All Chapters of THE BILLIONAIRE'S KARMA SERIES: I FALL ALL OVER AGAIN : Chapter 1 - Chapter 10

102 Chapters

CHAPTER 1 FIRST MEET

Every year nasa routine na ni Aliyah, na magbakasyon ng isang buwan para mag-relax at mag-explore. Sa isang resort sa El Nido Palawan nila napili ng pinsan niya na magbakasyon. Si Aliyah Garcia, 23 year old, has a heart-shaped face, pointed nose, tantilizing chinita eyes and rosy thin lips and long dark curly hair. She is tall and slim. But no boyfriend since birth. Sa kabila ng kanyang kagandahan at kaakit-akit na katawan ay hindi pa ito nakaranas magka-boyfriend. Siya ay isang fashion designer at may- ari ng boutique sa Davao City. My mga branches na din siya sa Visayas at Luzon. Kaya lalong naging hectic ang schedule niya. Sobsob sa pagpapayaman kahit pwede naman na hindi na siya magtrabaho dahil sila ang pinakamayaman sa Davao.Isang araw, gumising siya ng maaga para makapaglakad-lakad at sumagap ng sariwang hangin. Nasa isip niya na mabuting maligo ng maaga para hindi masakit sa balat. Maaraw kasi at sensitive pa naman ang balat niya kapag na arawan. Naka red bikini siya at
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more

CHAPTER 2 SHE'S MINE

Nakabalik na si Reed sa kanyang Villa. Sa likod na bahagi ng resort. Siya ang may-ari ng resort at isa lang ito sa maraming business niya. Si Reed Sebastian- 24 year old. He has intense dark eyes, curve lips, prominent cheekbones, pointed nose and thick dark hair. He is athletic, tall and hunks. He’s rugged, sexy and very well- made. He has a strong and powerful personality. A secret billionaire. He owns a lot of resort and hotel all over the country. Tinaguriang masungit at suplado, ngunit lapitin pa rin siya ng mga babae. Para sa kanya ang mga babae ay basahan at hindi karespe-respito. Habang nakaupo siya sa may terrace at bumubuga ng usok galing sa mamahaling sigarilyo niya, biglang sumagi sa isip niya ang babaeng mapangahas na pumasok sa kanyang teritoryo. At dahil sa katangahan nito muntikan pa itong malunod.Hindi niya makalimutan ang maamong mukha nito. Paakyat pa lang ang dalaga nakita na niya ito, ngunit hinayaan niya lang at kumubli siya sa isang malapad na bato. Pinagmas
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more

CHAPTER 3 MEET AGAIN

Aly, okay ka na ba? Pwede na ba tayong sa labas kumain para makasagap ng sariwang hangin? Sa open cottage tayo kakain." Tanong ni Reem na kaliligo lang at nagbo-blower sa mahaba at basang buhok. "Oo, okay na ako! Nakapagpahinga naman na ako kahapon. Masakit na din ang likod ko sa kakahiga!" nakangiting sagot niya. "Mag-ingat ka na kasi next time. Hanggang ngayon lampa ka pa rin talaga!" Sabi ni Reem na napairap sa kanya. Napahalakhak naman siya habang naglalagay ng lip gloss sa labi. "Makalampa ito wagas! Nagsalita na naman ang amasona!" Ganting asar sa nakasimangot na pinsan."Tsk! Whatever!" Singhal nito sa kanya saka in-off na ang blower at ipinatong sa table na nasa harap. "Pupunta ba dito ang boyfriend mo?" Tanong niya sa pinsan habang nakaharap sa malaking salamin at inaayos ang belt sa maxi dress niya. "Sabi niya maybe tomorrow! Alam mo naman iyon, busy sa trabaho. May tinatapos lang daw na mga papeles na dapat mapirmahan.” Sagot nito na sumilay ang ngiti sa mga mata. "S
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more

CHAPTER 4 AT THE VILLA

Hindi maintindihan ni Aliyah ang nararamdaman habang binabagtas na nila ang daan papuntang Villa. Tiningnan niya ang pinsan na kampante lang itong nakaupo at relax na relax habang naglalaro ng games sa cellphone nito. "Ma'am nandito na po tayo.” Sabi ng driver at hininto na ang sasakyan. Subrang bilis ng kabog ng puso ni Aliyah at halos nanlalamig ang mga kamay niya. Parang gustong lumabas ang puso niya sa dibdib dahil sa subrang kaba. Bago bumaba ng sasakyan, bumuntong hininga muna siya. "Bakla, relax!" Asar ni Reem. Inirapan niya lang ito saka bumaba na. Nag-doorbell ang driver bago sila iniwan. Bumukas naman agad ang pinto at iniluwa si Darlene na malaki ang pagkakangiti nito nang makita sila."My beautiful Ate's. C'mon! Feel at home!" Masiglang sabi nito sabay beso sa dalawa at yumakap pa ng mahigpit." Dalawa lang ba kayo ng kapatid mo dito?" Tanong ni Reem, habang iginagala ang paningin sa paligid."Opo Ate, pero baka bukas susunod dito ang bestfriend ni Kuya." Sagot nito
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more

CHAPTER 5 ELEVATOR

Masayang nagbabad sa pool sina Reem at Darlene habang si Aliyah ay nakatanaw lang sa kanila. Kanina pa siya kinukulit ng dalawa na maligo pero hindi niya kaya ang lamig ng tubig. "Are you okay, Aly?" Tanong ni Reed sa kanya. Nasa tabi niya ito kaya hindi siya komportable sa kinauupuan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili, para siyang may sakit sa puso dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Napapitlag siya sa biglang pagsasalita nito. "Y-Yes! I'm pretty good. Thanks for the dinner, anyway." Sagot niya at matipid na ngumiti. "My pleasure." Wika nito habang walang kurap na nakatitig sa kanya."Pasensiya nga pala sa kakulitan ng pinsan ko. Masyadong hyper. Talagang magkasundo sila ni Darlene niyan." Umiwas siya ng tingin dito dahil hindi niya matagalan ang mga titig nito. "It's okay! I'm happy at nakilala kayo ng kapatid ko. Nakaiwas ako sa kakulitan niya. But I'm sorry for the both of you, dahil kayo ang kinukulit ngayon," napahalakhak ito."Okay lang din naman dahil sanay kami
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more

CHAPTER 6 YOU ARE MINE

Isang kwarto na naman ang bumungad sa kanya."Bakit puro kwarto ang nadadaanan natin?" Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng malawak na silid.Namangha siya sa nakita.Dalawang malalaking screen ng LED TV ang nakita niya. At makikita sa monitor ang loob at labas ng resort at Villa."Wow! You're Villa has a lot of surprises! Sino ka ba talaga, Reed?" Wala sa loob na tanong niya.Napatawa ito sa tanong niya at hindi sumagot.Hinanap niya ang pool sa monitoring dahil gusto niyang makita sina Reem at Darlene. Napangiti siya nang makita ang mga ito na nakahiga sa bedday sa gilid ng pool.Kumakain ng junk foods si Darlene, habang si Reem umiinom ng soft drink in can."Knock down na ang dalawa. Hindi man lang yata ako naisip hanapin." Sambit niya habang napapailing.Napatingin naman si Reed sa tinitingnan niya. Ngunit bumaling ito agad sa kanya kaya nagtagpo ang mga mata nila."Do you have a boyfriend , Aliyah?" Out of topic na tanong nito kapag kuwa'y.Umiwas siya ng tingin dito. Paan
last updateLast Updated : 2022-09-07
Read more

CHAPTER 7 DON'T MIND THEM

Tanghali na ng magising sina Aliyah at Reem. Magkasama sila sa isang silid. Pasado alas onse na ng umaga nang pumasok si Darlene sa silid nila para gisingin sila." Good morning Ate Aliyah." Nakangiting bati ni Darlene."Good morning, Sweetie. Ang aga mo yata nagising?" Sagot ni Aliyah na umupo at sumandig sa headboard ng kama niya."Ipapakilala ko kasi si Ate Reem sa kaibigan ni Kuya, Ate." Sagot nito bago nilapitan si Reem at niyugyog ng marahan ang balikat nito, "Ate Reem, wake up!""Darling, I'm still sleepy!" Pabulong na sagot ni Reem habang nakapikit pa rin."Ate Reem, Wake up na! Dumating na ang kaibigan ni Kuya. Gusto kitang ipakilala sa kanya." Excited na wika nito habang pinipilit na bangunin ito.Napapailing si Aliyah habang pinagmamasdan sina Reem at Darlene na naghihilahan sa comforter."Baby Darling, antok na antok pa talaga ako. Maya na! Please…" Umayos ito ng higa at tinabunan ng unan ang mukha nito."It's lunch time, Ate. At naghihintay na sina Kuya Reed At Kuya Gre
last updateLast Updated : 2022-09-07
Read more

CHAPTER 8 COURTING

"Darlene, anong ibig sabihin ng mga ito?" Tanong ni Aliyah kay Darlene habang nakaturo sa mga damit na nakalapag sa kama niya.Sinulyapan siya nito at tiningnan nito ang mga damit sa kama, "Sayo daw yan, Ate, binili ni Kuya." Sagot nito habang nakangiti at kinikilig."May mga damit naman ako ah! Nasaan ba siya?" Nangunot ang noo niya."Nasa kwarto niya yata. Kararating lang." Sagot nito saka nag kalikot muli sa laptop nito."Sabihin mo naman sa kanya, gusto ko siyang makausap! Pretty please." Pagsusumamo niya rito.Ayaw niyang siya ang lalapit dito, dahil ipinagkakanulo siya ng sarili niya."Puntahan mo na siya sa kwarto niya Ate, hindi naman siya nangangagat." Pilyang sagot nito na hindi siya nililingon.Napakagat labi tuloy siya. Ayaw niyang pumunta sa kwarto ni Reed baka kung ano na naman ang maisipan nito na gawin sa kanya. Para pa naman siyang nahi- hipnotismo kapag nagkakatitigan sila nito."Ayoko. Puntahan mo muna siya, please pretty. Ibibigay ko sayo lahat itong mga damit. Mag
last updateLast Updated : 2022-09-07
Read more

CHAPTER 9 ALONE

It was late in the evening when Aliyah woke up, and Reed was no longer beside her. She slowly stood up and she was still rubbing her eyes when the door opened."Good evening sleepy head?" Nakangiting bati nito sa kanya at hinalikan ito sa noo."Bakit hindi mo ako ginising? Hindi ba dapat nasa yatch mo tayo kanina?" Nakangusong himutok niya."Ang himbing ng tulog mo eh! Bukas na lang tayo lalayag. Dinner is ready! Let's go?" Aya nito, at tinulungan siyang tumayo."Dumating na ba sina Reem at Grey?" Tanong niya, habang inaayos ang kulot na buhok niya."Hindi pa e. Sabi ni Grey sa resort lang daw muna sila. Gusto yata masolo ang pinsan mo!" Sagot nito sabay kindat sa kanya."Kayo talagang mga lalaki, para-paraan lang lagi." Irap niya dito.Napatawa lang naman ito sa kanya."You looked cute when you rolled your eyes! Dati kapag iniirapan ako. I'm getting pissed off. But if you're the one who does it. I didn't feel irritated." sabi nito."Whatever Mr. Sebastian." Himutok niya sabay lakad
last updateLast Updated : 2022-09-07
Read more

CHAPTER 10 JEALOUS

Inis na hinarap niya ito at wala siyang pakialam kong galit ito."Hey! That's my phone! What's wrong with you? Give me my phone!" Pinamaywangan niya ito.Hindi naman pinapansin ni Reed ang sinabi niya. Nilagay nito sa bulsa ng pants nito ang phone niya at saka mataman siyang tinitigan."I told you, we are going to the rocky outcraft! I'm waiting for you for a long hour. Nandito ka lang pala at nakikipag harutan sa phone." Iritableng singhal nito."Wow! Are you out of your mind! Ikaw ang wala sa mood diyan. Alangan naman sasama pa ako sayo." Inis na sumbat niya.Bumuntong hininga ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.Bigla naman siyang na conscious dahil sa soot niyang red bikini. Ngunit hindi siya nag pahalata."I'm sorry, Baby! C'mon. I want to be with you tonight. I have a surprise for you!" Naging maamo ang mukha nito.Hindi siya umimik at tinitigan niya lang ito. Kapag kuwa'y bumuntong hininga siya at nagsalita,"Alam mo nakakainis ka! Ano ang ikinagalit mo sa tanong ko ka
last updateLast Updated : 2022-09-07
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status