A professor named Zedic Lim seeks justice for his bereaved brother, but playful destiny seems to be playing by the rules for them when he meets a student named Mischell Flor, Mischell is a brave girl facing her difficult part of her life. Striving for her dream while smiling in front of everyone just to say that she is really okay even if she is not. The two people meet at the wrong time and try to fight the crazy thing called love. Trying to fight with playful fate. Will they win the game of love?
View More1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.
Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang
Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap
Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la
Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar
Unang araw ng pasukan ngunit tila ba pakiramdam ko ay patapos na ang school year na 'to dahil hindi manlang ako nag-eenjoy ngayong araw na 'to, idadag pa ang katutuhanang first year na ako bilang isang college student at talaga namang katapusan ko na ito ngunit sa tuwing iniisip ko na may pangarap ako nadadagdagan ako ng lakas ng loob upang ituloy ang pagpasok sa unibersidad na ito at mag-aral, kaya laban lang apat na taon lang naman ito kaya malalagpasan ko rin kagaya kung paano ko nalagpasan ang pagiging heart broken mas mahirap naman 'yun kumpara sa pag-aaral Minadali ko na ang paglalakad papasok sa gate ng university dahil sa unang araw ng pasukan ay late ang ateng n'yo kaluka. "My gosh burikat, you're 10 minutes late ano ka ba naman alam mong ngayon ang unang araw ng pasukan girl tapos nag puyat ka pa hindi ka ba tinatalakan ng mother mo na matulog ng maaga kaluka!" Panenermon ni Nath ang sumalubong sa akin nang naglakad na ak...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments