Zedic's POV
"Zedic!" Naistatwa ako mula sa kinatatayuan ko matapos marinig ang istrektong tinig na iyon ni Mom matapos kong nakapasok ng bahay.
Hindi ko inaasahan ang pagpunta nito ngayon dito sa bahay ko at siguradong sermon na naman nito ang maririnig ko.
Hindi ko napansin na narito ito dahil sa likod ng bahay ako dumaan upang iparada ang kotse ko at hindi sa mismong gate.
Marahan ko na itong nilingon kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko na tila ba mas dumuble ang bigat ng bag na kasalukuyang hawak-hawak ko habang naglalakad ako papasok, pinanatili ko ang blankong expression ko upang ipakita sa kaniya na hindi manlang ako natuwang makita ito.
"Looks like you aren't happy to see me?" tanong pa nito matapos ko itong harapin, tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo sa single sopa sa sala at maharang humakbang palapit sa gawi ko, makikita ang manipis na lipstick na nakalapat sa labi niya at bumagay naman ang magandang uri ng floral na bistida na suot nito na tila pinabata siya ng dalawang taon base sa pagkakahugis ng bistidang iyon sa pantay na hugis ng kaniyang balakang, kahit may edad na ito ay hindi maitatangging kaaya-aya pa rin itong tingnan.
"Dapat ba akong matuwa mom?" sarkastikong tugon ko kasabay ng isang mapait na ngiting umukit sa labi ko. "Bumisita ka ba o naparito lang para sermonan na naman ako?" sunod ko uling tanong.
"Mukhang tama ka nga, ano itinuloy mo pa rin ang kalukuhan mo anong mapapala mo sa pagtuturo ah marami ang umaasa sa'yo sa kumpanya hindi mo ba alam iyon at mas gugustuhin mong tumayo sa harap ng mga istudyante mo habang hawak ang marker sa board ganoon ba ang gusto mo?"
Napasinghap na ako sa hangin matapos marinig ang mga sinabi nito.
"Paulit-ulit na naman tayo sa bagay na iyan mom, p'wede ba." medyo inis ko nang sabi, aatras na sana ako upang talikuran ito ay nagsalita ulit siya.
"Paulit-ulit talaga hanggang hindi mo pa rin tinigilan ang kahibangan mo, wala kang mapapala sa pagtuturo Zedic!"
Matapos marinig ang sinabi nito ay inis akong napakamot sa noo ko, "What's wrong with that mom? Ginagawa ko na lahat ng gusto mo at ni dad, hindi ko pinababayaan ang kumpanya at kaya ko iyong ipagsabay sa pagtuturo ko kaya 'wag naman pati ang pagtuturo ko kung saan na lang ako masaya ipagkakait mo pa sa'kin." napapasigaw ko nang saad rito.
"Siguraduhin mo lang na magagawa mo ngang pagsabayin iyang kagustuhan mo Zedic, dahil kapag hindi mo nagawa ang mga trabaho mo sa kumpanya ako mismo ang mag-uutos sa iskwelahan na tinuruan na ipatanggal ka tandaan mo iyan," maawtoridad na saad pa nito.
"Babe nandito ka na pala?" Tinig ni Estella ang sunod na narinig namin dahilan para matigil kami ni mom sa pagsasagutan.
Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis ng malaman na pati pala ang babaeng ito ay nandito rin.
"Hi babe," saad ni Estella.
Mga yabag ng paa ang sunod kong narinig at batid kong papalapit na ito sa'kin pero hindi ko na ito nagawang lingunin pa.
Wala akong nagawa pa nang sunod kong maramdaman ang mahigpit na pagyakap nito sa likod ko.
"Nalaman ko na pupunta pala rito si tita kaya sumama na ako, I miss you babe, why are you ignoring me the whole day? I called and chat you hundred times already but even just one reply I didn't receive from you." Nagtatampong sambit nito habang nakayakap pa rin sa likod ko, hindi ko nagawang igalaw manlang ang katawan ko sa higpit na yakap na iyon na para bang libong taon n'ya akong hindi nakita at subrang na miss niya.
Malalim akong napabuntong hininga saka ito sinagot, "I'm busy."
"I know, naiintindihan ko naman kaya nga ako na lang ang bumisita sa'yo," saad pa nito.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at hinawakan ang braso nitong kasalukuyang nakayapos sa'kin saka ko kinalas ang mahigpit na pagkakayakap niya.
"Hindi pa ba kayo uuwi, gabi na ah?" sinubukan kong sabihin iyon na hindi nila mahahalatang gusto ko na silang umalis.
"Ayaw mo ba na nandito kami ng mom mo, naghanda na ako ng pagkain babe sasabayan ka na namin mag dinner," masigla pa nitong sabi.
"I'm not hungry," mabilis kong tugon. "Pagod na rin ako kaya magpapahinga na ako," dagdag ko pa na hindi manlang tinapunan ng tingin si Estella kahit isang saglit lang.
"Zedic bakit gan'yan mo ba itrato ang girlfriend mo?" istrektong tanong pa ni mom sa'kin dahil kapansin-pansin naman talaga ang malamig na pakikitungo ko kay Estella.
"Why did you care?" walang modo kong sagot rito at saka nagsimula na akong maglakad paakyat ng hagdan.
Dalawang palapag pa lang ng hagdan ang nahahakbangan ko ay huminto ako, hindi ko sila nilingon at nanatiling diretso lang ang tingin ko sa brown na carpet na nakalatag sa hagdan.
"Kung may pagkain kayong hinanda kainin niyo na, pakisara na lang din ng pinto kapag aalis na kayo." Walang emosyon kong saad pa.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap Zedic, bumalik ka rito!" Tawag pa ni mom sa'kin upang pabalikin ako.
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan mom," sagot ko naman na hindi pa rin lumilingon sa kanila.
"Hindi mo manlang ba ihahatid si Estella pauwi?"
"Hindi ako driver, at saka nakarating nga kayo rito na walang tulong ko kaya makakaya niyo na ring umuwi."
"Babe naman," mahihimigan na ang lungkot sa tinig ni Estella ngunit wala na akong pakialam pa roon, muli ko nang tinuloy ang paglalakad paakyat ng hagdan at hindi na sila pinansin pa.
Tuluyan na akong nakaakyat at dumiretso na sa kwarto ko, mabilis kong binuksan ang pinto noon at pabalibag kong isinara ng makapasok na ako.
Pabagsak ko ring inilapag ang bag kong dala sa isang sofa sa loob ng kuwarto, kasabay ng ilang ulit kong pagbuntong hininga upang kalmahin ang kaninang inis na nararamdaman ko.
Matapos kalmahin ang sarili ay nabaling na ang tingin ko sa istante malapit lang sa may pinto, napatitig ako sa isang picture frame dun kung saan makikita ang larawan ko na may saya sa mga labi habang naakbay sa'kin si Kuya Cedric, ito ang nakatatanda kong kapatid.
Kuha ang larawan naming iyon nung 21st birthday ko nang minsan kaming pumunta sa palawan, makikita sa litrato ang masaya naming ngiti at tanging short lang ang aming suot at walang pang itaas na damit, plain brown short ang suot ko habang hawaiian short naman ang style ng kay kuya na kulay asul habang basa ang pareho naming katawan dahil kakaahon lang namin noon sa dagat.
Iyon ang huling beses na nakangiti ako ng ganoon kasaya at hindi ko akalaing iyon na rin ang huling beses na makakasama ko si kuya.
"I hope you are still here to cheer me up brother, I miss you so much." Mapait akong napangiti habang nakatitig sa larawan nito dahil kahit anong gawin ko alam kong hindi ko na ulit makakasama pa ito kahit na humiling pa ako sa isang libong tala, wala nang silbi pa.
Kuya is already dead 3 years ago because of car accident, hindi namin nalaman kung sino ang nakabangga sa kaniya na tanging sabi ng mga pulis na nag-imbistiga sa pinagyarihan ng aksidente ay naging kritikal din ang lagay ng nakabangga rito bukod pa roon ay wala na akong nalaman pa, subrang hirap sa akin ang mawalan ng kapatid na tanging kakampi ko na lang sa lahat at laging nandiyan upang sumoporta sa akin.
Living with a strict parents are isn't easy, kaya ang isa't isa ang tanging nagbibigay lakas sa amin pareho ni kuya dahil sa mga magulang namin na laging nagdedesisyon sa lahat ng bagay para sa amin.
Laging sinasabi sa akin ni kuya na gawin ko ang isang bagay na alam kong doon ako sasaya kasi ayaw niya na matulad ako sa kaniya na naging sunod-sunuran na lang kina mom at dad, may malaking pangarap si kuya at iyon ay ang maging guro mahilig ito sa mga bata kaya gusto n'yang turuan ang mga ito at maging daan siya sa mga batang nangangarap din katulad niya.
Ngunit dahil namulat kaming pareho sa mundo ng pagnenegosyo ay walang nagawa si kuya kung hindi sundin ang gusto ng mga magulang namin, hindi siya naglakas ng loob na sabihin kina mom kung ano talaga ang gusto n'yang maging.
Tanging ginawa na lang n'ya ay ang bagay na alam n'yang magiging proud sa kaniya sina mom at dad kaya business din ang pinili nito kahit hindi naman talaga siya masaya.
Subrang proud ako sa kaniya na nagawa n'yang paunlarin lalo ang kumpanya namin kaya sa aming dalawa siya ang pinaka paborito ni dad, limang taon ang tanda ni kuya sa akin habang sabay kaming nag-aaral ay talaga namang napapabilib ako ni kuya na napagsasabay nito ang pag-aaral sa pagtatrabaho niya sa kumpanya, 25 years old siya noon nang ibigay sa kaniya ni dad ang posisyon bilang CEO sa kumpanya subrang saya ko para sa kaniya kahit alam kong hindi ito masaya para sa sarili niya.
Isang taon pa lang niyang nagampanan ang katungkulan niya bilang CEO ng kumpanya nang mangyari ang aksidente na dahilan upang tuluyang mawala ang isang tao na tanging meron na lang ako, at doon na nagbago ang lahat.
Pinilit ko sina mom at dad na mag palit ako ng course ko sa college at gusto kong maging isang guro, pero hindi sila pumayag.
FLASHBACK
"Zedic, how can it be easy for you to change your course, just because you don't see yourself in busines." Istrektong saad ni dad sa akin habang nanatiling nakayuko lang ako at hindi makatingin rito ng diretso.
"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa nagsisimula, anong mapapala mo sa pagtuturo hindi ka aasinso riyan," sambit naman ni mom.
Naglakas loob na akong sumagot sa kanila dahil hindi ko na kayang manahimik na lang, mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sopa at magkasunod na tinapunan sila ng tingin.
"Tama kayo wala nga marahil akong iaasinso kapag paggiging guro ang pipiliin ko, pero hindi ko gagawin ito para lang sa sarili ko dahil gagawin ko ito para kay kuya!" pasigaw kong sabi na pinilit ko pang huwag mabasag ang boses ko dahil sa galit kasabay ng panginginig ng labi ko dahil sa kaba.
"At ano naman ang kinalaman ng kuya mo rito, wala na si Cedric kaya ikaw na lang ang inaasahan namin na magtutuloy sa pagpapatakbo ng kumpanya," sambit naman ni dad.
"Wala na si kuya at 'wag n'yong hintayin na pati ako mawala na rin," sarkastikong saad ko. "Pinili ko ang pagiging guro kasi iyon ang isang pangarap ni kuya na ipinagkait ninyo sa kaniya hindi n'yo manlang siya binigyan ng layang magdesisyon para sa sarili niya, gusto kong ako mismo ang tumupad ng pangarap niyang iyon at kung ang pagpapatakbo lang sa negosyo ang pinuproblema ninyo sige gagawin ko pa rin iyon kayang-kaya kong ipagsabay iyon huwag niyo lang akong pigilan sa gusto ko." mahabang dagdag ko at saka ko na sila tinalikuran.
END OF FLASHBACK
Walang nang nagawa pa noon sina mom at dad, itinuloy ko pa rin ang pagbabago ng course ko, 22 years old ako nang maka graduate ako ng college kasabay noon ay ibinigay sa'kin ni dad ang katungkulan bilang CEO sa kumpanya na naiwang pwesto ni kuya, kahit wala pa akong napapatunayan sa pagnenegosyo ay ginawa niya pa rin iyon at alam kong malaking kahihiyan ang aabutin ko kapag wala akong naipagmalaki sa kanila.
I'm 24 years old now, dalawang taon ko nang pinagsasabay ang pagtuturo at pagiging CEO ko sa kumpanya, nahahati ang oras ko sa dalawang bagay na iyon ngunit sa pagtuturo nakahanap ako ng kasiyahan dahil iniisip kong nagawa ko ang isang bagay na pangarap ni kuya na hindi nito nagawa at ang pagiging CEO naman sa kumpanya ay patuloy kong pinagbubutihan ngunit kahit pa gawin ko na lahat ng best ko alam kong hindi ko kayang pantayan ang nagawa ni kuya dahil kahit isang beses ay hindi ko manlang naramdaman ang pagiging proud nina mom at dad sa akin katulad kong gaano sila noon kay kuya.
Halos paulit-ulit pinagtatalunan namin ng magulang ko ang tungkol sa pagiging professor ko kasi gusto nilang talikuran ko iyon at ituon ang atensyon ko sa kumpanya, ngunit wala pa rin silang nagagawa kasi ayaw kong itigil ang nasimulan ko na.
'Kung saan ako masaya doon ako,' iyan ang mga katagang itinatatak ko sa isip ko na madalas sabihin ni kuya sa akin noong nabubuhay pa ito kaya ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko na kasi dito na ako masaya, sana ay masaya na rin si kuya sa narating ko ngayon kung asan man siya dahil ako ang nagtuloy ng isang pangarap niya.
Napabuntong hininga ako matapos ng malalim na pag-iisip, sunod na akong tumungo sa banyo upang maligo para mabawasan naman ang pagod na nararamdaman ko sa buo kong katawan.
Zedic's POVMatapos maligo ay agad na akong lumabas ng banyo na tanging puting tuwalya lang ang nakatabing sa pang ibabang parti ng katawan ko, ramdam ko pa ang marahang pagpatak sa balikat ko ng ilang butil ng tubig na tumutulo galing sa basa kong buhok.Nararamdaman ko na ngayon ang maayos na pakiramdam kumpara kanina.Hindi pa ako nagbihis pakatapos noon, sunod kong pinuntahan ang bag na dala ko kanina at mabilis hinagilap roon ang cellphone ko na agad ko namang nakuha.Matapos ng mahabang araw ay ngayon ko na lang ulit nahawakan ang cellphone ko, naka open ang 'Do Not Disturb' button sa phone ko kaya kahit anong call at text ay wala akong maririnig, matapos kong mapindot ang power button ay agad na bumungad sa akin ang 99+ missed calls na galing lahat kay Estella."Tss," agad akong napangisi dahil nabanggit nga nito kanina na marami na s'yang missed call sa akin
Zedic's POV Mabilis kong nilinis ang sugat ko sa kamay matapos kong makapasok sa kwarto, wala akong alam sa paglilinis ng mga sugat kaya paghugas lang ang tangi kong ginawa para maalis ang dugo sa kamay ko isang medyo makapal na gasa ang ipinulupot ko sa kamay upang matigil ang pagdurugo nito at saka hinayaan ko na lang pagkirot nito dahil sa isip-isip ko malayo iyon sa bituka. Matapos ayusin ang pagkakalagay ng gasa sa kamay ko ay lumabas akong muli sa kwarto ko at tinungo ang opisina ko rito sa bahay. "Zedic iho ayos ka lang ba? Magsabi ka lang kung may kailangan ka ah," saad ni Aling Sol ng masalubong ko itong muli habang patungo ako sa opisina ko. "Ayos lang 'wag niyo na akong alalahanin," sagot ko rito. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala kahit hindi man niya sabihin, mayor doma si Aling Sol sa bahay na ito simula pa mga bata kami ni
Mischell's POV"Sorry prof I'm late hehe." Napapahiyang sabi ko rito."Why are you late?" blankong emosyon nitong tanong sa'kin habang naglalakad na papalapit sa harap kung saan ako nakatayo, habang pinapanood lang kami ng lahat nabaling pa ang tingin ko sa kaliwang kamay nito na may binda na hindi ko naman nakita kahapon, ngunit kahit nagtataka ay hindi ko na lang iyon pinansin."Traffic po," pagdadahilan ko na lang."Kung traffic pala sana inagahan mo na ang alis sa bahay niyo, gising ka na ng alas tres hindi ba?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala kong nag chat nga pala ako ng 'good morning' sa group chat kaninang madaling araw at nakitang si Prof ang naunang nag seen kanina."Naku prof palusot lang 'yan ni Mitch, baka 'yong oras na nag chat siya matutulog pa lang haha." Tumatawang sumabat si Nath sa'min dahilan para matawa naman ang ilan.'Tama
Mischell's POVAlas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakauwi ng bahay, naka upo ako sa tabi ng waiting area sa labas ng university para hintayin sina tito upang sunduin ako. 20 percent na lang ang battery ng phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan ang number ni tito pero hindi ko makuntak kahit na si tita.Ako na lang mag-isa ang nandito sa labas dahil nakauwi na rin ang ibang istudyante na mga scholar din na kasabay ko kanina, may night class ang university kaya karamihan ng tao ay nasa loob na dahil oras na ng klase.Sinubukan ko uling tawagan ang number ni tito dahil ilang minuto na akong naiinip sa kakahintay, hindi ako sanay na mag-isang umuwi ng gabi lalo pa at may distansya ang layo ng sakayan mula rito sa university kong maglalakad ako.Paulit-ulit na 'cannot be reached' ang naririnig kong sinasabi sa kabilang linya, alam kong 7 ang uwi nila pero bakit hanggang ngayon ay wala sila halo
Mischell's POV"You're late again miss Flor," blankong emosyong sabi ni prof nang ito ang unang bumungad sa akin ng makapasok ako ng silid.Sinusubukan ko naman talaga e' sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko dahil scholarship ko ang nakasalalay rito ngunit hindi ganoon kadali na kung kinakailangan lang ay gagawin kong dalawa ang sarili ko para magawa ang mga bagay-bagay ng mas madali.Akala ko maaga na ako makakapasok ngayon dahil doon natulog si Aling Gemma sa bahay kaya hindi ko na ito hihintayin pa, pero na late pa rin ako dahil kailangan kong linisin ang dumi ni mama dahil ayoko na pati iyon iasa ko pa kay Aling Gemma na abala na rin sa mga gawaing bahay."Naku prof sabi ko nga po sa inyo laging puyat 'yan si Mitch kaya late na naman," saad ni Nath."Baka may ka-bebe time kaya ganoon," saad naman ni Zoey na nakikisabay na rin sa pang-aasar na da
Zedic's POV"Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko.Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw."Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya.Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina."Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka
Zedic's POVNais ko ng kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko kaya matapos akong talikuran ni miss Flor at pumasok na ito sa silid na iyon ay madali naman akong naglakad pabalik sa opisina ni Sanchez."Bakit bumalik ka pa akala ko nagmamadali ka na huh?" tanong nito ng ikinagulat pa niyang bumalik ako."Kailangan ko ng tulong mo, p'wede mo bang alamin para sa'kin kung anong kalagayan ng pasyente sa room 142?" diretsong saad ko."Room 142?" Tumango ako rito. "Pasyente ko iyon matagal-tagal na rin, siya si Mrs. Flor.""Anong nangyari sa kaniya?" muling tanong ko."Hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo kung hindi mo naman kamag-anak 'yun labag iyon sa rules ng hostipal Mr. Lim." Pagtanggi nitong sagutin ang tanong ko."Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya pati ba iyon bawal, baka gusto mong ipasara ko itong hospital na pinag
Zedic's POV"May pakialam ako kasi nasasaktan ako, hindi mo alam ang pakiramdam habang nakikita ang mahal mong pinapaiyak ng ibang lalaki, hindi mo alam kung gaano kasakit na nakikitang sinasaktan ng iba 'yung babaeng gusto mong alagaan at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal!"Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga katagang iyon na binitawan ni Jester sa harap ko, hindi ko maunawaan ang pakiramdam na tila ba muli ko na namang naramdaman ang dating sakit kung paano nila ako dinurog habang nakikita silang dalawa ni Estella dati na naghahalikan.Alam kong bago ako dumating sa buhay ni Estella si Jester ang nauna, si Jester ang mahal niya bago pa dumating ang araw na pinagtagpo kami ng mga magulang namin at sinabing kami ang nakatakdang magkatuluyan para sa letseng kumpanya at kagustuhan nila.Si Jester ang lalaking masasabi kong hindi tumitingin sa kung anong istado ng buhay mayroon ka, base ang
1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.
Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang
Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap
Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la
Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar