Kinabukasan ay lumipad kami ni Grey papuntang Paris. Iyon ang honeymoon gift sa amin ng mga magulang ni Grey. Kanina habang nasa eroplano kami ay nakahawak ang kamay ni Grey sa kamay ko dahil nanginginig ako sa kaba nang lumipad na ang sinasakyan namin.
First time ko kasing sumakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ang sinasakyan naming eroplano gaya na lang ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Mabuti na lang at kasama ko si Grey at pinapakalma ako. Maayos naman kaming nakarating sa hotel na tutuluyan namin dahilan para makahinga na ako ng maluwag.Bukas na kami gagala dahil magpapahinga na muna kami dahil ilang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating. Kahit kasi nakaupo lang kami buong oras ay nakakapagod din.Nang sumapit ang gabi ay sa baba ng hotel ay may restaurant at doon kami kumain. Nang matapos ay bumalik na din kami sa kwarto at nagpahinga.Kinabukasan habang kumakain kami ng almusal ay napag-uusapan namin kung saan kami mamamasyal mamaya."Gusto kong pumunta sa eiffel tower, Grey." Tinuro ko ang magazine kung saan eiffel tower ang cover nito. "Noon pa man ay gusto ko nang pumunta dito lalo na't place of love ang lugar na ito.""We can go wherever you want, Wife. Isa pa mahaba-haba pa naman ang bakasyon natin kaya mapupuntahan natin ang mga gusto mong puntahan."Napangiti naman ako sa sinabi niya. Excited na akong gumala. Alam kong para akong bata ngayon na tila ba unang araw na nakalabas sa hawla pero wala akong pakialam. Pakiramdam ko kasi ay nakalabas talaga ako sa hawla na ilang taon din akong nakakulong. Actually, simula nang maisilang ako sa mundong ito ay nakakulong na talaga ako sa hawlang 'yon.Kung hindi siguro dahil kay Grey ay nasa hawla pa din ako na 'yon. Nakangiti akong napatitig sa kanya dahilan para magtaka siya."Why are you looking at me and smiling like that?"Nakangiti akong umiling. "Wala. Masaya lang ako dahil kasama kita at dumating ka sa buhay ko."Siya namn ang napailing. "Bilisan mo na ang pagkain mo diyan dahil aalis na tayo."Tumango naman ako at mabilis na tinapos ang pagkain. Nang matapos ay una kaming namasyal sa Louve Museum at saka sa Cathedrale Notre-Dame de Paris. Hindi ko maiwasan na mapanganga sa nakikitang simbahan. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaki at kagandang simbahan.Hindi ko tuloy maiwasan na mapahiling na sana ay ikasal din ako sa ganito kagandang simbahan o kahit sa hindi ganito kalaki at kagandang simbahan basta ang importante sa akin ay sa simbahan ako ikasal. Iba kasi talaga kapag sa simbahan ikinasal dahil may basbas ng Diyos."You want to have a wedding here?" Napatingin ako kay Grey dahil sa tanong niya."Bakit pa? Kasal na din naman tayong dalawa at sapat na sa akin 'yon." Napatitig naman siya sa akin.Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa mapa kung saan kami pwedeng mamasyal. May iba pa kaming lugar na pinasyalan at mga kainan na pinuntahan. First time kong makakain ng iba't-ibang masasarap na pagkain. Gabi na kaming pumunta sa eiffel tower dahil talagang 'yon ang hinuli namin sa listahan namin.Hindi ko maiwasan na matawa dahil kanina pa ako kinukuhanan ng larawan ni Grey gamit ang cellphone niya."Picture tayo, Grey." Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya. "Sige na. Kanina mo pa ako kinukunan ng litrato pero wala pa tayong litrato na tayong dalawa.""I think there is no need for that." Napatingin ito sa cellphone nito. "Mas maganda ng puro picture mo ang nandito dahil ang ganda mo."Hinawakan ko ang kamay niya. "Gusto kong may remembrance tayo dito, okay?" Hindi pa din siya gumalaw kaya hinila ko siya papunta sa akin at kinuha ko ang cellphone niya. Hinarap ko ang camera sa amin. "Sige na, Grey. Pagbigyan mo na ako. Mahal mo naman ako, 'di ba?" biro ko pero hindi ko inaasahan na totohanin niya."Yeah, I love you, Wife." Nagulat ako habang nakatingin sa kanya habang kinuha naman ni Grey ang camera at siya na ang nag-picture sa amin.Kahit hindi ko nakakikita ang buo niyang mukha ay alam kong nakangiti siya dahil nakikita ko sa mga mata niya.NAPAPAILING na lang ako habang nakatingin sa litrato namin ni Grey. Kitang-kita talaga ang mukha ko ang gulat habang nakatitig sa akin."Wife, I'm back," rinig kong sabi ni Grey na kakapasok lang ng kwarto namin.Nagpaalam kasi siya na aalis muna dahil may kukunin lang ito. "Grey, tingnan mo ang mga picture natin, oh," sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya dahil nasa mga picture lang namin ako nakatingin."Where?" Nagulat ako at napatingin sa kanya nang makaramdam ako ng malambot na labi sa aking pisngi.Nakita kong kalahati na lang sa mukha ni Grey ang may takip habang nakikita ko naman ang mapupula niyang labi. Wala sa sariling napahawak ako sa kanyang labi.Gumuhit sa kanyang labi ang isang ngiti. "Nagustohan mo ba ang surprisa ko sa 'yo?"Napatitig ako sa mga mata niya at hinaplos ang kalahati niyang mukha. "Kalahati lang pala ng mukha mo ang nasunog?" Tumango naman siya. "Ang ganda ng labi mo, Grey. Kung hindi siguro nangyari 'yon sa 'yo ay sigurado akong gwapo ka at maraming babae ang magkakagusto sa 'yo. Sigurado ako na hindi ako ang mapapangasawa mo.""Paano mo naman nasabi 'yan?""Kasi ikaw mismo ang pipili ng babaeng papakasalan mo at hindi mo na kailangan na bumili ng babae para lang may mapangasawa. Sigurado akong may girlfriend ka sanang maganda."Nagulat ako nang halikan niya ako sa labi pero kalaunan ay napapikit din at tinugon ang halik niya. Ito man ang una kong halik at hindi man ako marunong ay nakisabay na lang ako sa galaw ng labi niya."I love you, Wife, and that is true." Hinaplos niya ang mukha ko. "Ikaw lang ang babae na nagustohan ako sa kabila ng pangit kong mukha. Alam kong napilitan ka lang na pakasalan ako pero pinakita mo sa akin at pinaramdam mo sa akin kung paano tratuhin na parang tao. Hindi iba ang turing mo sa akin.""Dahil mabait ka, Grey. Mas nagustohan kita dahil sa maganda mong puso.""Kaya nga. Kahit hindi ganito ang itsura ko ay sigurado naman ako na ikaw pa din ang magiging asawa ko. Hahanapin pa din kita at papakasalan."Bahagya na lang ako natawa dahil mukhang imposible ang sinasabi niya lalo na't hindi niya ako mahahanap dahil nakatago lang naman ako sa bahay ng mga Gonzales."Grey, handa na ako."Napatitig siya sa mga mata ko. "Are you sure?"Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Sigurado na ako dahil sigurado na din ako sa nararamdaman ko para sa 'yo. Alam ko sa puso ko na mahal kita."Napapikit na lang ako nang halikan niya ulit ako sa labi. Alam kong mabilis ang pangyayari para sa amin ni Grey pero para sa akin ay totoo ang nararamdaman ko at ang nararamdaman ni Grey dahil pinaparamdam naman niya sa akin. Pinaparamdam namin sa isa't-isa ang nararamdaman namin.Napatitig ako sa mga mata niya. Ngayon ay nakahiga na ako sa kama habang nasa ibabaw ko naman siya. Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa labi niya at hinalikan."I love you, Tyronia." Wala sa sariling napalunok ako dahil sa lalim ng boses niya. Sunod naman niyang hinaplos ang buhok ko. "I promise you that you will always be my one and only wife, the only one who owns my heart."Napangiti ako sa kanya. Napakasarap ng mga sinasabi niya sa akin ngayon dahilan para mas maging masaya ako."I love you, too, Grey. Pangako ko din na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay."Ngumiti siya sa akin at muli akong hinalikan sa labi. Ngayong gabi ay hindi lang ang mga puso namin ang mag-iisa kung hindi pati ang pagkatao namin.Tyronia's POV:Hinaplos ni Grey ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. "I love you, Wife."Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya na nasa mukha ko. "Mahal na mahal din kita, Grey. Ito ang tatandaan mo, mabilis man ang nangyari sa atin ay totoong mahal kita. Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo.""Can I turn off the light?"Tumango ako. Hindi naman ako pwedeng humindi lalo na't naiisip ko na baka natatakot lang siya na makita ko ang mukha niya.Tumayo si Grey at pinatay ang ilaw. Hindi naman totally na madilim dahil may kaunting ilaw na nanggagaling sa lamp. Tinanggal ni Grey ang maskara niya at nilagay sa bed side table. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ni Grey pero nararamdaman kong gwapo siya.Tumabi na siya ng upo sa akin sa kama. "Kahit gaano ka kapangit, Grey, gaya ng sabi ng iba ay mamahalin pa din kita. Lagi mong tatandaan na hindi mahalaga sa akin ang itsura mo." Hinaplos ko ang mukha niya.Nagtataka ako dahil wala naman akong maramdaman na sunog sa mukha niya, 'y
Tyronia's POV:"Ano? Paano ito nangyari, Romel?" narinig kong tanong ni Madam Charito sa kanyang asawa. "Sagutin mo ako, papaano?" muli nitong sigaw.Naglilinis ako sa second floor nang bigla akong mapadaan sa sa library kung saan nasa loob ang magpamilya. Medyo nakabukas ang pinto kaya rinig na rinig ko sila mula dito sa labas."Natalo ako sa sugal, eh," sagot ni Romel dahilan para mapasapo sa noo si Charito."Ano bang pumasok diyan sa kukute mo at isinugal mo lahat, Romel? Ano ng gagawin natin ngayon?" sigaw nito sa asawa. "Hindi pwede na wala tayong gawin!""Mom, just relax, okay?" sabi ni Sandy, ang nag-iisang anak ng mga ito. "Sigurado naman ako na may magiging sulosyon din tayo sa problemang ito.""Like what, Sandy?" Mula dito sa labas ay kitang-kita ko na namomoblema ang mukha ni Madam Charito. Napabuga ito nang malakas na hangin. "Kung hindi lang kasi nagpakalasing sa sugal itong daddy mo ay hindi ito mangyayari sa atin!" Napatakip ito sa labi habang pabalik-balik sa nilalakar
Tyronia's POV:"Ano?" gulat na tanong ni Beth sa akin nang sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin kanina ni Madam Charito. "At pumayag ka naman?"Napabutong hininga ako, at malungkot na ngumiti sa kanya. "Wala naman akong choice, 'di ba? Sila ang rason kaya ako nabubuhay ngayon kaya dapat lang na pagbayaran ko ang mga sakripisyo nila para sa akin."Umikot ang mga mata niya, at napa-cross arm. "Sakripisyo my ass! Eh, lahat naman ng mga binigay nila sa 'yo ay pinaghirapan mo din. Hindi ka naman naging buhay prinsesa sa kanila, ah." Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo, at hinawakan ang kamay ko. "Tyronia naman. Bakit ka pumayag? Pwede naman kasing hindi.""Tapos ano, Beth? Ano ang sunod na mangyayari? Palalayasin ako ni Madam Charito tapos saan ako pupunta?" Napabutong hininga ulit ako. "Alam mo naman na wala akong ibang mapuntahan, eh. Sila lang ang pamilya ko.""Talaga, Tyronia? Sila lang ang pamilya mo? Pamilya mo nga silang ituring pero katulong ka naman nilang ituring." Siya naman
Tyronia's POV:Itinuro sa akin ni Grey ang magiging kwarto namin. Hindi ko maiwasan na mapamangha dahil sa laki nito. Sa tingin ko nga ay mas malaki pa ang banyo ng kwarto niya sa kwarto ko noon sa mansyon.Pinasyal din niya ako sa buong bahay, at pinakita ang ilang guest rooms, office room nito, library, at ang maganda nitong garden. Mukhang may pagkakaabalahan siya kapag wala siyang magawa lalo na't hilig pa naman niya ang mga bulaklak. Hindi ko maiwasan na mapangha dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalaking bahay. Buong buhay ko kasi ay nasa mansyon lang ako, nakakalabas lang ako kapag namamalengke, 'yon lang."Kumain na tayo? I'm sure gutom ka na." Napatingin ito sa relong pambisig nito. "It's also lunch time." Kumabog na naman ng mabilis ang dibdib ko dahil hinawakan niya ang kamay ko, at dinala ako sa dining table.Napakurap-kurap ako nang makita na marami ang pagkain sa mesa. "May iba ka bang bisita?""Wala naman. It's just the two of us." Pinaghila
TYRONIA:Gaya nang sinabi ni Grey sa akin ay isang civil wedding lang ang ang naganap sa pag-iisang dibdib namin. Magkahawak kamay kami ni Grey habang nakaharap sa Judge na siyang magkakasal sa amin. "Do you, Grey Del Rosario, take, Tyronia Gonzales, as your lawfully wedded wife?" tanong ng Judge habang nakaharap kay Grey."I do."Sa akin naman sunod na humarap ang Judge. "Do you, Tyronia Gonzales, take, Grey Del Rosario, as your lawfully wedded husband?"Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa kamay ko ni Grey. Mukhang kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Mahina ko itong pinisil dahilan para mapatingin siya sa akin.Ngumiti ako sa kanya para pawiin ang kaba niya. "I do, Judge. I do," sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.Hindi ko man nakikita ang labi niya ngayon ay alam kong nakangiti siya dahil sa mga mata niya."And now, I pronounce you as husband and wife. Congratulation, Mr. and Mrs. Delo Rosario."Nagpasalamat naman kami sa kanya at nakipagkamay. "Thank you,
Tyronia's POV:Hinaplos ni Grey ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. "I love you, Wife."Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya na nasa mukha ko. "Mahal na mahal din kita, Grey. Ito ang tatandaan mo, mabilis man ang nangyari sa atin ay totoong mahal kita. Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo.""Can I turn off the light?"Tumango ako. Hindi naman ako pwedeng humindi lalo na't naiisip ko na baka natatakot lang siya na makita ko ang mukha niya.Tumayo si Grey at pinatay ang ilaw. Hindi naman totally na madilim dahil may kaunting ilaw na nanggagaling sa lamp. Tinanggal ni Grey ang maskara niya at nilagay sa bed side table. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ni Grey pero nararamdaman kong gwapo siya.Tumabi na siya ng upo sa akin sa kama. "Kahit gaano ka kapangit, Grey, gaya ng sabi ng iba ay mamahalin pa din kita. Lagi mong tatandaan na hindi mahalaga sa akin ang itsura mo." Hinaplos ko ang mukha niya.Nagtataka ako dahil wala naman akong maramdaman na sunog sa mukha niya, 'y
Kinabukasan ay lumipad kami ni Grey papuntang Paris. Iyon ang honeymoon gift sa amin ng mga magulang ni Grey. Kanina habang nasa eroplano kami ay nakahawak ang kamay ni Grey sa kamay ko dahil nanginginig ako sa kaba nang lumipad na ang sinasakyan namin.First time ko kasing sumakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ang sinasakyan naming eroplano gaya na lang ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Mabuti na lang at kasama ko si Grey at pinapakalma ako. Maayos naman kaming nakarating sa hotel na tutuluyan namin dahilan para makahinga na ako ng maluwag.Bukas na kami gagala dahil magpapahinga na muna kami dahil ilang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating. Kahit kasi nakaupo lang kami buong oras ay nakakapagod din.Nang sumapit ang gabi ay sa baba ng hotel ay may restaurant at doon kami kumain. Nang matapos ay bumalik na din kami sa kwarto at nagpahinga.Kinabukasan habang kumakain kami ng almusal ay napag-uusapan namin kung saan kami mamamasy