Home / Romance / CINDERELLA FOR RENT! / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of CINDERELLA FOR RENT!: Chapter 11 - Chapter 20

40 Chapters

Chapter Ten

"Damn!" mariin kong mura nang magising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Kinuha ko ang unan sa tabi at tinakip ko sa mukha. Dahil wala pa akong ganang bumangon sa ngayon. Napagod ako sa pagsunod sa owner ng isang malawak na lupain at matagal na rin kami nakikipag-negotiate sa kanila. Hindi nila binitawan ito kahit anong alok pa namin. At napakarami nilang demands noon. Kaya I decided na ako na ang haharap sa kanya. But hindi ko inaasahan ang gusto niyang gawin namin pagdating sa baluarte niya. Why do I need to do this? I don't have any idea how to play that fucking tennis! Not like that I mean, I'm not interested. But para kay Mr. Sorrano, napasunod niya ako sa gusto niya na maglaro kami. For the sake of our company. And para na rin ipakita kay Mamita na everything is under my control.Pakiramdam ko ay hindi ako makatayo sa sobrang ngalay ng mga braso at paa ko.And sa haba-haba ng paghihintay namin, mabuti na lang at na-close ko ang deal kahapon because kung hindi ay baka ubos
last updateLast Updated : 2023-07-18
Read more

Chapter Eleven

"Ano ba naman kamalasan ito! 25K na sana ay nawala pa! Bakit ba ang lupit ng tadhana? Masama ba tayong tao, huh?" himutok ko habang naglalakad kami ni Vienna palabas ng exclusive village. Sayang lang ang pamasahe namin, hays!Kulang na lang ay gumapang ako sa sobrang sama ng loob at panghihinayang sa trabaho na pinunta namin dito. Akala ko pa naman ang hindi na kami maghihirap ni Vienna at makakaalis na kami sa laylayan ng kahirapan.Ang hirap-hirap magsalita ng English tapos ay mauuwi lang pala sa wala? Hustisya naman! Kaya naman pala 25K ang sahod dahil kasama na pala ang buhay mo. Parang binili na rin ang kaluluwa mo kay San Pedro.Sino ba naman ang magtatagal mag-alaga sa aso na kasing taas ng giraffe at kasing taba ng elepante? Kahit yata alukin pa ako ng kalahating milyon ay hindi ko pa rin tatanggapin. Pero kung isang milyon, ay ibang usapan na 'yan! Pwede na akong pumayag nito.Grabe naman kasi ang aso nila, aba, ay hindi ka bubuhayin kapag nilapa ka. Akala ko pa naman ay sw
last updateLast Updated : 2023-07-20
Read more

Chapter Twelve

Ang layo na nang imahinasyon ko ng bigla akong mapadaing."Aray! Ano naman ba?" angal ko pa nang kurutin niya ako sa braso. Nakakahalata na ako, ah. Kanina pa akong sinasaktan ng kaibigan ko, hindi kaya may lihim siyang galit sa akin? At dinadaan niya lang sa ganito?"Vienna, umamin ka nga sa akin…may inggit ka ba sa kagandahan ko, huh?" Tumawa lang siya nang malakas at muli akong hinampas. "Hoy, Gelay, mas lamang ka lang ng kalahating tabo ng paligo sa akin. Kaya hindi ako naiinggit sa'yo, bruha ka! Mabalik tayo sa raket mamaya. Hindi naman tayo magbebenta ng laman. Mag-aalok lang tayo ng mga drinks sa mga customer, ganern!" paliwanag niya pa. Bakit kasi advance ang utak ko mag-isip? Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Sabi niya ay malaki rin daw bayad sa amin mamaya, kaya naman tinanggap ko na rin ang raket na ito. Kahit medyo natatakot ako."Ah, ganon ba? Bakit kasi hindi mo agad sinabi. Akala ko naman ay magbebenta na tayo ng laman. Sige, game ako dyan!"Nang makarating kami sa baha
last updateLast Updated : 2023-07-20
Read more

Chapter thirteen

"S-sorry, Sir Zaire." Kaagad kong binitawan ang baso dahil sa hiya. Ang landi mo, Gelay! Ang sarap mong pagulungin sa sa karpet at ihagis sa dagat!Mabilis kong dinampot lahat ng baso at saka ko nilagay sa tray at nagmamadali pa akong tumayo. Nakakahiya naman kay Sir Zaire, kabago-bago ko pa lang ay palpak na agad. Yung unggoy kasi na yon, paharang-harang. Pasalamat siya at hindi ko nakita ang pagmumukha niya!"Careful, okay?" Tumango-tango na lang ako at saka ako nagpaalam na babalik na sa labas upang kumuha ng bagong alak pero pigilan niya ako. Yung kasama ko na lang daw na lalaki ang magdadala sa kanila ng alak sa taas. Baka raw kasi matumba na naman ako at ano pang mangyari sa akin. Nagmukha pa tuloy akong lumpo sa paningin niya. Kasalanan talaga ng unggoy na yon! Siguro pangit at matanda na siya. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?" kaagad na tanong ni Vienna pagdating ko sa labas. "Nabangga ko kasi yung unggoy na kaibigan ata ni Sir Zaire. Natapon tuloy ang hawa
last updateLast Updated : 2023-07-23
Read more

Chapter Fourteen

"Hoy, vakla ka! Ang haba ng hair mo kanina, huh! Pinagtanggol ka pa ni Sir Zaire. Iba ang kaibigan ko, gustuhin! Sana all na lang kami nito! Ayieeeee, ganda yern?" tukso pa ni Vienna sa akin. Ewan ko ba sa kanya at kung anu-anong chismis ang nasasagap niya. Hindi naman ganun ang pagkakaintindi ko sa pagtatanggol ni Sir Zaire sa akin kanina. Maginoo lang siguro talaga siya kaya ganun ang naging reaksyon niya sa ginawang pambabastos ng lalaki sa akin.At saka matapos kasi ang nangyari kanina ay pinayagan na ako ni Sir Zaire na bumalik sa locker at wag nang tapusin ang halos kalahating oras pa sana na trabaho. Siguro para hindi na rin magkagulo pa o ano pa man sa labas. Nakakahiya tuloy sa kanya. "Vienna, anong nangyari pala kanina sa labas?" tanong ko habang busy siya sa paglalagay ng gamit sa loob ng bag. Pauwi na rin kasi kami dahil sarado na ang bar. Hihintayin na lang namin ang sahod namin sa gabing ito. Nakakapagod pero ayos lang. Kahit pa ang daming nangyari na hindi ko inaasahan
last updateLast Updated : 2023-07-25
Read more

Chapter fifteen

Inis na inis ako habang naglalakad kami palabas ni Vienna ng exhibit dahil sa kurimaw na yon! Ang dami talagang bastos dito sa mundong ibabaw!Kala niya yata ay hindi ko mabubuko ang estilo nila. Kunwari pa na walang ilaw, tse! Baka talagang ginagawa niya sa iba 'yon, para maisagawa ang masama niyang nais sa mga kababaihan. Inis na inis ako pero itong si Vienna ay parang nagayuma pa yata sa impakto na 'yon. Parang ngayon lang siya nakakita ng halimaw. Hinayaan ko na lang si Vienna na lumutang sa alapaap at libre naman mangarap ng gising kahit pa nga tulog ay pwede rin.Hays, kung alam ko lang na ganito kahirap humanap na naman ng bagong trabaho ay sana tinanggap ko na ang alok ni Sir Zaire sa akin. Tawagan ko na kaya siya? Napangiwi pa ako sa ideya na naisip ko. Nakakahiya naman sa kanya. Kaya inalis ko sa utak ko ang aking naisip. Hanap na lang siguro ako sa ibang araw ng ibang raket.Kumunot pa ang noo ko nang muli kong naalala ang panghihipo sana ng unggoy na 'yon sa akin!Kasalan
last updateLast Updated : 2023-07-27
Read more

Chapter Sixteen

"Ikaw nga! Ikaw pala ang boss ni Manong driver na balasubas at walanghiya?!" Dinuro-duro ko pa siya na may kasamang panlalaki ng butas ng ilong. Akalain mo nga naman na ngayong araw ko pala makikita ang lalaking maputi pero maitim ang budhi! Hindi ko alam kung blessing o malas ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Pero isa lang ang alam ko, wala na siyang takas sa akin ngayon. "What?" nakataas pa ang kilay na tanong niya. Nagmamaang-maangan pa ang herodes na ito. Masama na nga ang ugali ay sinungaling din pala. Akala niya ata ay abswelto siya, hindi! Hindi ako papayag na wala akong gagawin upang makaganti sa kanya. Ano siya 'hello'?"Hoy, lalaking pinsan ni Taning o kapatid o ano pa man ang relasyon niyo. Bakit gusto mo akong patayin, huh? At talagang sinabi mo kay Manong na sasagasan ako? Aba, hoy, Mister! Hindi ka Diyos para magdesisyon sa buhay ko. Kung ang buhay mo kaya ang kitilin ko?" pagalit ko pa sa kanya. Kaya naman mas lalo siyang hindi nakapagsalita at tila ba ay nalunok
last updateLast Updated : 2023-07-29
Read more

Chapter Seventeen

Aside sa company ni Abuela, hilig ko rin ang mga paintings. And masasabi ko na isa sa hobby ko ang pagpipinta. Kapag stress ako ay brush ang hawak ko instead na alak. I can't explain but it feels like heaven every time na kinukumpas ko ang kamay habang hawak ang brush. Dito ako nakahanap ng kakampi. I express myself through painting. Landscape painting to be exact. I love to paint nature. Mountains, trees, plants, flowers and many more. Kaya naman ng inalok ng isang kaibigan ang exhibit na ito, I don't have a second thought at binili ko agad. Plan ko kasing i-display rito ang lahat ng mga naguhit ko.At sa sobrang busy ko sa company ay ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang bisitahin ulit ito. Nag-iisip pa kasi ako ng mga ipapa-renovate ko sa lugar. Medyo old na rin kasi ito. Like today, bigla na lang nawalan ng kuryente. And today sana ang last day upang bisitahin ng mga tao ang exhibit. But mukhang memorable pa yata ang huling pagbubukas nito.Dahan-dahan akong tumayo at
last updateLast Updated : 2023-07-30
Read more

Chapter Eighteen

Hays! Inis na inis akong bumangon sa higaan dahil hindi ako makatulog. Ilang oras na akong nakapikit ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Sumakit na ang pwet ko, maging ang likod ko ay mahapdi na rin sa pagkakahiga. Kanina ko pa rin pinipilit makatulog dahil pagod na pagod ako ngayong araw.Bakit ba lumilitaw sa utak ko ang kumag na 'yon? Kahit anong pikit ang gawin ko ay mukha niyang pangit pa rin ang nakikita ko? "Mangkukulam ba siya?" naibulalas ko pa habang naglalakad papunta sa mesa upang uminom ng tubig. Baka sakaling makatulong ang tubig upang lunurin siya sa isip ko. Kahit pagod na pagod ako kanina sa paghahanap ng ibang raket ay hindi ko pa rin magawang makatulog nang mabilis ngayon. Ano ba naman buhay ito? Bakit kasi nakita ko pa ang pagmumukha ng hambog na 'yon? Kaya siguro ako inis na inis dahil hindi ko man lang siya nasapak kahit isa sa mukha! Hindi ko man lang siya nagawang gantihan.Naawa kasi ako kay Manong driver kasi baka siya ang pagalitan ni kumag kapag hin
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

Chapter nineteen

Tulala ako habang nagkakape nang magising ako kinabukasan. Halos hindi kasi ako pinatulog ng bangungot ko kagabi. First time ko yatang kinabahan ng sobra-sobra sa buong buhay ko. Akala ko talaga ay totoo ang lahat ng mga nangyari sa akin at kay kumag. Mabuti na rin at tumawag si Vienna kasi baka tuluyan na akong hindi nagising mula sa masamang bangungot kasama ang lalaking 'yon!Parang may mahika kasi ang damuho na 'yon. Kaya ka niyang kulamin, agad-agad.Bwisit talaga ang lalaking 'yon! Pati sa panaginip ko ay may pagnanasa pala sa katawan ko?! Naniniwala na akong modus lang niya ang patay-ilaw sa exhibit. So, manyak! Pero ang totoo ay gusto ka lang niyang tsansingan ang mga babae. Bastos! Lalo tuloy namuo ang matinding galit ko para sa kanya. Pero dapat ay wag ko na siyang isipin baka mamaya ay siya na naman ang laman ng panaginip ko. Pinilig ko ang aking ulo upang alisin siya sa aking isipan. At muli akong humigop ng kape. Tumayo ako saglit upang kunin ang tinapay na binili ko k
last updateLast Updated : 2023-08-01
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status