Mischell's POV
"You're late again miss Flor," blankong emosyong sabi ni prof nang ito ang unang bumungad sa akin ng makapasok ako ng silid.
Sinusubukan ko naman talaga e' sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko dahil scholarship ko ang nakasalalay rito ngunit hindi ganoon kadali na kung kinakailangan lang ay gagawin kong dalawa ang sarili ko para magawa ang mga bagay-bagay ng mas madali.
Akala ko maaga na ako makakapasok ngayon dahil doon natulog si Aling Gemma sa bahay kaya hindi ko na ito hihintayin pa, pero na late pa rin ako dahil kailangan kong linisin ang dumi ni mama dahil ayoko na pati iyon iasa ko pa kay Aling Gemma na abala na rin sa mga gawaing bahay.
"Naku prof sabi ko nga po sa inyo laging puyat 'yan si Mitch kaya late na naman," saad ni Nath.
"Baka may ka-bebe time kaya ganoon," saad naman ni Zoey na nakikisabay na rin sa pang-aasar na da
Zedic's POV"Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko.Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw."Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya.Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina."Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka
Zedic's POVNais ko ng kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko kaya matapos akong talikuran ni miss Flor at pumasok na ito sa silid na iyon ay madali naman akong naglakad pabalik sa opisina ni Sanchez."Bakit bumalik ka pa akala ko nagmamadali ka na huh?" tanong nito ng ikinagulat pa niyang bumalik ako."Kailangan ko ng tulong mo, p'wede mo bang alamin para sa'kin kung anong kalagayan ng pasyente sa room 142?" diretsong saad ko."Room 142?" Tumango ako rito. "Pasyente ko iyon matagal-tagal na rin, siya si Mrs. Flor.""Anong nangyari sa kaniya?" muling tanong ko."Hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo kung hindi mo naman kamag-anak 'yun labag iyon sa rules ng hostipal Mr. Lim." Pagtanggi nitong sagutin ang tanong ko."Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya pati ba iyon bawal, baka gusto mong ipasara ko itong hospital na pinag
Zedic's POV"May pakialam ako kasi nasasaktan ako, hindi mo alam ang pakiramdam habang nakikita ang mahal mong pinapaiyak ng ibang lalaki, hindi mo alam kung gaano kasakit na nakikitang sinasaktan ng iba 'yung babaeng gusto mong alagaan at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal!"Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga katagang iyon na binitawan ni Jester sa harap ko, hindi ko maunawaan ang pakiramdam na tila ba muli ko na namang naramdaman ang dating sakit kung paano nila ako dinurog habang nakikita silang dalawa ni Estella dati na naghahalikan.Alam kong bago ako dumating sa buhay ni Estella si Jester ang nauna, si Jester ang mahal niya bago pa dumating ang araw na pinagtagpo kami ng mga magulang namin at sinabing kami ang nakatakdang magkatuluyan para sa letseng kumpanya at kagustuhan nila.Si Jester ang lalaking masasabi kong hindi tumitingin sa kung anong istado ng buhay mayroon ka, base ang
Zedic's POVAangkas na sana ako sa motor ko ng biglang lumiwanag ang phone na kasalukuyang nasa bulsa ng pantalon ko.Tiningnan ko muna iyon bago ko sinuot ang helmet.Isang unknown number ang nag text kaya agad kong binuksan para alamin kung kanino galing.'Good morning prof, alam ko umaga mo na ito mababasa dahil baka natutulog ka na sa mga oras na ito si Mischell po ito nakuha ko lang po number mo kay Dok Sanchez ang doctor ni mama nabanggit kasi nito sa'kin na kilala ka niya, gusto ko lang magsorry sa'yo tungkol kanina haha 'di na kita nausap nakaalis na rin kasi kayo.'Iyon ang laman ng mahabang mensahe ni Miss Flor sa akin, hindi ko akalaing sa ganitong oras ay gising pa ito. 12:42 na ang oras na nakikita ko ngayon sa screen ng cellphone ko.Dinial ko ang numero nito na agad namang nag ring at sinagot."Hello?" sagot nito sa kabilang linya.
Zedic's POV"Mr. Lim!" Pagtawag sa akin ng Principal nang palabas na sana ako ng office upang pumunta na sa unang klase ko.Nakaupo ang principal sa swivel chair nito habang nakatingin sa akin."Yes Ma'am?" Nilingon ko ito kasabay ng tanong."Sabihin mo kung late pa rin ngayong araw ang istudyante mong reniport mo sa akin last week para magawan ng paraan scholar pa naman ang batang iyon," saad ng principal."I think that child need some consideration ma'am," sagot ko na mukhang ikinagulat nito."What do you mean?""I know the real reason why she's always late entering in my class, I talked to her last time in the hospital," paliwanag ko."Hospital?" muling tanong ng principal na mukhang mas ikinagulat ang narinig.Nais kong sabihin ang totoo sa principal para malaman din nito dahil mas kaila
Mischell's POVAtom: Mitch nakaisip na ako ng paraan pa'no ka rin magugustuhan ni Prof, kami na gagawa ng paraan para pagsamahin kayo madalas tapos ikaw na lang bahala sa pakikipag-usap magaling ka naman sa pagpapatawa.Nath: Tama si papa Atom at saka hindi lang sa ganda napapa-ibig ang lalaki kung hindi sa paraan na kaya mo s'yang mapatawa o mapasaya.Zoey: Sa paraan na p'wedeng mapasaya, e ikaw Nath mukhang hindi mo sila napasaya wala kasing pumapatol sa'yo hahaha.Atom: Anong papa ka jan Nath 'di kita anak.Nath: Hindi nga pero aanakan mo 'ko hehe.Bumungad sa'kin ang usapan nilang iyon sa group chat namin na hindi manlang inisip na mababasa ni prof gayung naka add rin ito sa group chat.Me: Mga lintik kayo anong mga pinag-uusapan ninyo baka nakakalimutan n'yong nandito rin sa gc natin si prof mababasa niya 'to.Na
Zedic's POVDumagdag sa dumidilim na paligid ang madilim na kalangitan kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan, marahan ang pagmamaneho ko ng sasakyan dahil na rin sa madulas na kalsadang dinaraanan ko nakikita ko pa ang pagtaas baba ng windscreen wiper ng sasakyan upang punasan at palinawin ang salamin upang malinaw kong makita ang daan dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.Maaga akong lumabas ng kumpanya at hindi ko naman akalaing masasalubong ko ang malakas na ulan, ngunit hindi na rin naman masama dahil ang panoorin ang bawat patak ng ulan ay isang bagay na nagpapaalala rin sa akin kay kuya hindi ko alam kung paano siya nagiging masaya sa ganoong sitwasyon dahil sa bawat buhos ng ulan madalas nakikita ko itong nakatanaw roon at nakangiti.Pluviophile - iyon ang tawag sa mga taong gustong-gusto ang ulan, ganoon si kuya. Tila ba kapag umuulan ay nakakahanap siya ng katahimikan at saya pakiramdam niya sigu
Mischell's POVLintik na 'yun akala ko naman may ibig sabihin na kaya niya ako niyakap, umaasa ako e.Pero at least nayakap ko na rin si prof, iyon ang pangarap ko e ang mahalin ako ng isang lalaki na may malapad na dibdib at kaya akong yakapin pag malungkot ako, kailangan ko pang pag-igihan ang paglalandi para sa masayang bukas awoo.Tila ba nagdidiwang ang buong sistema ko sa masayang pakiramdam na iyon, kahit na narinig ko na rin mismo kay prof na parang kapatid lang ang turing nito sa akin ngunit hindi pa rin ako titigil hangga't hindi si prof ang nagsasabi na tumigil na ako, pakiramdam ko nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko sa loob ko kanina.Ngunit ang saya ko ay agad ding naglaho nang makapasok ako sa bahay at sinalubong ni tita Lexi, salubong ang kilay nito habang nakakrus ang mga kamay at halatang galit.Ang maamong kuting ay nag-iiba ang ugali kapag n
1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.
Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang
Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap
Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la
Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar