Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
View MoreChapter 076Merlyn POVAnim na taon na ang lumipas mula noong tuluyan akong lumayo sa puder ni Cris. Ni balita tungkol sa kanya ay wala akong natanggap. Parang nawala na lang siya sa mundo ko. Tahimik ang naging buhay namin—ako at ang anak kong si Mila—dito sa isang liblib na probinsya. Malayo sa gulo, malayo sa ingay ng siyudad, at higit sa lahat... malayo sa alaala niya.Ngayon, limang taong gulang na si Mila. Siya ang nagsilbing liwanag ko sa lahat ng madilim na pinagdaanan ko. Sa bawat ngiti niya, nakakalimutan kong minsang nasaktan ako. Sa bawat yakap niya, para bang buo na ulit ako.Simple lang ang pamumuhay namin dito. Nagtitinda ako ng kakanin sa palengke tuwing umaga habang si Mila naman ay nagsisimula nang pumasok sa daycare center malapit sa amin. Kapag hapon, sabay kaming nagdidilig ng mga halaman sa likod-bahay, o kaya’y nagbibilad ng mga tuyo at gulay para ibenta kinabukasan. Minsan, tinutulungan ko rin ang kapitbahay sa pagtatahi kapalit ng ilang kilong bigas o gulay.W
Chapter 075Naramdaman ko ang mga mata ko na tila nagiging mabigat, pero pinilit kong maging matatag."Hindi ko pa alam... Siguro, ang unang hakbang ay tanggapin ang nangyari at magpatuloy sa buhay. Hindi ko pa alam kung paano, pero sigurado akong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."Patuloy lang ang mga tanong nila—sunod-sunod, walang humpay—at pakiramdam ko'y unti-unti akong nauubusan ng sagot. Ngunit sa kabila ng lahat, ang mga salita ni Mommy ang nagsilbing gabay ko, parang liwanag sa gitna ng dilim."Mr. Montereal," muling tanong ng isang reporter,"Narinig namin na balak mong pumunta sa ibang bansa. Paano na ang negosyo ng pamilya mo rito kapag lumipad ka patungong USA? Ano ang susunod na hakbang mo sa pagpapalago ng kumpanya?"Nag-isip ako sandali, pilit na inuuna ang mga bagay na makakatulong sa akin na magpatuloy."Oo, balak kong magtungo sa ibang bansa para makapag-move on at mas mag-focus sa negosyo. Sa Amerika, magtutulungan kami ng pamilya ko. Iiwan ko muna ang negosyo k
Chapter 074Napatigil ako sa narinig na suhestiyon ni Mommy. "Stage?" Tanong ko, tanging gulat at kalituhan ang nararamdaman ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Paano makakatulong ang stage sa akin ngayon, na ang lahat ng nararamdaman ko ay sakit at pagkatalo?"Oo," sagot ni Mommy, ang boses ay may kalmado at matinding determinasyon. "Doon mo kayang makita ang iyong sarili muli. Hindi mo kailangang mag-isa sa lahat ng ito. Hindi mo kailangang magtago pa."Walang nagbago sa aking pakiramdam, ngunit sa mga salitang iyon ni Mommy, parang may isang munting posibilidad na nagbigay-liwanag sa aking isipan. Isang maliit na bahagi ng aking puso ang nag-sabi na baka may dahilan pa, baka may pagkakataon pang makabangon."Pero... paano?" tanong ko, ang tono ko ay puno pa rin ng pag-aalinlangan. "Hindi ko kayang magharap ng mga tao, lalo na kung sila ay may alam tungkol sa lahat ng nangyari.""Simula sa ngayon," sagot ni Mommy, "Hindi mo kailangang patagilid na tumakbo. Hindi ka na mag-isa. Hindi mo
Chapter 073Lumipas ang anim na buwan, hindi ako umuwi sa mansyon kung saan ang alaala ng aking asawa andoon. Laging tumatawag si Mommy pero lagi ko itong pinatayan ng phone.Walang ibang ginawa ko sa loob ng mga buwan kundi mag mukmok sa mansyon binili ko para sana sa kay Merlyn at sa anak namin.Tanging kasama ko lamang ay alak wala ng iba. Ni paglinis sa aking katawan ay hindi ko ginawa. Humahaba na ang balbas at buhok ko.Ang mga buwan na iyon ay para bang isang mahabang dilim na walang katapusan. Hindi ko na kayang tingnan ang sarili ko sa salamin, hindi ko na kayang makita ang mukha ko na puno ng sakit at pagkatalo. Sa mansyon na binili ko para sana kay Merlyn at sa anak namin, tila ang mga dingding mismo ay nagsasalita ng mga alaala—mga alaala ng kaligayahan na unti-unting nawala.Hindi ko na pinansin ang tawag ni Mommy, wala na akong lakas para makipag-usap. Sa bawat tunog ng telepono, iniwasan ko ito, binaba ang bawat tawag. Siguro, takot na rin akong marinig ang mga salitang
Chapter 072Pagkatapos ng libing, hindi ko magawang umuwi sa mansion na punong-puno ng alaala nina Merlyn at ng anak namin. Sa halip, dumiretso ako sa bagong bili kong bahay—malayo sa lahat, malayo sa sakit.Tahimik akong bumaba ng sasakyan. Ang malawak na bakuran at ang malamig na simoy ng hangin ay dapat sana'y nagpapagaan ng pakiramdam ko, pero walang kahit anong lugar ang makakabawas sa bigat na dinadala ko.Pagpasok ko sa loob, sumalubong sa akin ang katahimikan. Walang ibang tunog kundi ang mahihinang yapak ng mga paa ko sa marmol na sahig. Isinandal ko ang likod ko sa pinto at dahan-dahang bumagsak sa sahig. Doon, sa gitna ng kadiliman, tuluyan kong binitiwan ang lahat ng emosyon na matagal ko nang pinipigil."Hindi ko na alam paano mabuhay nang wala kayo..." bulong ko, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ngiti ni Merlyn, ang maliliit na kamay ng anak namin na minsang mahigpit na humawak sa daliri ko.Wala na sila. At kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko ang kato
Chapter 071 Napahinto ako sa tapat ng isang maliit na parke. May mga batang naglalaro, masayang nagtatawanan. Isang eksena na hindi ko na kailanman mararanasan kasama ang anak ko. Napaupo ako sa isang bench, pinagmamasdan ang kawalan. Tumulo na naman ang mga luha ko. "Kung pwede lang bumalik sa nakaraan..." bulong ko sa hangin. "Kung pwede lang burahin ang lahat ng kasalanan ko..." Pero huli na ang lahat. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa at tiningnan ang screen. Isang unknown number. Nag-alinlangan akong sagutin, pero sa huli ay pinindot ko ang green button. "Hello?" mahina kong bati. Isang sandaling katahimikan ang sumunod bago narinig ko ang isang pamilyar na tinig. "Cris..." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako maaaring magkamali. "M-Merlyn?" Pero agad din akong natauhan nang mapagtantong si Mommy pala ang tumawag. "Cris, anak..." mahina at garalgal ang boses ni Mommy. Ramdam ko ang lungkot sa bawat sali
Chapter 070"Ang tanga-tanga ko. Ahhhh.....!" ulit kong sabi habang sinusuntok ko ang sahig ng aming mansion hanggang dumugo ang aking kamay."Cris, anak! Tama na!" Sigaw ni Mommy habang pilit na pinipigilan ang kamay ko. Pero wala akong naririnig. Hindi ko na alintana ang sakit sa mga kamao ko. Mas matindi ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko."Bakit ko sila pinabayaan?!" Paulit-ulit kong isigaw. "Bakit ko sinaktan si Merlyn? Bakit ako naging duwag?!"Nanginginig ang katawan ko habang nakaluhod pa rin sa malamig na sahig. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula sa mga sugat ko, pero wala pa rin 'yon sa nararamdaman kong kirot sa loob."Cris, anak..." Hinawakan ni Mommy ang mukha ko, pilit akong pinapakalma. Pero kahit ang yakap niya ay hindi mapawi ang bigat na bumalot sa pagkatao ko. "Hindi mo na mababago ang nangyari.""Pero kasalanan ko 'to, Mommy!" Napapikit ako nang mariin. "Kung hindi ko lang pinabayaan si Merlyn... Kung hindi ko siya pinagpalit... Kung ako lang sana ang pinili
Chapter 069Cris POVKinabukasan Pagdilat ng mga mata ko, ramdam ko agad ang matinding sakit ng ulo. Para bang binabayo ito ng malalakas na tambol. Napatingin ako sa paligid — magulo, amoy alak, at puro basyo ng bote ang nakakalat.Sa tabi ko, sina Thomson at Rommel, parehong tulog pa rin at may mga marka pa ng alak sa kanilang damit. Napailing ako."Hoy, gising na!" sabi ko habang marahang tinatapik si Thomson. "Tangina, parang mga bangkay kayo rito.""Ahhh, ang sakit ng ulo ko, Tol," ungol ni Thomson, sabay taklob ng unan sa mukha niya. "Bakit ba natin naisip mag-inuman ng ganito kagabi?""Eh 'di dahil sa katangahan ko," maasim kong sagot. "At sa kagaguhan ko na rin."Napaungol si Rommel nang marinig ang usapan. "Tol, seryoso ka ba sa sinabi mo kagabi? Gusto ka raw hiwalayan ni Merlyn?"Bigla akong natahimik. Parang isang kutsilyo ang sumaksak sa dibdib ko sa simpleng tanong na 'yon. Agad kong naalala ang galit sa mga mata ni Merlyn at ang huling sinabi niya sa akin."Oo," mahina k
Chapter 068Merlyn POVSobrang sakit ang nararamdaman ko sa pagkakita sa videos, at mga chat niya sa akin. Kaya agad ko inayos ang mga gamit namin ng anak ko. Ngayong gabi, aalis kami ng aking anak.Hindi ko na napigilan ang mga luhang tuluyan nang bumagsak sa aking mga mata. Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga videos at chat na pinadala ng babae. Ramdam ko ang kirot sa puso ko, parang pinupunit ang bawat bahagi nito."Bakit, Cris? Bakit mo nagawa ito sa amin?" bulong ko habang yakap-yakap ang isang taon naming anak na mahimbing na natutulog.Hindi ko na kailangang makarinig pa ng paliwanag. Sapat na ang mga ebidensiyang nasa harap ko. Kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ko kayang manatili sa isang relasyong puno ng kasinungalingan at pagtataksil.Agad akong tumayo at nagsimulang mag-impake. Isa-isang sinilid ko sa maleta ang mga damit ng anak ko at ilan sa mga gamit ko. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at pilit na pinatatag ang sarili ko."Para sa anak ko, kailangan kong
Chapter 01 "Ma, Pa! Bakit ganito?" hinagpis kong sabi habang humahagulgol ako ng iyak. Sino bang hindi maiyak ng pagdating mo sa bahay upang surpresahin sila ay ako ang na surpresa sa nakita. Kaya pala mailap ang mga matang nakatingin sa akin ang mga kapit bahay namin dahil sa eksenang nabungaran ko. "A-ang kapal din ng pagmumukha mo, Alex! Bakit ang kapatid ko pa?!" sumbat ko dito, nais ko silang pagmumurahin lahat at ipinakmukha ko kung gaano ka sakit ang kanilang ginawa sa akin. Habang matalim akong tumingin sa dalawang taong nagtaksil sa akin ay hindi ko maiwasang tumulo ang mga luha ko nang nakitang malaki ang tiyan ng bunso kong kapatid at sa tingin ko ay nasa anim na buwan na ito. "B-bakit hindi ninyo pina-alam sa akin, ma? Hindi pa ba sapat na ginawa ko ang lahat upang guminhawa ang buhay natin? At ikaw, sina-kripesyo ko ang buhay ko sa ibang bansa upang makapagtapos ka ng pag-aaral, pero ito ang ginawa ninyo sa akin," sumbat ko dito. "Hoy, Merlyn? Aba, sumusobra...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments