Isang pangyayari ang nagpabago sa takbo ng kanilang Buhay. Matapos ang isang gabing may nangyari sa kanila. Parihong lasing Si David at Samantha ng gabing iyon, kaya hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Nagbuanga ang gabing iyon at napilitan silang magpakasal kahit na alam niya na may iba itong mahal. At ngayong kasal na sila, anong uri ng impiyernong buhay Ang naghihintay sa kaniya sa Bahay nito? Ano ang gagawin niya? Makakaya ba niyang pakisamahan ang lalaki kung sukdulan ang galit nito sa kanya? Alamin ang kanilang kwento....
View MoreWARNING: MATURE CONTENT! R-18+
" Alam mo ba ang ginawa mo Samantha? Naiintindihan mo ba ang problema na ginawa mo? " malakas na sigaw ng lalaki na nakatayo sa harapan ni Samantha ngayon. Nagngingitnggit ang ngipin at boses nito dahil sa pagpipigil ng galit. Nasabunutan pa ang sariling buhok dahil sa pinaghalong iritasyon at panghihinayang.Ngayon lang nasaksihan ni Samantha kung paano ang pinaka sweet niyang Kapatid. Alam niya na malaki ang nagawa niyang kasalanan. Ngunit hindi siya nito masisi dahil sa kasalanan niya." Hindi ko naman kagustuhan ng nangyari noon Kuya. Paulit-ulit kung sinasabi na nagising na lang ako na magkatabi kami ni Kuya David sa kama. Hindi ko naman gusto na ituloy ito pero gusto ko kasi na buo ang pamilya na kalakihan ng anak ko. Please Kuya, suportahan mo naman ako, kami. " pakiusap ni Samantha sa kapatid niya."Sinusuportahan kita pero hindi sa ganitong paraan. Sinira mo ang relasyon ni David sa Fiance niya, Samantha. Kung may konsenya ka pang natitira sa katawan mo umatras ka sa kasalang ito. " aniya ng Kuya niya.Umiling si Samantha sa sinabi ng kapatid niya. Alam niya ang pinasok na gulo at lalo alam niya ang magiging buhay niya matapos ang kasalang ito. Binalaan siya ng mga taong nasa paligid niya na kinasusuklaman siya ng Kuya niya na si David dahil sa ginawa niya." Lahat naman ng gusto mo binigay namin. Bakit ganitong ang e susukli mo? Kapatid mo kami Samantha, kapatid mo si David. Hindi man sa dugo. Alam mo mali pa rin ito dahil nakilala nila kayo bilang magkapatid kahit hindi mo dala ang apelyido namin. Kahit hindi ka legal na na ampon nila Daddy ay magkatapid tayo. " muling tumaas ang boses nito. Para itong isang Leon na nagwawala sa harapan ni Samantha ngayon." Hindi mo kasi maintindihan Kuya " aniya sa kapatid. " Dahil hindi mo ipinapaintindi sa amin kung bakit mo nagawang akitin ang sarili mong kapatid. Nakakahiya ang ginawa mo. Nakakahiya ka. Kung alam lang namin na ganitong ang mangyayari sana noon pa lang ay pinadala ka na namin sa ibang Bansa. Sinira mo ang buhay ng Kuya David mo. Sinira mo pati buhay mo, Samantha. Hindi mo ni respeto sila Daddy at Mommy dahil sa pagkupkop nila sayo. " sabi ng kapatid niya.Natahimik si Samantha dahil sa sinabi ng kapatid niya. Tagos hanggang buto ang lahat ng sinabi nito sa kaniya. Simula noong araw na nahuli sila na magkatabi sa iisang kama ng sariling kapatid, hubot hubad at magkayakap. Halos mapatay siya ng magulang na nagpalaki sa kaniya lalo na ng malaman nila na nagdadalang tao siya. Nagbuanga ang pagkakamali nila ng Kuya niya na si David." Putan** ngina! Tingin mo ba tatratuhin ka ng maayos at maganda ni David? Sa tingin mo ba mamahalin ka niya? Inaalala lang kita, Samantha . Na baka hindi maging maganda ang buhay mo sa kaniya. " aniya ng Kuya niya." Alam ko naman yon, Kuya. Pero gusto ko naman subukan baka pwede naman. " humina ang boses sa huling sinambit.Si Samantha ang ampong anak ng pamilya Buenavista. May dalawa itong kuya kuyahan, si Drew ang panganay at si David ang pangalawa. Bata pa lang si Samantha ng napunta siya sa pamilyang kumupkop sa kaniya ay tumibok na ang puso niya para sa kapatid na si David. May matagal na itong nobya at malapit ng ikasal. Ngunit isang pagkakamali ang nangyari. Sinamantala niya ang kalasingan ng Kuya niya sa si David at mayroong nangyari sa pagitan nila. Iyon ang pinaniwala nila sa kaniya kahit gumising lang siya na nasa sitwasyon na iyon. Noong una ay nagawa pa siyang patawarin ng lahat. Ngunit makalipas ang dalawang buwan nalaman ng lahat na nagdadalang tao siya. Dinadala niya ang pagkakamali ng gabing nakasiping siya ang kanyang Kuya David." Hindi ko na alam Samantha ang gagawin ko sa iyo. Ikaw na ang bahalang mag desisyon sa buhay mo ngayon. Mag iingat ka at Congratulations sa kasal mo. " sabi ng Kuya Drew niya.Naglakad na papalayo ang Kuya niya at lumabas ng dressing room kung nasaan si Samantha. Muling napa upo sa malambot na sofa ang nanginginig na katawan ni Samantha. Kung susumain ay tama ang sinambit ng nakakatandang kapatid niya. Ito na Ang simula nang paghihirap niya. Ngunit ilalaban niya ito, ilalaban niya alang alang sa batang nabubuhay at nabubuo sa sinapupunan niya. Lumipas Ang ilang minuto pa at kinatuk na nag organizer si Samantha sa dressing room. Pina alam nito Ang oras ng kasal. Huminga mo na si Samantha ng malalim ng ilang beses bago maglakad papalabas ng silid.Pagdating niya sa venue ng kasal niya ay nanlumo siya nakita at nadatnan. Walang mga bisita ang narito tanging ang nag iisang kaibigan na si Marie, ang Kuya niyang si Drew at ang Pari.Sa tabi ng Pari si David, ang lalaking papakasalan niya." I'm sorry Ma'am pero pinauwi kasi ng groom ang mga bisita kanina. "bulong ng organizer kay Samantha. Nadismaya siya at nasaktan dahil bakit umabot sa puntong iyon. Napahigpit ang hawak niya sa bulaklak dahil napunta sa wala ang pinagpaguran niya. Sino nga ba siya, sinira niya ang buhay ng lalaki at dapat lang ito sa kaniya." Pwede bang umpisahan na ang walang keentang kasalang ito? Marami pa akong dapat puntahan na mas mahalaga rito. " sabi ni David." DAVID " babala nng Kuya niyang si Drew.Nasak tan lalo si Samantha sa sinabi nito. Wala na siyang nagawa kundi maglakad sa ginta ng walang tugtug. Mabuti na lamang at nakasuot siya ng belo dahil hindi nila kita ang page agos ng masagana niyang mga luha. Inaasan na niya ang kahihinatnan ng kasal. Ngunit masakit pala para sa kaniya kapag narito na. Nanikip bigla ang kanyang dibdib ngunit kinalma niya ang kanyang sarili at ipinagpatuloy ang paglalakad. Pinagpatuloy niya ang paglalakad sa aisle. Nang makarating siya sa harapan ni David ay hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Diretso ang tingin niya sa Pari hindi din nito itinago ang galit sa mukha." Pwede bang magpirmahan na lang tayo ng marriage contract? May importantr kasi akong meeting na dapat habulin. " sabi ni David." Pero diba may seremonya bago yun? " sabi ni Samantha. " You don't deserve that, Bitch. Come on give the marriage contact at may dapat pa akong tapusin. " galit na sabi ni David kay Samantha at sinamaan ng nakakamatay na tingin.Walang nagawa pa si Samantha kundi ay ibigay sa lalaki ang marriage contract nila. Pinanood niya kung paano ito pirmahan ng lalaki. Pagkatapos ay walang pag iingat na ibinato sa pagmumukha ni Samantha ang marriage contract." Apelyido ko lang ang nakuha mo sa akin Samantha. Hinding hindi mo makukuha sa akin ang puso ko at sisiguraduhin ko na magmamakaawa ka sakin na pakawalan ka. " sabi nito bago siya tinalikuran. Saka ito paalis na naglakad sa altar at iniwan sa harap ng altar ang babae. Hindi din niya ito tinapunan ng tingin. Mabilis naman siyang dinaluhan ng kaibigan niyang si Marie. Inaalo siya nito na magiging maayos din ang lahat ngunit alam niya na hindi mangyayari iyon. Malungkot niyang tinignan ang paligid. Ang kasal na pinapangarap niya. Ilang Araw niya itong inasikaso na mauuwi lang pala sa wala." Sinabi ko naman sayo hindi ba? Hindi magiging maganda ang buhay mo sa kaniya. Umpisa pa lang ito Samantha at sana handa ka sa mga susunod na mangyayari. " sabi ni Kuya Drew niya.Nagpaalam na ang kanyang Kuya Drew at ganoon din ang kaibigan niyang si Marie. Masama ang loob ni Samantha na bumalik sa dressing room at hinubad ang wedding gown na siya pa ang pumili. Ang gown na naisuot lamang niya sa loob ng kalahating oras. Nagbihis SI Samantha ng simply jeans at white shirt saka siya lumabas at umalis sa venue. At saka siya sumakay ng Taxi. Ngunit bago siya umalis ay sinabihan niya ang organizer na tumulong sa kaniya sa kasal na ligpitin nalang ang lahat at ipamigay nalang ang mga handa.Uuwi siya ngayon sa Bahay ng kanyang Asawa at alam ni Samantha na ito ang simula ng impyerno niyang buhay. Isang sulyap pa ang ginawa ni Samantha sa venue na pinagpuyatan at pinagpaguran pa pala niya. Siya kasi ang lahat na pumili ng lahat dapat gamitin. Saving din niya ang ginamit upang mabigyan ng kasal ang sarili. Napangiti siya ng malungkot ang mapait bago tinalikuran ito. Mukhang hindi niya talaga mararanasan ang kasal.Lumabas na sila ng kwarto ng mga Bata. Nang nasira ang pinto ay binalingan niya si David. " David, saan ako matutulog? " tanong ni Samantha kay David. Hindi Kasi siya pwede tumabi sa mga Bata dahil sakto lang sa mga ito ang higaan. " Love, doon ka matutulog sa kwarto natin. Kaya halika ka na at para maka pagpahinga ka na. " saad ni David sa kanya. Hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan at iniisip ang sinabi ni David. " Ako, matutulog sa iisang kwarto niya? " saad ni Samantha sa kanyang isip. " Love, Hali ka na. hwag Kang mag alala dahil wala akong gagawin sa iyo. Behave lang Ako. Promise. Unless gusto mo na sundan na natin ang kambal. " saad naman ni David sa kanya at nakangisi ito ng kakaloko. Nanlalaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Hinampas niya ito ng mahina sa braso. " Magtigil ka nga. Kakabati lang natin ehh... " saad niya kay David. Namumula naman ang buong mukha niya. Tumawa naman si David at hinila na siya patungo sa kwarto nito. Pagkapasok nila sa loob ng
Masaya ang naging pagsasalo nila. Marami silang na pag kwentuhan. Ang mga ay nasa sala ng Bahay at busy ang mga ito kasama ang Lolo ng mga ito. Naiwan naman si David at Samantha kasama ang Ginang sa dinning area. Ilang sandali ay nagsalota ang ginang. " Hhhmmm.. mga anak kamusta naman kayong dalawa? Ayos na ba kayo? Hindi naman sa panghihimasok pero gusto ko lang malaman ang tungkol sa status ninyong dalawa. " saad ng Ginang sa kanilang dalawa. Unang naka pagsalita si David. Natahimik naman si Samantha. " Mom, we are good. Maayos kami ni Samantha. " saad ni David sa Ginang. Nagsalita na din si Samantha." Yes po, mom. Maayos po kami ni David. Nothing to worry. " saad naman ni Samantha sa Ginang. " Oh, cge. Matanda na naman kayo. Alam niyo na king ano ang gagawin. Basta hangad lang namin ang kaligayahan ninyo. " saad ng Ginang sa kanilang dalawa. " Thank you, Mom. " saad ni David. Ngumiti naman si Samantha sa Ginang. Ilang sandali ay umalis na ang ginang sa dinning area at pinu
Lumipas ang mga buwan at naging maganda ang takbo ng buhay nila. Maayos ang naging pag handle ni Samantha sa negosyo niya. Habang si David naman ay parating dumadalaw sa kanila. Medyo kinikibo na ito ni Harold pero hindi pa talaga sila close na dalawa. Na pag usapan din nila na kapag naging maayos na ang lahat ay saka na ipapakilala ni David si Dustin sa mga anak niya. Mukhang ayaw pa kasi ng mga ito lalo na si Harold. Naiintindihan naman ni Dustin iyon. Na meet na din ni Samantha ang Bata at masasabi niya na mabait itong Bata. Sa mga lumipas na buwan din ang walang palya si David sa pagbisita sa mga anak niya at parati itong may dalang bulaklak para kay Samantha.Nagka usap na din si Vic at David. Nalaman na niya na bading ito at kapatid lang ang Turing nito kay Samantha. Natatawa lang si David sa tuwing iniisip niya ang mga araw na nagseselos siya. Nasa Bahay ngayon si David at naghahanda na siyang umalis papunta ng trabaho ng tumawag ang kanyang Ina. Alas 10 am na ng umaga at me
NAKA ramdam na ng tension si Samantha sa dalawa kaya ay nagsalita na siya. " David and Vic " sagot ni Samantha sa dalawa.Unang bumitaw si David sa pakikipagkamay. Nakahinga naman ng maluwag si Vic. Nakaramdam din siya ng takot dahil baka masapak siya ni David. Pagkatapos ay nagpaalam na muna si Vic sa kanila na aakyat na muna siya sa kwarto niya. " Bhe, akyat muna Ako sa kwarto ko. Maiwan ko muna kayo ni David. " saad ni Vic kay Samantha at David. " Okay, sige. " saad naman ni Samantha kay Vic. Tango lang naman ang sagot ni David sa kanya. Umakyat na siya patungo sa kwarto niya. Naiwan naman si David at Samantha sa may sala. Ang mga Bata ay umakyat na din sa mga kwarto nito kasama ang mga Yaya dala ang mga pasalubong ni Vic sa kanila.Mayamaya ay tumungo ang phone ni David. Bumaling muna siya kay Samantha." Sasagutin ko lang ito Sam. Kuya called. " saad ni David kay Samantha." Okay " saad naman ni Samantha.Ngunit naman si David kay Samantha at sinagot na ang tawag. Naglal
PAGKATAPOS ma battery full ang phone ni Samantha ay agad na niyang binuksan ang message ng Kuya Leon niya. Naka saad doon na na Lunes na magsisimula ang pagpasok niya sa company. May gaganapin na meeting ng lahat ng board members and share holders. Makakasama sa meeting ang Kuya Sandro niya via Video call. Ipapakila na daw siya nito sa lahat bilang mamamahala ng Smith Company sa Pilipinas. Medyo kinakabahan pa nga siya sa mangyayari. Nag padala siya ng reply sa Kuya Leon niya.Ilang sandali ay nag desisyon na siya na lumabas ng kwarto at puntahan ang mga Bata sa kwarto ng mga ito. Nagtataka siya kung naasan ang pasaway na lalaki na iyon. Si David ang tinutukoy niya. Habang sa kwarto naman ng mga Bata ay gising na din si Harold. Nakita nito ay ama sa tabi ng kapatid niya. Bumangon na siya sa higaan. Napansin naman siya ni Emerald na gising na siya. " Good morning, Kuya! " masayang bati ni Emerald sa kanya. " Good morning, Princess! saad naman niya kay Emerald. " Good morning, So
NANG makalabas ng kwarto si David ay ang lakas ng pintig ng puso ni Samantha. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit niya naramdaman ang ganitong pakiramdam. " Nakakainis talaga yung lalaking yun. Pervert! " saad ni Samantha. Umupo muna siya sa kama upang pakalmahin ang sarili. Nang makalma ay nagtungo na siya sa banyo upang maligo na. Hindi naman alam ni David ang gagawin niya. Mukhang na bad shoot siya doon sa ginawa niya. Hindi naman niya napigilan ang sarili na mahalikan si Samantha. Nasa labas siya ng pintuan ng kwarto ni Samantha. Napatulala siya. " Hay naku, pigilan mo kasi sarili mo. Hindi mo pa nga nakakasundo ang anak mo. Mukhang pati sa nanay ngayon ay mahihirapan ka. " saad ni David sa sarili at gusto niya batukan ang sarili sa nagawa. Sa kabilang banda naman ay maaga pala nagising si Emerald at nakita nito na pinalabas ng Ina ang Ama nila sa kwarto. Tawang-tawa ito sa nasaksihan. Tangumpay ang Plano niya. " Hahahah...... success. Yehey! " saad ni Emerald sa isip n
PAGKAPASOK nila ni Emerald sa loob ng kwarto ni Samantha ay nadatnan nila si Harold na nasa sofa ng kwarto ni Samantha. Nakaupo ito doon at nagbabasa ng libro. Tahimik lang ito na nakaupo doon. " Kuya, where is Mommy? " tanong ni Emerald sa kapatid. Bumaling naman ito sa kanila ng tingin. " Mom is in the bathroom. " sagot naman ni Harold sa kapatid. " Okay " sagot ni Emerald sa kapatid. Inilapag na ni David si Emerald sa kama. Totoo nga na malaki ang kama ni Samantha. Kasyang-kasya sila rito. Inilibot niya ang kanyang mga paningin sa buong kwarto ni Samantha. Malaki ito at ang ganda ng pagkakaayos ng mga gamit. Mayamaya ay lumabas na ng banyo si Samantha. Nakabihis na ito ng pantulog na terno pajama. " Mommy " saad naman ni Emerald ng makita ang Ina. " Baby, are you sleepy na? " saad naman ni Samantha at lumapit kay Emerald. " Yes po, Mommy! " saad naman nito sa kanya. " Okay " aniya ni Samantha sa anak. Bumaling naman si Samantha kay David. " Ahhhmm... may mga damit pala
NAGTATALON si Emerald papunta sa kwarto nila ng Kuya niya. Pagkapasok niya doon ay nasa kama ito nagbabasa ng libro. Kaya ay nilapitan niya ito. " Kuya, Daddy is sleeping with us tonight. " saad ni Emerald sa kapatid na nababakas ang saya sa boses. Bumaling naman si Harold sa kapatid." Okay, he can stay just for tonight only. He will not be able to sleep next to Mom. I will sleep with Mommy tonight. " saad naman ni Harold sa kapatid. " Yeah, but I want to sleep beside him. Like we are sleeping in one bed as a family. Please Kuya! " saad naman ni Emerald sa kapatid na nagmamakaawa na. Bumuntong hininga si Harold." Okay, but don't give your full trust to him. We don't and we aren't sure about how sincere he was. " paalala na saad ni Harold sa kapatid. Tumango naman si Emerald sa sinabi ng kapatid niya. " Okay, thank you Kuya. Finally, we will experience having a complete family. Like sleeping together. " saad naman ni Emerald sa kapatid. " We're not yet, okay? If he was really
PAGKATAPOS bumisita nila Samantha sa puntod ng mga magulang niya ay umalis na sila agad at umuwi na. Hapon na kasi at medyo pagod na din siya at ganoon din ang mga Bata. Pagkarating nila sa Bahay nila ay nagulat siya dahil nandoon si David. Nagtungo muna kasi siya sa kusina upang kumuha sana ng maiinom pero dinatnan niya doon si Manang at si David. Nakasuot pa ito ng apron. Nagluluto at yinutulungan ni Manang. " Oh! Hija, nandyan na pala kayo. Tinulungan ko na itong magluto dahil gusto niya daw siya ang maghanda ng dinner ninyo. " saad ni Manang kay Samantha. " Opo, Manang! Okay lang po. " saad naman niya kay Manang. " Sorry, hindi Ako naka pagsabi na babalik Ako dito at ipagluluto ko kayo. " saad naman ni David sa kanya. " It's okay. You do not have to worry. " saad naman ni Samantha kay David. " Where's the kids? " tanong naman ni David kay Samantha." ohh, nasa kwarto nila sila. Nagbibihis na siguro ang mga iyon. " aniya naman ni Samantha kay David. " Okay, tatapusin ko na i
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments