Home / Romance / CINDERELLA FOR RENT! / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of CINDERELLA FOR RENT!: Chapter 1 - Chapter 10

40 Chapters

Prologue

Maaga akong gumising sa araw na ito dahil kailangan ko pang maghanap ng iba pang trabaho bukod sa spa na aking pinapasukan. At sa iba ko pang raket. Kailangan kong makapagpadala ng pera kina Nanay ngayon dahil sa kinakailangan niyan bumili ng kanyang gamot para sa kanyang highblood. Nagtataka rin naman ako kung bakit sa daming sakit ay highblood pa talaga? Juskooo! Hindi nga kami halos malaparan ng mantika ang aming mga labi dahil madalang kami kung makatikim ng karne. Kung hindi pa magkaroon ng handaan sa kapitbahay namin ay hindi makakatikim ng karne. Kaya gusto ko pang magtaka sa naging tingin ng doctor kay Nanay. Hays, kung natuloy lang sana ako sa Singapore ay hindi ganito kahirap ang buhay namin. Sana ay maayos na kahit paano ang buhay namin ngayon. Kaya ngayon ay todo kayod muna ang ferson! Bawal sumuko kahit gusto ko nang magpahinga.Dahil bukod sa ibang gastusin nila ay kailan kong isipin na nanganganib din ang kapirasong lupa at bahay namin na hatakin ng pinagsanglaan ko nito
last updateLast Updated : 2023-07-01
Read more

Chapter One

"Ate, malayo pa ba tayo? Pagod na po ako kasi. Tapos ang bigat-bigat pa nito, oh! Feeling ko tuloy ay pasan niya ang mundo, tsssk!" reklamo ni Divine sa akin habang naglalakad kami papunta ng bayan. Sayang kasi kung mamamasahe pa kami at maibabawas pa sa magiging benta. Kailangan ko pa naman magtipid kasi wala naman kaming wawaldasin talaga. Hay buhay! Kung magaling lang sana akong gumiling ay baka umekstra na ako sa beer house sa bayan. Pero minalas tayo dahil wala man lang akong talent kundi ganda lang ang meron ako. "Malapit na tayo, Divine Saka hindi mabigat ang bitbit mo, reklamador ka lang," singhal ko pa sa kanya.Madalas kasi na si Jeremy ang kasa-kasama ko kaya hindi sanay si Diane na maglakad papunta ng bayan. Dito kasi namin dadalhin ang mga saging at kamote na nakuha namin. Kapag wala kasi akong raket ay naiisipan ko na umakyat ng bundok upang manguha ng mga maaari naming ibenta. Halos ganito kasi ang gawain dito sa Mindoro. Swerte nga kami ngayon at dalawang buwig ng sag
last updateLast Updated : 2023-07-01
Read more

Chapter two

Maaga pa lang ay gising na kaming lahat dito sa bahay. Ganito talaga sa probinsya, hindi uso ang tanghaling gising at tiyak na bunganga ang gigising sayo sa ingay. Kaya mamili ka, maaga kang gigising o maaga kang sesermonan? Nasa sayo ang kapalaran ng umaga mo kaya sumunod ka na lang ng matiwasay at reklamo. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng munting silid ko. Hindi ko na nga magawang mag-inat dahil maaga rin magsisimula ang araw ko ngayon. Dahil unang araw ko sa karinderya sa may bayan. Umaga hanggang tanghali lang ang pasok ko roon at pagkatapos ay tutuloy ako sa parlor na pinapasukan ko rin bilang isang manicurist, taga kulot, tag -straight, taga-alis ng kuto o taga- awat ng mag-jowang nag-aaway-away sa loob ng parlor. At marami pang iba. At sa gabi naman ay sa spa ang trabaho ko. Hindi regular ang pasok ko sa spa at parlor. Kung may mag-day-off lang ang isang tauhan ay saka lang ako papasok. Kaya sobrang dami kong raket sa buhay. Nagtitinda rin ako ng balot sa gabi
last updateLast Updated : 2023-07-01
Read more

Chapter Three

Pagdating ko sa parlor ay para na akong lutang na gulay dahil sa pagod sa hugasin at muntik pang hindi sumahod ng buo. May pakinabang din talaga ang mga chismosa sa lugar namin nagamit ko pa tuloy kay Gina. Bakit naman kasi pumayag na maging sugar mommy? Pero bahala sila sa mga buhay nila at busy rin ako sa buhay ko. Pera ang kailangan ko at hindi chismis mula sa kanila. Wala akong panahon sa ibang bagay. Pero kung may sahod lang sa pagiging chismosa ay baka pinasok ko na rin.Uupo pa sana ako pero nagkataon naman na absent ang isang bakla kaya naman sa akin muna binigay ang isang bagong pasok na customer. Dahil busy rin si Marjorie sa kanyang customer. Wala akong choice, kaya agad kong inasikaso ang lalaking customer ko. Hindi naman siya mukhang may lahi, pero ang lakas ng amoy. Mahihiya ang sibuyas bombay!Kaagad ko na siyang tinanong kung anong gusto niyang gupit na hindi bagay sa mukha niya. Magsisinungaling pa ako kung tatanungin ko siya kung anong gusto niyang gupit na bagay sa
last updateLast Updated : 2023-07-01
Read more

CHAPTER FOUR

"Anak mag-ingat ka sa Singapore. Wag mo kaming alalahanin ng mga kapatid mo rito. Ikaw, ang sarili mo muna ang isipin mo pagdating mo roon. Masyadong malayo ang Singapore. Ayaw man kitang payagan noong una pa lang. Kung nakakalakad lang sana ako ay—" hindi ko na pinatapos pa ang ibang sasabihin ni Nanay at mabilis ko siyang niyakap. Ayaw ko siyang makita na malungkot sa pag-alis ko. At kahit pa mahirap na mawalay ako sa kanila, pero kung ito lang ang tanging paraan upang matapos na ang utang namin, go na!Makikipagsapalaran ako sa ibang bansa kahit pa wala akong kilala o kamag-anak roon. Bahala na kung anong naghihintay sa akin pagdating ko sa Singapore. At saka hindi na ako pwedeng umatras pa. Naisangla ko na ang titulo ng lupa namin na siyang ginamit ko para mag-apply sa Singapore. Isang customer namin noon sa parlor ang nag-alok sa akin ng trabaho sa Singapore. At kahit pa nga hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ay sinunggaban ko na agad ito. Hindi ko kikitain dito sa Pinas
last updateLast Updated : 2023-07-06
Read more

Chapter Five

"Hoy, Vienna! Anong raket na naman ba ito? Bakit ganito ang suot natin? Mukha tayong white lady sa may Balete Drive. Clown ba tayo?" takang tanong ko pa sa kanya habang nasa byahe kami. Pati kasi make-up namin ay palong-palo sa puti! Hindi naman siguro kami magbebenta ng aliw sa kanto? Hindi pa ako ready na ibenta ang puri at dangal ko. Sa ilang buwan ko na rin pamamalagi rito sa Maynila ay medyo naka-adjust na rin ako ng buhay ko. Kahit sobrang hirap sa kalooban ko na mag lihim kina Nanay, pero tiniis ko. Ayaw ko na mag-alala sila para sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na isipin nila na nasa Singapore na ako. Masakit man na lokohin ko sila pero sa ngayon ay ito lang ang alam ko na tama kong gawin. Mag-iipon lang ako at babalik din ako sa kanila. Pero ngayon ay kailangan ko munang mabayaran lahat ng utang namin para wala na akong isipin pa.Lumipat na rin ako sa isang lumang apartment dahil medyo nahihiya na rin ako sa pamilya ni Vienna na manatili pa sa bahay nila. Kung anu-ano ng r
last updateLast Updated : 2023-07-07
Read more

Chapter 6

"Hoy, Gelay! Ang haba na ng nguso mo dyan. Aba, hindi ka pa ba nakaka-move on sa buhay mo? Kalimutan mo na yung nangyari kanina. Ikaw naman kasi bakit ayaw mong tumabi, tssk," paninisi pa ni Vienna sa akin habang nakatayo kami sa pinto ng spa at naghihintay ng customer na papasok. Simula pa nga kanina ay hindi na maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina. At saka move on? Sinong mag-momove on? Ano ako baliw? Walang move on, move on sa pamilyang ito! Hindi ko papatawarin ang lalaking yon! Ang pangit niya! Muli na naman kumulo ang dugo ko sa dahil sa banta niya sa buhay ko. Muntik na akong ipatuluyan ng walanghiyang amo ni Manong driver. Kaya galit ako, hanggang sa ma-menopause pa ako!"Vienna, kahit mategi ako ngayon ay walang move on, move on! Gets mo?" Sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko pa ang mapang-asar niyang tawa. Pero hindi ko siya pinansin pa at naglakad na ako pabalik sa counter. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Vienna sa akin. At mukhang nainip na rin sa pinto.Kanina
last updateLast Updated : 2023-07-08
Read more

Chapter Seven

"Anong multo? Hoy, Gelay! Ako lang ito! Yung bayad mo sa upa! Tinataguan mo ba ako, huh?!" at nang marinig ko ang pamilyar na boses ay kaagad akong nag-angat ng tingin upang masiguro nga na siya 'yon. At tama nga na ang may-ari lang pala ng apartment na tinitirahan ko ang nasa harap ko ngayon. Akala ko pa naman ay engkanto. Ano ba yan, akala ko naman ay kung sino na.Pero teka, paano niya ako nasundan dito? Saka hindi naman araw ng mga patay ngayon bakit pero putok na putok ang foundation niya? Nagmukha tuloy siyang espasol ng Laguna. Pati ba naman sa trabaho ko ay nasusundan ako ng mga pinagkakautangan ko. Huli, pero hindi kulong!Dali-dali akong tumayo upang utusan ang customer ko, na nakalimutan na yatang magsalita at mukhang nalunok na pati dila."Sir, maghugas ka muna ng mga paa sa banyo namin. At baka hindi kayanin na ng tubig na maalis ang putik sa mga paa mo." Saka ko siya mabilis na hinila papunta sa banyo ng spa namin. "Saka sir, hindi ka ba talaga magsasalita?" at ganun na
last updateLast Updated : 2023-07-09
Read more

Chapter 8

"Gelay! Yayaman na tayo! Isipin mo, 25k a month ang magiging sahod natin. Tapos libre pa raw ang pagkain at bahay natin! At may day-off din daw tayo. Jackpot talaga tayo, apir!" masayang bulalas pa ni Vienna at saka kami nag-apir. Bakas pa sa mukha niya ang labis na kagalakan.Grabe, naman Lord ang blessing, pang mabait na tao! Thank you po! Ngayon lang ata ako sumaya nang ganito. Kasi sa sobrang tagal na namin naghahanap ng trabaho ay ngayon lang kami nakahanap ng ganitong offer. Marunong naman akong mag-alaga ng aso, dahil may aso kami noon sa probinsya na si Papaw. Kaya easy lang mag-alaga ng aso para sa akin. Sa sobrang excited namin ni Vienna ay nawala na nang tuluyan ang mga antok namin. Mabuti na lang talaga at naisip ko na ngayon pumunta sa remittance center. Mukhang ito na ang matagal kong hinahanap. Pero sana ay matanggap kami. Ang layo na agad ng mga isip namin pero hindi pa kami nakakapag-apply!"Gelay, tatawagan ko muna itong number nila para makapunta agad tayo," halata p
last updateLast Updated : 2023-07-12
Read more

Chapter Nine

Bakit naman kailangan mag-english, eh aso ang aalagaan namin? Hindi ba marunong makaintindi ng tagalog ang aso nila? Poreyner ba? Saka marunong naman yata si Vienna magsalita ng English eh, Kaya kaagad ko siyang kinalabit at gusto ko pang matawa nang bigla siyang mamutla, wala na, alam na this! Hindi yata kami makakapasa sa English-speaking na aso! Tinapos na ang laban. Akala ko pa naman ay si Vienna na ang pag-asa kong yumaman.Pero bawal sumuko, sayang ang 25K, Gelay! Sana naman ay maitawid namin ito. At gumana kahit ngayon lang ang utak koBaka naman may natitira pang english sa kadulo-duluhan ng isip ko. At sana ay hindi pa rin nalulusaw ang mga ito.Ipinikit ko ang aking mga mata nang mariin upang pigain mabuti ang kaalaman na meron ako."Oh, yes! I english…" bulalas ko at napahinto ako saglit sa pagsasalita. Ngumiti pa ako ng pilit sa kanya. Baka sakaling madaan ko siya sa ganito.Nang balingan ko si naman si Vienna, nagkukunwari pa siyang nag-iisip pero ang totoo ay hindi nam
last updateLast Updated : 2023-07-15
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status