Paano kung isang araw ay may isang estranghero na bigla na lamang mag-alok sa iyo ng kasal? Handa ka bang tanggapin ang mapusok na alok nito, o mas pipiliin mong tanggihan? Halina't tunghayan at alamin kung papaano mababago ang buhay ni Gelay De Castro sa alok ni Hadi Sandoval? *** Lumaki na hirap sa buhay ang dalagang si Gelay, simula nang pumanaw ang kanyang ama ay siya na rin ang umako sa responsibilidad na naiwan nito sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging panganay na anak ay ginampanan na rin niya ang pagiging Padre de pamilya para sa kanyang Nanay Myrna at dalawang nakababata pang kapatid. Wala siyang pinipiling pasukan na trabaho, basta ba't legal at marangal ay wala iyong problema sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Hadi Sandoval—ang lalaking malamig pa sa yelo kung makitungo sa kapwa tao. Sa hindi malamang dahilan, inis para sa isa't-isa agad ang kanilang naramdaman simula noong unang magkita. They also both wish not to see each other anymore…ngunit tunay na mapaglaro nga naman ang tadhana. Dahil itinakda ng pagkakataon na muli silang magkita… sa pagkakataon ito ay inalok siya ng kasal ng Binata. A marriage for inconvenience. Pakakasal siya kay Hadi, kapalit ng malaking halaga. Tanggapin kaya ni Gelay ang alok na maging Cinderella for Rent?
View MoreNapitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya
"Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab
Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h
"Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it
"Hindi ko yata kaya. Natatakot ako. Wag na kaya natin ituloy?" maya-maya pa ay sambit ko nang tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang gate. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang aking mga palad at talampakan kahit pa hindi mainit sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya lang ako. "Just be yourself, hindi kita pababayaan…" tanging nasabi niya lang bago bumaba ng sasakyan. Sino ka dyan? Sana all, hindi pababayaan, yung iba kasi dyan, iniwan!Huminga ako saglit at saka ako bumaba. Gelay, kaya mo yan! Para sa ekonomiya at dahil mukha kang pera! Pikit-mata na lang. Saka easy lang 'yan! Inayos ko muna ang damit ko at ngumiti ako. Handa na ako!Mabilis akong bumaba at sumunod kay busangot sa loob. "What are you doing?" tanong niya pa nang pinulupot ko ang aking braso sa kanya. "Ang hina mo naman. Kailangan sweet tayo! Saka wag kang feeling dyan! Tandaan mo na hindi natin type ang isa't-isa. Palabas lang lahat ng ito kaya makisama ka, okay?" nakangisi kong saad. Wala siyang nagawa
Buong biyahe ata akong tahimik sa tabi niya dahil sa lintik na panty ko! Ang dami ng pwedeng madampot ay yung panty ko pa talaga mygod! Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa buhay kapag kasama ang lalaking ito. Wala naman akong magagawa dahil siya na ang boss ko mula ngayon. Kailangan ko na lang isipin ang malaking sahod na makukuha ko kapag natapos ko na ang anim na buwan. Makakalaya na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon ay magtiis muna kami sa isa't-isa. Dahan-dahan ko pa siyang nilingon habang abala sa pagmamaneho at namilog pa ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Imbes na mag-paapekto ay inirapan ko na lang siya. Pero mabilis ko naman binawi ang irap ko namg maalala ko na siya nga pala ang aking boss. Umayos ako nang upo at itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Parang hindi rin ako makahinga kapag magkasama kami. Masyadong masikip ang mundo naming dalawa. Siguro dahil hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo namin kaya ganito. Saka nakaka
Anong ginagawa ni busangot dito? Anong pinagsasabi niya?! Juskoooo, marimar! Bakit kay Vienna pa? Anong mukhang ihaharap ko sa babaeng ito? Napikit ako ng mariin at natampal ko pa ang aking noo. Siguradong katakot-takot na kantiyaw ang matatanggap ko mula kay Vienna dahil sa sinabi ni busangot. Napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang braso niya. Ito na nga ba ang sinasabi sa hula! Pahamak naman kasi ang lalaking ito! Paano ko siya haharapin?Muli ko munang binaling ang aking paningin kay busangot at pinandilatan ko pa siya. Ngunit wala man lang siyang reaksyon. Kaya mas lalong nakakainis."G-Gelay, anong ibig sabihin niya? W-wife? Asawa di ba? Alam ko ang tagalog. Paano? Anong una mong hinubad? Sabihin mo!" Nagulat pa ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko at bahagya pa akong niyugyog."V-Vienna—""Ano? Ang bra mo? Panty? Short? Damit? O ang puri at dangal mo?! Sabihin mo. Sabihin mo!!" Natulala na lang ako sa linyahan ng kaibigan kong pinanganak na oa! Sobrang inten
"Manong Gerry, dito na lang po ako sa banko. May gagawin pa po kasi ako sa loob," paalam ko sa driver ni busangot.Kakamot-kamot pa sa ulo si Manong Gerry, dahil sa sinabi ko. Mukhang takot yata na hindi masunod ang utos ng boss niya. Sabi ko kasi kay busangot ay wag na akong ipahatid pero ang hirap din kasing kontrahin niya. Kaya wala akong nagawa kanina. "Ayos lang po, Manong Gerry," "Naku, Ma'am, hindi po pwede at baka magalit si bossing sa akin. Saka kilala mo naman yung bata na 'yon. Kapag may inutos ay dapat sundin," paliwanag niya pa sa akin. Naisip ko nga na baka siya ang pagalitan ng amo niyang may katok kung hindi niya ako ihahatid. Kaya naman hinayaan ko na lang siya na hintayin ako rito sa labas. May aayusin kasi ako sa loob ng banko. Ipapadala ko ang pera sa bank account ng pinag-sanglaan namin ng bahay at lupa. At ang ibang lalabing pera ay ibibigay ko kay Nanay upang ipagawa ng bubong sa kusina. Matagal nang sinasabi ni Jeremy na tumutulo na raw ang bubong namin. P
"Joke time! M-masyado ka kasing seryoso. B-brief…briefcase! Tama, briefcase nga! Di ba may ganyan kayong mga rich people?!" palusot ko pa. At baka sakaling uubra sa kanya. Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hay, naku!Gelay, brief pa more!"Ah, eh, wala na pala akong itatanong. O-okay na pala." Tumawa pa ako nang malakas upang makalimutan niya ang tungkol sa brief. Pero mas okay na rin na brief lang ang nasabi ko kesa naman yung patola niya, mas nakakahiya 'yon!Ang bilis naman ng ganti ng karma! Tama ba ang narinig ko? Misis ko? Tse! Pa-fall ang ferson. Hindi naman ako marupok no!At bakit kasi iba ang nasa utak ko kesa sa sinasabi ni bibig ko? Muli akong umupo at tumikhim habang siya naman ay nakasunod lang ng tingin sa akin. Hindi tuloy ako mapakali mula sa aking kinauupuan kaya kinuha ko ang aking bag at pinatong sa aking harap. Nakakainis naman ang lalaking ito. Nakakakaba kung tumingin. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ang kili-kili at singit ko!"Ano ba ang ti
Maaga akong gumising sa araw na ito dahil kailangan ko pang maghanap ng iba pang trabaho bukod sa spa na aking pinapasukan. At sa iba ko pang raket. Kailangan kong makapagpadala ng pera kina Nanay ngayon dahil sa kinakailangan niyan bumili ng kanyang gamot para sa kanyang highblood. Nagtataka rin naman ako kung bakit sa daming sakit ay highblood pa talaga? Juskooo! Hindi nga kami halos malaparan ng mantika ang aming mga labi dahil madalang kami kung makatikim ng karne. Kung hindi pa magkaroon ng handaan sa kapitbahay namin ay hindi makakatikim ng karne. Kaya gusto ko pang magtaka sa naging tingin ng doctor kay Nanay. Hays, kung natuloy lang sana ako sa Singapore ay hindi ganito kahirap ang buhay namin. Sana ay maayos na kahit paano ang buhay namin ngayon. Kaya ngayon ay todo kayod muna ang ferson! Bawal sumuko kahit gusto ko nang magpahinga.Dahil bukod sa ibang gastusin nila ay kailan kong isipin na nanganganib din ang kapirasong lupa at bahay namin na hatakin ng pinagsanglaan ko nito...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments