Share

CINDERELLA FOR RENT!
CINDERELLA FOR RENT!
Author: Mitz Pascual

Prologue

Author: Mitz Pascual
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Maaga akong gumising sa araw na ito dahil kailangan ko pang maghanap ng iba pang trabaho bukod sa spa na aking pinapasukan. At sa iba ko pang raket. Kailangan kong makapagpadala ng pera kina Nanay ngayon dahil sa kinakailangan niyan bumili ng kanyang gamot para sa kanyang highblood. Nagtataka rin naman ako kung bakit sa daming sakit ay highblood pa talaga? Juskooo! Hindi nga kami halos malaparan ng mantika ang aming mga labi dahil madalang kami kung makatikim ng karne. Kung hindi pa magkaroon ng handaan sa kapitbahay namin ay hindi makakatikim ng karne. Kaya gusto ko pang magtaka sa naging tingin ng doctor kay Nanay. Hays, kung natuloy lang sana ako sa Singapore ay hindi ganito kahirap ang buhay namin. Sana ay maayos na kahit paano ang buhay namin ngayon. Kaya ngayon ay todo kayod muna ang ferson! Bawal sumuko kahit gusto ko nang magpahinga.

Dahil bukod sa ibang gastusin nila ay kailan kong isipin na nanganganib din ang kapirasong lupa at bahay namin na hatakin ng pinagsanglaan ko nito. Malaking pera rin ang nagamit ko sa pag-aapply ko sa Singapore. Akala ko kasi ay okay ang lahat.

At hindi ako pwedeng walang gawin para masolusyunan ito. Baka dalawin ako ni Tatay nito kapag nangyari 'yon.

Muling nabuhay ang galit ko sa puso dahil sa mga taong walang konsensya at puro panlalamang ang alam sa buhay. Pinapanalangin ko na lang na hindi sana masarap ang ulam nila at laging panis!

Hindi ko tuloy masabi kung ano ang totoong sitwasyon ako sa pamilya ko rito. Kaya kailangan kong magtiis muna sa ngayon. Ako lang ang inaasahan nila. Ang buong akala nila ay nasa abroad ako.

Mabilis kong nilagok ang kape sa tasa ko at kaagad akong nagtungo sa banyo upang maligo ng mabilisan, sayang ang tubig, ang mahal pa naman, tssk! Tama nga sila sa panahon na ito ay panty na lang ang bumababa lalo na at wala ng garter at maluwag. Hindi ko na nga matandaan kung kelan ako huling bumili ng panty sa palengke. Bata pa yata ako.

Isang lumang pants at medyo lumang white blouse ang napili kong suotin dahil wala akong choice na pagpipilian. Kinuha ko rin ang lumang sapatos ko na pamana pa ninuno ng aking mga magulang. Sinuot pa ata ng mga sundalong hapon habang nakikipagbakbakan sa giyera noon.

Grabeng buhay talaga ito! Mukha at amoy ko na lang hindi pa luma. Napabuntong-hininga na lang ako habang sinisuklay ko ang mahaba at makislap kong buhok na natural at walang halong kemikal. "Ibenta ko kaya ito?" sambit ko pa. Pero saka na kapag pulubi na talaga ako. Sa ngayon ay kaya pa naman ng very light sa tulong ng kaibigan ko na si Vienna. At saka may mga raket na rin naman ako kung saan-saan. Kaya kaya ko pang magpadala sa amin.

"Gelay! Gelay! Gelay!" Malakas na sigaw mula sa labas ng apartment ko.

Inaya ko kasing maghanap ng trabaho si Vienna ngayong araw at mabuti na lang at pumayag siya. Wala naman siyang choice kundi samahan ako na maghanap.

Nagmamadali akong lumabas at hindi ko na siya niyaya pa sa loob upang magkape. Sayang ang kape ko saka may pera naman si Vienna.

"Hindi mo man lang ba ako aayain sa loob upang kumain?" tanong ni Vienna sa akin pagdating ko sa baba.

"Bakit kumakain ka ba ng bagong hugas na kaldero at plato?" sarkastiko kong tanong sa kanya at saka ako humakbang palayo.

"Hindi! Hoy, wait!" Sigaw ni Vienna at mabilis niya akong hinabol.

"Bayad ho! Makikiabot lang!" Sigaw ko sa loob ng jeep habang nakikisuyo ng bayad.

"Miss, kulang pa ito ng piso!" Sigaw ng driver sa akin. Kukuha na sana si Vienna sa bag niya ngunit pinigilan ko siya.

"Kuya, bawasan mo na lang ang abenta sa bababaan namin, para sakto ang bayad ko," sagot ko pa at muli kong tinuon ang atensyon ko sa hawak kong resume. Sana naman ay kahit isa ay may mahanap ako bulong ko pa sa isip.

"Pambihira!" palatak ng driver ngunit hindi ko na pinansin pa. Ako pa ba ang mag-adjust sa kanila?

Isa-isa na namin pinuntahan ni Vienna ang mga dapat namin aplayan ngunit lahat ay tatawagan na lang daw kami. Tatawagan o tatawanan? Ewan! Ang hirap maghanap ng trabaho.

Hanggang sa mapadpad kami ni Vienna isang sa art exhibit.

"Nakshuta ka, Vienna! Bakit naman dito mo ako dinala?! Anong alam ko sa mga painting, painting na 'yan? Trabaho ang hanap ko at hindi pasyalan!" pagalit ko pa sa kaibigan ko. Ang ayos ng usapan namin na tutulungan niya akong maghanap ng pwedeng pasukan maliban sa 'Ligaya's massage spa' hindi kasi sapat ang sahod doon.

"Kanina pa tayo naghahanap, diba? Eh, wala naman," katwiran niya pa sa akin.

Kahit sana isang trabaho ay makahanap ako. Muntik nang mawala sa isip ko na may kailangan nga pala akong bayaran na upa kay Ms. Cory Khong. Isa pa itong pahirap sa buhay ko.

Raket sana ang hanap ko pero itong hitad kong kaibigan, kung saan-saan ako hinihila.

"Gelay, mag-relax ka naman kahit minsan. At saka sayang naman itong ticket na bigay ng amo ni Mama. Hindi mo naitatanong na mahilig ako sa arts at mga paintings and everythings! Sige, tanungin mo ako tungkol sa sikat na painting sa buong mundo," hamon niya pa sa akin.

Dahil wala akong choice ay hinayaan ko na lang siya sa buhay.

"Sino ang gumuhit ng Mona Lisa? Sige, nga?"

"Easy. Leonardo Amorsolo! Ang galing ko, aminin mo!" proud na proud niya pang sagot sa akin. Kaya naman buong hanga ko siyang pinalakpakan dahil sa galing niya. Pero teka--- tama nga ba? Ah, basta ang alam ko may letter O ang pangalan niya.

"Magtanong ka pa. Kahit ano!" hamon niya pa sa akin.

Ang yabang naman ng kaibigan kong ito. English nga sa dog ay hindi alam.

"Sino ang gumuhit ng 'The Last Supper?" tanong ko.

"Bakla, napakadali naman ng tanong mo!

Edi, yung mga nagpapautang sa bahay-bahay, yung kada kinsenas katapusan ang hulog!" bakas pa sa boses niya na proud na proud siya sa naging sagot niya sa akin. Pero hindi ako sigurado kung tama ba ang sagot niya.

"Sila ba?" kunot-noo ko pang tanong sa kanya. Wala kasi akong alam sa mga ganyan.

"Oo, bakla! Wala ka talagang alam sa arts!" palatak niya pa. At mabilis akong hinila sa isang painting.

"Bakla, wala ka bang napapansin sa painting na ito?" tanong ni Vienna sa akin nang makalapit kami sa isang painting na naka-display. Kaya naman dali-dali kong pinakatitigan ito nang mabuti at baka may numero na pwedeng tayaan sa lotto.

"Halaaaa!!! Wala naman. Bakit?" Isang malakas na batok pa ang natanggap ko mula sa kanya dahil sa naging sagot ko. Binibiro lang naman, galit agad.

"Ewan ko sa'yo! Titigan mo kasing mabuti," inis niya pang sambit.

Bigla akong nakaramdam ng kilabot nang pagmasdan ko ito mabuti. Hindi ko kasi mabasa ang nakasulat sa gilid. At nang bigla na lang namatay ang ilaw.

"Matigas na t****o ni Junjun!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"B-Bakla, natatakot ako ang dilim dito," takot na sambit pa ni Vienna. Minsan talaga ay pagkabopols ang beshie ko na ito.

"Natural, patay ang ilaw! May madilim ba na buhay ang ilaw? Pati ba naman sila ay hindi nagbabayad ng kuryente? Ilabas mo ang cellphone mo, diba may flashlight 'yan?"

Nang mabuksan ni Vienna ang flashlight ng phone niya, sabay pa kaming nagulat nang mapasigaw ako nang may humawak sa balikat ko. Kaya naman ng makabawi ako ay kaagad ko na sinipa ang lalaki. Paano kong may balak siyang masama sa katawan ko? Paano kung pakulo lang nila ang pagkawala ng kuryente? Edi, naisahan niya ako?

"Vienna, Ilawan mo ako! Akala yata nila ay matatakot nila tayo!" At muli kong sinipa ito.

Nasa kalagitnaan na ako nang pambubugbog ay saka naman muling nabuhay ang ilaw.

At sa mga oras na ito ay gusto ko na lang mabura sa mundo nang tumambad sa harap ko ang isang gwapo na lalaki. Na nakahiga ngayon sa sahig. Shet, na malagkit pa sa suman, biko at kalamay!

"What the heck, lady?! Bakit mo ako binugbog?! Security! Pakidala ito sa office!" utos ng lalaki na binugbog ko.

"Hoy, mister! Bakit ka kasi nanghihipo, aber? Siguro plano mo talaga ito?" masungit ko na rin tanong sa kanya. Akala nya ata ay madadarag niya ako. Isang Gelay De Castro yata ito!

Kinalabit pa ako ni Vienna sa balikat kaya mabilis ko siyang nilingon.

"Bakla, humingi ka na lang ng sorry kasi, ang gwapo…" bulong pa ni Vienna sa akin.

"Tumigil ka dyan, kung ayaw mo na ikaw ang bugbugin ko," banta ko pa sa kanya.

"Don't you know me, huh? I'm the owner of this art exhibition, wrestler!" inis pa niyang sigaw sa akin kaya naman kaagad nagpantig ang pandinig ko.

"Wag mo akong ma-english dyan! I will english you to! Saka magbayad ka muna ng kuryente bago mo ako yabangan, kasi sa tingin ko ay malapit na kayong maputulan!" At saka ko mabilis na hinila si Vienna palabas ng bulok na exhibit. Gwapo sana, kaso arogante!

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Filipinas Caluza
epic agad unang Kita pa lng
goodnovel comment avatar
Marinyl Chua M
abat starring si Gelay dito ...
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
umpisa palang nkaktawa na kalukang Gelay.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter One

    "Ate, malayo pa ba tayo? Pagod na po ako kasi. Tapos ang bigat-bigat pa nito, oh! Feeling ko tuloy ay pasan niya ang mundo, tsssk!" reklamo ni Divine sa akin habang naglalakad kami papunta ng bayan. Sayang kasi kung mamamasahe pa kami at maibabawas pa sa magiging benta. Kailangan ko pa naman magtipid kasi wala naman kaming wawaldasin talaga. Hay buhay! Kung magaling lang sana akong gumiling ay baka umekstra na ako sa beer house sa bayan. Pero minalas tayo dahil wala man lang akong talent kundi ganda lang ang meron ako. "Malapit na tayo, Divine Saka hindi mabigat ang bitbit mo, reklamador ka lang," singhal ko pa sa kanya.Madalas kasi na si Jeremy ang kasa-kasama ko kaya hindi sanay si Diane na maglakad papunta ng bayan. Dito kasi namin dadalhin ang mga saging at kamote na nakuha namin. Kapag wala kasi akong raket ay naiisipan ko na umakyat ng bundok upang manguha ng mga maaari naming ibenta. Halos ganito kasi ang gawain dito sa Mindoro. Swerte nga kami ngayon at dalawang buwig ng sag

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter two

    Maaga pa lang ay gising na kaming lahat dito sa bahay. Ganito talaga sa probinsya, hindi uso ang tanghaling gising at tiyak na bunganga ang gigising sayo sa ingay. Kaya mamili ka, maaga kang gigising o maaga kang sesermonan? Nasa sayo ang kapalaran ng umaga mo kaya sumunod ka na lang ng matiwasay at reklamo. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng munting silid ko. Hindi ko na nga magawang mag-inat dahil maaga rin magsisimula ang araw ko ngayon. Dahil unang araw ko sa karinderya sa may bayan. Umaga hanggang tanghali lang ang pasok ko roon at pagkatapos ay tutuloy ako sa parlor na pinapasukan ko rin bilang isang manicurist, taga kulot, tag -straight, taga-alis ng kuto o taga- awat ng mag-jowang nag-aaway-away sa loob ng parlor. At marami pang iba. At sa gabi naman ay sa spa ang trabaho ko. Hindi regular ang pasok ko sa spa at parlor. Kung may mag-day-off lang ang isang tauhan ay saka lang ako papasok. Kaya sobrang dami kong raket sa buhay. Nagtitinda rin ako ng balot sa gabi

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter Three

    Pagdating ko sa parlor ay para na akong lutang na gulay dahil sa pagod sa hugasin at muntik pang hindi sumahod ng buo. May pakinabang din talaga ang mga chismosa sa lugar namin nagamit ko pa tuloy kay Gina. Bakit naman kasi pumayag na maging sugar mommy? Pero bahala sila sa mga buhay nila at busy rin ako sa buhay ko. Pera ang kailangan ko at hindi chismis mula sa kanila. Wala akong panahon sa ibang bagay. Pero kung may sahod lang sa pagiging chismosa ay baka pinasok ko na rin.Uupo pa sana ako pero nagkataon naman na absent ang isang bakla kaya naman sa akin muna binigay ang isang bagong pasok na customer. Dahil busy rin si Marjorie sa kanyang customer. Wala akong choice, kaya agad kong inasikaso ang lalaking customer ko. Hindi naman siya mukhang may lahi, pero ang lakas ng amoy. Mahihiya ang sibuyas bombay!Kaagad ko na siyang tinanong kung anong gusto niyang gupit na hindi bagay sa mukha niya. Magsisinungaling pa ako kung tatanungin ko siya kung anong gusto niyang gupit na bagay sa

  • CINDERELLA FOR RENT!   CHAPTER FOUR

    "Anak mag-ingat ka sa Singapore. Wag mo kaming alalahanin ng mga kapatid mo rito. Ikaw, ang sarili mo muna ang isipin mo pagdating mo roon. Masyadong malayo ang Singapore. Ayaw man kitang payagan noong una pa lang. Kung nakakalakad lang sana ako ay—" hindi ko na pinatapos pa ang ibang sasabihin ni Nanay at mabilis ko siyang niyakap. Ayaw ko siyang makita na malungkot sa pag-alis ko. At kahit pa mahirap na mawalay ako sa kanila, pero kung ito lang ang tanging paraan upang matapos na ang utang namin, go na!Makikipagsapalaran ako sa ibang bansa kahit pa wala akong kilala o kamag-anak roon. Bahala na kung anong naghihintay sa akin pagdating ko sa Singapore. At saka hindi na ako pwedeng umatras pa. Naisangla ko na ang titulo ng lupa namin na siyang ginamit ko para mag-apply sa Singapore. Isang customer namin noon sa parlor ang nag-alok sa akin ng trabaho sa Singapore. At kahit pa nga hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ay sinunggaban ko na agad ito. Hindi ko kikitain dito sa Pinas

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter Five

    "Hoy, Vienna! Anong raket na naman ba ito? Bakit ganito ang suot natin? Mukha tayong white lady sa may Balete Drive. Clown ba tayo?" takang tanong ko pa sa kanya habang nasa byahe kami. Pati kasi make-up namin ay palong-palo sa puti! Hindi naman siguro kami magbebenta ng aliw sa kanto? Hindi pa ako ready na ibenta ang puri at dangal ko. Sa ilang buwan ko na rin pamamalagi rito sa Maynila ay medyo naka-adjust na rin ako ng buhay ko. Kahit sobrang hirap sa kalooban ko na mag lihim kina Nanay, pero tiniis ko. Ayaw ko na mag-alala sila para sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na isipin nila na nasa Singapore na ako. Masakit man na lokohin ko sila pero sa ngayon ay ito lang ang alam ko na tama kong gawin. Mag-iipon lang ako at babalik din ako sa kanila. Pero ngayon ay kailangan ko munang mabayaran lahat ng utang namin para wala na akong isipin pa.Lumipat na rin ako sa isang lumang apartment dahil medyo nahihiya na rin ako sa pamilya ni Vienna na manatili pa sa bahay nila. Kung anu-ano ng r

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter 6

    "Hoy, Gelay! Ang haba na ng nguso mo dyan. Aba, hindi ka pa ba nakaka-move on sa buhay mo? Kalimutan mo na yung nangyari kanina. Ikaw naman kasi bakit ayaw mong tumabi, tssk," paninisi pa ni Vienna sa akin habang nakatayo kami sa pinto ng spa at naghihintay ng customer na papasok. Simula pa nga kanina ay hindi na maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina. At saka move on? Sinong mag-momove on? Ano ako baliw? Walang move on, move on sa pamilyang ito! Hindi ko papatawarin ang lalaking yon! Ang pangit niya! Muli na naman kumulo ang dugo ko sa dahil sa banta niya sa buhay ko. Muntik na akong ipatuluyan ng walanghiyang amo ni Manong driver. Kaya galit ako, hanggang sa ma-menopause pa ako!"Vienna, kahit mategi ako ngayon ay walang move on, move on! Gets mo?" Sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko pa ang mapang-asar niyang tawa. Pero hindi ko siya pinansin pa at naglakad na ako pabalik sa counter. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Vienna sa akin. At mukhang nainip na rin sa pinto.Kanina

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter Seven

    "Anong multo? Hoy, Gelay! Ako lang ito! Yung bayad mo sa upa! Tinataguan mo ba ako, huh?!" at nang marinig ko ang pamilyar na boses ay kaagad akong nag-angat ng tingin upang masiguro nga na siya 'yon. At tama nga na ang may-ari lang pala ng apartment na tinitirahan ko ang nasa harap ko ngayon. Akala ko pa naman ay engkanto. Ano ba yan, akala ko naman ay kung sino na.Pero teka, paano niya ako nasundan dito? Saka hindi naman araw ng mga patay ngayon bakit pero putok na putok ang foundation niya? Nagmukha tuloy siyang espasol ng Laguna. Pati ba naman sa trabaho ko ay nasusundan ako ng mga pinagkakautangan ko. Huli, pero hindi kulong!Dali-dali akong tumayo upang utusan ang customer ko, na nakalimutan na yatang magsalita at mukhang nalunok na pati dila."Sir, maghugas ka muna ng mga paa sa banyo namin. At baka hindi kayanin na ng tubig na maalis ang putik sa mga paa mo." Saka ko siya mabilis na hinila papunta sa banyo ng spa namin. "Saka sir, hindi ka ba talaga magsasalita?" at ganun na

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter 8

    "Gelay! Yayaman na tayo! Isipin mo, 25k a month ang magiging sahod natin. Tapos libre pa raw ang pagkain at bahay natin! At may day-off din daw tayo. Jackpot talaga tayo, apir!" masayang bulalas pa ni Vienna at saka kami nag-apir. Bakas pa sa mukha niya ang labis na kagalakan.Grabe, naman Lord ang blessing, pang mabait na tao! Thank you po! Ngayon lang ata ako sumaya nang ganito. Kasi sa sobrang tagal na namin naghahanap ng trabaho ay ngayon lang kami nakahanap ng ganitong offer. Marunong naman akong mag-alaga ng aso, dahil may aso kami noon sa probinsya na si Papaw. Kaya easy lang mag-alaga ng aso para sa akin. Sa sobrang excited namin ni Vienna ay nawala na nang tuluyan ang mga antok namin. Mabuti na lang talaga at naisip ko na ngayon pumunta sa remittance center. Mukhang ito na ang matagal kong hinahanap. Pero sana ay matanggap kami. Ang layo na agad ng mga isip namin pero hindi pa kami nakakapag-apply!"Gelay, tatawagan ko muna itong number nila para makapunta agad tayo," halata p

Latest chapter

  • CINDERELLA FOR RENT!   Disney Princess

    Napitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya

  • CINDERELLA FOR RENT!   Mothering

    "Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab

  • CINDERELLA FOR RENT!   Panty

    Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h

  • CINDERELLA FOR RENT!   Attachment

    "Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it

  • CINDERELLA FOR RENT!   First kiss

    "Hindi ko yata kaya. Natatakot ako. Wag na kaya natin ituloy?" maya-maya pa ay sambit ko nang tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang gate. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang aking mga palad at talampakan kahit pa hindi mainit sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya lang ako. "Just be yourself, hindi kita pababayaan…" tanging nasabi niya lang bago bumaba ng sasakyan. Sino ka dyan? Sana all, hindi pababayaan, yung iba kasi dyan, iniwan!Huminga ako saglit at saka ako bumaba. Gelay, kaya mo yan! Para sa ekonomiya at dahil mukha kang pera! Pikit-mata na lang. Saka easy lang 'yan! Inayos ko muna ang damit ko at ngumiti ako. Handa na ako!Mabilis akong bumaba at sumunod kay busangot sa loob. "What are you doing?" tanong niya pa nang pinulupot ko ang aking braso sa kanya. "Ang hina mo naman. Kailangan sweet tayo! Saka wag kang feeling dyan! Tandaan mo na hindi natin type ang isa't-isa. Palabas lang lahat ng ito kaya makisama ka, okay?" nakangisi kong saad. Wala siyang nagawa

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter thirty-five

    Buong biyahe ata akong tahimik sa tabi niya dahil sa lintik na panty ko! Ang dami ng pwedeng madampot ay yung panty ko pa talaga mygod! Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa buhay kapag kasama ang lalaking ito. Wala naman akong magagawa dahil siya na ang boss ko mula ngayon. Kailangan ko na lang isipin ang malaking sahod na makukuha ko kapag natapos ko na ang anim na buwan. Makakalaya na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon ay magtiis muna kami sa isa't-isa. Dahan-dahan ko pa siyang nilingon habang abala sa pagmamaneho at namilog pa ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Imbes na mag-paapekto ay inirapan ko na lang siya. Pero mabilis ko naman binawi ang irap ko namg maalala ko na siya nga pala ang aking boss. Umayos ako nang upo at itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Parang hindi rin ako makahinga kapag magkasama kami. Masyadong masikip ang mundo naming dalawa. Siguro dahil hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo namin kaya ganito. Saka nakaka

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter thirty-four

    Anong ginagawa ni busangot dito? Anong pinagsasabi niya?! Juskoooo, marimar! Bakit kay Vienna pa? Anong mukhang ihaharap ko sa babaeng ito? Napikit ako ng mariin at natampal ko pa ang aking noo. Siguradong katakot-takot na kantiyaw ang matatanggap ko mula kay Vienna dahil sa sinabi ni busangot. Napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang braso niya. Ito na nga ba ang sinasabi sa hula! Pahamak naman kasi ang lalaking ito! Paano ko siya haharapin?Muli ko munang binaling ang aking paningin kay busangot at pinandilatan ko pa siya. Ngunit wala man lang siyang reaksyon. Kaya mas lalong nakakainis."G-Gelay, anong ibig sabihin niya? W-wife? Asawa di ba? Alam ko ang tagalog. Paano? Anong una mong hinubad? Sabihin mo!" Nagulat pa ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko at bahagya pa akong niyugyog."V-Vienna—""Ano? Ang bra mo? Panty? Short? Damit? O ang puri at dangal mo?! Sabihin mo. Sabihin mo!!" Natulala na lang ako sa linyahan ng kaibigan kong pinanganak na oa! Sobrang inten

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter thirty-three

    "Manong Gerry, dito na lang po ako sa banko. May gagawin pa po kasi ako sa loob," paalam ko sa driver ni busangot.Kakamot-kamot pa sa ulo si Manong Gerry, dahil sa sinabi ko. Mukhang takot yata na hindi masunod ang utos ng boss niya. Sabi ko kasi kay busangot ay wag na akong ipahatid pero ang hirap din kasing kontrahin niya. Kaya wala akong nagawa kanina. "Ayos lang po, Manong Gerry," "Naku, Ma'am, hindi po pwede at baka magalit si bossing sa akin. Saka kilala mo naman yung bata na 'yon. Kapag may inutos ay dapat sundin," paliwanag niya pa sa akin. Naisip ko nga na baka siya ang pagalitan ng amo niyang may katok kung hindi niya ako ihahatid. Kaya naman hinayaan ko na lang siya na hintayin ako rito sa labas. May aayusin kasi ako sa loob ng banko. Ipapadala ko ang pera sa bank account ng pinag-sanglaan namin ng bahay at lupa. At ang ibang lalabing pera ay ibibigay ko kay Nanay upang ipagawa ng bubong sa kusina. Matagal nang sinasabi ni Jeremy na tumutulo na raw ang bubong namin. P

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter thirty-two

    "Joke time! M-masyado ka kasing seryoso. B-brief…briefcase! Tama, briefcase nga! Di ba may ganyan kayong mga rich people?!" palusot ko pa. At baka sakaling uubra sa kanya. Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hay, naku!Gelay, brief pa more!"Ah, eh, wala na pala akong itatanong. O-okay na pala." Tumawa pa ako nang malakas upang makalimutan niya ang tungkol sa brief. Pero mas okay na rin na brief lang ang nasabi ko kesa naman yung patola niya, mas nakakahiya 'yon!Ang bilis naman ng ganti ng karma! Tama ba ang narinig ko? Misis ko? Tse! Pa-fall ang ferson. Hindi naman ako marupok no!At bakit kasi iba ang nasa utak ko kesa sa sinasabi ni bibig ko? Muli akong umupo at tumikhim habang siya naman ay nakasunod lang ng tingin sa akin. Hindi tuloy ako mapakali mula sa aking kinauupuan kaya kinuha ko ang aking bag at pinatong sa aking harap. Nakakainis naman ang lalaking ito. Nakakakaba kung tumingin. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ang kili-kili at singit ko!"Ano ba ang ti

DMCA.com Protection Status