Ang Nawawalang Bilyonarya

Ang Nawawalang Bilyonarya

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-11
Oleh:  Juanmarcuz PadillaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
12Bab
376Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sa kahirapan ng buhay ay namulat ang isang bilyonaryang si Glory Belle Padilla Arevallo. Noon ay wala pang kaalam-alam ang babae sa totoo niyang pagkatao at sa tunay niyang mga magulang. Lumaki siya sa pamilyang puno ng pagkukunwari. Lingid sa kaalaman niya, binalak ng tumayong magulang niya'ng ibenta siya sa bahay-aliwan para maging bayaran at maruming uri ng babae. Iyon daw ay para mabayaran niya ang mga sakripsisyo ng pamilya sa pagpapalaki sa kaniya. Wala nang nagawa si Glory Belle sa naging plano ng mag-asawa. Sa kaunting halaga ay nagawa siyang ipagpalit ng mga ito nang ganoon kadali. Ang masaklap pa, hindi nga siya naibenta bilang babaeng nagbibigay ng aliw pero mas higit pa roon ang kinasasadlakan niya-- ang maikasal sa isang lalaking hindi niya at mahal na isang matandang halos dalawampung taon ang tanda sa kaniya---si Samson Aguirre na isa nang biyudo, kilala sa lipunan at mula sa mayamang angkan! May isang anak na lalaki ang matanda na nangangalang si Loid Xavier Favila Aguirre. Ang inaasahang pilegro ni Glory Belle/ Yzza sa kamay ni DOn Samson ay mas malala pa pala sa inaasahan niya! Ayaw kasi ng binata na ikasal ang Dad niya o may pumalit sa namayapang ina nito. Ginawa ng binata ang lahat para siraan siya sa Dad nito at dumihan ang pangalan niya. Paano kung ang pagnanais ni Loid na hindi maikasal siya sa Dad nito ay may mas malalim pang dahilan? Paano kung this time, si Loid na mismo ang gustong mapasakaniya ang babae? Paano nga ba ni Glory Belle haharapin ang katotohanang ampon lamang siya ng kaniyang Itay Ramon at Inay Miriam at ang solong dahilan kung bakit gusto siyang ipakasal sa DOn ay dahil din sa kaniyang pagkatao? Paano mahahanap ng isang nawawalang bilyonaryang ang daan pauwi sa mga totoong nagmamahal sa kaniya?

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

One : Sino si Glory Belle?

Yzza'z POVMALALAKAS at sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng aking kuwarto ang nagpabalikwas sa akin ng bangon. Araw ng Sabado at gaya ng nakaugalian ng aming pamilya ay panahon na naman para pumunta sa bukid."Ano ba? Hindi ka ba gigising? Kanina pa ako katok ng katok at tawag sayo ng tawag dito a!" Dinig kong sigaw ni Inay Miriam mula sa labas. Mainit ang ulo nito ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito madalas paggising niya sa akin. Paminsan-minsan lang naman na hindi na nakapagtataka."Opo, nandiyan na! Liligpitin ko lamang ang aking kamang tulugan." Magalang namang tugon ko para hindi na ito magalburuto pa sa labas."Bilis-bilisan mo diyan at mataas na ang araw. Baka abutin ka pa ng isang oras sa pagligpit mo diyan." muling hirit ni Inay. Hindi na ako sumagot pa at baka lalo lamang itong atakihin ng high blood nito. Kilala ko si Inay, the more na sinasagot-sagot, the more na maraming pinagsasabi.Minadali ko na ang aking ang kilos. Narinig ko ang pala...

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Ilocano writer
highly recommend
2025-02-24 15:05:42
1
12 Bab
One : Sino si Glory Belle?
Yzza'z POVMALALAKAS at sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng aking kuwarto ang nagpabalikwas sa akin ng bangon. Araw ng Sabado at gaya ng nakaugalian ng aming pamilya ay panahon na naman para pumunta sa bukid."Ano ba? Hindi ka ba gigising? Kanina pa ako katok ng katok at tawag sayo ng tawag dito a!" Dinig kong sigaw ni Inay Miriam mula sa labas. Mainit ang ulo nito ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito madalas paggising niya sa akin. Paminsan-minsan lang naman na hindi na nakapagtataka."Opo, nandiyan na! Liligpitin ko lamang ang aking kamang tulugan." Magalang namang tugon ko para hindi na ito magalburuto pa sa labas."Bilis-bilisan mo diyan at mataas na ang araw. Baka abutin ka pa ng isang oras sa pagligpit mo diyan." muling hirit ni Inay. Hindi na ako sumagot pa at baka lalo lamang itong atakihin ng high blood nito. Kilala ko si Inay, the more na sinasagot-sagot, the more na maraming pinagsasabi.Minadali ko na ang aking ang kilos. Narinig ko ang pala
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-05
Baca selengkapnya
Two: Karugtong
MALALIM na noon ang gabi pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din ako makakatulog. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga maiaalis sa isipan ko ang isipin ang tungkol sa aking pag-aaral ng kolehiyo.Sa tantiya ko ay alas-nuebe na iyon at alam kong nagpapahinga na sina Itay at Inay sa kanilang kuwarto ng mga sandaling iyon. Magkatabi lamang kami ng kuwarto. Tanging isang sawaling dinding lamang ang nasa pagitan namin na siyang naghihiwalay sa dalawang kuwarto. Hindi naman gaanong kalakihan ang aming bahay. Malapad lamang ang sala at ang kusinang ekstensiyon lamang sa likuran. Nakahiwalay naman ang banyo at palikuan na may limang metro ang layo.Nakadungaw lamang ako sa bintanang hindi ko pa din nasasara sa mga oras na iyon. Sakto namang full moon ng Sabadong iyon kaya naman napakaliwanag ng palibot. Malayang nakatanaw ang kanilang mga mata sa patag na bukirin sa likuran ng kanilang bahay. Malapit sa isang basakan ang kanilang bahay na hindi naman nila pagmamay-ari. Ang nasabing basa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-05
Baca selengkapnya
Three: Sino si Loid Xavier?
LOID Xavier POVIt was a summer season. On Vacation na din kami sa school na pinapasukan ko kaya namomroblema na naman ako ulit. Alam ko kasi na kapag summer ay pinapauwi ako ni Dad sa hacienda naman sa Romblon. Tagadoon talaga ako at kaya lang ako napadpad ng Maynila ay dahil sa aking pag-aaral sa kursong Abogasya.Sa kasalukuyan ay nasa second year college na ako dito sa St. Brendan Northern College. Pansamantala ay nakikitira ako sa kapatid ni Mom Mellina na si Tita Olga. Ikalawang kapatid ito ni Mom sa apat silang magkakapatid. Lahat ay pawang babae at may kaniya-kaniya na ding pamilya.Hindi din naman ako nakaramdam ng pagkabagot dito sa bahay dahil kasama ko ang dalawang anak nina Tito Eleazar at tita Olga na sina Trexie at Bench. Si Trexie ay twelve years old na habang si Bench naman ay five year old pa lamang. Ang dalawang makukulit na mga bata ang siyang naging kalaro at kasama ko araw-araw dito sa aking pananatili sa Maynila.Hindi naman problemado ang mga ito sa aking pan
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-11
Baca selengkapnya
Four: Malapit na Panganib
Yzza's POVNgayon ay araw ng Linggo at as usual, pupunta na naman kami ng bukid. Doon na naman kami mag-aagahan muli at mag-aayos na din kami ng mga tanim na gulay. Mas maaga kami kaysa kahapon nang dumating sa bukid kaya naman mas marami kaming nagawa nang araw na iyon.Busy ako sa pagcucultivate ng mga tanim na sitaw at kalabasa ni Inay nang mapansin kong wala sa paligid si Itay. Nawili ako sa aking ginagawa dahil nage-enjoy ako ng sobra kaya’t hindi ko na namalayang wala na pala sa paligid si Itay. Napahinto ako sa aking ginagawa at hinanap siya ng aking mga mata.Tumingin na ako sa lahat ng sulok sa aking palibot pero hindi pa din nahanap ng mga mata ko si Itay. Sinulyapan ko si Inay na tuloy lamang sa ginagawa nito at wala pa ding malay na hindi na naming kasama si Itay. Naisip kong tanungin siya at baka nagpasabi rito si Itay patungkol sa pupuntahan nito at hindi na nakuha pang magpaalam dahil sa pagmamadali.“Inay, napansin niyo po ba si Itay? Bigla lang kasi siyang nawala.
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-11
Baca selengkapnya
FIVE : Sapantaha
Yzza’s POV That was almost a year and a half ago. Since then, hindi ko na nakita pa ang anino ni Don Samson sa lugar na iyon. Ang bali-balita ay nasa Maynila ang matanda at binisita daw ang anak na si Loid Xavier na kasalukuyang nag-aaral. Hindi naman sa hinahanap ko ang presensiya ng matanda. Ano naman kasi ang pakialam ko kung hindi man ito magpakita kahit pa kaylanman sa amin? Hindi ko naman iyon ikakamatay siguro? Isa pa, nakakabahala ang mga titig ng matanda sa akin noong nagdadalaga pa lamang ako. Paano na lang ngayong malaki na ako at nagkashape na ang katawan? Kahit pa sabihing sunog sa araw ang balat ko ay hindi ko pa din maitatago ang ganda at hugis ng katawan ko na paminsan-minsan ay pinagdidiskitahan ng mga iba pang kabinataan sa amin na tulad naming ay matagal nang naninilbihan sa pamilya Aguirre. Marami sa mga binatang anak ng mga trabahador ng Don Samson ay pinupuna ako kapag nasasalubong ako sa daan. May mga nagpapalipad-hangin ng pagkakagusto pero dinidedma ko na la
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-05
Baca selengkapnya
Six : Sakripisyo
LOID XAVIER’S POVMe and Rico, my family’s driver are heading to our Hacienda Aguirre at Romblon. Mula sa aking tinutuluyang magarang bahay ng aking Tita Olga at Tito Eleazar, lula ng isang kotseng pag-aari ni Dad ay nakasimangot na ako. Uuwi na naman kasi ako sa boring, matanda at puno ng malulungkot na ala-ala ni Mommy na klase ng lugar. Isang bagay na labis kong ikanayayamot pa ay mukhang magtatagal ako roon dahil sa kailangan daw ako ni Dad na asikasikuhin ang mga properties namin. Since bugtong na anak lamang ako ni Dad, wala siyang ibang maasahan kundi ako. Tumawag siya sa akin sa telepono kagabi. Pinapauwi na niya ako dahil kailangang-kailangan niya na daw ako sa amin.Tumanggi man ako ay hindi na iyon pinansin pa ni Dad. Sinubukan ko pang gumawa ng kuwento. Na kesyo hindi pa ako puwedeng makauwi dahil may mga school papers pa akong kailangang mai-submit. Pero honestly ay wala naman kasi bago pa man magsara ang klase, I been completely passed every projects and researches. H
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya
Seven : Prinsesa ng Biyudo
YZZA ‘s POVBITBIT ang isang maliit na bag na naglalaman ng isang bihisan, nasa dibdib ko ngayon ang magkahalong kaba, pag-aalangan at pananabik. Kaba, dahil hindi ko alam kung ano ang trabahong papasukan ko kay Don Samson. Ayon sa tatay ko, pinapunta daw ako ng Don sa mansion dahil may iaalok ito na trabaho para sa akin.Pag-aalangan, sapagkat alam kong no’ng una pa lamang nakita ko ang Don ay marami na akong bagay na ikinakailang rito at ibang negatibong bagay na hindi koalam kung bakit ko naiisip laban sa matanda ngunit biyudong mayaman sa buong baryo Magtulis, Romblon.Ang huli ay pananabik. Ito ang unang araw ko na nakita ng malapitan ang Mansion De Aguirre. Katulad ng karaniwan, ang mga kagaya naming anak lamang ng mga trabahador ng hacienda ay walang puwang sa loob ng mansiyon ng mga ito.Pero sinong mag-aakala? Ang isang anak ng tarabahador na kagaya ko ay nakatuntong at makakapasok na sa loob ng magara at malawak na tirahan ng aming amo, Ang Aguirre.Sa kabilang paghahati-hat
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya
Eight : Bitterness of Past
LOID XAVIER’s POV Pasado alas-tres na ng hapon ng kami ay ganap na makarating sa Sitio Magtulis, Barangay Mapinpin, Bayan ng Romblon. Hindi naman ako napagod sa biyahe o nabagot dahil sa tagal ng biyahe. Sinulyapan ako ni Eric na nasa driver seat upang sabihing nandito na daw kami sa amin. Kahit nayayamot dahil nandito na naman ako sa amin, pinilit ko pa ding lumabas ng kotse. Hindi naman ako puwedeng magkulong sa loob ng sasakyan. Kahit langhap ko ang amoy ng Lavender na kumakalat sa loob ng kotse, hindi pa din iyon rason para hindi ko gustuhing bumaba. Matapos ko ngang kalasin ang seatbelt sa aking katawan ay lumabas na ako ng kotse. Medyo nasilaw ako sa tama ng sikat ng araw sa aking mga mata kahit pa nakasuot ako ng shades ngayon. Ramdam ko din ang hapdi na dulot ng sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Isang libot ng tingin ang ginawa ko sa pinakamalawak na entrance ng hacienda. “Hayst! Nandito na naman ako sa amin. Mabobored na naman ako nito.” Mahina kong reklamo na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-05
Baca selengkapnya
Nine: Hagip
YZZA’s POVBatid kong walang mali sa pinili kong desisyon na magtrabaho dito sa mansion ng mga Aguirre. Alam ko din na para din sa pamilya ko ang lahat ng ito kaya ako lumalaban ngayon. Isang malaking tulong ang trabahong ito sa pamilya ko. Bukod pa sa katotohanang nautangan na ni Itay ang unang buwan ko rito sa mansion.Hindi naman ako nagtampo. Paano ba ako magtatampo kung alam kong isa din akong makikinabang sa utang na iyon? Tama ang sabi ng Don Samson. Summer na at tiyak na matutuyo na ang mga tanim naming gulay na siyang aming pangunahing pinagmumulan ng kita at hanap-buhay. Bale, ang lupang pinagtatamnan namin ay pag-aari ng mga Aguirre pero ang anumang produktong nakukuha naming sa gulay ay paghahatian na namin at ng Don. Maging sa koprahan ay ganoon din ang patakaran.Hindi naman kami lugi at lalong hindi masasabing masama sa amin ang Don. Ang kaso nga lang ay…‘Hayst! Ano ba Yzza! Tumigil ka na nga sa nega mo! Trabaho ‘to o! Kailangan mo ito at ng pamilya mo para mabuhay!’
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-07
Baca selengkapnya
Ten : Kakampi
LOID XAVIER’s POVNapatigil ako sa mga iniisip ko nang saktong pagpasok ko sa pinakamaluwang na sala ng aming mansiyon nang mahagip ko ang bulto ng isang babaeng nakatalikod. Dumaan ito sa isang bahagi ng exit na parang nagmamadaling lumabas na aksidente namang nahagip ng kaniyang paningin bago tuluyang mawala sa pintuan.Muntik pa akong napatid dahil sa paghabol ng tingin sa babaeng iyon na para bang may magnet sa aking mga mata. Buti na lang nga at hindi ako natapilok dahil bukod sa mesteryosong babaeng iyon ay kanina pa din lutang ang isip ko dahil kay Dad.Kung anong klaseng pakikiharap ang gagawin ko mamaya, saka ko pa lamang sasabihin. ‘Change topic’.Inaamin ko, na-curious talaga ako kung sino ang babaeng iyon. Hindi naman sa interesado ako sa mga probinsiyana o barriotic na mga babae. That kind of women are not my type, nor I have not this kind of cheap taste.Pumasok sa isipan ko ang posibilidad na isa na naman iyon sa kinababaliwan ni Dad. Maaring nagbabahay na naman ‘to
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-07
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status