"Hindi ko ibababa ang sarili ko at magtatrabaho sa ganiyang trabaho!" Ito ang salitang palaging sinasabi ni Alina sa kaibigan na si Breeze nang alukin siyang magtrabaho sa Midnight Haven. Ngunit nilunok niya lahat ng binitiwan niyang kataga nang gipit na gipit siya. Naging VIP escort siya sa isang gabi sa bilyonaryong si Eros Ramazzotti kapalit ng kalahating milyon. Sobra-sobra pa ito sa pang-tuition at thesis niya. Subalit paano kung dahil sa isang gabi na ito ay magbabago ang agos ng buhay niya? Paano kung biglang sumulpot ang lalaking pinagsilbihan niya ng gabing iyon at sumulpot sa apartment niya at inaalok na maging exclusive escort nito? Ano ba ang mas matimbang? Ang dignidad na gusto niyang ingatan kahit alam niyang nasira na o ang tawag ng laman na pilit sinisigaw ng damdamin niya pagkatapos niyang matikman ang sinasabi ng kaibigan niyang langit?
view more“Mama, bakit kailangan mo pong ilagay sa mga paso ang tanim mong petchay?” tanong ng sampung gulang na anak nina Ali at Eros na gumagawa ng assignment nito sa may maliit na mesa na nakalagay sa kanang parte ng kanyang harden.“Kasi kulang iyong kama na pinagtamnan ko, anak. Marami akong binhi at sayang naman kung hahayaan ko lang,” tugon niya sa tanong ng kanyang anak.“Eh, bakit palagi pong petchay iyong tinatanim mo? Naalala ko na nagrereklamo si Daddy na puro na lang petchay ang tinatanim mo gayong sa gabi ay kumakain siya ng petchay?” inosenteng tanong nito.Nalukot ag mukha niya nang marinig ang tinuran ng kanyang anak. Minsan ay gusto na niyang tirisin ang asawa dahil sa mga birong lumalabas sa bibig nito. Alam na nga nitong curious ang mga bata kapag may naririnig sila pero hindi pa rin nito mapigilan ang bunganga nito kapag nagsasalita.“Bakit naririnig ko ang pangalan ko?” singit ni Eros na pumasok ng greenhouse at may hawak na meryenda.Matalim na tingin ang iginawad niya ri
“What did that brat tell you?” tanong ni Eros kay Ali na katatapos lang naligo at tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang tuwalya.Natigil siya sa ginagawa at nilinga ang binata na nakasandal sa headboard ng kama. Hindi maipinta ang mukha nito at halatang pinipigilan lang nito ang ipakitang nagseselos ito. Pero hindi iyon naitago ng pagkakasalubong ng kilay nito.Kanina kasi na nag-usap sila ni Diego at pumasok ito ay naabutan nito nang magkayakap sila at tumatawa pa. Ora-orada tuloy na pinaalis nito ang pamangkin at simula ‘nun ay ramdam niya na bad mood ito. Hindi rin siya nito kinakausap at ngayon lang siya nito pinansin.“Wala naman,” kibit balikat na tugon niya. Sinasadya niyang balewala ang pananahimik nito dahil natutuwa siyang makita ang pagseselos nito na kahit pilit nitong tinatakpan ay nahahalata pa rin niya. At gustong-gusto niyang tignan sng mga reaksyon nito na ngayon lang maliwanag niyang nakikita.Mas lalo pang nalukot ang mukha nito at lumaki ang mga ugat sa sentido nito
Days passed in the blink of an eye. Everything that happened in the hospital was already cleared by Eros’s parents. Like nothing happened from the start. Kung may lumabas man na balita ay hindi nabanggit ang pangalan ni Ali na halatang prinotektahan ng pamilyang Ramazotti ang privacy ng dalaga. Gusto nilang kapag lumalabas siya at naglalakad sa sidewalk man o kahit saang lugar ay hindi siya tinitignan ng mga tao na isa siya sa naging biktima ng mga babaeng nakatikim ng drugs kahit pa labag sa kanyang kalooban. She was protected from gossip that will ruin her life. And that's thanks to Eros that she has the privilege to avoid being the subject of their stories.Sa ngayon ay na-discharge na rin si Ali sa hospital at nakauwi na sila sa Heritage Ville. Hindi na siya pinayagan ng binata na umuwi sa kanyang bahay at balak na nitong ibenta iyon pero tinutulan niya. Sa una ay ayaw ng binata ngunit nakiusap siya. Nang tinanong siya nito kung bakit ayaw niyang ibenta ang bahay ay nag-alangan si
Subalit hindi pa rin magawa ni Ali na kumalma. She kept on trembling while tears streamed down her eyes. Nanlalamig din ang buong katawan niya habang naglalaro sa imahinasyon niya ang kung ano mang ginawa sa kanya habang wala siya sa katinuan. Animo masusuka siya habang iniisip lahat ng mga senaryong tumatakbo sa utak niya.Ngumisi ang lalaki nang makita ang reaksyon ni Ali.“Alam mo ba kung sino dapat ang sisihin mo kung bakit nangyayari sa'yo ang lahat ng ito?” Bumangis ang mukha nito at itinutok ang baril sa mag-asawang Ramazzotti. “Ang anak ng dalawang ‘to ang may sala. Si Eros ang nagdala ng kapahamakan sa buhay mo.”Pagkatapos niyong sabihin iyon ay kinalabit nito ang gatilyo at tumama iyon sa dingding. Halatang pinaglalaruan sila ng lalaki dahil humalakhak pa ito at kay Don Faustino naman niyo tinutok ang baril.“Siguro’y hindi mo ako naalala, Don Faustino. Ang mga magulang ko ay dating kasambahay ng pamilya ninyo pero dahil lamang kay Eros na anak ninyo ay nakulong ang aking m
Kumakain si Ali ng orange nang bumukas ang pinto ng private room niya at pumasok si Eros. Napakurap siya at napanganga nang mabistahan ang hitsura at outfit ng binata ngayon. Alam niyang may pupuntahan itong interview ito mamayang after lunch at akala niya ay three piece suit ang isusuot nito ngunit natulala siya nang makita ito ngayon.Puting polo ang pang ilalim at grey vest ang ipinatong nito bago ang grey jacket suit. Kulay blue naman ang kurbata nito at grey pants ang pang-ibaba. His ink-blank hair was clean and well-kempt. Animo naging bata ito kaysa sa tunay na edad nito.Sa sandaling ito ay hindi pa rin niya mapigilan ang mamangha at ma-attract sa binata. He's already handsome in her eyes but everytime it was like he's even more handsome and attractive each day. Her heart quivered at the sight of him. She unconsciously wiped the corner of her lips.“Beautiful!” hindi niya napigilang ibulong at pinasadahan ng tingin ito mula ulo hanggang paa.Eros paused and raised his eyebrows
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy
Bumuntong hininga si Alina nang tignan niya ang laman ng kaniyang wallet. Two hundred pesos lamang ang natitirang pera niya at kasya lang sa pambili niya ng isang kilo ng bigas at ulam niya. At wala ng matitira pa sa kaniya. Ang magiging sweldo rin niya sa kaniyang part-time job ay sapat na para mabayaran lang niya ang upa niya ng isang buwan sa kaniyang maliit na apartment. Kulang na kulang talaga para sa gagastusin niya. Tapos ito at namomroblema pa siya sa ibabayad niya sa school para sa thesis niya. Wala na siyang maisip na paraan para makahanap ng perang gagamitin niya.Simula noong umalis siya sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki ay siya na ang nagtutustos sa lahat ng pangangailangan niya. Minsan nga ay gusto niyang tanungin ang maykapal kung bakit naging ganito ang buhay niya? Kung bakit kailangan pa siyang ipanganak sa mundong ito kung ang dadanasin din niya ay ang ganitong hirap. Pero agad na winawaglit niya ito sa kaniyang isipan at nag-iisip agad siya ng positibo. Kung mag...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments