Chapter 11 Lumipas ang maraming buwan, ngunit hindi ko pa rin tinigilan ang paghahanap kay Merlyn. Parang nawalan ng direksyon ang buhay ko, at bawat araw na lumilipas ay tila nagiging mas mabigat ang bigat sa dibdib ko. Inupahan ko ang pinakamahuhusay na private investigators, ngunit iisa lang ang sinasabi nila: May humaharang sa imbestigasyon. Hindi ko matanggap ang sagot na iyon. Kaya, sa huli, ako mismo ang nagdesisyon na puntahan ang lugar kung saan siya dating nanirahan. Doon, kinausap ko ang ilang kapitbahay niya, nagbabakasakaling makuha ang mga sagot na matagal ko nang hinahanap. Ang mga salaysay ng mga kapitbahay ay unti-unting nagbigay-liwanag sa madilim na bahagi ng buhay ni Merlyn. "Alam mo, Crisanto," sabi ng isa sa mga kausap ko, isang matandang babae na tila alam lahat ng kwento sa lugar nila. "Si Merlyn, napakabait na bata. Ang tanging inisip lang niya ay ang kapakanan ng pamilya niya. Sinakripisyo niya ang kaligayahan niya para mapag-aral ang bunsong kapatid niya
Chapter 12Merlyn POVPagkababa ko ng eroplano sa Canada, isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa klima o sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Pero isang bagay ang sigurado—ito ang bagong simula ng buhay ko, malayo sa mga taong nagdulot sa akin ng sakit at pagkabigo."Welcome back, Merlyn!" bati ni Mrs. Swan habang nakatayo sa arrival area. Ang kanyang malapad na ngiti ay tila nagpapagaan sa bigat ng nararamdaman ko. Siya ang naging pangalawang ina ko sa mga panahong nagtrabaho ako sa kanilang pamilya bilang isang domestic helper."Mrs. Swan," sagot ko habang pinipilit na ngumiti, "Salamat po at tinanggap ninyo ulit ako.""Huwag ka nang mag-alala, iha. May lugar ka palagi sa amin. Narinig ko ang lahat ng pinagdaanan mo. Mas mabuti pang dito ka muna magpahinga at maghilom."Niyakap niya ako ng mahigpit, at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, naramdaman ko ang init ng pagkalinga.---Sa mga sumunod na araw, nag
Chapter 13Ngayong araw, opisyal na akong magsisimula sa bago kong trabaho bilang accountant. Sa wakas, unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko. Ang lahat ng ito ay utang ko kay Mrs. Swan, na kahit kailan ay hindi ako iniwan at palaging nakaalalay sa akin.Siya ang naging daan upang magkaroon ako ng bagong simula dito sa Canada. Hindi lang siya tumigil sa pag-recommend sa akin sa mga posisyon na akma sa aking kakayahan, kundi ginawa pa niyang posible na maging permanent resident ako. Dahil sa kanya, nakaramdam ako ng pagtanggap at halaga na matagal ko nang hinahanap.Sa opisina, tinanggap ako ng mainit ng aking bagong boss na si Mr. William Carter, isang mabait at respetadong negosyante na kaibigan ni Mrs. Swan."Welcome to the team, Ms. Santiago. Narinig ko mula kay Mrs. Swan kung gaano ka kasipag at maaasahan. I'm excited to see you grow with us," aniya habang iniabot ang kamay para kamayan ako."Salamat po, Sir. Hindi ko po sasayangin ang oportunidad na ito," sagot ko, puno
Chapter 14Kinabukasan, muling tinawag ako ng CEO sa kanyang opisina para magbigay ng update sa isang mahalagang proyekto."Merlyn, you’ve been doing a great job so far. The board is impressed with your work ethic and attention to detail," sabi niya habang binabasa ang report na iniabot ko."Thank you, sir. I’m just doing my part," sagot ko, sinusubukang itago ang kaba sa likod ng aking propesyonal na tono.Ngunit hindi ko napigilan ang isipin ang sinabi ni Carla. Kaya’t matapos ang aming meeting, bago ako lumabas ng opisina, napabuntong-hininga ako at nagdesisyong magsalita."Sir, may I ask something unrelated to work?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.Tumingin siya sa akin, halatang nagulat. "Of course. What is it?""I just want to clarify something… People have been talking about why I’ve been frequently called to your office. I just want to make sure that there’s no misunderstanding regarding our professional relationship," sabi ko, diretso sa punto.Saglit siyang natahimik bag
Chapter 15 Tatlong taon na pala ang lumipas simula nang magsimula ako sa kumpanyang ito. Hindi ko inaasahan na magtatagal ako dito, ngunit sa tulong ni Mrs. Swan at ng aking determinasyon, unti-unti kong napatunayan ang aking sarili. Subalit, isang balita ang gumulantang sa lahat ng empleyado—magkakaroon ng bagong CEO. "Have you heard? The new CEO is coming next week," sabi ng isa sa mga ka-trabaho ko habang nagkukumpulan kami sa cafeteria. "Yes, I heard he’s Mr. Carter's cousin. They say he’s very strict and doesn’t tolerate mistakes," dagdag pa ng isa. Napatingin ako sa kanila, at ramdam ko ang bigat ng balita. "Is he really that bad? Maybe they’re just exaggerating," tanong ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit umiling ang isa sa mga senior staff. "No, it’s true. I’ve worked with him briefly before. He’s a perfectionist. If you make even one small mistake, he’ll call you out in front of everyone. It’s terrifying." Halos mawalan ako ng ganang kumain sa sinabi niya.
Chapter 16 "Miss, are you alright?" tanong ng katabi ko, marahil ay napansin ang naninigas kong anyo. "Yes, I’m fine," sagot ko, ngunit ang boses ko ay halos pabulong na lamang. Paglingon ko, napansin ko na lang na nakatayo na siya sa harapan namin. Halos madurog ang puso ko nang makita ang malalim niyang mga mata, at sa kabila ng ilang taon, ang tingin niya ay nananatiling matalim at nakakakilabot. "Good morning," bati niya sa grupo namin. Sinuklian ko ito ng pilit na ngiti, ngunit agad akong tumalikod upang kunwaring mag-adjust ng aking gamit. Hanggang maaari, ayokong makita niya ang mukha ko. Ngunit alam kong oras na lang ang magtatakda bago niya matuklasan ang katotohanan. Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko. "It's good to see you, wife!" Diretso at walang alinlangan niyang sinabi, dahilan upang ang lahat ng naroroon ay mapatingin sa amin. Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko habang ang mga salita niya ay paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan. Ang b
Chapter 17 "Oo, andoon na tayo! Pero isa lamang akong substituted bride di'ba?" sabi ko dito. Napahinto siya sa aking sinabi. Tumagal ang ilang segundo bago siya muling magsalita. Ang kanyang mga mata ay matalim, puno ng hindi ko kayang basahing emosyon. "You're not just a substitute bride to me, Merlyn," sagot niya, ang boses ay mabagsik at may halong kalungkutan. "You’re my wife, and that's a fact. I don’t care how we started. What matters is what we are now." Bumangon siya mula sa likod ng desk at naglakad palapit sa akin. Ang bawat hakbang niya ay parang angbigat ng presyon, at naramdaman ko ang bawat salitang binanggit niya sa aking puso. "You think this is just about the ceremony?" tanong niya, at nakita ko sa kanyang mga mata ang malalim na pagnanais. "This is about more than that, Merlyn. This is about us—about our future, whether you like it or not." Hindi ko kayang pigilan ang mga alalahanin na umakyat sa aking dibdib. Lahat ng takot, lahat ng galit, pati na ang aking
Chapter 18 Cris POV "Ngayon nakita na kita, hindi ko hahayaan na matakasan mo ako muli," bulong ko sa aking sarili habang pinagmasdan ko siya mula sa aking laptop, naka-connect sa CCTV kung saan siya naroroon sa department ng accounting. Isa pala itong accountant. Matagal ko na siyang hinanap, at sa wakas, nahanap ko na rin siya—ang substituted bride ko na matagal ko nang pinangarap na makita muli. Bawat hakbang niya na makikita ko sa monitor ay nagdudulot ng init sa aking dibdib, at sa kabila ng mga pag-aalinlangan ko sa aming simula, ang mga mata ko ay nakakakita na ng isang mas maliwanag na hinaharap. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Merlyn, pero alam ko na hindi siya magiging madali para sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ko siya maaabot o paano ko siya mapapaamo, pero isang bagay ang sigurado: hindi ko siya bibitawan. Ang lahat ng ito ay nangyari sa hindi inaasahang pagkakataon, at sa tuwing tumitingin ako sa kanya sa CCTV, ramdam ko ang mga sugat na naiwan mula s
Chapter 045Napangisi siya. "Oh really?" bulong niya habang bahagyang inilapit ang mukha sa akin. "Then why do I have this?"Mula sa loob ng kanyang coat, may inilabas siyang isang dokumento. Hindi ko man ito makita nang buo, pero sapat na ang pamilyar na selyo sa papel para maunawaan ko.Marriage certificate.Halos hindi ako makahinga. Paano? Kailan?Ngumisi siya, kita sa mukha ang kumpiyansa. "You can never escape me, my wife, again!" mariin nitong sabi. At doon ko napagtanto—wala na akong ibang pagpipilian kundi lumaban.Nanginig ang aking mga kamay habang pinipilit kong maging matatag. Hindi ko na kayang maipit na naman sa mundo niya. Kaya nga tumakas ako, hindi ba?"But… may anak ka na!" Mariin kong sabi, pilit na kinakalma ang aking sarili. "Alam ko ang totoo, Cris. May dumating na babae sa mansyon sa Canada, dala ang bata… anak mo!"Nakita ko ang bahagyang pagliit ng kanyang mga mata, ngunit agad din iyong napalitan ng ngisi—isang ngiting punong-puno ng pangungutya."And so?"
Chapter 043Matapos kong sabihin iyon, nakita ko ang pag-angat ng kilay ng Filipino officer, tanda ng pagkakaintindi niya sa sitwasyon.“Tama ang desisyon mo, Merlyn. Hindi pwedeng manatili ka pa sa isang lugar na ganito.”Habang nagsasalita siya, napansin ko ang mga pulis na dumating upang mag-imbestiga sa kaso. Tinulungan nila akong magbigay ng pahayag at nagsimula silang magtala ng mga detalye. Lahat ng sinabi ko tungkol sa nangyari sa akin kay Madam Layla at sa asawa nitong may masamang layunin, ipinaabot sa mga awtoridad.Pinakita ko sa kanila ang video na kuha ko kanina, pati na ang mga text messages mula kay Madam Layla na nag-uutos na hindi ako makaalis. Inalam ng mga pulis kung may iba pang detalye tungkol sa pang-aabuso na nangyari, at sinabi ko sa kanila ang lahat.Naramdaman ko ang bigat ng puso ko, ngunit sa mga sandaling iyon, may konting ginhawa. At least, hindi ako nag-iisa.Matapos ang ilang oras, nilapitan ako ng isang opisyal mula sa embahada.“Merlyn, makakapag-uwi
Chapter 042Habang nasa opisina ako ng agency, unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaupo lang ako, pero may narinig akong pabulong na usapan sa kabilang kwarto—ang manager at si Madam Layla."hsnan, sa'uetik almali. faqat ta'akad min 'anah la yastatie aliabtiead," dinig na dinig ko. (Sige, bibigyan kita ng pera. Siguraduhin mo lang na hindi siya makakaalis nang basta-basta.)Nanlamig ako. Binayaran nila ang manager para hindi ako makauwi! Akala ko, kakampi ko ang agency, pero hindi pala.Napagtaksilan ako.Dahan-dahan akong umatras, pilit pinipigilan ang kaba. Kailangan kong makaisip ng paraan bago pa nila ako balikan dito. Kailangan kong tumakas.Napahawak ako sa bag ko. Buti na lang, nasa akin ang passport ko.Nagkunwari akong kalmado at bumalik sa receptionist. “Ate, may bibilhin lang ako saglit. Babalik din ako.”Pinagmasdan niya ako pero hindi nagduda. “Sige, ingat ka.”Paglabas ko ng opisina, hindi na ako lumingon pa. Naglakad ako nang mabilis, palayo sa agency, palay
Chapter 041Pagpasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang maliit kong maleta at siniguradong nasa loob ang lahat ng mahahalagang gamit ko—passport, ID, at kaunting ipon na naitatabi ko sa loob ng tatlong taon. Buti na lang at hindi ko kailanman iniwan ang passport ko sa kanila, kundi baka lalo akong hindi makaalis.Mabilis akong nag-impake, nanginginig pa ang kamay ko dahil sa kaba. Alam kong maaaring pigilan ako ni Madam Layla anumang oras.Habang isinusuot ko ang aking abaya upang hindi maging kapansin-pansin sa labas, biglang bumukas nang malakas ang pinto. "''Ila 'ayn Taetaqid 'anak Dhahiba?!" galit nitong sabi sa akin. (saan mo akala pupunta ka?!)Si Madam Layla. Nakatayo siya sa may pintuan, nakapamewang, at nagliliyab ang kanyang mga mata sa galit.Huminga ako nang malalim bago siya hinarap. "I told you, Madam. I am going home. My family needs me."Lalo siyang nagalit at mabilis na lumapit sa akin. "lan 'asmah lak bialmughadara! taihtaj 'iilaa 'idhni!" madiin nitong bigkas. (
Chapter 040Sa loob ng tatlong taon mula nang umalis ako sa puder ni Alexa, ang buhay ko ay naging isang matinding pagsubok. Andito ako ngayon sa Dubai, nagtatrabaho bilang isang OFW. Sa una, inisip kong magiging madali ang lahat—na kaya kong magsimula muli, malayo sa sakit at alaala ng nakaraan. Pero hindi pala ganoon kadali.Mula sa pagiging isang taong walang tiyak na direksyon, napunta ako sa pagiging kasambahay ng isang mayamang mag-asawa na taga-Dubai. Sa umpisa, akala ko swerte ako—maganda ang bahay, maluwag ang kwarto ko, at hindi ganoon kabigat ang trabaho. Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti kong naramdaman ang bigat ng buhay bilang isang domestic worker sa ibang bansa.Ang amo kong lalaki ay halos hindi nagsasalita, palaging abala sa trabaho. Ang babae naman, si Madam Layla, ay tila may laging hindi nagugustuhan sa akin. Kahit anong gawin ko, may mali pa rin sa kanyang paningin. Masyadong mahigpit sa mga gawain, at minsan, pakiramdam ko’y hindi lang kasambahay ang turin
Chapter 039Habang naglalakbay kami, pakiramdam ko’y unti-unti nang nawawala ang bigat ng aking puso. Hindi ko pa kayang magkuwento ng lahat ng nangyari, pero sa tuwing tumitingin ako kay Alexa, parang may kabuntot na pag-asa. Hindi siya nagmamadali, hindi rin siya nagtatanong—nagbibigay lang siya ng espasyo para sa akin, at para sa unang pagkakataon mula nang umalis ako sa mansyon, naramdaman ko na hindi ako nag-iisa."Salamat," sabi ko nang mahina, hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kabigat ang mga salitang iyon, pero kailangan ko siyang pasalamatan.Tiningnan ako ni Alexa, at ang mata niyang may kalaliman ay hindi ko rin maipaliwanag. "Wala 'yan," sagot niya, habang nagmamaneho nang maayos. "Laging may mga panahon ng pagsubok. Ang mahalaga, alam mong makakaya mong magpatuloy."Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang madilim na kalangitan. Hindi ko alam kung saan kami papunta, ngunit sa oras na iyon, hindi ko na rin inaalintana. Ang bawat paghinga ko, isang hakbang palayo
Chapter 038 Tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon. Hindi ko magawang magsalita. Ang dami kong gustong itanong, pero parang may bara sa lalamunan ko. Ang mga mata ko ay nakatuon kay Cris, naghihintay ng paliwanag, pero nanatili siyang nakatulala kay Cassandra at sa batang hawak nito. Ang lahat ng tapang na naipon ko para sabihin sa kanya na mahal ko na siya ay biglang naglaho. Parang lahat ng plano ko para sa amin ay biglang gumuho dahil sa hindi inaasahang pagdating ng ex niya—kasama pa ang isang batang sinasabing anak nila. "Cris, ano to?" tanong ko, sa wakas ay nakahanap ng lakas para magsalita, pero halos pabulong lang. Tumingin siya sa akin, bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha. "Merlyn, I swear, hindi ko alam ang tungkol dito," sagot niya, halatang desperado na maipaliwanag ang sarili. "Aba, syempre hindi mo alam," sabat ni Cassandra, halatang galit pa rin. "Oo, inamin ko na iniwan kita sa araw mg kasal natin, pero noong panahon na pinakamahirap para sa akin at nagsis
Chapter 037 Pagkalipas ng ilang oras, abala pa rin ako sa mga financial reports nang biglang pumasok si Cris sa accounting department. Agad na tumahimik ang buong silid—halos lahat ng empleyado ay nagulat sa kanyang presensya. Hindi siya madalas pumunta rito, kaya ang pagdating niya ay tila isang malaking balita. "Good afternoon, everyone," bati niya, pormal ang tono ngunit may bahagyang ngiti. "Good afternoon, Sir," sabay-sabay na sagot ng mga empleyado. Lumapit siya sa desk ko, at kahit pa sinusubukan kong magmukhang kalmado, ramdam ko ang biglang pagtigil ng lahat ng trabaho sa paligid. Nakatingin silang lahat, nag-aabang ng anumang mangyayari. "Mrs. Montereal," tawag niya sa akin, pormal ang tono ngunit may kilig akong naramdaman sa pagbigkas niya ng apelyido ko. "I just came to check if you’re doing okay. Have you had lunch yet?" Napatingin ako sa mga kasamahan ko, na ngayon ay nag-aabang ng sagot ko. Napangiti ako, pilit na itinatago ang nerbiyos. "Yes, Mr. Montereal.
Chapter 036 Pagkatapos naming kumain, nagmadali na akong magbihis para pumasok sa trabaho. Bilang isang accountant sa kompanya ni Cris, hindi ko maiiwasang isipin na may mga mata palaging nakatingin sa akin, naghahanap ng dahilan upang husgahan ang pagiging asawa ko ng CEO. Habang naghahanda ako sa kwarto, pumasok si Cris na nakasuot na ng itim na suit at mukhang handa na rin para sa opisina. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at ngumiti. “Perfect,” sabi niya habang inaabot ang coat ko. “Siguraduhin mong hindi ka mapapagod, Merlyn. Ako na ang bahala sa mga malalaking problema sa opisina.” Napatawa ako nang bahagya. “Cris, hindi mo kailangang alalahanin ang trabaho ko. Kaya ko naman ang ginagawa ko.” “Alam ko,” sagot niya habang inaayos ang kuwelyo ng suot ko. “Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan kitang mag-overwork. Tandaan mo, asawa kita. Responsibilidad kong alagaan ka.” Bago pa ako makasagot, may katok mula sa pinto. Sumilip ang isa sa mga kasambahay at magalang