Alora's POV
Dumaan ang ilang linggo na hindi kami nagpansinan dahil sa naging pag-uusap namin sa kwarto ko. Actually, ako ang hindi pumapansin sa kanya. "Bakit ang dilim at bakit ang daming kandila rito sa may pool?" tanong ko kay Stella na siyang nagdala sa akin dito pero hindi siya sumagot bagkus tinulak niya lang ako papunta sa mga kandilang nakatusok sa damo na nagbibigay ng liwanag sa daan patungo sa garden. Hindi naman araw ng mga patay ngayon kaya bakit may ganito sa bahay ni Azrael? Habang humahakbang ako ay mas dumarami ang mga kandila sa paligid hanggang sa matanaw ko si Azrael sa may duyan. "Anong meron?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto niya. Ang unang pagkakataon na pinansin ko ulit siya. "You've been ignoring me for almost a month so I did this." Tinuro pa niya ang mga kandila at inabot ang kumpol ng bulaklak na hawak niya. Tumingin lang ako sa kanya at nanahimik ulit. "Sorry kase hindi ko sinabi sayo yung about sa pagiging mafia ko. Alam kong ayaw mo sa mga taong ganon dahil sa naranasan mo pero sana bigyan mo ako ng chance," seryoso niyang sabi. "I know this may be a commom phrase said by mens pero alam kong kaya kong patunayan na hindi ako tulad ng iba at hindi niya ako katulad." Hindi naman iyon ang talagang inaalala ko. "Paano kapag nahuli ka?" nag-aalangan ko pang sabi. Paano kung mahuli siya tapos balikan ulit ako ni Koen, ang lalaking nanakit sa akin. "We Alcazar's are hard to catch and hard to tame. Remember that my wife." ngumiti pa siya habang sinasabi iyon. Hinigit niya rin ako palapit sa kanya, kakaibang pakiramdam ang namuo sa damdamin ko. Hindi takot, kaba at galit kundi masayang pakiramdam na ayokong lagyan ng pangalan. "Can I?" Bumalik na kami sa loob ng bahay at andito kami mismo sa kwarto ko. Dahan-dahang naglapit ang mga labi namin nang tumango ako. It was gentle and comfortable and it sends tickles to my stomach not fear. Lumalim din iyon na hanggang sa naghabol na kami ng hininga. Akala ko ay hanggang doon lang iyon hanggang sa ihiga niya ako sa kama. Hindi niya ako pinilit, maingat ang bawat galaw niya. Kada haplos niya ay may permiso ko kaya rin siguro walang takot na dumadaloy sa kalamnan ko. I was afraid of doing this kind of thing kase inabuso ako sexually but doing it with him was like a feeling na hindi ko alam na nag-e-exist pala. Yung pakiramdam na hindi pilit, bawat haplos ay iniingatan at bawat halik ay sagad at may pagmamahal. Yung tipong ang bawat salitang lumalabas sa bibig naming dalawa ay tila ba nagiging musika. "Thank you for accepting me." Nakahiga na siya ngayon sa tabi ko at yakap namin ang isa't-isa. "Just promise me one thing, don't kill someone." Iyon lang ang gusto ko na gawin niya pero alam kong mahirap gawin iyon dahil iyon ang trabaho niya maliban sa kompanya niya. "I won't promise it pero ito lang ang maipapangako ko sayo. I will try to not kill someone." Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. "Pero kung si Koen na ang pinag-uusapan natin. Ang lalaking umabuso sayo at ang kaaway ko, ibang usapan na iyon." Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha ko at inilagay iyon sa likod ng aking tainga. "Hindi ako mangingialam sa usapang iyan. Sayo ko ibibigay ang hatol sa isang 'yan." sabi ko na ikinatawa naman niya at kinurot pa ang pisngi ko. "Sinasamba mo pa yan kanina tapos ngayon kinukurot mo na!" Bigla niyang hinalikan ulit ang pisngi ko bago nag-sorry na ikinatawa lang naming dalawa. Hindi ko lubos na maisip na mararamdaman ko itong klaseng emosyon sa kanya pero anong magagawa ko kung andito na? Umuusbong na at ayaw pang magpapigil. Bumalik ulit kami tulad ng dati matapos iyon. Sabay na ulit kaming kumakain at sa kwarto ko din siya minsan natutulog. Akala niya siguro ay makaka-score ulit siya kapag ginawa niya iyon. Well, minsan nakaka-shoot nga siya. Nagba-bonding na rin ulit kami sa labas. "Rule number 1, huwag kang bumili ng mga hindi naman natin gagamitin." Ni-recite ko sa kanya ang mga rules na ginawa ko. Baka kase bumili na naman siya ng kung ano-ano lang. Iyong mga binili nga niya dati ay nasa bahay pa rin at hindi pa nagagamit iyong iba. Mabuti nga ngayon ay nakikinig na siya sa akin kaya naman mas madali na kaming mag-shopping. "Wife, alam kong gutom ka na ngayon pero huwag na huwag kang lilingon." Nagtataka man sa sinabi niya ay ginawa ko pa rin iyon lalo na noong sabihin niyang hawakan ko ang kamay niya. "On the count of three we will run, okay?" Tumango-tango ako nagtataka pa rin sa sinasabi niya. "One... Two... Three!" Mabilisang takbo ang ginawa namin at ilang segundo matapos naming tumakbo ay narinig ko ang putukan ng mga baril. "Dito tayo dumaan. No one knows about this exit." Sumunod lang ako sa kanya kahit nanghihina na ang tuhod ko sa ingay ng mga baril. "Anong nangyayari?!" sigaw ko sa kanya. "He is here, Koen is here. I'll explain to you everything kapag nakauwi na tayo. For now, let's focus on surviving." Nakinig ako sa kanya. Pinalakas ko ang mentalidad ko kahit sobrang takot ang nararamdaman ko. Pangalan pa lang ng lalaking iyon ay nasusuka na ako pero dahil kasama ko si Azrael I also feel safe for some reason.Alora's POV Nakatakas kami sa lugar na iyon dahil na rin sa hidden exit na alam ni Azrael. Marami rin ang nasugatan at natamaan sa mga tauhan ni Azrael pero nanalo naman sila sa mga tauhan ni Koen. "Simula noong sinabi mo ang pangalan niya, hinigpitan ko pa lalo ang pagmamasid sa bawat galaw at negosyo nila." panimula niya habang naglalakad papunta sa sofa at nakasunod lang ako sa kanya. "Especially him, alam kong kapag gusto niya ang isang bagay hindi niya iyon susukuan and I was very sure that he will come after you and I was right." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil pinapayagan niya akong lumabas ng bahay at mag-enjoy kahit alam niyang delikado ang lagay ko. "Alam kong malaking risk ang ginagawa ko sa bawat araw na isinasama kita sa labas pero gusto ko lang mag-enjoy ka. Kasama mo naman ako, I will protect you." Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ko lang iyon. Oo nga at kasama ko siya pero paano na lang kung hindi kami makatakas?
Alora's POV Nagising ako dahil bigla ko na lang naramdaman na nasusuka ako kaya naman tumakbo ako agad papunta sa cr. Ilang araw nang ganon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at hindi ko rin naman masabi kay Azrael dahil busy siya masyado sa trabaho. "Manang meron po bang mangga diyan?" tanong ko pagkababa ko sa pero umiling lang ang taga-luto. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at bumaba lang ulit noong kakain na ako ng hapunan. Kakain na sana ako pero noong maamoy ko ang steak ay bigla na lang akong naduwal kaya todo takbo na naman ako sa cr. Ano bang nangyayari sa katawan ko? "Asan si Azrael?" tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Azrael noong makalabas na ako ng cr. Hindi ko siya kilala. Hindi ko naman memoryado ang mga pangalan nila dahil sa sobrang dami ng tauhan ni Azrael. Umiling lang siya at sinabing maaga na nagpunta sa trabaho ang boss niya. Pumunta na lang tuloy ako sa kusina para sabihin kay Manang na dalhin na lang ang pagkain ko sa kwar
Alora's POV Tatlong araw na simula noong nalaman kong buntis ako at wala pa ring nakakaalam maliban sa akin. Hindi pa rin umuuwi sa bansa si Azrael at habang tumatagal ay mas dumadami rin ang tauhan niya dito sa bahay. "Manang may boiled egg po ba diyan?" Kakapasok ko lang sa kusina at ibinigay naman agad sa akin ni Manang ang hinihingi ko. Dinampot ko rin ang ketchup at dinala iyon sa kwarto ko. Doon sa may veranda kinain ko ang dala kong boiled egg habang sinasawsaw iyon sa ketchup. Maganda ang view doon pero mas agaw pansin ang mga tauhan ni Azrael na nagkakalat sa kahit saang parte ng bakuran. "Calem kailan ba uuwi si Azrael?" inip kong sabi, hindi ko alam pero naiinis ako. "Hindi pa raw naayos yung problema kaya hindi pa rin sure kung kailan siya makakauwi." Nakakainis naman ang boss niya. Parang walang iniwang pamilya dito sa pinas! Sabagay hindi naman pala ako ang tunay niyang asawa kaya wala akong karapatang magreklamo. Dumaan pa ang mga araw pero wala pa ring Azrae
Alora's POV Napatampal ako sa aking noo noong makita hindi nga nagbibiro si Azrael. Pinalitan niya nga ang hadgan ng escalator. Nagmukhang mall tuloy ang bahay! "Oa mo naman, pwede namang hindi mo na palitan mag-iingat na lang ako sa susunod. Sayang ang pera." Tinignan niya ako. "Walang nasasayang na pera kung ginagamit ko iyon para protektahan ka." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya hindi ko maiwasang mag-isip. Ganito rin ba siya sa totoong Alora? Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-aalala niya, ang bawat pag-aaruga, ang bawat kilos niya na para bang pinaparamdam sa akin na espesyal ako pero hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Para ba talaga sa akin ang pag-aalala na iyon o para sa babaeng may-ari ng pwesto na kinatatayuan ko? Minsan ay hindi ko alam kung saan ako lulugar pero minsan rin nararamdaman kong ito talaga ang pwesto ko. Nakakalito kase dahil sa kilos na binibigay ni Azrael sa akin pero mas nakakalito
Alora's POV Sa pader kung saan namin kinuha ang picture na siyang unang masisilayan kapag pumasok ka sa bahay ay doon inilagay ang litrato namin ni Azrael. Nakalagay iyon sa kulay ginto na frame at isinabit doon. "Do you like it?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Azrael. Hindi ako tumingin sa kanya dahil ang atensyon ko ay nasa litrato naming dalawa. Masaya pareho ang ekspresyon sa mga mukha namin. Ang titig sa bawat isa ay tila ba kaming dalawa lang ang tao sa mundo kaya naman hindi ko maiwasang nakaramdam ng kakaibang saya. "Yung sunod na picture natin saan na ilalagay?" Sobrang laki kase nitong unang picture namin kaya naman wala nang masyadong space ang pader. Kung gagawin talaga namin ang sinabi niya na magpi-picture kami gamit ang iba't-ibang traditional na damit ng bawat bansa ay hindi ko alam kung saan niya ilalagay ang mga iyon. "Marami namang parte ang bahay natin. Ilalagay natin sa bawat sulok para palagi mong makita ang gwapo kong mukha," proud niyang sabi lalong
Alora's POV"Punta tayo sa garden Ma'am," pag-aaya sa akin ni Shella. Kakabalik lang nila ngayong araw galing sa day-off nila kaya naman pumayag ako agad dahil na-miss ko rin silang kausap. Nagulat nga lang ako dahil mula sa labas ng kwarto ko hanggang sa elevator, sa pinto at sa may swimming pool ay mayroong mga tauhan ni Azrael. Lahat sila ay nakayuko at nakainat ang kanang kamay sa iisang deriksyon at ang kaliwang kamay naman ay nakatapat sa dibdib nila. Yung tipong kapareho sa napapanood ko sa TV kapag bumabati ang isang kawal sa pinagsisilbihan nila.Nagtataka man ay patuloy pa rin akong naglakad. Nakasunod pa rin sa akin si Shella hanggang sa makarating kami sa harden. Doon may isang lamesang puno ng pagkain at may kandila sa gitna nito— hindi lang basta kandila dahil may design iyon, yung parang kapareho sa nasa beauty and the best. "Upo ka po." Iniusog ni Shella ang upuan at naupo naman ako doon. Tumingin ako sa kanya ng nagtatanong pero hindi siya sumagot bagkus isang kanta
Alora's POVFLASHBACKSa tuluyang pagmulat ng mga mata ko ay mga lalaking naka-itim ang bumungad sa akin at mga babaeng may nakataling tela sa bibig tulad ko. Inilibot ko ang paningin ko at sigurado akong hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin alam kung anong oras na ngayon dahil madilim dito sa kinalalagyan namin at kaunting sinag lang ng liwanag ang nakakapasok mula sa labas. "Teka saan niyo kami dadalhin?!" sigaw ko nang bigla na lang kaming pilitin na tumayo ng mga lalaki at kinaladkad papunta sa kung saan. Naisubsub ko ang mukha ko dahil sa lakas ng tulak nila pero pinilit kong itayo ang katawan ko na hindi ko naman kinaya kaya napaluhod ako habang ang ibang mga babae ay nakasubsub pa rin sa sahig.Nasa isang kwarto ata kami dahil may isang kama sa gilid at sofa naman kung saan may nakaupong lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya nang maayos dahil sa kadiliman ng kwarto pero alam kong pinagmamasdan niya kami isa-isa base sa galaw ng ulo niya. Tinitigan ko ang lalaki na
Alora's POV FLASHBACK "Gusto kitang angkinin pero pipigilan ko muna ang sarili ko. Maghanda ka na dahil ikakasal na tayo." Gusto kong matawa sa isip ko noong marinig ang sinabi ng lalaking ito. Matapos niyang abusin ang pagiging babae ko ay inaakala niyang papayag ako na magpakasal sa kanya? Ha! Nakahithit ba siya?!Hindi ko siya sinagot at tinaponan man lang ng tingin. Nanatili akong nakaupo sa kama habang mahigpit ang hawak sa damit at short ko. "Babalik ako dito siguraduhin mong nakaayos ka na." Hinayaan ko siyang lumabas pero hindi ako kumilos. Bakit ako mag-aayos? Pumayag ba akong ikasal sa kanya? Sa tingin din ba niya makakapag-ayos ako sa kalagayan ko? Sinaktan ako ng mga tauhan niya, ginahasa niya ako sapat na iyon upang kamuhian ko silang lahat!Bumalik nga si Koen sa kwarto ko pero ganoon pa rin ang posisyon ko. Nagulat ako dahil sa galit na sigaw niya pero pinilit kong lakasan ang loob ko at hindi umiyak. Hindi ko nga lang napigilan ang mga luha ko noong umibabaw siya
Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang
Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin
Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi
Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b