Mischell's POV "Oh iha mabuti at nakauwi ka na, kanina pa kita hinihintay paalis na rin kasi ako e',"saad ni Aling Gemma matapos kong buksan ang pinto ng bahay at ito agad ang bumungad sa'kin. Matamlay lang akong tumango bilang tugon sa sinabi nito at saka ako tumuloy papasok. Si Aling Gemma ang s'yang katiwala namin sa bahay, ito ang madalas na naiiwan sa bahay araw-araw at umuuwi lang sa bahay nila tuwing gabi at kapag may isa na sa'min ni Tito ang nakauwi para pumalit na bantayan si Mama. "Nakaluto na rin ako ng hapunan ninyo iha, ikaw na lang bahala pakainin ang mama mo hindi pa siya kumakain," dagdag pa nitong sabi habang kinukuha ang gamit niya na nakasabit sa may gilid ng istante sa sala. "Sige po salamat," tipid kong tugon lang rito at napatango pa. Hindi na rin naman ito nagtagal pa at saka tuluyang umuwi na dahil nagsisimula na r
Last Updated : 2021-08-26 Read more