Hays! Inis na inis akong bumangon sa higaan dahil hindi ako makatulog. Ilang oras na akong nakapikit ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Sumakit na ang pwet ko, maging ang likod ko ay mahapdi na rin sa pagkakahiga. Kanina ko pa rin pinipilit makatulog dahil pagod na pagod ako ngayong araw.Bakit ba lumilitaw sa utak ko ang kumag na 'yon? Kahit anong pikit ang gawin ko ay mukha niyang pangit pa rin ang nakikita ko? "Mangkukulam ba siya?" naibulalas ko pa habang naglalakad papunta sa mesa upang uminom ng tubig. Baka sakaling makatulong ang tubig upang lunurin siya sa isip ko. Kahit pagod na pagod ako kanina sa paghahanap ng ibang raket ay hindi ko pa rin magawang makatulog nang mabilis ngayon. Ano ba naman buhay ito? Bakit kasi nakita ko pa ang pagmumukha ng hambog na 'yon? Kaya siguro ako inis na inis dahil hindi ko man lang siya nasapak kahit isa sa mukha! Hindi ko man lang siya nagawang gantihan.Naawa kasi ako kay Manong driver kasi baka siya ang pagalitan ni kumag kapag hin
Tulala ako habang nagkakape nang magising ako kinabukasan. Halos hindi kasi ako pinatulog ng bangungot ko kagabi. First time ko yatang kinabahan ng sobra-sobra sa buong buhay ko. Akala ko talaga ay totoo ang lahat ng mga nangyari sa akin at kay kumag. Mabuti na rin at tumawag si Vienna kasi baka tuluyan na akong hindi nagising mula sa masamang bangungot kasama ang lalaking 'yon!Parang may mahika kasi ang damuho na 'yon. Kaya ka niyang kulamin, agad-agad.Bwisit talaga ang lalaking 'yon! Pati sa panaginip ko ay may pagnanasa pala sa katawan ko?! Naniniwala na akong modus lang niya ang patay-ilaw sa exhibit. So, manyak! Pero ang totoo ay gusto ka lang niyang tsansingan ang mga babae. Bastos! Lalo tuloy namuo ang matinding galit ko para sa kanya. Pero dapat ay wag ko na siyang isipin baka mamaya ay siya na naman ang laman ng panaginip ko. Pinilig ko ang aking ulo upang alisin siya sa aking isipan. At muli akong humigop ng kape. Tumayo ako saglit upang kunin ang tinapay na binili ko k
Sa dinami-dami ng tao sa mundo ay bakit siya na naman ang nakita ko? Nananadya ba ang tadhana? May galit ba siya sa akin? Ibang mukha naman sana. Bakit naman puro na lang kamalasan ang buhay mo? Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha ng kumag na ito ay siya at siya pa rin ang sumisira ng araw at pati na rin gabi ko.Bakit naman ngayon pa? Baka mamaya ay palpak ang maging raket ko. Malas pa naman siya sa buhay ko."Bakit ba sunod ka nang sunod sa akin, huh? Type mo ba ako, kurimaw?" wala sa loob kong tanong dahil sa inis ko sa kanya. "What? Are you crazy?" halos pasigaw niyang tanong sa akin. Lalo tuloy nanliit ang mga mata niya sa inis."Kita mo at nabibingi ka pa? Hoy, damuho ka, wag mo akong ma-crazy crazy dahil sa ating dalawa ay ikaw ang may saltik at kulang sa aruga! Alam mo ikaw, malapit na kitang sakalin at ilibing!" inis na inis kong bulalas. At medyo hininaan ko pa ang boses ko baka marinig ng bata. At ang magaling na lalaki ay hindi man lang ako tinutulungan bumangon! Kay
Nagising ako ng nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw. It's not unusual na magising ako ng ganitong oras pakiramdam ko kasi ay parang nag-iinit ang katawan ko.Kaya naman dahan-dahan akong bumangon upang pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Bago ako bumaba ay kinuha ko muna ang towel upang itapis sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi ko kasi nakasanayan na matulog na may damit or kahit ano. I don't know but mas komportable ako ng ganito.Habang naglalakad ay inikot-ikot pa ang leeg ko, pakiramdam ko ay ngalay na ngalay ako sa pagkakahiga kanina. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako sa baka sa pagod at sunod-sunod na busy schedule ko.Hindi ko na rin binuhay pa ang ilaw dahil maliwanag rin naman ang buwan.Nagtuloy ako sa kitchen. I opened the refrigerator to get bottled water. Mabilis kong inubos ang laman nito at nakaramdam ako ng ginhawa. Para akong nagising bigla. Nang isasarado ko na ang door ng refrigerator ay nagulat pa ako nang may babaeng nakatayo. Dahan-da
Namilog pa ang aking mga mata nang maramdaman ko pa ang malabot niyang pwet sa mismong mukha ko pa talaga!At maging si kurimaw ay hindi rin nagawang makapagsalita. Marahil sa gulat niya rin sa mga nangyari sa amin. Bakit naman kasi sa pwet pa? Hindi man lang sa likod niya."Waaaaaaaaahhh!" At mabilis akong tumakbo pabalik kay Vienna dahil sa kahihiyan na inabot ko. Bakit naman kasi sa pwet niya pa tumama ang mukha ko! Ang dami pa naman tao roon! Lahat ng friends niya ay nakita ang nangyari sa akin! As in lahat sila.Kulang na lang talaga ay lumubog ako sa kinatatayuan ko kanina! Pwede lang sana na lamonin rin ako ng lupa ay baka nagpalamon na lang ako. Bakit ba sa tuwing magkikita kami ng kurimaw na ito ay palaging riot. At kamalasan na lang!Inis na inis ako habang naglalakad upang magsumbong kay Vienna sa kalapastangan ni kurimaw sa akin. "Oh, bakit galit na galit ka dyan? Pati yang mukha mo ay pulang-pula rin? May nangyari ba sa'yo?" kaagad niyang usisa sa akin. "W-wala! Meron, w
Ang tagal ko bago nakahuma sa sinabi niya at talaga naman nabigla pa ako nang sobra . Nakaawang lang ang aking bibig at pilit na pinoproseso sa pagod kong utak ang sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali sa sinasabi ng aking utak. May tiwala ako sa kanya. Marry me, sa tagalog, pakasalan mo ako! No! I need space!Maya-maya pa ay tila natauhan na rin ako sa saglit na pagkatulala ko."Hoy, busangot! Anong marry me, marry me, ka dyan?!" singhal ko pa sa kanya. Aba! Saan ka naman nakahanap ng ganitong uri ng tao? Basta ka lang aalukin ng kasal?"Sabog ka ba, huh? Lumayas ka nga sa harapan ko. Baka hindi na ako makapagpigil sa pagmumukha mo! O baka naman nalipasan ka ng gutom?" tanong ko habang nakapamewang pa at nakatikwas ang aking malago na kilay.Hindi ko tuloy alam kung sumisinghot ba siya ng ipinagbabawal na gamot? At kung anu-anong lumabas sa bibig niya. Pati ako ay pinagtitripan pa! Kapag nga naman tinamaan ka ng magaling ay natapat pa ako sa sinto-sinto! Parang gusto ko pa na maa
Hindi ako makatulog nang gabing ito dahil sa pag-iisip sa problema ko sa probinsya namin. Nakalipas na apat na araw pero wala pa rin akong mahanap na malaking halaga na kailangan. Naghanap na rin ako ng maaaring utangan pero lahat sila ay wala rin ipahiram sa akin. Naiintindihan ko naman sila at katulad ko ay hirap din sila sa buhay. Wala na akong maisip na solusyon sa suliranin namin. Sobrang importante sa amin ng bahay at lupa na 'yon. Kaya hindi ako papayag na mawala na lang yon basta. Saka saan na lang titira ang pamilya ko kung mawawala ang bahay namin? May tatlong araw pa ako na itinakdang araw ni Sang na kailangan mabayaran ang bahay namin. Hindi ko na alam kung kanino lalapit pa. Pagod na ako, sa totoo lang. Pero laban lang!Kapag kay Cory naman ako lumapit upang umutang ay baka hanggang sa kaapo-apohan ko ay may utang sa kanya. "Lord, bigyan mo ako ng senyales kung dapat ko na bang ibenta ang aking pooh key, este puri at dangal pala," kausap ko sa kawalan. Napabuga na lang a
"Your balance is not enough to make this call," namilog pa ang aking mga mata ng marinig ko ang sabi ng operator bago naputol ang linya. Anak ng pating! Halos mategi ako sa nerbyos at kaba tapos wala naman pala ako load! Ang sarap iuntog ng sarili ko sa pader!"Gelay, libre ang maging tanga, wag mo lang araw-arawin!" pagalit ko pa sa sarili ko. Mamaya ko na nga siya tatawagan at para makapag-ensayo pa ako ng sasabihin ko sa kanya.Nagdesisyon na lang ako na ubusin muna ang king kape bago pa ito tuluyang lumamig. Winaglit ko muna sa aking isipan ang mga bagay-bagay. At kahit saglit ay mapahinga ko muna ang utak ko. Pero buo na ang desisyon ko na tanggapin ang alok ni busangot basta hindi ako ang talo sa kasunduan. Habang nagkakape ako ay mayroon na naman kumatok sa pinto. Hindi na yata matatahimik ang buhay ko ngayong umaga!"Vakla! Napasugod ako rito, alam mo kung bakit?" pambungad na tanong ni Vienna sa akin ng mapagbuksan ko siya ng pinto. Pinasadahan ko pa ang ayos niya mukhang h
Napitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya
"Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab
Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h
"Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it
"Hindi ko yata kaya. Natatakot ako. Wag na kaya natin ituloy?" maya-maya pa ay sambit ko nang tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang gate. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang aking mga palad at talampakan kahit pa hindi mainit sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya lang ako. "Just be yourself, hindi kita pababayaan…" tanging nasabi niya lang bago bumaba ng sasakyan. Sino ka dyan? Sana all, hindi pababayaan, yung iba kasi dyan, iniwan!Huminga ako saglit at saka ako bumaba. Gelay, kaya mo yan! Para sa ekonomiya at dahil mukha kang pera! Pikit-mata na lang. Saka easy lang 'yan! Inayos ko muna ang damit ko at ngumiti ako. Handa na ako!Mabilis akong bumaba at sumunod kay busangot sa loob. "What are you doing?" tanong niya pa nang pinulupot ko ang aking braso sa kanya. "Ang hina mo naman. Kailangan sweet tayo! Saka wag kang feeling dyan! Tandaan mo na hindi natin type ang isa't-isa. Palabas lang lahat ng ito kaya makisama ka, okay?" nakangisi kong saad. Wala siyang nagawa
Buong biyahe ata akong tahimik sa tabi niya dahil sa lintik na panty ko! Ang dami ng pwedeng madampot ay yung panty ko pa talaga mygod! Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa buhay kapag kasama ang lalaking ito. Wala naman akong magagawa dahil siya na ang boss ko mula ngayon. Kailangan ko na lang isipin ang malaking sahod na makukuha ko kapag natapos ko na ang anim na buwan. Makakalaya na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon ay magtiis muna kami sa isa't-isa. Dahan-dahan ko pa siyang nilingon habang abala sa pagmamaneho at namilog pa ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Imbes na mag-paapekto ay inirapan ko na lang siya. Pero mabilis ko naman binawi ang irap ko namg maalala ko na siya nga pala ang aking boss. Umayos ako nang upo at itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Parang hindi rin ako makahinga kapag magkasama kami. Masyadong masikip ang mundo naming dalawa. Siguro dahil hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo namin kaya ganito. Saka nakaka
Anong ginagawa ni busangot dito? Anong pinagsasabi niya?! Juskoooo, marimar! Bakit kay Vienna pa? Anong mukhang ihaharap ko sa babaeng ito? Napikit ako ng mariin at natampal ko pa ang aking noo. Siguradong katakot-takot na kantiyaw ang matatanggap ko mula kay Vienna dahil sa sinabi ni busangot. Napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang braso niya. Ito na nga ba ang sinasabi sa hula! Pahamak naman kasi ang lalaking ito! Paano ko siya haharapin?Muli ko munang binaling ang aking paningin kay busangot at pinandilatan ko pa siya. Ngunit wala man lang siyang reaksyon. Kaya mas lalong nakakainis."G-Gelay, anong ibig sabihin niya? W-wife? Asawa di ba? Alam ko ang tagalog. Paano? Anong una mong hinubad? Sabihin mo!" Nagulat pa ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko at bahagya pa akong niyugyog."V-Vienna—""Ano? Ang bra mo? Panty? Short? Damit? O ang puri at dangal mo?! Sabihin mo. Sabihin mo!!" Natulala na lang ako sa linyahan ng kaibigan kong pinanganak na oa! Sobrang inten
"Manong Gerry, dito na lang po ako sa banko. May gagawin pa po kasi ako sa loob," paalam ko sa driver ni busangot.Kakamot-kamot pa sa ulo si Manong Gerry, dahil sa sinabi ko. Mukhang takot yata na hindi masunod ang utos ng boss niya. Sabi ko kasi kay busangot ay wag na akong ipahatid pero ang hirap din kasing kontrahin niya. Kaya wala akong nagawa kanina. "Ayos lang po, Manong Gerry," "Naku, Ma'am, hindi po pwede at baka magalit si bossing sa akin. Saka kilala mo naman yung bata na 'yon. Kapag may inutos ay dapat sundin," paliwanag niya pa sa akin. Naisip ko nga na baka siya ang pagalitan ng amo niyang may katok kung hindi niya ako ihahatid. Kaya naman hinayaan ko na lang siya na hintayin ako rito sa labas. May aayusin kasi ako sa loob ng banko. Ipapadala ko ang pera sa bank account ng pinag-sanglaan namin ng bahay at lupa. At ang ibang lalabing pera ay ibibigay ko kay Nanay upang ipagawa ng bubong sa kusina. Matagal nang sinasabi ni Jeremy na tumutulo na raw ang bubong namin. P
"Joke time! M-masyado ka kasing seryoso. B-brief…briefcase! Tama, briefcase nga! Di ba may ganyan kayong mga rich people?!" palusot ko pa. At baka sakaling uubra sa kanya. Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hay, naku!Gelay, brief pa more!"Ah, eh, wala na pala akong itatanong. O-okay na pala." Tumawa pa ako nang malakas upang makalimutan niya ang tungkol sa brief. Pero mas okay na rin na brief lang ang nasabi ko kesa naman yung patola niya, mas nakakahiya 'yon!Ang bilis naman ng ganti ng karma! Tama ba ang narinig ko? Misis ko? Tse! Pa-fall ang ferson. Hindi naman ako marupok no!At bakit kasi iba ang nasa utak ko kesa sa sinasabi ni bibig ko? Muli akong umupo at tumikhim habang siya naman ay nakasunod lang ng tingin sa akin. Hindi tuloy ako mapakali mula sa aking kinauupuan kaya kinuha ko ang aking bag at pinatong sa aking harap. Nakakainis naman ang lalaking ito. Nakakakaba kung tumingin. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ang kili-kili at singit ko!"Ano ba ang ti