Home / Romance / CINDERELLA FOR RENT! / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of CINDERELLA FOR RENT!: Chapter 21 - Chapter 30

40 Chapters

Chapter twenty

Sa dinami-dami ng tao sa mundo ay bakit siya na naman ang nakita ko? Nananadya ba ang tadhana? May galit ba siya sa akin? Ibang mukha naman sana. Bakit naman puro na lang kamalasan ang buhay mo? Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha ng kumag na ito ay siya at siya pa rin ang sumisira ng araw at pati na rin gabi ko.Bakit naman ngayon pa? Baka mamaya ay palpak ang maging raket ko. Malas pa naman siya sa buhay ko."Bakit ba sunod ka nang sunod sa akin, huh? Type mo ba ako, kurimaw?" wala sa loob kong tanong dahil sa inis ko sa kanya. "What? Are you crazy?" halos pasigaw niyang tanong sa akin. Lalo tuloy nanliit ang mga mata niya sa inis."Kita mo at nabibingi ka pa? Hoy, damuho ka, wag mo akong ma-crazy crazy dahil sa ating dalawa ay ikaw ang may saltik at kulang sa aruga! Alam mo ikaw, malapit na kitang sakalin at ilibing!" inis na inis kong bulalas. At medyo hininaan ko pa ang boses ko baka marinig ng bata. At ang magaling na lalaki ay hindi man lang ako tinutulungan bumangon! Kay
Read more

Chapter twenty one

Nagising ako ng nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw. It's not unusual na magising ako ng ganitong oras pakiramdam ko kasi ay parang nag-iinit ang katawan ko.Kaya naman dahan-dahan akong bumangon upang pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Bago ako bumaba ay kinuha ko muna ang towel upang itapis sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi ko kasi nakasanayan na matulog na may damit or kahit ano. I don't know but mas komportable ako ng ganito.Habang naglalakad ay inikot-ikot pa ang leeg ko, pakiramdam ko ay ngalay na ngalay ako sa pagkakahiga kanina. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako sa baka sa pagod at sunod-sunod na busy schedule ko.Hindi ko na rin binuhay pa ang ilaw dahil maliwanag rin naman ang buwan.Nagtuloy ako sa kitchen. I opened the refrigerator to get bottled water. Mabilis kong inubos ang laman nito at nakaramdam ako ng ginhawa. Para akong nagising bigla. Nang isasarado ko na ang door ng refrigerator ay nagulat pa ako nang may babaeng nakatayo. Dahan-da
Read more

Chapter twenty-two

Namilog pa ang aking mga mata nang maramdaman ko pa ang malabot niyang pwet sa mismong mukha ko pa talaga!At maging si kurimaw ay hindi rin nagawang makapagsalita. Marahil sa gulat niya rin sa mga nangyari sa amin. Bakit naman kasi sa pwet pa? Hindi man lang sa likod niya."Waaaaaaaaahhh!" At mabilis akong tumakbo pabalik kay Vienna dahil sa kahihiyan na inabot ko. Bakit naman kasi sa pwet niya pa tumama ang mukha ko! Ang dami pa naman tao roon! Lahat ng friends niya ay nakita ang nangyari sa akin! As in lahat sila.Kulang na lang talaga ay lumubog ako sa kinatatayuan ko kanina! Pwede lang sana na lamonin rin ako ng lupa ay baka nagpalamon na lang ako. Bakit ba sa tuwing magkikita kami ng kurimaw na ito ay palaging riot. At kamalasan na lang!Inis na inis ako habang naglalakad upang magsumbong kay Vienna sa kalapastangan ni kurimaw sa akin. "Oh, bakit galit na galit ka dyan? Pati yang mukha mo ay pulang-pula rin? May nangyari ba sa'yo?" kaagad niyang usisa sa akin. "W-wala! Meron, w
Read more

Chapter Twenty-three

Ang tagal ko bago nakahuma sa sinabi niya at talaga naman nabigla pa ako nang sobra . Nakaawang lang ang aking bibig at pilit na pinoproseso sa pagod kong utak ang sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali sa sinasabi ng aking utak. May tiwala ako sa kanya. Marry me, sa tagalog, pakasalan mo ako! No! I need space!Maya-maya pa ay tila natauhan na rin ako sa saglit na pagkatulala ko."Hoy, busangot! Anong marry me, marry me, ka dyan?!" singhal ko pa sa kanya. Aba! Saan ka naman nakahanap ng ganitong uri ng tao? Basta ka lang aalukin ng kasal?"Sabog ka ba, huh? Lumayas ka nga sa harapan ko. Baka hindi na ako makapagpigil sa pagmumukha mo! O baka naman nalipasan ka ng gutom?" tanong ko habang nakapamewang pa at nakatikwas ang aking malago na kilay.Hindi ko tuloy alam kung sumisinghot ba siya ng ipinagbabawal na gamot? At kung anu-anong lumabas sa bibig niya. Pati ako ay pinagtitripan pa! Kapag nga naman tinamaan ka ng magaling ay natapat pa ako sa sinto-sinto! Parang gusto ko pa na maa
Read more

Chapter tweenty-four

Hindi ako makatulog nang gabing ito dahil sa pag-iisip sa problema ko sa probinsya namin. Nakalipas na apat na araw pero wala pa rin akong mahanap na malaking halaga na kailangan. Naghanap na rin ako ng maaaring utangan pero lahat sila ay wala rin ipahiram sa akin. Naiintindihan ko naman sila at katulad ko ay hirap din sila sa buhay. Wala na akong maisip na solusyon sa suliranin namin. Sobrang importante sa amin ng bahay at lupa na 'yon. Kaya hindi ako papayag na mawala na lang yon basta. Saka saan na lang titira ang pamilya ko kung mawawala ang bahay namin? May tatlong araw pa ako na itinakdang araw ni Sang na kailangan mabayaran ang bahay namin. Hindi ko na alam kung kanino lalapit pa. Pagod na ako, sa totoo lang. Pero laban lang!Kapag kay Cory naman ako lumapit upang umutang ay baka hanggang sa kaapo-apohan ko ay may utang sa kanya. "Lord, bigyan mo ako ng senyales kung dapat ko na bang ibenta ang aking pooh key, este puri at dangal pala," kausap ko sa kawalan. Napabuga na lang a
Read more

Chapter twenty five

"Your balance is not enough to make this call," namilog pa ang aking mga mata ng marinig ko ang sabi ng operator bago naputol ang linya. Anak ng pating! Halos mategi ako sa nerbyos at kaba tapos wala naman pala ako load! Ang sarap iuntog ng sarili ko sa pader!"Gelay, libre ang maging tanga, wag mo lang araw-arawin!" pagalit ko pa sa sarili ko. Mamaya ko na nga siya tatawagan at para makapag-ensayo pa ako ng sasabihin ko sa kanya.Nagdesisyon na lang ako na ubusin muna ang king kape bago pa ito tuluyang lumamig. Winaglit ko muna sa aking isipan ang mga bagay-bagay. At kahit saglit ay mapahinga ko muna ang utak ko. Pero buo na ang desisyon ko na tanggapin ang alok ni busangot basta hindi ako ang talo sa kasunduan. Habang nagkakape ako ay mayroon na naman kumatok sa pinto. Hindi na yata matatahimik ang buhay ko ngayong umaga!"Vakla! Napasugod ako rito, alam mo kung bakit?" pambungad na tanong ni Vienna sa akin ng mapagbuksan ko siya ng pinto. Pinasadahan ko pa ang ayos niya mukhang h
Read more

Chapter Tweenty six

"Hindi raw type. Sus, feeling gwapo!" kausap ko pa sa aking sarili matapos ang pag-uusap namin. Kahit sa cellphone ay masungit pa rin. Kaya siguro walang gustong magpakasal sa kanya dahil may kasama ang kanyang ugali na tagay. Saka parang galit sa mundo, hindi magawang ngumiti. Tatawa na nga lang ay yung may pang-iinsulto pa. Pero mabuti na rin ang malinaw na hindi niya ako type at lalong hindi ko siya type! Ito na talaga at wala nang bawian. Ayaw ko naman na ibenta ang atay ko. Napailling na lang ako nang maalala ko na naman si Vienna. Loka talaga ang babaeng 'yon. Hays, ewan."Vakla! Vakla! Saan ka punta?" Sigaw ni Vienna sa akin nang makita niya ako sa baba. Nakatambay pala ang bruha sa may tindahan ni Ate Elda. Sure ako na may bagong chismis siyang nasagap kaya nasa tindahan siya. Kaya naman kahit nagmamadali ako ay pinuntahan ko pa rin siya."Saan ka pupunta?" tanong niya ng makalapit na ako. Abalang-abala pa siya sa pagdukot sa kinakain niya."Kay Manong Frank, nakapag-desisyon k
Read more

Chapter tweenty-seven

Kamag-anak ba niya si Vienna? Kung anu-ano rin kasi ang mga pinagsasabi niya sa buhay. Baka naman nagkakamali lang siya. Hindi naman ako mukhang girlfriend ng boss niya. Wala akong natatandaan na mag-jowa kami. Magkaaway, pwede pa. Jowa, hindi pa, soon to be kunwaring asawa pa lang. Teka, teka, nga. Naliligaw na ang utak ko sa daming nangyari ngayong araw. Hanggang kelan ito? Parang konti na lang ay malapit na akong mawala sa katinuan ko dahil sa kanila.Hindi tuloy ako nakaimik sa dami ng sinabi niya. Hindi ko alam ang uunahin kong sagutin sa dami.Nalunok ko pa ata ang dila ko at ngayon ay hindi ko mahanap kung saan ko hahanapin."S-sure ka? Ako talaga? Naku, naku, scam! Baka naman—" hindi ko na tuloy ang nais kong sabihin dahil muli na naman siyang sumingit."Yes, Ma'am Geraldine! Hindi ako pwedeng magkamali." Tumikhim siya at pinalaki pa ang kanyang boses. "Jennifer , pick up my girlfriend, later. Bring her to my unit " ganyan na ganyan ang sabi ni bossing sa akin. Nakakakilig tala
Read more

Chapter tweenty-nine

Bakit kailangan niya pang tumawag? At para lang sabihin na pauwi na siya. Una, bahay naman niya ito, sunod, eh, ano naman kung pauwi na siya? Pakihanap ng pake ko!"Just give me 10-15 minutes, I'll be there," habol niya pa. Kahit sa cellphone ay ang lamig pa rin makipag-usap ng busangot na ito. May ice plant ba sila?"Bilisan mo! Baka nakawin ko ang ref mo—" naawang pa ang bibig ko nang babaan niya ako ng linya. Kahit nakakainis ay wala akong magawa. Napailling na lang ako sa inasal niya. Busangot nga talaga siyang tunay. Binalik ko muli sa aking bag ang cellphone ko. At nagmasid na lang ako sa paligid. Medyo kinakabahan ako sa pagdating ni busangot dito. Ano kaya ang una kong sabihin? Anong mga kasunduan kaya ang aming pag-uusapan? Baka naman isahan niya ako, subukan niya! Pinilig ko ang aking ulo upang alisin sa isip ko ang kung anu-anong bagay na naiisip ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga bagay na maganda dito sa loob ng bahay niya. Pero bakit mag-isa lang sa bahay? W
Read more

Chapter thirty

Umayos ako ng upo at sinalubong ko ang kanyang titig. Pasabi-sabi pa na hindi niya ako type tapos magtatanong kung may boyfriend na ako? Sorry, hindi ako marupok! Tumikhim muna ako at seryoso ko siyang tiningnan. "Bakit mo tinatanong kung may boyfriend na ako, huh? Para sabihin ko sayo na hindi ako basta-bastang babae lang. Saka hindi ang katulad mo ang tipo ko! Maghanap ka ng iba. Hindi porket pumayag ako sa alok mo ay ibig sabihin non ay basta-basta lang ako! Ganyan na ganyan kayong mga lalaki. Tahimik ang buhay namin tapos basta-basta na lang kayo papasok, magugulo ang tahimik naming buhay, tapos papasukin namin kayo, saka niyo naman kami iiwan?! Kung sasabihin mo na manliligaw ka, no thanks—""Pwede ba tumahimik ka muna dyan? At least a few minutes. Of course I need to know kung may boyfriend ka, baka nakakalimutan mo na magkukunwari tayong mag-asawa. For sure, you know what I mean.I don't want any compromise, Ms. Tiger," supalpal niya pa sa mahabang litanya ko. Kaya naman bigl
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status