Agad na dinala ni Alina sa bangko ang cheque na binigay ni Eros sa kaniya ng gabing iyon at gumawa pa siya ng account para ilagay doon ang pera. At ang inilabas lamang niya ang ibabayad niya sa tuition niya at ang hinihingi ni Breeze na pera sa kanya. Hindi pa niya ito naibibigay sa kaibigan at balak niyang sadyain ito sa midnight haven mamaya.
Hindi niya napigilan ang huminga ng malalim pagkatapos niyang makabayad ng kanyang tuition. Animo nabunutan siya ng napakalaking tinik sa dibdib dahil solved na rin ang problema niya. Nakapagbayad na rin siya at nakapadisisyon na siya kung ano ang magiging thesis niya. May malawak na farm ang university na pinapasukan niya para sa mga agriculture student na kagaya niya. 180 square meter ang lawak ng lupa na siyang tataniman niya ng kamatis na siyang magiging thesis niya.At bukas na niya sisimulan na bunutan ng damo at bungkalin.Pagkalabas niya ng campus ay tinignan niya ang oras sa lumang cellphone niya. Maaga pa naman at pwede muna siyang pumasok sa kanyang part-time job sa isang coffee shop malapit dito sa university. 'Pag nag-out na siya saka niya pupuntahan si Breeze.Habang naglalakad siya ay pakiramdam niya'y may mga matang nakasunod sa kanya. Kaya naman huminto siya at napalingon sa kanyang likod. Nakakunot ang noong inilibot niya ang tingin pero wala siyang makita na kahina-hinalang tao na nakasunod naman sa kaniya. Kaya ikiniling niya ang ulo at nagpatuloy na sa paglalakad.Nang sapitin na niya ang shop ay agad siyang pumunta sa kanyang locker at nagpalit ng damit. Isinuot na rin niya ang apron niya saka siya pumunta sa counter. Naabutan niya ang kasamahan niyang si Remy na gumagawa ng Americano.“Ali? Akala ko ay nag-resign ka na kasi iyon ang sabi ni boss,” gulat na sabi nito nang makita siya.“Huh? Hindi ko pa kinakausap si boss. At'saka wala akong balak na mag-resign,” nalilitong turan niya at kinuha ang basahan para punasan ang counter.“Pero ang sabi niya kaninang umaga pahpasok ko ay maghahanap daw siya ng ibang magiging kasama ko rito na magpa-part time. Kasi may dumating na nagsabing hindi ka na magwo-work dito,” nagtataka rin na wika nito. “Boss!” tawag nito sa lalaking lumabas ng office nito.Agad din siyang napalingon dito at nang makita siya nito ay nagulat din ito at agad na lumapit.“Alina, anong ginagawa mo rito?” tanong nito at napatingin pa sa labas. Purong fiber glass lahat ang dingding ng shop kaya makikita talaga sa labas. At kung may mga mapapadaan noon na guwapong lalaki ay nagbibiruan pa sila ni Remy. Muli itong tumingin sa kanya at nagulat siya ng lumapit ito at inalis ang apron niya.“Boss, t-teka lang po! Naguguluhan po ako, eh!” bulalas niya. Clueless talaga siya kung bakit ganito at biglang nagbago ang trato ng boss niya sa kanya.“Ang sabi ng taong pumarito kanina para abisuhan ako na nagbibitiw ka na ay ipaapasara niya ito kung hahayaan kitang magtrabaho pa rito,” animo takot na sabi nito. Nagmamadali rin itong kumuha ng pera sa bulsa nito at hindi man lang binilang na binigay ito sa kaniya. “Ito ang sahod mo noong nakaraan. Bukas ay ‘wag ka nang pumasok. Ayaw ko naman na ipasara ang negosyo ko dahil hinayaan kitang magtrabaho pa rito.”“Po?” gilalas na bulalas niya. “Sino pong pumunta rito? Wala naman po akong—”“Pasensya ka na na talaga, Alina. Kung alam ko lang ang totoong background mo ay hindi ako pumayag na mag-part time ka rito,” umiiling sa sabi nito.Makikiusap pa sana siya pero itinulak na siya nito papunta sa may locker. Laglag ang balikat na nagpalit siyang muli ng damit niya at lumabas ng coffee shop. Labis talaga ang pagtataka niya kung bakit ayaw na siya ng boss niya na magtrabaho rito. At anong background ba ang tinutukoy nito? Hindi talaga niya maintindihan kung ano ang iniisip ng kuripot niyang Boss. Binilang pa niya ang binigay nitong pera at sobra iyon sa sahod niya last week.“Sino bang baliw ang nag-prank sa'kin? Wala naman akong nakaaway sa school,” bumubulong na sabi niya. Inalala niya lahat ng mga nakausap at nakahalubilo niya pero wala siyang matandaan na nakasagutan niya. Gulong-gulo talaga ang isipan niya. Simula noong nagtrabaho naman siya roon ay naging maingat siya at hindi nakakasira ng kagamitan. Sinusunod din niya ang mga utos nito kahit pa kuripot ito. At kung rason lamang nito ang sinabi nito para paalisin na siya sa trabaho ay hindi niya alam.Lumilipad ang utak niya kaya hindi niya napansin ang poste ng ilaw sa harapan niya.“Careful,” wika ng baritonong tinig at ang noo niya ay sa malambot na bagay tumama.“Thank you,” nahihiyang bigkas niya at nilinga ang may-ari ng kamay. Nag-freeze ang ngiti niya nang makita ito. Itim na black suit and tie and suot nito. Matangkad at halatang trained army. Siguro ay nasa middle thirties na ito. Walang ekspresyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.Mabilis na umatras siya at alertong nailibot ang tingin sa paligid nila. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan.“W-Wala akong pinagkakautangan kaya—”Nang tumalikod ito at iniwan siya bago pa niya matapos ang sasabihin ay nakahinga siya ng maluwag. Napahaplos pa siya sa dibdib. Bakit yata parang sa araw na ito ay pagkatapos ng swerte ay malas naman agad ang sumunod?“Napa-praning lang yata ako!” usal niya at mahinang sinampal ang magkabilang pisngi niya.Sumakay na siya sa bakanteng taxi na napadaan at napahatid sa midnight haven. Nang banggitin niya ang lugar ay napatingin ang driver sa rearview mirror. Nahulaan na niya kung anong klase ng tingin ang binigay nito. In his eyes she is a hooker and whore.Ngumiti siya rito bago binawi ang tingin. Kahit na apektado siya sa nakakadir*ng tingin nito ay ito lang ang tanging ginanti niya.Nang bumaba siya sa harapan ng gusali at magbabayad ay muli siyang tinitigan ng driver.“Hija, maraming malinis at matinong trabaho sa mundong ito. Huwag mong sayangin ang kabataan mo. Mag-ingat ka, hija,” bigla ay sabi nito bago tinanggap ang bayad niya at paharurutin nito ang sasakyan.Hindi siya agad nakakilos sa nakitang concern sa mata nito. Mali pala ang pagkkabasa niya sa tingin nito. Hindi iyon pangungutya at pand*diri. At aminin niya na parang may mainit na palad na humaplos sa puso niya. Ngayon lang may taong nagbigay ng concern sa kaniya at sa mga taong hindi pa niya kilala.Ilang sandali siyang nakatayo lang bago mariing naglapat ang labi niya. Isinuot muna niya ang mask na laging nakalagay sa bag niya bago pumasok. Tinanong niya sa bouncer kung pumasok ba si Bree at nang ituro nito kung saan ang puwesto nito ay pinuntahan niya ito.Nasa may counter ito at may kausap na lalaki. Kakalabitin sana niya ito pero nang marinig ang sinasabi nito ay biglang namula ang pisngi niya.“Kahit na isang balde ng tubig ang bigat mo ay kaya pa rin kitang mabuhat, darling,” maland*ng sabi nito. Ang mga kamay nito ay humahaplos sa tagiliran at binti ng kausap nitong lalaki. “At'saka, hindi naman lahat ng bigat mo ay nasa akin. Kasi iyong tuhod at kamay mo ay nakatukod sa kama. Tanging ang iyong nota ang nakabaon sa p*ke ko at ang balakang mo ang gumagalaw kaya para sa'kin ay hindi ka pa rin mabigat.”Gosh! Ngayon lang niya narinig ang kaibigan na magsalita ng ganito kabulgar. Kahit nagbibiro ito ay may limitasyon pa rin. Pero ngayon ay namula na yata pati taynga niya sa mga lumabas sa bibig nito.Nang dumako ang kamay nito sa harapan ng lalaki ay napatalikod na siya. Alam niya kung saan humantong palad ng kaibigan. At iyon ay sa pagkalal*ki ng kausap nito.Sa halip tuloy na iparamdam ang presensya niya ay tumalilis na siya paalis ng midnight haven. Kung mananatili pa siya rito ng ilang segundo ay baka makakasaksi pa siya ng mas malala pa roon.Ibibigay na lang niya sa kaibigan ang pera kung ito ang pupunta sa apartment niya. Ayaw naman niyang siya ang sasadya rito dahil sa tuwing pupuntahan niya ito ay may customer ito at nasa kalagitnaan na ng pagtatal*k. Kaya simula ‘nun ay hindi na siya pumupunta sa tinitirhan ni Bree.Kahit may karanasan na siya ay hindi pa rin niya kayang gawin ang ginagawa ni Bree lalo na sa mga public places.Biglang nag-flash sa balintataw niya ang mainit na sandaling iyon. Napakagat labi siya at napalunok. Kahit ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin niya makalimutan ang init ng katawan ni Eros. May mga gabi pa nga na napapanaginipan niya iyon. At kapag nagising siya ay ramdam niya ang pagkabasa ng hiyas niya.It was really embarrassing. Ngunit anong magagawa niya? Tama yata si Bree na oras na matikman mo ang sarap nang maabot mo ang langit ay hindi iyon agad-agad na makakalimutan. Paulit-ulit na babalik sa alaala mo at animo nate-temp ka na magsarili pa habang ang nasa imahinasyon niya ay ang ginagawa ni Eros sa kaniya sa hotel na iyon.“Alina! Lumilipad na naman ang utak mo!” kausap niya sa kanyang sarili. “Baka nga mamayang gabi ay may iba siyang customer!”Iwinaglit na niya ang alaala niya tungkol sa binata. Kahit pa pilit na sumisiksik ito sa kanyang emahe ay binubura niya.Pagkatapos na maghanda at magpalit ng damit si Alina ay isinukbit na niya ang sling bag niya. Ngayon ang araw na sisimulan niyang bunutin ang mga damo sa lupang tataniman niya. Pero kailangan muna niyang dumaan sa farm supply para bumili ng mga gagamitin niya. May mga lumang gmit naman siya rito tulad ng sickle subalit hindi na siya matalim. Ginagamit lang niya ito noon sa mga potted plants na tinanim niya. Katulad ng mga gulay na kapag puwede nang anihin ay inaani niya at inuulam.Inayos niya ang kanyang buhok at tinungo ang pinto. Malapit na siya sa may pinto nang may kumatok. Kumunot ang kanyang noo. Wala naman siyang inaasahan na darating na bisita ngayon. Kung si Bree naman ay baka nahihimbing pa iyon sa kuwarto nito.Nang maulit muli ang katok sa pinto ay nagmamadali na niyang tinungo iyon at binuksan. Nakangiti pa siya noong una subalit nang makita kung sino ang nakatayo roon ay nabura ito. Agad siyang nakaramdam ng kaba at nanginig ang mga kamay niya. Namumukhaan kasi niya ang
“S-Sir—” nauutal na usal niya subalit hindi man lang niya mabanggit ang pangalan ng lalaki. Animo may napakalaking bikig sa lalamun niya at hindi makalabas ang kanyang boses. Parang natuka siya ng ahas sa pagkaputla habang hindi alam kung ano ang ikikilos sa harapan ng binata.Nanginig din ang kamay niyang nakahawak sa pinto. Gulat na gulat talaga siya sa biglang pagsulpot ng lalaki sa bahay niya. Hindi niya inakalang kaya nitong tumapak sa magulong eskinita papunta rito. At lalo pa siyang naguguluhan kung bakit ito at nakatayo ito sa harap niya.Hindi niya mahulaan kung ano ang sadya nito sa kanya. Kahit pa kalkalin niya ang lahat ng bulsa sa utak niya ay wala siyang mahanap na sagot. Ang tanging tumatakbo lamang sa isip niya ay, ‘bakit ito nandito?’ at ‘kung ano ang ginagawa nito sa apartment niya.’Napalunok siya at palihim na kinurot ang kanyang sarili. Saka lihim na ngumiwi at d*****g nang masaktan siya.“Alina Lopez, I came here to negotiate with you about something,” buo ang bos
“So beautiful!” anas ni Eros at pinadaanan ng daliri nito ang balikat niya pababa sa naka-xpose niyang likod.Nakatapis lamang siya ng tuwalya at katatapos lamang niyang naligo. Kalalabas din ng binata mula sa maliit niyang banyo. At hindi na niya inisip kung ano ang reaksyon nito habang naliligo dahil wala siyang shower dito. At katunayan habang naliligo siya ay balot siya ng kaba sa halip na takot. May munting tinig din na bumubulong sa utak niya na ikaila man niya ay excited din siya sa napupuntong mangyari uli sa kanilang dalawa ng lalaki.Lumunok siya at napakagat ng labi nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa batok niya. Malambot, mainit at nakakapaso ang labi ni Eros. Nagbibigay ito ng kakaibang kiliti sa kanyang katawan. Kahit kinakabahan ay lumipad yata ito sa Mars dahil naging excited ang buong kalamnan niya. Nang lumipat ang labi nito sa balikat niya at dilaan ito ay napahingal siya at napapikit.Kumilos ang isa pang kamay ni Eros at inalis ang tuwalya na nakabalabal
Umungol si Alina at tumihaya ng higa. Sobrang pagod ang pakiramdam niya at kumikirot din ang pagitan ng hita niya. Hindi ito ang unang beses niya pero kahit sa second time pala ay makakaramdam siya ng kirot. Lalo na at mahaba ang kargada ni Eros. Hindi lang iyon, ilang beses siyang nilabasan kaya nanlalata siya.Namamalat na nagmulat siya ng mata at tumingin sa tabi niya. Ilang segundo siyang nakatitig lang doon bago siya mapait na napangiti. Ano pa ba ang inaasahan niya? Ang matutulog si Eros sa tabi niya? Ang kapat naman ng kanyang mukha upang asamin pa niya ang ganito.Isa lamang siyang escort na babayaran nito para sa kanyang serbisyo rito.Mahinang sinampal niya ang pisngi at bumangon. Humikab siya at nag-inat bago binalabal sa hubad na katawan ang manipis niyang kumot. Bumaba na siya at kukunin sana ang cellphone niya sa mesa nang makita niya ang maliit na papel na nakalapag sa mesa. Nakaipit iyon sa cellphone niya.Mariing naglapat ang labi niya nang makita kung ano iyon. Nagha
Pagkatapos ng klase niya ng araw na ito ay wala sa mood na lumabas siya ng campus. Simula kaninang umaga ay pinagtaguan niya si Diego. Ayaw niyang mag-usap silang dalawa. Wala siyang isasagot kung tatanungin siya nito kung kanino niya nakuha ang mga hickeys niya.Kaya naman nawala sa isip niya na baka nasa labas ng unibersidad si Argos at naghihintay sa kanya. Kaya nang makita niya ang magarang kotse na naka-park sa gilid ay napasimangot siya. Kahit na hindi ito iyong sikat na limited edition na sasakyan ay hindi pa rin maikakaila na isa iyong mamahaling sasakyan.Akmang tatalikod siya para sana pagtaguan ang lalaki pero bumukas ang ointo sa backseat. Namutla siya at napaatras nang bumaba roon si Eros. Katulad ng suot nito kahapon ay naka-business suit pa rin ito pero hindi na itim kundi charcoal grey. Hindi maikakaila kung gaano kamahal ang mga damit na suot nito. Sinuklay nito patalikod ang bangs nito at nakalantad ang noo ng binata.He's really handsome. Nakakaakit din ang matangos
Inihatid lamang siya sa may bungad ng eskinita papunta sa apartment niya. At nilakad na niya ang pathway papasok. Mas gusto pa nga niya na hindi na siya i ihatid ni Eros dahil bago siya bumaba ay sumulyap ito sa labas. At kahit na walang emosyon ang mata nito ay ramdam niya ang disgusto nito sa lugar nila.Ngali-ngaling simangutan at ismiran niya ito ngunit hindi niya ginawa. Isang pilit na lang na ngiti ang iginawad niya rito at nagpasalamat bago tumalikod.Ang sabi nito ay wala silang ‘session’ ngayon dahil may mahalaga itong dadaluhan. Kaya ito inihatid lang siya at pinuntahan sa campus dahil lang sa bahay na binili nito. Ang gusto nito ay bukas ng gabi naroon na siya at naghihintay sa binata. At sa totoo lang ay gusto niyang tumawa ng sarkastiko dahil pinalabas pa nito na normal na meeting ang gagawin nila bukas ng gabi at tinawag na session.Habang naglalakad ay nasa malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang kaibigan na si Bree na halatang naiinip dahil panay ang sulyap sa cellpho
Inilibot ni Ali ang tingin niya sa bawat sulok ng sala ng bahay na kanyang titirhan. Very spacious and not considered as a small house. Para sa isang dalagang katulad niya at walang pamilya ay napakalaki na nito. Siguro ay nasa 1000 square feet ang lawak ng bahay. Maayos at elegante ang interior dito sa loob. Kumpleto na rin sa lahat ng mga kagamitan.Katulad ng mga sofa, mesa at may TV pa.May dalawang kuwarto rin dito at nakita na niya ang masters bedroom kung saan siya matutulog.Sa tingin niya ay ipinaayos muna ito lahat ni Eros bago siya tumira rito.Dapat sana ay makaramdam siya ng tuwa na tumira rito ngunit hindi niya magawa. Kung siguro ay sariling pundar niya ito ay matutuwa siya pero hindi naman.Binuksan niya ang ref na nasa kusina at napanganga nang makita na puno ito. Mga karne at gulay at iba pang ulam na ang gagawin na lamang niya ay magluto ng kanyang kakainin.“May kulang pa ba riyan?” tanong ni Argos na nakamasid sa kanya.“Anong kulang? Sobra pa ito at baka masisira
Kasabay ng pagbagsak ng tubig sa katawan niya ang pagyakap nito sa likod niya ay pagdampi ng labi nito sa balat niya. Itinukod naman niya ang kamay sa tiled-wall at pumikit.Habang naglalakbay ang labi nito sa balikat niya papunta sa batok niya hanggang sa likod ng kanyang taynga. Mahinang napaungol siya at napasandal sa dibdib ng binata. Mahinang kinagat nito ang balikat niya habang ang kamay nito ay menasahe ang dibdib niya.Ang isa pang kamay nito ay humawak sa baba niya at humarap ng kunti sa mukha nito. Hinalikan nito ang sulok ng labi niya bago inangkin ito at mariin siyang hinalikan. Napapikit siya at gumanti ng halik dito.Ang ibang una niya ay sa binatang ito niya naranasan. Ang unang halik niya, ang unang yakap na natanggap niya sa isang lalaki at ang unang lalaki sa buhay niya. Pero nakakatawa lamang isipin na kahit kay Eros niya natikman ang mga ito ay hindi naman niya ito kasintahan o kaya ay asawa.“Open your mouth,” utos nito kaya agad suyang tumalima. Agad na pumasok s
“Mama, bakit kailangan mo pong ilagay sa mga paso ang tanim mong petchay?” tanong ng sampung gulang na anak nina Ali at Eros na gumagawa ng assignment nito sa may maliit na mesa na nakalagay sa kanang parte ng kanyang harden.“Kasi kulang iyong kama na pinagtamnan ko, anak. Marami akong binhi at sayang naman kung hahayaan ko lang,” tugon niya sa tanong ng kanyang anak.“Eh, bakit palagi pong petchay iyong tinatanim mo? Naalala ko na nagrereklamo si Daddy na puro na lang petchay ang tinatanim mo gayong sa gabi ay kumakain siya ng petchay?” inosenteng tanong nito.Nalukot ag mukha niya nang marinig ang tinuran ng kanyang anak. Minsan ay gusto na niyang tirisin ang asawa dahil sa mga birong lumalabas sa bibig nito. Alam na nga nitong curious ang mga bata kapag may naririnig sila pero hindi pa rin nito mapigilan ang bunganga nito kapag nagsasalita.“Bakit naririnig ko ang pangalan ko?” singit ni Eros na pumasok ng greenhouse at may hawak na meryenda.Matalim na tingin ang iginawad niya ri
“What did that brat tell you?” tanong ni Eros kay Ali na katatapos lang naligo at tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang tuwalya.Natigil siya sa ginagawa at nilinga ang binata na nakasandal sa headboard ng kama. Hindi maipinta ang mukha nito at halatang pinipigilan lang nito ang ipakitang nagseselos ito. Pero hindi iyon naitago ng pagkakasalubong ng kilay nito.Kanina kasi na nag-usap sila ni Diego at pumasok ito ay naabutan nito nang magkayakap sila at tumatawa pa. Ora-orada tuloy na pinaalis nito ang pamangkin at simula ‘nun ay ramdam niya na bad mood ito. Hindi rin siya nito kinakausap at ngayon lang siya nito pinansin.“Wala naman,” kibit balikat na tugon niya. Sinasadya niyang balewala ang pananahimik nito dahil natutuwa siyang makita ang pagseselos nito na kahit pilit nitong tinatakpan ay nahahalata pa rin niya. At gustong-gusto niyang tignan sng mga reaksyon nito na ngayon lang maliwanag niyang nakikita.Mas lalo pang nalukot ang mukha nito at lumaki ang mga ugat sa sentido nito
Days passed in the blink of an eye. Everything that happened in the hospital was already cleared by Eros’s parents. Like nothing happened from the start. Kung may lumabas man na balita ay hindi nabanggit ang pangalan ni Ali na halatang prinotektahan ng pamilyang Ramazotti ang privacy ng dalaga. Gusto nilang kapag lumalabas siya at naglalakad sa sidewalk man o kahit saang lugar ay hindi siya tinitignan ng mga tao na isa siya sa naging biktima ng mga babaeng nakatikim ng drugs kahit pa labag sa kanyang kalooban. She was protected from gossip that will ruin her life. And that's thanks to Eros that she has the privilege to avoid being the subject of their stories.Sa ngayon ay na-discharge na rin si Ali sa hospital at nakauwi na sila sa Heritage Ville. Hindi na siya pinayagan ng binata na umuwi sa kanyang bahay at balak na nitong ibenta iyon pero tinutulan niya. Sa una ay ayaw ng binata ngunit nakiusap siya. Nang tinanong siya nito kung bakit ayaw niyang ibenta ang bahay ay nag-alangan si
Subalit hindi pa rin magawa ni Ali na kumalma. She kept on trembling while tears streamed down her eyes. Nanlalamig din ang buong katawan niya habang naglalaro sa imahinasyon niya ang kung ano mang ginawa sa kanya habang wala siya sa katinuan. Animo masusuka siya habang iniisip lahat ng mga senaryong tumatakbo sa utak niya.Ngumisi ang lalaki nang makita ang reaksyon ni Ali.“Alam mo ba kung sino dapat ang sisihin mo kung bakit nangyayari sa'yo ang lahat ng ito?” Bumangis ang mukha nito at itinutok ang baril sa mag-asawang Ramazzotti. “Ang anak ng dalawang ‘to ang may sala. Si Eros ang nagdala ng kapahamakan sa buhay mo.”Pagkatapos niyong sabihin iyon ay kinalabit nito ang gatilyo at tumama iyon sa dingding. Halatang pinaglalaruan sila ng lalaki dahil humalakhak pa ito at kay Don Faustino naman niyo tinutok ang baril.“Siguro’y hindi mo ako naalala, Don Faustino. Ang mga magulang ko ay dating kasambahay ng pamilya ninyo pero dahil lamang kay Eros na anak ninyo ay nakulong ang aking m
Kumakain si Ali ng orange nang bumukas ang pinto ng private room niya at pumasok si Eros. Napakurap siya at napanganga nang mabistahan ang hitsura at outfit ng binata ngayon. Alam niyang may pupuntahan itong interview ito mamayang after lunch at akala niya ay three piece suit ang isusuot nito ngunit natulala siya nang makita ito ngayon.Puting polo ang pang ilalim at grey vest ang ipinatong nito bago ang grey jacket suit. Kulay blue naman ang kurbata nito at grey pants ang pang-ibaba. His ink-blank hair was clean and well-kempt. Animo naging bata ito kaysa sa tunay na edad nito.Sa sandaling ito ay hindi pa rin niya mapigilan ang mamangha at ma-attract sa binata. He's already handsome in her eyes but everytime it was like he's even more handsome and attractive each day. Her heart quivered at the sight of him. She unconsciously wiped the corner of her lips.“Beautiful!” hindi niya napigilang ibulong at pinasadahan ng tingin ito mula ulo hanggang paa.Eros paused and raised his eyebrows
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy