Share

Chapter 41

Bivianne

Tama nga ang sinasabi nilang bumibilis ang oras sa tuwing nag-e-enjoy ang isang tao. Hindi namin namalayan na dumidilim na at kakain na naman kami gayong parang kakakain lang namin ng tanghalian kanina.

Masyado akong immersed sa kwentuhan namin. Kahit madalang akong magsalita ay hindi ako napag-iwanan. Marami nga akong nalaman lalo na sa mga nangyari noon kay Oxem nang bata pa siya.

Patuloy ang pag-ingit ni Oxem sa mga pinsan niyang sinisiwalat ang mga kahihiyan niya noong bata siya. But I don’t mind. I want to know more. Para ko na rin siyang nakasama noong bata siya kapag naririnig ko ‘yong mga kwento nila.

“I should go home,” pasimpleng bulong ko kay Oxem. “It’s getting late. Kailangan kong pumunta sa office bukas.”

“Bakit hindi ka muna rito mag-dinner? Hindi ka paaalisin ni mama hangga’t hindi ka pa nakakakain.”

Napanguso ako. “I guess I can stay for dinner. Dito ka ba matutulog?”

“Sana. Palagi namang nililinis ni mama ‘yong kwarto ko kaya may matutulugan ako ngayon. Iha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status