"Anak mag-ingat ka sa Singapore. Wag mo kaming alalahanin ng mga kapatid mo rito. Ikaw, ang sarili mo muna ang isipin mo pagdating mo roon. Masyadong malayo ang Singapore. Ayaw man kitang payagan noong una pa lang. Kung nakakalakad lang sana ako ay—" hindi ko na pinatapos pa ang ibang sasabihin ni Nanay at mabilis ko siyang niyakap.
Ayaw ko siyang makita na malungkot sa pag-alis ko. At kahit pa mahirap na mawalay ako sa kanila, pero kung ito lang ang tanging paraan upang matapos na ang utang namin, go na!Makikipagsapalaran ako sa ibang bansa kahit pa wala akong kilala o kamag-anak roon. Bahala na kung anong naghihintay sa akin pagdating ko sa Singapore. At saka hindi na ako pwedeng umatras pa. Naisangla ko na ang titulo ng lupa namin na siyang ginamit ko para mag-apply sa Singapore. Isang customer namin noon sa parlor ang nag-alok sa akin ng trabaho sa Singapore. At kahit pa nga hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ay sinunggaban ko na agad ito. Hindi ko kikitain dito sa Pinas ang magiging sahod ko sa Singapore. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad akong pumayag sa alok ng ginang. Kaagad akong nag-ayos ng papeles ko. Makalipas lamang ang dalawang buwan ay dumating na ang araw ng alis ko rito sa amin.Ngayong araw na ang luwas ko patungo sa Maynila dahil kinabukasan na ang flight ko patungo sa Singapore.Hindi ko rin ipinakita sa pamilya ko ang kalungkutan na meron ako. Dahil ayaw kong mag-alala sila para sa akin. Ginagawa ko naman lahat ng ito para rin sa kanilang tatlo. At kailangan ko lang lakasan ang loob ko para sa mga pangarap ko para sa kanila. At saka mabilis lang naman ang araw ngayon, baka nga hindi ko namalayan ay nakabalik na ako muli rito.Isang kontrata lang naman ang gusto ko at hindi na ulit ako aalis ng bansa. Mag-iipon lang ako para makapag-patayo na rin kahit maliit na negosyo rito sa amin. Kaya tiis lang muna kami sa ngayon."Divine, Jeremy, ngayong wala ako rito ay kayo muna ang bahala kay Nanay. Wag kayong magpapasaway o gagawa ng kahit anong kalokohan, malilintikan kayong dalawa sa akin! Malinaw ba?" may himig pang pagbabanta sa tono ko. Alam ko naman na mature mag-isip ang mga kapatid ko, kaya tiwala akong ayos lang sila rito at hindi nila pababayaan si Nanay.Tumango-tango naman sila at sabay na yumakap sa akin. "Seswa, akong mag-care sa dalawang pukipie natin! Mag-ingat ka, seswa. Gagalingan ko pa palagi sa school para hindi masayang ang difficult mo sa ibang countrybel!" pabakla niya pang saad. Pero ramdam ko ang lungkot sa pananalita niya. Pilit ko pang natawa at bahagya kong ginulo ang buhok niya. Mamimiss ko talaga ang baklitang ito. Pero laban lang!"Ate, ingatan mo po ang sarili mo roon kasi malayo kami sa'yo. Wag mo po kaming aalalahanin, kami na muna po ang bahala kay Nanay. Saka, A-Ate…" nagulat pa ako nang biglang umiyak si Divine at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Kaya naman ang luha na pinipigilan ko ay kusa nang pumatak. Masakit man sa akin ay kailangan kong magpakatatag para sa kanila. "Wag k-ka nang umiyak. M-mabilis lang naman akong mawawala," pilit ko pa na pinapatatag ang boses ko. Humihikbi pa siya habang tumatango. Alam mo na si Divine ang unang malulungkot sa paglisan ko dahil masyado siyang malapit sa akin. Pinahid ko ang aking luha sa mga mata at muli akong nagbilin sa kanila na dapat gawin.At sa huling pagkakataon ay niyakap ko pa silang tatlo.Huling yakap ko sa kanila at ilang taon pa bago muling maulit ito.Halos lahat ng mga kapitbahay namin ay nakatingin sa amin, may mga natutuwa at mayroon din naman hindi. Pero hindi ko na sila pinag-aksayan pa ng panahon dahil wala naman silang ambag sa buhay namin. Hinding-hindi ako babalik dito na hindi ko naparanas ang maayos na buhay sa pamilya ko. At hindi ako natatapos makabayad sa mga utang namin. Aalis ako na bitbit ang pangarap ko para sa pamilya ko. At alam kong gagabayan ako ng Panginoon dahil sa mabuting hangarin ko. Nagtitiwala ako sa kanya ng buong puso. Dahil ito lang ang maaari kong kapitan sa lahat ng oras at panahon.Habang nasa barko nga ako ay patuloy ang agos ng luha ko. Pati sipon ko ay humalo na rin pero wala akong pakialam pa. Pinatangay ko na sa hangin ang lahat ng pangamba at lungkot na meron ako. Huling iyak ko na ito dahil pagdating ko sa Singapore ay kailangan matapang na ako. Inubos ko na lahat ng luha ko at pinilit kong makatulog dahil malayo pa ang biyahe ko. Kailangan ko ng lakas para sa mga gagawin ko pa.Wala akong masyadong alam sa pupuntahan ko sa Maynila kaya medyo natatakot ako. First time ko lang na umalis ng lugar namin pero bahala na kung saan ako tangayin ng mga paa ko.Nagising ako sa ingay sa paligid at nang imulat ko ang aking mata ay nakarating na pala kami ng Batangas Port. Luminga ako sa paligid at isa-isa na ngang nag-sisibaba ang mga tao na lulan din ng barko na sinasakyan ko. Nag-inat-inat muna ako at kaagad kong hinila ang maleta ko. Mula kasi rito ay muli akong ba byahe patungo naman sa address na sinabi sa akin ng agent ko. Mabilis ang naging kilos ko para makarating kaagad sa dapat kung puntahan. Ayaw ko kasing gabihin pa sa daan. Nagtanong-tanong ako sa mga tao sa paligid kung paano ba pumunta sa lugar na iyon. Mabuti na nga lang at may nakasabay akong byahero na malapit din sa lugar na pupuntahan ko rin. Kaya naman hindi na ako masyadong nangamba pa. Feeling ko tuloy ay ang swerte ko ngayong araw na ito. Hindi na rin ako nag-abala pa na kumain dahil sa medyo nagtitipid ako ay busog pa rin naman ako. Mamaya na siguro pagdating ko sa pupuntahan ko. Mula sa nga rito ay sumakay kami ng bus patungo roon.Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa dapat ko sa babaan ko."Dito ka na, Ineng. Magtanong ka na lang sa ibang tao kung saan ang eksaktong lokasyon ng hinahanap mo. Sure naman ako na maraming nakakaalam niyan. Saka isa pa ay mag-ingat ka, Ineng. Maraming manloloko dito sa Maynila. Yung bag mo ay laging nasa harap dapat," paalala niya pa sa akin."Ate, maraming salamat sa'yo. Ingat din po kayo. Tatandaan ko po ang mga bilin mo sa akin, " nakangiti kong sabi at kaagad naman niya akong sinuklian ng ngiti. Nagmamadali pa akong bumaba ng bus at baka malagpasan pa ako.Usok at ingay ng paligid ang sumalubong agad sa akin pagbaba ko pa lang ng sasakyan. Kaya naman medyo nakaramdam ako ng hilo. At napansin ko rin na tila ba ay nagmamadali lahat ng tao rito. Ibang-iba pala talaga ang probinsya at ang siyudad, bigla akong naninibago sa lugar na aking kinalakihan. Kinuha ko ang tubig sa loob ng bag at uminom muna ako saglit. At saka ako huminga nang malalim. At nagsimulang humakbang. Kinuha ko rin ang papel sa bulsa ko na binigay sa akin noon at muli ko itong binasa ang tamang address. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin ito. Ngunit wala akong makita kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang hindi ko ito makita ay nagtanong na ako sa nakasalubong kong may edad na pulis. Ang sabi kasi ni Nanay sa akin na kapag may lugar akong dapat hanapin at hindi ko makita ay sa mga pulis o di kaya ay mga traffic enforcer ako magtatanong. At makakasiguro raw ako na tama ang direksyon na ibibigay sa akin.Mabilis kong ipakita sa kanya ang hawak kong papel at bahagya pang kumunot ang noo niya. "Hija, sigurado ka ba sa address na ito?" kunot-noo pang tanong ni Manong pulis sa akin. Sure na sure naman ako kasi ito yung binigay ng address ng agent ko."Opo," tipid kong sagot. At hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla akong kinabahan."Eh, matagal nang pinasarado ito dahil sa daming reklamo. Illegal recruitment agency yan, Hija. Tssk…kawawa naman ng biktima nila. Yung iba ay galing pa sa mga malalayong lugar. Wag mong sabihin na isa ka sa mga naloko nila?" tanong ni Manong pulis sa akin.Naloko? Paulit-ulit na salita sa pandinig ko. Marami sana akong gustong sabihin pa sana ngunit nanatili akong nakatitig sa kanya. At tila ba wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ng kaharap ko ngayon. Ayaw kong tanggapin ang katotohanan na naloko ako. Baka nagkakamali lang si Manong Pulis sa mga sinabi niya.Gusto ko pang maglupasay sa daan ng dalhin niya ako sa tapat mismo ng agency na hinahanap ko, sarado nga. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa aking nakita. At nagsimula nang pumatak ang luha sa aking mga mata. Gusto kong isipin na masamang panaginip lang ang lahat ng ito. Paano na ang mga pangarap ko para sa pamilya ko? Paano na ang utang namin?Napaupo na lang ako sa bato at nagsimulang umiyak. Bakit ganito ang tadhana sa buhay namin? Kung sino pang lumalaban ng patas ay sila pa ang nakakaranas ng ganito? Hindi naman siguro makatarungan ang hagupit ng kamalasan sa buhay ko. Paano na si Nanay at mga kapatid ko? Paano na ang titulo ng lupa namin? "Anong gagawin ko?" umiiyak kong tanong sa kawalan.Ilang oras akong nanatili sa labas ng agency at nagbabakasakali akong may darating dito. Hindi ko na rin alam ang gagawin pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko sa mga pagkakataon na ito, 'hindi ako maaaring umuwi sa amin na ganito ang sinapit ko' kailangan kong umisip ng paraan kung anong gagawin ko ngayon. Muli na naman akong naiyak dahil sa sinapit ko ngayong araw. Lahat ng pangarap ko ay naglahong parang bula. Mas lalo pa kaming nabaon sa utang. Pero wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang kamalasan o katangahan bang matatawag ito. Ngunit paano? Wala akong kilala o alam sa lugar kung nasaan ako ngayon. Saan ako tutungo ngayon? At isa pa ay papagabi na rin. Mas delikado kung dito ako mamamalagi ngayong gabi.Nanghihina akong tumayo at pilit kong inihakbang ang aking mga paa. At habang naglalakad ako ay patuloy ang pagpatak ng luha ko. Ang hirap maging mahirap. Minsan gusto ko na lang maglaho at tumakas sa responsibilidad ko bilang anak, kapatid sa pamilya ko. Pagod na pagod na ako sa sitwasyon ko. At parang wala nang pag-asa pang maibigay ko yung gusto ko na magandang buhay para sa kanila. Para akong naglalakad sa kawalan at bigla na lang akong nagulat nang may biglang humablot ng bag ko. Kaya naman napasigaw pa ako nang malakas upang humingi ng tulong. Hindi pwedeng mawala ang bag ko dahil may konting pera pa ako roon."Tulong! Tulong! Tulong! Magnanakaw!!!" malakas kong sigaw at muli na naman akong napaiyak. Isang babae naman ang mabilis tumakbo upang habulin ang magnanakaw ng bag ko. Ilang minuto pa ay bumalik siya sa pwesto ko at bitbit na ang bag ko."Hoy, babae ka! Ingatan mo yang bag mo. Hindi mo ba alam na kipie na lang ngayon ang hindi ninanakaw. Mabuti na lang at marami akong kilala rito kaya nabawi namin ang bag mo. Bakit kasi para kang hangin dyan?" tanong niya pa sa akin.Kaya naman tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Naramdaman ko pa nang haplusin niya ang likod ko."N-naloko ako ng agency rito sa M-Maynila. Papunta sana ako ng Singapore," kwento ko pa habang pinupunasan ko ang luha sa aking mga mata."Tssk…kawawa ka naman. Ako nga pala si Vienna, ikaw?" tanong niya."Gelay, Gelay De Castro," pilit ko pang ngumiti sa kanya.At dahil sa awa ni Vienna sa akin ay isinama na niya muna ako sa bahay nila. At nangako siya na tutulungan niya akong maghanap ng trabaho. Hindi muna ako uuwi sa Mindoro dahil kailangan ko pa ng malaking pera para mabayaran ang inutang namin. At isa ay hindi ko maaaring hayaan na lang na makuha sa amin ang nag-iisang alaala ni Tatay. Bahala na kung anong naghihintay na buhay sa akin dito sa Maynila. Laban lang, Gelay!"Hoy, Vienna! Anong raket na naman ba ito? Bakit ganito ang suot natin? Mukha tayong white lady sa may Balete Drive. Clown ba tayo?" takang tanong ko pa sa kanya habang nasa byahe kami. Pati kasi make-up namin ay palong-palo sa puti! Hindi naman siguro kami magbebenta ng aliw sa kanto? Hindi pa ako ready na ibenta ang puri at dangal ko. Sa ilang buwan ko na rin pamamalagi rito sa Maynila ay medyo naka-adjust na rin ako ng buhay ko. Kahit sobrang hirap sa kalooban ko na mag lihim kina Nanay, pero tiniis ko. Ayaw ko na mag-alala sila para sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na isipin nila na nasa Singapore na ako. Masakit man na lokohin ko sila pero sa ngayon ay ito lang ang alam ko na tama kong gawin. Mag-iipon lang ako at babalik din ako sa kanila. Pero ngayon ay kailangan ko munang mabayaran lahat ng utang namin para wala na akong isipin pa.Lumipat na rin ako sa isang lumang apartment dahil medyo nahihiya na rin ako sa pamilya ni Vienna na manatili pa sa bahay nila. Kung anu-ano ng r
"Hoy, Gelay! Ang haba na ng nguso mo dyan. Aba, hindi ka pa ba nakaka-move on sa buhay mo? Kalimutan mo na yung nangyari kanina. Ikaw naman kasi bakit ayaw mong tumabi, tssk," paninisi pa ni Vienna sa akin habang nakatayo kami sa pinto ng spa at naghihintay ng customer na papasok. Simula pa nga kanina ay hindi na maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina. At saka move on? Sinong mag-momove on? Ano ako baliw? Walang move on, move on sa pamilyang ito! Hindi ko papatawarin ang lalaking yon! Ang pangit niya! Muli na naman kumulo ang dugo ko sa dahil sa banta niya sa buhay ko. Muntik na akong ipatuluyan ng walanghiyang amo ni Manong driver. Kaya galit ako, hanggang sa ma-menopause pa ako!"Vienna, kahit mategi ako ngayon ay walang move on, move on! Gets mo?" Sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko pa ang mapang-asar niyang tawa. Pero hindi ko siya pinansin pa at naglakad na ako pabalik sa counter. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Vienna sa akin. At mukhang nainip na rin sa pinto.Kanina
"Anong multo? Hoy, Gelay! Ako lang ito! Yung bayad mo sa upa! Tinataguan mo ba ako, huh?!" at nang marinig ko ang pamilyar na boses ay kaagad akong nag-angat ng tingin upang masiguro nga na siya 'yon. At tama nga na ang may-ari lang pala ng apartment na tinitirahan ko ang nasa harap ko ngayon. Akala ko pa naman ay engkanto. Ano ba yan, akala ko naman ay kung sino na.Pero teka, paano niya ako nasundan dito? Saka hindi naman araw ng mga patay ngayon bakit pero putok na putok ang foundation niya? Nagmukha tuloy siyang espasol ng Laguna. Pati ba naman sa trabaho ko ay nasusundan ako ng mga pinagkakautangan ko. Huli, pero hindi kulong!Dali-dali akong tumayo upang utusan ang customer ko, na nakalimutan na yatang magsalita at mukhang nalunok na pati dila."Sir, maghugas ka muna ng mga paa sa banyo namin. At baka hindi kayanin na ng tubig na maalis ang putik sa mga paa mo." Saka ko siya mabilis na hinila papunta sa banyo ng spa namin. "Saka sir, hindi ka ba talaga magsasalita?" at ganun na
"Gelay! Yayaman na tayo! Isipin mo, 25k a month ang magiging sahod natin. Tapos libre pa raw ang pagkain at bahay natin! At may day-off din daw tayo. Jackpot talaga tayo, apir!" masayang bulalas pa ni Vienna at saka kami nag-apir. Bakas pa sa mukha niya ang labis na kagalakan.Grabe, naman Lord ang blessing, pang mabait na tao! Thank you po! Ngayon lang ata ako sumaya nang ganito. Kasi sa sobrang tagal na namin naghahanap ng trabaho ay ngayon lang kami nakahanap ng ganitong offer. Marunong naman akong mag-alaga ng aso, dahil may aso kami noon sa probinsya na si Papaw. Kaya easy lang mag-alaga ng aso para sa akin. Sa sobrang excited namin ni Vienna ay nawala na nang tuluyan ang mga antok namin. Mabuti na lang talaga at naisip ko na ngayon pumunta sa remittance center. Mukhang ito na ang matagal kong hinahanap. Pero sana ay matanggap kami. Ang layo na agad ng mga isip namin pero hindi pa kami nakakapag-apply!"Gelay, tatawagan ko muna itong number nila para makapunta agad tayo," halata p
Bakit naman kailangan mag-english, eh aso ang aalagaan namin? Hindi ba marunong makaintindi ng tagalog ang aso nila? Poreyner ba? Saka marunong naman yata si Vienna magsalita ng English eh, Kaya kaagad ko siyang kinalabit at gusto ko pang matawa nang bigla siyang mamutla, wala na, alam na this! Hindi yata kami makakapasa sa English-speaking na aso! Tinapos na ang laban. Akala ko pa naman ay si Vienna na ang pag-asa kong yumaman.Pero bawal sumuko, sayang ang 25K, Gelay! Sana naman ay maitawid namin ito. At gumana kahit ngayon lang ang utak koBaka naman may natitira pang english sa kadulo-duluhan ng isip ko. At sana ay hindi pa rin nalulusaw ang mga ito.Ipinikit ko ang aking mga mata nang mariin upang pigain mabuti ang kaalaman na meron ako."Oh, yes! I english…" bulalas ko at napahinto ako saglit sa pagsasalita. Ngumiti pa ako ng pilit sa kanya. Baka sakaling madaan ko siya sa ganito.Nang balingan ko si naman si Vienna, nagkukunwari pa siyang nag-iisip pero ang totoo ay hindi nam
"Damn!" mariin kong mura nang magising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Kinuha ko ang unan sa tabi at tinakip ko sa mukha. Dahil wala pa akong ganang bumangon sa ngayon. Napagod ako sa pagsunod sa owner ng isang malawak na lupain at matagal na rin kami nakikipag-negotiate sa kanila. Hindi nila binitawan ito kahit anong alok pa namin. At napakarami nilang demands noon. Kaya I decided na ako na ang haharap sa kanya. But hindi ko inaasahan ang gusto niyang gawin namin pagdating sa baluarte niya. Why do I need to do this? I don't have any idea how to play that fucking tennis! Not like that I mean, I'm not interested. But para kay Mr. Sorrano, napasunod niya ako sa gusto niya na maglaro kami. For the sake of our company. And para na rin ipakita kay Mamita na everything is under my control.Pakiramdam ko ay hindi ako makatayo sa sobrang ngalay ng mga braso at paa ko.And sa haba-haba ng paghihintay namin, mabuti na lang at na-close ko ang deal kahapon because kung hindi ay baka ubos
"Ano ba naman kamalasan ito! 25K na sana ay nawala pa! Bakit ba ang lupit ng tadhana? Masama ba tayong tao, huh?" himutok ko habang naglalakad kami ni Vienna palabas ng exclusive village. Sayang lang ang pamasahe namin, hays!Kulang na lang ay gumapang ako sa sobrang sama ng loob at panghihinayang sa trabaho na pinunta namin dito. Akala ko pa naman ang hindi na kami maghihirap ni Vienna at makakaalis na kami sa laylayan ng kahirapan.Ang hirap-hirap magsalita ng English tapos ay mauuwi lang pala sa wala? Hustisya naman! Kaya naman pala 25K ang sahod dahil kasama na pala ang buhay mo. Parang binili na rin ang kaluluwa mo kay San Pedro.Sino ba naman ang magtatagal mag-alaga sa aso na kasing taas ng giraffe at kasing taba ng elepante? Kahit yata alukin pa ako ng kalahating milyon ay hindi ko pa rin tatanggapin. Pero kung isang milyon, ay ibang usapan na 'yan! Pwede na akong pumayag nito.Grabe naman kasi ang aso nila, aba, ay hindi ka bubuhayin kapag nilapa ka. Akala ko pa naman ay sw
Ang layo na nang imahinasyon ko ng bigla akong mapadaing."Aray! Ano naman ba?" angal ko pa nang kurutin niya ako sa braso. Nakakahalata na ako, ah. Kanina pa akong sinasaktan ng kaibigan ko, hindi kaya may lihim siyang galit sa akin? At dinadaan niya lang sa ganito?"Vienna, umamin ka nga sa akin…may inggit ka ba sa kagandahan ko, huh?" Tumawa lang siya nang malakas at muli akong hinampas. "Hoy, Gelay, mas lamang ka lang ng kalahating tabo ng paligo sa akin. Kaya hindi ako naiinggit sa'yo, bruha ka! Mabalik tayo sa raket mamaya. Hindi naman tayo magbebenta ng laman. Mag-aalok lang tayo ng mga drinks sa mga customer, ganern!" paliwanag niya pa. Bakit kasi advance ang utak ko mag-isip? Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Sabi niya ay malaki rin daw bayad sa amin mamaya, kaya naman tinanggap ko na rin ang raket na ito. Kahit medyo natatakot ako."Ah, ganon ba? Bakit kasi hindi mo agad sinabi. Akala ko naman ay magbebenta na tayo ng laman. Sige, game ako dyan!"Nang makarating kami sa baha
Napitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya
"Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab
Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h
"Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it
"Hindi ko yata kaya. Natatakot ako. Wag na kaya natin ituloy?" maya-maya pa ay sambit ko nang tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang gate. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang aking mga palad at talampakan kahit pa hindi mainit sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya lang ako. "Just be yourself, hindi kita pababayaan…" tanging nasabi niya lang bago bumaba ng sasakyan. Sino ka dyan? Sana all, hindi pababayaan, yung iba kasi dyan, iniwan!Huminga ako saglit at saka ako bumaba. Gelay, kaya mo yan! Para sa ekonomiya at dahil mukha kang pera! Pikit-mata na lang. Saka easy lang 'yan! Inayos ko muna ang damit ko at ngumiti ako. Handa na ako!Mabilis akong bumaba at sumunod kay busangot sa loob. "What are you doing?" tanong niya pa nang pinulupot ko ang aking braso sa kanya. "Ang hina mo naman. Kailangan sweet tayo! Saka wag kang feeling dyan! Tandaan mo na hindi natin type ang isa't-isa. Palabas lang lahat ng ito kaya makisama ka, okay?" nakangisi kong saad. Wala siyang nagawa
Buong biyahe ata akong tahimik sa tabi niya dahil sa lintik na panty ko! Ang dami ng pwedeng madampot ay yung panty ko pa talaga mygod! Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa buhay kapag kasama ang lalaking ito. Wala naman akong magagawa dahil siya na ang boss ko mula ngayon. Kailangan ko na lang isipin ang malaking sahod na makukuha ko kapag natapos ko na ang anim na buwan. Makakalaya na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon ay magtiis muna kami sa isa't-isa. Dahan-dahan ko pa siyang nilingon habang abala sa pagmamaneho at namilog pa ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Imbes na mag-paapekto ay inirapan ko na lang siya. Pero mabilis ko naman binawi ang irap ko namg maalala ko na siya nga pala ang aking boss. Umayos ako nang upo at itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Parang hindi rin ako makahinga kapag magkasama kami. Masyadong masikip ang mundo naming dalawa. Siguro dahil hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo namin kaya ganito. Saka nakaka
Anong ginagawa ni busangot dito? Anong pinagsasabi niya?! Juskoooo, marimar! Bakit kay Vienna pa? Anong mukhang ihaharap ko sa babaeng ito? Napikit ako ng mariin at natampal ko pa ang aking noo. Siguradong katakot-takot na kantiyaw ang matatanggap ko mula kay Vienna dahil sa sinabi ni busangot. Napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang braso niya. Ito na nga ba ang sinasabi sa hula! Pahamak naman kasi ang lalaking ito! Paano ko siya haharapin?Muli ko munang binaling ang aking paningin kay busangot at pinandilatan ko pa siya. Ngunit wala man lang siyang reaksyon. Kaya mas lalong nakakainis."G-Gelay, anong ibig sabihin niya? W-wife? Asawa di ba? Alam ko ang tagalog. Paano? Anong una mong hinubad? Sabihin mo!" Nagulat pa ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko at bahagya pa akong niyugyog."V-Vienna—""Ano? Ang bra mo? Panty? Short? Damit? O ang puri at dangal mo?! Sabihin mo. Sabihin mo!!" Natulala na lang ako sa linyahan ng kaibigan kong pinanganak na oa! Sobrang inten
"Manong Gerry, dito na lang po ako sa banko. May gagawin pa po kasi ako sa loob," paalam ko sa driver ni busangot.Kakamot-kamot pa sa ulo si Manong Gerry, dahil sa sinabi ko. Mukhang takot yata na hindi masunod ang utos ng boss niya. Sabi ko kasi kay busangot ay wag na akong ipahatid pero ang hirap din kasing kontrahin niya. Kaya wala akong nagawa kanina. "Ayos lang po, Manong Gerry," "Naku, Ma'am, hindi po pwede at baka magalit si bossing sa akin. Saka kilala mo naman yung bata na 'yon. Kapag may inutos ay dapat sundin," paliwanag niya pa sa akin. Naisip ko nga na baka siya ang pagalitan ng amo niyang may katok kung hindi niya ako ihahatid. Kaya naman hinayaan ko na lang siya na hintayin ako rito sa labas. May aayusin kasi ako sa loob ng banko. Ipapadala ko ang pera sa bank account ng pinag-sanglaan namin ng bahay at lupa. At ang ibang lalabing pera ay ibibigay ko kay Nanay upang ipagawa ng bubong sa kusina. Matagal nang sinasabi ni Jeremy na tumutulo na raw ang bubong namin. P
"Joke time! M-masyado ka kasing seryoso. B-brief…briefcase! Tama, briefcase nga! Di ba may ganyan kayong mga rich people?!" palusot ko pa. At baka sakaling uubra sa kanya. Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hay, naku!Gelay, brief pa more!"Ah, eh, wala na pala akong itatanong. O-okay na pala." Tumawa pa ako nang malakas upang makalimutan niya ang tungkol sa brief. Pero mas okay na rin na brief lang ang nasabi ko kesa naman yung patola niya, mas nakakahiya 'yon!Ang bilis naman ng ganti ng karma! Tama ba ang narinig ko? Misis ko? Tse! Pa-fall ang ferson. Hindi naman ako marupok no!At bakit kasi iba ang nasa utak ko kesa sa sinasabi ni bibig ko? Muli akong umupo at tumikhim habang siya naman ay nakasunod lang ng tingin sa akin. Hindi tuloy ako mapakali mula sa aking kinauupuan kaya kinuha ko ang aking bag at pinatong sa aking harap. Nakakainis naman ang lalaking ito. Nakakakaba kung tumingin. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ang kili-kili at singit ko!"Ano ba ang ti