Share

Chapter 1

Author: Imyham
last update Last Updated: 2021-08-23 21:43:12

Mischell's POV

"Ito ba 'yung room natin?" tanong ni Nath ng mapunta kami sa tapat ng isang silid pareho kaming nakatayo mismo sa harap ng nakasaradong pinto at walang kasiguraduhan kung iyon nga ang aming silid, kahit ako ay hindi ko alam kung ito na iyon dahil late na nga ako nakarating ng school at hindi ko nga alam kahit pa ang unang subject ko ngayon.

"Aba malay ko sa'yo sana inalam mo na kanina pa," medyo irita kong sabi.

"Reklamador ka talagang hinayupak ka ito nga aalamin na." Kinuha nito ang cellphone niya at may tiningnan rito, malamang inaalam na niya ang schedule namin dahil pareho lang naman kami nito.

Ganito kami ka-close ni Nath kulang na lang ay magpatayan kaming dalawa kung may hawak lang kaming kutsilyo, sanay na kaming mag bulyawan, asaran at pikunan nito buti na lang nakakayanan pa naming intindihin ang isa't isa sino ba naman magkakaintindihan kundi ka-level mo rin syempre.

"Ito na 'yon girl," saad nito mayamaya ng masiguradong iyon nga ang room namin.

"Kumatok ka muna baka may teacher na jan," saad ko naman dito na agad naman n'yang ginawa.

Sigundo pa lang ang lumipas ay may bumukas na no'n, isang lalaki na batid kong istudyante rin dahil sa ID nitong suot.

Sa ID lang naman kasi malalaman kung istudyante ka dahil wala namang uniform ang university na ito kaya kahit anong gustuhin mong isuot ay malaya kang isuot.

"Yes po, dito rin ba kayo?" tanong pa ng lalaki sa'min, upang alamin kung doon din ba kami sa silid na iyon.

"Ah opo dito rin kami kuya, sorry late lang," malambing na sagot ni Nath na tila natipuhan na agad ang kausap dahil kahit kailan ay hindi ko pa ito narinig na nagsalita ng 'po' at 'opo.

'Talanding bakla talaga,' wika ko sa isip.

"Don't call me kuya ano ka ba mukhang magkakaklase tayo, tuloy kayo iilan pa lang kami rito at wala pa namang teacher na pumapasok," sambit pa ng lalaki at saka nilawakan ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok kami.

Tumuloy naman kami ni Nath papasok at doon ko naramdaman ang pagyakap ng malamig na klima na nagmumula sa aircon na nagawang palamigin ang buong silid, tuluyan na rin akong nakahinga ng maluwag dahil kapag sinusuwerte ka nga naman at wala pang teacher na pumapasok.

Napatingin pa ako sa loob ng buong silid at tinapunan ng tingin ang lahat na kasalukuyang nakangiti at nakatingin sa pagpasok namin.

Binilang ko sa isip ang babaeng naroon lang at akalain n'yong anim lang sila at ako ang pampito, at si Nath ang kalahati.

Kalahating binabae lang naman siya e' kaya okay na 'yon.

Mas marami ang lalaki sa section na ito mga lalaki lang naman kasi kadalasan mga business minded kaya siguro business ang mas pinili nilang course.

"By the way I'm Atom Gutierrez." Nagpakilala pa sa amin ang lalaki habang sa'kin nakalahad ang kamay nito na mukhang makikipagkamay pa.

"I'm Nathaniel Salazar, Nath for short." 

Si Nath ang unang nagpakilala at naki pag-shake hands kay Atom na dapat ay ako dahil sa'kin nakalahad ang kamay nito, talandi nga 'di ba magtataka pa ba ako, baklang 'to talaga.

"Mischell Flor nga pala dude, nice to meet you." Umakto ako na parang maangas rito kasabay ng pag-tapik ko sa balikat nito na parang lalaki ako kung umasta paraan ko 'yon upang maalis na ang binabalak niya mukhang natipuhan ako ng mukong e' pasensyahan na lang study first ako 'no.

Pilit pa itong napangiti sa ikinilos ko akala siguro nito tumboy ako, babae ako 'no mukhang lalaki nga lang.

Sinong sira ulo ba naman kasi ang advance mag-isip kakakilala pa lang type agad syempre ako, pasensya na advance talaga ako mag-isip naisip ko na nga agad na type ako ng lalaking 'to purke sa'kin nakalahad ang kamay, sa itsura ni Atom mukhang yayamanin kumustahin n'yo naman ako nakarating na ng college hindi manlang sinapian ng glow up kay saklap na buhay, puyat pa self.

Matapos nang pakikipagkilala namin sa iba pang naroon sa silid ay agad na kaming naupo ni Nath sa gitnang bahagi kung saan may bakanting upuan.

"Andaming papalicious sa section natin siguradong mapapaaga na ako nito pumasok lagi." Pabulong sa saad ni Nath nang sabay na kaming nakaupo.

"Kahit kailan naman alam kong 'yon lang ang habol mo, e' magtira ka naman ng kalandian baka maubos 'yan," nagsimula na naman akong asarin ito.

"Ang kalandian hindi basta-basta nauubos pero ang pasensya ko kunting-kunti na lang!" Maaksyong sambit nito sa harapan ko na bigla kong ikinahagalpak nang tawa, napalingon naman ang ilan sa nakarinig sa'min na mukhang natawa rin, kami lang kasi ang nakakapag-usap sa loob ng silid dahil karamihan ay hindi pa kilala ang isa't isa kaya mas pinili nalang na manahimik.

Hindi ko alam kung paano kami nagsimulang maging magkaibigan nitong si Nath nalaman ko na lang nakakasama ko na siya madalas at laging nag-aasaran, same school kami nu'ng senior high at unang beses pa kaming nagkita noon ay sa mismong guidance office dahil late kami pareho.

Grade 11 and 12 ay halos kinareer namin ng baklang 'to ang pagiging late, kaming dalawa ang nakakapuno sa record book ng guidance counselor dahil sa paulit-ulit na pag lista ng pangalan naming dalawa na halos walang araw na hindi late, buti na lamang at napakiusapan ko pa ang school noon dahil kulang na lang ay i-draft out kami nito pareho ni Nath.

Ngunit sa pagkakataong ito kailangan ko nang baguhin ang nakasanayan ko dahil hindi ako pwedeng mabigo sa college lalo pa at scholarship ang nakasalalay rito, nakapasa lang ako sa scholar kaya ako nakapasok sa university na 'to. Walang magulang na makakapagsustinto sa pag-aaral ko kaya kumakayod ako ng sarili ko lang.

Si Nath napilitan lang na samahan ako na mag-aral sa university na 'to, kasi dito lang ako nakapasa sa limang school na inaplayan ko ng scholarship. Ako lang ang scholar sa'ming dalawa ni Nath mukhang kaya naman ng pamilya ni Nath na gastusan ang pag-aaral niya kumpara sa'kin. 

Ako si Mischell Flor, 18 years old na ako at sa university na pinasukan ko umaasa ako na maging daan ito upang maabot ang mga pangarap ko sa buhay.

"Day dreaming na naman girl natutulala ka na lang bigla nag-almusal ka na ba?" Ikinagulat ko ang pag salita ni Nath na tinapik pa ako sa balikat dahilan para makabalik ako mula sa malalim na pag-iisip.

"Hindi pa," sagot ko sa tanong niya.

"Burikat ka talaga paano magkakalaman ang utak mo kung walang lamang ang tiyan mo?"

"Hindi naka connect ang tiyan sa utak bakla," angal ko naman.

"Pero tiyan ang nagbibigay inerheya sa utak," katwiran naman nito.

"Bakit ikaw kumakain ka naman pero wala paring laman ang utak mo sige nga paano mo ipapaliwanag 'yon?" bulyaw ko na.

"Oo nga 'no?" Napaisip pa ang walang hiya sa sinabi ko.

"Are you guys brother and sister?" tanong sa'min ng isang babae upang alamin kung magkapatid kami ni Nath, napalingon ito sa'min ni Nath dahil nakaupo kasi ito sa upuan sa unahan namin kaya malamang naririnig kami nito.

"Hindi." sabay naming sagot sa babae na nag ngangalang Zoey base sa pagpapakilala nito sa'min kanina.

"Ano pala?" muli nitong tanong upang alamin ang relasyon namin ni Nath.

"We're mortal enemy," sagot ko rito.

Nilingon ko si Nath na salubong na ang mga kilay na nakatitig sa'kin, prangka ako madalas magsalita na laging ikinaiinis ng baklang 'to.

"Haha charot lang Zoey mag-kaibigan lang kami nito na parang kapatid na rin," agad na pagbawi ko sa sinabi ko kanina.

"Ah okay, pwede rin ba akong maging part ng friendship n'yo guys, seriously I haven't any friends here lahat sila sa ibang university nag-aral at nahiwalay ako dahil gusto ng parents ko na ituloy ko ang pag-aaral sa business," kwento na nito sa'min.

Nagkatinginan kami ni Nath dahil na rin sa tanong ni Zoey kung pwede s'yang maging parti ng pagkakaibigan namin.

"Walang problema sa'min tutal sawang-sawa na ako sa burikat na 'to e'," saad ni Nath na nakaturo pa sa'kin.

"Talaga ba, kumustahin mo naman ako?" sarkastikong sabi ko.

"Kumusta ka girl?" lintek kinumusta nga ako raulo, imbis na makipag-asaran pa ay iniba ko na ang usapan.

"Bakit napakatagal naman yata ng teacher natin aral na aral na ako ah," saad ko.

"I don't know, kanina pa rin nga kami naghihintay e'," sagot ni Zoey.

Saglit pa ang lumipas ay nabaling na ang paningin naming lahat ng bumukas ang pinto ng silid na iyon, ngunit hindi ko maipaliwanag sa sarili ko nang tila ba biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan siguro ay sanhi lang ito ng hindi ko pagkain ng almusal kaya gutom.

Ngunit tila kakaiba ang bagal na iyon ng unti-unting tumama ang paningin ko sa lalaking pumasok ng aming silid, matangkad ito at napaka ganda ng pangangatawan na talaga namang bumagay ang suot nitong plain white t-shirt na napapatungan naman ng itim na coat na hindi naka sara ang mga butones tinernuhan pa ng black slack pans.

Tila ba may hipnutismong humuhugot sa'kin na kahit isang saglit lang ay hindi naalis ang paningin ko rito, makikita ang walang emosyong mukha nito na hindi manlang nagawang ngumiti matapos pumasok sa silid namin, makinis ang balat ng bilogang mukha nito na tila ba lumaklak ng isang gallon ng glutathione sa subrang puti ng balat, matangos ang ilong at medyo chinito ang mga mata, makikita na mukhang binata pa ito, kaklase rin kaya namin siya pero wala naman itong suot na ID katulad ng sa'min o baka wala pang ID kaya gano'n.

Ito na ba 'yung sinasabi nilang blessing, oh my gosh thank you lord for giving me hope and inspiration while achieving my dream, nakikita ko na ang future ko kasama ang lalaking 'to.

Sinabi ko na nga kanina 'di ba ADVANCE ako mag-isip, kaya madalas nasasaktan.

Tumayo ang lalaki sa mismong harap ng klase at nakaharap pa sa'min walang pinagbago ang blankong expression nito saka nagsalita.

""Good morning everyone, I'm sorry for being late I just finished talking to the principal because of my schedule, by the way I will introduce my self first, I'm your proffesor in Entrepreneur subject my name is Zedic Lim, you guys can call me Prof. Lim or Prof. Zedic anything that you want." mahabang pakilala ng lalaki sa unahan na ikinapanlumo naman ng buong pagkatao ko nang marinig ang salitang 'proffesor'.

Sinasabi ko na nga ba dahil sa pagiging advance ko mag-isip sinampal ako ng katutuhanang walang future na magaganap sa aming dalawa dahil hindi p'wede ang istudyante sa guro lintek na buhay.

'Zedic Lim' 

Malibis kong naalala ang pangalang iyon sa napulot kong ID papunta pa lang ako rito sa klase namin.

'Sa kanya ba ang ID na 'to,' Kinapa ko pa ang ID na kasalukuyang nasa bulsa ng pantalon ko.

Nakakahiya kung ngayon ko ito isasauli, kaluka siguro mamaya na lang.

"Another reason to live a happy life girl, ang pogi ni Prof." Pabulong pang saad ni Nath sa'kin upang walang makarinig sa kanya.

"Basta talaga pogi ang galing mo e' ano, sorry ka akin 'yan," saad ko na halatang ikinagulat naman nito.

"Potahca girl," pagmumura nito sa'kin.

"I won't ask you to introduce yourself to me one by one because I have a list of your names so I'll have to memorize it, so before I start the introduction of our topic any question regarding the subject or anything that you want to ask." Nakataas kamay pang saad ng Prof upang alamin kung may tanong pa raw kami. 

"Single ka po ba?" wala sa sariling naitanong ko iyon dahilan para mabaling ang paningin nilang lahat sa'kin kasama na si Prof Zedic.

Nagtama ang paningin naming dalawa na nagpatindig sa lahat ng balahibo ko sa katawan, tila ba gusto kong humagilap ng martilyo sa mga oras na ito at pokpokin na lang ang sarili kong ulo dahil sa kahihiyan.

Related chapters

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 2

    Mischell's POV"Can you repeat the question miss? Wait what is your name first?" habang sinasabi iyon ni Prof ay naglakad pa ito papunta sa gawi kung saan kami nakaupo.Tinginan ng lahat ang talaga namang nagpadagdag ng kaba sa sa dibdib ko idagdag pa ang tingin ng Prof na tila ba pagagalitan na ako."I'm Mischell Flor." Nakangiting sinagot ko ang tanong nito na hindi ipinahalata ang kaba ko sa dibdib na halos kulang na lang ay maihi ako."Now miss Flor repeat your question," aniya na ulitin ko ang tanong ko."Wala po 'yon Prof nagbibiro lang ako," napapahiyang saad ko rito na napayuko na dahil hindi ko na magawang tumingin pa rito ng diretso."I'm serious miss Flor, maybe I can answer what you asked. Come on stand up and repeat your question." Napatingin ako rito at nakitang seryoso ang mukha nito at wala pa ring pinagbago ang walang reaksyon nitong mukha, n

    Last Updated : 2021-08-24
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 3

    Mischell's POV"Oh iha mabuti at nakauwi ka na, kanina pa kita hinihintay paalis na rin kasi ako e',"saad ni Aling Gemma matapos kong buksan ang pinto ng bahay at ito agad ang bumungad sa'kin.Matamlay lang akong tumango bilang tugon sa sinabi nito at saka ako tumuloy papasok.Si Aling Gemma ang s'yang katiwala namin sa bahay, ito ang madalas na naiiwan sa bahay araw-araw at umuuwi lang sa bahay nila tuwing gabi at kapag may isa na sa'min ni Tito ang nakauwi para pumalit na bantayan si Mama."Nakaluto na rin ako ng hapunan ninyo iha, ikaw na lang bahala pakainin ang mama mo hindi pa siya kumakain," dagdag pa nitong sabi habang kinukuha ang gamit niya na nakasabit sa may gilid ng istante sa sala."Sige po salamat," tipid kong tugon lang rito at napatango pa.Hindi na rin naman ito nagtagal pa at saka tuluyang umuwi na dahil nagsisimula na r

    Last Updated : 2021-08-26
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 4

    Zedic's POV"Zedic!" Naistatwa ako mula sa kinatatayuan ko matapos marinig ang istrektong tinig na iyon ni Mom matapos kong nakapasok ng bahay.Hindi ko inaasahan ang pagpunta nito ngayon dito sa bahay ko at siguradong sermon na naman nito ang maririnig ko.Hindi ko napansin na narito ito dahil sa likod ng bahay ako dumaan upang iparada ang kotse ko at hindi sa mismong gate.Marahan ko na itong nilingon kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko na tila ba mas dumuble ang bigat ng bag na kasalukuyang hawak-hawak ko habang naglalakad ako papasok, pinanatili ko ang blankong expression ko upang ipakita sa kaniya na hindi manlang ako natuwang makita ito."Looks like you aren't happy to see me?" tanong pa nito matapos ko itong harapin, tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo sa single sopa sa sala at maharang humakbang palapit sa gawi ko, makikita ang manipis na lipstick

    Last Updated : 2021-09-13
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 5

    Zedic's POVMatapos maligo ay agad na akong lumabas ng banyo na tanging puting tuwalya lang ang nakatabing sa pang ibabang parti ng katawan ko, ramdam ko pa ang marahang pagpatak sa balikat ko ng ilang butil ng tubig na tumutulo galing sa basa kong buhok.Nararamdaman ko na ngayon ang maayos na pakiramdam kumpara kanina.Hindi pa ako nagbihis pakatapos noon, sunod kong pinuntahan ang bag na dala ko kanina at mabilis hinagilap roon ang cellphone ko na agad ko namang nakuha.Matapos ng mahabang araw ay ngayon ko na lang ulit nahawakan ang cellphone ko, naka open ang 'Do Not Disturb' button sa phone ko kaya kahit anong call at text ay wala akong maririnig, matapos kong mapindot ang power button ay agad na bumungad sa akin ang 99+ missed calls na galing lahat kay Estella."Tss," agad akong napangisi dahil nabanggit nga nito kanina na marami na s'yang missed call sa akin

    Last Updated : 2021-09-13
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 6

    Zedic's POV Mabilis kong nilinis ang sugat ko sa kamay matapos kong makapasok sa kwarto, wala akong alam sa paglilinis ng mga sugat kaya paghugas lang ang tangi kong ginawa para maalis ang dugo sa kamay ko isang medyo makapal na gasa ang ipinulupot ko sa kamay upang matigil ang pagdurugo nito at saka hinayaan ko na lang pagkirot nito dahil sa isip-isip ko malayo iyon sa bituka. Matapos ayusin ang pagkakalagay ng gasa sa kamay ko ay lumabas akong muli sa kwarto ko at tinungo ang opisina ko rito sa bahay. "Zedic iho ayos ka lang ba? Magsabi ka lang kung may kailangan ka ah," saad ni Aling Sol ng masalubong ko itong muli habang patungo ako sa opisina ko. "Ayos lang 'wag niyo na akong alalahanin," sagot ko rito. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala kahit hindi man niya sabihin, mayor doma si Aling Sol sa bahay na ito simula pa mga bata kami ni

    Last Updated : 2021-09-16
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 7

    Mischell's POV"Sorry prof I'm late hehe." Napapahiyang sabi ko rito."Why are you late?" blankong emosyon nitong tanong sa'kin habang naglalakad na papalapit sa harap kung saan ako nakatayo, habang pinapanood lang kami ng lahat nabaling pa ang tingin ko sa kaliwang kamay nito na may binda na hindi ko naman nakita kahapon, ngunit kahit nagtataka ay hindi ko na lang iyon pinansin."Traffic po," pagdadahilan ko na lang."Kung traffic pala sana inagahan mo na ang alis sa bahay niyo, gising ka na ng alas tres hindi ba?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala kong nag chat nga pala ako ng 'good morning' sa group chat kaninang madaling araw at nakitang si Prof ang naunang nag seen kanina."Naku prof palusot lang 'yan ni Mitch, baka 'yong oras na nag chat siya matutulog pa lang haha." Tumatawang sumabat si Nath sa'min dahilan para matawa naman ang ilan.'Tama

    Last Updated : 2021-09-16
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 8

    Mischell's POVAlas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakauwi ng bahay, naka upo ako sa tabi ng waiting area sa labas ng university para hintayin sina tito upang sunduin ako. 20 percent na lang ang battery ng phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan ang number ni tito pero hindi ko makuntak kahit na si tita.Ako na lang mag-isa ang nandito sa labas dahil nakauwi na rin ang ibang istudyante na mga scholar din na kasabay ko kanina, may night class ang university kaya karamihan ng tao ay nasa loob na dahil oras na ng klase.Sinubukan ko uling tawagan ang number ni tito dahil ilang minuto na akong naiinip sa kakahintay, hindi ako sanay na mag-isang umuwi ng gabi lalo pa at may distansya ang layo ng sakayan mula rito sa university kong maglalakad ako.Paulit-ulit na 'cannot be reached' ang naririnig kong sinasabi sa kabilang linya, alam kong 7 ang uwi nila pero bakit hanggang ngayon ay wala sila halo

    Last Updated : 2021-09-17
  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 9

    Mischell's POV"You're late again miss Flor," blankong emosyong sabi ni prof nang ito ang unang bumungad sa akin ng makapasok ako ng silid.Sinusubukan ko naman talaga e' sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko dahil scholarship ko ang nakasalalay rito ngunit hindi ganoon kadali na kung kinakailangan lang ay gagawin kong dalawa ang sarili ko para magawa ang mga bagay-bagay ng mas madali.Akala ko maaga na ako makakapasok ngayon dahil doon natulog si Aling Gemma sa bahay kaya hindi ko na ito hihintayin pa, pero na late pa rin ako dahil kailangan kong linisin ang dumi ni mama dahil ayoko na pati iyon iasa ko pa kay Aling Gemma na abala na rin sa mga gawaing bahay."Naku prof sabi ko nga po sa inyo laging puyat 'yan si Mitch kaya late na naman," saad ni Nath."Baka may ka-bebe time kaya ganoon," saad naman ni Zoey na nakikisabay na rin sa pang-aasar na da

    Last Updated : 2021-09-18

Latest chapter

  • I Love You Prof (Tagalog)   Epilogue

    1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 55

    Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 54

    Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 53

    Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 52

    Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 51

    Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 50

    Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 49

    Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la

  • I Love You Prof (Tagalog)   Chapter 48

    Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar

DMCA.com Protection Status