Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2023-05-05 07:53:36

Bivianne

Nang matapos ako sa pag-aayos ng mga papel ay kinuha ko na ang bag ko. Hindi na sana ako ulit titingin kay Oxem pero nagtama na ang mga mata namin kaya wala na akong nagawa. Sa kabilang banda siya nakaupo pero nasa ‘kin pa rin ang tingin niya kahit na kinakausap siya ni Peter. Mas lalo akong nataranta nang tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa ‘kin.

“Done?” tanong niya.

“Ahm… yeah. Mauuna na siguro ako. Mukhang nagkakasiyahan pa sila sa pagkukuwentuhan. Hindi ko na sila aabalahin. Nasa’n si tita? Magpaalam na ‘ko.”

Sumunod kami ni mang Kiko sa kaniya sa loob ng bahay para magpaalam sa mama niya. Kumaway na lang si Yeshua sa ‘kin bilang pagpapaalam. Mukhang wala pa silang balak na magsiuwian dahil ang dami pa nilang kwento. I wonder where they’re getting all those topics?

Nang makarating kami sa loob ay nakita namin si tita na may inaayos sa kusina. Napatingin siya sa ‘min nang tinawag siya ni Oxem.

“Bakit hindi ka na rito magtanghalian?” tanong ni tita. “Nagluluto na ako para sa mga bata. Marami ‘to kaya baka hindi rin nila maubos.”

Pilit akong ngumiti bago sumagot, “Hindi na po. Maraming salamat. Bago magtanghalian lang po kasi ang paalam ko.”

Tumango-tango naman siya at hinatid ako sa labas. Nakita niya ang sasakyan namin kung saan kasalukuyang naghihintay si mang Kiko.

Humarap ako sa kaniya. “Maraming salamat po sa pagpapatuloy, tita. Saka sa pagpayag na gamitin ang farm para sa project namin.”

“Walang anuman, iha. Kaibigan ka ni Yeshua kaya natutuwa akong makatulong sa inyo. Good luck sa project niyo, ah?”

Muli pa akong nagpasalamat bago hinarap si Oxem. Nagpasalamat din ako sa kaniya dahil sa pagtulong niya sa mga kagrupo ko. Dahil sa kanila ni Yeshua ay napabilis ang trabaho namin. Ni wala naman siyang matatanggap na grade mula rito.

“See you soon,” sabi niya. 

Hindi ko alam kung para saan ‘yon. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming magkita ulit. It’s not like babalik ulit ako rito. Depende na lang kung kinakailangan. Pero sa tingin ko naman ay hindi na. I made sure I double-checked the requirements.

Nang makapasok ako sa sasakyan ay roon lang ako nakahinga nang maluwag. Para bang kanina pa ako nagpipigil ng hininga sa hindi malamang dahilan. I feel so exhausted. Naubos yata ang social battery ko.

Muli akong napatingin sa labas at nakita si Oxem na pinanonood pa rin ang sasakyan namin. Kahit na alam kong tinted ang bintana, naiilang pa rin ako dahil pakiramdam ko, nakikita niya ako mula sa labas.

Pinanood ko siya sa side mirror hanggang sa mawala rin siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa ‘kin, pero ramdam ko ang tensyon. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay para bang hinihigop n’on ang lahat ng hangin sa katawan ko. I feel suffocated for whatever reason.

Mabuti na lang talaga at natapos namin ang mga kailangang gawin sa farm nila. Malabong magkita na ulit kami lalo pa at magkaiba ang building naming mga senior high school sa mga college student. 

Nang makauwi ako ay pinadala ko na lang ang tanghalian sa kwarto ko. Wala ako sa mood kumain sa dining. May lamesa at mga upuan naman ako sa kwarto ko kaya roon na lang ako kakain. At least makapag-aaral pa ako habang kumakain.

Malapit na ang midterms kaya kailangan ko nang pagbutihan. I need to ace all of our subjects. Tiyak na makikita na naman ni mama ang card ko pagkatapos ng exams. Paanong hindi, eh, magkaibigan sila ng adviser naming si ma’am Ocampo. 

Lahat ng galaw ko sa school ay alam niya. Miski ang mga kinakaibigan ko. Kaya nga ganoon na lang ang reaksyon niya noong malamang hindi ako nakikinig sa lesson. Alam niyang kaibigan ko si Yeshua at gusto niyang matalo ko ito sa lahat ng bagay. Kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi mangyari ‘yon.

Kinabukasan, nagkaroon ng surprise quiz ang teacher namin sa Gen. Math. Marami ang bumagsak maliban sa ‘kin. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong nag-aaral. Hindi namin alam kung kailangan pwedeng magpa-surprise exam ang mga teacher namin. At ito ang kinaibahin ko sa kanila.

Nang matapos ang klase ay dumeretso na ako sa parking lot. I need to study.

Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko sa parking lot si Oxem. Nakatingin na siya sa ‘kin na para bang kanina pa niya ako nakitang palabas ng building namin at pinanonood na niya ako. 

Napahigpit ang hawak ko sa mga librong nasa braso ko. Hindi ko inaasahang makikita ko siya agad gayong kahapon lang ay nagkita na kami. And here I thought hindi ko na siya ulit makikita. At least hindi ganito kaaga.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya dahil malapit ang sasakyan namin sa kinatatayuan niya. Mukhang mag-isa lang siya at may hinihintay. It can’t possibly be me, right? I mean, why would he?

“Hi there,” pambungad na bati niya. “We meet again.”

Tumango ako. “Right. Sooner than I expected. Dito ka rin ba nag-aaral?” Napansin kong naka-civilian siya kaya hindi ko matukoy kung estudyante ba siya rito o may susunduin lang.

“Yeah. First year college.” That explains the shirt. Allowed kasing mag-civilian ang mga college student tuwing miyerkules at org shirt naman tuwing biyernes.

“I see.” Napaiwas ako ng tingin dahil nawalan ako ng sasabihin. It’s not like we’re close. Isang beses pa lang kami nagkikita. I mean, dalawa, kung isasama ‘yong insidenteng nangyari sa milk tea shop.

“Pauwi ka na?” tanong niya.

“Yeah. And you?”

“Susunduin ko lang sana si Yeshua. Balak kasi naming kumain sa labas. Gusto mong sumama?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko pero agad ring nakabawi. “I’m okay. I mean, bonding niyong magpinsan ‘yon. Ayokong umepal.”

Mahina siyang tumawa. “Hindi ka naman eepal. Kaya nga kita iniimbitahan, ‘di ba? Kasi okay lang na sumama ka. I don’t think Yeshua minds either. Magkaibigan naman kayo.” Kinuha niya ang phone sa bulsa niya. “I-text ko lang siya na nandito na ‘ko.”

Mabilis siyang nagtipa kaya agad akong nagsalita. “I really can’t go. I’m sorry.” Napatigil siya sa pagtitipa at napaangat ang tingin niya sa ‘kin. “Hindi sa ayaw ko, pero kailangan ko kasing mag-aral. Malapit na ang midterms exam.”

Dahan-dahan siyang tumango at ibinalik ang phone sa bulsa. “I see. Naiintindihan ko. Next time, maybe? After midterms niyo.”

Napakagat ako sa ibabang labi ko. “I don’t know,” bulong ko.

Saglit kaming natahimik na dalawa. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Honestly, I want to go. Gusto kong sumama sa kanila ni Yeshua kahit na ma-out of place pa ako. I don’t mind. Gusto kong sumama at makilala pa siya. Kahit na alam kong wala akong masasabi sa kaniya, at least marami akong malalaman tungkol sa kaniya.

Pero tiyak na hindi ako makakaalis nang hindi nalalaman ni mama kung saan ako pupunta. At tiyak magagalit na naman siya kapag nalaman niyang gumala ako imbis na mag-aral. Baka mas lalo pa siyang maghigpit at hindi na talaga ako tuluyang makalabas ng bahay.

“I need to go,” pagpapaalam ko. “Enjoy your bonding.”

Tumalikod na ako at dumeretso sa sasakyan namin. Pinagbuksan ako ni mang Kiko ng pinto bago ako pumasok. Mariin kong pinikit ang mga mata ko para hindi na ako magkaroon ng urge na tingnan pa ulit si Oxem. Baka kapag nakita ko siya ay magbago ang isip ko at kalimutan na ang galit ni mama.

“Okay ka lang ba, Bivianne? May masakit ba sa ‘yo?”

Napaangat ang tingin ko kay mang Kiko. “Okay lang po ako. Gutom lang po siguro ‘to.” Right. Gutom. Dahil kanina pa umiikot at namimilipit ang tiyan ko. 

“Kung gano’n ay umuwi na tayo. Tiyak na nakapagluto na nang ganitong oras si Cassady.”

Nagmaneho na siya paalis. Gaya ng dati ay sa kwarto ko ako kumain habang nag-aaral. Maya’t mayang bumabalik si Cassady para dalhan ako ng miryenda at maiinom. I saw her entering my room at nagti-tiptoe pa siya para hindi ko marinig ang yabag niya. I can still hear her, though.

Hindi ko maiwasang hindi matawa at mapailing sa ginagawa niya. I’m just not in the mood to study right now. Kung normal na araw lang ‘to ay hindi ko siya makikita o mararamdaman man lang. Pero hindi ko maiwasang isipin kung ano na ang ginagawa ko sa mga oras na ‘to kung pumayag ako at sumama sa kanila ni Yeshua.

The regret is slowly eating me. Sinubukan kong itutok ang atensyon ko sa binabasa ko para makalimutan ang nangyari kanina. Naging matagumpay naman ako dahil natapos ko ang dapat aralin sa araw na ‘yon.

Kinabukasan, maaga akong pumasok para sa room na sana mag-aral. Baka mamaya ay may magkagulatan na naman at magpa-surprise quiz na naman. Mabuti na ang handa. 

Pero hindi pa man ako nakauupo sa silya ko ay dumating na si Yeshua suot ang varsity jersey nila. Napairap na lang ako dahil alam ko na kung ano ang pinunta niya. Dapat alam na niya ang magiging sagot ko.

Naupo siya sa silyang nasa harap ko dahil wala pa roon ang kaklase ko. “No need to look at me like that,” sabi niya. “Alam ko namang hindi ka papayag na maglaro sa game namin. Gusto lang kitang i-invite na manood kahit papaano. Nakakuha kami ng temporary player pero parang isang ihip lang ng hangin ay tatangayin na siya.”

Mahina akong natawa. “Kahit naman ako ang mapapayag mo ay tatayo lang ako sa gitna ng court. At least susubukan niyang maglaro para sa inyo.”

Huminga siya nang malalim. “So, makakanood ka ba?” I was about to decline but stopped after what she said. “Manonood raw kasi ang mga pinsan ko at tinanong nila ako kung makakanood ka. You know, dahil ikaw lang daw ang kaibigan ko and all that. Gusto ka nilang makilala.”

Sinubukan kong huwag ipakita sa kaniyang apektado ako sa sinabi niya. “Ako lang ang kaibigan mo?”

“Unfortunately, yes.”

Kumunot ang noo ko. “Anong gusto mong iparating?”

“Na pareho tayong loner?” Natawa pa siya dahil sa sariling sinabi. “Alam mo namang ang mga member lang ng futsal team ang mga kaibigan ko at apat lang kami. Isa pa, kilalang-kilala na ng mga pinsan ko ang mga ‘yon kaya curious sila nang malamang may iba pa pala akong kaibigan.”

Napatulala ako sa binabasa ko pero wala na roon ang atensyon ko.

“Ano? Manonood ka ba? Para hindi na umasa ang mga mokong kong pinsan. Huwag kang mag-alala. Harmless naman ang mga ‘yon. Gusto ka lang talaga nilang makilala lalo na at hindi ka nila masyadong nakausap noong isang araw. Hindi raw kasi nila alam na ikaw ‘yong kaibigan ko.”

Nangangati akong itanong kung manonood si Oxem. But that would be too weird for me to ask. Kaya naman isa lang ang sagot para malaman kung pupunta siya o hindi.

“I’ll try, okay? Malapit na ang midterms kaya kailangan kong mag-aral.”

Napanguso naman siya. “Right. Ilang minuto lang naman ang laro namin. Hindi masasayang ang oras mo. After mong manood, you can go. This is my last year in high school. I won't be able to play again in college. Kaya malaking bagay kapag nanood ka.”

Bumuntonghininga ako. “Okay. I give up. Sasabihin ko kay mang Kiko na male-late ako ng isang oras sa araw ng laro niyo. Happy?”

“Yes!” bulalas niya. Napatingin ang mga kaklase namin sa kaniya. “That’s a promise, okay? Wala nang bawian!”

“I don’t back out kapag nasabi ko na. You know that.”

Nagtatatalon siyang lumabas sa room namin samantalang napangiti naman ako sa sarili ko. Wala naman sigurong masama kung male-late ako ng uwi ng isang oras lang. Pwede naman akong mag-extend ng pag-aaral kahit na abutin ako ng alas sais ng umaga.

Pero kahit anong pagkumbinsi sa sarili ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. Tiyak na magagalit na naman si mama sa gagawin ko.

Related chapters

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 5

    Bivianne“I’ll need you to get an exclusive interview with the owner of the farm you featured on your project,” panimula ni ma’am Aquino.Pinigilan ko ang sarili kong mapabuntonghininga. Baka mamaya ay dagdagan pa niya ang requirements. She can do that. But I can’t afford that. Masyado na akong maraming gagawin para sa panibago pang gawain.“Of course, ma’am. Noted. I’ll secure a document and a short video for the interview.” Mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko kaya pinaalis na niya ako ng faculty matapos ang kaniyang good luck. Yeah. I needed that.Pinakawalan ko na ang buntonghininga na kanina ko pa pinipigilan nang makalabas ako ng faculty. I can handle that. Madali namang i-edit ang video basta ba ay may clips na akong makuha. Pero ang ibig sabihin n’on ay kailangan kong bumalik sa bahay nina Oxem.Matapos ang klase namin ay agad kong sinabihan si Yeshua at nagpasama sa kaniya para sa interview. Pero sa kasamaang palad, ngayong araw nila gagawin ang sarili nilang project kaya a

    Last Updated : 2023-05-05
  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 6

    Bivianne“What’s the matter?” tanong ni tita. “Oxem, anong nangyayari?”Napaiwas ako ng tingin at agad kinuha ang mga gamit ko para makaalis na roon. I don’t want to be rude kay tita pero ayoko nang manatili pa rito kasama ang anak niya. Her son’s making me uncomfortable. Really uncomfortable.“Mauna na po kami, tita,” pagpapaalam ko. “Pasensiya na po sa abala at maraming salamat po. Kailangan ko na rin pong umuwi.”“Okay. Mag-iingat kayo. Ihahatid ko na kayo hanggang sa labas.”Hindi ko na nagawa pang tingnan si Oxem at dali-dali nang lumabas ng bahay nila. Kung magtatagal pa ako roon ay baka hindi na talaga ako makahinga nang tuluyan. Mabuti na lang at hindi na nagtatanong pa si Kenneth kung ano ang nangyari. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.Muli akong nagpaalam kay tita bago tuluyang umalis. Hindi na rin lumabas si Oxem ng bahay nila, thankfully, kaya hindi ko na ulit siya nakita.Napasandal ako sa upuan at saka bumuntonghininga. What the hell is wrong with that gu

    Last Updated : 2023-05-05
  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 7

    BivianneNapabuntonghininga ako nang makaalis ang teacher namin sa Earth Science. Tapos na ang klase namin sa buong araw kaya makauuwi na ako.Ilang araw na ang nakalipas magmula noong game nina Yeshua pero fresh pa rin sa 'kin ang mga kaganapan. Paanong hindi ko makalilimutan, eh, nandoon si Oxem.Muli akong napabuntonghininga.Ilang araw na ring siya ang laman ng utak ko. Laking pasasalamat ko na hindi naman naaapektuhan niyon ang pag-aaral ko. Pero after my eighteen years of existence, ngayon lang ako ginulo ng isang lalaki. At least 'yong utak ko.Marami namang nagparamdam sa 'kin kahit noong junior high school ako pero wala ni isa sa kanila ang natipuhan ko. Nagkaroon ako ng crush pero hindi ganito kalala na lagi ko pang iniisip kahit saan ako magpunta. I was just so focus with my studies before na wala na akong oras para sa mga lalaki.At ngayong dumating si Oxem sa buhay ko, nahati ang mga iniisip ko. Kung dati, pag-aaral at milk tea lang ang laman ng isip ko. Ngayon ay kasama

    Last Updated : 2023-05-05
  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 8

    Bivianne"Bivianne Cordova," tawag ni ma'am Teresa na teacher namin sa Gen Math. "Mukhang occupied ka lately."Noong una ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Ngunit nang makita ko ang grade ko sa exams last time ay napaawang ang bibig ko. Para akong natulis sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa papel ko."Two mistakes. Alam mong wala akong magagawa kapag tinanong ng mama mo ang tungkol sa grades mo, hindi ba?"Napatulala lang ako at tinitigan ang dalawang bilog sa papel ko na para bang magbabago 'yon. Pero hindi. Two of my answers are still wrong. At kahit na anong basa ko sa mga tanong ay mali talaga ‘yon. Hindi ko alam kung bakit kahit alam ko ang tamang sagot ngayon ay mali pa rin ang nasagot ko sa mismong araw ng exams.Hanggang sa matapos ang klase namin sa buong araw ay nakatulala lang ako. There’s no use listening to the class. Dahil paniguradong makukulong na naman ako sa basement at sasaktan ni mama. Thinking about it makes me shiver.Naalala ko noong huling beses na

    Last Updated : 2023-05-05
  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 9

    BivianneMy classmates are looking at me weirdly again. Alam kong alam nila kung ano ang nangyari kahit na wala akong sinasabihan. It is that obvious. Kahit na mag-jacket ako ay hindi ko pa rin magagawang itago ang mga sugat ko. Heck, I think ang jacket pa nga ang isa sa mga dahilan kaya agaw-pansin ako ngayon.Kaya kahit na nakakairita ay ginawa ko pa rin ang lahat para ipagsawalang-bahala ang mga tingin nila. Bahala silang tumitig diyan. Wala akong pakialam. Kailangan kong mag-aral lalo pa at tumawag sa ‘kin ang bagong tutor ko sa Gen Math. Gaya ng inaasahan ko ay magkakaroon na nga ako ng private tutor.Magaling daw na guro si ma’am Cynthia Joson sa kahit anong branch pa ng math ‘yan. She’s a licensed engineer too pero mas gusto niya raw talaga ang pagtuturo. She’s one of my mom’s few friends in high school.I can’t wait to meet her. Ayon sa impormasyong nabasa ko ay isa siya sa mga sumubok na talunin si mama sa valedictorian position noong high school. It’s like Yeshua and I. I wo

    Last Updated : 2023-05-05
  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 10

    BivianneHuminga ako nang malalim bago nagsimulang magsagot. Today is our midterm examinations. I need to do well. Ngayon ko kailangang ipakita kay mama na ako ulit ang makakakuha ng first spot sa buong batch namin. All those sleepless nights will finally pay off.Sa kalagitnaan ng pagsasagot, I felt something dripped out of my nose. Nang punasan ko ‘yon ay nakita kong nagdurugo ang ilong ko. I quickly grabbed a napkin inside my bag. Napansin ‘yon ng teacher namin kaya agad niya akong pinatingala. But I didn’t listen to her. I need to finish the test on time. Ilang minuto na lang ang mayroon ako.“It’s okay, Bivianne,” ani ma’am Teresa. “Bibigyan kita ng time mamaya para matapos ang test. Patigilin mo muna ang pagdurugo ng ilong mo.”Sinunod ko siya. Hindi naman nagtagal at tumigil na rin ‘yon kaya nagpatuloy na ako. Kahit na nahihilo na ako ay hindi ko pa rin tinanggal ang tingin sa papel ko. Napapikit na lang ako nang maraan nang matapos ko ang huling equation. My head throbbed more

    Last Updated : 2023-05-05
  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 11

    BivianneHuminga ako nang malalim at inihip ang malamig na simoy ng hangin. Dinala ako ni Oxem sa isang malawak na bukid na pagmamay-ari daw ng pamilya nila. I think it’s one of his cousins. "Kise's family owns this farm," panimula ni Oxem. "The Ramos family, my father side, is not really a wealthy clan. Sa katunayan, below average ang pamumuhay nina lola at lolo. Si lolo lang ang may trabaho kaya sapat lang 'yon sa araw-araw nilang pagkain. They're a family with thirteen kids, after all."Tinitigan ko siya habang nakatingin siya sa malawak na bukid. Para bang nakikita niya roon ang lolo at lola niya kasama ang mga anak nila. Nakinig ako habang nagkukuwento siya. Naupo kami sa damuhan na pinatungan niya lang ng isang malaking blanket.“Tell me more about your family,” sabi ko. “Gusto ko pa kayong makilala. Gusto pa kitang makilala.”Nagtama ang mga mata namin kaya napangiti siya. “Nothing worth telling, actually. Gaya ng nakita mo, lumaki ako kasama ang mga pinsan ko kaya sobrang la

    Last Updated : 2023-05-05
  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 12

    BivianneAgad na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita si mom na nasa sala. Umiinom siya ng wine habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. Probably about work. Hindi naman siya nauubusan ng trabaho."Where have you been?" tanong niya nang hindi man lang inaangat ang tingin mula sa tablet.Lumapit ako sa kaniya habang nakayuko. "My friend's house.""Yeshua's?" Right. She knows I'm friends with Yeshua. Siya lang naman ang kaibigan ko. Not until I met her cousins, though."Yeah. With her cousins."Umarko ang kilay niya. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa tablet. "Her cousins?""Nakilala ko sila noong may activity kami tungkol sa isang farm. May farm kasing pag-aari ang pinsan ni Yeshua. Pinakilala niya kami ng mga kagrupo ko.""I remember that. Take a seat." Tinuro niya ang bakanteng sofa sa harap niya. "So, how was your grade there?"Pagkaupo ko ay agad nagbaba ng miryenda si Cassady sa harap ko. "We received a perfect grade.""Good. And your midterms, how was it?""I answered

    Last Updated : 2023-05-05

Latest chapter

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 44

    Bivianne“I said,” sabi ko, “what the hell is this? Bakit naka-bandage ‘tong braso mo?”Napaiwas siya ng tingin. “Wala. Dahil lang ‘to sa paglalaro. Masyado lang na-strain kaya nilagyan ko ng bandage.”“And the bruises? Dahil din sa paglalaro?”“I just bumped into something.”Natawa ako. “What, like, you bumped into something ten times?” Nang hindi siya sumagot, naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. “Who did this?”Hinigit niya ang kamay pabalik. “No one! Sinabi ko naman sa ‘yo. Sa paglalaro ‘to at nabunggo lang talaga.”“I know what I saw, Khaianne. Trust me. Hindi ka magkakaroon ng ganiyang pasa dahil lang nabunggo ka sa isang bagay. Kaya ka ba palaging naka-long sleeves? Kasi kung oo, ibig lang no’n sabihin, ang tagal na niyan.” Napatigil ako saglit. “Oh my ghad…”“Bi, please, hayaan mo na lang ‘to. Mawawala rin ‘to.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “It’s my mom, isn’t it? My mom did that to you.”Napaiwas ulit siya ng tingin. Nang hindi niya kinumpara o tinanggi man lang ang si

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 43

    BivianneNapasalampak ako sa couch matapos kong mailapag ang mga gamit ko. It’s not much, sapat lang para sa stay ko, pero halos maubos na agad ang energy ko. Oxem’s helping me carry the heavy bags, pero ako pa rin ang nag-ayos ng mga ‘yon para alam ko kung saan nakalagay.“Hindi ko alam na nakakapagod pala nang sobra ang paglilipat,” sabi ko. Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako. “Okay na muna siguro ‘to ngayong araw. Hindi naman natin kailangang magmadali. Basta sigurado tayong may mga gamit ka nang pwede mong gamitin agad.”“You’re right.” Naalala ko ang sinabi ni Keam. “Oo nga pala. Keam wants to have dinner with you. Kasama si Khaianne. Is that okay with you?”“Sure. Why not? Kailan?”“Kung kailan ka free.” I picked up my phone. “Kailangan ko rin palang sabihan si Khaianne. Kapag nakapili na tayo ng date, saka ko itatanong kay Keam.”I typed a message and sent it to Khaianne. Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply.“Is your mom gonna be there?” Napakunot ang noo ko. “I th

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 42

    BivianneAfter work, dumeretso agad ako sa apartment ni Oxem. Dahil sa nangyari noong nakaraan, I can’t take any more chances. Baka mamaya ay may makakita pa sa ‘ming dalawa. At ayoko na lang isipin kung anong pwede nilang makita.Nang makarating ako, pinarada ko ang sasakyan ko sa parking. I messaged Oxem na nandito na ako. Hindi kasi ako papapasukin sa loob dahil wala naman akong authority. Mabuti na lang at pwedeng tumanggap ng bisita ang mga naka-rent dito. Pwede ring mag-overnight. Bawal nga lang mag-p-party upang maiwasan ang aberya sa iba.Habang naghihintay sa entrance, naisipan kong maglakad-lakad para makita ang paligid. May maliit na garden kasi sa harap ng apartment complex kaya sariwa ang hangin at hindi ganoon kainit.I was about to go back when I felt someone following me. Ang unang hinanap agad ng mga mata ko ay ang gwardiya na nagbabantay sa complex. I can see him from here kaya nakampante ako. I can easily call for help.Napatili ako nang may sumundot sa tagiliran ko

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 41

    BivianneTama nga ang sinasabi nilang bumibilis ang oras sa tuwing nag-e-enjoy ang isang tao. Hindi namin namalayan na dumidilim na at kakain na naman kami gayong parang kakakain lang namin ng tanghalian kanina.Masyado akong immersed sa kwentuhan namin. Kahit madalang akong magsalita ay hindi ako napag-iwanan. Marami nga akong nalaman lalo na sa mga nangyari noon kay Oxem nang bata pa siya.Patuloy ang pag-ingit ni Oxem sa mga pinsan niyang sinisiwalat ang mga kahihiyan niya noong bata siya. But I don’t mind. I want to know more. Para ko na rin siyang nakasama noong bata siya kapag naririnig ko ‘yong mga kwento nila.“I should go home,” pasimpleng bulong ko kay Oxem. “It’s getting late. Kailangan kong pumunta sa office bukas.”“Bakit hindi ka muna rito mag-dinner? Hindi ka paaalisin ni mama hangga’t hindi ka pa nakakakain.”Napanguso ako. “I guess I can stay for dinner. Dito ka ba matutulog?” “Sana. Palagi namang nililinis ni mama ‘yong kwarto ko kaya may matutulugan ako ngayon. Iha

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 40

    Bivianne“Oxem!” bulalas ng mama niya pagkabang-pagkababa namin ng sasakyan. Pinudpod niya ng halik sa mukha ang anak bago niyakap nang mahigpit. Natatawa lang si Oxem habang ginagawa ng mama niya ‘yon at mukhang sanay na talaga siya.“Na-miss kita, ‘Ma. Pero may kasama ako.” Tinuro pa niya kami sa likod.“Hindi ka naman umaangal noon kahit sinong kasama mo, ah?” Ngunit nang magtama ang mga mata namin ay napaawang ang bibig niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. “Ah, I see.”“‘Ma, nakilala mo na noon si Khaianne noon. Isa sa mga member ng FXNK.” Nagmano naman agad sa kaniya si Khaianne. “Mano po. Kumusta po kayo?”“Mabuti naman. Oo at naalala kita. Ikaw ‘yong sweet na bata. Hinding-hindi kita makakalimutan! Saka si ano… ano nga ang pangalan nang makulit na batang ‘yon? Si Rodmarc!” Natawa naman sila sa pagbanggit ng pangalan nito.“Day off nila, ‘ma, kaya si Khaianne lang ang nakasama namin. Umuwi sila sa mga pamilya nila.”“Mas mainam ‘yon at para makapag-bonding silang pamilya.”Nap

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 39

    BivianneNapadilat ako nang marinig ang katok sa pinto. Ilang segundo bago ko napagtanto kung nasaan ako kaya napadilat ako nang tuluyan. Pagtingin ko kay Oxem ay tulog na tulog pa siya at mukhang hindi narinig ‘yon.“Wait!” sambit ko sa kumakatok. Tumigil naman ‘yon agad.Nagbihis na muna ako bago lumabas. Kahit anong gising kasi ang gawin ko kay Oxem ay hindi siya magising. Mukhang napagod yata siya sa scrim nila kahapon at sa nangyari kagabi. Natawa tuloy ako sa sarili ko.Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan kung sino ang bumungad sa ‘kin. “Khaianne? What are you doing here? It’s supposed to be your day off.” Napatingin ako sa likod para siguraduhing hindi makikita ni Khaianne si Oxem. “Bi? Anong ginagawa—” Mabilis siyang umiling. “Hindi mo kailangang sagutin ‘yong tanong ko. Hindi ko kailangang malaman.”Napakamot tuloy ako sa pisngi ko at bahagyang hinarang ang katawan ko sa pinto. “He’s still asleep. Kumain ka na ba?”“Ininit ko lang ‘yong kare-kare. Tatawagin ko sana si b

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 38

    BivianneDumaan ang maraming araw na paulit-ulit ang ginagawa namin. Pero kumpara noon, madalas na kaming magkasama ni Oxem matapos ang trabaho namin. May mga pagkakataon mang hindi kami sabay umuuwi ay madalang na lang mangyari ‘yon.Ayon sa kaniya, hindi na sila ganoon ka-busy dahil katatapos lang ng finals. Ilang buwan pa ulit ang kailangan nilang hintayin para sa susunod na patimpalak. Kailangan pa rin nilang mag-ensayo araw-araw at makipag-scrim sa ibang team.Scrim o scrimmage ang tawag sa pakiki-match sa ibang team. Ina-apply nila ang rules and regulations ng mga patimpalak para malaman kung sino ang mananalo. Hindi man ‘to isang official match, nakakatulong naman ‘to para sa training nila dahil ang mga nakaka-scrim nila ay sila ring mga nagkakaharap sa mismong tournament.Matapos ang trabaho ko sa araw na ‘yon ay dumeretso ako sa dorm ng FXNK. Patapos na ang scrim nila kaya pwede na akong magpunta. Day off ng mga bata bukas kaya naman pauuwiin niya ang mga ito mamaya. On the o

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 37

    Bivianne“Congratulations, everyone!” bungad na bati ko sa kanila pagkalabas namin ng venue. Medyo nagtagal kasi kami sa loob lalo na at deretso awarding na rin ang nangyari.“Thank you, ate Bivianne!”“Thank you, Bi!”Sabay-sabay nila akong niyakap kaya halos mawalan kami ng balanse. Mabuti na lang at naging maagap si Oxem at nahawakan ako agad sa beywang para hindi kami tumumba lahat.“Calm down, guys,” ani Oxem. “Baka madisgrasya pa kayo.”Napanguso ang mga ito kaya naman napangiti ako bago sila niyakap isa-isa. “I guess hindi naman tayo madidisgrasya kung isa-isa ko kayong yayakapin.”Malawak naman silang napangiti lahat at sinuklian ang yakap ko. Matapos ‘yon ay naglakad na kami papunta sa hallway. Ang buong akala ko ay mag-d-dinner na kami pero nabigla ako nang dumeretso sila sa room para i-review ang game nila.Pero bago pa sila makapasok ay hinarangan ko na agad sila. “Hep! Alam kong nakasanayan niyo nang i-review ang game niyo pagkatapos pero you guys won! You need to take it

  • The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)   Chapter 36

    Bivianne“When did you have the time to prepare this?” tanong ko habang kumakain. Steak ang in-order namin pareho at wine ang panulak. “Sigurado akong sobrang busy niyo kanina sa paghahanda sa tournament.”“Noong natutulog ka,” nakangiting sagot niya. “Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung tumanggi kang matulog kanina. Iyon lang din kasi ‘yong oras na meron ako para paghandaan ‘to.”“I didn’t realize. Sobrang pagod ko rin siguro noong mga oras na ‘yon kaya hindi na ako naghinala. At masyadong magarbo ‘to para sa ilang oras na paghahanda.”“Hindi ko dapat kunin lahat ng credits kasi tinulungan din ako nina Khaianne para mapabilis ‘yong pag-aayos. Pati ‘yong staff, tumulong din sila.”Napangiti ako. “Thank you so much for this, Oxem.”Ngumiti siya pabalik. “Thank you so much din sa pagsama.”“It’s my pleasure.”Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan. Ngayon na lang kami ulit nakakain sa labas dahil sa sobrang busy namin pareho. Naging blessing-in-diguise pa tuloy ‘yong

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status