Mischell's POV
"Can you repeat the question miss? Wait what is your name first?" habang sinasabi iyon ni Prof ay naglakad pa ito papunta sa gawi kung saan kami nakaupo.
Tinginan ng lahat ang talaga namang nagpadagdag ng kaba sa sa dibdib ko idagdag pa ang tingin ng Prof na tila ba pagagalitan na ako.
"I'm Mischell Flor." Nakangiting sinagot ko ang tanong nito na hindi ipinahalata ang kaba ko sa dibdib na halos kulang na lang ay maihi ako.
"Now miss Flor repeat your question," aniya na ulitin ko ang tanong ko.
"Wala po 'yon Prof nagbibiro lang ako," napapahiyang saad ko rito na napayuko na dahil hindi ko na magawang tumingin pa rito ng diretso.
"I'm serious miss Flor, maybe I can answer what you asked. Come on stand up and repeat your question." Napatingin ako rito at nakitang seryoso ang mukha nito at wala pa ring pinagbago ang walang reaksyon nitong mukha, napapahiya man ay sumunod ako sa sinabi niya at agad na tumayo dati naman na akong walang hiya mahihiya pa ba ako.
Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagkrus naman ng mga braso nito habang nakatingin sa'kin na tila hinihintay na ang sasabihin ko.
Ngunit sa pagtayo ko ay dahilan lamang iyon upang mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ito ng malapitan na talaga namang hindi ko maikukumpara ang kaguwapuhan niya sa iba, lintek ano ba itong nararamdaman ko.
"Ahm s-single ka po ba?" utal-utal kong sabi dahil sa subrang kaba ko.
Rinig ko pa ang ilan sa tawanan ng mga kaklase ko ngunit hindi ko na lang pinansin.
"What if I'm single what did you plan to do miss Flor?"
"Sirain mo raw ulit ang buhay niya Prof," sumabat bigla si Nath dahilan na upang lumakas ang tawanan ng lahat na kanina ay impit lang na tawa.
Mabilis kong nabatukan si Nath dahil hindi manlang nakatulong ang sinabi nito, kampon talaga ni satan*s 'to hindi manlang ako tinulungan.
"So, naghahanap ka ng sisira ulit sa buhay mo sa tingin ko hindi ako ang hinahanap mo dahil hindi ako naninira ng buhay ng iba, tumutulong ako upang ayusin ito." Sumilay ang isang pilit na ngiti sa labi nito sa unang pagkakataon, nakita ko ang ubod na puting ngipin nito kahit na agad ding nawala ang ngiting iyon sa labi niya.
"Kung gano'n po ayusin mo na lang ang buhay ko," muling saad ko rito, kahihiyan lang naman pag-uusapan lubos-lubosin na bago pa manghiram ng mukha sa aso.
"I'm NOT single, that's my answer miss Flor," aniya at tumalikod na sa'min.
"Awts!" Pangangantiyaw ng ilan nang narinig ang sagot mula kay Prof.
"Mapanakit ka Prof busted agad kainis," reklamo ko at ikinagulat kong bigla ulit itong lumingon sa gawi namin na seryoso pang nakatingin sa'kin.
"What did you say? Busted? Are you proposing huh?" masungit na ani nito na ikinatahimik ulit ng paligid namin.
"I didn't say that I'm proposing to you Prof, but if there's a chance why not." Ngumisi ako ng nakakaluko rito na tila ba kasing edad ko lang ito kung umasta ako.
"Did you skip your meal this morning miss Flor, I think you are hungry," aniya.
"Hindi nga po kumain 'yan kaya sabog," sumabat na naman si Nath at mabilis pa akong hinila at pinaupo na.
Biglang nag ring ang bell sinyales na tapos na ang oras ng klase, hindi na ako nakaimik pa ng mapansing mukhang ikinainis na ng proffesor ang pakikitungo ko rito.
"Tapos na ang time natin so see you tommorow everyone, and to you miss Flor."
Bigla akong napatingin dito ng banggitin ulit nito ang apelyido ko.
"If you're asking a chance from me bibigyan kita hindi naman ako maramot," saad nito na ikinagulat ko, dahilan pa para lumiwanag ang mukha ko.
"That's great thanks so much," pagpapasalamat ko pa.
"I give you negative one percent chance," saad nito sa'kin at hagalpak na tawa na naman ng lahat ang sunod na umalingawngaw sa buong silid.
Lintek akala ko naman mataas-taas na negative pa pala pero atleast may chance wohh.
"Thank you for the chance you given to me, balang araw ang negative one na 'yan ay magiging one hundred percent din, I love you na agad Prof," proud kong sabi kahit hindi naman ako seryoso kung magiging one hundred ba talaga iyon.
Napailing na lang ito at saka tumalikod na ulit at tuluyang lumabas ng silid na iyon, kasunod no'n ay ang malakas na batok ni Nath ang natanggap ko.
"Scholarship mo girl may dala ng lubid magbibigti na raw siya, potahca akala ko ba tutuparin mo ang pangarap mo pero nilalagay mo sa kapahamakan ang buhay mo," pangangaral ni Nath saka ko lang naisip ang pinaggagawa ko.
Mali nga naman ito, maling-mali ang ginawa ko.
Scholarship ko ang nakasalalay rito, ngunit wala naman siguro 'yon kay Prof katuwaan lang naman.
"Walang masama sa ginawa ko naghahanap nga ako ng sisira sa buhay ko hindi ba hmp," mataray kong saad naman kay Nath na pinanlisikan lang ako ng mata nito.
Lumipas ang mga oras na iyon at nag tuloy-tuloy ang klase namin, subrang kapaguran ang sasapitin ko nito panigurado dahil whole day pa naman ang klase namin.
Dumating ang break time namin ng alas diyes ngunit hindi ko naman ikinatuwa iyon dahil wala naman akong sapat na pera para bumili ng pagkain dahil nagtitipid ako, nagbaon ako ng pagkain at nakalaan na iyon para sa lunch at wala para sa snack.
"Girl arat sa cafeteria sumabay na tayes kay Zoey bibili siya ng snack," aya ni Nath sa'kin habang inaayos na nito ang mga gamit niya.
"Anong bibilhin ko ro'n?" tanong ko naman.
"Pako, try mong bumili ng pako sa cafeteria," sarkastikong sagot nito na ikinasalubong ng kilay ko habang natawa naman bigla si Zoey na nakatayo na kaharap namin.
"Potahca ka talaga ano bang binibili dun sa cafeteria malamang pagkain," dagdag pa ni Nath.
"Animal ka," natatawang napakamot pa ako sa noo ko.
"Arat na tumayo ka na jan,"
"Wala akong pera," agad kong sagot rito.
"Tara libre ko pasasalamat na rin na nakilala ko kayo sa unang araw ng pasukan," suhistiyon ni Zoey na ikinalawak naman ng ngiti sa labi ko at wala pang sigundo ang lumipas ay nakatayo na ako, napaka kapal ng mukha ko 'di ba.
"Tara na ready na ako kanina pa, iyon lang naman talaga hinihintay ko e' iwanan na natin si Nath," pagmamadali ko at lumingkis sa braso ni Zoey at nagsimula nang maglakad at sabay naming iniwan si Nath.
"Hoy ang kapal talaga ng mukha mong babaeta ka!" sigaw ni Nath sa'min habang mabilis pang humabol sa'min.
"Alam mo nagustuhan ko agad ang ugali mo nakakatawa ka kasi girl, hindi pa ako nagkaroon ng kaibigan na kagaya mo kadalasan kasi sa mga kaibigan ko payabangan lang ang alam purki mapera." Kuwento ni Zoey habang tinatahak namin ang daan patungo sa cafeteria sa first floor.
"Kaya ko naman ang payabangan kaso wala nga lang akong pera haha," humagalpak pa ako ng tawa sa kabaliwan ko.
"You're so funny talaga, and also Nath. Sa inyo na ako sasama madalas ah?" binalingan pa kami nito ng tingin pareho ni Nath at ngiti na lang ang naisagot ko rito.
Nang makarating na kami sa cafeteria ay agad na kaming pumasok, kakaunti lang ang tao kaya hindi masyadong siksikan.
Mag kakaiba kasi ang break time ng lahat kaya hindi nagsasabay-sabay ang mga istudyante sa pagdagsa sa cafeteria, iyon ay base sa nakita kung schedule na naka post sa page ng university.
"Sandwich and Juice na lang sa'kin ano sa inyo?" tanong ni Zoey sa'min habang nakapila na kami sa may counter.
"Teka kasama rin ba ako sa libre ah beke nemen," nagpapacute pang saad ni Nath kay Zoey, Oh diba sabi ko sainyo e' kaya kami nagkakasundo ng baklang 'to dahil pareho kami ng vibes.
"Oo naman, here's the money ikaw na bumili Nath Sandwich and Juice lang sa'kin." Inabot pa nito ang 500 pesos kay Nath, 'Grabe ang laki no'n kung sa'kin ang perang iyon.' sa isip-isip ko pa.
"How about you Mischell ano sa'yo?" tanong pa nito sa'kin.
"Same na lang sa'yo nakakahiya naman kung magdedemand pa ako 'no," sagot ko.
"Sige 'yon na lang din sa'kin," wika naman ni Nath.
Iniwan na namin ito sa pila at siya na raw bahala bumili, naupo kami sa isang bakanting mesa kung saan madali lang kaming makikita ni Nath.
"Ilang taon ka na Zoey?" tanong ko rito ng wala akong maisip na p'wedeng pag-usapan.
"18," tipid na sagot nito.
"Ah same lang pala tayo," napapatango kong sabi pa.
Saglit lang lumipas ay dumating na si Nath dala ang binili nito, saka inilapag sa mesa.
"Kailangan natin bilisan mga sis 15 minutes break lang 'to," saad ni Nath at naupo na rin katabi namin, kasabay nang pag-upo nito ibinalik din nito ang sukli kay Zoey.
"Matunong nga pala kita burikat type mo ba 'yong Prof natin kanina?" sunod na tanong pa nito na mukhang ako ang kinakausap dahil ako lang naman ang tinatawag nitong burikat.
"Wait, what burikat means ngayon ko lang narinig 'yan?" tanong naman ni Zoey.
"Burikat comes from a word Burikak means pr*stitute, sl*t, b*tch and so ever na pinamadaling intindihin ay masamang babae gano'n." Paliwanag ni Nath.
"And then, bakit mo siya tinatawag ng gano'n?"
"Napakasama ng ugali ng hinayupak na 'yan e' mukha ba akong gano'n, mabait naman ako ah," saad ko naman upang ipagtanggol ang sarili ko.
"Mukha ka lang mabait, balik nga tayo sa tanong type mo ba 'yong Prof natin?" kinalabit pa ako niyo sa balikat.
"Hindi ah tigilan mo nga ako, napagtripan ko lang 'yon," giit ko.
"Sa dami ng p'wedeng pagtripan iyong ikakasira pa ng pag-aaral mo gag* ka," bulyaw pa nito at kasabay ng pagsipsip sa straw ng juice na iniinom niya.
"Ganoon talaga para may twist, tse tumigil ka na nga nagugutom na ako kaya patapusin mo muna akong kumain hindi puro sermon na lang lagi natatanggap ko sa'yo," reklamo ko na.
Hindi na nga ako nito kinibo at nagsimula na akong kainin ang sandwich ko.
MABILIS NA LUMIPAS ang mga oras na iyon hanggang sa mag-uwian na kami ng dumating ang alas singko, sayang hindi ko na ulit nakita si Prof sa lawak ba naman ng university na ito kaya hindi ko pa naisasauli ang ID nito na napulot ko marami pa namang susunod na araw kaya next time na lang.
Kasalukuyang nakasakay ako ng jeep pauwi, ito lang ang mabilis at murang transportasiyon para mabilis na makauwi sa bahay namin mas duble pa kasi ang babayaran ko kapag nag taxi ako.
Sa isang private university na pinapasukan ko mukhang ako lang din ang mag-isang naka jeep pauwi dahil karamihan ng mga nakita ko kanina ay may mga service na sumundo katulad ni Nath at ang iba naman ay may mga sarili ng mga kotse habang ako naka jeep lang.
Anong laban ko dun poreta ako 'no, wala nang saysay kung kainggitan ko sila pinapahirapan ko lang ang sarili ko.
"Sa tabi lang po!" pasigaw kong sabi upang marinig ng driver ang pagpara ko.
Marahan naman itong nagprino at saka ako bumaba ng tuluyang huminto, nagsimula na akong maglakad patungo sa bahay dahil ilang metro pa ang layo noon mula sa babaan.
Sandali pa ang lumipas ay tuluyan na akong nakauwi, tila ba bumalik na naman sa'kin ang isang pakiramdam na sawang-sawa na akong maramdaman pa, iyon ay ang matinding lungkot.
Nawala lahat ng sigla ko sa katawan na naramdaman ko sa maghapong lumipas at napalitan iyon ng hindi ko maipaliwanag na lungkot, masasabi kong tila ba eksperto na ako sa larangan ng pagpapanggap at nakakaya kong ipakita sa harap ng lahat kung gaano ako kasaya kahit hindi iyon ang katutuhanan.
Kasabay ng pagbukas ko sa nakasarang bakal na gate ay ang mabigat na paghakbang naman ng mga paa ko na tila ayaw nang ituloy pa ang paglalakad papasok.
Bumagsak din ang mga balikat ko kahit hindi naman mabigat ang back pack na dala-dala ko, ayaw ko mang umuwi sa bahay na ito ay wala akong ibang mapupuntahan kaya kailangan kong magtiis sa araw-araw na ginawa ng diyos para lang makaya ang lahat kahit hirap na hirap na ako.
Mischell's POV"Oh iha mabuti at nakauwi ka na, kanina pa kita hinihintay paalis na rin kasi ako e',"saad ni Aling Gemma matapos kong buksan ang pinto ng bahay at ito agad ang bumungad sa'kin.Matamlay lang akong tumango bilang tugon sa sinabi nito at saka ako tumuloy papasok.Si Aling Gemma ang s'yang katiwala namin sa bahay, ito ang madalas na naiiwan sa bahay araw-araw at umuuwi lang sa bahay nila tuwing gabi at kapag may isa na sa'min ni Tito ang nakauwi para pumalit na bantayan si Mama."Nakaluto na rin ako ng hapunan ninyo iha, ikaw na lang bahala pakainin ang mama mo hindi pa siya kumakain," dagdag pa nitong sabi habang kinukuha ang gamit niya na nakasabit sa may gilid ng istante sa sala."Sige po salamat," tipid kong tugon lang rito at napatango pa.Hindi na rin naman ito nagtagal pa at saka tuluyang umuwi na dahil nagsisimula na r
Zedic's POV"Zedic!" Naistatwa ako mula sa kinatatayuan ko matapos marinig ang istrektong tinig na iyon ni Mom matapos kong nakapasok ng bahay.Hindi ko inaasahan ang pagpunta nito ngayon dito sa bahay ko at siguradong sermon na naman nito ang maririnig ko.Hindi ko napansin na narito ito dahil sa likod ng bahay ako dumaan upang iparada ang kotse ko at hindi sa mismong gate.Marahan ko na itong nilingon kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko na tila ba mas dumuble ang bigat ng bag na kasalukuyang hawak-hawak ko habang naglalakad ako papasok, pinanatili ko ang blankong expression ko upang ipakita sa kaniya na hindi manlang ako natuwang makita ito."Looks like you aren't happy to see me?" tanong pa nito matapos ko itong harapin, tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo sa single sopa sa sala at maharang humakbang palapit sa gawi ko, makikita ang manipis na lipstick
Zedic's POVMatapos maligo ay agad na akong lumabas ng banyo na tanging puting tuwalya lang ang nakatabing sa pang ibabang parti ng katawan ko, ramdam ko pa ang marahang pagpatak sa balikat ko ng ilang butil ng tubig na tumutulo galing sa basa kong buhok.Nararamdaman ko na ngayon ang maayos na pakiramdam kumpara kanina.Hindi pa ako nagbihis pakatapos noon, sunod kong pinuntahan ang bag na dala ko kanina at mabilis hinagilap roon ang cellphone ko na agad ko namang nakuha.Matapos ng mahabang araw ay ngayon ko na lang ulit nahawakan ang cellphone ko, naka open ang 'Do Not Disturb' button sa phone ko kaya kahit anong call at text ay wala akong maririnig, matapos kong mapindot ang power button ay agad na bumungad sa akin ang 99+ missed calls na galing lahat kay Estella."Tss," agad akong napangisi dahil nabanggit nga nito kanina na marami na s'yang missed call sa akin
Zedic's POV Mabilis kong nilinis ang sugat ko sa kamay matapos kong makapasok sa kwarto, wala akong alam sa paglilinis ng mga sugat kaya paghugas lang ang tangi kong ginawa para maalis ang dugo sa kamay ko isang medyo makapal na gasa ang ipinulupot ko sa kamay upang matigil ang pagdurugo nito at saka hinayaan ko na lang pagkirot nito dahil sa isip-isip ko malayo iyon sa bituka. Matapos ayusin ang pagkakalagay ng gasa sa kamay ko ay lumabas akong muli sa kwarto ko at tinungo ang opisina ko rito sa bahay. "Zedic iho ayos ka lang ba? Magsabi ka lang kung may kailangan ka ah," saad ni Aling Sol ng masalubong ko itong muli habang patungo ako sa opisina ko. "Ayos lang 'wag niyo na akong alalahanin," sagot ko rito. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala kahit hindi man niya sabihin, mayor doma si Aling Sol sa bahay na ito simula pa mga bata kami ni
Mischell's POV"Sorry prof I'm late hehe." Napapahiyang sabi ko rito."Why are you late?" blankong emosyon nitong tanong sa'kin habang naglalakad na papalapit sa harap kung saan ako nakatayo, habang pinapanood lang kami ng lahat nabaling pa ang tingin ko sa kaliwang kamay nito na may binda na hindi ko naman nakita kahapon, ngunit kahit nagtataka ay hindi ko na lang iyon pinansin."Traffic po," pagdadahilan ko na lang."Kung traffic pala sana inagahan mo na ang alis sa bahay niyo, gising ka na ng alas tres hindi ba?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala kong nag chat nga pala ako ng 'good morning' sa group chat kaninang madaling araw at nakitang si Prof ang naunang nag seen kanina."Naku prof palusot lang 'yan ni Mitch, baka 'yong oras na nag chat siya matutulog pa lang haha." Tumatawang sumabat si Nath sa'min dahilan para matawa naman ang ilan.'Tama
Mischell's POVAlas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakauwi ng bahay, naka upo ako sa tabi ng waiting area sa labas ng university para hintayin sina tito upang sunduin ako. 20 percent na lang ang battery ng phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan ang number ni tito pero hindi ko makuntak kahit na si tita.Ako na lang mag-isa ang nandito sa labas dahil nakauwi na rin ang ibang istudyante na mga scholar din na kasabay ko kanina, may night class ang university kaya karamihan ng tao ay nasa loob na dahil oras na ng klase.Sinubukan ko uling tawagan ang number ni tito dahil ilang minuto na akong naiinip sa kakahintay, hindi ako sanay na mag-isang umuwi ng gabi lalo pa at may distansya ang layo ng sakayan mula rito sa university kong maglalakad ako.Paulit-ulit na 'cannot be reached' ang naririnig kong sinasabi sa kabilang linya, alam kong 7 ang uwi nila pero bakit hanggang ngayon ay wala sila halo
Mischell's POV"You're late again miss Flor," blankong emosyong sabi ni prof nang ito ang unang bumungad sa akin ng makapasok ako ng silid.Sinusubukan ko naman talaga e' sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko dahil scholarship ko ang nakasalalay rito ngunit hindi ganoon kadali na kung kinakailangan lang ay gagawin kong dalawa ang sarili ko para magawa ang mga bagay-bagay ng mas madali.Akala ko maaga na ako makakapasok ngayon dahil doon natulog si Aling Gemma sa bahay kaya hindi ko na ito hihintayin pa, pero na late pa rin ako dahil kailangan kong linisin ang dumi ni mama dahil ayoko na pati iyon iasa ko pa kay Aling Gemma na abala na rin sa mga gawaing bahay."Naku prof sabi ko nga po sa inyo laging puyat 'yan si Mitch kaya late na naman," saad ni Nath."Baka may ka-bebe time kaya ganoon," saad naman ni Zoey na nakikisabay na rin sa pang-aasar na da
Zedic's POV"Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko.Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw."Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya.Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina."Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka
1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.
Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang
Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap
Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la
Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar