Bivianne
“I’ll need you to get an exclusive interview with the owner of the farm you featured on your project,” panimula ni ma’am Aquino.
Pinigilan ko ang sarili kong mapabuntonghininga. Baka mamaya ay dagdagan pa niya ang requirements. She can do that. But I can’t afford that. Masyado na akong maraming gagawin para sa panibago pang gawain.
“Of course, ma’am. Noted. I’ll secure a document and a short video for the interview.” Mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko kaya pinaalis na niya ako ng faculty matapos ang kaniyang good luck. Yeah. I needed that.
Pinakawalan ko na ang buntonghininga na kanina ko pa pinipigilan nang makalabas ako ng faculty. I can handle that. Madali namang i-edit ang video basta ba ay may clips na akong makuha. Pero ang ibig sabihin n’on ay kailangan kong bumalik sa bahay nina Oxem.
Matapos ang klase namin ay agad kong sinabihan si Yeshua at nagpasama sa kaniya para sa interview. Pero sa kasamaang palad, ngayong araw nila gagawin ang sarili nilang project kaya ako lang ang makakapunta. Mabuti na lang at nagpresenta si Kenneth na sumama at siya na raw ang kukuha ng video habang ako ang nag-i-interview.
“Sure ba kayong hindi niyo na need ng tulong namin?” tanong ni Sam. “Nakakahiya naman kung kayo lang ang pupunta roon.”
“Okay lang talaga,” sagot ni Kenneth. “Mag-i-interview lang naman kami. Ako na lang ang tutulong kay Bivianne. Saka isa pa, may training kayo para sa nalalapit na intramurals, ‘di ba?”
Pumayag na rin ako. Gaya ni Yeshua ay kasali rin sila sa competition na ‘yon. Hindi lang ako sigurado kung anong sport ang sinalihan nila. Pero mukhang kami lang yata ni Kenneth ang hindi kasali.
At isa pa, kaya naman na namin ni Kenneth ‘to. Actually, kaya ko na ngang mag-isa, eh. Pero mapilit itong si Kenneth at wala naman daw siyang gagawin. Mas mainam na rin para may katulong ako. Kahit papaano ay gagaan ang gawain ko.
Tahimik lang kami ni Kenneth sa byahe nang maisipan kong i-brief siya sa mga itatanong ko. Binigyan ko siya ng mga tanong na pwede kong sabihin mamaya at siya na raw ang bahala sa mga shot. May tiwala naman ako sa kaniya kaya hindi ko na siya aabalahin kung paanong shot ang gusto niya.
“Paano mo ‘to gagawin nang mag-isa kung hindi ako sumama?” tanong niya.
“Madali lang naman. Isa pa, kabisado ko na ang mga tanong dahil ako lang din naman ang gumawa niyan.”
“Kahit na ba. Kapag ako lang mag-isa ang gumawa nito ay tiyak na mauubos ang energy ko.”
Tama naman siya. Kaya kong gawin ang lahat ng ito pero tiyak mapapagod ako. Pero I can’t afford na mapagod. Hangga’t maaari ay kailangan ko ng energy ko hanggang mamayang madaling araw para makapag-aral.
Sa mga susunod na araw naman after midterms exam ay tiyak luluwag na ulit ang schedule ko lalo pa at magbabakasyon na at ga-graduate na kami.
“Kaya nga salamat at nakasama ka ngayon. Gagaan ang trabaho ko.”
Nahihiya siyang nagkamot ng batok. “Wala ‘yon. Para sa grade naman nating lahat ‘to. Kung tutuusin, mas marami ka pang nagawa para sa buong grupo natin.”
“Gaya ng sabi mo, para naman sa grades natin ‘to. Alam mo naman kung gaano ako ka-competitive pagdating sa grades, ‘di ba?”
Mahina siyang natawa. “Ikaw nga pala ang future valedictorian ng batch natin. Muntik ko nang makalimutan. Kaya dapat kong galingan para mataas ang ibigay sa ‘tin ni ma’am Aquino.”
Natawa na rin ako dahil sa sinabi niya. Kilala niya si ma’am Aquino at medyo mataas talaga ang standards n’on. Madalas din siyang magbagsak ng mga estudyante kahit na alam niyang graduating at saka niya bibigyan ng chance para ma-save ang grades nila.
Kaya siguro pinagawa niya sa ‘kin ‘tong interview. Baka may nakita siyang hindi maganda sa grades ko kaya binigyan niya ako agad ng bago pa man maglabasan ng grades. Isa pa ‘yong tropa ni mama na hindi ko alam kung paano niya nakilala. Ang laki siguro ng circle of friends ni mama.
Napunta kami sa isang computer shop kung saan may ilang mga naglalaro ng online games. Maingay ang ilan sa kanila na para bang magkakalayo sila samantalang magkakatabi lang naman ang mga upuan nila.
Napakamot ako ng ulo dahil ayon kay Yeshua, nandito raw si Oxem. Siya raw ang i-interview-hin namin para sa project namin dahil siya ang mas nakakaalam ng pasikot-sikot doon, not his mom or his dad.
Pero hindi ko inaasahang nandito siya sa maingay na lugar na ‘to. I thought he’s a college student. Dapat ay busy na siya lalo na at maaga pa. Dapat nga ay nasa school pa siya o kung ano.
“Oxem?” tawag ko sa kaniya nang medyo makalapit kami ni Kenneth. Pero dahil may malaki siyang headphones na nakakabit sa tainga niya ay hindi niya ako marinig.
Tinawag ko ulit siya at kinalabit sa balikat. Mabilis siyang napatingin sa ‘kin bago binalik ang tingin sa nilalaro. Napahinto ang mga daliri niya sa mabilis na pagpindot sa keyboard at mouse na para bang biglang natigilan.
“Oxem!” bulalas ng katabi niya. “Anong ginagawa mo? Bakit ka tumigil? Hindi kita kayang iligtas sa mga kalaban. Palapit na sila. Hoy!” At kung ano-ano pang mura ang narinig matapos niyang sabihin ‘yon.
Halos mahulog naman si Oxem sa kinauupuan niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa ‘kin. Wala na siyang pakialam sa kalaro niyang kanina pa siya minumura. Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa ‘kin.
“Bivianne?” hindi makapaniwalang tanong niya. Kinusot pa niya ang mga mata bago ako hinarap. “Anong ginagawa mo rito?”
“What the fuck, bro!” muling bulalas ng katabi niya sabay hagis ng mouse na tumama pa sa monitor. “We’re dead. Ano bang ginagawa mo?” Napatingin din siya sa ‘kin at doon ko lang napansin na si Peter pala itong katabi niya, one of his cousins. Iyong maingay at hyper.
“Yeshua said you should be here,” sabi ko na lang.
“Gago talaga ‘yong babaeng ‘yon,” bulong niya, sapat lang para marinig ko. Hindi ko inaasahan ang isang mura sa bibig niya.
“Bivianne, right?” tanong ni Peter. “Nandito ka pala. Si Oxem ba ang sadya mo?”
“Yeah. Kailangan ko ng interview mula sa kaniya. Hintayin ka na lang namin ni Kenneth sa labas kapag tapos ka na.” Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumalikod na. Sumunod lang si Kenneth sa likod ko.
Hindi naman sinabi ni Yeshua na busy pa pala si Oxem. Nakakahiya tuloy na kailangan pa naming istorbohin ang paglalaro niya. Kami na nga lang itong nanghihingi ng pabor, kami pa ang nang-iistorbo.
“Wait!” Boses ‘yon ni Oxem. “I’m sorry about that.”
Binalik ko ang tingin sa kaniya. “It’s okay. Hindi naman kami nagmamadali ni Kenneth. Hintayin ka na lang namin.”
Agad siyang umiling habang nakakunot ang noo. Nakatingin lang siya kay Kenneth na papasok na sasakyan. “It’s not okay. Pasensiya na. Hindi ako sinabihan ni Yeshua.”
Ako naman ang napakunot ang noo. “Sabi niya sinabihan ka niya kaya nagpunta kami rito para sunduin ka. Hindi ko alam na naglalaro ka pala.”
Napapikit na lang siya na para bang nagtitimpi. Is he mad at me? Naistorbo ko ba siya sa paglalaro nila ng pinsan niya? Hindi ko naman kasi inaasahan na busy siya ngayon. Kung alam ko lang ay pinagpaliban ko muna sana kahit isang araw lang.
“I’m sorry,” sambit ko. “Kung gusto mo, bukas na lang natin gawin ‘yong interview. Okay lang naman sa ‘min.”
“No. It’s okay. Let’s do it.”
Dahan-dahan akong napatango at pinanood siyang maglakad papunta sa sakayan.
Tinawag ko siya. “Sumabay ka na sa ‘min sa sasakyan para hindi ka na mamasahe. Isa lang naman ang patutunguhan natin.”
Bumuntonghininga siya bago sumunod sa ‘kin. Okay. He’s really mad. Pero anong magagawa ko? I already told him we could do it tomorrow. Siya itong nagsabi na ngayon na gawin. Ang gulo niya rin.
Sa passenger’s seat ako naupo at silang dalawa naman ang nasa likod. Wala ni isa sa ‘min ang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa bahay nina Oxem. Nag-aalangan pa rin ako sa pagpunta namin dito dahil na rin sa inasta niya kanina. Baka mamaya ay hindi pala talaga siya available at napilitan lang dahil nandito na kami.
Kahit kailan talaga si Yeshua. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak n’on. Dapat sinabi niya na wala sa bahay ang pinsan niya dahil may ginagawa. ‘Tapos hindi pa pala niya sinabi na pupunta kami kaya nagkagulatan pa kami sa computer shop.
Sinalubong kami ulit ni tita Kelly nang makarating kami. Mukhang nasabihan na ni Oxem ang mama niya na darating kami kaya wala nang gulatan na nangyari. Mukhang wala pa rin si Oxem sa mood kaya hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang interview. Kaunti lang naman ang itatanong ko pero kung ganito ang atmosphere sa paligid namin, baka hindi namin magawa nang maayos ang interview.
“Bakit hindi muna kayo magmiryenda?” tanong ni tita Kelly habang nasa sala kami. “Nagluto ako ng pancit para sa mga pinsan nitong si Oxem pero ang daming natira. Sayang naman kung matatambak lang.”
“Maraming salamat po, tita,” ani Kenneth bago kumuha ng plato para ipaghain ang sarili niya. Humarap siya sa ‘kin. “Gusto mo rin ba?”
Tango lang ang sinagot ko bago akmang kukuha ng sa ‘kin. Pero inabot niya sa ‘kin ang kinuha niya. Hindi na ako umangal at kinuha na ‘yon para makakuha rin siya ng kaniya.
Kakainin ko na sana ang sinandok ni Kenneth para sa ‘kin nang mapansin ko ang titig ni Oxem. Halos mabilaukan pa ako dahil sa bigla. Mukhang galit talaga siya dahil sa pagkakakunot ng noo niya. Ang awkward naman nito.
“Naalala ko noong nag-aaral pa ako,” sambit ni tita. “Isa sa mga ayaw ko ay ang interview lalo na kapag hindi ko kilala ‘yong kausap ko. Mag-usap muna kayo habang kumakain para gumaan ang loob niyo sa isa’t isa.”
Mukhang hindi po gagaan ang loob ko ngayon, tita. Ang hirap naman kasi i-approach ng anak niya sa ganitong pagkakataon. Isa pa, hindi ko pa siya ganoong kakilala. Ayon kay Yeshua, mainitin ang ulo ng pinsan niyang ‘to lalo na sa kaniya. Baka napainit ko rin ang ulo niya dahil sa nangyari.
“Pasensiya na, bro, ah?” panimula ni Kenneth. “Ang sabi lang kasi sa ‘min ni Yeshua ay kung nasaan ka. Hindi naman niya sinabing busy ka at naglalaro.”
Napasinghal si Oxem bago inabot ang isang plato at kumuha ng pancit para sa kaniya. “Pinag-trip-an na naman ako ng babaeng ‘yon. Hindi niyo kasalanan. Ako dapat ang humingi ng pasensiya dahil sa ginawa ng pinsan ko.”
Natawa naman si Kenneth. “Close talaga kayong magpipinsan, ‘no? Napansin ko rin noong nakaraan. Hindi kayo nahihiya sa isa’t isa. Kami kasi ng mga pinsan ko, hindi ganoon kalapit sa isa’t isa.” Humarap siya sa ‘kin. “Ikaw, Bivianne? Close ba kayo ng mga pinsan mo?”
Napatigil ako sa pagkain bago sumagot, “Wala akong pinsan. Only child ang nanay ko at hindi ko naman nakilala ang tatay ko. Kung may pinsan man ako, hindi ko na sila nakilala.” Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko at mahinang nag-sorry. “Hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi mo naman kasalanan.”
Tumango-tango siya bago nagbukas ulit ng panibagong topic. Mukhang gumagaan na ang paligid namin dahil kay Kenneth kaya hindi nagtagal ay nagsimula na rin kami. Huminga pa ako nang malalim dahil parang ako na lang ang hindi pa rin maka-move on at kinakabahan pa rin.
Sa buong interview na naganap, nakatitig lang sa ‘kin si Oxem kahit na sinasagot na niya ang mga tanong ko. Kenneth didn’t mind, though. Hindi na niya sinubukan pang paharapin ito sa camera dahil hindi naman daw kailangan. Ako tuloy ang hindi komportable sa oras na ginugol namin.
Nang matapos kami ay roon lang ako nakahinga nang maluwag. Kumuha agad ako ng tubig at inubos ang isang baso. Siguro dahil na rin sa ilang oras kaming nagsasalita lang nang nagsasalita kaya natuyuan ako ng laway.
“Are you okay?”
Halos mahigit ko na naman ang hininga ko nang marinig siyang bumulong sa tainga ko. I can feel his breath from behind me, and I know he’s close. Too close for my comfort. Mabilis akong umalis sa harap niya at dumeretso papuntang sala kung nasaan si Kenneth at inaayos ang mga shot niya.
“Of course. Bakit naman ako hindi magiging okay?” Hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya.
“I don’t know. Kanina ka pa hindi makatingin sa ‘kin.” I shot him a look. Baka kung ano ang isipin ni Kenneth sa mga sinasabi niya. Mukhang napapansin na rin niya ang palitan namin ng mga salita.
“Ano naman kung hindi ako makatingin sa ‘yo? Is that a big deal? Hindi lang talaga ako makatingin sa mata ng ibang tao. It’s making me uncomfortable.”
“I am making you uncomfortable, am I not?”
Napaawang na ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Okay. Kahit na totoo ‘yon, there’s no way in hell I’m going to admit it.
“Wala namang kaso sa ‘yo sa tuwing tumitingin ka kay Kenneth, ah?” Tuluyan nang napatingin sa ‘min si Kenneth. “Pero bakit sa ‘kin ayaw mong tumingin? May nagawa ba ‘ko? Do you hate me?”
Napapikit ako nang mariin bago dumilat at tumingin sa kaniya. “I don’t hate you!” mahinang bulalas ko nang makita si tita na papunta sa gawi namin.
“Then, what is it? Gusto ko ring tingnan mo ‘ko gaya ng pagtingin mo sa iba. I want you to pay some attention to me, too.”
Mas lalo na akong hindi nakasagot dahil sa sinabi niya. What the hell is wrong with this guy? He’s making my heart beat so fast.
Bivianne“What’s the matter?” tanong ni tita. “Oxem, anong nangyayari?”Napaiwas ako ng tingin at agad kinuha ang mga gamit ko para makaalis na roon. I don’t want to be rude kay tita pero ayoko nang manatili pa rito kasama ang anak niya. Her son’s making me uncomfortable. Really uncomfortable.“Mauna na po kami, tita,” pagpapaalam ko. “Pasensiya na po sa abala at maraming salamat po. Kailangan ko na rin pong umuwi.”“Okay. Mag-iingat kayo. Ihahatid ko na kayo hanggang sa labas.”Hindi ko na nagawa pang tingnan si Oxem at dali-dali nang lumabas ng bahay nila. Kung magtatagal pa ako roon ay baka hindi na talaga ako makahinga nang tuluyan. Mabuti na lang at hindi na nagtatanong pa si Kenneth kung ano ang nangyari. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.Muli akong nagpaalam kay tita bago tuluyang umalis. Hindi na rin lumabas si Oxem ng bahay nila, thankfully, kaya hindi ko na ulit siya nakita.Napasandal ako sa upuan at saka bumuntonghininga. What the hell is wrong with that gu
BivianneNapabuntonghininga ako nang makaalis ang teacher namin sa Earth Science. Tapos na ang klase namin sa buong araw kaya makauuwi na ako.Ilang araw na ang nakalipas magmula noong game nina Yeshua pero fresh pa rin sa 'kin ang mga kaganapan. Paanong hindi ko makalilimutan, eh, nandoon si Oxem.Muli akong napabuntonghininga.Ilang araw na ring siya ang laman ng utak ko. Laking pasasalamat ko na hindi naman naaapektuhan niyon ang pag-aaral ko. Pero after my eighteen years of existence, ngayon lang ako ginulo ng isang lalaki. At least 'yong utak ko.Marami namang nagparamdam sa 'kin kahit noong junior high school ako pero wala ni isa sa kanila ang natipuhan ko. Nagkaroon ako ng crush pero hindi ganito kalala na lagi ko pang iniisip kahit saan ako magpunta. I was just so focus with my studies before na wala na akong oras para sa mga lalaki.At ngayong dumating si Oxem sa buhay ko, nahati ang mga iniisip ko. Kung dati, pag-aaral at milk tea lang ang laman ng isip ko. Ngayon ay kasama
Bivianne"Bivianne Cordova," tawag ni ma'am Teresa na teacher namin sa Gen Math. "Mukhang occupied ka lately."Noong una ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Ngunit nang makita ko ang grade ko sa exams last time ay napaawang ang bibig ko. Para akong natulis sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa papel ko."Two mistakes. Alam mong wala akong magagawa kapag tinanong ng mama mo ang tungkol sa grades mo, hindi ba?"Napatulala lang ako at tinitigan ang dalawang bilog sa papel ko na para bang magbabago 'yon. Pero hindi. Two of my answers are still wrong. At kahit na anong basa ko sa mga tanong ay mali talaga ‘yon. Hindi ko alam kung bakit kahit alam ko ang tamang sagot ngayon ay mali pa rin ang nasagot ko sa mismong araw ng exams.Hanggang sa matapos ang klase namin sa buong araw ay nakatulala lang ako. There’s no use listening to the class. Dahil paniguradong makukulong na naman ako sa basement at sasaktan ni mama. Thinking about it makes me shiver.Naalala ko noong huling beses na
BivianneMy classmates are looking at me weirdly again. Alam kong alam nila kung ano ang nangyari kahit na wala akong sinasabihan. It is that obvious. Kahit na mag-jacket ako ay hindi ko pa rin magagawang itago ang mga sugat ko. Heck, I think ang jacket pa nga ang isa sa mga dahilan kaya agaw-pansin ako ngayon.Kaya kahit na nakakairita ay ginawa ko pa rin ang lahat para ipagsawalang-bahala ang mga tingin nila. Bahala silang tumitig diyan. Wala akong pakialam. Kailangan kong mag-aral lalo pa at tumawag sa ‘kin ang bagong tutor ko sa Gen Math. Gaya ng inaasahan ko ay magkakaroon na nga ako ng private tutor.Magaling daw na guro si ma’am Cynthia Joson sa kahit anong branch pa ng math ‘yan. She’s a licensed engineer too pero mas gusto niya raw talaga ang pagtuturo. She’s one of my mom’s few friends in high school.I can’t wait to meet her. Ayon sa impormasyong nabasa ko ay isa siya sa mga sumubok na talunin si mama sa valedictorian position noong high school. It’s like Yeshua and I. I wo
BivianneHuminga ako nang malalim bago nagsimulang magsagot. Today is our midterm examinations. I need to do well. Ngayon ko kailangang ipakita kay mama na ako ulit ang makakakuha ng first spot sa buong batch namin. All those sleepless nights will finally pay off.Sa kalagitnaan ng pagsasagot, I felt something dripped out of my nose. Nang punasan ko ‘yon ay nakita kong nagdurugo ang ilong ko. I quickly grabbed a napkin inside my bag. Napansin ‘yon ng teacher namin kaya agad niya akong pinatingala. But I didn’t listen to her. I need to finish the test on time. Ilang minuto na lang ang mayroon ako.“It’s okay, Bivianne,” ani ma’am Teresa. “Bibigyan kita ng time mamaya para matapos ang test. Patigilin mo muna ang pagdurugo ng ilong mo.”Sinunod ko siya. Hindi naman nagtagal at tumigil na rin ‘yon kaya nagpatuloy na ako. Kahit na nahihilo na ako ay hindi ko pa rin tinanggal ang tingin sa papel ko. Napapikit na lang ako nang maraan nang matapos ko ang huling equation. My head throbbed more
BivianneHuminga ako nang malalim at inihip ang malamig na simoy ng hangin. Dinala ako ni Oxem sa isang malawak na bukid na pagmamay-ari daw ng pamilya nila. I think it’s one of his cousins. "Kise's family owns this farm," panimula ni Oxem. "The Ramos family, my father side, is not really a wealthy clan. Sa katunayan, below average ang pamumuhay nina lola at lolo. Si lolo lang ang may trabaho kaya sapat lang 'yon sa araw-araw nilang pagkain. They're a family with thirteen kids, after all."Tinitigan ko siya habang nakatingin siya sa malawak na bukid. Para bang nakikita niya roon ang lolo at lola niya kasama ang mga anak nila. Nakinig ako habang nagkukuwento siya. Naupo kami sa damuhan na pinatungan niya lang ng isang malaking blanket.“Tell me more about your family,” sabi ko. “Gusto ko pa kayong makilala. Gusto pa kitang makilala.”Nagtama ang mga mata namin kaya napangiti siya. “Nothing worth telling, actually. Gaya ng nakita mo, lumaki ako kasama ang mga pinsan ko kaya sobrang la
BivianneAgad na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita si mom na nasa sala. Umiinom siya ng wine habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. Probably about work. Hindi naman siya nauubusan ng trabaho."Where have you been?" tanong niya nang hindi man lang inaangat ang tingin mula sa tablet.Lumapit ako sa kaniya habang nakayuko. "My friend's house.""Yeshua's?" Right. She knows I'm friends with Yeshua. Siya lang naman ang kaibigan ko. Not until I met her cousins, though."Yeah. With her cousins."Umarko ang kilay niya. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa tablet. "Her cousins?""Nakilala ko sila noong may activity kami tungkol sa isang farm. May farm kasing pag-aari ang pinsan ni Yeshua. Pinakilala niya kami ng mga kagrupo ko.""I remember that. Take a seat." Tinuro niya ang bakanteng sofa sa harap niya. "So, how was your grade there?"Pagkaupo ko ay agad nagbaba ng miryenda si Cassady sa harap ko. "We received a perfect grade.""Good. And your midterms, how was it?""I answered
BivianneI heaved a long deep sigh before listening to our teacher. Hindi pa naman kami lesson proper pero kailangan ko pa ring makinig dahil baka may ma-miss akong mahalagang announcement. Malapit na ang finals. Tiyak na mas darami pa ang mga requirement namin para sa nalalapit na graduation.Pero kahit ano ang gawin ko, hindi talaga ako makapag-focus. Wala pa rin akong marinig sa mga sinasabi ni Sir Ohn. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga sinabi ni Oxem kanina bago kami naghiwalay sa hallway.He’s bothered by my presence, too. Gaya ko ay bumibilis din ang tibok ng puso niya sa tuwing magkakadikit kami. Just his mere presence gives me butterflies. At ang malaman na ganoon din siya ay mas lalong nagpagulo sa utak at puso ko.It’s not one of my plans to like a guy in high school. Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pag-aaral. Pwedeng-pwede akong maghanap ng taong magugustuhan ko kapag nagtatrabaho na ako. Pero ngayon, hindi ko na alam.Ang tingin alam ko lang ay gusto ko s
Bivianne“I said,” sabi ko, “what the hell is this? Bakit naka-bandage ‘tong braso mo?”Napaiwas siya ng tingin. “Wala. Dahil lang ‘to sa paglalaro. Masyado lang na-strain kaya nilagyan ko ng bandage.”“And the bruises? Dahil din sa paglalaro?”“I just bumped into something.”Natawa ako. “What, like, you bumped into something ten times?” Nang hindi siya sumagot, naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. “Who did this?”Hinigit niya ang kamay pabalik. “No one! Sinabi ko naman sa ‘yo. Sa paglalaro ‘to at nabunggo lang talaga.”“I know what I saw, Khaianne. Trust me. Hindi ka magkakaroon ng ganiyang pasa dahil lang nabunggo ka sa isang bagay. Kaya ka ba palaging naka-long sleeves? Kasi kung oo, ibig lang no’n sabihin, ang tagal na niyan.” Napatigil ako saglit. “Oh my ghad…”“Bi, please, hayaan mo na lang ‘to. Mawawala rin ‘to.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “It’s my mom, isn’t it? My mom did that to you.”Napaiwas ulit siya ng tingin. Nang hindi niya kinumpara o tinanggi man lang ang si
BivianneNapasalampak ako sa couch matapos kong mailapag ang mga gamit ko. It’s not much, sapat lang para sa stay ko, pero halos maubos na agad ang energy ko. Oxem’s helping me carry the heavy bags, pero ako pa rin ang nag-ayos ng mga ‘yon para alam ko kung saan nakalagay.“Hindi ko alam na nakakapagod pala nang sobra ang paglilipat,” sabi ko. Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako. “Okay na muna siguro ‘to ngayong araw. Hindi naman natin kailangang magmadali. Basta sigurado tayong may mga gamit ka nang pwede mong gamitin agad.”“You’re right.” Naalala ko ang sinabi ni Keam. “Oo nga pala. Keam wants to have dinner with you. Kasama si Khaianne. Is that okay with you?”“Sure. Why not? Kailan?”“Kung kailan ka free.” I picked up my phone. “Kailangan ko rin palang sabihan si Khaianne. Kapag nakapili na tayo ng date, saka ko itatanong kay Keam.”I typed a message and sent it to Khaianne. Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply.“Is your mom gonna be there?” Napakunot ang noo ko. “I th
BivianneAfter work, dumeretso agad ako sa apartment ni Oxem. Dahil sa nangyari noong nakaraan, I can’t take any more chances. Baka mamaya ay may makakita pa sa ‘ming dalawa. At ayoko na lang isipin kung anong pwede nilang makita.Nang makarating ako, pinarada ko ang sasakyan ko sa parking. I messaged Oxem na nandito na ako. Hindi kasi ako papapasukin sa loob dahil wala naman akong authority. Mabuti na lang at pwedeng tumanggap ng bisita ang mga naka-rent dito. Pwede ring mag-overnight. Bawal nga lang mag-p-party upang maiwasan ang aberya sa iba.Habang naghihintay sa entrance, naisipan kong maglakad-lakad para makita ang paligid. May maliit na garden kasi sa harap ng apartment complex kaya sariwa ang hangin at hindi ganoon kainit.I was about to go back when I felt someone following me. Ang unang hinanap agad ng mga mata ko ay ang gwardiya na nagbabantay sa complex. I can see him from here kaya nakampante ako. I can easily call for help.Napatili ako nang may sumundot sa tagiliran ko
BivianneTama nga ang sinasabi nilang bumibilis ang oras sa tuwing nag-e-enjoy ang isang tao. Hindi namin namalayan na dumidilim na at kakain na naman kami gayong parang kakakain lang namin ng tanghalian kanina.Masyado akong immersed sa kwentuhan namin. Kahit madalang akong magsalita ay hindi ako napag-iwanan. Marami nga akong nalaman lalo na sa mga nangyari noon kay Oxem nang bata pa siya.Patuloy ang pag-ingit ni Oxem sa mga pinsan niyang sinisiwalat ang mga kahihiyan niya noong bata siya. But I don’t mind. I want to know more. Para ko na rin siyang nakasama noong bata siya kapag naririnig ko ‘yong mga kwento nila.“I should go home,” pasimpleng bulong ko kay Oxem. “It’s getting late. Kailangan kong pumunta sa office bukas.”“Bakit hindi ka muna rito mag-dinner? Hindi ka paaalisin ni mama hangga’t hindi ka pa nakakakain.”Napanguso ako. “I guess I can stay for dinner. Dito ka ba matutulog?” “Sana. Palagi namang nililinis ni mama ‘yong kwarto ko kaya may matutulugan ako ngayon. Iha
Bivianne“Oxem!” bulalas ng mama niya pagkabang-pagkababa namin ng sasakyan. Pinudpod niya ng halik sa mukha ang anak bago niyakap nang mahigpit. Natatawa lang si Oxem habang ginagawa ng mama niya ‘yon at mukhang sanay na talaga siya.“Na-miss kita, ‘Ma. Pero may kasama ako.” Tinuro pa niya kami sa likod.“Hindi ka naman umaangal noon kahit sinong kasama mo, ah?” Ngunit nang magtama ang mga mata namin ay napaawang ang bibig niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. “Ah, I see.”“‘Ma, nakilala mo na noon si Khaianne noon. Isa sa mga member ng FXNK.” Nagmano naman agad sa kaniya si Khaianne. “Mano po. Kumusta po kayo?”“Mabuti naman. Oo at naalala kita. Ikaw ‘yong sweet na bata. Hinding-hindi kita makakalimutan! Saka si ano… ano nga ang pangalan nang makulit na batang ‘yon? Si Rodmarc!” Natawa naman sila sa pagbanggit ng pangalan nito.“Day off nila, ‘ma, kaya si Khaianne lang ang nakasama namin. Umuwi sila sa mga pamilya nila.”“Mas mainam ‘yon at para makapag-bonding silang pamilya.”Nap
BivianneNapadilat ako nang marinig ang katok sa pinto. Ilang segundo bago ko napagtanto kung nasaan ako kaya napadilat ako nang tuluyan. Pagtingin ko kay Oxem ay tulog na tulog pa siya at mukhang hindi narinig ‘yon.“Wait!” sambit ko sa kumakatok. Tumigil naman ‘yon agad.Nagbihis na muna ako bago lumabas. Kahit anong gising kasi ang gawin ko kay Oxem ay hindi siya magising. Mukhang napagod yata siya sa scrim nila kahapon at sa nangyari kagabi. Natawa tuloy ako sa sarili ko.Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan kung sino ang bumungad sa ‘kin. “Khaianne? What are you doing here? It’s supposed to be your day off.” Napatingin ako sa likod para siguraduhing hindi makikita ni Khaianne si Oxem. “Bi? Anong ginagawa—” Mabilis siyang umiling. “Hindi mo kailangang sagutin ‘yong tanong ko. Hindi ko kailangang malaman.”Napakamot tuloy ako sa pisngi ko at bahagyang hinarang ang katawan ko sa pinto. “He’s still asleep. Kumain ka na ba?”“Ininit ko lang ‘yong kare-kare. Tatawagin ko sana si b
BivianneDumaan ang maraming araw na paulit-ulit ang ginagawa namin. Pero kumpara noon, madalas na kaming magkasama ni Oxem matapos ang trabaho namin. May mga pagkakataon mang hindi kami sabay umuuwi ay madalang na lang mangyari ‘yon.Ayon sa kaniya, hindi na sila ganoon ka-busy dahil katatapos lang ng finals. Ilang buwan pa ulit ang kailangan nilang hintayin para sa susunod na patimpalak. Kailangan pa rin nilang mag-ensayo araw-araw at makipag-scrim sa ibang team.Scrim o scrimmage ang tawag sa pakiki-match sa ibang team. Ina-apply nila ang rules and regulations ng mga patimpalak para malaman kung sino ang mananalo. Hindi man ‘to isang official match, nakakatulong naman ‘to para sa training nila dahil ang mga nakaka-scrim nila ay sila ring mga nagkakaharap sa mismong tournament.Matapos ang trabaho ko sa araw na ‘yon ay dumeretso ako sa dorm ng FXNK. Patapos na ang scrim nila kaya pwede na akong magpunta. Day off ng mga bata bukas kaya naman pauuwiin niya ang mga ito mamaya. On the o
Bivianne“Congratulations, everyone!” bungad na bati ko sa kanila pagkalabas namin ng venue. Medyo nagtagal kasi kami sa loob lalo na at deretso awarding na rin ang nangyari.“Thank you, ate Bivianne!”“Thank you, Bi!”Sabay-sabay nila akong niyakap kaya halos mawalan kami ng balanse. Mabuti na lang at naging maagap si Oxem at nahawakan ako agad sa beywang para hindi kami tumumba lahat.“Calm down, guys,” ani Oxem. “Baka madisgrasya pa kayo.”Napanguso ang mga ito kaya naman napangiti ako bago sila niyakap isa-isa. “I guess hindi naman tayo madidisgrasya kung isa-isa ko kayong yayakapin.”Malawak naman silang napangiti lahat at sinuklian ang yakap ko. Matapos ‘yon ay naglakad na kami papunta sa hallway. Ang buong akala ko ay mag-d-dinner na kami pero nabigla ako nang dumeretso sila sa room para i-review ang game nila.Pero bago pa sila makapasok ay hinarangan ko na agad sila. “Hep! Alam kong nakasanayan niyo nang i-review ang game niyo pagkatapos pero you guys won! You need to take it
Bivianne“When did you have the time to prepare this?” tanong ko habang kumakain. Steak ang in-order namin pareho at wine ang panulak. “Sigurado akong sobrang busy niyo kanina sa paghahanda sa tournament.”“Noong natutulog ka,” nakangiting sagot niya. “Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung tumanggi kang matulog kanina. Iyon lang din kasi ‘yong oras na meron ako para paghandaan ‘to.”“I didn’t realize. Sobrang pagod ko rin siguro noong mga oras na ‘yon kaya hindi na ako naghinala. At masyadong magarbo ‘to para sa ilang oras na paghahanda.”“Hindi ko dapat kunin lahat ng credits kasi tinulungan din ako nina Khaianne para mapabilis ‘yong pag-aayos. Pati ‘yong staff, tumulong din sila.”Napangiti ako. “Thank you so much for this, Oxem.”Ngumiti siya pabalik. “Thank you so much din sa pagsama.”“It’s my pleasure.”Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan. Ngayon na lang kami ulit nakakain sa labas dahil sa sobrang busy namin pareho. Naging blessing-in-diguise pa tuloy ‘yong