THE BILLIONAIRE'S KARMA SERIES: I FALL ALL OVER AGAIN

THE BILLIONAIRE'S KARMA SERIES: I FALL ALL OVER AGAIN

last updateLast Updated : 2023-04-19
By:  NahphintashCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
102Chapters
23.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

"R-Reed.... A-Anong ibig sabihin nito?" Halos manlambot ang tuhod niya sa nakita at nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha sa pisngi niya. Si Reed ay nakikipaghalikan sa isang babae at halos nalihis na ang soot nito pababa. Nakatalikod ang babae kaya hindi niya makita ang mukha. "Aliyah, Baby..." Naitulak ni Reed ang babae kaya nahulog ito sa sahig. "Ouch! What the h*ck!" Mura ng babae kay Reed. "Reed.... Ano? Magpaliwanag ka!" Sigaw niya habang nanginginig ang boses at punong-puno ng hinanakit ang mga mata na nakatitig rito. Tumayo ang babae at hinarap si Aliyah, "Well, well, well! Mabuti at nasampal na sayo ang katotohanan. Ilusyunada!" Bumaling ito kay Reed, "Babe, sabihin mo na sa kanya. Para hindi na tayo nagtatago." "Avery, get out now!" Kinaladkad ni Reed si Avery ngunit pumiglas ito. "Pwede ba Reed, magpakatotoo ka sa sarili mo. Alam kung ako pa rin ang mahal mo. I feel it, the way you kissed me." Inis na sigaw nito.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1 FIRST MEET

Every year nasa routine na ni Aliyah, na magbakasyon ng isang buwan para mag-relax at mag-explore.

Sa isang resort sa El Nido Palawan nila napili ng pinsan niya na magbakasyon.

Si Aliyah Garcia, 23 year old, has a heart-shaped face, pointed nose, tantilizing chinita eyes and rosy thin lips and long dark curly hair. She is tall and slim. But no boyfriend since birth. Sa kabila ng kanyang kagandahan at kaakit-akit na katawan ay hindi pa ito nakaranas magka-boyfriend.

Siya ay isang fashion designer at may- ari ng boutique sa Davao City. My mga branches na din siya sa Visayas at Luzon. Kaya lalong naging hectic ang schedule niya. Sobsob sa pagpapayaman kahit pwede naman na hindi na siya magtrabaho dahil sila ang pinakamayaman sa Davao.

Isang araw, gumising siya ng maaga para makapaglakad-lakad at sumagap ng sariwang hangin.

Nasa isip niya na mabuting maligo ng maaga para hindi masakit sa balat. Maaraw kasi at sensitive pa naman ang balat niya kapag na arawan.

Naka red bikini siya at sinapawan lang ng white beachwear V-neck lace pullover.

Habang naglalakad siya sa dalampasigan ay may natanaw siya sa di kalayuan at nakapukaw sa kanyang kuryusidad. May nakita siyang batuhan na malalaki at may iba't-ibang hugis. Sa taas ay patag at may hagdanan sa kanan papunta sa tuktok at sa kaliwa naman pababa sa tubig. Ngunit napansin niyang restricted area base sa malaking karatula na nakapaskil.

Nagpalinga-linga muna siya bago umakyat pataas.

"Bahala na!" Wika niya sa sarili. Maaga pa naman at tahimik ang buong lugar kaya tinahak na niya ng tuluyan ang hagdanan pataas.

Napasinghap siya sa ganda ng malawak na karagatan. At nakita niya ang kabuoan ng resort. Halos mamangha siya at tuwang-tuwa sa nakikita. Napakalapad sa toktok ng batohan at mahangin. Nakalugay ang mahaba at kulot na buhok at animo ang hangin ay nakikisabay sa kanya. Napapikit siya at nagpaikot-ikot habang malayang tinatangay ng hangin ang mahaba niyang buhok habang nakangiti na dinadama ang lamig ng simoy nang hangin na yumayakap sa katawan niya. Ilang sandali pa ay naisipan na niyang bumaba sa kabilang side, pababa sa tubig. Hinubad niya ang beachwear cover niya at pinatong ito sa ibabaw ng bato.

Naramdaman niya ang lamig sa katawan. Ngunit isinawalang bahala niya ito. Hindi mawala-wala ang kasiyahang nararamdaman habang binabaybay ang hagdanan pababa.

Ang linaw ng tubig at kita niya na may kalaliman ang bahaging iyon. Hindi siya marunong lumangoy kaya sa takot na malunod, nagdesisyon siya na huwag na lang maligo. Umupo siya saglit sa may baitang ng hagdan at pinagmasdan ang mga malalaking alon sa dagat. Ilang saglit pa, bumalik siya paakyat ngunit natigagal at napahinto siya dahil sa malamig na boses na kanyang narinig.

"Who are you? And why are you here?" Boses ng isang lalaki na ngayon ay papalapit na sa kanyang kinaroroonan.

Biglang sumiklab ang takot sa kanyang dibdib. Dahil sa madilim na anyo ng lalaking papalapit sa kanyang kinaroroonan ngunit ng makalapit na ito ay lalong hindi siya makagalaw dahil sa kakisigan at kagwapuhan nito. Tumutulo pa ang tubig sa katawan nito dahil sa basang buhok.

Huminto siya sa dadanan niya paakyat. Tiningnan niya ang baitang ng hagdanan sa harapan paakyat. Apat na hakbang na lang sana para makabalik siya sa itaas.

Napapatili siya sa isip dahil sa hindi malaman ang gagawin.

"Didn’t you see the big signboard downstairs?" Sabi pa nito habang nagsasalubong ang makakapal na kilay nito.

“Nakaka- star struck naman ang supladong ito. Gwapo sana, masungit lang,” sa isip niya.

Inangat niya ang tingin sa mukha ng lalaki, nakakunot na din ang noo nito na nakatingin sa kanya. Ang mga titig nito sa kabuoan niya ay nagpapahina sa mga tuhod niya.

"Are you dumb? Why not answering me!" Galit na sigaw nito.

I

Kaya nagulat siya at nanginig dahil sa nakakatakot na aura nito. Napayuko siya habang kinakagat ang ibabang labi niya para mapigilan ang nagbabadyang pag-iyak.

"I'm, sorry! " Mahinang sagot niya na may garalgal na boses.

Hindi ito nagsalita bagkus bumaba ito palapit sa kanya, kaya sa takot ay humakbang siya paatras pababa. At dahil sa nanginginig ang tuhod niya, na out balance siya at nahulog sa tubig.

Napatili siya ng malakas dahil sa pagbagsak niya sa tubig.

Ang lalim nang tubig at kahit anong pilit na maiahon ang sarili ay lalo pa siyang nalulunod. Takot na takot na siya at kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya.

Ngayon siya nagsisisi kong bakit pa siya umalis mag-isa. Kung sana ginising na lang niya ang pinsan.

Habang papalubog siya ay may humila sa baywang niya. At bago siya panawan ng ulirat, nakita niya ang mukha ng supladong lalaki. Hinila siya pataas at dinala sa may hagdanan.

Binuhat ng lalaki ang dalaga at nagmamadaling umakyat paitaas. Napapamura ang binata sa sarili.

Hiniga niya ito saka niya pinulsuhan.

Humihinga pa ito kaya pinatong niya ang kaliwang palad sa kanang palad sa dibdib ng dalaga at inumpisahang diinan ng mabilis at malalim. Paulit-ulit ang ginawa niyang CPR, ngunit hindi pa din ito nagigising. Pinakiramdaman niya ang paghinga nito ngunit tila hindi na humihinga. Kaya wala siyang choice kundi e- mouth to mouth ito. Marahan niyang pinisil ang ilong nito at magbuga ng dalawang mabilis at malalim na hininga.

Paulit-ulit niya din itong ginawa hanggang sa umubo ang dalaga at nailabas ang nainom na tubig.

Maluha-luha si Aliyah habang umuubo at hinahabol ang paghinga.

Ilang sandali pa ay naging okay na ito. At dahil sa takot napayakap siya sa lalaki at humagulgol ng iyak.

Nabigla ang binata sa ginawa niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa paglalapat ng kanilang katawan.

Nang ma-realize ng dalaga ang pagyakap niya sa binata. Kumalas siya at mabilis na tumayo.

"S-Salamat!" Sabi niya saka dali-daling umalis na walang lingon likod sa binata.

___❤️____

"Bruha ka! Saan ka galing at bakit namumutla ka?" Bungad agad ng pinsan niya sa kanyang pagdating.

Hindi siya nagsalita at niyakap niya lang ito at impit siyang umiyak. Nanginginig parin ang tuhod niya dahil sa nangyari.

Hinagud-hagod ng pinsan niyang si Reem ang likod niya. Ilang sandali pa ay pinaupo siya nito sa sofa at binigyan ng tubig.

"Bakit nga? Saan ka ba nanggaling? May pag-aalalang tanong ni Reem.

Si Reem ay pinsan niya sa mother side. Maganda din ito. Ngunit kabaliktaran ang ugali nila. Palaban at mataray si Reem. Samantalang siya ay iyakin, sensitive, at vulnerable. Ngunit magkasundo sila sa lahat ng bagay.

"M-Muntikan na akong malunod kanina.” Sagot niya sa garalgal na boses habang nakatingin sa pinsan.

"What?" Gulat na gulat ito at napalaki ang mata.

"Huwag mo na lang sabihin kina Mommy at Daddy, okay naman na ako." Paliwanag niya bago huminga ng malalim.

Tinitigan siya ni Reem at sinusuri kong nagsasabi siya ng totoo.

"What?" Tanong niya dahil sa reaction nito.

"Sino nagligtas sayo?" Taas ang kilay na tanong ni Reem at hindi parin.kumbinsido sa kanya.

"Hindi ko kilala eh. Turista din yata,” sagot niya sabay tayo at pumasok sa bathroom para maligo dahil nanlalagkit na ang pakiramdam niya.

"Magpa-deliver na lang ba ako ng pagkain natin dito?" Sigaw na tanong ni Reem habang nakapamaywang na nakaharap sa bathroom.

"Oo, ayoko pang lumabas!” Sagot niya bago ni-lock ang pinto.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
102 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status