Chapter 03
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Alam kong hindi ko dapat pakialaman ang sitwasyong ito, pero hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa lalaki. Sa harap ng lahat ng tao at sa isang mahalagang araw, nagawa siyang ipahiya ng babaeng dapat ay kasama niya habang-buhay. Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang isang lalaki na nakatayo sa gitna ng altar. Nakatalikod siya, ngunit kahit hindi ko makita ang kanyang mukha, ramdam ko ang bigat ng emosyon niya. Ang tikas ng tindig niya ay tila pilit lang, na parang sinisikap niyang huwag magpakita ng kahinaan sa harap ng maraming tao. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bagay ang nagtulak sa akin na manatili at obserbahan ang nangyayari. Sa gitna ng sarili kong sakit, naramdaman kong hindi lang ako ang nawawasak ng mga pangyayari sa araw na ito. Habang nagmamasid ako sa kaguluhan, biglang napansin ng isang babaeng elegante ang aking presensya. Nakasuot siya ng mamahaling damit at may tindig na nagsasabing isa siyang taong may mataas na estado sa lipunan. Napatingin siya sa akin, tila nagtatanong ang kanyang mga mata. Ilang saglit lang ay lumapit siya sa akin. "Ikaw," malumanay ngunit may awtoridad niyang sabi. "Anong ginagawa mo rito?" Bigla akong kinabahan, pero nanatili akong nakaupo, pilit na pinapanatili ang aking kumpiyansa kahit na ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko. "Pasensya na po," mahina kong sabi. "Napadaan lang po ako at hindi ko sinasadya na maging sagabal." Ngumiti siya, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may halong lungkot at kaba. "Hindi kita inaakusahan, hija. Nagulat lang ako. Hindi kita kilala, at hindi ka mukhang isa sa mga bisita. Ako si Mrs. Cristina Santos Montereal, ina ng groom." Napalunok ako. Hindi ko inasahang direktang kakausapin ako ng isang tao na tila napakaimportante. "Ako po si Merlyn," sagot ko, halos pabulong. "Hindi po talaga ako parte ng kasalan. Nagpunta lang po ako rito sa simbahan para magdasal." Saglit niyang sinuri ang aking mukha, at tila may nakita siya sa akin na hindi ko maintindihan. "Mukhang mabigat din ang dinadala mo, hija," sabi niya sa mas malumanay na tono. "Alam mo, ang araw na ito dapat ay pinakamasaya para sa anak ko. Pero sa isang iglap, naging bangungot. At ikaw naman, mukhang nalulungkot ka rin. Ano bang nangyari?" Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Sa kabila ng kanyang pagkatao, naramdaman kong hindi siya nanghuhusga. Para bang tunay siyang nag-aalala, kahit pa kakakilala lang namin. "Baka hindi ko po kayo dapat istorbohin sa oras na ito," tugon ko. "Mukhang mas malaki ang problemang kailangan ninyong ayusin." Ngumiti siya, bahagyang napapailing. "Merlyn, minsan ang mga taong hindi natin kilala ang mas madaling lapitan at kausapin tungkol sa mga problema natin. At sa ngayon, gusto kong malaman—bakit ka narito sa ganitong oras? Ano ang dinadala mo?" Tahimik akong tumango, hindi pa rin sigurado kung paano magpapaliwanag. Ngunit sa mga mata ni Mrs. Montereal, nakita ko ang sinseridad at kabutihan na tila nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. "May i-offer ako sayo iha," malumanay nitong sabi. "Ako po yun, Mrs Montreal?" magalang kung sagot. "Pakasalan mo ang anak ko, ang ibig kong sabihin ay can you be a substitute-bride?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Halos hindi ko magawang paniwalaan ang narinig ko. "P-po?!" halos nauutal kong tanong. "Ako po? Pakasalan ang anak ninyo? Substitute-bride?" Tumango siya nang seryoso, ngunit nanatili ang mahinahon at maamong ekspresyon sa kanyang mukha. "Alam kong biglaan ito, hija, at baka isipin mong desperado kami. Pero kailangan kong iligtas ang pangalan ng pamilya namin. Hindi pwedeng magkaroon ng eskandalo sa araw na ito. At sa nakikita ko, mukhang ikaw ang sagot sa problema namin." "Pero... pero Mrs. Montereal," pilit kong nililinaw, "hindi po ako kilala ng anak ninyo. At hindi rin po ako handa sa ganito. Paano ko po magagawa iyon?" Bahagya siyang ngumiti, ngunit ang mga mata niya'y puno ng determinasyon. "Hindi kailangang magmadali. Hindi ko inaasahang sasang-ayon ka agad. Pero isipin mo ito, Merlyn—may dahilan kung bakit ka narito sa simbahan sa araw na ito. Baka ito ang paraan ng Diyos para magbigay sa'yo ng bagong simula." Napatigil ako. Ang bigat ng sinabi niya ay tila humampas sa dibdib ko. Isang bagong simula? Matapos ang lahat ng sakit na naranasan ko, posible pa ba iyon? "Bakit ako, Mrs. Montereal?" tanong ko, pilit hinahanap ang lohika sa kanyang alok. "Hindi ko rin alam," tapat niyang sagot. "Pero sa sandaling nakita kita, may naramdaman akong tiwala. Isa kang estranghero, pero tila may liwanag kang dala sa gitna ng kaguluhang ito." Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. "Alam kong mahirap ang hinihingi ko, pero iha, ito lang ang paraan para mailigtas ang araw na ito. Ang anak ko ay mabuting tao. Bigyan mo siya ng pagkakataong makilala ka, at baka... baka ito na rin ang pagkakataon mo na muling buuin ang pira-piraso mong puso." Tahimik akong napatingin sa krus. Napakabigat ng alok, ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari, isang ideya ang tumatak sa isip ko: Baka nga ito ang pagkakataon ko para magsimulang muli. Nanatili akong tulala sa harap ni Mrs. Montereal. Ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya ay tila bumalot sa akin, habang ang isip ko ay litong-lito sa alok na ito. "Malaking bagay ito, hija," muling sambit niya, ang kanyang boses ay puno ng pakiusap. "Kapag pumayag ka, maililigtas mo ang pangalan ng aming angkan. Naiintindihan ko kung gaano ito kahirap para sa'yo, pero tutunawin ko ito bilang isang malaking utang na loob sa'yo." Lumunok ako nang malalim, pilit na hinahanap ang tamang sagot sa sitwasyong ito. "Wag kang mag-alala," dagdag pa niya, na tila nababasa ang kaba ko. "Pagkatapos ng kasalang ito, pwede ka nang umalis. Magiging kasunduan natin na ibibigay mo sa akin ang iyong contact number, at agad kong ipapadala sa'yo ang divorce papers. Magiging malaya ka ulit, parang walang nangyari." Nag-aalangan akong tumingin sa kanya. Sa kabila ng lahat, may naramdaman akong sinseridad sa kanyang mga salita. Parang handa siyang gawin ang lahat para lang maisalba ang reputasyon ng kanyang pamilya. Pero para sa akin, napakalaking desisyon nito. "Bakit hindi na lang po ibang tao? Baka po may mas angkop na pumalit sa bride?" tanong ko, umaasang may makukuhang sagot na makakapagpaluwag sa akin.Chapter 04 "Ikaw ang nakita ko, hija," tapat niyang sagot. "Walang sinuman sa paligid ang pwedeng pumalit ngayon. At sa sandaling ito, ikaw lang ang nakikita kong may lakas ng loob para tulungan kami," dagdag niyang sabi sa akin. Muli akong tumingin sa krus. Sa kabila ng bigat ng alok na ito, may kung anong bahagi ng puso ko ang tila tinutulak akong tanggapin ito. Baka nga ito ang paraan ng Diyos para tulungan din ako na magpatuloy. "Merlyn," mahinahon niyang tawag sa akin, "ano na ba ang sagot mo?" tanong niya. Sa gitna ng kaguluhan sa isip ko, pumayag akong gawin ang hindi ko inakala—ang maging substitute bride. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang, pero naisip ko, kung may paraan ako para makatulong, bakit hindi? "Papayag na po ako, pero paano kung magalit o kamuhian ako ng inyong anak?" sambit ko. "Salamat, Merlyn! Wag kang mag-alala, sagot kita kung ano man ang mangyari nasa likod mo ako," mahina ngunit puno ng pasasalamat na sabi ni Mrs. Montereal. Agad
Chapter 05 Habang nagsisimula na ang seremonya, ang bawat salitang binanggit ng pari ay nagiging malabo sa aking pandinig. Nakatuon lamang ang aking isipan sa kanya, sa lalaki na ngayon ay tatawaging asawa ko—si Crisanto "Cris" Montereal. Sa huling bahagi ng kanyang pangalan, ang bigat ng pagiging Montereal ay tila sumakal sa aking dibdib. Isang pamilyang may mataas na estado, at ako... isang estrangherong walang kamalay-malay sa mga larangan ng buhay na kanilang tinatahak. Sa mga susunod na minuto, naramdaman ko ang pawis na dumaloy sa aking noo habang siya ay nakatayo sa aking harapan. Habang binabaybay ko ang proseso ng kasal, sa bawat salita ng pari, ang pangalan niyang "Crisanto" ay umiikot sa aking isipan, parang malupit na paalala na ngayon, nakatali na ako sa isang mundo na hindi ko alam. Sa aking puso, may isang bahagi na hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Si Merlyn Claveria Santiago, isang simpleng babae, ay ngayon ay nakatayo sa altar, kasal na sa isang taong hin
Chapter 06Habang naglalakad kami palabas ng simbahan, sinalubong kami ng mga saksi at bisitang masiglang bumabati. "Congratulations sa inyong dalawa," bati sa isang ginang. Habang iba ay ang kanilang mga ngiti ay parang mga liwanag na bumalot sa akin, ngunit sa kabila nito, ang bigat sa aking dibdib ay hindi mabawasan. Si Crisanto "Cris" Montereal, ang lalaking ngayon ay asawa ko, ay hindi pa rin bumibitaw sa mahigpit na pagkakahawak sa aking baywang.Pilit kong hinanap si Mrs. Montereal upang maki-usap ko ito ngayon pero hindi ko nahagilap man lang ito. Ang bawat hakbang ko ay parang isang paglipat sa ibang mundo—isang mundo na hindi ko kailanman inakala na magiging bahagi ako. Naririnig ko ang masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit tila nagiging malabo ang mga tunog na iyon sa aking pandinig.Nang makalapit kami sa nakaparadang sasakyan, mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Cris sa akin. Wala siyang sinasabi, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya. Binuksan ng driver a
Chapter 07Agad akong nagpahatid sa bahay namin—ang lugar na minsang itinuring kong kanlungan pero ngayo'y puno ng sakit at galit. Hindi ko na napigilang balikan ang mga alaala ng hirap ko bilang OFW. Sa bawat araw na pinili kong magtiis, tiniis ko ang pangungulila sa pamilya, ang init ng araw, at ang malamig na gabi para lang maipadama sa kanila na mahalaga sila sa akin. Ngunit ang lahat ng iyon ay parang nawalan ng halaga.Pagbukas ko ng pinto, bumulaga sa akin ang mga mukha nila Mama at Papa, ngunit hindi ang mga mukhang inaasahan kong makita. Wala akong nakitang pagsisisi o kahit bahid ng pagkakahiya sa ginawa nila. Sa halip, malamig at matalim ang tingin nila sa akin.“Bakit ka nandito?” tanong ni Mama, ang boses niya’y puno ng pagkasuya.“Bumalik ako para kunin ang mga gamit ko,” sagot ko nang diretso, pilit pinipigil ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “Hindi na ako magtatagal dito.”“Kung aalis ka, mabuti,” sagot ni Papa. “Sa tingin mo ba, obligado pa kaming makinig sa mga rek
Chapter 08 Habang nakaupo ako sa isang sulok ng simbahan, napuno ng tahimik na dasal ang paligid. Pero sa loob ko, tila isang kaguluhan ang nagaganap. Ang bigat ng lahat ng nangyari—mula sa pagtaksil ng pamilya ko hanggang sa pagiging isang substitute bride—ay parang mga alon na pilit akong dinadala sa malalim na bahagi ng aking isipan. Napatingin ako sa altar. Ang seremonya ay natapos na, ngunit ang epekto nito sa akin ay tila nagsisimula pa lamang. Ang pakiramdam ng pagiging nakatali sa isang kasal na hindi ko pinangarap ay nagpabigat sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, ang natitira na lang sa akin ay ang tanong na, "Ano ang dapat kong gawin ngayon?" gulong tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa krus. Bigla kong naalala ang tawag ni Mrs. Swan. Ang kanyang alok ay parang liwanag sa isang madilim na daan—isang pagkakataon upang muling magsimula. Isang paraan upang takasan ang sakit at gulo na iniwan ng kasalukuyang sitwasyon ko. Napabuntong-hininga ako habang iniisip
Chapter 09Cris POV "Find my wife!" malakas kong utos sa mga tauhan ko, halos pumutok ang ugat sa aking sentido. Parang hindi ko matanggap na bigla na lang siyang nawala sa kalagitnaan ng kasiyahan matapos ang kasal. 'Paano niya nagawang umalis nang walang pasabi?' inis at galit kong sabi sa aking isipan habang inuutusan ko ang mga tauhan. Kanina lang, sinabi niyang pupunta siya sa restroom kasama si Liza, isa sa mga katiwala ng mansion. Ngunit makalipas ang ilang minuto, bumalik si Liza mag-isa, mukhang balisa. "Nasaan siya?" tanong ko agad. "Sir, hindi ko po alam," sagot ni Liza, halatang nag-aalangan. "Sabi niya babalik agad siya, pero hindi ko na po siya nakita," sabi niya sa akin. Parang bumaligtad ang sikmura ko sa inis. Asawa ko siya, kahit na isang substitute bride lamang! Alam kong hindi maipagkakaila na pilit ang sitwasyon namin, pero hindi iyon sapat na dahilan para bigla siyang mawala nang parang bula. Lumapit sa akin ang isa sa mga bisita, ang best man ko, si Leo
Chapter 10 Kinabukasan "Mr. Montereal, natagpuan na namin siya," sabi ng isa sa mga tauhan ko, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa. "Kasulukuyan siyang sumakay ng eroplano papunta sa Canada," pagbibigay ng impormasyon nito sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya. Canada? Biglang bumalik sa isip ko ang mga kwento ni Mommy tungkol sa pagiging OFW ng babaeng iyon. May koneksyon ba siya roon? O plano niyang magtago sa bansang iyon upang tuluyang iwasan ang lahat ng nangyari sa amin? "Sigurado ka ba diyan?" tanong ko habang pinipigil ang halong inis at kaba. "Opo, Sir. May na-trace kaming flight booking gamit ang pangalan niya. Paalis na ang eroplano isang oras mula ngayon," tugon nito. Mabilis akong tumayo at kinuha ang coat ko. "Ihanda ang sasakyan. Pupunta tayo sa airport!" utos ko sa isa kong tauhan. Habang nasa daan, pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko. Bakit siya umalis? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Sa kabila ng lahat ng nangyari, alam kong may karapatan siyang gumawa
Chapter 11 Lumipas ang maraming buwan, ngunit hindi ko pa rin tinigilan ang paghahanap kay Merlyn. Parang nawalan ng direksyon ang buhay ko, at bawat araw na lumilipas ay tila nagiging mas mabigat ang bigat sa dibdib ko. Inupahan ko ang pinakamahuhusay na private investigators, ngunit iisa lang ang sinasabi nila: May humaharang sa imbestigasyon. Hindi ko matanggap ang sagot na iyon. Kaya, sa huli, ako mismo ang nagdesisyon na puntahan ang lugar kung saan siya dating nanirahan. Doon, kinausap ko ang ilang kapitbahay niya, nagbabakasakaling makuha ang mga sagot na matagal ko nang hinahanap. Ang mga salaysay ng mga kapitbahay ay unti-unting nagbigay-liwanag sa madilim na bahagi ng buhay ni Merlyn. "Alam mo, Crisanto," sabi ng isa sa mga kausap ko, isang matandang babae na tila alam lahat ng kwento sa lugar nila. "Si Merlyn, napakabait na bata. Ang tanging inisip lang niya ay ang kapakanan ng pamilya niya. Sinakripisyo niya ang kaligayahan niya para mapag-aral ang bunsong kapatid niya
Chapter 16 "Miss, are you alright?" tanong ng katabi ko, marahil ay napansin ang naninigas kong anyo. "Yes, I’m fine," sagot ko, ngunit ang boses ko ay halos pabulong na lamang. Paglingon ko, napansin ko na lang na nakatayo na siya sa harapan namin. Halos madurog ang puso ko nang makita ang malalim niyang mga mata, at sa kabila ng ilang taon, ang tingin niya ay nananatiling matalim at nakakakilabot. "Good morning," bati niya sa grupo namin. Sinuklian ko ito ng pilit na ngiti, ngunit agad akong tumalikod upang kunwaring mag-adjust ng aking gamit. Hanggang maaari, ayokong makita niya ang mukha ko. Ngunit alam kong oras na lang ang magtatakda bago niya matuklasan ang katotohanan. Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko. "It's good to see you, wife!" Diretso at walang alinlangan niyang sinabi, dahilan upang ang lahat ng naroroon ay mapatingin sa amin. Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko habang ang mga salita niya ay paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan. Ang b
Chapter 15 Tatlong taon na pala ang lumipas simula nang magsimula ako sa kumpanyang ito. Hindi ko inaasahan na magtatagal ako dito, ngunit sa tulong ni Mrs. Swan at ng aking determinasyon, unti-unti kong napatunayan ang aking sarili. Subalit, isang balita ang gumulantang sa lahat ng empleyado—magkakaroon ng bagong CEO. "Have you heard? The new CEO is coming next week," sabi ng isa sa mga ka-trabaho ko habang nagkukumpulan kami sa cafeteria. "Yes, I heard he’s Mr. Carter's cousin. They say he’s very strict and doesn’t tolerate mistakes," dagdag pa ng isa. Napatingin ako sa kanila, at ramdam ko ang bigat ng balita. "Is he really that bad? Maybe they’re just exaggerating," tanong ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit umiling ang isa sa mga senior staff. "No, it’s true. I’ve worked with him briefly before. He’s a perfectionist. If you make even one small mistake, he’ll call you out in front of everyone. It’s terrifying." Halos mawalan ako ng ganang kumain sa sinabi niya.
Chapter 14Kinabukasan, muling tinawag ako ng CEO sa kanyang opisina para magbigay ng update sa isang mahalagang proyekto."Merlyn, you’ve been doing a great job so far. The board is impressed with your work ethic and attention to detail," sabi niya habang binabasa ang report na iniabot ko."Thank you, sir. I’m just doing my part," sagot ko, sinusubukang itago ang kaba sa likod ng aking propesyonal na tono.Ngunit hindi ko napigilan ang isipin ang sinabi ni Carla. Kaya’t matapos ang aming meeting, bago ako lumabas ng opisina, napabuntong-hininga ako at nagdesisyong magsalita."Sir, may I ask something unrelated to work?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.Tumingin siya sa akin, halatang nagulat. "Of course. What is it?""I just want to clarify something… People have been talking about why I’ve been frequently called to your office. I just want to make sure that there’s no misunderstanding regarding our professional relationship," sabi ko, diretso sa punto.Saglit siyang natahimik bag
Chapter 13Ngayong araw, opisyal na akong magsisimula sa bago kong trabaho bilang accountant. Sa wakas, unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko. Ang lahat ng ito ay utang ko kay Mrs. Swan, na kahit kailan ay hindi ako iniwan at palaging nakaalalay sa akin.Siya ang naging daan upang magkaroon ako ng bagong simula dito sa Canada. Hindi lang siya tumigil sa pag-recommend sa akin sa mga posisyon na akma sa aking kakayahan, kundi ginawa pa niyang posible na maging permanent resident ako. Dahil sa kanya, nakaramdam ako ng pagtanggap at halaga na matagal ko nang hinahanap.Sa opisina, tinanggap ako ng mainit ng aking bagong boss na si Mr. William Carter, isang mabait at respetadong negosyante na kaibigan ni Mrs. Swan."Welcome to the team, Ms. Santiago. Narinig ko mula kay Mrs. Swan kung gaano ka kasipag at maaasahan. I'm excited to see you grow with us," aniya habang iniabot ang kamay para kamayan ako."Salamat po, Sir. Hindi ko po sasayangin ang oportunidad na ito," sagot ko, puno
Chapter 12Merlyn POVPagkababa ko ng eroplano sa Canada, isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa klima o sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Pero isang bagay ang sigurado—ito ang bagong simula ng buhay ko, malayo sa mga taong nagdulot sa akin ng sakit at pagkabigo."Welcome back, Merlyn!" bati ni Mrs. Swan habang nakatayo sa arrival area. Ang kanyang malapad na ngiti ay tila nagpapagaan sa bigat ng nararamdaman ko. Siya ang naging pangalawang ina ko sa mga panahong nagtrabaho ako sa kanilang pamilya bilang isang domestic helper."Mrs. Swan," sagot ko habang pinipilit na ngumiti, "Salamat po at tinanggap ninyo ulit ako.""Huwag ka nang mag-alala, iha. May lugar ka palagi sa amin. Narinig ko ang lahat ng pinagdaanan mo. Mas mabuti pang dito ka muna magpahinga at maghilom."Niyakap niya ako ng mahigpit, at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, naramdaman ko ang init ng pagkalinga.---Sa mga sumunod na araw, nag