"Darlene, anong ibig sabihin ng mga ito?" Tanong ni Aliyah kay Darlene habang nakaturo sa mga damit na nakalapag sa kama niya.
Sinulyapan siya nito at tiningnan nito ang mga damit sa kama, "Sayo daw yan, Ate, binili ni Kuya." Sagot nito habang nakangiti at kinikilig."May mga damit naman ako ah! Nasaan ba siya?" Nangunot ang noo niya."Nasa kwarto niya yata. Kararating lang." Sagot nito saka nag kalikot muli sa laptop nito."Sabihin mo naman sa kanya, gusto ko siyang makausap! Pretty please." Pagsusumamo niya rito.Ayaw niyang siya ang lalapit dito, dahil ipinagkakanulo siya ng sarili niya."Puntahan mo na siya sa kwarto niya Ate, hindi naman siya nangangagat." Pilyang sagot nito na hindi siya nililingon.Napakagat labi tuloy siya. Ayaw niyang pumunta sa kwarto ni Reed baka kung ano na naman ang maisipan nito na gawin sa kanya. Para pa naman siyang nahi- hipnotismo kapag nagkakatitigan sila nito."Ayoko. Puntahan mo muna siya, please pretty. Ibibigay ko sayo lahat itong mga damit. Maganda pa naman ang mga ito at bagay na bagay sayo...See? Sakto din ang mga ito sayo." Pinakita pa niya ito."Ate, binilhan din kaya ako ni Kuya." Sinulyapan siya nito saglit bago binalik muli ang tingin sa screen ng laptop nito habang napapailing sa akto niya."Sige na kasi, puntahan mo na siya, sabihin mo mag-usap kami." Pangungulit niya rito. Nilapitan pa niya ito at niyugyog sa braso."Ate naman eh! Takot ka ba kay Kuya?." Huminto ito sa ginagawa at hinarap siya nito."Hindi ah! Ba't naman ako matatakot!" Napaiwas siya ng tingin dahil takot talaga siya. Hindi kay Reed kundi sa sarili niya."Ewan ko sayo Ate! Kung hindi ka takot, puntahan mo na siya doon at kausapin mo. Bakit hindi mo gayahin si Ate Reem, nang magka pamangkin na ako." Nakangiting tukso nito at sinundan ng tingin ang pagtayo niya."Whatever, Darlene! Makalabas na nga lang!" Wala siyang nagawa dahil hindi niya talaga ito napapayag.Tinawanan lang naman siya nito at tinukso pa, "Ayeee! Ate, nahihiya kay Kuya Reed.""Duh! Diyan ka na nga!" Nag martsa siya palabas ng silid at dumiretso siya sa sala.Nagpalakad-lakad siyang muli habang nakahalukipkip, nag-iisip siya kong pupuntahan niya ba si Reed sa kwarto niya.Hindi niya namamalayan na ang taong gusto niyang makausap ay nasa may pinto lang ng living room at nakangiting nakamasid sa kanya. Nang maramdaman niya na may nakatingin sa kanya ay lumingon siya sa may likuran niya at napaigtad siya sa gulat."Reed! My God! Kainis ka talaga!" Napahawak siya sa dibdib niya."What? Ikaw diyan ang may malalim na iniisip! Ako ba ang iniisip mo, Baby?" Tukso nito sa kanya.Nilapitan niya ito at hinampas ito habang ito naman ay natatawa sa reaction niya."In your dreams. Teka nga! Bakit pala binilhan mo ako ng sandamakmak na damit? Balak mo ba akong pag tindahan ng damit dito?" Nakapamewang na hinarap niya ito.Aanhin niya ang damit kung ang negosyo niya ay mga damit din.Hinawakan nito ang braso niya," Hindi ba sinabi mong ligawan kita? Kaya ayan, nagsisimula na ako." Mayabang na sagot nito.Napalaki ang mata niya sa narinig, at naningkit ang singkit na nitong mga mata."Really? At dadaanin mo ako sa materyal na bagay o kung anu-anong anik-anik na mamahalin, ganern?" Taas kilay na tinapunan niya ito ng matalim na tingin, bago tinulak ito ng marahan.Napatawa si Reed sa sinabi niya."Huwag mo nga akong tatarayan, Baby! Hindi bagay sa maamo mong mukha. Hindi ka nga yata siguro marunong magalit." Nanunuksong sambit nito at dahan-dahang lumapit sa kanya."Wait! Diyan ka lang! Huwag kang lumapit sa akin. Sinusubukan mo ako talaga ako, Mr.Sebastian?" Paangil na bulalas niya ritohabang umaatras din."Maybe!? Hmmm, bakit umaatras ka yata? Ang tapang-tapang mo kani-kanina lang ah," nangingiting tukso nito." Hindi nga! Sobrang dami ng damit. Tsaka, aanhin ko iyon. Diyos ko, ganyan ka ba, ka kwela sa mga babae na nililigawan mo?" Napahinto siya dahil naramdaman na niya ang wall sa likuran niya."Eh, sa ganyan ako manligaw." Na corner siya nito at hindi na siya makakatakas pa.Ito ang ayaw niya dito kapag magkalapit sila, nawawala siya sa katinuan. Lalo na kapag nalalanghap niya ang bango ng hininga at pabango nito."Ewan ko sayo bahala ka nga diyan!" Malakas na tinulak niya ito at padabog na naglakad siya patalikod ngunit hinila siya nito at iginiya papuntang kwarto nito."Reed, anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin." Pilit niyang hinihila ng braso niya pabalik, ngunit mas malakas ito sa kanya kaya naipasok siya agad sa silid nito. "Bakit mo ako dinala dito sa kwarto mo?" Naghuhuromintado ang puso niya dahil sa pagkakalapit nila."Gusto kong magpahinga kasama ka at matulog." Bulong nito sa punong tainga niya."A-Ano? Bakit Kailangan pa na nandito ako ?" Naguluhan na tanong niya."Syempre para hindi kita iniisip kong nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo. Dahil nandito ka lang sa tabi ko." Kinabig siya sa baywang nito. Magkaharap sila habang nagsusukatan nang tingin. Nakakapanghina ang bawat titig nito sa kanyanat ang bango ntoKo na nanonoot sa kaloob-looban niya."Baliw ka talaga! Kung anu-ano ang pumapasok sa utak mo." Umiwas siya ng tingin dahil nag-iinit ang pisngi niya sa kilig dahil sa mga banat nito sa kanya."My God! Ilayo mo ako sa tukso!" dasal niya sa isip."Baliw nga ako, baliw na baliw na sayo!" Sagot naman nito at hinila siya pahiga sa kama.Napatili siya sa ginawa nito at akmang babangon na siya, ngunit dinaganan siya nito. Hindi siya nakagalaw, ramdam niya ang matigas na bagay sa ibabang bahagi ng puson niya."R-Reed, I'm warning you! Kung ano man ang binabalak....." hindi na niya na ituloy ang sasabihin dahil hinalikan na siya nito sa labi.Halik na nang-aakit at patudyo-tudyo na nagbibigay init sa buong sistema niya."Halik lang pala nakakapagpa tahimik sayo eh!" Bulong nito ng tinapos na ang halikan nila. Humiga ito sa tabi niya at niyakap siya sa baywang." I hate you, Reed. Pinaglalaruan mo lang ako. Huwag ako please!" Tumalikod siya dito."I'm not playing with you Aliyah! Totoong gustong-gusto kita. At ayokong hindi kita nakikita. Gusto kong nasa tabi lang kita lagi."Hinila siya nito paharap sa kanya." Hindi naman ganyan kadali. Hindi pa tayo matagal na magkakilala, Reed! We don't even know each other. Baka isang araw may babaeng susugod sa akin dito at kaladkarin ako palabas." May pag-aalala sa boses niya.Bumuntong hininga ito, "Okay. Look, I'm sorry! Pwede ka nang lumabas." Wika nito sa mababang boses at hindi na ito tumitingin sa kanya."Reed, intindihin mo naman ako. Takot akong masaktan! Natatakot na nga ako sa nararamdaman ko para sayo. Alam mo 'yon, hindi ko rin kayang tanggihan ka. Naninibago ako sa nararamdaman ko."Frustrated na wika niya.Dahil sa sinabi niya, napaharap ito sa kanya."What do you mean? Do you like me also?" Tanong nito na hindi na hinihiwalayan ng titig.Tumango siya rito at napakagat labi."Really? Yes! " Masayang sigaw nito."Hoy! Hindi pa kita sinasagot, ah!" Sabi niya at nilagay ang kamay sa bibig ni Reed, baka kasi may makarinig sa kanila.Hinawakan nito ang kamay niya, "Don't worry, kahit mag sisigaw ka pa dito, hindi ka maririnig sa labas. Tayo lang ang makakarinig kong may tao sa labas.""Really?! Ang high tech talaga ng bahay mo. Nakakatakot mag-isa baka may anaconda sa ilalim at bigla na lang akong kainin."Nahihintakutan niyang bulalas. Kahit naman sa kwarto ng mommy at daddy niya ay sound proof din."Silly girl! " Sagot nito bago pinisil ng marahan ang ilong niya."Ang creepy nga kasi ng Villa mo! Wala bang ahas dito?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang masayang aura nito.Wait! What?! Oh no!!! Tili niya sa isip bigla kasi niyang na realize na ang kamay niya ay nakayakap sa baywang ni Reed. Habang nakaunan sa makisig na bisig nito.Namumulang pa simple niyang hinila ang kanyang kamay ngunit pinigilan siya nito."Please! Let stay like this. Wala akong gagawin sayo, promise," pagsusumamo nito at kinabig pa siya palapit at sinubsob ang mukha sa may leeg niya.Lalong bumilis ang tibok ng puso niya at ramdam na ramdam niya ang hininga nito sa leeg niya. Hinayaan niya ito doon dahil gumagaan din ang pakiramdam niya.Ang bango-bango niya.Natitilihang wika niya sa isip at napapakagat labi na lang siya para mapigilan ang kilig na gusto ng lumabas."Ahmm, Reed, pwede magtanong sayo? "" Pang-autograph ba ang itatanong mo?" Bulong nito na ngayon ay nakayakap na sa baywang niya.Napahagikhik siya, "Hmmm, pwede rin... Bakit mo ako gusto?""Bakit nga ba?" Inangat nito ang mukha at nakangiting balik tanong nito."Haisst! Sige na, sagutin mo na kasi ako!" Pangungulit niya.Sumeryuso ito, "Because you are different from all the women I have met. I want to take care of you. When you were about to drown, I realized that you were very weak and needed someone to lean on." Mahabang sagot nito habang hinahaplos ang pisngi niya."May pamilya naman akong nagmamahal sa akin ah, at tagapagtanggol. Hindi mo pa kilala ang pamilya ko." Sinulyapan niya ito. Magkalapit ang mga mukha nila at nakatingin sa isa't-isa habang pareho sila na nakatagilid." I know your family, Baby! That's why I like you, kasi hindi mo ipinagmamayabang ang estado mo sa buhay, hindi ka katulad ng ibang babaeng mayaman na spoiled brat at sunod sa layaw." Hinawi nito ang nakatakas na buhok niya na napunta sa pisngi niya at nilagay sa likod ng tainga niya."What do you mean? Kilala mo ang pamilya ko?" Gulat na tanong niya."Of course. Kahit ang buong angkan mo." Sagot nito.Napalaki ang mata niya."Paano? Hindi naman nilalahad sa publiko ang buhay namin.""Huwag mong e- underestimate ang kakayahan ko, Baby!" Bulong nito."Hmmm. Sabagay. Kilala mo ba ang Kuya ko?" Tanong uli niya."Yeah! He's one of my good friend also. Pero dahil sa klase ng trabaho niya ay hindi kami madalas magkita."Napabalikwas siya sa sinabi nito, "Why not telling me this early?""Bakit ba? Hindi ka naman nagtatanong ah! Takot ka ba sa Kuya Azzam mo?" Nakakunot ang noo nito."No. I'm not! Ma-bully kaya iyon sa akin."Nakasimangot na sagot niya saka ngumuso." Don't pout your lips, coz I always attempt to kiss you." Hinila siya ulit nito pahiga. Pinaunan siya nito sa mga bisig nito."Reed Sebastian...Kumukuta ka na sa kakahalik sa lips ko! Hindi pa nga kita sinasagot!" Kinurot niya ito sa baywang. Ngunit hinawakan nito ang kamay niya at iniyakap sa baywang nito."Doon din naman ang punta natin eh! Bakit pa natin patagalin?" Sabi nito at niyakap siya ng mahigpit.Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Ayaw naman niya itong sagutin."Diyos ko! Ilayo mo ako sa tukso. Ang sarap niyang papakin!" Ang bango-bango kasi nito talaga."Aliyah, thank you..." Bulong nito at hinalikan siya sa buhok. Hindi siya umimik dahil kapag magdaldal pa siya baka hindi na niya ito matiis at masagot na niya.Pumikit siya at bahala na lang ang susunod na kabanata nila. Hanggang sa tangayin na siya ng antok.It was late in the evening when Aliyah woke up, and Reed was no longer beside her. She slowly stood up and she was still rubbing her eyes when the door opened."Good evening sleepy head?" Nakangiting bati nito sa kanya at hinalikan ito sa noo."Bakit hindi mo ako ginising? Hindi ba dapat nasa yatch mo tayo kanina?" Nakangusong himutok niya."Ang himbing ng tulog mo eh! Bukas na lang tayo lalayag. Dinner is ready! Let's go?" Aya nito, at tinulungan siyang tumayo."Dumating na ba sina Reem at Grey?" Tanong niya, habang inaayos ang kulot na buhok niya."Hindi pa e. Sabi ni Grey sa resort lang daw muna sila. Gusto yata masolo ang pinsan mo!" Sagot nito sabay kindat sa kanya."Kayo talagang mga lalaki, para-paraan lang lagi." Irap niya dito.Napatawa lang naman ito sa kanya."You looked cute when you rolled your eyes! Dati kapag iniirapan ako. I'm getting pissed off. But if you're the one who does it. I didn't feel irritated." sabi nito."Whatever Mr. Sebastian." Himutok niya sabay lakad
Inis na hinarap niya ito at wala siyang pakialam kong galit ito."Hey! That's my phone! What's wrong with you? Give me my phone!" Pinamaywangan niya ito.Hindi naman pinapansin ni Reed ang sinabi niya. Nilagay nito sa bulsa ng pants nito ang phone niya at saka mataman siyang tinitigan."I told you, we are going to the rocky outcraft! I'm waiting for you for a long hour. Nandito ka lang pala at nakikipag harutan sa phone." Iritableng singhal nito."Wow! Are you out of your mind! Ikaw ang wala sa mood diyan. Alangan naman sasama pa ako sayo." Inis na sumbat niya.Bumuntong hininga ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.Bigla naman siyang na conscious dahil sa soot niyang red bikini. Ngunit hindi siya nag pahalata."I'm sorry, Baby! C'mon. I want to be with you tonight. I have a surprise for you!" Naging maamo ang mukha nito.Hindi siya umimik at tinitigan niya lang ito. Kapag kuwa'y bumuntong hininga siya at nagsalita,"Alam mo nakakainis ka! Ano ang ikinagalit mo sa tanong ko ka
Paakyat na sila ni Reed sa hagdanan papunta sa tuktok ng batuhan, habang inaalalayan siya nito."Alam mo bang takot na takot ako sayo noong sinita mo ako dito? Kaya na out of balance ako." Sabi niya habang naglalakad sila at nakahawak siya sa braso nito."I'm sorry about what happened. Kaya nga dinala kita ngayon dito dahil gusto kong makabawi sayo." Nilingon siya nito na may ngiti sa labi."Bakit nga ba napakasungit mo that time?" Napasulyap siya dito."Mapangahas ka eh!" Napa halakhak na sagot nito saka siya hinapit sa baywang."Sus! Ang sabihin mo broken hearted ka, kaya ka masungit." Irap niya dito.Lumuwag ang pagkakahawak nito sa baywang niya.Kaya nag-aalala siyang napatingin sa mukha nito."May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan, Reed?" Kinakabahan na tanong niya. Nasa gitna pa sila ng hagdanan at natatakot siya baka matulad na naman nang una silang magkita. Nahulog siya at muntik na siyang malunod.Pero ngayon hindi tubig ang babagsakan niya kundi semento at sigurado hindi
WARNING: RATED SPG"Behave ka, please!" Pakiusap niya. "Okay, sure.... But can I ask you something?" Tanong nito habang nakatingin sa mga bituin sa langit.Sinulyapan niya si Reed, "Sure. Ano ba ang itatanong mo? " Kinabahan siya bigla."Can we try?" Tanong nito na sinalubong ang tingin niya.Kumakabog ang puso niya at hindi alam ang isasagot niya dito. "A-Ano ang ibig mong sabihin?""Sabi mo gusto mo rin ako, hindi ba?" Seryosong tanong nito sa namumungay na mga mata.Kitang-kita niya kung paano titigan nito ang kanyang labi. Napalunok siya at hindi niya mapigilan na mapakagat labi dahil sa malamlam na tingin nito sa kanya. "R-Reed, hindi ba pwedeng dahan-dahan muna tayo. Gusto kong masiguro ang nararamdaman ko para sayo. Oo, gusto kita pero iba ang gusto sa mahal. Alam kung the feeling is mutual. Gusto mo lang ako, pero hindi...." Hindi natuloy ni Aliyah ang sasabihin dahil kinabig siya nito at hinalikan sa labi. Marahan at animo nanunukso ang mga halik na ipinadama nito sa
WARNING: RATED SPGKinaumagahan, nagising si Aliyah na mabigat ang pakiramdam niya at parang may nakadagan sa kanyang katawan. Minulat niya ang kanyang mga mata. Nakaunan siya sa dibdib ni Reed, habang ang mga kamay nito ay nakayakap sa kanyang maliit na baywang. Tinitigan niya ito, napangiti siya dahil malaya niya itong pinagmamasdan dahil sa himbing ng pagkakatulog nito. Ilang saglit pa, tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa baywang niya, at dahan-dahan siyang bumangon, ngunit na pabalik siya ng higa, at napadaing."Ouch!" Napakagat siya sa labi dahil sa kirot na nararamdaman sa ibabang bahagi sa pagitan ng mga hita niya. "My God, ganito ba talaga kapag first time." Hindi siya gumalaw ng ilang minuto at pumikit lang siya habang pinapakiramdaman ang sarili. Nang maging okay na ang pakiramdam niya, minulat niya ulit ang kanyang mga mata at humarap kay Reed. "Ang bait ng mukha mo, kapag tulog ka," napapangiti siya sa isip, "Pero kapag gising ka naman. Nakaka-intimidate
Natapos ang isang buwan na bakasyon ng magpinsan. Balik to normal life na naman ang dalawa. Tambak na trabaho ang nadatnan ni Aliyah, sa opisina niya.Binasa niya lahat ng documents at pinirmahan ang dapat pirmahan. Hindi niya namamalayan na lunchtime na pala. Habang nakatoon ang mga mata sa monitoring ng computer niya ay pumasok ang secretary niya at may inabot na pumpon ng mamahaling bulaklak."Miss Aliyah, my delivery po. Para sa inyo." Nakangiting wika ng secretary niyang i Jean, at inabot sa kanya ang mga bulaklak.Napangiti siya nang makita kung saan galing ang mga rosas.Ilang saglit lang, nag-ring ang phone niya sa table.Lalong na excite siya ng makita kung sino ang tumatawag."Baby, how are you? Do you receive the flower I sent to you?" Si Reed nasa kabilang linya. Ang lamig ng boses at sobrang lambing pa nito."Yeah. Thank you, Baby. The flower make my day brighter!" Sagot niya na kilig na kilig habang abot tainga ang ngiti sa labi."Tapos ka na bang mag-lunch?" Tanong n
Nagising si Aliyah sa malakas na doorbell, "Haist! Ang aga-aga naman mambulahaw!" Tamad na bumangon siya at halos nakapikit pa ang mga mata na pumunta sa pintuan, binuksan niya ito ng naniningkit pa ang mga mata niya dahil inaantok pa siya."Hi, beautiful Bff," Isang matangkad at gwapong lalaki ang nasa harapan niya at nakangiti sa kanya."Darren, Bakla! My God!.... Ang aga-aga pa, Bff," tili niya at niyakap ito ng mahigpit."Anong maaga pa, bruha ka, malapit ng mag tanghalian!" Singhal nito sabay nag beso at yumakap din ng mahigpit sa kanya."Anong meron? Bakit ka napadalaw?" Napataas ang kilay niya."Haist, magbihis ka nga muna. Ang sagwa mong tingnan. Sige na." Umiwas ito ng tingin sa kanya saka tumayo at nagpunta sa kitchen.Napahalakhak siya sa kaibigan. Siya lang ang bukod tanging bakla na papansinin talaga ang beauty niya. Natawa siya dahil manipis lang pala ang soot niyang pantulog at bakat ang dalawang bulkan niya."Arte mo. Bakit nagiging lalaki ka ba kapag nakikita mo a
Nasa Davao siya, sa province nila Aliyah dahil birthday ng mommy nito.Magkahawak kamay na pumasok sila sa Mansion ng mga Sullivan habang may ngiti sa mga labi."Mommy, Daddy..." Masayang bati nito sa mga magulang niya ng makita ang mga ito sa hamba ng pintuan habang naghihintay sa pagdating nila.She is really sweet at natutuwa siya sa expression ng mukha nito."Sweetie, my baby... I miss you so much," malambing na yumakap ang mommy nito sa kanya. She looks like her mom. They have a lovable and angelic face."Happy birthday Mommy, hinalikan nito ang pisngi ng ina niya saka bumaling sa daddy niya. Nagyakap ang mag-ama. Nang matapos ang mga ito sa pagbatian, bumaling si Aliyah sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Good evening, Mr and Mrs Sullivan. I'm Reed Sebastian." Pormal na bati niya sa mag-asawa.Lumapit naman ang daddy nito sa kanya at nakipag kamay at tinapik siya sa balikat niya."Welcome to our family Reed." Nakangiting bati din ni Mrs Sullivan sa kanya at humalik sa pisn
WARNING: SPGMahimbing na natutulog si Reed nang marinig niya ang sigaw ng asawa, "Reed, manganganak na yata ako. Ang sakit na ng tiyan ko." Napabalikwas siya ng bangon, dahil naalimpungatan siya, "Aliyah, w-wait…" Hindi magkandaugaga na sabi niya. Mabilis na nag soot siya ng pants at nilapitan ang asawa. Naka boxer short at sando lang kasi ito kapag natutulog. Bubuhatin na sana niya ito ngunit pinigilan siya nito, "Lalabas na yata siya, Reed… Ahhh! Ang sakit!" Lalo siyang nalito at nataranta kung ano ang uunahing gawin, hinaplos niya ang tiyan nito, "Pigilan mo muna, wait lang!" Aalis na sana siya ngunit napasigaw ulit ito dahil may lumabas ng tubig sa pwerta nito, "Holly shit!" Nanlaki ang mga mata niya, "Wait, sandali, Aliyah…" "T-Tanggalin mo ang underwear ko, bilis! Lalabas na siya." Utos nito habang nakahawak sa tiyan ang isang kamay nito.Halos manlamig ang buong katawan niya sa narinig. Kung sa ibang sitwasyon pa sila ngayon kahit hindi nito sabihin na hubarin ang un
Hindi maipinta ang mukha ni Aliyah habang nakaupo sa sasakyan na katabi ang asawa.Narinig niya ang sunod-sunod na buntong hininga nito. Alam niyang kanina pa ito naiinis sa kanya. Pagkatapos kase siya nitong ipasok sa sasakyan kanina ay tahimik na ito at hindi na nagsalita pa. Pareho silang nakasimangot.Walang isa na nagsalita sa kanilang tatlo tahimik sila sa buong byahe kaya hindi na natiis pa ni Zimmer ang katahimikan. Kanina pa niya gusto magsalita dahil sa naiisip na senyales sa ipinapakitang pagbabago ng mood ni Aliyah. "Bro, naiisip mo ba ang naiisip ko sa akto ngayon ng katabi mo?" Basag nito sa katahimikan. "Yeah. Tinutupak na naman. " Sagot nito at sinulyapan pa siya pero iningusan niya lang ito. "Lakas ng trip! I can't imagine that she like to eat that fucking…" Hinarap niya ang asawa at pinalo ang braso para matigil sa pagsasalita, "Kung mag-usap kayo parang wala ako sa paligid n'yo!" Humalukipkip siya, "Ikaw Zimmer, hindi na tayo friends. Isa ka din, ang arte mo.
Ang honeymoon nila ang pinakamasayang sandali na hindi makakalimutan ni Aliyah. Walang araw na hindi siya pinasaya ng asawa. Kaya lalo niya itong minamahal.Sa dalawang buwan na pamamalagi nila sa El Nido na silang dalawa lang ay langit para sa kanya. Pauwi na sila pabalik sa Manila, masayang sinasabayan ni Reed ang kanta ni Dan Hills na I fall all over again sa FM na napili niya, habang nakahawak ito sa kamay niya. Patingin-tingin pa ito sa kanya at tila inaakit siya. May pa halik-halik pa ito sa kamay niya. Kilig na kilig naman siya sa ginagawa nito, para siyang teenager na hinaharanahan ng crush niya. Napapangiti na lang siya sa kalandian nito. Maganda ang boses nito at napakasarap sa pandinig. "I love you Reed." Bigla ay bulalas niya. Basta lumabas na lang ito sa bibig niya ng kusa. Matamis itong ngumiti sa kanya, "I love you too, Baby, more than you love me. It's corny but I'm not ashamed to tell you how much I love you." Malambing na sagot nito. "Eyy! Corny but I love i
WARNING: SPGMahimbing na mahimbing ang tulog ni Aliyah kahit alas nuebe na ng umaga. Nakaligo na at nakapagluto na rin si Reed ng agahan nila ngunit ang babae ay parang tulog mantika. Pagod na pagod ito dahil sa paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ng asawa kagabi.Sarap na sarap ito sa pagtulog habang nakayakap sa unan na ginamit ng asawa. Mahinang tinulak ni Reed ang pintuan para hindi ito magising. Napapangiti siya sa ayos ng asawa sa pagkakahiga, kitang-kita niya ang makinis at bilugan nitong hita na nagpagising na naman sa ahas niya na ngayon nagpapasikip ng pants niya. Bagong ligo siya ngunit nagsisimula na naman siyang pagpawisan ng malapot kahit naka aircon pa ang silid nila."Fuck, Aliyah. I'm really addicted to you." Bulong niya sa sarili habang dahan-dahan na naglalakad papunta sa kama. Napapalunok pa siya dahil sa paglalaway. Parang asong ulol."Your fucking hot, baby, kaya ako baliw na baliw sayo." Sambit pa niya. Nasa tapat na siya ng kama ng tumihaya ito at lalo si
Over the landscape, the broad sand is cascading across the land. Ang malamig na hangin ay nagdudulot ng kaginhawaan sa pakiramdam, mula sa mainit at papalubog na araw. Sa di kalayuan, humahampas ang tubig sa mga bato. Tahimik ang buong paligid. Isang enggrandeng kasal ang magaganap ngayon sa rocky outcraft kung saan unang nagkatagpo ang dalawang taong pinagtagpo at tinadhana. Ilang beses man silang sinubok ng panahon ngunit hindi hadlang ang mga iyon para mawala ang pagmamahal sa isa't-isa. Ang red carpet na nilatag sa mas pinalawak na bulwagan ng batuhan ay puno ng mga bulaklak. May mga balloons at string lights din na may iba't-ibang mga hugis na lalong nagpaganda sa venue. Maraming mga paro-paro na lumilipad sa mga bulaklak. Tila mga diyosa at diwata ang mga babae at mga adonis na bumaba sa langit naman ang mga lalaki. Labas ang matitipunong mga dibdib dahil sa mga long sleeve ng mga ito na sinadyang hindi e button ang dalawang butones sa may dibdib ng mga ito.. Masayang mga
Nasa open cottage sina Aliyah, at Reem kinahapunan. Nakatingin sila sa papalubog na araw. "Parang kailan lang, ano? Dati, tayong dalawa lang ang nagbabakasyon tuwing summer. But you can see naman may kambal ka na. At preggy na din ako. May kanya-kanya na tayong pamilya." Nakangiting wika ni Reem habang nakatingin sa malawak na karagatan. "Oo nga eh, ang dami kong napagdaanan. Akala ko nga hindi ko makakayanan. Pero kita mo naman ngayon, I'm still alive and kicking." Napahalakhak na sagot niya. Yong masasakit na mga karanasan paglipas pala ng panahon ay pagtatawanan mo na lang. "Hindi ko rin expected na mala teleserye pala ang magiging lovelife mo with your hubby. But anyways, hindi pa ba nag-aaya sayo si Reed na magpakasal sa simbahan in public?" Sinulyapan siya nito bago tumingin muli sa malayong karagatan. "Wala e, baka wala na siyang balak. Ang rupok ko kasi. Shity! Dapat sana hindi agad ako sumama sa kanya, dapat nagpakipot din ako ng konti." Nakasimangot na sagot niya sabay h
WARNING: SPGNaglakad-lakad siya ngayon sa dalampasigan. Ang bahagyang simoy ng hangin ay nagsimulang umihip sa kanya habang patuloy siyang naglalakad. Feeling niya dinuduyan siya sa alapaap habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ang bilis talagang lumipas ng panahon, parang kailan lang ang gulo ng buhay niya. Napatingin siya sa malawak na karagatan. Maraming masasayang ala-ala ang bumalik sa isipan niya kasama ang asawa niya. Hindi niya maiwasang mapaluha kapag sumasagi sa isipan niya ang nangyaring pagsagip sa kanya nito ilang buwan na ang nakaraan. Halos panawan siya ng ulirat ng mga sandaling iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa dalampasigan, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nasa Beach resort siya, ang lahat ng kanyang mga problema, pag-aalala at mga alalahanin ay nakakalimutan niya kapag nakikita niya ang malawak na karagatan. Palubog na ang haring araw at malamig na ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Nasa El Nido sila ngayon at kasalukuyang nagbaba
"Reed, akin ka lang! Ang tagal kung naghintay sayo, hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng yan!" Sigaw ni Avery at mabilis na kinuha ang baril sa sahig at itinutok kay Reed ng akmang bubuhatin na ang asawa na walang malay. "Damn you, woman! Umalis ka na hangga't nakakapagtimpi pa ako sayo." Madilim ang aura niya nang humarap siya sa babae. Kanina pa siya gigil na gigil dito. Kahit malalakas ang pagsabog sa labas at pagpapalitan ng baril, tila silang tatlo lang ang nasa lugar at walang pakialam sa maaaring mangyari kapag nagtagal pa sila sa silid na iyon. "No. Kung hindi ka magiging akin, mas mabuti pa na mamatay ka na lang! Papatayin kita at pagkatapos, magbabaril din ako sa sarili ko." Umiiyak na wika nito. Nanginginig ang kamay nito habang mahigpit na hawak ang baril. "Put down your gun, Avery. I'm warning you!" Dahan-dahan niya itong nilapitan. "No. Huwag kang lalapit! D'yan ka lang!" Sigaw nito habang umaatras at nanlilisik ang mga mata. Huminto siya, "Then, give me your
SAMANTALA, nakarating ang grupo nina Reed sa lugar na pinagdalhan kina Aliyah, Dianne at mga bata."Ready to ramble!" Darren smirked and wink sa mga kasama. Ito ngayon ang leader ng mga sniper kasama ang limang tauhan nila na galing din sa LA, kasama niyang umuwi sa bansa. Naka-posisyon na ngayon ang mga backup nila na nauna na sa kanila. Sinulyapan ni William ang wristwatch, "Time to play. Kailangan na uuwi tayong walang kahit anong latay sa katawan. Dahil kung sino man ang masusugatan ngayon, may punishment para magtanda." Wika nito."What? Iba ka din, Dude! Pero ano ba ang punishment?" Tanong ni Darren habang nakakunot ang noo."Kapag nasugatan kayong mga lalaki kayo, itatago ko lahat ng mga babaeng kinahuhumalingan ninyo. Kaya huwag palampa-lampa. Puro lang kayo papogi!" Isang seryosong boses ang sumagot sa tanong ni Darren na nagmumula sa earpiece na soot nila. May mga mahihinang tawa din ng mga babae sa background nito."What the!? Baby ko?" Hindi makapaniwala na bulalas ni Dar