Zedic's POV
Matapos maligo ay agad na akong lumabas ng banyo na tanging puting tuwalya lang ang nakatabing sa pang ibabang parti ng katawan ko, ramdam ko pa ang marahang pagpatak sa balikat ko ng ilang butil ng tubig na tumutulo galing sa basa kong buhok.
Nararamdaman ko na ngayon ang maayos na pakiramdam kumpara kanina.
Hindi pa ako nagbihis pakatapos noon, sunod kong pinuntahan ang bag na dala ko kanina at mabilis hinagilap roon ang cellphone ko na agad ko namang nakuha.
Matapos ng mahabang araw ay ngayon ko na lang ulit nahawakan ang cellphone ko, naka open ang 'Do Not Disturb' button sa phone ko kaya kahit anong call at text ay wala akong maririnig, matapos kong mapindot ang power button ay agad na bumungad sa akin ang 99+ missed calls na galing lahat kay Estella.
"Tss," agad akong napangisi dahil nabanggit nga nito kanina na marami na s'yang missed call sa akin.
Ngunit imbis na tawagan ko siya pabalik ay pinindot ko ang 'select all' at agad na binura lahat ng tawag niya upang alisin sa call history ko, ganoon din ang ginawa ko sa mga messeges niya sa inbox ko na hindi ko manlang pinagkaabalahan na basahin kahit isa sa mga iyon.
Sunod kong hinanap sa contact list ko ang number ng secretary kong si Carlos at tinawagan ito, nag ring naman agad ang phone at matapos ang tatlong ring ay saka nito sinagot, kasabay noon ay naglakad ako papalapit sa bintanang salamin ng kwarto ko at doon humarap habang nakatingin sa labas kung saan makikita ang maliwanag na ilaw sa paligid.
"Hello boss, good evening po," bungad ni Carlos sa kabilang linya.
"Natapos mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo kaninang umaga?" walang patumpik-tumpik na saad ko upang sabihin ang pakay ko kung bakit ako tumawag.
"Tapos na po boss."
"Good, send it to my email para ma-check ko bago mo ibigay kay dad," saad ko pa.
"Sige po, ahm boss tanong lang po kailan ka papasok sa office naka tambak na po kasi ang mga papers sa table na kailangan ng pirma niyo at kailan po ang time na available kayo kasi maraming schedule ng meeting ang nacancel ko na at hindi ko alam kong kailan ko eriri-sched?" tanong pa nito.
"Sa wednesday na ako papasok sa office aayusin ko muna ang bago kong schedule sa school, send mo rin sa'kin kung sino ang makakameeting ko at ako na ang gagawa ng paraan para mauna ko iyon."
"Noted boss," sagot ni Carlos at hindi na ako sumagot pa saka agad na en-end ang call.
Matapos noon ay saka na ako naglakad papalapit sa walk-in closet ko para makapagbihis.
Pajamang itim at manipis na puting t-shirt lang ang sinuot na sa tingin kong magiging kumportable ako, agad akong lumabas ng kwarto ko upang tumungo sa kusina upang kumain dahil nagsinungaling lang ako kanina kina mom na hindi ako gutom kahit ang totoo ay wala pa naman talaga akong kinakain.
Ngunit habang pababa ako ng hagdan ay ikinagulat ko nang mabaling ang tingin ko sa sala at nakitang naroroon pa rin si Estalla, nakaupo at abala sa kung anong kinakalikot nito sa phone niya.
"Why are you still here, hindi ka pa sumabay kay mom?" malamig kong sambit rito nang makababa ako sa sala dahilan din para maagaw ko ang atensyon niya.
Naibaba nito ang phone na hawak niya at agad itong tumayo mula sa pagkakaupo nito at saka humakbang papalapit sa'kin.
"I want to stay here with you babe," sambit nito at saka nagtama ang paningin naming dalawa nang tuluyan itong makalapit sa'kin.
Mapait akong napangiti rito, "I don't want you here." mariing sambit ko pa.
"Babe naman please alam ko na kaya ka nagkakaganyan ay dahil galit ka pa rin sa akin, please I'm sorry ilang beses ko pa bang uulit-ulitin sa'yo 'yon ginagawa ko naman lahat hindi ba? gusto kong bumalik na tayo sa dati kung paano tayo nagsimula ayaw ko na ng ganitong pakikitungo mo sa akin." Malungkot ang mga tinig nitong sabi sa akin.
"Gusto mong bumalik tayo sa dati, sige pabor sa akin 'yon." Nakangising sabi ko.
"So pinapatawad mo na ako?"
"Hindi."
"What do you mean?'
"Gusto kong bumalik tayo sa dati kung paano tayo nagsimula hindi ba?...Sige ibalik na natin sa dati nu'ng panahon na hindi pa natin kilala ang isa't isa iyon ang gusto ko," sinabi ko iyon mismo sa harap niya kahit alam kong masasaktan ito dahil alam kong pareho na lang namin pinahihirap ang mga sarili namin.
"Why are you like that, isn't it enough that I already apologize and you have to torture me like this huh, please tell me what should I do to make you fell in love with me again babe, "" sambit nito kasabay nang pangingilid ng luha sa mga mata nito.
"Pinatawad na kita Estela, pero hindi matutumbasan ng patawad na 'yon ang lamat na natamo ko galing sa'yo alam nating pareho na ang relasyong namamagitan sa atin ngayon ay wala nang pagmamahal pa dahil lahat ng ito ay kagustuhan na lamang ng mga magulang natin, kaya ako naman ang makikiusap sa'yo 'wag mo akong pilitin na gawin ang bagay na hindi ko naman talaga gusto, 'wag mo na akong pilitin na mahalin ka pa dahil tapos na pwede ba, kagustuhan na lang ni mom ang ginagawa ko kaya nanatili parin ako sa relasyon nating 'to kahit wala nang pagmamahal." mahabang sabi ko na dahilan upang umagos na ang luha na kaninang nangingilid sa mga mata ni Estella, ngunit kahit isang balde pa siguro ang luhang ibuhos niya ngayon sa harap ko ay wala na akong pakialam pa kasalan niya ang lahat kung paano kami napunta sa sitwasyong ito kaya huwag niya akong pilitin na ibalik ang nasimulan namin dahil nadurog na ako ng dahil sa kaniya.
"Babe please." Nagmamakaawang usal pa nito at hinawakan pa ako sa kamay ko, ngunit agad ko na iyong binawi.
"Go home now Estella its getting late," sabi ko rito ngunit mabilis naman agad itong umiling upang sabihing ayaw niya.
"Go home," pag-uulit ko sa sinabi ko.
"No babe." Pag-iling pa rin nito.
"Ayaw mong umuwi then fine dito ka matulog."
Lumiwanag ang mukha nito ng sabihin ko iyon, mabilis nitong pinunasan ang namamasa n'yang mata dahil sa luha.
"Bukas ang kwarto ko dun ka matulog mag-isa, dahil ako ang aalis," dagdag kong sabi saka ko ito tinalikuran at naglakad na ako patungo sa may pinto.
"What do you mean ikaw ang aalis?" habol nito sa akin ngunit hindi na ako himinto at tumuloy lang sa paglalakad hanggang makalabas na ng tuluyan sa bahay hindi ko na naramdaman na sumunod si Estella, isininyas ko sa guard ng bahay na buksan ang gate sa garahe dahil aalis ako, agad akong sumakay ng kotse ko bukas naman iyon at naiwan ko pa rito ang susi ko kaya laking pasasalamat ko at mabilis na pinaandar iyon.
Umalis ako at tumungo sa isang madilim na lugar lang hindi kalayuan sa bahay, doon ipinarada ko ang sasakyan na walang ibang nakakapansin, mula sa pwesto ko ay tanaw ko lang ang bahay at saka nalang ako babalik kapag nakita ko nang umalis na si Estella dahil alam kong hindi iyon dun magtatagal kasi wala naman ako.
Mayamaya pa ay hindi nga ako nagkamali, nakita ko ang paglabas nito ng gate at naghintay ng dadaang taxi. Mabilis rin itong nakasakay at saka umalis, hinintay ko pa munang makalayo ang sinasakyan nito bago ko naman muling pinaandar ang kotse ko.
Ilang beses akong napabuntong hininga ng dahil sa inis, at mabilis din akong nakabalik sa bahay na ipinagtaka pa ng guard kong bakit ang bilis ko lang nakabalik.
Sa kusina na ako sunod na tumungo dahil sa naramdaman kong pagkalam ng sikmura ko, mabilis na inutusan ko naman ang katulong na ipaghanda ako ng pagkain na agad namang sinunod ng dalawa.
Isang guard at dalawang katulong lang ang kasa-kasama ko sa bahay na ito, ang bahay na ito ay para sa aming dalawa sana ni kuya ngunit nang mawala ito ay ako na lang mag-isa ang tahimik na naninirahan dito kasama ang masayang alaala namin ni kuya na nabuo sa bahay na ito na mananating alaala na lang.
Nawala ang kaninang gutom na nararamdaman ko at biglang nawalan na nang gana para kumain, ngunit pinilit ko pa ring isubo ang pagkain sa bibig ko.
Bumalik na naman kasi sa'kin lahat ng sakit at kahit anong gawin ko wala na si kuya upang pwede kong pagsabihan ng mga problema ko at upang pagaanin ang loob ko.
Si kuya lang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko sa buhay at alam ni kuya na si Estella ang unang babae na nagustuhan ko kahit ipinagkasundo lang kami ng mga magulang namin.
Tama kayo ipinagkasundo lang kaming dalawa ni Estella, magkaibigan at partner sa negosyo ang mga magulang namin at kami ang nakatakdang magtutuloy ng mga negosyong nasimulan nila at kagaya nga ng sabi ko ay sila na ang nagdedesisyon para sa sarili ko kasama na roon ay kung sino ang babaeng gugustuhin ko, nakatakda na kaming magkatuluyan ni Estella kahit hindi ko iyon gusto, pareho kaming 24 years old, isa at kalahating taon na rin kaming may relasyon nito.
Noong una ay alam ng mga magulang namin na nagmamahalan kami kasi sa harap ng mga magulang namin mismo inalok ko si Estella na maging kami na hindi naman nito tinanggihan, masasabi kong nasa kanya na ang katangian ng babae na magugustuhan ng kalalakihan, mayaman, maganda, matalino at marami pang iba. Nagustuhan ko siya nu'ng una at pinilit ko ang sarili kong gustuhin ito ng buong buo na alam kong nararapat na ialay para sa kaniya, ngunit sa likod ng mala anghel nitong panlabas na anyo ay namamahay pala ang dem*nyo sa loob.
Dahil na rin sa may kaya sa buhay ay hindi ko akalaing gano'n siya. Habang tumatagal ay nakilala ko ito halos nauubos ang pera niya sa walang kwentang bagay at pagpaparty gabi-gabi sa bar kasama ang mga kaibigan at kung sino-sinong lalaki, first monthsary namin isinama niya ako sa bar na paboritong tambayan ng mga barkada niya at dun marami akong nalaman sa kaniya. Nagkaroon na siya ng limang ex-boyfriend at pang anim na ako sa mga nakarelasyon niya.
And the worst thing that I discovered to her was all of those guys are already had s*x with her, lahat ng limang iyon na nakarelasyon niya ay naikama na siya, seriously how can I be proud for her being my girlfriend if she's like that, paano ko siya ipagmamalaki na ang isang babaeng sinusubukan kong mahalin ay may tinatago palang kulo, pero sinubukan ko pa rin mahalin siya kasi sabi nga nila kapag mahal mo tanggap mo.
But the f*ck is that kahit ganoon pala ay hindi pa rin madali, many times she really wanted to make love with me but I always refuse her kasi nirerespito ko siya at hindi ko kayang gawin iyon hangga't hindi kami kasal.
I tried my best to make Estella change with her bad habit but it's wasn't enough, fifth monthsary namin niloko niya ako nahuli ko itong nakikipaghalikan mismo sa ex-boyfriend niya at para ako noong dinurog sa subrang sakit at tuluyang nawala ang tiwala ko sa kaniya dahil limang buwan pa nga lang kami ay niluko na niya ako, ang pagmamahal na sinusubukan kong maramdaman para sa kaniya ay tuluyang nawala dahil galit na ang pumalit sa puso ko.
Nakaabot kami ng isa't kalahating taon na parang wala na kaming relasyon dahil sa malamig na pakikitungo ko rito at sa relasyon naming ito ay hindi ako makaalpas dahil na rin sa parehong magulang namin ni Estella, sila na lamang ang masaya na may relasyon kami ni Estella dahil ako kahit anong gawin ko hindi na ako magiging masaya pa sa bagay na ito.
Hindi ko na lang namalayan na dumurugo na pala ang kaliwang kamay ko dahil nabasag na ang wine glass sa subrang higpit ng pagkakahawak ko roon, hindi ko alintana ang mga bubog na naramdaman kong bumaon sa palad ko dahil mas lamang ang kirot na namamayani sa loob ko.
Kitang-kita ko ang marahang pagtulo ng dugo sa lamesa mula sa kamay ko habang nakatuon pa ang siko ko sa gilid ng mesa.
Halos isang subo lang yata ng pagkain ang nagawa ko, nang makitang wala manlang nabawas sa mga pagkaing nakahain sa harap ko.
Sunod na nahagilap ng paningin ko ang basong may lamang tubig saka ko kinuha iyon at mabilis na nilagot ang lamang tubig, matapos maubos ang laman ng baso at mabilis ko ring naitapon sa hangin ang basong iyon at tumama sa sahig saka sunod na umalingawngaw ang ingay ng nabasag na basong iyon sa buong kusina.
Alam kung narinig iyon ng mga katulong ngunit hindi na lang nila pinansin kasi alam kong sanay na sila, sanay na ang dalawang katulong na iyon sa pagwawala ko, ramdam nila na sa pagwawala ko nalang ibinubuhos lahat ng galit na meron ako sa loob ko na patuloy kong kinikimkim.
Patuloy ang pagtulo ng dugo sa kaliwang palad ko at wala akong pakialam roon, padabog kong itinulak ang silyang kinauupuan ko at saka ako tumayo.
"Zedic ayos ka lang ba?" tanong ni Aling Sol sa'kin nang salubungin ako nito palabas ng kusina, nasa kamay kong dumurugo ang paningin nito habang nagtatanong.
Tanging pangalan ko lang ang tinatawag nila sa akin kagaya ng sabi ko sa kanila, imbis na sagutin ang tanong ng matanda ay nilagpasan ko lang ito at saka ako tumuloy sa paglalakad patungo na sa silid ko.
Zedic's POV Mabilis kong nilinis ang sugat ko sa kamay matapos kong makapasok sa kwarto, wala akong alam sa paglilinis ng mga sugat kaya paghugas lang ang tangi kong ginawa para maalis ang dugo sa kamay ko isang medyo makapal na gasa ang ipinulupot ko sa kamay upang matigil ang pagdurugo nito at saka hinayaan ko na lang pagkirot nito dahil sa isip-isip ko malayo iyon sa bituka. Matapos ayusin ang pagkakalagay ng gasa sa kamay ko ay lumabas akong muli sa kwarto ko at tinungo ang opisina ko rito sa bahay. "Zedic iho ayos ka lang ba? Magsabi ka lang kung may kailangan ka ah," saad ni Aling Sol ng masalubong ko itong muli habang patungo ako sa opisina ko. "Ayos lang 'wag niyo na akong alalahanin," sagot ko rito. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala kahit hindi man niya sabihin, mayor doma si Aling Sol sa bahay na ito simula pa mga bata kami ni
Mischell's POV"Sorry prof I'm late hehe." Napapahiyang sabi ko rito."Why are you late?" blankong emosyon nitong tanong sa'kin habang naglalakad na papalapit sa harap kung saan ako nakatayo, habang pinapanood lang kami ng lahat nabaling pa ang tingin ko sa kaliwang kamay nito na may binda na hindi ko naman nakita kahapon, ngunit kahit nagtataka ay hindi ko na lang iyon pinansin."Traffic po," pagdadahilan ko na lang."Kung traffic pala sana inagahan mo na ang alis sa bahay niyo, gising ka na ng alas tres hindi ba?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala kong nag chat nga pala ako ng 'good morning' sa group chat kaninang madaling araw at nakitang si Prof ang naunang nag seen kanina."Naku prof palusot lang 'yan ni Mitch, baka 'yong oras na nag chat siya matutulog pa lang haha." Tumatawang sumabat si Nath sa'min dahilan para matawa naman ang ilan.'Tama
Mischell's POVAlas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakauwi ng bahay, naka upo ako sa tabi ng waiting area sa labas ng university para hintayin sina tito upang sunduin ako. 20 percent na lang ang battery ng phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan ang number ni tito pero hindi ko makuntak kahit na si tita.Ako na lang mag-isa ang nandito sa labas dahil nakauwi na rin ang ibang istudyante na mga scholar din na kasabay ko kanina, may night class ang university kaya karamihan ng tao ay nasa loob na dahil oras na ng klase.Sinubukan ko uling tawagan ang number ni tito dahil ilang minuto na akong naiinip sa kakahintay, hindi ako sanay na mag-isang umuwi ng gabi lalo pa at may distansya ang layo ng sakayan mula rito sa university kong maglalakad ako.Paulit-ulit na 'cannot be reached' ang naririnig kong sinasabi sa kabilang linya, alam kong 7 ang uwi nila pero bakit hanggang ngayon ay wala sila halo
Mischell's POV"You're late again miss Flor," blankong emosyong sabi ni prof nang ito ang unang bumungad sa akin ng makapasok ako ng silid.Sinusubukan ko naman talaga e' sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko dahil scholarship ko ang nakasalalay rito ngunit hindi ganoon kadali na kung kinakailangan lang ay gagawin kong dalawa ang sarili ko para magawa ang mga bagay-bagay ng mas madali.Akala ko maaga na ako makakapasok ngayon dahil doon natulog si Aling Gemma sa bahay kaya hindi ko na ito hihintayin pa, pero na late pa rin ako dahil kailangan kong linisin ang dumi ni mama dahil ayoko na pati iyon iasa ko pa kay Aling Gemma na abala na rin sa mga gawaing bahay."Naku prof sabi ko nga po sa inyo laging puyat 'yan si Mitch kaya late na naman," saad ni Nath."Baka may ka-bebe time kaya ganoon," saad naman ni Zoey na nakikisabay na rin sa pang-aasar na da
Zedic's POV"Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko.Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw."Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya.Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina."Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka
Zedic's POVNais ko ng kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko kaya matapos akong talikuran ni miss Flor at pumasok na ito sa silid na iyon ay madali naman akong naglakad pabalik sa opisina ni Sanchez."Bakit bumalik ka pa akala ko nagmamadali ka na huh?" tanong nito ng ikinagulat pa niyang bumalik ako."Kailangan ko ng tulong mo, p'wede mo bang alamin para sa'kin kung anong kalagayan ng pasyente sa room 142?" diretsong saad ko."Room 142?" Tumango ako rito. "Pasyente ko iyon matagal-tagal na rin, siya si Mrs. Flor.""Anong nangyari sa kaniya?" muling tanong ko."Hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo kung hindi mo naman kamag-anak 'yun labag iyon sa rules ng hostipal Mr. Lim." Pagtanggi nitong sagutin ang tanong ko."Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya pati ba iyon bawal, baka gusto mong ipasara ko itong hospital na pinag
Zedic's POV"May pakialam ako kasi nasasaktan ako, hindi mo alam ang pakiramdam habang nakikita ang mahal mong pinapaiyak ng ibang lalaki, hindi mo alam kung gaano kasakit na nakikitang sinasaktan ng iba 'yung babaeng gusto mong alagaan at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal!"Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga katagang iyon na binitawan ni Jester sa harap ko, hindi ko maunawaan ang pakiramdam na tila ba muli ko na namang naramdaman ang dating sakit kung paano nila ako dinurog habang nakikita silang dalawa ni Estella dati na naghahalikan.Alam kong bago ako dumating sa buhay ni Estella si Jester ang nauna, si Jester ang mahal niya bago pa dumating ang araw na pinagtagpo kami ng mga magulang namin at sinabing kami ang nakatakdang magkatuluyan para sa letseng kumpanya at kagustuhan nila.Si Jester ang lalaking masasabi kong hindi tumitingin sa kung anong istado ng buhay mayroon ka, base ang
Zedic's POVAangkas na sana ako sa motor ko ng biglang lumiwanag ang phone na kasalukuyang nasa bulsa ng pantalon ko.Tiningnan ko muna iyon bago ko sinuot ang helmet.Isang unknown number ang nag text kaya agad kong binuksan para alamin kung kanino galing.'Good morning prof, alam ko umaga mo na ito mababasa dahil baka natutulog ka na sa mga oras na ito si Mischell po ito nakuha ko lang po number mo kay Dok Sanchez ang doctor ni mama nabanggit kasi nito sa'kin na kilala ka niya, gusto ko lang magsorry sa'yo tungkol kanina haha 'di na kita nausap nakaalis na rin kasi kayo.'Iyon ang laman ng mahabang mensahe ni Miss Flor sa akin, hindi ko akalaing sa ganitong oras ay gising pa ito. 12:42 na ang oras na nakikita ko ngayon sa screen ng cellphone ko.Dinial ko ang numero nito na agad namang nag ring at sinagot."Hello?" sagot nito sa kabilang linya.
1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.
Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang
Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap
Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la
Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar