Pagkatapos ng klase niya ng araw na ito ay wala sa mood na lumabas siya ng campus. Simula kaninang umaga ay pinagtaguan niya si Diego. Ayaw niyang mag-usap silang dalawa. Wala siyang isasagot kung tatanungin siya nito kung kanino niya nakuha ang mga hickeys niya.Kaya naman nawala sa isip niya na baka nasa labas ng unibersidad si Argos at naghihintay sa kanya. Kaya nang makita niya ang magarang kotse na naka-park sa gilid ay napasimangot siya. Kahit na hindi ito iyong sikat na limited edition na sasakyan ay hindi pa rin maikakaila na isa iyong mamahaling sasakyan.Akmang tatalikod siya para sana pagtaguan ang lalaki pero bumukas ang ointo sa backseat. Namutla siya at napaatras nang bumaba roon si Eros. Katulad ng suot nito kahapon ay naka-business suit pa rin ito pero hindi na itim kundi charcoal grey. Hindi maikakaila kung gaano kamahal ang mga damit na suot nito. Sinuklay nito patalikod ang bangs nito at nakalantad ang noo ng binata.He's really handsome. Nakakaakit din ang matangos
Inihatid lamang siya sa may bungad ng eskinita papunta sa apartment niya. At nilakad na niya ang pathway papasok. Mas gusto pa nga niya na hindi na siya i ihatid ni Eros dahil bago siya bumaba ay sumulyap ito sa labas. At kahit na walang emosyon ang mata nito ay ramdam niya ang disgusto nito sa lugar nila.Ngali-ngaling simangutan at ismiran niya ito ngunit hindi niya ginawa. Isang pilit na lang na ngiti ang iginawad niya rito at nagpasalamat bago tumalikod.Ang sabi nito ay wala silang ‘session’ ngayon dahil may mahalaga itong dadaluhan. Kaya ito inihatid lang siya at pinuntahan sa campus dahil lang sa bahay na binili nito. Ang gusto nito ay bukas ng gabi naroon na siya at naghihintay sa binata. At sa totoo lang ay gusto niyang tumawa ng sarkastiko dahil pinalabas pa nito na normal na meeting ang gagawin nila bukas ng gabi at tinawag na session.Habang naglalakad ay nasa malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang kaibigan na si Bree na halatang naiinip dahil panay ang sulyap sa cellpho
Inilibot ni Ali ang tingin niya sa bawat sulok ng sala ng bahay na kanyang titirhan. Very spacious and not considered as a small house. Para sa isang dalagang katulad niya at walang pamilya ay napakalaki na nito. Siguro ay nasa 1000 square feet ang lawak ng bahay. Maayos at elegante ang interior dito sa loob. Kumpleto na rin sa lahat ng mga kagamitan.Katulad ng mga sofa, mesa at may TV pa.May dalawang kuwarto rin dito at nakita na niya ang masters bedroom kung saan siya matutulog.Sa tingin niya ay ipinaayos muna ito lahat ni Eros bago siya tumira rito.Dapat sana ay makaramdam siya ng tuwa na tumira rito ngunit hindi niya magawa. Kung siguro ay sariling pundar niya ito ay matutuwa siya pero hindi naman.Binuksan niya ang ref na nasa kusina at napanganga nang makita na puno ito. Mga karne at gulay at iba pang ulam na ang gagawin na lamang niya ay magluto ng kanyang kakainin.“May kulang pa ba riyan?” tanong ni Argos na nakamasid sa kanya.“Anong kulang? Sobra pa ito at baka masisira
Kasabay ng pagbagsak ng tubig sa katawan niya ang pagyakap nito sa likod niya ay pagdampi ng labi nito sa balat niya. Itinukod naman niya ang kamay sa tiled-wall at pumikit.Habang naglalakbay ang labi nito sa balikat niya papunta sa batok niya hanggang sa likod ng kanyang taynga. Mahinang napaungol siya at napasandal sa dibdib ng binata. Mahinang kinagat nito ang balikat niya habang ang kamay nito ay menasahe ang dibdib niya.Ang isa pang kamay nito ay humawak sa baba niya at humarap ng kunti sa mukha nito. Hinalikan nito ang sulok ng labi niya bago inangkin ito at mariin siyang hinalikan. Napapikit siya at gumanti ng halik dito.Ang ibang una niya ay sa binatang ito niya naranasan. Ang unang halik niya, ang unang yakap na natanggap niya sa isang lalaki at ang unang lalaki sa buhay niya. Pero nakakatawa lamang isipin na kahit kay Eros niya natikman ang mga ito ay hindi naman niya ito kasintahan o kaya ay asawa.“Open your mouth,” utos nito kaya agad suyang tumalima. Agad na pumasok s
Naalimpungatan si Alina sa madaling araw nang marinig ang malakas na tunog ng cellphone. Umungol siya at inalis ang bagay na nakapulupot sa baywang niya. Pero humigpit lamang ito at lalo siyang hindi makabangon. Sa una ay nalilito siya at pilit na binabaklas iyon pero nang hilahin pa siya ng bagay na ito at tumama sa likod ng taynga niya ang mainit na hininga ay saka siya nahimasmasan.Bahagya niyang nilinga si Eros sa likod niya na mahimbing na natutulog. Natigilan siya dahil hindi niya inaasahan na matutulog dito ang binata. At sa tabi pa niya mismo.Hindi nito pinatay ang lampshade sa bedside table kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha ni Eros. Mula sa makapal na kilay nito. Sa malalantik at mahabang pilik mata. Ang matangos na ilong at ang pinkish na labi nito. Hindi masasabing makapal at hindi rin masyasong manipis. Bahagya pang nakabuka ang bibig nito kaya nakikita niya ang perkpektong puting ngipin nito. Kung naging babae lang ito ay baka mas maganda pa ito kaysa sa kanya.P
Pinagtakhan ni Ali nang lumipas na ang araw at sumapit ang linggo ay walang dumating kay Eros. Pati si Argos na palaging nakasunod sa kanya at pinagpipilitan na ihatid siya ay hindi rin niya nakita nitong nakalipas na araw. Wala siyang ideya kung bakit biglang hindi na nagparamdam ang mag-amo na iyon. Subalit nagtaka man siya ay hindi na niya ito binigyan ng big deal.Isang business owner si Eros at baka sadya lang na busy ito at walang panahon para puntahan siya rito.Nang araw na ito ay naisipan niyang labhan lahat ng mga nasuot niyang damit. At habang pinapaikot niya ang washing machine ay inaayos niya ang mga paso sa likuran ng bahay. Nagulat pa nga siya nang makita na may sariling garden ang binili ni Eros. At naisip niya na magtanim ng mga bulaklak at ayusin ito para bumalik sa dating ganda.Abala na siya sa paghila sa malaking paso kaya hindi niya narinig ang paghinto ng sasakyan sa garahe ng bahay. Kaya naman nang humihingal na tumayo siya pagkatapos niyang ilagay sa gilid ang
Pinasadahan ni Ali ang sarili sa salamin at hindi mapigilan na mamangha. Ngayon lamang siya nakapagsuot ng ganitong kaeleganteng dress. Na kahit hindi niya tanungin sa binata ay alam niyang mamahalin ito. Kulay itim ang suot niya na gawa sa silk. Umabot ito hanggang sa kanyang sakong at may slit sa kaliwang bahagi na umabot hanggang sa hita niya. Isang dinner meeting lamang ang sinabi nitong dadaluhan nila pero feeling niya ay isang napakahalagang okasyon ang kanilang pupuntahan.Hindi siya marunong maglagay ng make-up kaya dito na siya sa isang sikat na beauty spa dinala ni Eros. At akala niya ay maiinip ito sa paghihintay sa kanya na maayusan siya. But he patiently waited for her.Nang lumabas na siya ay nagtaas ito ng ulo mula sa binabasa nitong magazine. Nahihiya siyang salubungin ang tingin nito kaya napakagat labi siya. She can't help but fidget with his deep look. At ito lamang ang nababasa niyang reaksyon sa mukha nito. Nadismaya siya at lihim na napasimangot. Umasa rin kasi s
Nang makauwi sila ay muli siya nitong binuhat papasok sa loob ng bahay. Pagkatapos ay pinaupo sa sofa at lumuhod. Nagulat siya sa ginawa nito at hindi siya nakakibo. Tulalang nakatingin lamang siya rito nang hubarin nito ang suot niyang stiletto.Naningkit ang mata nito nang makita ang namamagang toenail niya. Kaya pala talagang kumikirot sa tuwing naglalakad siya dahil malala ang pagkakaapak ni Senna sa paa niya. Idagdag pa na nakasuot ang babae ng heels.Napapiksi siya at napangiwi nang haplusin nito iyon.Dahil sa naging reaksyon niya ay napatingin ito sa kanya.“Can you still endure the pain?” tanong nito.“Okay lang ako, Master.” Sa halip na Sir ang itawag niya ay ginaya na niya ang tawag ni Argos dito. Hindi naman siya sinaway ni Eros kaya nasasanay na siyang tawagin ito ng ganun.Matiim siyang tinignan nito kaya naitikom niya ang bibig. Pagkatapos ay nakangiwing tumango siya subalit nakita niya sa mata nito na hindi ito naniwala sa sagot niya. Kaya naman bahagyang diniinan nito
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy
Pagkaupo ni Eros sa swivel chair ay niluwagan niya ang suot niyang kurbata at marahas na huminga. Pinigilan niya ang mapamura at suntukin ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil natatakot siyang masira ang pinaghirapan niya upang maprotektahan ito ay hinila na niya payakap si Ali. Sabik na siya sa kasintahan pero kailangan niyang magmatigas.Ayaw niyang pati si Ali ay idamay ng makasariling pinsan niya sa galit at selos nito sa kanya. Though, may mga binabayaran naman siyang tao upang sundan si Ali. Mas mainam pa rin na sa mata ni Dylan ay nagkasira na sila ng dalaga para sa kanya lang nakatuon ang galit ng huli. Hindi nito ibabaling sa dalaga ang kung ano mang pagkamuhing nararamdaman ni Dylan.Noong nasa China pa siya at kinausap niya si Mr Wang kung bakit ayaw nitong ilaglag si Dylan ay dahil sa matinding rason nito. Isang asawa at ama si Mr Wang. May anak na isang babae at isang lalaki ito. Na kasalukuyang hawak ni Dylan. Natatakot si Mr Wang na kapag kumanta ito ay ang pamilya
Pagkatapos ng klase ni Ali ng hapon na ‘to ay dumeretso agad siya rito sa gusali ng Ramazzotti. Nagbabasakali siyang umuwi na si Eros ng bansa at makita niya ito. Kahit silip man lang ay kontento na siya. Kahit hindi na muna sila mag-usap habang hindi pa niya napapatunayan na wala siyang kasalanan.Miss na miss na niya ang binata at guato na niyang masilayan ang mukha nito. Nasanay siya na palaging kasama niya ito kaya sa mga araw na wala ito sa kanyang tabi ay nanibago siya. May hungkag sa buong pagkatao niya hindi mapupunan ng kahit anong materyal na bagay. Dahil alam niya sa sarili niyang ang kahungkagan na ito ay si Eros lamang ang makagamot nito.May pag-asam ang matang tinanaw niya ang entrance ng gusali nang mahagip ng kanyang mata ang pulang Maybach na sasakyan. Kumabog ang puso niya dahil nakikilala niya ang sasakyan. Isa ito sa collection ni Eros na nakita niya sa garahe ng bahay nito sa Heritage.Huminto iyon sa harapan ng gusali at bumukas ang pinto ng driver side. Lumabas
Nasa isang cafe ngayon si Ali at hinihintay na dumating si Diego. Nagpadala siya ng mensahe kaninang umaga na may importanteng bagay silang pag-uusapan at pumayag naman ito. Hindi niya sinabi kung ano iyon pero hindi naman ito nagtanong.At habang naghihintay siya ay hindi siya mapakali. Namamawis ang mga kamay niya at bumubuo na siya ng salitang sasabihin sa binata. Kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki kapag malaman nito na pinaghihinalaan din niya ito.Napag-isip isip kasi niya ang sinabi ni Bree. Kaya nilakasan na niya ang loob na kausapin si Diego. Gusto niyang kapag mag-uusap na sila ni Eros ay may pruweba siyang hindi sila nagtal*k ng pamangkin nito.Huminga siya ng malalim bago pinakawalan ito at nagpalinga-linga sa paligid upang alisin ang nerbiyos niya. Nang mapadako ang mata niya sa entrance ng cafe at makita sa labas si Diego ay animo nagkaroon ng malaking bikig sa kanyang lalamunan. Sa loob-loob niya ay umaatras siya at parang
“Master, we've been tailing her every move for the past few days but we still didn't find anything wrong,” imporma ni Penny mula sa overseas call nila. “Pero hindi ako titigil hangga't siya mismo ang magbibisto sa ginawa niya.”Pinapasundan kasi niya si Bree sa dalaga dahil may kutob siya na binabayaran ito ng pinsan niyang si Dylan. Something is fishy about that woman. Sa katunayan ay kailangan nga niyang maging matigas kay Ali para sa plano niya. Everything is under his control. Kung walang aberyang mangyayari ay within a month, siya na mismo ang susuyo sa dalaga.“I see,” saad ni Eros nang hindi inaalis ang tingin sa dokyumentong kanyang hawak. His eyes were cold and ruthless as he read all the information written in there. Sunod-sunod ang naging problema ng Ramazzotti kaya naging busy siya at kinailangan pa niyang lumipad dito sa china upang ayusin ang problema ng branch ng kanyang negosyo.Nakakatawa mang isipin na dapat sana ay pinagtutuunan niya ng atensyon ang tungkol sa kanil
“Tahan na, beshy! Please, naiiyak na rin ako, eh!” basag ang boses na usal ni Bree at hinagod ang likod niya.Pagkatapos nilang mag-usap ni Carmella kanina ay dito sa apartment ni Bree siya pumunta. Why? She's still not sure yet but maybe deep in her heart she wants to test her friend. Kahit pa sinasabi ng puso niya na walang kinalaman ang kaibigan pero gusto pa rin niyang subukan.“B-Bree, ang sakit talaga! O-Okay pa naman kami noong gabing iyon. P-Pero kinabukasan ay basura na ako sa paningin niya. A-Ano ba talaga ang nangyari nung gabing ‘yon. P-Pakiusap, kung ma naalala ka pa na iba ay sabihin mo na sa akin!” nakikiusap at garalgal na sambit niya. Basag na basag ang boses niya at puno ito ng sakit.Nanginginig ang mga labi niya at kipkip ang kumikirot na dibdib. Why is it that when all she wanted was to be only happy, everything around her is against it? Hindi lang ang mga taong nakapaligid sa kanya kundi pati na rin ang tadhana. It was as if they're ripping her out of everything