The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)

The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)

last updateHuling Na-update : 2024-09-24
By:   Precious Jasmin  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
45Mga Kabanata
3.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Gagawin ni Bivianne Cordova ang lahat para lang maging isang perfect na anak. She'll aim for the top all the time, kahit na sino pa ang makabangga niya. Academics? Sisiguraduhin niyang hinding-hindi na siya matatalo pa ni Yeshua Tada sa number one spot sa buong school. Sports? Hinding-hindi na niya hahayaang matalo pa ng Fahrenheit Academy sa futsal. And she'll do all that to please her mom. Ngunit nang ipakilala ni Zenith Cordova sa kaniya ang isang lalaki, nagkaroon ng kalituhan sa kaniyang puso. She didn't want to date that guy with marriage in mind. Dahil isa lang ang gusto niyang makasama at pakasalan. Makakaya niya kayang suwayin ang ina sa unang pagkakataon para makasama si Oxem? O susuko na lang ito sa mga pagsubok na kanilang kahaharapin?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologue

PrologueHingal na hingal si Yeshua Tada nang makarating sa kinauupuan ni Bivianne Cordova. Hindi pa siya nakahahabol ng hininga nang magsalita siya sa garalgal na boses, “Totoo ba? Manonood ka talaga ng competition?" Kahit hindi siya nito tingnan ay alam niyang kumikinang ang mga mata niya dahil sa balitang dala. Sa halip na magpakita ng anumang senyales ng emosyon, hindi inalis ni Bivianne ang tingin mula sa mga papeles na ginagawa mula nang umagang iyon. "Can you please hand these over to the R&D as soon as possible?” Inilagay niya ang dalawang hanay ng mga papel sa mesa at nagpatuloy, “And this should be handed to the finance.”Saglit niyang tiningnan ang mga papel, pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya rito. "Of course." Aalis na sana siya ng kwarto pero pinili niyang tumalikod at bumalik sa mesa. "So, pupunta ka ba talaga?" Tumingin si Bivianne mula sa kaniyang computer at bumuntonghininga. “Alam mo na ang sagot. Ano pang silbi ng pagtatanong?” Lumawak ang ngiti niya sa ba...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
45 Kabanata
Prologue
PrologueHingal na hingal si Yeshua Tada nang makarating sa kinauupuan ni Bivianne Cordova. Hindi pa siya nakahahabol ng hininga nang magsalita siya sa garalgal na boses, “Totoo ba? Manonood ka talaga ng competition?" Kahit hindi siya nito tingnan ay alam niyang kumikinang ang mga mata niya dahil sa balitang dala. Sa halip na magpakita ng anumang senyales ng emosyon, hindi inalis ni Bivianne ang tingin mula sa mga papeles na ginagawa mula nang umagang iyon. "Can you please hand these over to the R&D as soon as possible?” Inilagay niya ang dalawang hanay ng mga papel sa mesa at nagpatuloy, “And this should be handed to the finance.”Saglit niyang tiningnan ang mga papel, pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya rito. "Of course." Aalis na sana siya ng kwarto pero pinili niyang tumalikod at bumalik sa mesa. "So, pupunta ka ba talaga?" Tumingin si Bivianne mula sa kaniyang computer at bumuntonghininga. “Alam mo na ang sagot. Ano pang silbi ng pagtatanong?” Lumawak ang ngiti niya sa ba
last updateHuling Na-update : 2023-04-28
Magbasa pa
Chapter 1
Bivianne"Please! Please, Bivianne, minsan lang. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nitong laro." Pinagdaop ni Yeshua ang mga palad niya habang sinusundan ako na naglalakad papunta sa classroom namin. Hindi ko siya nilingon para ipakita kung gaano ko kaayaw gawin ang hinihiling niya sa ‘kin. More like, I couldn’t.Bago ako makapasok sa room, hinampas ni Yeshua ang kaniyang palad sa pinto at humarang sa daraanan ko. Isa sa mga katangian niya na kaniyang ipinagmamalaki ay ang kaniyang determinasyon. Nakakainis man sa iba ay wala siyang pakialam. Kung may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.Wala akong choice kung hindi tingnan siya with my usual poker face. Kailan lang kami naging magkaibigan, pero alam ko na kung gaano ka-persistent ang babaeng ito. Wala nga lang akong magawa kahit na alam ko na ‘yon. Hindi ko pa rin siya mapigilan kahit anong mangyari."Ano ang mapapala ko sa pagsali? Maaari akong masugatan o tuluyang masaktan sa paglalaro lang ng larong iyon. Pananagu
last updateHuling Na-update : 2023-04-28
Magbasa pa
Chapter 2
BivianneNakasimangot akong sumakay ng kotse nang walang sinasabi. Alam kong napansin ni mang Kiko na wala ako sa mood nang umagang ‘yon pero hindi na siya nagtanong. Alam kong nang makita niya si mama kanina ay sapat na ‘yong paliwanag. No need for a verbal one.Maagang umalis si mama at ni hindi na niya ako nasabayan sa agahan. That’s better for me, though. Dahil ayokong makasabay siya at kung ano-ano na namang sermon ang matanggap ko. I don’t want to get slapped again.Nang makarating kami sa school ay bumaba na ako ng sasakyan. Papasok na sana ako sa loob nang pigilan ako ni mang Kiko. Hinarap ko naman siya.“Kunin mo ‘to.” Napatingin ako sa inabot niyang lunch box na may isa pang maliit na box. “Hinanda ng asawa ko para ibaon mo. Iyang isang box naman ay may gamot para sa sugat mo sa labi.”Dahan-dahan ko ‘yong inabot at napaiwas ng tingin. “Maraming salamat po.”Isang tipid lang na ngiti ang ginawad niya bago ako hinayaang umalis. Napabuntonghininga ako nang makarating ako sa ro
last updateHuling Na-update : 2023-04-28
Magbasa pa
Chapter 3
Bivianne“Magkakilala kayo?” tanong ni Yeshua habang pabalik-balik ang tingin sa ‘min ng pinsan niya.Ginulo ni Oxem ang buhok niya na ikinaingit nito. “Oo. Nabunggo ko siya at natapon ang milk tea niya kaya binilan ko siya ng bago.”“‘Buti hindi siya nagalit.” Natawa pa si Yeshua. “Mainit ulo niyan kapag natatapon milk tea niya o kaya hindi siya nakakabili eh.”“Really?” Nahimigan ko ang pagkamangha sa tono ng pananalita niya. “‘Buti na lang pala at pinalitan ko ‘yon.”Kumunot ang noo ni Yeshua. “Ano nga palang ginagawa mo sa milk tea-han? Hindi ka naman umiinom n’on?”Nagkibit-balikat lang siya at mas lalong ginulo ang buhok ng pinsan kaya nauwi na naman sila sa away. Hindi ko maiwasang hindi sila panoorin habang nagtatalo. Kahit na naiinis si Yeshua sa ginagawa ng pinsan niya ay para bang sanay na siya. Sa kabilang banda naman, para bang nag-eenjoy talaga itong si Oxem na asarin ang pinsan niya.I’m an only child. My mom is also an only child. Kaya naman wala akong pinsan sa mother
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa
Chapter 4
BivianneNang matapos ako sa pag-aayos ng mga papel ay kinuha ko na ang bag ko. Hindi na sana ako ulit titingin kay Oxem pero nagtama na ang mga mata namin kaya wala na akong nagawa. Sa kabilang banda siya nakaupo pero nasa ‘kin pa rin ang tingin niya kahit na kinakausap siya ni Peter. Mas lalo akong nataranta nang tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa ‘kin.“Done?” tanong niya.“Ahm… yeah. Mauuna na siguro ako. Mukhang nagkakasiyahan pa sila sa pagkukuwentuhan. Hindi ko na sila aabalahin. Nasa’n si tita? Magpaalam na ‘ko.”Sumunod kami ni mang Kiko sa kaniya sa loob ng bahay para magpaalam sa mama niya. Kumaway na lang si Yeshua sa ‘kin bilang pagpapaalam. Mukhang wala pa silang balak na magsiuwian dahil ang dami pa nilang kwento. I wonder where they’re getting all those topics?Nang makarating kami sa loob ay nakita namin si tita na may inaayos sa kusina. Napatingin siya sa ‘min nang tinawag siya ni Oxem.“Bakit hindi ka na rito magtanghalian?” tanong ni tita. “Nagluluto na
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa
Chapter 5
Bivianne“I’ll need you to get an exclusive interview with the owner of the farm you featured on your project,” panimula ni ma’am Aquino.Pinigilan ko ang sarili kong mapabuntonghininga. Baka mamaya ay dagdagan pa niya ang requirements. She can do that. But I can’t afford that. Masyado na akong maraming gagawin para sa panibago pang gawain.“Of course, ma’am. Noted. I’ll secure a document and a short video for the interview.” Mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko kaya pinaalis na niya ako ng faculty matapos ang kaniyang good luck. Yeah. I needed that.Pinakawalan ko na ang buntonghininga na kanina ko pa pinipigilan nang makalabas ako ng faculty. I can handle that. Madali namang i-edit ang video basta ba ay may clips na akong makuha. Pero ang ibig sabihin n’on ay kailangan kong bumalik sa bahay nina Oxem.Matapos ang klase namin ay agad kong sinabihan si Yeshua at nagpasama sa kaniya para sa interview. Pero sa kasamaang palad, ngayong araw nila gagawin ang sarili nilang project kaya a
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa
Chapter 6
Bivianne“What’s the matter?” tanong ni tita. “Oxem, anong nangyayari?”Napaiwas ako ng tingin at agad kinuha ang mga gamit ko para makaalis na roon. I don’t want to be rude kay tita pero ayoko nang manatili pa rito kasama ang anak niya. Her son’s making me uncomfortable. Really uncomfortable.“Mauna na po kami, tita,” pagpapaalam ko. “Pasensiya na po sa abala at maraming salamat po. Kailangan ko na rin pong umuwi.”“Okay. Mag-iingat kayo. Ihahatid ko na kayo hanggang sa labas.”Hindi ko na nagawa pang tingnan si Oxem at dali-dali nang lumabas ng bahay nila. Kung magtatagal pa ako roon ay baka hindi na talaga ako makahinga nang tuluyan. Mabuti na lang at hindi na nagtatanong pa si Kenneth kung ano ang nangyari. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.Muli akong nagpaalam kay tita bago tuluyang umalis. Hindi na rin lumabas si Oxem ng bahay nila, thankfully, kaya hindi ko na ulit siya nakita.Napasandal ako sa upuan at saka bumuntonghininga. What the hell is wrong with that gu
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa
Chapter 7
BivianneNapabuntonghininga ako nang makaalis ang teacher namin sa Earth Science. Tapos na ang klase namin sa buong araw kaya makauuwi na ako.Ilang araw na ang nakalipas magmula noong game nina Yeshua pero fresh pa rin sa 'kin ang mga kaganapan. Paanong hindi ko makalilimutan, eh, nandoon si Oxem.Muli akong napabuntonghininga.Ilang araw na ring siya ang laman ng utak ko. Laking pasasalamat ko na hindi naman naaapektuhan niyon ang pag-aaral ko. Pero after my eighteen years of existence, ngayon lang ako ginulo ng isang lalaki. At least 'yong utak ko.Marami namang nagparamdam sa 'kin kahit noong junior high school ako pero wala ni isa sa kanila ang natipuhan ko. Nagkaroon ako ng crush pero hindi ganito kalala na lagi ko pang iniisip kahit saan ako magpunta. I was just so focus with my studies before na wala na akong oras para sa mga lalaki.At ngayong dumating si Oxem sa buhay ko, nahati ang mga iniisip ko. Kung dati, pag-aaral at milk tea lang ang laman ng isip ko. Ngayon ay kasama
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa
Chapter 8
Bivianne"Bivianne Cordova," tawag ni ma'am Teresa na teacher namin sa Gen Math. "Mukhang occupied ka lately."Noong una ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Ngunit nang makita ko ang grade ko sa exams last time ay napaawang ang bibig ko. Para akong natulis sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa papel ko."Two mistakes. Alam mong wala akong magagawa kapag tinanong ng mama mo ang tungkol sa grades mo, hindi ba?"Napatulala lang ako at tinitigan ang dalawang bilog sa papel ko na para bang magbabago 'yon. Pero hindi. Two of my answers are still wrong. At kahit na anong basa ko sa mga tanong ay mali talaga ‘yon. Hindi ko alam kung bakit kahit alam ko ang tamang sagot ngayon ay mali pa rin ang nasagot ko sa mismong araw ng exams.Hanggang sa matapos ang klase namin sa buong araw ay nakatulala lang ako. There’s no use listening to the class. Dahil paniguradong makukulong na naman ako sa basement at sasaktan ni mama. Thinking about it makes me shiver.Naalala ko noong huling beses na
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa
Chapter 9
BivianneMy classmates are looking at me weirdly again. Alam kong alam nila kung ano ang nangyari kahit na wala akong sinasabihan. It is that obvious. Kahit na mag-jacket ako ay hindi ko pa rin magagawang itago ang mga sugat ko. Heck, I think ang jacket pa nga ang isa sa mga dahilan kaya agaw-pansin ako ngayon.Kaya kahit na nakakairita ay ginawa ko pa rin ang lahat para ipagsawalang-bahala ang mga tingin nila. Bahala silang tumitig diyan. Wala akong pakialam. Kailangan kong mag-aral lalo pa at tumawag sa ‘kin ang bagong tutor ko sa Gen Math. Gaya ng inaasahan ko ay magkakaroon na nga ako ng private tutor.Magaling daw na guro si ma’am Cynthia Joson sa kahit anong branch pa ng math ‘yan. She’s a licensed engineer too pero mas gusto niya raw talaga ang pagtuturo. She’s one of my mom’s few friends in high school.I can’t wait to meet her. Ayon sa impormasyong nabasa ko ay isa siya sa mga sumubok na talunin si mama sa valedictorian position noong high school. It’s like Yeshua and I. I wo
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status