" sabi ni Sandy, ang nag-iisang anak ng mga ito. "Sigurado naman ako na may magiging sulosyon din tayo sa problemang ito.""Like what, Sandy?" Mula dito sa labas ay kitang-kita ko na namomoblema ang mukha ni Madam Charito. Napabuga ito nang malakas na hangin. "Kung hindi lang kasi nagpakalasing sa sugal itong daddy mo ay hindi ito mangyayari sa atin!" Napatakip ito sa labi habang pabalik-balik sa nilalakar

DMCA.com Protection Status