Share

Chapter 3

Author: Imyham
last update Last Updated: 2021-08-26 17:49:48

Mischell's POV

"Oh iha mabuti at nakauwi ka na, kanina pa kita hinihintay paalis na rin kasi ako e',"saad ni Aling Gemma matapos kong buksan ang pinto ng bahay at ito agad ang bumungad sa'kin.

Matamlay lang akong tumango bilang tugon sa sinabi nito at saka ako tumuloy papasok.

Si Aling Gemma ang s'yang katiwala namin sa bahay, ito ang madalas na naiiwan sa bahay araw-araw at umuuwi lang sa bahay nila tuwing gabi at kapag may isa na sa'min ni Tito ang nakauwi para pumalit na bantayan si Mama.

"Nakaluto na rin ako ng hapunan ninyo iha, ikaw na lang bahala pakainin ang mama mo hindi pa siya kumakain," dagdag pa nitong sabi habang kinukuha ang gamit niya na nakasabit sa may gilid ng istante sa sala. 

"Sige po salamat," tipid kong tugon lang rito at napatango pa.

Hindi na rin naman ito nagtagal pa at saka tuluyang umuwi na dahil nagsisimula na rin ang pagkagat ng dilim.

Ng ako na lamang mag-isa sa sala ay napalinga ako sa buong paligid na pakiramdam ko nababalot ng madilim na awra ang buong kabahayan na mas lalong dumagdag sa bigat na nararamdaman ko, ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil sanay na ako sa ganoong pakiramdam.

Nagsimula ulit akong maglakad paliko sa daan malapit sa sala upang tunguhin ang aking silid o sabihin na nating silid namin ni Mama, dahil si Mama ang kasama ko roon.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto dahil sa malawak na pagkakabukas ng pinto ng kwarto dahil alam kong sa loob noon ay walang iba kung hindi si Mama.

"Nakauwi na 'ko," kalmado kong bungad kay mama nang matanaw ko agad ito malapit sa may bintana habang nasa malayo pa ang tingin.

Wala akong narinig na kahit anong tugon mula rito, hindi na ako umasang sasagot siya dahil nakasanayan ko na rin na hindi ako nito kinakausap kaya imbis na pansinin pa iyon ay mabilis ko nang binaba ang back pack ko at saka nagpalit ng pambahay na damit.

Matapos makapagpalit ng damit ay sunod kong nilapitan ang side table kong saan nakalagay ang ilang piraso ng iba't ibang klaseng bote ng gamot na maintenance ni Mama, naroon din ang mga papel kung saan nakatala ang tiyak na oras na dapat n'yang uminom ng gamot.

May isang oras pa bago ang sunod n'yang pag-inom matapos kong makita sa isang papel na 7:00 pm pa ang oras.

Binalot ako ng katahimikang iyon na halos nakasanayan ko na rin, pabagsak kong inupo ang sarili sa kama katabi lang ng side table at nabaling ang paningin ko kay Mama na wala paring pinagbago kung paano ko ito naratnan kanina.

Mula sa wheelchair na kinauupuan nito, pantay ang likod na nakasandal sa sandalang iyon habang sinu-suportahan ng isang malambot na unan ang kanyang likod. 

Mula sa bukas na bintana ay pumapasok ang sariwang hangin kasabay ng nagdidilim na kalangitan, ang hangin na pumapasok sa bukas na bintanang iyon ang kasalukuyang nalalanghap nito, habang ang paningin niya ay hindi ko malaman kung saan nakatingin dahil sa subrang tulala ito at wala ka ring makikita na kahit anong emosyon sa mukha, payat na ang pangangatawan nito ngunit nananatili pa rin ang ganda niya, mula sa manipis na labi at medyo nangungulobot ng balat nito ay hindi pa rin nabawasan kung ano ang itsura nito dati idagdag pa ang mukha na tila hindi manlang yata tinubuan ng tigyawat nu'ng kabataan niya, gano'n ko ilarawan ang itsura ni Mama.

Ang senaryong iyon ang halos araw-araw kong nasasaksihan sa kanya, ang katawan nito na naaalis lang sa pagkakaupo sa wheelchair kapag natutulog, ito rin ang dahilan ng ilang taong paghihirap ko na tila ba nagpapalaki ako ng magulang dahil sa subrang hirap ko sa pag-aalaga sa kaniya ngunit kahit magreklamo man ako ay WALA NAMAN AKONG CHOICE.

Hindi ganito kahirap ang buhay ko noon, pero syempre noon lang iyon dahil ibang-iba na ngayon dahil tila ba nandito ako sa sitwasyon na hindi ko manlang magawang makausad kahit pa pilitin ko.

Lumaki ako sa mayaman at masayang pamilya kasama sina Mama at Papa, subrang rangya ng buhay ko noon na kahit anong hilingin ko ay wala pang isang oras nakukuha ko na ngunit sadyang ang lahat ng iyon ay nakaraan na lamang.

10 years old ako nu'ng mga panahong iyon pinilit kong unawain ang lahat ng mga nangyari sa mura kong edad, nahuli ni Mama noon si Papa na nagluluko at may ibang babae.

Doon nagsimulang nagbago ang lahat sa masayang buhay na kinamulatan ko, naghiwalay sila nang tuluyan dahil wala naman silang kahit anong dokumentong panghahawakan pa para ipaglaban ang pagmamahalang iyon dahil hindi sila kasal na dalawa, ang alam ko ay hindi tanggap ng pamilya ni Mama si Papa noon kaya sapilitan silang nagtanan at hindi na inisip ang kanilang mga magulang, pinilit nila na bumuo ng masayang pamilya hanggang sa mabuo rin ako. 

Nagtagumpay silang gawin iyon ang magkaroon ng masayang pamilya dahil ramdam ko ang pagmamahal at saya kasama sila noon, ngunit sa isang pagkakamali lang na nagawa ng isa tuluyan silang nasira kasama na rin ako na tila ba gumuho ang buong mundo ko kasabay ng pagkawala ng dalawang pundasyon sa pagkatao ko.

Nang maghiwalay sila ay hindi pumayag si Mama na ibigay ako kay Papa, kaya naiwan ako sa piling ni Mama.

Matapos din noon ay tuluyang umalis si Papa papunta sa America kung saan naninirahan ang mga magulang nito, half American si Papa kaya karamihan ng negosyo ng pamilya nito ay nasa State, mula nang malaman kong umalis ito ay nawalan na ako ng kahit na anong komunikasyon pa kay Papa na kahit maliit na sustinto mula rito ay wala akong natanggap, hindi sila kasal ni mama kaya hindi apelyido ni papa ang gamit ko kaya kahit tuluyan ko na itong kalimutan wala na akong pakialam salitang 'anak' na lang ang panghahawakan niya sa'kin wala ng iba, ngunit kahit nga yata iyon ay hindi na rin mahalaga sa kaniya.

Isa iyon sa dahilan kung bakit hanggang ngayon may galit akong kinikimkim sa loob ko para kay Papa dahil tila ba kinalimutan na kami nito.

Nabanggit ko na kanina na walang magulang na kayang sustintohan ang pag-aaral ko kaya nagsumikap akong makahanap ng university kung saan makakakuha ako ng scholarship upang maipagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko ng libre.

Hindi na ako aasa sa walang kwenta kong ama na tila kinalimutan nang may anak siya, wala na rin akong aasahan kay mama na tila hindi manlang naisip na may ako na naghihirap maalagaan lang siya.

Tatlong taon na rin halos ang paghihirap ko sa pag-aalaga kay mama, mula kasi nu'ng naghiwalay sila ni papa ay naligaw ito ng landas, madalas umuwi noon si mama ng lasing habang ako gutom na gutom ng hating gabi habang hinihintay s'yang umuwi umaasa ako noon na may masarap na pasalubong siya para sa akin na madalas nilang ginagawa ni papa ngunit wala dahil masangsang na amoy ng alak sa kanyang katawan ang sasalubong sa akin.

Tatlong taon na ang nakakalipas at ng dahil sa kalasingan ay naaksidente si mama sakay ng kotseng minamaneho niya, naparalisa ang kalahati ng katawan nito kaya tatlong taon na itong halos pag-upo sa wheelchair lang ang nagagawa, at masasabi kong hindi madali ang alagaan ito.

Halos hindi ako makatulog sa gabi dahil kailangan kong palitan ang basang diaper nito sa tuwing iihi, iyon ang dahilan kaya madalas ay late ako pumasok sa iskwela dahil halos buong gabi ay wala akong tulog upang bantayan ano man ang kaniyang kailangan.

Sa tuwing kakain at liligo ito ay ako ang gumagawa, maliban na lang kung nandito si Aling Gemma upang tulungan ako.

Simula ng naaksidente si mama at hindi na nakalakad ay tuluyan na ring narimata ang mga ari-arian na naipondar nila ni Papa noon kasama na ang negosyo at bahay namin, dahil sa laki ng ginastos sa pagpapagamot nito.

Nawala lahat ng mamahaling gamit na minsang meron ako, at sa bahay na ito na kasalukuyang tinitirhan namin ay ang bahay ni tito Vince, siya ang nakababatang kapatid ni mama.

Malaki ang utang na loob ko kay tito na hindi manlang ito nagdalawang isip na patuluyin kami sa bahay niya, nakakasama namin rito ang asawa ni tito na si tita Lexi limang taon na silang kasal ngunit wala pa silang anak.

Si tito lahat ang gumagastos sa pangangailangan namin ni mama, kagaya nga nang sinabi ko may kaya ang pamilya namin noon, kaya gano'n din si tito.

Siya ang gumagastos sa lahat ng gamot ni mama, kasama na ang pagpapasahod kay Aling Gemma na s'yang nagbabantay kay mama sa tuwing umaalis kaming lahat sa bahay.

Ang scholarship na lang ang inaasahan ko sa pag-aaral ngayon dahil ayoko na pati iyon iasa ko rin kay tito, kasi kahit hindi nito sinasabi at ipinapahalata sa akin alam ko na nahihirapan na rin ito sa lahat ng gastusin ng mga gamot at pangangailangan ni mama.

Kahit si Nath ay walang alam sa totoong buhay na meron ako, masayahin akong tao sa harap ng marami kaya wala kahit isang nakakaalam kung gaano ako nahihirapan sa pag-aalaga sa mama kong hindi na makalakad.

Kahit minsan ay wala akong naikuwento kay Nath sa totoong sitwasyon ko dahil ayoko na ang isang kaibigan lang na nakilala ko layuan ako pag nalaman ang totoo, si Nath lang ang kaibigan na meron ako dahil madalas nilalayo ko ang sarili ko sa lahat, hindi ko naranasan mag-enjoy gumala, magliwaliw, maglayas, magpakasaya at magpakadalaga dahil lahat ng iyon ninakaw sa'kin ng pagkakataon na imbis na magsaya narito ako sa bahay inaalagaan si mama.

Anong kasalanan ko bakit ako pinapahirapan ng ganito? Minsan ko na iyang naitanong sa sarili ko ngunit wala akong mahitang kasagutan.

Ang kalayaan na gusto ko ay hindi ko maramdaman dahil tungkulin kong alagaan ang mama ko dahil wala naman ibang gagawa noon kung hindi ako lang.

Sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko na lang namalayan na tumutulo na ang luha ko habang hindi ko manlang pala naalis ang paningin ko kay mama na nandoon pa rin sa dati nitong p'westo at nakatingin pa sa labas.

Nakakapagsalita si mama ngunit mas pinipili nito ang manahimik na lang at batid kong hirap na hirap na rin ito sa ganoong sitwasyon, nais ko na kahit pagkausap na lang sana ang gawin niya upang pagaanin minsan ang loob ko ay hindi nito magawa. Tila ba isang taga alaga na lang ang tingin nito sa'kin at hindi manlang nito ipinaramdam na anak niya ako katulad ng dati, iyon na lang sana e' iyong maramdaman na may mama pa ako dahilan para makaya ko pa lahat ng hirap na ito, ngunit wala at umaasa na lang ako na maibabalik ang masayahin kong Ina na laging nasa tabi ko kapag kailangan ko.

Kagaya nang paglimot ni Papa sa'kin tila ba kinalimutan na rin ni mama ang anak niya na narito lang kasama niya at nagpapakahirap alagaan siya.

Mabilis akong napabuga ng hangin kasabay ng mabilis kong pagpahid ng butil tumulong luha sa pisngi ko, 'Wala nang saysay ang pag-iyak mo Mischell hindi mababago ng mga luhang papatak sa mata mo ang katutuhanang wala na ang masaya at marangyang buhay na meron ka noon,' pagkausap ko pa sa sarili ko.

Mabilis na rin akong napatayo kasabay ng paghakbang papalapit sa kinaroroonan ni mama.

"Ma kain na tayo," saad ko rito.

Ilang minuto na lang kasi ay oras na nang pag-inom nito ng gamot.

Wala na naman akong natanggap na sagot kaya marahan ko nang inatras ang wheelchair na kinauupuan nito at sunod na itinulak upang tumungo na kami sa kusina upang makakain.

May dalawang palapag ang bahay na ito ni tito Vince, ngunit nasa baba lang kami dahil mas madali iyon para hindi mahirapan sa pagtutulak ng wheelchair ni mama patungo sa kung saang parti ng bahay.

"Itinuloy ko pa rin ang kinuha kong course na business administration Ma gusto kong matutunan ang pagnenegosyo at upang bawiin ang dating negosyo na naibinta natin noon dahil sa pagpapagamot mo," kuwento ko rito.

Ngunit pagbuntong hininga ang sunod kong nagawa ng wala na naman itong kahit anong reaksyon o sagot.

Kinukuwento ko sa kaniya lahat ng mga nangyayari sa'kin ngunit kahit papuri o pagsuporta ay hindi manlang niya ginagawa para sa'kin na lingid sa kaalaman n'yang iyon na lamang ang kailangan na kailangan ko mula sa kaniya, ang suporta na lang.

Nakarating kami sa kusina.

Iniharap ko ito sa lamesa, habang kumuha na ako ng plato upang maghanda ng pagkain para kay mama.

Medyo malamig na ang sinigang na isda na siya sigurong niluto ni Aling Gemma bago ito umalis, naglagay na ako sa mangkok para kay mama papatapusin ko muna s'yang kumain bago ako.

Tamang-tama lang ang lamig ng ulam upang hindi na ako mahirap pakainin si mama.

"Kain na Ma," saad ko kasabay ng paglapag ko ng pagkain sa harap nito.

Hinila ko ang isang silya upang makaupo roon at maalalayan ko itong kumain.

Hinalo ko na ang kaunting sabaw sa kanin upang maisubo ko na rito, dahil hindi na rin niya nagagawa iyon, halos hindi na kasi nito maibuka ang mga daliri kaya kahit paghawak ng maayos sa isang bagay ay hindi na niya nagagawa.

"Ma ohh." Inilahad ko ang kutsara sa bibig nito at sinabihan na ibuka ang bibig upang maisubo ko ang pagkain.

Ngunit ikinagulat ko nang mabilis nitong tinabig ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang kutsara na may lamang kanin at sunod tumilapon ang kanin sa sahig at nagbigay ingay rin ang kalantik ng kutsara sa sahig.

"Ayokong kumain, mamamatay na rin naman ako ano pang silbi no'n!" Halos isigaw niya ang mga salitang iyon sa harap ko ngunit hindi ako nasindak pa dahil halos paulit-ulit na ang ganitong eksena sa aming dalawa tuwing pinapakain at pinapainom ko ito ng kaniyang gamot.

Ngumisi ako rito, "Tse, Ma naman halos paulit-ulit mo nang sinasabi 'yang mga salitang iyan, mamamatay na e' hanggang ngayon naman buhay ka pa rin." Sarkastikong sabi ko, alam kong kabastusan na iyon ngunit hindi naman sa lahat ng oras kailangan magpakabait lalo na kung nakakapagod na.

"Edi patayin mo na ako, wala naman na akong silbi hindi ba patayin mo na ako!" Sigaw pa nito.

'Pag walang kwentang bagay may lakas ng loob s'yang magsalita ngunit kapag seryoso at kailangan ko ng kausap hindi niya nagagawa, napaka galing mo naman ma.' Habang iniisip ko iyon ay napailing na lamang ako.

Napatayo na ako ay saka pinulot ang nalaglag na kutsara sa sahig, mamaya ko na lang liligpitin ang tumapong kanin pakatapos ni mama.

Inilapag ko sa lababo ang kutsarang pinulot ko at saka kumuha ng panibagong kutsara na malinis.

"Saka ka na mamatay ma, mangyayari naman 'yang gusto mo e' sasamahan pa kita kung gusto mo, pero ngayon gusto ko samahan mo muna akong mabuhay kaya kailangan mong kumain," sambit ko pa kasabay ng pagsubo ng kanin sa bibig nito.

Sapilitan ko na itong pinakain kasi kailangan n'yang uminom ng gamot, wala naman na itong nagawa at kumain rin. 

Takot pa naman pala s'yang mamatay e' puro salita lang.

Related chapters

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 4

    Zedic's POV"Zedic!" Naistatwa ako mula sa kinatatayuan ko matapos marinig ang istrektong tinig na iyon ni Mom matapos kong nakapasok ng bahay.Hindi ko inaasahan ang pagpunta nito ngayon dito sa bahay ko at siguradong sermon na naman nito ang maririnig ko.Hindi ko napansin na narito ito dahil sa likod ng bahay ako dumaan upang iparada ang kotse ko at hindi sa mismong gate.Marahan ko na itong nilingon kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko na tila ba mas dumuble ang bigat ng bag na kasalukuyang hawak-hawak ko habang naglalakad ako papasok, pinanatili ko ang blankong expression ko upang ipakita sa kaniya na hindi manlang ako natuwang makita ito."Looks like you aren't happy to see me?" tanong pa nito matapos ko itong harapin, tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo sa single sopa sa sala at maharang humakbang palapit sa gawi ko, makikita ang manipis na lipstick

    Last Updated : 2021-09-13
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 5

    Zedic's POVMatapos maligo ay agad na akong lumabas ng banyo na tanging puting tuwalya lang ang nakatabing sa pang ibabang parti ng katawan ko, ramdam ko pa ang marahang pagpatak sa balikat ko ng ilang butil ng tubig na tumutulo galing sa basa kong buhok.Nararamdaman ko na ngayon ang maayos na pakiramdam kumpara kanina.Hindi pa ako nagbihis pakatapos noon, sunod kong pinuntahan ang bag na dala ko kanina at mabilis hinagilap roon ang cellphone ko na agad ko namang nakuha.Matapos ng mahabang araw ay ngayon ko na lang ulit nahawakan ang cellphone ko, naka open ang 'Do Not Disturb' button sa phone ko kaya kahit anong call at text ay wala akong maririnig, matapos kong mapindot ang power button ay agad na bumungad sa akin ang 99+ missed calls na galing lahat kay Estella."Tss," agad akong napangisi dahil nabanggit nga nito kanina na marami na s'yang missed call sa akin

    Last Updated : 2021-09-13
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 6

    Zedic's POV Mabilis kong nilinis ang sugat ko sa kamay matapos kong makapasok sa kwarto, wala akong alam sa paglilinis ng mga sugat kaya paghugas lang ang tangi kong ginawa para maalis ang dugo sa kamay ko isang medyo makapal na gasa ang ipinulupot ko sa kamay upang matigil ang pagdurugo nito at saka hinayaan ko na lang pagkirot nito dahil sa isip-isip ko malayo iyon sa bituka. Matapos ayusin ang pagkakalagay ng gasa sa kamay ko ay lumabas akong muli sa kwarto ko at tinungo ang opisina ko rito sa bahay. "Zedic iho ayos ka lang ba? Magsabi ka lang kung may kailangan ka ah," saad ni Aling Sol ng masalubong ko itong muli habang patungo ako sa opisina ko. "Ayos lang 'wag niyo na akong alalahanin," sagot ko rito. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala kahit hindi man niya sabihin, mayor doma si Aling Sol sa bahay na ito simula pa mga bata kami ni

    Last Updated : 2021-09-16
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 7

    Mischell's POV"Sorry prof I'm late hehe." Napapahiyang sabi ko rito."Why are you late?" blankong emosyon nitong tanong sa'kin habang naglalakad na papalapit sa harap kung saan ako nakatayo, habang pinapanood lang kami ng lahat nabaling pa ang tingin ko sa kaliwang kamay nito na may binda na hindi ko naman nakita kahapon, ngunit kahit nagtataka ay hindi ko na lang iyon pinansin."Traffic po," pagdadahilan ko na lang."Kung traffic pala sana inagahan mo na ang alis sa bahay niyo, gising ka na ng alas tres hindi ba?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala kong nag chat nga pala ako ng 'good morning' sa group chat kaninang madaling araw at nakitang si Prof ang naunang nag seen kanina."Naku prof palusot lang 'yan ni Mitch, baka 'yong oras na nag chat siya matutulog pa lang haha." Tumatawang sumabat si Nath sa'min dahilan para matawa naman ang ilan.'Tama

    Last Updated : 2021-09-16
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 8

    Mischell's POVAlas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakauwi ng bahay, naka upo ako sa tabi ng waiting area sa labas ng university para hintayin sina tito upang sunduin ako. 20 percent na lang ang battery ng phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan ang number ni tito pero hindi ko makuntak kahit na si tita.Ako na lang mag-isa ang nandito sa labas dahil nakauwi na rin ang ibang istudyante na mga scholar din na kasabay ko kanina, may night class ang university kaya karamihan ng tao ay nasa loob na dahil oras na ng klase.Sinubukan ko uling tawagan ang number ni tito dahil ilang minuto na akong naiinip sa kakahintay, hindi ako sanay na mag-isang umuwi ng gabi lalo pa at may distansya ang layo ng sakayan mula rito sa university kong maglalakad ako.Paulit-ulit na 'cannot be reached' ang naririnig kong sinasabi sa kabilang linya, alam kong 7 ang uwi nila pero bakit hanggang ngayon ay wala sila halo

    Last Updated : 2021-09-17
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 9

    Mischell's POV"You're late again miss Flor," blankong emosyong sabi ni prof nang ito ang unang bumungad sa akin ng makapasok ako ng silid.Sinusubukan ko naman talaga e' sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko dahil scholarship ko ang nakasalalay rito ngunit hindi ganoon kadali na kung kinakailangan lang ay gagawin kong dalawa ang sarili ko para magawa ang mga bagay-bagay ng mas madali.Akala ko maaga na ako makakapasok ngayon dahil doon natulog si Aling Gemma sa bahay kaya hindi ko na ito hihintayin pa, pero na late pa rin ako dahil kailangan kong linisin ang dumi ni mama dahil ayoko na pati iyon iasa ko pa kay Aling Gemma na abala na rin sa mga gawaing bahay."Naku prof sabi ko nga po sa inyo laging puyat 'yan si Mitch kaya late na naman," saad ni Nath."Baka may ka-bebe time kaya ganoon," saad naman ni Zoey na nakikisabay na rin sa pang-aasar na da

    Last Updated : 2021-09-18
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 10

    Zedic's POV"Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko.Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw."Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya.Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina."Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka

    Last Updated : 2021-09-19
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 11

    Zedic's POVNais ko ng kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko kaya matapos akong talikuran ni miss Flor at pumasok na ito sa silid na iyon ay madali naman akong naglakad pabalik sa opisina ni Sanchez."Bakit bumalik ka pa akala ko nagmamadali ka na huh?" tanong nito ng ikinagulat pa niyang bumalik ako."Kailangan ko ng tulong mo, p'wede mo bang alamin para sa'kin kung anong kalagayan ng pasyente sa room 142?" diretsong saad ko."Room 142?" Tumango ako rito. "Pasyente ko iyon matagal-tagal na rin, siya si Mrs. Flor.""Anong nangyari sa kaniya?" muling tanong ko."Hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo kung hindi mo naman kamag-anak 'yun labag iyon sa rules ng hostipal Mr. Lim." Pagtanggi nitong sagutin ang tanong ko."Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya pati ba iyon bawal, baka gusto mong ipasara ko itong hospital na pinag

    Last Updated : 2021-09-19

Latest chapter

  • I Love You Prof (Tagalog)   Epilogue

    1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 55

    Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 54

    Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 53

    Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 52

    Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 51

    Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 50

    Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 49

    Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 48

    Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status