Matagal pinangarap ni Fae makatuluyan sa paglaki ang kinakapatid, pero d-in-ate nito at pakakasalan ang kanyang college bestfriend. Heartbroken man, dumalo siya sa kasal kaso fake pala ang invite kagagawan ng malditang babae. So... napahiya siya, nakagawa ng eskandalo, at niligtas ni Jigo na bestfriend ng groom bago siya mapahamak sa kalasingan noong gabing iyon. He ends up carrying her to his suite—right into a perfect rebound situation. Jigo is decent, a gentleman—alright. And drop-dead gorgeous! Wala nang Carl so who cares if she goes for another man? She discovers a perfect Mr. Rebound behind closed doors. Hot sex, sweet talk, flirting... she's so comfortable with him kaya pinutol agad ni Fae ang weekend at tumakas. She can't fall in love with a rebound! Noong kumatok ito sa kanyang pinto sa Manila all familiar and real, she's already missing him like crazy. Hindi na siya lumaban... and the next days and nights are the best of her life! She starts to hope that maybe, walang Mr. Rebound. Maybe... he's actually Mr. Right.
view moreDinala siya ni Jigo sa isang luxurious na restroom. Noong nakita niya ang paligid nang maluwang na cubicle sa black and silver na interior shade design, napaangat ang kanyang ulo sa gulat.“What the—” Tapos napatingin siya sa kabila ng restroom. May isa pang room na kanugnog iyon kung saan may bed at may kitchenette. Noong nabuhay ang ilaw dahil may motion sensor sa may pinto, saka natambad sa kanya ang kabuuan niyon.“It’s been here all along?” natatawa niyang tanong. May day break room at bath si Jigo sa office!“Not like this. Simpleng single bed lang dati at ang laman ng kitchen ay drinks lang. Nagte-take-out ako, ‘yon lang ang laman ng mini-fridge. May damit ako at suits na ilang piraso sa isang closet in case kailangan ko for emergency. Dito rin kasi ako natutulog noon kapag nag-o-overtime ako o kaya sobrang daming ginagawa nag-o-overnight na lang ako. But I’ve had our interior decorator renovate this two months ago. Mabagal nga lang kasi nakaka-work lang sila rito kapag weekends
Nasa meeting si Jigo noong dumating si Fae sa office nito sa 20th floor ng high-rise building ng mga Myrick. May celebration sila ng kanilang monthsary ngayong gabi (both wedding were on the same day, the 15th, but six months apart). Nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon, and it was eight months since the second wedding.Gusto niyang surpresahin si Jigo bago pa ang dinner celebration nila mamayang gabi with a ‘lunch date.’ Matapos niyang bilinan si Maria na siya na ang bahala sa asawa at pwede na itong lumakad para sa lunch break nito, naiwan siyang mag-isa sa opisina kung saan siya nagpalit ng suot niyang damit saka muling sinuot ang mahaba-habang lady’s jacket niyang suot para maitago iyon kay Jigo pagbalik nito mula sa nagaganap na meeting.Twelve-thirty na, wala pa ito. Masakit na ang paa niya sa suot niyang high heels. Mabigat na ang tummy niyang bundat sa kanilang panganay, at inaantok na siya. Lagi siyang inaantok these days dahil sa stress dahil
The wedding came and went without a single hitch. Dahil sa grounds din ang reception, lumipat lang sila ng pwesto matapos ang seremonya para sa selebrasyon. Kung hindi masayang mga tawanan ay pagdapo ng mga luha sa mga pisngi ang dinala ng mga speeches ng mga kaibigan nila o malapit na kamag-anak sa toast ng mga bisita para sa bagong kasal.Pero pinaka-poignant ang mga sinabi ni Carl.Dumating ito kasama ang grandparents na umuwi para dumalo sa kasal. Tahimik ang lahat tungkol kay Sarah na para bang wala man lang nakakilala sa babaeng iyon sa mga bisita rito. May non-disclosure agreement na pinirmahan si Sarah kapalit ng settlement sa paghihiwalay ng mga ito kaya may harang ang bibig nito sa anumang pagtatangkang gumamit ng victim card. Nahihirapan din itong makahanap ng trabaho sa mga law firms sa Kamaynilaan dahil iyong bulung-bulungan na nagpabayad ito kapalit ng sexual favors noong nag-aaral pa ay kumalat. Ang huli niyang balita ay umuwi ito sa pro
“I love you…”Napangiti si Fae sa narinig niyang bulong ng asawa malapit sa kanyang teynga.Nasa may bintana siya sa isa sa mga kwarto sa first-floor ng manor house at nakaroba pa lamang. Nakatalikod siya sa bintana pero nakasandal ang likod sa pasimano ng nakabukas na bintana sa isa sa mga kwarto sa unang palapag ng bahay na ginamit nila sa kanyang paghahanda. May make up na siya at naka-arrange na ang kanyang buhok sa eleganteng chignon na kakabitan ng veil pagkatapos niyang isuot ang kanyang wedding gown.Pero mag-isa siya sa kwarto. Lumabas sandali ang make-up artist para tawagan na ang iba mula sa dining room kung saan nag-aalmusal ang mga ito. Alam niyang pababa na rin ang iba pa mula sa mga guestrooms sa taas at magiging maingay na rito sa sunod na mga sandali.Pero ninamnam muna niya ang katahimikan at kapayapaan bago ang gulo.At dapat inasahan niyang may isang makulit na hindi makakatiis talagang sumili
Natulala si Jigo kay Fae at umikot ang mga mata ng babae. “Oh no, you don’t. Mabuti na rin na hindi mo ako tinangkang lapitan noon dahil sa bilis ng mga pangyayari ngayon, baka hindi ako nakapag-concentrate sa pag-aaral ko.”“I would have helped—”“Kung naging boyfriend na ba kita noon, makakaalis ka para mag-aral sa ibang bansa?”“Isasama kita.”Natatawa siya. As if may point pa ang argument na iyon, tapos na. “And I think my Dad knew, too. Sabi niya, huwag kitang papansinin. That’s why he said you were trouble.”Napaisip ito. “Oh… yes…” sabi nito, napapangiwi. Ilang beses n’ya akong nahuling nakatitig sa ‘yo noon. God.” Napakuskos ito sa mukha nito. Pagkatapos ay tumingala ito sa kisame at pinagdikit ang mga palad. “I’m so in love with her and I’m taking care of her to the most of my ability,
Hinalikan ni Jigo si Fae sa noo. “Go ahead sa kwarto. I’ll just get the staff to clean up here at ang driver para kina Pam. Susunod ako agad.” Saka siya bumulong. “Get naked and I’ll take care of everything for you.”Napahingal ito. “What?”“You were so hot a while ago, didn’t you know? It turned me on big time. Amasona pala ang misis ko kapag may nang-aapi sa akin.”Natatawa na naman ito. “Babe, lagi ka pong turned on,” paalala nito.Hinalikan niya ito sa pisngi. “They’ll be okay. He’ll be okay. Kailangan lang niyang magising at kapag nagtagal, malalaman din niya ang tamang gagawin niya sa buhay niya.”Marahan itong tumango pero biglang bigla, mukha itong pagod. “I’m just worried about him. Mukha siyang wala sa sarili noong umalis. I hope they get home safe.”“Malaki na siya. He’ll be fine,&rdq
Inasahan na ni Jigo ang kamao ni Carl pero hindi siya umiwas. Tinanggap niya ang unang bigwas, makabawas man lang sa iniinda nitong sakit. It barely hurt kasi nanlalambot na rin si Carl. Ni wala iyong pwersa.Pero nakita iyon ni Fae. Sumigaw ito, tumatakbo palapit. Bibigwasan na naman siya ni Carl pero pumihit na siya ngayon at sumala iyon kaya nawalan ito ng balanse. Sinambot niya ito bago ito tuluyang matumba.“Damn you!” sigaw nito pero wala ring lakas iyon. Walang power. Tinulak niya ito hanggang nakatayo na itong muli nang tuwid.Gaganti ba siya ng suntok? The bastard deserved it. Pero bagsak na ito, at hindi siya lumalaban kung wala namang laban.“I hope you made her sign a prenup,” bulong niya sa kaibigan bago tuluyang makalapit ang mga babae at marinig sila. “She’s a lawyer, goddammit! Do something about it.”Pumihit siya sa tumatakbong asawa bago nito itinapon ang sarili sa kanya,
“Do we really have to do this here, Carl?” naiiritang tanong ni Jigo sa kaibigan. “Dito sa nakikita ni Fae na ganito ka?”“Fuck you.”Nagbuntunghininga siya. “Hindi pa ba enough ‘yung dinanas niya sa kasal mo? Dammit. That Sarah has got you wrapped so tightly around her fingers you can’t even think straight.”A moment ago, naaawa siya rito. Sobra itong shocked kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito tungkol sa kinakapatid nito.Na sinamantala raw niyang heartbroken pa ang babae at vulnerable. Na bakit sa dinami-rami ng mga babae, bakit si Fae pa ang pinakialaman at pinaglaruan niya? Hindi ito makapaniwalang ganoon umakto sa kanya si Fae. Iyong sandaling silip nito sa lambingan nila ng asawa sa recliner ay halatang nakayanig rito. Hindi pa nito kasi nakita si Fae na naging ganoon kahit kanino —kahit dito. Affectionate, adoring, touchy-feely. And sweet, and confident. And fiercely prote
“The gall!” biglang sambit ni Pam.“Ay. How dare?” sabi naman ni Kacey.“Lalapit siya talaga?” Si Joanna.Napalingon siyang muli. At iyon, iniwan nga ni Sarah ang nag-uusap na dalawang lalaki. Naglalakad ito ngayon patungo sa kanila.“Isang salita mo lang at dudukutin ko ang eyeballs ng frog fart na ‘yan,” ani Pam. “At hindi ko na kailangang gumamit pa ng scalpel.”“Frog fart?” natatawa niyang baling dito.Umalog ang mga balikat ni Joanna habang natatawa. “Iwan mo na ang mga mata niya sa mukha niya. It’s not like nakakatulong ‘yon sa looks niya.”It was an ongoing joke, ang mga mata ni Sarah. Malalaki kasi at parang luluwa kaya mistula itong laging gulat. Noon ay ‘frog eyes’ ang slur dito ng mga inis dito sa school lalo na iyong mga kaklase nila dating naniniwalang sina-samantala siya nito, mooching off of
“Congratulations!”Iilang sandali bago nag-react si Carl sa pagbati ni Fae. Pumihit ito at humarap sa kanya. Matagal iyon para sa dalaga na nangangatal ang mga tuhod sa paghihintay na pansinin siya nito, lalo’t maraming mga matang nanonood sa kanila sa bulwagan ng hotel na iyon kung saan ginaganap ang reception ng kasal nito.Noong nakikita na niya ang pamilyar nitong mukha ay muntik na siyang mapaluha. Pero hindi maaari. Napapalibutan sila ng mga bisita, mga taong kilala nilang dalawa. Mga taong alam ang kanilang kuwento.Napakatikas nito sa suot nitong three-piece suit, ang lalaking ito na ninais niya at minahal sa halos buong buhay niya. Ni walang pagsisisi sa mukha nito habang possessive nitong hawak ang maliit na beywang ni Sarah. Nagmamalaki namang suot ng babae ang traje de boda nito para sa okasyon. At ang sumasambang ngiti ni Carl sa bride nito—na kanyang best friend—ang sa wakas ay nagsara ng pinto sa pagitan ng nakaraan ni Fae at kanyang hinaharap. Hindi na niya ito pweden...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments