“Congratulations!”
Iilang sandali bago nag-react si Carl sa pagbati ni Fae. Pumihit ito at humarap sa kanya. Matagal iyon para sa dalaga na nangangatal ang mga tuhod sa paghihintay na pansinin siya nito, lalo’t maraming mga matang nanonood sa kanila sa bulwagan ng hotel na iyon kung saan ginaganap ang reception ng kasal nito.Noong nakikita na niya ang pamilyar nitong mukha ay muntik na siyang mapaluha. Pero hindi maaari. Napapalibutan sila ng mga bisita, mga taong kilala nilang dalawa. Mga taong alam ang kanilang kuwento.Napakatikas nito sa suot nitong three-piece suit, ang lalaking ito na ninais niya at minahal sa halos buong buhay niya. Ni walang pagsisisi sa mukha nito habang possessive nitong hawak ang maliit na beywang ni Sarah. Nagmamalaki namang suot ng babae ang traje de boda nito para sa okasyon. At ang sumasambang ngiti ni Carl sa bride nito—na kanyang best friend—ang sa wakas ay nagsara ng pinto sa pagitan ng nakaraan ni Fae at kanyang hinaharap. Hindi na niya ito pwedeng mahalin. Kahit mamanglaw para rito ay hindi na rin pwede. May mahal na itong iba at pinakasalan na nito ang babaeng iyon.Ni hindi nagpahinga kahit sandali ang damdamin niya para sa kinakapatid niyang si Carl sa mga taon ng kanilang paglaki kahit hindi siya nito binigyan ng pag-asa. Kahit isang araw ay hindi siya tumigil mangarap na makita siya nito nang higit pa sa kinakapatid o childhood friend. And he had been kind. He was loving and caring as a friend kaya kahit papaano, umasa siyang pagdating ng araw… Paano na siya ngayong wala na ito?Asiwang asiwa si Carl habang nakatingin sa kanya. Halatang pilit nitong tinatago anuman ang tunay nitong nararamdaman sa mukha nito. Kailangan ba nitong umaktong parang gusto nitong sana ay hindi na lamang siya dumalo sa okasyong ito? Si Carl, na sa lahat ng nagdaang mga taong magkaibigan sila, ay pasensyosong tiniis ang kanyang atensyon—ngayon ay biglang hindi makapaghintay na itulak siya palayo. Ano bang ginawa ni Sarah para umakto ito ngayon nang ganito? iyak niya sa kanyang isip.“Thank you for coming, Fae,” marahan nitong sabi. Sa mga mata nito ay magkahalo ang parehong awa at pag-aalala. Siguro, iyon na nga ang dahilan kung bakit ayaw nitong narito siya. Para hindi na ito ma-inconvenience ng mga damdaming hindi nito maiiwasang maramdaman kapag nakitang nasasaktan siya. Awa at pag-aalala. Tama na ang mga iyon para sa kanya. Kahit hanggang ngayon na lang ay mapatunayan niya ritong kaya niyang mahirapan, maipakita lamang dito kung gaano niya ito kamahal. Na kahit imposible na ang gusto niya ay naririto pa rin siya, nakasuporta rito.Umiiyak ang puso niya kahit ibang mga salita ang umalpas sa bibig niya. “I’m so happy for you.” Iyon lang naman ang dahilan kung bakit siya narito. Kahit masakit, gusto rin niyang ipagbunyi ang kaligayahan nito. He must be happy, right? He just married the woman he was in love with.“I know,” tugon nito, kahit ang mga mata ay ibang mensahe ang sinasabi—na naaasiwa ito sa sakripisyo niya. Na kung ito ang masusunod, sana ay hindi na niya ginawa ito. Isang mabigat na patlang ang sumunod.“Fae…”Ilang sandali pa bago tumingin si Fae sa may-ari ng tinig. Kay Sarah, sa kanyang dating kaibigan, dahil hindi na niya ito maituturing pang kaibigan mula ngayon. Nahihirapan pa rin siyang maniwala na ang babaeng ito ay asawa na ngayon ni Carl. Ito, sa lahat ng mga babae, ang nakakaalam kung gaano siya ka-devoted sa lalaki. Hindi lihim sa lahat na crush na niya ang kinakapatid maliit pa sila. Pero dalawang taon silang magkasama ni Sarah sa iisang tirahan, at araw-araw nitong naririnig ang pangalan ni Carl sa kanyang bibig… Pero iba na ito sa kilala niyang Sarah. Hindi na ito kimi, o nakakaawa.May babala sa mga mata nito, at teritoryal ang tayo nito sa tabi ng groom, at mapag-angkin ang pagpulupot ng mga kamay nito sa isang braso ng asawa. Sinasabi nito sa kanyang pag-aari na nito si Carl.Gusto niyang matawa. Hindi siya mang-aagaw. Wala itong kailangang ipag-alala. Mas totoo pang isa siyang tanga. Bakit hindi niya nakita ang totoong Sarah? Paano nito naitago sa kanya ang totoo nitong pagkatao? Pero mali. Marami nang clues, pinili lamang niyang mas maniwala sa pinakikita nito sa kanya kaysa sa mga naririnig niya. Pinili niyang maniwalang mabuti itong tao. Paano mo nagawa sa akin ito?! ang kanyang tahimik na sigaw sa dating kaibigan. Pero muli ay ibang salita ang sinabi niya. “Congratulations,” aniya rito. May pait doon. Doble-kara.“Thanks, Fae. Please stay and have a toast with us.”Hindi natimpi ni Fae ang dampi ng panunuya sa kanyang mga labi noong napangiti siya. What a hypocrite. Gusto niya itong sigawan. Peke! Pero hindi niya kayang sirain ang araw ni Carl. Para lang kay Carl ang pagtitiis niya—not for this bitch. “Don’t worry. I will.”Bahagyang lumaki ang mga mata ni Sarah, nagulat sa palaban niyang tono. Maikli na ang kanyang pagtitimpi pagdating sa babae. Gusto niya sanang maghintay kanina nang mas pribadong sandali bago lapitan ang mga bagong kasal pero naging imposible iyon dahil hindi nagagawi kung saan siya naroroon ang mga ito sa paglilibot sa mga dumalo. Paano kasi ay hinihila ni Sarah si Carl palagi palayo.At ito ang resulta. Nakapalibot ang mga bisita, nasa kanila ang mga mata. Hindi na maitago ni Carl ang matinding pagkabalisa sa atensyon.Ilang mga kaibigan nila at mas lalong kaunting mga kamag-anak nito ang naroon—mga taong sa kanilang paglaki ay nanudyo at naniwalang darating ang araw na magiging sila. Mga taong lubhang mga nagulat nang bigla na lamang mabalitaang ikakasal na ito, at na hindi kanyang pangalan ang nasa wedding invitation na dumating sa mga ito limang araw lamang bago ang kasal. At hindi pa sa Manila iyon gaganapin kundi sa isla ng mga Myrick at sa resort hotel doon ng matalik nitong kaibigang si Jigo, ang Majarlika Royale. Walang nakadalo sa malapit na mga kamag-anak ni Carl sa ibang bansa. Dahil daw sa bilis ng preparasyon, maging ang grandparents nito ay wala rito. Na imposible. Kung gugustuhin, kahit dalawang araw lang ay makakauwi agad ang mag-asawa. Hindi suportado ng mga Eastons ang kasalang ito, iyon ang totoo. Kaya nga siya narito. Last-minute ay dumalo siya dahil walang familial support si Carl. Inisip niyang kahit papaano, pamilya siya. Pero sa mga sandaling iyon, sa nakikita niya, hindi welcome ang suporta niya.Wala siyang pakialam, naisip niya pagkatapos tigasan ang loob niya. Magiging tapat siya hanggang sa huling sandali. Kahit iyon na ang pinakahuling magagawa niya para kay Carl. Pagkatapos nito ay aalis na sana siya, magpapaalam na nang tuluyan kay Carl sa pinakahuling pagkakataon. Pero habang nakatitig siya kay Sarah, lalong nagiging mahirap hawakan ang kanyang kontrol sa kanyang galit. Pinilit niyang hindi mamuhi rito pero patuloy ito sa pagngiti na parang pusang nagtakas ng paborito niyang ulam sa sandali niyang pagkalingat. Kinupkop niya ito sa kanyang condo sa halos dalawang taon at tinulungan itong makatapos sa kolehiyo. Ni wala siyang kamalay-malay na isa itong kompetisyon sa atensyon ni Carl hanggang sa huli na ang lahat.Isa itong ahas. At mula ngayon, ituturing niya itong ganoon. Sa kanyang titig ay muli itong naasiwa. Alam ni Sarah na sa pagitan nito at ni Fae, ang makakukuha ng simpatya ng mga narito sa mga sandaling iyon ay siya. Hindi na siya nagtaka noong nilabas nito ang alas—victim card. “Fae, please. Kung may respeto ka pa sa pagkakaibigan natin at kay Carl—““Shut the fuck up,” anas niya. Iyong silang tatlo lang ang makakarinig. “I’ll toast and drink the damn champagne for Carl,” sabad niyang paanas. “Don’t worry, Sarah. I will behave, but only for him.”Napatingin siya kay Carl hindi pa man siya tapos magsalita. He looked shocked and stricken. “Fae, please… why did you come? Why are you even here? Mag-eeskandalo ka ba? Can’t you just… let this happen without a hitch? Fae, kasal ko ito.”Napatitig siya rito. Narinig niya ang mga sinabi nito at bigla, na-realize niyang hindi alam ni Carl na dadalo siya. Na hindi ito ang nagpadala ng imbitasyon. She should have known! Muli niyang sinulyapan si Sarah. Namumutla na rin ito habang iniiwas sa kanya ang malikot na mga mata. Ngumiti siya nang matamis sa kinakapatid. Ano pa bang mawawala sa kanya? Habang nakatingin dito, ang mga salita niya ay para kay Sarah. “Thanks for the wedding invitation, Sarah. The card was crass, as you are. Bright pink. Seriously? And did someone who actually reads checked your grammar? Hanggang ngayon kapag nagmamadali ka nakakalimutan mo ang… hindi ko alam kung paano ka nakapasa sa…” Huminga siya ng malalim at tumingin muli sa babae. “Did you make a different card just for me kasi wala ako sa listahan?”Nang muli niyang tiningnan si Carl, he looked shocked. And that was confirmation enough. Tumingin din ito sa asawa. “You sent her an invite?”Hindi siya nakadama ng saya noong napipi ang babae na parang nakalulon ng oyster pero kasama iyong shell. She expected her to deny it. Pero maraming mga matang nakatutok. There was no way she would create a scene right in her own wedding.Galit pa rin siya. Hindi siya invited. They could have avoided all this. “You think marrying into money entitles you to manipulate us like this, bitch?!” anas pa niya. “Fae!” pabulong na sita ni Carl sa kanya. “Please…!”Nanliit siya sa tingin nito. Nanliit siya dahil hindi ito ang ie-expect na behavior sa kanya ng kanyang namayapang ama. Napahiya siya dahil nawala siya sa sarili dahil sa pangmamanipula ni Sarah. Kahit pa sumabog iyon sa mukha nito, namanipula pa rin siya.Na-disappoint sa kanya si Carl dahil kay Sarah.Napatitig na lang siya rito, nag-iinit ang mga mata. Pinanood niya noong tumingin si Sarah kay Carl na akala mo inapi at tinaboy niyon ang luha niya. Ginawa na nito iyon sa kanya. Nagpaawa sa tuwing kailangan nito ng tulong o kaya ay sasalo kapag walang wala ito. Hindi ba iyon nahahalata ni Carl?Obviously not.Para siyang nahaplit ng latigo noong nagbaling ng naninising tingin sa kanya ang lalaki bago niyakap si Sarah sa tabi nito para protektahan laban sa kanya.Hindi niya kinaya. Tinalikuran niya ang dalawa at naglakad nang mabilis palayo. Sa kabila nang patuloy na pagtugtog ng banda sa isang sulok ng bulwagan, sober ang mga bisitang nagbigay sa kanya ng daan habang nakayuko siyang tumatakbo. Hindi niya kayang tumingin sa mga mukha. Hindi niya kayang makita ang awa na siguradong nasa tingin ng mga ito. Ni hindi niya nilingon ang nag-aalalang tawag ng mga pinsan ni Carl sa kanyang pangalan. Tumakas siya. Pansamantala. Iinumin niya ang letseng champagne dahil nangako siya. Ito-toast niya ang kaligayahan ng mga ito. Pero sa mga sandaling iyon ay kailangan muna niyang magtago bago tuluyang sumabog ang kanyang mga luha at lalo siyang magmukhang tanga at kawawa.Lumabas si Fae sa pinto ng lady’s restroom, umaasang sana ay natakpan niya nang maayos ng make up ang pamumula ng kanyang mga pisngi at dulo ng ilong. Kahit papaano ay nagawan niya ng paraan ang kanyang mga mata gamit ang eye drops na binaon niya dahil alam niyang iiyak siya, pero mukha pa rin siyang miserable habang pabalik na siya ulit sa function hall ng hotel. Pinakamahalaga, nagawa niyang kumalma. May dalawang oras pa siyang bubunuin bago matapos ang kalbaryong wedding reception sa hapong iyon. At pagkatapos niyon, she could do whatever she wanted. Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya ang matangkad na lalaking nakamasid sa kanya sa bandang malayo. Nagbuntunghininga siya. Si Jigo, o si Spencer Jigo Myrick, ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Carl noon pa mang bata pa sila na ang pamilya ay ang may-ari ng resort na ito, ng hotel—ng isla. Hindi siya makatingin dito dahil nahihiya siya. Hindi na siya magtataka kung naroon si Jigo para bantayan siya—damage control sa esp
Ang totoo, natuwa si Fae sa paglapit ni Jigo. The last thing she needed was getting exposed to Sarah’s sex bunny. Dahil kay Jigo kaya bigla siyang binitiwan ni Tom. Pero habang lumilingon siya sa kanyang rescuer, namalayan niyang hindi pa pala siya nakakababa sa high stool. Sumuray siya, magsa-slide sa gilid, at babagsak sa kanyang mukha sa sahig. Hinawakan siya ni Jigo sa likod. Naramdaman niyang kumapit ang kamay nito sa kanyang damit at nahila siya bago siya tuluyang mag-slide all the way down… “I’m just talking to Fae,” narinig niyang katwiran ni Tom. Pumapalibot sa kanyang beywang ang braso ni Jigo, securing her in place atop the stool. Napahawak siya sa dibdib nito para bumalanse, ni hindi nag-takang malapad iyon. At matigas. Jigo had always looked solid. Now she knew that he really was solid. She could feel it. Ito ang unang beses na nahawakan niya ito nang ganito, at hindi na siya nagdalawang-isip sumandal dito kasi malakas naman ito. Parang ding-ding na bato. “No…” sabad
Natahimik sila nang sandaling sandali lang. “Thanks… for rescuing me there. I never liked Tom,” aniya. Namatay ang ngiti nito at yumuko ito sa kanya. “May ginawa ba siyang hindi mo gusto?” Nagkibit siya ng mga balikat. “Matagal na… and it’s nothing.” “Tell me,” utos nito. Napatingin siya rito. Pero nagbukas ang elevator doors at lumabas sila. Hindi pa rin siya nito binababa. “I can walk, you know…” paalala niya rito. Medyo umiikot pa rin ang paningin niya kaya papikit-pikit siya, pero nakakapagsalita siya nang maayos kahit konting slurred dahil naririnig na niya ang sarili niya kaysa kaninang nasa maingay pa silang bar. “No, you can’t. Hindi ka na makatayo kanina sa baba.” Napangiwi siya. “I would have been dancing right now… if it had been another wedding.” “Anong ginawa ni Tom?” giit nito. Napakunot ang kanyang noo. “College. Second year Pre-law. Gusto niya ng date. Sabi ko ayoko, may gusto na akong iba. But I was single… no… is. I am still single…” Pilit niyang inangat ang
“Hindi mo ba naisip kahit kailan na hindi mangyayari ang gusto mo? Fae, maganda ka. Matalino. Nasa iyo na lahat nang pwedeng hilingin ng isang lalaki sa isang babae. And if he liked you like that, it wouldn’t have taken long for you to know. Noon pa tiyak ay kayo na.” Kahit papaano ay kalmado na siya kahit sumisinok pa rin siya. Nag-uusap sila. Pinainom siya nito ng tubig at Tylenol, at gumamit na siya ng toilet. Pero nagbalik siya sa yakap nito noong muli itong naupo sa tabi niya dahil muli siyang napaiyak, hindi na nga lamang kasing bayolente nang nauna. Nakikinig siya sa sinasabi nito dahil totoo naman iyon. “It was embarassing… i-in the pa-party,” sambit niya. “I he-hate myself!” “Ssshh…” Humahagod sa likod niya ang isa nitong kamay, patuloy ang pagpapakalma sa kanya. Tinutulungan siyang maging komportable pa. Pero nagdadala ng weird na pakiramdam ang haplos nito. Iyon ang klase ng atensyon na hinahanap niyang maibigay sa kanya ni Carl pero hindi niya natanggap. Nayakap na siya
“Jigo…” sambit niya, reaksyon sa sinabi nito. “Hmmm…?” marahan nitong sagot, paos ang tinig, habang sinisimulan nitong ihagod ang katawan nito sa kanya. Napaliyad siya at napatapon ang kanyang ulo sa unan. Nakalimutan niya ang kanyang sasabihin habang nararamdaman ang matigas na laman nito, humahagod sa pagitan ng mga hita niya, tumatama sa parteng nakakikiliti. Ibang klase ng kiliti. Mainit na kiliti. Masarap na kiliti. She never thought it would feel like this. She was all nervous, excited and so… so curious. And she was on fire. “Ooohhhh… Jigo…!” “I know… it feels good, doesn’t it?” he said, his voice almost lazy if not for the sound of immense satisfaction in it. His head swooped down to kiss her lips with a possessiveness that she could not help but feel. And she was kissing him back now, a serious business, as their bodies began to mold against each other. Umangat ang kanyang mga hita at yumakap sa lower torso nito ang kanyang mga binti. Nararamdaman niya ang paudyok na pa
“Hey…” Nakangiti pa rin si Jigo. Ilang mga minuto na mula noong inangkin niya ang babae sa kanyang tabi pero nananatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Hindi pa siya tinutulak. Hindi nagsisisi. Not yet. He hoped, not ever. Kumakalma na ang mga tibok ng mga puso nila. Natuyo na rin ang pawis sa kanilang mga balat. Bahagya siyang gumalaw pero humigpit ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya. Lalong lumalim ang kanyang ngiti. Hindi siya nagkamali. Making love to Fae was spectacular. She was so perfect. Nagtimpi siya dahil lasing ito, but as soon as she was sober enough and she was focused on him… Sa unang pagkakataon ay nakita nito ang noon pa nito dapat nakita. Ako. Na nasa harapan siya nito. Na katabi niya ito. That he was present. And he was so relieved when she asked for him to help her forget. Lumaban ito ng halik sa kanyang halik at yakap sa kanyang yakap. Tumugon ito sa kanyang init ng sarili nitong init. Umungol ito at sumigaw, tumawa at humingal at d*****g at umiyak
Unti-unting nagising si Fae. Alam niyang umaga na kahit nakapikit pa rin siya. Hindi iyon ang unang gising niya. Isang beses na siyang naalimpungatan kagabi. Iniwan niya si Jigo sandali dahil kailangan niyang pumunta sa banyo, what with all the alcohol and then the full glass of water he made her drink last night. Mabilis siyang nag-shower ng hot water, nilinis ang sarili at ang natirang make up sa mukha niyang maga pa sa kanyang pag-iyak at paglalasing kagabi. Nag-toothbrush siya gamit ang isa sa nakita niyang stock ng bagong tooth-brushes sa banyo at nag-mouthwash habang tinitiis ang nakasisilaw sa ilaw. Hindi niya gustong magising si Jigo sa kanyang morning breath at asim ng kanyang pawis dahil alam niyang babalik siya sa kama at matutulog muli sa yakap nito. Hindi niya gustong umalis. Plano niyang bumalik sa kama nito at tumabi rito, namnamin ang init ng presensya nito, habang posible pa. Masakit ang kanyang ulo pero nagpapasalamat siya sa gamot at tubig na pinilit ni Jigong ip
At yumuko itong muli, saka siniil ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. Bumaba ito, pinapaliguan ng halik ang nadaraanan ng mga labi hanggang nasa pagitan na naman ito ng kanyang mga hita. Sa paglalaro ng mga labi nito at dila sa kanyang clit at tulong ng dalawang daliri nito sa kanyang lagusan ay hinanda siya nitong muli. Ni hindi nagtagal ay lumiliyad siya sa rumagasang sarap nang sa pagsipsip nito at pagdila, sa paglabas-masok ng mga daliri, ay narating niya muli ang sukdulan. Bumabawi pa siya sa mumunting mga pangangatal sa kanyang mga kalamnan noong narinig niyang nagsuot ito ng condom. At noong dahan-dahan nitong tinulak ang matigas na pagkalalaki sa kanya, napaungol si Fae. Masakit pa rin, pero handa na siya. At mas marahan ito, mas maingat sa paglabas-masok nang kalahati lang ng haba nito hanggang sa hindi na niya mapigil ang mga ungol niya sa sarap. Hanggang gumagalaw na ang kanyang balakang pasunod rito, sinusundo ito. “Jigo…” ungol niya. “Okay?” tanong nito, nakatii
Dinala siya ni Jigo sa isang luxurious na restroom. Noong nakita niya ang paligid nang maluwang na cubicle sa black and silver na interior shade design, napaangat ang kanyang ulo sa gulat.“What the—” Tapos napatingin siya sa kabila ng restroom. May isa pang room na kanugnog iyon kung saan may bed at may kitchenette. Noong nabuhay ang ilaw dahil may motion sensor sa may pinto, saka natambad sa kanya ang kabuuan niyon.“It’s been here all along?” natatawa niyang tanong. May day break room at bath si Jigo sa office!“Not like this. Simpleng single bed lang dati at ang laman ng kitchen ay drinks lang. Nagte-take-out ako, ‘yon lang ang laman ng mini-fridge. May damit ako at suits na ilang piraso sa isang closet in case kailangan ko for emergency. Dito rin kasi ako natutulog noon kapag nag-o-overtime ako o kaya sobrang daming ginagawa nag-o-overnight na lang ako. But I’ve had our interior decorator renovate this two months ago. Mabagal nga lang kasi nakaka-work lang sila rito kapag weekends
Nasa meeting si Jigo noong dumating si Fae sa office nito sa 20th floor ng high-rise building ng mga Myrick. May celebration sila ng kanilang monthsary ngayong gabi (both wedding were on the same day, the 15th, but six months apart). Nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon, and it was eight months since the second wedding.Gusto niyang surpresahin si Jigo bago pa ang dinner celebration nila mamayang gabi with a ‘lunch date.’ Matapos niyang bilinan si Maria na siya na ang bahala sa asawa at pwede na itong lumakad para sa lunch break nito, naiwan siyang mag-isa sa opisina kung saan siya nagpalit ng suot niyang damit saka muling sinuot ang mahaba-habang lady’s jacket niyang suot para maitago iyon kay Jigo pagbalik nito mula sa nagaganap na meeting.Twelve-thirty na, wala pa ito. Masakit na ang paa niya sa suot niyang high heels. Mabigat na ang tummy niyang bundat sa kanilang panganay, at inaantok na siya. Lagi siyang inaantok these days dahil sa stress dahil
The wedding came and went without a single hitch. Dahil sa grounds din ang reception, lumipat lang sila ng pwesto matapos ang seremonya para sa selebrasyon. Kung hindi masayang mga tawanan ay pagdapo ng mga luha sa mga pisngi ang dinala ng mga speeches ng mga kaibigan nila o malapit na kamag-anak sa toast ng mga bisita para sa bagong kasal.Pero pinaka-poignant ang mga sinabi ni Carl.Dumating ito kasama ang grandparents na umuwi para dumalo sa kasal. Tahimik ang lahat tungkol kay Sarah na para bang wala man lang nakakilala sa babaeng iyon sa mga bisita rito. May non-disclosure agreement na pinirmahan si Sarah kapalit ng settlement sa paghihiwalay ng mga ito kaya may harang ang bibig nito sa anumang pagtatangkang gumamit ng victim card. Nahihirapan din itong makahanap ng trabaho sa mga law firms sa Kamaynilaan dahil iyong bulung-bulungan na nagpabayad ito kapalit ng sexual favors noong nag-aaral pa ay kumalat. Ang huli niyang balita ay umuwi ito sa pro
“I love you…”Napangiti si Fae sa narinig niyang bulong ng asawa malapit sa kanyang teynga.Nasa may bintana siya sa isa sa mga kwarto sa first-floor ng manor house at nakaroba pa lamang. Nakatalikod siya sa bintana pero nakasandal ang likod sa pasimano ng nakabukas na bintana sa isa sa mga kwarto sa unang palapag ng bahay na ginamit nila sa kanyang paghahanda. May make up na siya at naka-arrange na ang kanyang buhok sa eleganteng chignon na kakabitan ng veil pagkatapos niyang isuot ang kanyang wedding gown.Pero mag-isa siya sa kwarto. Lumabas sandali ang make-up artist para tawagan na ang iba mula sa dining room kung saan nag-aalmusal ang mga ito. Alam niyang pababa na rin ang iba pa mula sa mga guestrooms sa taas at magiging maingay na rito sa sunod na mga sandali.Pero ninamnam muna niya ang katahimikan at kapayapaan bago ang gulo.At dapat inasahan niyang may isang makulit na hindi makakatiis talagang sumili
Natulala si Jigo kay Fae at umikot ang mga mata ng babae. “Oh no, you don’t. Mabuti na rin na hindi mo ako tinangkang lapitan noon dahil sa bilis ng mga pangyayari ngayon, baka hindi ako nakapag-concentrate sa pag-aaral ko.”“I would have helped—”“Kung naging boyfriend na ba kita noon, makakaalis ka para mag-aral sa ibang bansa?”“Isasama kita.”Natatawa siya. As if may point pa ang argument na iyon, tapos na. “And I think my Dad knew, too. Sabi niya, huwag kitang papansinin. That’s why he said you were trouble.”Napaisip ito. “Oh… yes…” sabi nito, napapangiwi. Ilang beses n’ya akong nahuling nakatitig sa ‘yo noon. God.” Napakuskos ito sa mukha nito. Pagkatapos ay tumingala ito sa kisame at pinagdikit ang mga palad. “I’m so in love with her and I’m taking care of her to the most of my ability,
Hinalikan ni Jigo si Fae sa noo. “Go ahead sa kwarto. I’ll just get the staff to clean up here at ang driver para kina Pam. Susunod ako agad.” Saka siya bumulong. “Get naked and I’ll take care of everything for you.”Napahingal ito. “What?”“You were so hot a while ago, didn’t you know? It turned me on big time. Amasona pala ang misis ko kapag may nang-aapi sa akin.”Natatawa na naman ito. “Babe, lagi ka pong turned on,” paalala nito.Hinalikan niya ito sa pisngi. “They’ll be okay. He’ll be okay. Kailangan lang niyang magising at kapag nagtagal, malalaman din niya ang tamang gagawin niya sa buhay niya.”Marahan itong tumango pero biglang bigla, mukha itong pagod. “I’m just worried about him. Mukha siyang wala sa sarili noong umalis. I hope they get home safe.”“Malaki na siya. He’ll be fine,&rdq
Inasahan na ni Jigo ang kamao ni Carl pero hindi siya umiwas. Tinanggap niya ang unang bigwas, makabawas man lang sa iniinda nitong sakit. It barely hurt kasi nanlalambot na rin si Carl. Ni wala iyong pwersa.Pero nakita iyon ni Fae. Sumigaw ito, tumatakbo palapit. Bibigwasan na naman siya ni Carl pero pumihit na siya ngayon at sumala iyon kaya nawalan ito ng balanse. Sinambot niya ito bago ito tuluyang matumba.“Damn you!” sigaw nito pero wala ring lakas iyon. Walang power. Tinulak niya ito hanggang nakatayo na itong muli nang tuwid.Gaganti ba siya ng suntok? The bastard deserved it. Pero bagsak na ito, at hindi siya lumalaban kung wala namang laban.“I hope you made her sign a prenup,” bulong niya sa kaibigan bago tuluyang makalapit ang mga babae at marinig sila. “She’s a lawyer, goddammit! Do something about it.”Pumihit siya sa tumatakbong asawa bago nito itinapon ang sarili sa kanya,
“Do we really have to do this here, Carl?” naiiritang tanong ni Jigo sa kaibigan. “Dito sa nakikita ni Fae na ganito ka?”“Fuck you.”Nagbuntunghininga siya. “Hindi pa ba enough ‘yung dinanas niya sa kasal mo? Dammit. That Sarah has got you wrapped so tightly around her fingers you can’t even think straight.”A moment ago, naaawa siya rito. Sobra itong shocked kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito tungkol sa kinakapatid nito.Na sinamantala raw niyang heartbroken pa ang babae at vulnerable. Na bakit sa dinami-rami ng mga babae, bakit si Fae pa ang pinakialaman at pinaglaruan niya? Hindi ito makapaniwalang ganoon umakto sa kanya si Fae. Iyong sandaling silip nito sa lambingan nila ng asawa sa recliner ay halatang nakayanig rito. Hindi pa nito kasi nakita si Fae na naging ganoon kahit kanino —kahit dito. Affectionate, adoring, touchy-feely. And sweet, and confident. And fiercely prote
“The gall!” biglang sambit ni Pam.“Ay. How dare?” sabi naman ni Kacey.“Lalapit siya talaga?” Si Joanna.Napalingon siyang muli. At iyon, iniwan nga ni Sarah ang nag-uusap na dalawang lalaki. Naglalakad ito ngayon patungo sa kanila.“Isang salita mo lang at dudukutin ko ang eyeballs ng frog fart na ‘yan,” ani Pam. “At hindi ko na kailangang gumamit pa ng scalpel.”“Frog fart?” natatawa niyang baling dito.Umalog ang mga balikat ni Joanna habang natatawa. “Iwan mo na ang mga mata niya sa mukha niya. It’s not like nakakatulong ‘yon sa looks niya.”It was an ongoing joke, ang mga mata ni Sarah. Malalaki kasi at parang luluwa kaya mistula itong laging gulat. Noon ay ‘frog eyes’ ang slur dito ng mga inis dito sa school lalo na iyong mga kaklase nila dating naniniwalang sina-samantala siya nito, mooching off of