Wife of Mr. Azrael Alcazar

Wife of Mr. Azrael Alcazar

last updateLast Updated : 2025-04-10
By:  jeeenxxUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
135Chapters
2.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Alora Hazel Valezka ay dating babaeng walang pangalan at pamilya na ang ikinabubuhay lang ay ang pamamalimos. Nakuha niya lamang ang pangalan na iyan sa isang nawawalang bata sa simbahan at iyon ang ginamit niya noong tanungin siya ng dumukot sa kanya kung sino siya. Iyon din ang dahilan kung bakit nakilala niya si Azrael Alcazar na nagbigay sa kanya ng offer na maging stand-in wife siya ng lalaki. Sa pag-asang makakawala siya sa kamay ng dumukot sa kanya ay pumayag siya sa gusto ni Azrael ngunit makakawala din ba siya sa kamay ng tadhana? Ano naman ang mangyayari kung bumalik ang totong Alora Hazel Valezka?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

Alora's POV "Meet Azrael Alcazar, your husband." Napako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa dulo, sa kanan niya at nakalinya ang mga kalalakihan at sa kaliwa naman ay mga babae na naka-uniform nang pangkasambahay. Kada hakbang ko papunta sa lalaking Azrael ang pangalan ay kasabay ng pagyuko ng mga kalalakihan at mga kasambahay na nadadaanan ko. "Welcome home my wife." Inilahad niya ang kanyang kamay na tinignan ko lang naman ng ilang segundo bago ibalik ulit sa kanya ang tingin ko. "Your room is ready pati na rin ang mga gamit na kailangan mo," sabi niya sabay bawi ng kanyang kamay. "Sasamahan ka nila papunta sa kwarto mo." Lumapit sa akin ang tatlong kasambahay at ikinumpas ang kamay nila papunta sa isang deriksyon kaya naglakad ako papunta doon na parang robot. Ang kwarto ko ay napalaki, pwede na siyang maging isang bahay ng isang ordinaryong pamilya. Malaking kama, maluwag na lalagyan ng mga damit na tulad sa mga tindahan sa mall, pati rin ang banyo ay napakalaki na ma...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Love Reinn
nice story <333
2025-03-14 10:58:28
1
user avatar
Deigratiamimi
Highly recommended
2025-02-09 19:52:09
1
user avatar
Athena Beatrice
Recommended!
2025-01-30 17:57:04
1
135 Chapters
CHAPTER 1
Alora's POV "Meet Azrael Alcazar, your husband." Napako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa dulo, sa kanan niya at nakalinya ang mga kalalakihan at sa kaliwa naman ay mga babae na naka-uniform nang pangkasambahay. Kada hakbang ko papunta sa lalaking Azrael ang pangalan ay kasabay ng pagyuko ng mga kalalakihan at mga kasambahay na nadadaanan ko. "Welcome home my wife." Inilahad niya ang kanyang kamay na tinignan ko lang naman ng ilang segundo bago ibalik ulit sa kanya ang tingin ko. "Your room is ready pati na rin ang mga gamit na kailangan mo," sabi niya sabay bawi ng kanyang kamay. "Sasamahan ka nila papunta sa kwarto mo." Lumapit sa akin ang tatlong kasambahay at ikinumpas ang kamay nila papunta sa isang deriksyon kaya naglakad ako papunta doon na parang robot. Ang kwarto ko ay napalaki, pwede na siyang maging isang bahay ng isang ordinaryong pamilya. Malaking kama, maluwag na lalagyan ng mga damit na tulad sa mga tindahan sa mall, pati rin ang banyo ay napakalaki na ma
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more
CHAPTER 2
Alora's POV Maaga akong natulog nang araw na iyon, nagising nga lang ako sa gitna ng gabi dahil sa isang panaginip. Para bang hinahabol ako ng mga naranasan ko sa kamay ni Koen, sa kamay ng lalaking dumukot sa akin. Lumabas ako at dumiretso sa kusina, madilim na dahil patay ang mga ilaw kaya naman dahan-dahan ang hakbang ko para wala akong magising. Ayon nga lang ay hindi ko napigilang sumigaw noong may mabangga ako. Madilim pero alam kong tao iyon kaya naman imbes na dugo ang dumaloy sa katawan ko ay napalitan iyon ng takot. Handa na akong tumakbo pero napatigil rin nang hawakan ako ng nabangga ko. "It's me." Kasabay ng pagbigkas ni Azrael ng mga salitang iyon ay ang pagbukas ng ilaw. Hindi nawala ang takot ko dahil mas nadagdagan pa iyon. Nakapalibot sa amin ang mga tauhan niya habang ang mga baril nila ay nakatutok sa akin. Agad na nanginig ang buong katawan ko at nagtago sa likod ng taong hawak ang palapulsuhan ko. Nagsimula na ring magsitulo ang mga luha ko hanggang s
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more
CHAPTER 3
Alora's POV "Nasa loob ba si Azrael?" tanong ko sa lalaking kalalabas pa lang sa opisina ni Azrael. Noong tumango siya ay kumatok ako saka pumasok. Gulat naman siyang napatingin sa akin. "Wife, why are you here? May nangyari ba?" Umiling ako at umupo sa sofa na nasa kaliwang bahagi ng mesa niya. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit ako nagpunta rito. Takot akong lumabas sa kwarto dahil baka kung ano ang gawin sa akin ng mga tao sa bahay na 'to pero lumabas ako roon para magpunta sa opisina ni Azrael ng hindi ko alam ang rason. "Did they hurt you? What happened?" Tumingin lang ako habang paupo siya sa sofa na kaharap ko. "Hindi kita maintindihan." Wala akong alam sa English kaya hindi ko rin alam kung ano ang mga sinasabi niya. "Bakit ka nandito? Sinaktan ka ba nila?." Agad akong umiling na ikinatango niya. "Okay you can stay here, call the maids when you need something. I'll just do my work on my table." "Ha?" nakatanga kong sabi, wala nga kase akong maintindihan
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more
CHAPTER 4
Alora's POV Sa mga kunting ginagawa ni Azrael para sa akin katulad na lamang nang pagbibigay niya ng bulaklak at pasalubong sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho, ang paglabas namin ng bahay paminsan-minsan at ang mga pag-uusap namin sa iba't-ibang mga bagay ay naging daan iyon para dahan-dahan akong maging komportable sa kanya. Masaya ako kapag kasama ko siya at hindi lang yun, ramdam ko rin na ligtas ako kapag malapit kami sa isa't-isa. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit sa anim na buwan kong pananatili sa bahay niya ay hindi ko naisipang umalis dahil kahit minsan ay inaatake ako ng trauma ko ay hindi niya ako pinabayaan. "Bakit may d-dugo ang kamay mo?" isang hakbang paatras ang ginawa ko. Gusto kong tingnan ang kamay niya pero ang dugo ang tumigil sa akin. Bigla na lang bumalik sa isip ko ang isang pangyayari. I was at my room noong pumasok ang mga tauhan ni Koen at sinimulan nila akong paluin ng isang bakal. Normal na iyon para sa akin dahil walang araw ang lumilipas
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more
CHAPTER 5
Alora's POV Dumaan ang ilang linggo na hindi kami nagpansinan dahil sa naging pag-uusap namin sa kwarto ko. Actually, ako ang hindi pumapansin sa kanya. "Bakit ang dilim at bakit ang daming kandila dito sa garden?" tanong ko kay Stella na siyang nagdala sa akin dito pero hindi siya sumagot bagkus tinulak niya lang ako papunta sa mga kandilang nakatusok sa damo. Hindi naman araw ng mga patay ngayon kaya bakit may ganito sa bahay ni Azrael? Habang humahakbang ako ay mas dumarami ang mga kandila sa paligid hanggang sa matanaw ko si Azrael sa may duyan. "Anong meron?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto niya. "You've been ignoring me for almost a month so I did this." Tinuro pa niya ang mga kandila at inabot ang kumpol ng bulaklak na hawak niya. "Akala ko araw ng mga patay, ang dami kaseng nakatirik na kandila." Natawa siya sa sinabi ko at nakarinig din ako ng tawa mula sa loob ng bahay. "Sorry kase hindi ko sinabi sayo yung about sa pagiging mafia ko. Alam ko
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more
CHAPTER 6
Alora's POV Nakatakas kami sa lugar na iyon dahil na rin sa hidden exit na alam ni Azrael. Marami rin ang nasugatan at natamaan sa mga tauhan ni Azrael pero nanalo naman sila sa mga tauhan ni Koen. "Simula noong sinabi mo ang pangalan niya, hinigpitan ko pa lalo ang pagmamasid sa bawat galaw at negosyo nila." panimula niya habang naglalakad papunta sa sofa at nakasunod lang ako sa kanya. "Especially him, alam kong kapag gusto niya ang isang bagay hindi niya iyon susukuan and I was very sure that he will come after you and I was right." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil pinapayagan niya akong lumabas ng bahay at mag-enjoy kahit alam niyang delikado ang lagay ko. "Alam kong malaking risk ang ginagawa ko sa bawat araw na isinasama kita sa labas pero gusto ko lang mag-enjoy ka. Kasama mo naman ako, I will protect you." Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ko lang iyon. Oo nga at kasama ko siya pero paano na lang kung hindi kami makatakas
last updateLast Updated : 2025-01-21
Read more
CHAPTER 7
Alora's POV Nagising ako dahil bigla ko na lang naramdaman na nasusuka ako kaya naman tumakbo ako agad papunta sa cr. Ilang araw nang ganon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at hindi ko rin naman masabi kay Azrael dahil busy siya masyado sa trabaho. "Manang meron po bang mangga diyan?" tanong ko pagkababa ko sa pero umiling lang ang taga-luto. Bumalik na lang akonsa kwarto ko at bumaba lang ulit noong kakain na ako ng hapunan. Kakain na sana ako pero noong maamoy ko ang steak ay bigla na lang akong naduwal kaya todo takbo na naman ako sa cr. Ano bang nangyayari sa katawan ko? "Asan si Azrael?" tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Azrael noong makalabas na ako ng cr. Hindi ko siya kilala. Hindi ko naman memoryado ang mga pangalan nila dahil sa sobrang dami ng tauhan ni Azrael. Umiling lang siya at sinabing maaga na nagpunta sa trabaho ang boss niya. Pumunta na lang tuloy ako sa kusina para sabihin kay Manang na dalhin na lang ang pagkain ko sa kwa
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more
CHAPTER 8
Alora's POVTatlong araw na simula noong nalaman kong buntis ako at wala pa ring nakakaalam maliban sa akin. Hindi pa rin umuuwi sa bansa si Azrael at habang tumatagal ay mas dumadami rin ang tauhan niya dito sa bahay. "Manang may boiled egg po ba diyan?" Kakapasok ko lang sa kusina at ibinigay naman agad sa akin ni Manang ang hinihingi ko. Dinampot ko rin ang ketchup at dinala iyon sa kwarto ko. Doon sa may veranda kinain ko ang dala kong boiled egg habang sinasawsaw iyon sa ketchup. Maganda ang view doon pero mas agaw pansin ang mga tauhan ni Azrael na nagkakalat sa kahit saang parte ng bakuran."Calem kailan ba uuwi si Azrael?" inip kong sabi, hindi ko alam pero naiinis ako. "Hindi pa raw naayos yung problema kaya hindi pa rin sure kung kailan siya makakauwi." Nakakainis naman ang boss niya. Parang walang iniwang pamilya dito sa pinas! Sabagay hindi naman pala ako ang tunay niyang asawa kaya wala akong karapatang magreklamo. Dumaan pa ang mga araw pero wala pa ring Azrael na u
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more
CHAPTER 9
Alora's POVNapatampal ako sa aking noo noong makita hindi nga nagbibiro kagabi si Azrael. Pinalitan niya nga ang hadgan ng escalator. Nagmukha tuloy mall ang bahay!"Oa mo naman, pwede namang hindi mo na palitan mag-iingat na lang ako sa susunod. Sayang ang pera." Tinignan niya ako. "Walang nasasayang na pera kung ginagamit ko iyon para protektahan ka." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya hindi ko maiwasang mag-isip. Ganito rin ba siya sa totoong Alora? Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-aalala niya, ang bawat pag-aaruga, ang bawat kilos niya na para bang pinaparamdam sa akin na espesyal ako pero hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Para ba talaga sa akin ang pag-aalala na iyon o para sa babaeng may-ari ng pwesto na kinatatayuan ko? Minsan ay hindi ko alam kung saan ako lulugar pero minsan rin nararamdaman kong ito talaga ang pwesto ko. Nakakalito kase dahil sa kilos na binibigay ni Azrael sa akin pero mas nakakalito d
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more
CHAPTER 10
Alora's POVSa pader kung saan namin kinuha ang picture na siyang unang masisilayan kapag pumasok ka sa bahay ay doon inilagay ang litrato namin ni Azrael. Nakalagay iyon sa kulya ginto na frame at isinabit doon."Do you like it?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Azrael. Hindi ako tumingin sa kanya dahil ang atensyon ko ay nasa litrato naming dalawa. Masaya pareho ang ekspresyon sa mga mukha namin. Ang titig sa bawat isa ay tila ba kaming dalawa lang ang tao sa mundo kaya naman hindi ko maiwasang nakaramdam ng kakaibang saya."Yung sunod na picture natin saan na ilalagay?" Sobrang laki kase nitong unang picture namin kaya naman wala nang masyadong space ang pader. Kung gagawin talaga namin ang sinabi niya na magpi-picture kami gamit ang iba't-ibang traditional na damit ng bawat bansa ay hindi ko alam kung saan niya ilalagay ang mga iyon."Marami namang parte ang bahay natin. Ilalagay natin sa bawat sulok para palagi mong makita ang gwapo kong mukha," proud niyang sabi lalong-lal
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status