Pagkatapos na maghanda at magpalit ng damit si Alina ay isinukbit na niya ang sling bag niya. Ngayon ang araw na sisimulan niyang bunutin ang mga damo sa lupang tataniman niya. Pero kailangan muna niyang dumaan sa farm supply para bumili ng mga gagamitin niya. May mga lumang gmit naman siya rito tulad ng sickle subalit hindi na siya matalim. Ginagamit lang niya ito noon sa mga potted plants na tinanim niya. Katulad ng mga gulay na kapag puwede nang anihin ay inaani niya at inuulam.
Inayos niya ang kanyang buhok at tinungo ang pinto. Malapit na siya sa may pinto nang may kumatok. Kumunot ang kanyang noo. Wala naman siyang inaasahan na darating na bisita ngayon. Kung si Bree naman ay baka nahihimbing pa iyon sa kuwarto nito.Nang maulit muli ang katok sa pinto ay nagmamadali na niyang tinungo iyon at binuksan. Nakangiti pa siya noong una subalit nang makita kung sino ang nakatayo roon ay nabura ito. Agad siyang nakaramdam ng kaba at nanginig ang mga kamay niya. Namumukhaan kasi niya ang taong ito. Siya iyong lalaking tumulong sa kanya noong muntik siyang mauntog sa poste.Anong ginagawa ng lalaking 'to rito sa apartment niya? Wala naman siyang atraso sa kahit na sino kaya bakit parang sinusundan siya nito? Tapos ito at alam pa nito kung saan siya nakatira?"S-Sino po sila? A-Ano po ang kailangan mo at sinong hinahanap mo?" nabulol na sunod-sunod niyang tanong. Katunayan ay nilakasan pa niya ang kanyang loob para mabuo ang mga tanong niya.Sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Ang outfit ng lalaki ay mahahalata mo talaga na isa itong bodyguard ng kung sinong mayamang tao. At kahit hindi niya makita ay nahuhulaan na niyang sa loob ng suot nitong black blazer ay nakasuksok ang baril nito."Alina Lopez," mababa ang tinig na tawag nito sa pangalan niya.Nanlambot ang tuhod niya at hindi malaman kung paano sasagot. Napalunok siya para alisin ang bikig sa kanyang lalamunan."A-Ako nga. Anong k-kailangan mo sa'kin?""Nandito ako para sunduin ka at ihatid sa iyong eskwelahan," tugon nito.Napanganga siya. Anong ihahatid? Naguguluhan talaga siya."Teka lang po, ha! Nalilito po ako, eh. Sino ka po ba at bakit mo ako ihahatid?" Ang kaba niya kanina ay napalitan ng pagtataka. Hindi siya nito sinusundan dahil may atraso siya sa kung sino kundi dahil siya ang talagang sinadya nito?"Ang utos ni Master ay ihatid kita sa university at mamayang hapon siya paparito," sagot nito."Sino ang Master mo?" tanong niya at lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo. Dahil sa totoo lamang ay wala siyang maisip kung sino ang tinutukoy nitong amo.'Si Eros?’ ang hula ng maliit na boses sa isip niya pero mabilis na umiling siya. Impossible ang naisip niya dahil ano naman ang motibo ng bilyonaryong ‘yun at pinapasundan siya? Kaya agad na pinutol niya ang kaisipang ito. Tiningala niya ang lalaki at inulit ang kanyang tanong.Ngunit sa halip na sumagot ay tinignan nito ang relos sa wrist watch nito at sinabing, "male-late ka na sa eskwela kung sasagutin ko lahat ng mga tanong mo, Miss Alina."Nag-aatubling lumabas na siya ng kanyang apartment at ni-lock ito. Pagkatapos ay sinulyapan ang lalaki na naghihintay sa kanya. Pinilit niyang ngumiti rito pero lumabas na ngiwi ito. Kaya naman binura na niya ito mahigpit na hinawakan ang sling ng kanyang bag bago bahagyang yumukod dito.“Pasensya na pero hindi ko po talaga kilala ang Master mo. A-At hindi po ako magpapahatid sa'yo kasi may pupuntahan ako,” magalang na tanggi niya at tinalikuran na ito.Kaso nakakasampung hakbang pa lang siguro siya ay naramdaman niya ang pagsunod ng lalaki. Naglalakad na sinulyapan niya ito at tabingi ang ngiting tinanguan niya ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa madaanan niya ang isang magarang puting sasakyan.Saglit siyang huminto at namamanghang tinignan ito. Kahit na hindi siya mayaman ay nanonood naman siya ng TV. At namukhaan niya ang sasakyan na ito. Isang limited edition ang sasakyan na ito na naghahalaga ng milyones.Napakislot siya nang biglang lumapit ang lalaki at buksan ang pinto sa backseat. Pagkatapos ay tinignan siya habang nakamuwestra ang kamay nito na sumakay na siya. Namutla siya at animo bigla siyang natakot at napaatras.“Please, Miss Alina,” saad pa ng lalaki.But she was so terrified that she stepped backwards and started running away. Kung ito lang din ang maghahatid sa kanya sa farm supply at sa university ay mas gugustuhin pa niya ang sumakay sa jeep. Agad siyang pumara ng jeep at sumakay dito habang hindi pa nakakahabol ang lalaki.Hanggang sa makarating siya sa farm supply ay hindi na niya makita ang magarang sasakyan ng lalaki. Mabilis na bumili siya ng gloves at sickle at hand trowel. Kumuha rin siya ng pickmattok at bolo. Pagkatapos magbayad ay lumabas na siya bitbit ang mga pinamili niya.Sumakay muli siya ng jeep na magdadala sa kanya sa university at bumaba malapit dito. Patingin-tingin siya sa paligid at baka makita na naman niya ang lalaki at ang magarang sasakyan nito. Nakahiga siya ng maluwag nang hindi niya ito makita. Kaya naman nagmamadali na siyang pumasok ng campus at dumeretso sa agriculture farm ng unibersidad.Sa kabila ng kanyang tatamnan ay naroon din si Diego, ang classmate niya na kagaya niya ay thesis rin ang kailangan at ga-graduate rin.Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti.“Late ka yata,” puna nito na huminto sa pagbubunot ng damo.Pinakita niya ang mga pinamili niyang tools. “Bumili pa ako ng mga gagamitin ko kasi iyong nasa bahay ay luma na.”Napatango ito. “Sinadya ko talaga na pinili ang malapit sa'yo para kapag tinatamad akong magdilig ay uutusan kita,” pabirong bigkas nito.“Loko ka!” tumatawang sabi niya at isinuot na ang gloves at sumbrero. Pagkatapos ay nagsimula na rin sa kanyang trabaho.Ilang sandali lamang ay abala na sila sa kanilang ginagawa. Pero paminsan-minsan ay nag-uusap pa rin sila at nagbibiruan. Ngunit isang oras lamang sila rito dahil may klase rin siya ng alas-diyes. At sa hapon naman ay may klase rin siya kaya inayos niya lahat ng mga gamit niya bago pumasok. Dalawa ang subject lang niya ngayong hapon kaya pwede na siyang umuwi ng maaga.Pagkauwi niya ng hapon na iyon ay animo latang-lata na humiga siya sa lumang upuan na gawa sa kahoy. Parang ayaw niyang bumangon at gawin ang mga works niya sa school. Ang plano kasi niya na umuwi ng maaga ay hindi natuloy dahil sumaglit uli siya sa farm.“Ah! Kung hindi ko lang talaga iniisip ang future ko ay mas pipiliin ko ang humilata sa kama maghapon at matulog,” mahinang usal niya at pumikit.Ngunit kapipikit pa lamang niya nang makarinig siya ng katok sa pinto. Napaungol siya bago bumangon. Hindi na niya inisip kung sino ang bisita niya at humihikab na binuksan ang pinto.Lahat ng pagod niya ay lumipad na yata sa kalawakan. At pati ang paghikab niya ay naputol at naitikom niya ang bibig. Nanlalaki ang matang nakatanga lamang siya sa lalaking nakatayo sa labas ng kanyang apartment. Kung nananaginip ba siya o hindi ay hindi niya sigurado.Dahil walang iba kundi si Eros Ramazzotti ang nakatayo sa harapan niya at walang emosyon ang mukhang nakatingin sa kanya.“S-Sir—” nauutal na usal niya subalit hindi man lang niya mabanggit ang pangalan ng lalaki. Animo may napakalaking bikig sa lalamun niya at hindi makalabas ang kanyang boses. Parang natuka siya ng ahas sa pagkaputla habang hindi alam kung ano ang ikikilos sa harapan ng binata.Nanginig din ang kamay niyang nakahawak sa pinto. Gulat na gulat talaga siya sa biglang pagsulpot ng lalaki sa bahay niya. Hindi niya inakalang kaya nitong tumapak sa magulong eskinita papunta rito. At lalo pa siyang naguguluhan kung bakit ito at nakatayo ito sa harap niya.Hindi niya mahulaan kung ano ang sadya nito sa kanya. Kahit pa kalkalin niya ang lahat ng bulsa sa utak niya ay wala siyang mahanap na sagot. Ang tanging tumatakbo lamang sa isip niya ay, ‘bakit ito nandito?’ at ‘kung ano ang ginagawa nito sa apartment niya.’Napalunok siya at palihim na kinurot ang kanyang sarili. Saka lihim na ngumiwi at d*****g nang masaktan siya.“Alina Lopez, I came here to negotiate with you about something,” buo ang bos
“So beautiful!” anas ni Eros at pinadaanan ng daliri nito ang balikat niya pababa sa naka-xpose niyang likod.Nakatapis lamang siya ng tuwalya at katatapos lamang niyang naligo. Kalalabas din ng binata mula sa maliit niyang banyo. At hindi na niya inisip kung ano ang reaksyon nito habang naliligo dahil wala siyang shower dito. At katunayan habang naliligo siya ay balot siya ng kaba sa halip na takot. May munting tinig din na bumubulong sa utak niya na ikaila man niya ay excited din siya sa napupuntong mangyari uli sa kanilang dalawa ng lalaki.Lumunok siya at napakagat ng labi nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa batok niya. Malambot, mainit at nakakapaso ang labi ni Eros. Nagbibigay ito ng kakaibang kiliti sa kanyang katawan. Kahit kinakabahan ay lumipad yata ito sa Mars dahil naging excited ang buong kalamnan niya. Nang lumipat ang labi nito sa balikat niya at dilaan ito ay napahingal siya at napapikit.Kumilos ang isa pang kamay ni Eros at inalis ang tuwalya na nakabalabal
Umungol si Alina at tumihaya ng higa. Sobrang pagod ang pakiramdam niya at kumikirot din ang pagitan ng hita niya. Hindi ito ang unang beses niya pero kahit sa second time pala ay makakaramdam siya ng kirot. Lalo na at mahaba ang kargada ni Eros. Hindi lang iyon, ilang beses siyang nilabasan kaya nanlalata siya.Namamalat na nagmulat siya ng mata at tumingin sa tabi niya. Ilang segundo siyang nakatitig lang doon bago siya mapait na napangiti. Ano pa ba ang inaasahan niya? Ang matutulog si Eros sa tabi niya? Ang kapat naman ng kanyang mukha upang asamin pa niya ang ganito.Isa lamang siyang escort na babayaran nito para sa kanyang serbisyo rito.Mahinang sinampal niya ang pisngi at bumangon. Humikab siya at nag-inat bago binalabal sa hubad na katawan ang manipis niyang kumot. Bumaba na siya at kukunin sana ang cellphone niya sa mesa nang makita niya ang maliit na papel na nakalapag sa mesa. Nakaipit iyon sa cellphone niya.Mariing naglapat ang labi niya nang makita kung ano iyon. Nagha
Pagkatapos ng klase niya ng araw na ito ay wala sa mood na lumabas siya ng campus. Simula kaninang umaga ay pinagtaguan niya si Diego. Ayaw niyang mag-usap silang dalawa. Wala siyang isasagot kung tatanungin siya nito kung kanino niya nakuha ang mga hickeys niya.Kaya naman nawala sa isip niya na baka nasa labas ng unibersidad si Argos at naghihintay sa kanya. Kaya nang makita niya ang magarang kotse na naka-park sa gilid ay napasimangot siya. Kahit na hindi ito iyong sikat na limited edition na sasakyan ay hindi pa rin maikakaila na isa iyong mamahaling sasakyan.Akmang tatalikod siya para sana pagtaguan ang lalaki pero bumukas ang ointo sa backseat. Namutla siya at napaatras nang bumaba roon si Eros. Katulad ng suot nito kahapon ay naka-business suit pa rin ito pero hindi na itim kundi charcoal grey. Hindi maikakaila kung gaano kamahal ang mga damit na suot nito. Sinuklay nito patalikod ang bangs nito at nakalantad ang noo ng binata.He's really handsome. Nakakaakit din ang matangos
Inihatid lamang siya sa may bungad ng eskinita papunta sa apartment niya. At nilakad na niya ang pathway papasok. Mas gusto pa nga niya na hindi na siya i ihatid ni Eros dahil bago siya bumaba ay sumulyap ito sa labas. At kahit na walang emosyon ang mata nito ay ramdam niya ang disgusto nito sa lugar nila.Ngali-ngaling simangutan at ismiran niya ito ngunit hindi niya ginawa. Isang pilit na lang na ngiti ang iginawad niya rito at nagpasalamat bago tumalikod.Ang sabi nito ay wala silang ‘session’ ngayon dahil may mahalaga itong dadaluhan. Kaya ito inihatid lang siya at pinuntahan sa campus dahil lang sa bahay na binili nito. Ang gusto nito ay bukas ng gabi naroon na siya at naghihintay sa binata. At sa totoo lang ay gusto niyang tumawa ng sarkastiko dahil pinalabas pa nito na normal na meeting ang gagawin nila bukas ng gabi at tinawag na session.Habang naglalakad ay nasa malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang kaibigan na si Bree na halatang naiinip dahil panay ang sulyap sa cellpho
Inilibot ni Ali ang tingin niya sa bawat sulok ng sala ng bahay na kanyang titirhan. Very spacious and not considered as a small house. Para sa isang dalagang katulad niya at walang pamilya ay napakalaki na nito. Siguro ay nasa 1000 square feet ang lawak ng bahay. Maayos at elegante ang interior dito sa loob. Kumpleto na rin sa lahat ng mga kagamitan.Katulad ng mga sofa, mesa at may TV pa.May dalawang kuwarto rin dito at nakita na niya ang masters bedroom kung saan siya matutulog.Sa tingin niya ay ipinaayos muna ito lahat ni Eros bago siya tumira rito.Dapat sana ay makaramdam siya ng tuwa na tumira rito ngunit hindi niya magawa. Kung siguro ay sariling pundar niya ito ay matutuwa siya pero hindi naman.Binuksan niya ang ref na nasa kusina at napanganga nang makita na puno ito. Mga karne at gulay at iba pang ulam na ang gagawin na lamang niya ay magluto ng kanyang kakainin.“May kulang pa ba riyan?” tanong ni Argos na nakamasid sa kanya.“Anong kulang? Sobra pa ito at baka masisira
Kasabay ng pagbagsak ng tubig sa katawan niya ang pagyakap nito sa likod niya ay pagdampi ng labi nito sa balat niya. Itinukod naman niya ang kamay sa tiled-wall at pumikit.Habang naglalakbay ang labi nito sa balikat niya papunta sa batok niya hanggang sa likod ng kanyang taynga. Mahinang napaungol siya at napasandal sa dibdib ng binata. Mahinang kinagat nito ang balikat niya habang ang kamay nito ay menasahe ang dibdib niya.Ang isa pang kamay nito ay humawak sa baba niya at humarap ng kunti sa mukha nito. Hinalikan nito ang sulok ng labi niya bago inangkin ito at mariin siyang hinalikan. Napapikit siya at gumanti ng halik dito.Ang ibang una niya ay sa binatang ito niya naranasan. Ang unang halik niya, ang unang yakap na natanggap niya sa isang lalaki at ang unang lalaki sa buhay niya. Pero nakakatawa lamang isipin na kahit kay Eros niya natikman ang mga ito ay hindi naman niya ito kasintahan o kaya ay asawa.“Open your mouth,” utos nito kaya agad suyang tumalima. Agad na pumasok s
Naalimpungatan si Alina sa madaling araw nang marinig ang malakas na tunog ng cellphone. Umungol siya at inalis ang bagay na nakapulupot sa baywang niya. Pero humigpit lamang ito at lalo siyang hindi makabangon. Sa una ay nalilito siya at pilit na binabaklas iyon pero nang hilahin pa siya ng bagay na ito at tumama sa likod ng taynga niya ang mainit na hininga ay saka siya nahimasmasan.Bahagya niyang nilinga si Eros sa likod niya na mahimbing na natutulog. Natigilan siya dahil hindi niya inaasahan na matutulog dito ang binata. At sa tabi pa niya mismo.Hindi nito pinatay ang lampshade sa bedside table kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha ni Eros. Mula sa makapal na kilay nito. Sa malalantik at mahabang pilik mata. Ang matangos na ilong at ang pinkish na labi nito. Hindi masasabing makapal at hindi rin masyasong manipis. Bahagya pang nakabuka ang bibig nito kaya nakikita niya ang perkpektong puting ngipin nito. Kung naging babae lang ito ay baka mas maganda pa ito kaysa sa kanya.P
“Mama, bakit kailangan mo pong ilagay sa mga paso ang tanim mong petchay?” tanong ng sampung gulang na anak nina Ali at Eros na gumagawa ng assignment nito sa may maliit na mesa na nakalagay sa kanang parte ng kanyang harden.“Kasi kulang iyong kama na pinagtamnan ko, anak. Marami akong binhi at sayang naman kung hahayaan ko lang,” tugon niya sa tanong ng kanyang anak.“Eh, bakit palagi pong petchay iyong tinatanim mo? Naalala ko na nagrereklamo si Daddy na puro na lang petchay ang tinatanim mo gayong sa gabi ay kumakain siya ng petchay?” inosenteng tanong nito.Nalukot ag mukha niya nang marinig ang tinuran ng kanyang anak. Minsan ay gusto na niyang tirisin ang asawa dahil sa mga birong lumalabas sa bibig nito. Alam na nga nitong curious ang mga bata kapag may naririnig sila pero hindi pa rin nito mapigilan ang bunganga nito kapag nagsasalita.“Bakit naririnig ko ang pangalan ko?” singit ni Eros na pumasok ng greenhouse at may hawak na meryenda.Matalim na tingin ang iginawad niya ri
“What did that brat tell you?” tanong ni Eros kay Ali na katatapos lang naligo at tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang tuwalya.Natigil siya sa ginagawa at nilinga ang binata na nakasandal sa headboard ng kama. Hindi maipinta ang mukha nito at halatang pinipigilan lang nito ang ipakitang nagseselos ito. Pero hindi iyon naitago ng pagkakasalubong ng kilay nito.Kanina kasi na nag-usap sila ni Diego at pumasok ito ay naabutan nito nang magkayakap sila at tumatawa pa. Ora-orada tuloy na pinaalis nito ang pamangkin at simula ‘nun ay ramdam niya na bad mood ito. Hindi rin siya nito kinakausap at ngayon lang siya nito pinansin.“Wala naman,” kibit balikat na tugon niya. Sinasadya niyang balewala ang pananahimik nito dahil natutuwa siyang makita ang pagseselos nito na kahit pilit nitong tinatakpan ay nahahalata pa rin niya. At gustong-gusto niyang tignan sng mga reaksyon nito na ngayon lang maliwanag niyang nakikita.Mas lalo pang nalukot ang mukha nito at lumaki ang mga ugat sa sentido nito
Days passed in the blink of an eye. Everything that happened in the hospital was already cleared by Eros’s parents. Like nothing happened from the start. Kung may lumabas man na balita ay hindi nabanggit ang pangalan ni Ali na halatang prinotektahan ng pamilyang Ramazotti ang privacy ng dalaga. Gusto nilang kapag lumalabas siya at naglalakad sa sidewalk man o kahit saang lugar ay hindi siya tinitignan ng mga tao na isa siya sa naging biktima ng mga babaeng nakatikim ng drugs kahit pa labag sa kanyang kalooban. She was protected from gossip that will ruin her life. And that's thanks to Eros that she has the privilege to avoid being the subject of their stories.Sa ngayon ay na-discharge na rin si Ali sa hospital at nakauwi na sila sa Heritage Ville. Hindi na siya pinayagan ng binata na umuwi sa kanyang bahay at balak na nitong ibenta iyon pero tinutulan niya. Sa una ay ayaw ng binata ngunit nakiusap siya. Nang tinanong siya nito kung bakit ayaw niyang ibenta ang bahay ay nag-alangan si
Subalit hindi pa rin magawa ni Ali na kumalma. She kept on trembling while tears streamed down her eyes. Nanlalamig din ang buong katawan niya habang naglalaro sa imahinasyon niya ang kung ano mang ginawa sa kanya habang wala siya sa katinuan. Animo masusuka siya habang iniisip lahat ng mga senaryong tumatakbo sa utak niya.Ngumisi ang lalaki nang makita ang reaksyon ni Ali.“Alam mo ba kung sino dapat ang sisihin mo kung bakit nangyayari sa'yo ang lahat ng ito?” Bumangis ang mukha nito at itinutok ang baril sa mag-asawang Ramazzotti. “Ang anak ng dalawang ‘to ang may sala. Si Eros ang nagdala ng kapahamakan sa buhay mo.”Pagkatapos niyong sabihin iyon ay kinalabit nito ang gatilyo at tumama iyon sa dingding. Halatang pinaglalaruan sila ng lalaki dahil humalakhak pa ito at kay Don Faustino naman niyo tinutok ang baril.“Siguro’y hindi mo ako naalala, Don Faustino. Ang mga magulang ko ay dating kasambahay ng pamilya ninyo pero dahil lamang kay Eros na anak ninyo ay nakulong ang aking m
Kumakain si Ali ng orange nang bumukas ang pinto ng private room niya at pumasok si Eros. Napakurap siya at napanganga nang mabistahan ang hitsura at outfit ng binata ngayon. Alam niyang may pupuntahan itong interview ito mamayang after lunch at akala niya ay three piece suit ang isusuot nito ngunit natulala siya nang makita ito ngayon.Puting polo ang pang ilalim at grey vest ang ipinatong nito bago ang grey jacket suit. Kulay blue naman ang kurbata nito at grey pants ang pang-ibaba. His ink-blank hair was clean and well-kempt. Animo naging bata ito kaysa sa tunay na edad nito.Sa sandaling ito ay hindi pa rin niya mapigilan ang mamangha at ma-attract sa binata. He's already handsome in her eyes but everytime it was like he's even more handsome and attractive each day. Her heart quivered at the sight of him. She unconsciously wiped the corner of her lips.“Beautiful!” hindi niya napigilang ibulong at pinasadahan ng tingin ito mula ulo hanggang paa.Eros paused and raised his eyebrows
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy