Bumuntong hininga si Alina nang tignan niya ang laman ng kaniyang wallet. Two hundred pesos lamang ang natitirang pera niya at kasya lang sa pambili niya ng isang kilo ng bigas at ulam niya. At wala ng matitira pa sa kaniya. Ang magiging sweldo rin niya sa kaniyang part-time job ay sapat na para mabayaran lang niya ang upa niya ng isang buwan sa kaniyang maliit na apartment. Kulang na kulang talaga para sa gagastusin niya. Tapos ito at namomroblema pa siya sa ibabayad niya sa school para sa thesis niya. Wala na siyang maisip na paraan para makahanap ng perang gagamitin niya.
Simula noong umalis siya sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki ay siya na ang nagtutustos sa lahat ng pangangailangan niya. Minsan nga ay gusto niyang tanungin ang maykapal kung bakit naging ganito ang buhay niya? Kung bakit kailangan pa siyang ipanganak sa mundong ito kung ang dadanasin din niya ay ang ganitong hirap. Pero agad na winawaglit niya ito sa kaniyang isipan at nag-iisip agad siya ng positibo. Kung magiging negatibo lahat ng tumatakbo sa kaniyang utak ay baka noon pa man ay sumuko na siya. Baka isa na rin siya sa mga ibang babae riyan na nagtatrabaho sa mga club.Hindi naman sa kinukutya niya ang trabaho ng mga kabaro niya pero gusto niyang ingatan ang kaniyang dangal. Gusto niyang may respeto pa rin siya sa sarili dahil ito ang ipagmamalaki niya kung sakaling mag-asawa man siya. Kahit laki siya sa hirap ay at least may bagay na maa-appreciate ng magiging partner niya.Muli siyang huminga ng malalim at binalik na ang wallet sa kaniyang lumang sling bag. Nangalumbaba siya at inilibot ang tingin sa paligid. Nasa park siya kung saan sila magkikita ng kaibigan niyang si Breeze. Sa ganitong oras ay kakaunti dapat ang mga taong namamasyal dito. Pero sa araw na ito ay maraming pamilya ang narito at nagtayo pa ng tent. Naiinggit talaga siya sa tuwing may nakikita siyang kompletong pamilya. Kung sana ay may magulang din siya, sana'y hindi ganito ang hirap na dinadanas niya.She shook her head and gently slap her face. Ito na naman at kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya."Hulaan ko, pera na naman ang problema mo!"Kasabay ng pagtapik ni Breeze sa balikat niya dahilan para mapaiktad siya ay ang pag-upo nito sa tabi niya.Nilinga niya ang kaibigan at bumuntong hininga. Kilala na talaga siya ng kaibigan kaya kahit hindi siya magkuwento ay alam na nito ang problema niya. Kasama rin niya ito sa orphanage at kasabay na umalis din doon noong edad kinse na sila. Pero mas pinili nitong magtrabaho bilang escort ng isang sikat na club kaysa ang mag-aral katulad niya. Hindi lang miminsan na inalok siya nito na magtrabaho na rin sa workplace nito pero palaging tumatanggi siya at sinasabing 'Hindi ko ibababa ang sarili ko at magtatrabaho sa ganiyang trabaho!'Hindi naman ito na-offend kapag ito ang sinasabi niya. Ang tanging sinasabi lang nito ay hindi raw ito magaling na katulad niya para pangarapin pa nitong magtapos ng kolehyo."Ano pa nga ba? Araw-araw naman na ito ang problema ko. Wala akong pambayad sa tuition ko! Ayaw ko naman na huminto na sa pag-aaral at thesis na lang ang kulang ay makaka-graduate na ako. Kung kailan malapit na akong magtapos saka naman ako na-zero balance," malungkot na wika niya."Bakit? Nagastos mo na ba ang sahod mo sa part-time job mo?" tanong nito."Pambayad ko sa upa ko iyon, Bree. Ayaw ko naman na matulog sa kalye kapag pinalayas ako ng landlord ko," tugon niya at humilig sa balikat nito. "Pahiramin mo ulit ako at saka ko na babayaran 'pag may sweldo ako.""Eh... kasi iyong pera ko rin ngayon ay pinambayad ko rin, Alina. Pasensya ka na at gipit din ako ngayong buwan kasi wala akong naging kita. Ang kasamahan ko kasing si Ellie ang hinahanap nila doon," apologetic na sabi nito."Naiintindihan naman kita," usal niya at umayos na ng upo. "Ang damot naman kasi ng boss ko. Ni ayaw niyang magpa-advance. Hindi ko naman siya tatakbuhan, eh!" maktol niya.Hindi sumagot si Bree kaya nilinga niya ito. Matiim siya nitong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa mababakas na kaseryosohan sa mata nito."Bakit?" takang tanong niya."Ayaw mo ba talaga? Alam mo kung kakausapin lang natin si Mamu ay agad na bibigyan ka niya ng racket. Maganda ka, Alina. Maamo ang iyong mukha at kababaliwan ng mga lalaki ang angking kariktan mo. Hindi naman panghabang-buhay na magtatrabaho ka roon. Kahit ngayon lang para may gagastusin ka hanggang sa maka-graduate ka. Titigil ka rin kapag may stable kang work," mahinang sabi nito para hindi marinig ng iba.Mariing naglapat ang labi niya at nagbawi ng tingin. Noong iniaalok nito ang trabahong 'to ay hindi man lang siya na-tempt. Pero bakit sa pagkakataon na 'to ay parang gusto niyang pumayag? Nanghihinayang kasi talaga kung hindi niya matatapos ang thesis niya dahil ganap na siyang agriculturist kung sakali man na maka-graduate siya. At plano niya noon na mag-apply sa abroad kapag nakapagtapos na siya dahil ito ang in-demand, isa na rito ang Russia."Alam ko na sasabihin mo na naman na iniingatan mo ang dangal mo pero kung minsan lang namsn na gawin mo at hindi malalaman ng iba ay hindi ka makakatanggap ng panghuhusga," giit pa rin nito nang hindi pa rin siya sumagot. Ginagap din nito ang kamay niya at pinisil.“P-Pero nadungisan pa rin ako,” mahinang bigkas niya. “Iningatan ko ito para sa magiging asawa ko.”“Hay! Hindi na kita pipilitin. Pero sorry, best, sa ngayon talaga wala akong maipapahiram,” anito. “Pero kung magbabago ang isip mo ay sabihin mo lang sa'kin at tatanungin ko si Mamu. Kahit pang-isang gabi lang. Makikiusap ako na pang-VIP escort ka kasi berhin ka pa.”Mariing pumikit siya at huminga ng malalim. She imagined herself working abroad at may magandang buhay na roon. Nakakaya na niyang bilhin ang gusto niya at makapag-ipon. Naibibigay ang gusto ng magiging mga anak niya sa hinaharap. At ito ang nagtutulak sa kaniya para pumayag sa suhestyon ng kaniyang kaibigan. Ngunit kapag naiisip naman niya kung ano ang idadahilan niya kung bakit hindi na siya malinis ay umuurong siya.“Sa panahon ngayon ay hindi na importanti ang virg*nity, Alina, may mas bata pa nga sa'yo at magaling na sa kama. Pero ikaw minsan mo lang namang gagawin,” bulong ni Bree sa kaniyang taynga. “Ang Ellie na binanggit ko, mas bata pa sa'yo ‘yun. At'saka ‘wag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaan na makita ka ng mga kasamahan ko doon. Tanging si Mamu, ikaw, ako at ang magiging kliyente mo ang nakakaalam na ginawa mo ‘to.”Nag-aatubling tinignan niya ang kaibigan na ngumiti sa kaniya.“Kung gusto mo ay puntahan natin si Mamu ngayon at kausapin. Saka ka papayag kung magugustuhan mo ang alok niya,” dugtong nito.Sandaling natahimik siya at napalunok. “Kahit pumunta ako roon ay puwede pa rin akong tumanggi kung ayaw ko?”“Oo naman! Ikaw din naman magdidisisyon sa huli.”Huminga siya ng malalim bago tumango. Agad na ngumiti ng malawak si Bree at tumayo. Hinila siya nito at lumabas sila ng park. Eksaktong may bakanteng taxi ang nakita nila at dito sila sumakay na dalawa.Parang ang pagtango lamang niya ang hinihintay ng kaibigan at hindi nito hinintay na muli siyang tumanggi. Sa bilis ng pangyayari ay hindi rin siya nakapagsalita at saka lamang siya nakaramdam ng kaba at takot nang nasa loob na sila ng Midnight Haven at nakaupo sa harap ng tinatawag ni Bree na Mamu. Isa itong matandang dalaga at tadtad ng kolorete ang mukha.Agad na sinabi ni Bree ang sadya nila kaya nanginginig na nagyuko siya ng ulo nang pag-aralan nito ang hitsura niya.“May espesyal na escort kami rito at kung gusto mo ay doon ka magra-racket. Kumbaga’y VIP escort ang gagawin mo. Bukas na bukas din ay pupunta ka sa lugar kung saan kayo magkikita ng kliyente mo,” satisfied na wika nito. “Regular na customer ko siya rito sa club. Kung ano ang iaalok niyang pera sa'yo ay labas na ako roon basta magbayad siya sa'kin ng gusto kong halaga. Pero sinasabi ko sa'yo, hija, na hindi bababa sa halagang isang daan ang ibabayad niya.”Siniko siya ni Bree kaya natauhan siya at pilit na ngumiti. Kahit na sinabi nito ang ganung halaga ay tumututol pa rin ang kalooban niya. “P-Parang hindi ko na yata itutuloy.”“Ano ka ba naman, Alina? Nandito na tayo, eh!” bahagyang naiinis na wika ni Bree.Napalunok siya at naaasiwang sumulyap kay Mamu na tumango sa kaniya. Gusto niyang tumanggi pero nahihiya siya sa kaibigan niya na nahihiya na rin kay Mamu.“S-Sige po!” pikit-matang tugon niya.“Good!” natutuwang bulalas ni Mamu at kumuha ng isang papel. May isinulat ito roon at tinupi bago binigay sa kaniya. Nanginginig ang kamay na tinanggap niya iyon at binulsa. "Kitain mo siya sa lugar na ito, hija."Nang lumabas sila ng gusali ay nanlalambot ang tuhod na napahawak siya sa braso ni Bree. Wala na bang atrasan ito? Kailangan na ba niyang lunukin ang palaging sinasabi niya sa kaibigan?God! Sana ay wala siyang pagsisisihan kung sakali.Nasa harap ng pinto si Alina ng hotel room kung saan sila ngayon magkikita ng VIP client na tinutukoy ni Mamu. Ang lakas ng pagdagundong ng kaniyang dibdib at sa tuwing itataas niya ang nanginginig niyang kamay para gamitin ang key card at buksan ang pinto ay nabibitin sa ere ang kamay niya. Puno siya ng pag-aalinlangan at takot. Naroon din ang pangamba na baka nagsisinungaling si Bree sa kaniya na baka may nakakaalam ng gagawin niya sa gabing ito. Ayaw niyang kapag pumasok na siya sa school ay nakatutok sa kaniya ang mata ng mga estyudante at pinag-uusapan siya. Inuusig at pinagtatawanan dahil naging escort siya.Mariing naglapat ang mga labi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa card. Pagkatapos ay niyuko ang kaniyang sarili. Ang suot niya ay isang lumang bulaklaking blouse at skinny jeans at flat sandals naman ang sapin niya sa paa. Pinipilit siya ni Bree na hiramin ang isang sexy dress na sinusuot nito kapag pumapasok ito ng Midnight Haven. Subalit tumanggi siya dahil naiilang
Pagkapasok ni Alina sa loob ng kaniyang apartment ay napaupo siya labag. Binitiwan din niya ang bag niya kung saan nakalagay ang cheque na kanina lang ay binigay ni Eros. Ni hindi niya tinignan kung magkano ba ang binayad nito at basta na lamang niya sinuksok sa bag niya at patalilis na nilisan ang hotel na ‘yon. Ni hindi siya lumingon para tignan ang gusali dahil ang gusto lang niya ay huwag tumatak sa isip niya na ang hotel na ito ay lugar kung saan niya binigay ang puri sa lalaking hindi man lang niyang kasintahan.Kahit pa si Eros ang lalaking iyon. Kilalang-kilala niya ang nasabing binata dahil isa ito sa bachelor na hinahabol ng maraming kababaihan. Sa laki ng business na pinamumunuan nito ay hindi maikakaila kung anong antas ng buhay ang meron ito. Isa itong galing sa alta syudad at kilala bilang batam-batang bilyonaryo ng bansa. Ang pamilya Ramazzotti ay noon pa'y kilala at hinahangaan sa larangan ng business. Nagsimula sa sa patriarch ng Ramazzotti hanggang sa henerasyon ng a
Eros narrowed his eyes when he saw Alina's picture. Pagkatapos ng mainit nilang pagtatal*k noong isang gabi ay nag-utos agad siya ng private investigator para kumalap ng impormasyon ukol sa dalaga. Isa na itong graduating sa korsong agriculture sa isang pampublikong unibersidad. Ulilang lubos at lumaki sa isang orphanage na matagal na sinusuportahan ng Ramazzotti foundation. Pero umalis ito noong edad kinse dahil ito ang rules ng orphanage. At hanggang ngayong edad twenty-one ito ay nagsumikap pa rin ito.Nasa impormasyon din ang kung paano naging escort ang dalaga. Ito mismo ay kay Corey nanggaling. Ang tinatawag nilang Mamu sa Midnight Haven. Kaya pala berhin at malinis ito. At kung hindi lang dahil sa pangangailangan nito ay hindi pa ito mapapadpad sa lugar na iyon. Muntik pa raw itong umatras ayon kay Corey kung hindi lang dahil sa pamimilit ng kaibigan nito.Siguro ay limang taon na rin siyang VIP client ng nasabing club. At minsan sa isang buwan kung magpadala si Corey ng babae
Agad na dinala ni Alina sa bangko ang cheque na binigay ni Eros sa kaniya ng gabing iyon at gumawa pa siya ng account para ilagay doon ang pera. At ang inilabas lamang niya ang ibabayad niya sa tuition niya at ang hinihingi ni Breeze na pera sa kanya. Hindi pa niya ito naibibigay sa kaibigan at balak niyang sadyain ito sa midnight haven mamaya.Hindi niya napigilan ang huminga ng malalim pagkatapos niyang makabayad ng kanyang tuition. Animo nabunutan siya ng napakalaking tinik sa dibdib dahil solved na rin ang problema niya. Nakapagbayad na rin siya at nakapadisisyon na siya kung ano ang magiging thesis niya. May malawak na farm ang university na pinapasukan niya para sa mga agriculture student na kagaya niya. 180 square meter ang lawak ng lupa na siyang tataniman niya ng kamatis na siyang magiging thesis niya.At bukas na niya sisimulan na bunutan ng damo at bungkalin.Pagkalabas niya ng campus ay tinignan niya ang oras sa lumang cellphone niya. Maaga pa naman at pwede muna siyang pum
Pagkatapos na maghanda at magpalit ng damit si Alina ay isinukbit na niya ang sling bag niya. Ngayon ang araw na sisimulan niyang bunutin ang mga damo sa lupang tataniman niya. Pero kailangan muna niyang dumaan sa farm supply para bumili ng mga gagamitin niya. May mga lumang gmit naman siya rito tulad ng sickle subalit hindi na siya matalim. Ginagamit lang niya ito noon sa mga potted plants na tinanim niya. Katulad ng mga gulay na kapag puwede nang anihin ay inaani niya at inuulam.Inayos niya ang kanyang buhok at tinungo ang pinto. Malapit na siya sa may pinto nang may kumatok. Kumunot ang kanyang noo. Wala naman siyang inaasahan na darating na bisita ngayon. Kung si Bree naman ay baka nahihimbing pa iyon sa kuwarto nito.Nang maulit muli ang katok sa pinto ay nagmamadali na niyang tinungo iyon at binuksan. Nakangiti pa siya noong una subalit nang makita kung sino ang nakatayo roon ay nabura ito. Agad siyang nakaramdam ng kaba at nanginig ang mga kamay niya. Namumukhaan kasi niya ang
“S-Sir—” nauutal na usal niya subalit hindi man lang niya mabanggit ang pangalan ng lalaki. Animo may napakalaking bikig sa lalamun niya at hindi makalabas ang kanyang boses. Parang natuka siya ng ahas sa pagkaputla habang hindi alam kung ano ang ikikilos sa harapan ng binata.Nanginig din ang kamay niyang nakahawak sa pinto. Gulat na gulat talaga siya sa biglang pagsulpot ng lalaki sa bahay niya. Hindi niya inakalang kaya nitong tumapak sa magulong eskinita papunta rito. At lalo pa siyang naguguluhan kung bakit ito at nakatayo ito sa harap niya.Hindi niya mahulaan kung ano ang sadya nito sa kanya. Kahit pa kalkalin niya ang lahat ng bulsa sa utak niya ay wala siyang mahanap na sagot. Ang tanging tumatakbo lamang sa isip niya ay, ‘bakit ito nandito?’ at ‘kung ano ang ginagawa nito sa apartment niya.’Napalunok siya at palihim na kinurot ang kanyang sarili. Saka lihim na ngumiwi at d*****g nang masaktan siya.“Alina Lopez, I came here to negotiate with you about something,” buo ang bos
“So beautiful!” anas ni Eros at pinadaanan ng daliri nito ang balikat niya pababa sa naka-xpose niyang likod.Nakatapis lamang siya ng tuwalya at katatapos lamang niyang naligo. Kalalabas din ng binata mula sa maliit niyang banyo. At hindi na niya inisip kung ano ang reaksyon nito habang naliligo dahil wala siyang shower dito. At katunayan habang naliligo siya ay balot siya ng kaba sa halip na takot. May munting tinig din na bumubulong sa utak niya na ikaila man niya ay excited din siya sa napupuntong mangyari uli sa kanilang dalawa ng lalaki.Lumunok siya at napakagat ng labi nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa batok niya. Malambot, mainit at nakakapaso ang labi ni Eros. Nagbibigay ito ng kakaibang kiliti sa kanyang katawan. Kahit kinakabahan ay lumipad yata ito sa Mars dahil naging excited ang buong kalamnan niya. Nang lumipat ang labi nito sa balikat niya at dilaan ito ay napahingal siya at napapikit.Kumilos ang isa pang kamay ni Eros at inalis ang tuwalya na nakabalabal
Umungol si Alina at tumihaya ng higa. Sobrang pagod ang pakiramdam niya at kumikirot din ang pagitan ng hita niya. Hindi ito ang unang beses niya pero kahit sa second time pala ay makakaramdam siya ng kirot. Lalo na at mahaba ang kargada ni Eros. Hindi lang iyon, ilang beses siyang nilabasan kaya nanlalata siya.Namamalat na nagmulat siya ng mata at tumingin sa tabi niya. Ilang segundo siyang nakatitig lang doon bago siya mapait na napangiti. Ano pa ba ang inaasahan niya? Ang matutulog si Eros sa tabi niya? Ang kapat naman ng kanyang mukha upang asamin pa niya ang ganito.Isa lamang siyang escort na babayaran nito para sa kanyang serbisyo rito.Mahinang sinampal niya ang pisngi at bumangon. Humikab siya at nag-inat bago binalabal sa hubad na katawan ang manipis niyang kumot. Bumaba na siya at kukunin sana ang cellphone niya sa mesa nang makita niya ang maliit na papel na nakalapag sa mesa. Nakaipit iyon sa cellphone niya.Mariing naglapat ang labi niya nang makita kung ano iyon. Nagha
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy
Pagkaupo ni Eros sa swivel chair ay niluwagan niya ang suot niyang kurbata at marahas na huminga. Pinigilan niya ang mapamura at suntukin ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil natatakot siyang masira ang pinaghirapan niya upang maprotektahan ito ay hinila na niya payakap si Ali. Sabik na siya sa kasintahan pero kailangan niyang magmatigas.Ayaw niyang pati si Ali ay idamay ng makasariling pinsan niya sa galit at selos nito sa kanya. Though, may mga binabayaran naman siyang tao upang sundan si Ali. Mas mainam pa rin na sa mata ni Dylan ay nagkasira na sila ng dalaga para sa kanya lang nakatuon ang galit ng huli. Hindi nito ibabaling sa dalaga ang kung ano mang pagkamuhing nararamdaman ni Dylan.Noong nasa China pa siya at kinausap niya si Mr Wang kung bakit ayaw nitong ilaglag si Dylan ay dahil sa matinding rason nito. Isang asawa at ama si Mr Wang. May anak na isang babae at isang lalaki ito. Na kasalukuyang hawak ni Dylan. Natatakot si Mr Wang na kapag kumanta ito ay ang pamilya
Pagkatapos ng klase ni Ali ng hapon na ‘to ay dumeretso agad siya rito sa gusali ng Ramazzotti. Nagbabasakali siyang umuwi na si Eros ng bansa at makita niya ito. Kahit silip man lang ay kontento na siya. Kahit hindi na muna sila mag-usap habang hindi pa niya napapatunayan na wala siyang kasalanan.Miss na miss na niya ang binata at guato na niyang masilayan ang mukha nito. Nasanay siya na palaging kasama niya ito kaya sa mga araw na wala ito sa kanyang tabi ay nanibago siya. May hungkag sa buong pagkatao niya hindi mapupunan ng kahit anong materyal na bagay. Dahil alam niya sa sarili niyang ang kahungkagan na ito ay si Eros lamang ang makagamot nito.May pag-asam ang matang tinanaw niya ang entrance ng gusali nang mahagip ng kanyang mata ang pulang Maybach na sasakyan. Kumabog ang puso niya dahil nakikilala niya ang sasakyan. Isa ito sa collection ni Eros na nakita niya sa garahe ng bahay nito sa Heritage.Huminto iyon sa harapan ng gusali at bumukas ang pinto ng driver side. Lumabas
Nasa isang cafe ngayon si Ali at hinihintay na dumating si Diego. Nagpadala siya ng mensahe kaninang umaga na may importanteng bagay silang pag-uusapan at pumayag naman ito. Hindi niya sinabi kung ano iyon pero hindi naman ito nagtanong.At habang naghihintay siya ay hindi siya mapakali. Namamawis ang mga kamay niya at bumubuo na siya ng salitang sasabihin sa binata. Kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki kapag malaman nito na pinaghihinalaan din niya ito.Napag-isip isip kasi niya ang sinabi ni Bree. Kaya nilakasan na niya ang loob na kausapin si Diego. Gusto niyang kapag mag-uusap na sila ni Eros ay may pruweba siyang hindi sila nagtal*k ng pamangkin nito.Huminga siya ng malalim bago pinakawalan ito at nagpalinga-linga sa paligid upang alisin ang nerbiyos niya. Nang mapadako ang mata niya sa entrance ng cafe at makita sa labas si Diego ay animo nagkaroon ng malaking bikig sa kanyang lalamunan. Sa loob-loob niya ay umaatras siya at parang
“Master, we've been tailing her every move for the past few days but we still didn't find anything wrong,” imporma ni Penny mula sa overseas call nila. “Pero hindi ako titigil hangga't siya mismo ang magbibisto sa ginawa niya.”Pinapasundan kasi niya si Bree sa dalaga dahil may kutob siya na binabayaran ito ng pinsan niyang si Dylan. Something is fishy about that woman. Sa katunayan ay kailangan nga niyang maging matigas kay Ali para sa plano niya. Everything is under his control. Kung walang aberyang mangyayari ay within a month, siya na mismo ang susuyo sa dalaga.“I see,” saad ni Eros nang hindi inaalis ang tingin sa dokyumentong kanyang hawak. His eyes were cold and ruthless as he read all the information written in there. Sunod-sunod ang naging problema ng Ramazzotti kaya naging busy siya at kinailangan pa niyang lumipad dito sa china upang ayusin ang problema ng branch ng kanyang negosyo.Nakakatawa mang isipin na dapat sana ay pinagtutuunan niya ng atensyon ang tungkol sa kanil
“Tahan na, beshy! Please, naiiyak na rin ako, eh!” basag ang boses na usal ni Bree at hinagod ang likod niya.Pagkatapos nilang mag-usap ni Carmella kanina ay dito sa apartment ni Bree siya pumunta. Why? She's still not sure yet but maybe deep in her heart she wants to test her friend. Kahit pa sinasabi ng puso niya na walang kinalaman ang kaibigan pero gusto pa rin niyang subukan.“B-Bree, ang sakit talaga! O-Okay pa naman kami noong gabing iyon. P-Pero kinabukasan ay basura na ako sa paningin niya. A-Ano ba talaga ang nangyari nung gabing ‘yon. P-Pakiusap, kung ma naalala ka pa na iba ay sabihin mo na sa akin!” nakikiusap at garalgal na sambit niya. Basag na basag ang boses niya at puno ito ng sakit.Nanginginig ang mga labi niya at kipkip ang kumikirot na dibdib. Why is it that when all she wanted was to be only happy, everything around her is against it? Hindi lang ang mga taong nakapaligid sa kanya kundi pati na rin ang tadhana. It was as if they're ripping her out of everything
This is the third time!Pangatlong beses na siyang bumalik sa gusali ng Ramazzotti upang kausapin si Eros ngunit pinaalis lamang si ng guard. Hindi rin niya mabilang kung ilang beses siyang nagpabalik-balik sa Heritage ngunit pinagbabawalan siyang pumasok. Nawawalan na siya ng pag-asang makaharap at makausap si Eros. Dahil pati tawag ay hindi nito inaangat hanggang sa hindi na niya makontak ang numero nito.Minsang pumunta siya sa Heritage at ang ang sadya niya ay ang magulang ng binata para makiusap at hayaan silang magharap ni Eros ay hindi rin siya binigyan ng atensyon ng mag-asawa. Na para bang hindi na sila iyong masayang nag-ayos sa kanya para sa selebrasyon ng birthday niya. They treated her like a stranger.She was really in despair for the past few days. Her heart and mind were in turmoil and always aching. Eros is ignoring her. At labis siyang nasasaktan dahil dito. Para pa ngang nawala na siya sa sarili at hindi masabi kung ano ang left at kung ano ang right. Para siyang zo