Nagising si Aliyah sa malakas na doorbell, "Haist! Ang aga-aga naman mambulahaw!" Tamad na bumangon siya at halos nakapikit pa ang mga mata na pumunta sa pintuan, binuksan niya ito ng naniningkit pa ang mga mata niya dahil inaantok pa siya."Hi, beautiful Bff," Isang matangkad at gwapong lalaki ang nasa harapan niya at nakangiti sa kanya."Darren, Bakla! My God!.... Ang aga-aga pa, Bff," tili niya at niyakap ito ng mahigpit."Anong maaga pa, bruha ka, malapit ng mag tanghalian!" Singhal nito sabay nag beso at yumakap din ng mahigpit sa kanya."Anong meron? Bakit ka napadalaw?" Napataas ang kilay niya."Haist, magbihis ka nga muna. Ang sagwa mong tingnan. Sige na." Umiwas ito ng tingin sa kanya saka tumayo at nagpunta sa kitchen.Napahalakhak siya sa kaibigan. Siya lang ang bukod tanging bakla na papansinin talaga ang beauty niya. Natawa siya dahil manipis lang pala ang soot niyang pantulog at bakat ang dalawang bulkan niya."Arte mo. Bakit nagiging lalaki ka ba kapag nakikita mo a
Nasa Davao siya, sa province nila Aliyah dahil birthday ng mommy nito.Magkahawak kamay na pumasok sila sa Mansion ng mga Sullivan habang may ngiti sa mga labi."Mommy, Daddy..." Masayang bati nito sa mga magulang niya ng makita ang mga ito sa hamba ng pintuan habang naghihintay sa pagdating nila.She is really sweet at natutuwa siya sa expression ng mukha nito."Sweetie, my baby... I miss you so much," malambing na yumakap ang mommy nito sa kanya. She looks like her mom. They have a lovable and angelic face."Happy birthday Mommy, hinalikan nito ang pisngi ng ina niya saka bumaling sa daddy niya. Nagyakap ang mag-ama. Nang matapos ang mga ito sa pagbatian, bumaling si Aliyah sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Good evening, Mr and Mrs Sullivan. I'm Reed Sebastian." Pormal na bati niya sa mag-asawa.Lumapit naman ang daddy nito sa kanya at nakipag kamay at tinapik siya sa balikat niya."Welcome to our family Reed." Nakangiting bati din ni Mrs Sullivan sa kanya at humalik sa pisn
WARNING: RATED SPG Madaling araw nang magising ang diwa ni Reed, dahil naramdaman niyang may humahalik sa labi niya, napaungol siya dahil sa lambot ng labi nito at magaling humalik. Madilim ang silid niya dahil hindi siya makatulog kapag may ilaw. Nakapikit ang mata niya habang pinakiramdaman ang humahalik sa kanya. Alam niyang hindi si Aliyah ang nasa silid niya ngayon."Babe.... I miss you." Si Avery, nasa tabi niya at nakayakap ng mahigpit sa kanya."Shit! What are you doing here?" Napabalikwas ng bangon si Reed at naitulak si Avery kaya nahulog ito sa sahig.Tumayo siya at kinapa ang switch ng ilaw. He on the light, at nakita niya ito na wala ng saplot sa katawan."Fuck!" Mura niya at napalunok siya habang nakatitig sa katawan nito.Tumayo si Avery at nagmamakaawang tumingin sa kanya at dahan-dahan na lumapit sa kinaroroonan niya habang hindi hinihiwalayan ng titig ito."Please Reed, I love you. And it hurts me to see you happy in the company of other woman. I'm very jealous.
Reed went back to Manila without Aliyah. She was left in the province because of their family reunion. Nang malaman ni Avery na uuwi si Reed, nagpa-book rin siya agad ng ticket nang araw na iyon. Ayaw na niyang magtagal pa sa bahay ng mga Sullivan dahil hindi na niya kayang magkunwari pa. Dumating siya sa Manila nang magtanghali na. Dumeritso siya sa bahay nila at naabutan niya si Darlene na nasa living room. "Kuya, welcome back! What's that face?" Humalik si Darlene sa pisngi niya at niyakap siya, "Kumusta si Ate Aliyah? Why are you so haggard Kuya?" "She's okay! I want to take a rest today. Kapag may maghanap sa akin, sabihin mong hindi ako magpapa disturbo, okay? Huwag na huwag kang mag papasok nang kahit na sino." Walang ganang naglakad siya pa akyat sa hagdanan."Kahit si Ate Aliyah ang tumawag? Bawal kang disturbohin? Bakit ka ba wala sa mood, Kuya?" Sumunod si Darlene sa kanya."Darling, we will talk later. Hindi tatawag si Ate Aliyah mo ngayon dahil busy 'yon sa reunion
Nang makabalik sa Manila si Aliyah hindi agad sila nagkita ni Reed kaya balak niya itong surprisahin sa opisina nito, dahil ilang araw na din na hindi sila nagkikita. Pareho na sila na naging busy sa mga obligasyon sa sarili nilang mga business. At mostly, out of town ito.Masayang nagluto si Aliyah ng paboritong pagkain nito, ang beef stick at ang pinaghalong adobong karne ng manok at baboy."Bakla naman e, huwag mo ng galawin yan!" Pinalo niya ang kamay ni Reem."Maliit nga lang ang kakainin ko. Bakla, gutom kaya ako." Nakasimangot na reklamo nito at pilit talaga niyang kinuha ang isang bowl ng adobo na nasa mesa."Haist! Bakit nga kasi yan ang gusto mo. Meron naman sa calderon, kay Reed yan eh!" Irap nito at wala na siyang nagawa dahil nilantakan na nito ang adobo niya."Ikaw na lang kumuha Bakla, tsaka huwag ka nga kasing magmadali. Maaga pa naman para sa pananghalian. Miss mo na siya nuh?" Nakangiting tukso nito. "Syempre. Parehas na kaming busy sa work kaya nakaka-miss kay
Because of what Aliyah's found out about Reed and Avery, she hardly accept it. Halos wala siyang ginawa kundi umiyak at uminom ng alak sa condo niya. Hindi siya lumalabas. She didn't even answering calls to anybody. Napabayaan niya ang sarili."Reed, bakit mo ako niloko? Bakit ginawa mo kaming tanga ni Kuya." Tinungga niya ang alak na nasa harapan niya."Nagtiwala ako sayo! Minahal kita ng sobra-sobra! Pero bakit ginawa mo pa rin ito sa akin." Umiiyak na tinutungga niya ang bote ng alak. Madilim ang paligid at tanging lamp shade lang ang ilaw niya.Biglang nagliwanag sa sala at nakita niya si Reem na gulat na gulat nang makita siya. Tarantang nilapitan siya nito."Aliyah, my god! What happened to you. I'm calling you for two days. Where have you been? What happened to you?" Nilapitan siya nito at pinatayo. Nasa sahig siya nakaupo at parang pulubi ang mukha. Buhaghag na buhok, maga na mata, at miserable na mukha ang naabutan nito. "Hoy! Magsalita ka!" Bulyaw nito sa kanya."Bakla...
Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin kinakausap ni Aliyah si Reed.Halos lahat ng paraan ginawa na niya para mapaamo niya ito ngunit baliwala pa rin. Sinusungitan lang siya nito at ang masaklap, bantay sarado pa siya ni Darren. Lagi silang nagpapang-abot nito sa opisina ni Aliyah. Ngunit siya na lang ang umiiwas dahil ayaw niyang lalong magalit ito sa kanya.Isang araw, hindi siya lumabas ng bahay at gusto niyang lunurin sa alak ang sarili niya. Nasa loob lang siya ng silid niya. Parang dinaanan ng bagyo ang silid nito sa pagwawala niya. Lasing na siya dahil kagabi pa siya umiinom ng alak."Aliyah, please come back to me. I didn't mean to hurt you, Baby." Nahihirapang sambit niya habang nakaharap sa phone niya at tinitingnan ang picture nila nito na matamis na nakangiti sa kanya."That slut! I will never forgive her! Hindi ka talaga tumitigil sa panggugulo sa buhay ko." Kinuha niya ang empty bottle saka binato sa wall."Fuck this life! Aliyah...." Para siyang bata na iniwan
Hindi nabigo si Aliyah sa pagbibigay ng chance Kay Reed dahil araw-araw niyang nararamdaman ang pagmamahal nito sa kanya. Lumipas pa ang araw at mga buwan, naging smooth ang relasyon nila. Isang gabi, dumalo si Reed sa isang business event. Sinama niya si Aliyah at halos lahat ng mga mata nakatutok sa kanila. Sila ang pinakahuling dumating kaya nakaagaw sila nang atensyon. At ngayon na lang ulit siya dumalo sa mga business event.Napakapit si Aliyah nang mahigpit sa braso niya, "Relax, Baby, and don't be shy by the mob. You're lovely and pretty. All the guys staring at you like they've undressed you, irritates me." He clenched his jaw. At seryoso na nakahawak sa baywang nito at walang kangiti-ngiti. His very territorial."May naging babae ka ba dito? Why girls, looked at me like they wanted to kill me?" Inosenteng tanong nito."Because you are beautiful than them." Napa halakhak na sagot niya.May lumapit sa kanila na ilang kilala niya at business associate. "It's been a while, Du
WARNING: SPGMahimbing na natutulog si Reed nang marinig niya ang sigaw ng asawa, "Reed, manganganak na yata ako. Ang sakit na ng tiyan ko." Napabalikwas siya ng bangon, dahil naalimpungatan siya, "Aliyah, w-wait…" Hindi magkandaugaga na sabi niya. Mabilis na nag soot siya ng pants at nilapitan ang asawa. Naka boxer short at sando lang kasi ito kapag natutulog. Bubuhatin na sana niya ito ngunit pinigilan siya nito, "Lalabas na yata siya, Reed… Ahhh! Ang sakit!" Lalo siyang nalito at nataranta kung ano ang uunahing gawin, hinaplos niya ang tiyan nito, "Pigilan mo muna, wait lang!" Aalis na sana siya ngunit napasigaw ulit ito dahil may lumabas ng tubig sa pwerta nito, "Holly shit!" Nanlaki ang mga mata niya, "Wait, sandali, Aliyah…" "T-Tanggalin mo ang underwear ko, bilis! Lalabas na siya." Utos nito habang nakahawak sa tiyan ang isang kamay nito.Halos manlamig ang buong katawan niya sa narinig. Kung sa ibang sitwasyon pa sila ngayon kahit hindi nito sabihin na hubarin ang un
Hindi maipinta ang mukha ni Aliyah habang nakaupo sa sasakyan na katabi ang asawa.Narinig niya ang sunod-sunod na buntong hininga nito. Alam niyang kanina pa ito naiinis sa kanya. Pagkatapos kase siya nitong ipasok sa sasakyan kanina ay tahimik na ito at hindi na nagsalita pa. Pareho silang nakasimangot.Walang isa na nagsalita sa kanilang tatlo tahimik sila sa buong byahe kaya hindi na natiis pa ni Zimmer ang katahimikan. Kanina pa niya gusto magsalita dahil sa naiisip na senyales sa ipinapakitang pagbabago ng mood ni Aliyah. "Bro, naiisip mo ba ang naiisip ko sa akto ngayon ng katabi mo?" Basag nito sa katahimikan. "Yeah. Tinutupak na naman. " Sagot nito at sinulyapan pa siya pero iningusan niya lang ito. "Lakas ng trip! I can't imagine that she like to eat that fucking…" Hinarap niya ang asawa at pinalo ang braso para matigil sa pagsasalita, "Kung mag-usap kayo parang wala ako sa paligid n'yo!" Humalukipkip siya, "Ikaw Zimmer, hindi na tayo friends. Isa ka din, ang arte mo.
Ang honeymoon nila ang pinakamasayang sandali na hindi makakalimutan ni Aliyah. Walang araw na hindi siya pinasaya ng asawa. Kaya lalo niya itong minamahal.Sa dalawang buwan na pamamalagi nila sa El Nido na silang dalawa lang ay langit para sa kanya. Pauwi na sila pabalik sa Manila, masayang sinasabayan ni Reed ang kanta ni Dan Hills na I fall all over again sa FM na napili niya, habang nakahawak ito sa kamay niya. Patingin-tingin pa ito sa kanya at tila inaakit siya. May pa halik-halik pa ito sa kamay niya. Kilig na kilig naman siya sa ginagawa nito, para siyang teenager na hinaharanahan ng crush niya. Napapangiti na lang siya sa kalandian nito. Maganda ang boses nito at napakasarap sa pandinig. "I love you Reed." Bigla ay bulalas niya. Basta lumabas na lang ito sa bibig niya ng kusa. Matamis itong ngumiti sa kanya, "I love you too, Baby, more than you love me. It's corny but I'm not ashamed to tell you how much I love you." Malambing na sagot nito. "Eyy! Corny but I love i
WARNING: SPGMahimbing na mahimbing ang tulog ni Aliyah kahit alas nuebe na ng umaga. Nakaligo na at nakapagluto na rin si Reed ng agahan nila ngunit ang babae ay parang tulog mantika. Pagod na pagod ito dahil sa paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ng asawa kagabi.Sarap na sarap ito sa pagtulog habang nakayakap sa unan na ginamit ng asawa. Mahinang tinulak ni Reed ang pintuan para hindi ito magising. Napapangiti siya sa ayos ng asawa sa pagkakahiga, kitang-kita niya ang makinis at bilugan nitong hita na nagpagising na naman sa ahas niya na ngayon nagpapasikip ng pants niya. Bagong ligo siya ngunit nagsisimula na naman siyang pagpawisan ng malapot kahit naka aircon pa ang silid nila."Fuck, Aliyah. I'm really addicted to you." Bulong niya sa sarili habang dahan-dahan na naglalakad papunta sa kama. Napapalunok pa siya dahil sa paglalaway. Parang asong ulol."Your fucking hot, baby, kaya ako baliw na baliw sayo." Sambit pa niya. Nasa tapat na siya ng kama ng tumihaya ito at lalo si
Over the landscape, the broad sand is cascading across the land. Ang malamig na hangin ay nagdudulot ng kaginhawaan sa pakiramdam, mula sa mainit at papalubog na araw. Sa di kalayuan, humahampas ang tubig sa mga bato. Tahimik ang buong paligid. Isang enggrandeng kasal ang magaganap ngayon sa rocky outcraft kung saan unang nagkatagpo ang dalawang taong pinagtagpo at tinadhana. Ilang beses man silang sinubok ng panahon ngunit hindi hadlang ang mga iyon para mawala ang pagmamahal sa isa't-isa. Ang red carpet na nilatag sa mas pinalawak na bulwagan ng batuhan ay puno ng mga bulaklak. May mga balloons at string lights din na may iba't-ibang mga hugis na lalong nagpaganda sa venue. Maraming mga paro-paro na lumilipad sa mga bulaklak. Tila mga diyosa at diwata ang mga babae at mga adonis na bumaba sa langit naman ang mga lalaki. Labas ang matitipunong mga dibdib dahil sa mga long sleeve ng mga ito na sinadyang hindi e button ang dalawang butones sa may dibdib ng mga ito.. Masayang mga
Nasa open cottage sina Aliyah, at Reem kinahapunan. Nakatingin sila sa papalubog na araw. "Parang kailan lang, ano? Dati, tayong dalawa lang ang nagbabakasyon tuwing summer. But you can see naman may kambal ka na. At preggy na din ako. May kanya-kanya na tayong pamilya." Nakangiting wika ni Reem habang nakatingin sa malawak na karagatan. "Oo nga eh, ang dami kong napagdaanan. Akala ko nga hindi ko makakayanan. Pero kita mo naman ngayon, I'm still alive and kicking." Napahalakhak na sagot niya. Yong masasakit na mga karanasan paglipas pala ng panahon ay pagtatawanan mo na lang. "Hindi ko rin expected na mala teleserye pala ang magiging lovelife mo with your hubby. But anyways, hindi pa ba nag-aaya sayo si Reed na magpakasal sa simbahan in public?" Sinulyapan siya nito bago tumingin muli sa malayong karagatan. "Wala e, baka wala na siyang balak. Ang rupok ko kasi. Shity! Dapat sana hindi agad ako sumama sa kanya, dapat nagpakipot din ako ng konti." Nakasimangot na sagot niya sabay h
WARNING: SPGNaglakad-lakad siya ngayon sa dalampasigan. Ang bahagyang simoy ng hangin ay nagsimulang umihip sa kanya habang patuloy siyang naglalakad. Feeling niya dinuduyan siya sa alapaap habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ang bilis talagang lumipas ng panahon, parang kailan lang ang gulo ng buhay niya. Napatingin siya sa malawak na karagatan. Maraming masasayang ala-ala ang bumalik sa isipan niya kasama ang asawa niya. Hindi niya maiwasang mapaluha kapag sumasagi sa isipan niya ang nangyaring pagsagip sa kanya nito ilang buwan na ang nakaraan. Halos panawan siya ng ulirat ng mga sandaling iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa dalampasigan, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nasa Beach resort siya, ang lahat ng kanyang mga problema, pag-aalala at mga alalahanin ay nakakalimutan niya kapag nakikita niya ang malawak na karagatan. Palubog na ang haring araw at malamig na ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Nasa El Nido sila ngayon at kasalukuyang nagbaba
"Reed, akin ka lang! Ang tagal kung naghintay sayo, hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng yan!" Sigaw ni Avery at mabilis na kinuha ang baril sa sahig at itinutok kay Reed ng akmang bubuhatin na ang asawa na walang malay. "Damn you, woman! Umalis ka na hangga't nakakapagtimpi pa ako sayo." Madilim ang aura niya nang humarap siya sa babae. Kanina pa siya gigil na gigil dito. Kahit malalakas ang pagsabog sa labas at pagpapalitan ng baril, tila silang tatlo lang ang nasa lugar at walang pakialam sa maaaring mangyari kapag nagtagal pa sila sa silid na iyon. "No. Kung hindi ka magiging akin, mas mabuti pa na mamatay ka na lang! Papatayin kita at pagkatapos, magbabaril din ako sa sarili ko." Umiiyak na wika nito. Nanginginig ang kamay nito habang mahigpit na hawak ang baril. "Put down your gun, Avery. I'm warning you!" Dahan-dahan niya itong nilapitan. "No. Huwag kang lalapit! D'yan ka lang!" Sigaw nito habang umaatras at nanlilisik ang mga mata. Huminto siya, "Then, give me your
SAMANTALA, nakarating ang grupo nina Reed sa lugar na pinagdalhan kina Aliyah, Dianne at mga bata."Ready to ramble!" Darren smirked and wink sa mga kasama. Ito ngayon ang leader ng mga sniper kasama ang limang tauhan nila na galing din sa LA, kasama niyang umuwi sa bansa. Naka-posisyon na ngayon ang mga backup nila na nauna na sa kanila. Sinulyapan ni William ang wristwatch, "Time to play. Kailangan na uuwi tayong walang kahit anong latay sa katawan. Dahil kung sino man ang masusugatan ngayon, may punishment para magtanda." Wika nito."What? Iba ka din, Dude! Pero ano ba ang punishment?" Tanong ni Darren habang nakakunot ang noo."Kapag nasugatan kayong mga lalaki kayo, itatago ko lahat ng mga babaeng kinahuhumalingan ninyo. Kaya huwag palampa-lampa. Puro lang kayo papogi!" Isang seryosong boses ang sumagot sa tanong ni Darren na nagmumula sa earpiece na soot nila. May mga mahihinang tawa din ng mga babae sa background nito."What the!? Baby ko?" Hindi makapaniwala na bulalas ni Dar