Share

Chapter 42

Bivianne

After work, dumeretso agad ako sa apartment ni Oxem. Dahil sa nangyari noong nakaraan, I can’t take any more chances. Baka mamaya ay may makakita pa sa ‘ming dalawa. At ayoko na lang isipin kung anong pwede nilang makita.

Nang makarating ako, pinarada ko ang sasakyan ko sa parking. I messaged Oxem na nandito na ako. Hindi kasi ako papapasukin sa loob dahil wala naman akong authority. Mabuti na lang at pwedeng tumanggap ng bisita ang mga naka-rent dito. Pwede ring mag-overnight. Bawal nga lang mag-p-party upang maiwasan ang aberya sa iba.

Habang naghihintay sa entrance, naisipan kong maglakad-lakad para makita ang paligid. May maliit na garden kasi sa harap ng apartment complex kaya sariwa ang hangin at hindi ganoon kainit.

I was about to go back when I felt someone following me. Ang unang hinanap agad ng mga mata ko ay ang gwardiya na nagbabantay sa complex. I can see him from here kaya nakampante ako. I can easily call for help.

Napatili ako nang may sumundot sa tagiliran ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status