Chapter 16 "Miss, are you alright?" tanong ng katabi ko, marahil ay napansin ang naninigas kong anyo. "Yes, I’m fine," sagot ko, ngunit ang boses ko ay halos pabulong na lamang. Paglingon ko, napansin ko na lang na nakatayo na siya sa harapan namin. Halos madurog ang puso ko nang makita ang malalim niyang mga mata, at sa kabila ng ilang taon, ang tingin niya ay nananatiling matalim at nakakakilabot. "Good morning," bati niya sa grupo namin. Sinuklian ko ito ng pilit na ngiti, ngunit agad akong tumalikod upang kunwaring mag-adjust ng aking gamit. Hanggang maaari, ayokong makita niya ang mukha ko. Ngunit alam kong oras na lang ang magtatakda bago niya matuklasan ang katotohanan. Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko. "It's good to see you, wife!" Diretso at walang alinlangan niyang sinabi, dahilan upang ang lahat ng naroroon ay mapatingin sa amin. Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko habang ang mga salita niya ay paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan. Ang b
Chapter 17 "Oo, andoon na tayo! Pero isa lamang akong substituted bride di'ba?" sabi ko dito. Napahinto siya sa aking sinabi. Tumagal ang ilang segundo bago siya muling magsalita. Ang kanyang mga mata ay matalim, puno ng hindi ko kayang basahing emosyon. "You're not just a substitute bride to me, Merlyn," sagot niya, ang boses ay mabagsik at may halong kalungkutan. "You’re my wife, and that's a fact. I don’t care how we started. What matters is what we are now." Bumangon siya mula sa likod ng desk at naglakad palapit sa akin. Ang bawat hakbang niya ay parang angbigat ng presyon, at naramdaman ko ang bawat salitang binanggit niya sa aking puso. "You think this is just about the ceremony?" tanong niya, at nakita ko sa kanyang mga mata ang malalim na pagnanais. "This is about more than that, Merlyn. This is about us—about our future, whether you like it or not." Hindi ko kayang pigilan ang mga alalahanin na umakyat sa aking dibdib. Lahat ng takot, lahat ng galit, pati na ang aking
Chapter 18 Cris POV "Ngayon nakita na kita, hindi ko hahayaan na matakasan mo ako muli," bulong ko sa aking sarili habang pinagmasdan ko siya mula sa aking laptop, naka-connect sa CCTV kung saan siya naroroon sa department ng accounting. Isa pala itong accountant. Matagal ko na siyang hinanap, at sa wakas, nahanap ko na rin siya—ang substituted bride ko na matagal ko nang pinangarap na makita muli. Bawat hakbang niya na makikita ko sa monitor ay nagdudulot ng init sa aking dibdib, at sa kabila ng mga pag-aalinlangan ko sa aming simula, ang mga mata ko ay nakakakita na ng isang mas maliwanag na hinaharap. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Merlyn, pero alam ko na hindi siya magiging madali para sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ko siya maaabot o paano ko siya mapapaamo, pero isang bagay ang sigurado: hindi ko siya bibitawan. Ang lahat ng ito ay nangyari sa hindi inaasahang pagkakataon, at sa tuwing tumitingin ako sa kanya sa CCTV, ramdam ko ang mga sugat na naiwan mula s
Chapter 19Kahit na substituted bride lamang siya, may karapatan akong gawin ang nais ko. Sa mata ng Diyos at ng batas, ligal ko siyang asawa. At sa oras na ito, hindi ko na siya papayagan pang magtago o magtakda ng mga hangganan. Ang pagiging asawa ko niya ay hindi isang simpleng papel lamang; ito ay isang sumpa, isang pangako na hindi ko kailanman bibitiwan.Ilang sandali pagkatapos ng mga utos ko, dumating ang sekretarya ko dala ang mga gamit ni Merlyn. Inutusan ko ito na ayusin ang mesa sa opisina ko upang magamit ng aking asawa. Hindi ko na kayang patagilid na tingnan siya na umiwas pa sa akin. Hindi ko siya hahayaan pang maghanap ng iba o magtakda ng mga limitasyon sa aming relasyon.Pinagmasdan ko ang sekretarya habang iniayos ang mga gamit sa ibabaw ng mesa. Mabilis na nagtrabaho, ngunit ang bawat galaw ay tila simbolo ng isang bagay na hindi ko kayang tanggapin. "You make sure she’s comfortable," sinabi ko sa sekretarya sa salitang Canadian, dahil alam kong hindi nito maiinti
Chapter 20Merlyn POVBawat lumabas na Salita ni Cris ay agad kung tinandaan. Isang taon, pagkatapos ay malaya na ako sa lahat ng ito. Ang bawat letra ng kanyang kasunduan ay parang tanikala na pilit na sumasakal sa akin. Isang taon? Para sa kanya, maaaring simpleng panahon lang iyon, ngunit para sa akin, isang taon ng pagtitiis at pagkakulong ito. Hindi ko alam kung paano ko magagawa, pero sa oras na ito, wala na akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang alok niya."Isang taon," bulong ko sa sarili ko, habang pilit kong pinipigil ang pagluha. Ayokong makita niya akong mahina. Kung gusto niyang manatili ako dito, bibigyan ko siya ng eksaktong gusto niya—pero hindi niya makukuha ang puso ko.Habang iniisip ko ang bawat salitang binitiwan niya, naramdaman kong tumayo si Cris mula sa kanyang kinatatayuan. Mabilis niyang nilapitan ang lamesa ko at tumigil sa harapan ko. Ang presensya niya ay mabigat, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay parang tumatagos sa kaluluwa ko."Merlyn," sa
Chapter 21 Pagbalik ni Cris mula sa telepono, agad siyang umupo sa tapat ng lamesa ko at tumitig nang diretso sa akin. Tahimik lang ako, pilit iniintindi ang bawat galaw niya. Maya-maya, tumayo siya at lumapit sa akin, animo'y may binabalak na hindi ko mahulaan. "Merlyn, huwag ka nang tumayo," sabi niya. "Naka-order na ako ng pagkain para sa ating dalawa. Magpahinga ka na lang at hintayin natin." Napakunot ang noo ko at tinitigan siya nang matagal. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan," sagot ko. Pero bago pa ako makapagsalita nang higit pa, itinaas niya ang isang kamay, tila nagpapatigil sa akin. "Merlyn," aniya, ang boses niya ay may bahagyang lambing ngunit puno pa rin ng kumpiyansa. "Ito lang ang bagay na pwede mong hayaan ako. Hindi mo kailangang laging labanan ang bawat ginagawa ko. Minsan, tanggapin mo na lang." Napairap ako at tumingin sa kabilang direksyon. Ayokong makita niya ang bahagyang pagkapagod sa mga mata ko. Ngunit totoo ang sinabi niya—kahit galit ako, nahihirapa
Chapter 22 Kinaumagahan, matapos kong magbihis para pumasok sa trabaho, bigla akong napatigil nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Napatigil ako sandali, sinisikap hulaan kung sino ang maagang bisita. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang lalaking hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan o layuan—si Cris, ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Nakatayo siya roon na parang isang Greek god na bumaba mula sa langit, suot ang pormal na suit na perpektong bumagay sa tindig niyang dominante. Sa totoo lang, kahit gaano ako kainis sa kanya, hindi ko maitangging nakakabighani ang itsura niya. Ang problema, kasabay ng kagwapuhan niyang iyon ay ang ugali niyang nag-uumapaw sa kumpiyansa. “Let’s go,” sambit niya nang may halong utos at kaswalidad, na para bang natural lang para sa kanya na sunduin ako. Napanganga ako saglit sa gulat. “Cris, anong ginagawa mo rito? Hindi mo kailangang sunduin ako. Kaya kong pumasok mag-isa.” Tumaas ang isang kilay niya, tila hindi n
Chapter 23 Mabilis akong umiwas ng tingin at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng gamit ko. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi pa dito magtatapos ang lahat. Sa bawat galaw ni Cris, parang lalo akong nasasakal. At sa bawat saglit na magkasama kami, unti-unti niyang nababago ang takbo ng mundo ko—kahit pilit kong nilalabanan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Habang ako’y abala sa pag-aayos ng mga gamit ko, biglang tumawag ang isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. Ang boses niya, gamit ang Canadian English, ay maririnig ko mula sa kabilang linya. "Hey, Merlyn, your meeting’s already here. They're waiting for you in the lobby." Mabilis akong tumayo at nag-ayos ng sarili, bago nagsabi ng paalam kay Cris. "Sorry, Cris, may ka-meeting ako. May problema kasi sa account, kailangan kong makipag-usap." Tiningnan niya ako ng seryoso, ngunit hindi siya nagsalita. Tumango lang siya at nagpatuloy sa ginagawa niya. Habang papalabas ako ng opisina, tinanong ko ng mabilis ang kasamahan ko
Chapter 045Napangisi siya. "Oh really?" bulong niya habang bahagyang inilapit ang mukha sa akin. "Then why do I have this?"Mula sa loob ng kanyang coat, may inilabas siyang isang dokumento. Hindi ko man ito makita nang buo, pero sapat na ang pamilyar na selyo sa papel para maunawaan ko.Marriage certificate.Halos hindi ako makahinga. Paano? Kailan?Ngumisi siya, kita sa mukha ang kumpiyansa. "You can never escape me, my wife, again!" mariin nitong sabi. At doon ko napagtanto—wala na akong ibang pagpipilian kundi lumaban.Nanginig ang aking mga kamay habang pinipilit kong maging matatag. Hindi ko na kayang maipit na naman sa mundo niya. Kaya nga tumakas ako, hindi ba?"But… may anak ka na!" Mariin kong sabi, pilit na kinakalma ang aking sarili. "Alam ko ang totoo, Cris. May dumating na babae sa mansyon sa Canada, dala ang bata… anak mo!"Nakita ko ang bahagyang pagliit ng kanyang mga mata, ngunit agad din iyong napalitan ng ngisi—isang ngiting punong-puno ng pangungutya."And so?"
Chapter 043Matapos kong sabihin iyon, nakita ko ang pag-angat ng kilay ng Filipino officer, tanda ng pagkakaintindi niya sa sitwasyon.“Tama ang desisyon mo, Merlyn. Hindi pwedeng manatili ka pa sa isang lugar na ganito.”Habang nagsasalita siya, napansin ko ang mga pulis na dumating upang mag-imbestiga sa kaso. Tinulungan nila akong magbigay ng pahayag at nagsimula silang magtala ng mga detalye. Lahat ng sinabi ko tungkol sa nangyari sa akin kay Madam Layla at sa asawa nitong may masamang layunin, ipinaabot sa mga awtoridad.Pinakita ko sa kanila ang video na kuha ko kanina, pati na ang mga text messages mula kay Madam Layla na nag-uutos na hindi ako makaalis. Inalam ng mga pulis kung may iba pang detalye tungkol sa pang-aabuso na nangyari, at sinabi ko sa kanila ang lahat.Naramdaman ko ang bigat ng puso ko, ngunit sa mga sandaling iyon, may konting ginhawa. At least, hindi ako nag-iisa.Matapos ang ilang oras, nilapitan ako ng isang opisyal mula sa embahada.“Merlyn, makakapag-uwi
Chapter 042Habang nasa opisina ako ng agency, unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaupo lang ako, pero may narinig akong pabulong na usapan sa kabilang kwarto—ang manager at si Madam Layla."hsnan, sa'uetik almali. faqat ta'akad min 'anah la yastatie aliabtiead," dinig na dinig ko. (Sige, bibigyan kita ng pera. Siguraduhin mo lang na hindi siya makakaalis nang basta-basta.)Nanlamig ako. Binayaran nila ang manager para hindi ako makauwi! Akala ko, kakampi ko ang agency, pero hindi pala.Napagtaksilan ako.Dahan-dahan akong umatras, pilit pinipigilan ang kaba. Kailangan kong makaisip ng paraan bago pa nila ako balikan dito. Kailangan kong tumakas.Napahawak ako sa bag ko. Buti na lang, nasa akin ang passport ko.Nagkunwari akong kalmado at bumalik sa receptionist. “Ate, may bibilhin lang ako saglit. Babalik din ako.”Pinagmasdan niya ako pero hindi nagduda. “Sige, ingat ka.”Paglabas ko ng opisina, hindi na ako lumingon pa. Naglakad ako nang mabilis, palayo sa agency, palay
Chapter 041Pagpasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang maliit kong maleta at siniguradong nasa loob ang lahat ng mahahalagang gamit ko—passport, ID, at kaunting ipon na naitatabi ko sa loob ng tatlong taon. Buti na lang at hindi ko kailanman iniwan ang passport ko sa kanila, kundi baka lalo akong hindi makaalis.Mabilis akong nag-impake, nanginginig pa ang kamay ko dahil sa kaba. Alam kong maaaring pigilan ako ni Madam Layla anumang oras.Habang isinusuot ko ang aking abaya upang hindi maging kapansin-pansin sa labas, biglang bumukas nang malakas ang pinto. "''Ila 'ayn Taetaqid 'anak Dhahiba?!" galit nitong sabi sa akin. (saan mo akala pupunta ka?!)Si Madam Layla. Nakatayo siya sa may pintuan, nakapamewang, at nagliliyab ang kanyang mga mata sa galit.Huminga ako nang malalim bago siya hinarap. "I told you, Madam. I am going home. My family needs me."Lalo siyang nagalit at mabilis na lumapit sa akin. "lan 'asmah lak bialmughadara! taihtaj 'iilaa 'idhni!" madiin nitong bigkas. (
Chapter 040Sa loob ng tatlong taon mula nang umalis ako sa puder ni Alexa, ang buhay ko ay naging isang matinding pagsubok. Andito ako ngayon sa Dubai, nagtatrabaho bilang isang OFW. Sa una, inisip kong magiging madali ang lahat—na kaya kong magsimula muli, malayo sa sakit at alaala ng nakaraan. Pero hindi pala ganoon kadali.Mula sa pagiging isang taong walang tiyak na direksyon, napunta ako sa pagiging kasambahay ng isang mayamang mag-asawa na taga-Dubai. Sa umpisa, akala ko swerte ako—maganda ang bahay, maluwag ang kwarto ko, at hindi ganoon kabigat ang trabaho. Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti kong naramdaman ang bigat ng buhay bilang isang domestic worker sa ibang bansa.Ang amo kong lalaki ay halos hindi nagsasalita, palaging abala sa trabaho. Ang babae naman, si Madam Layla, ay tila may laging hindi nagugustuhan sa akin. Kahit anong gawin ko, may mali pa rin sa kanyang paningin. Masyadong mahigpit sa mga gawain, at minsan, pakiramdam ko’y hindi lang kasambahay ang turin
Chapter 039Habang naglalakbay kami, pakiramdam ko’y unti-unti nang nawawala ang bigat ng aking puso. Hindi ko pa kayang magkuwento ng lahat ng nangyari, pero sa tuwing tumitingin ako kay Alexa, parang may kabuntot na pag-asa. Hindi siya nagmamadali, hindi rin siya nagtatanong—nagbibigay lang siya ng espasyo para sa akin, at para sa unang pagkakataon mula nang umalis ako sa mansyon, naramdaman ko na hindi ako nag-iisa."Salamat," sabi ko nang mahina, hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kabigat ang mga salitang iyon, pero kailangan ko siyang pasalamatan.Tiningnan ako ni Alexa, at ang mata niyang may kalaliman ay hindi ko rin maipaliwanag. "Wala 'yan," sagot niya, habang nagmamaneho nang maayos. "Laging may mga panahon ng pagsubok. Ang mahalaga, alam mong makakaya mong magpatuloy."Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang madilim na kalangitan. Hindi ko alam kung saan kami papunta, ngunit sa oras na iyon, hindi ko na rin inaalintana. Ang bawat paghinga ko, isang hakbang palayo
Chapter 038 Tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon. Hindi ko magawang magsalita. Ang dami kong gustong itanong, pero parang may bara sa lalamunan ko. Ang mga mata ko ay nakatuon kay Cris, naghihintay ng paliwanag, pero nanatili siyang nakatulala kay Cassandra at sa batang hawak nito. Ang lahat ng tapang na naipon ko para sabihin sa kanya na mahal ko na siya ay biglang naglaho. Parang lahat ng plano ko para sa amin ay biglang gumuho dahil sa hindi inaasahang pagdating ng ex niya—kasama pa ang isang batang sinasabing anak nila. "Cris, ano to?" tanong ko, sa wakas ay nakahanap ng lakas para magsalita, pero halos pabulong lang. Tumingin siya sa akin, bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha. "Merlyn, I swear, hindi ko alam ang tungkol dito," sagot niya, halatang desperado na maipaliwanag ang sarili. "Aba, syempre hindi mo alam," sabat ni Cassandra, halatang galit pa rin. "Oo, inamin ko na iniwan kita sa araw mg kasal natin, pero noong panahon na pinakamahirap para sa akin at nagsis
Chapter 037 Pagkalipas ng ilang oras, abala pa rin ako sa mga financial reports nang biglang pumasok si Cris sa accounting department. Agad na tumahimik ang buong silid—halos lahat ng empleyado ay nagulat sa kanyang presensya. Hindi siya madalas pumunta rito, kaya ang pagdating niya ay tila isang malaking balita. "Good afternoon, everyone," bati niya, pormal ang tono ngunit may bahagyang ngiti. "Good afternoon, Sir," sabay-sabay na sagot ng mga empleyado. Lumapit siya sa desk ko, at kahit pa sinusubukan kong magmukhang kalmado, ramdam ko ang biglang pagtigil ng lahat ng trabaho sa paligid. Nakatingin silang lahat, nag-aabang ng anumang mangyayari. "Mrs. Montereal," tawag niya sa akin, pormal ang tono ngunit may kilig akong naramdaman sa pagbigkas niya ng apelyido ko. "I just came to check if you’re doing okay. Have you had lunch yet?" Napatingin ako sa mga kasamahan ko, na ngayon ay nag-aabang ng sagot ko. Napangiti ako, pilit na itinatago ang nerbiyos. "Yes, Mr. Montereal.
Chapter 036 Pagkatapos naming kumain, nagmadali na akong magbihis para pumasok sa trabaho. Bilang isang accountant sa kompanya ni Cris, hindi ko maiiwasang isipin na may mga mata palaging nakatingin sa akin, naghahanap ng dahilan upang husgahan ang pagiging asawa ko ng CEO. Habang naghahanda ako sa kwarto, pumasok si Cris na nakasuot na ng itim na suit at mukhang handa na rin para sa opisina. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at ngumiti. “Perfect,” sabi niya habang inaabot ang coat ko. “Siguraduhin mong hindi ka mapapagod, Merlyn. Ako na ang bahala sa mga malalaking problema sa opisina.” Napatawa ako nang bahagya. “Cris, hindi mo kailangang alalahanin ang trabaho ko. Kaya ko naman ang ginagawa ko.” “Alam ko,” sagot niya habang inaayos ang kuwelyo ng suot ko. “Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan kitang mag-overwork. Tandaan mo, asawa kita. Responsibilidad kong alagaan ka.” Bago pa ako makasagot, may katok mula sa pinto. Sumilip ang isa sa mga kasambahay at magalang